Vampire's Menu [ Unedited ]

By bleedforsilver

3.5K 392 27

When Prim got kicked out from her apartment, she met a vampire named Tojan by coincidence-or so she thought... More

Prologue
Chapter 1 Welcome
Chapter 3 Beauty
Chapter 4 Rules
Chapter 5 Rage
Chapter 6 Thirst
Chapter 7 Purple
Chapter 8 Prince
Chapter 9 Dance
Chapter 10 Hypnotism
Chapter 11 Doubt
Chapter 12 Death
Chapter 13 Kiss
Chapter 14 Subtle
Chapter 15 Roulette
Chapter 16 Answer
Chapter 17 Favor
Chapter 18 Feelings
Chapter 19 Tension
Chapter 20 Admirer
Chapter 21 Decision
Chapter 22 Cake
Chapter 23 Vandivic
Chapter 24 Relief
Chapter 25 Fireflies
Chapter 26 Stolen
Chapter 27 Cousin
Chapter 28 Lielow
Chapter 29 Submission
Chapter 30 Choice
Chapter 31 Pain
Chapter 32 Deal
Chapter 33 Spy
Chapter 34 Threat
Chapter 35 Lost
Chapter 36 Arena
Chapter 37 Torture
Chapter 38 Escape
Chapter 39 Fate
Chapter 40 Covenant
Chapter 41 Key
Epilogue

Chapter 2 Security

70 10 0
By bleedforsilver

Prim's pov

KABUNTOT ko si Trojan nang pumasok ako sa school kinabukasan. Agaw atensyon tuloy siya sa mga kaklase kong daig pang hinagisan ng ipis sa pag tili.

"Kailangan ba talaga na samahan mo pa ko hanggang dito?"

"Kapag pinabayaan kita. 6 na bampira ang ha-hunting sa'kin."

"Sina Gunther ba?"

"Bakit ba ang dami mong tanong?"

"Alam mo ba yong salitang curiosity?"

"Kunwari hindi mo 'ko nakikita at maglakad ka na lang. Oh mas gusto mo pang pinagtitinginan nila tayo?"

"Vampire ka, natural na magkagulo sila. Hindi mo ba alam na sa campus na 'to, lahat nangangarap magkaron ng boyfriend na vampire?"

"So?"

"Anong so? Vampire ka, eh di sikat ka."

"Hi, Prims!" kaway sakin ng maarte kong kaklase, "Ipakilala mo naman kami sa kasama mo."

"Oo nga, hello Mr. Vampire.. bagay sa'yo ang coat mo."

"Pano mo siya naging alalay?" Tukoy sa'kin ng ikatlo.

"Hindi ninyo ba nakikitang ako ang alalay niya?" pagtatama ni Trojan.

Nanlaki ang mata ng mga ito at hindi makapaniwalang naglipat-lipat ng tingin sa'min.

"P-pano nangyari? Kahapon lang napalayas ka sa apartment mo, di ba? Balitang-balita sa campus!"

"Oo nga, tapos ngayon may alalay ka na?"

"Mr. Vampire, nagbibiro ka lang di'ba? Pano naman magiging alalay ng looser na 'to ang isang upper class?"

Ayon lumabas din ang tunay na kulay. Kanina kung maka "Hi" akala mo close na close kami!

"Pwede ba kayong tatlo, tantanan ninyo 'ko? Eh ano kung kalat na sa campus na napalayas ako? Mga tsismosa! Wala kayong pakialam!" Inis kong sabi.

Nagtawanan ang mga ito.

"Hmm, I smell something fishy.." ngisi nito, "Sabihin mo nga, magkano mo nabenta ang sarili mo sakanya?"

Uupakan ko na sana siya pero naunahan ako ni Trojan. Isang kisap mata ay hawak na niya ito sa leeg.

"M-mr. Vampire a-anong ginagawa mo?!" Nahintakutang sabi ng isa.

"Hhmmmmp, h-hindi ako m-makahinga.. mmp!"

"Prim!" Nanginginig na agaw sa kamay ko ng ikatlo, "Pigilan mo siya please!"

"T-trojan.." alanganin kong sabi dahil nabigla rin ako, "Bitawan mo na siya. Tama na yan!" alanganin kong awat, "Baka may magreport sa'yo sa vp.." bulong ko.

Saka niya ito pinakawalan.

Umuubo itong umupo na dinaluhan ng dalawa pa.

"Halika na nga!" Hila ko sakanya.

Nang makalayo kami ay saka ko siya kinompronta.

"Nakalimutan mo na bang nasa loob ka ng Campus?! Bakit mo ginawa yon? Sa susunod, wag ka nalang makikialam sakin pwede?!"

"Wag makialam?" lapit niya sakin, "Masyadong matabil ang bibig ng babaeng yon! Dapat sa katulad niya pinapatahimik habangbuhay!"

Nanlambot ako sa sinabi niya. Hindi na siguro ako dapat magtaka na marinig yon mula sa isang assasin na katulad niya.

"P-pati ba naman estudyante, papatulan mo pa?"

"Iniisip niyang binili kita. Napakalaking insulto non sakin."

Maang ako.

Kung ganon ginawa niya yon hindi para ipagtanggol ako, kundi dahil nasaktan ang ego niya sa sinabi nito.

Nag-iwas ako ng tingin sa kahihiyan.

"Kung gusto kitang makuha, makukuha kita. Di ko kailangang gumamit ng pera." Lapit niya ng mukha sakin.

Napalunok ako nang mapasandal ako sa pader sa likuran ko.

Kisap ang isinagot ko sakanya. Saglit akong nanahimik bago siya pumitik sa hangin.

"Ano na?" basag niya, "Tutulala ka nalang ba dyan?"

Saka ko nalang naalala na malapit nang magstart ang first class. Napatakbo ako paakyat ng hagdan.

Bakit ko nga ba ieexpect na ipagtatanggol niya ko? Kahapon lang kami nagkakilala. Isa pa vampire siya, natural lang na wala siyang pakialam sa'kin. Baka dahil lang talaga kay Gunther kaya siya narito.




KUNG anu-ano pang narinig ko nang makarating kami sa classroom. Ang dami talagang bored sa buhay sa mga buhay nila. Para silang mga bubuyog na nagsasalit-salitan sa tainga ko.

Sa totoo lang nasasaktan ako, nawalan na nga ako ng tirahan ganon pa sila. Parang mas masaya pa silang makita ako sa lansangan.

Pero hindi ko rin naman sila masisisi na magduda dahil kakapalayas pa lang sakin sa apartment kaya ano pa bang maiisip nila? Syempre dapat nagpapalaboy na ako ngayon.

Sa halip, pumasok ako na may kasamang vampire?

"Are you one of my student?"

Natahimik ang klase nang dumating na ang teacher namin.

"No, pero kailangan ako ni Prim."

Umugong ang bulungan sa classroom.

"We are not allowing an outsider na pumasok sa campus, lalu na't isang bampira. Baka magpanic ang mga estudyante.."

Natawa siya.

"Mukha ba silang nagpapanic?" Tukoy ni Trojan sa mga classmate kong babae na naglalaway at namumuso ang mga mata.

"I still suggest na hintayin mo nalang si Miss Prim sa labas kung ayaw mong tumawag ako ng security."

Nakapamulsa siyang lumakad habang tinitigan ang matanda at saka tila may binulong rito.

Ilang saglit pa nakangiti na ito nang lumayo siya at kumindat sakin.

"Para san yon?" bulong ko.

Pumwesto siya sa may bintana sa gilid ko at prenteng umupo don. Isang tulak ko lang sakanya, lalagapak siya pababa sa lupa.

Nasa 4thfloor ang classroom namin kaya mataas-taas din ang babagsakan niya kung sakali. Ngunit tila wala siyang pakialam don.

Hindi na siya pinansin ng teacher mula non na sobrang ipinagtaka ko. Lumipas ang oras at natapos na ang first period. May ilan na pinagkaguluhan siya at inusisa.




"ANONG ginawa mo kanina?"

Nasa may grandstand kami sa pinakataas. Don niya ako dinala nang matakasan namin yong mga classmate kong linta.

"Sinabihan ko lang ang teacher mo na bayaran ko siya ng doble o higit pa sa sweldo niya. Basta hayaan lang niya akong nakabantay sa'yo."

"Ang akala ko hinipnotize mo s'ya."

"Hindi ko pwedeng gawin yon sa loob ng campus."

"Sabagay," kibit balikat ko, "Maiba ako. Yung tungkol nga pala sa Cafe. Ano ba talagang mayron don at kontra ka sa pag stay ko don?"

"Di ko sasagutin."

Napabuga ako ng hangin, "Kung ayaw mo talaga na magstay ako, wag mo nang pilitin ang sarili mo, sanay na akong mag-isa."

"Kinagat ka na ni Gunther, kaya wala na akong choice."

"Huh?"

"Go signal yun para sa game."

"Game?"

"Sabihin nalang natin na dahil sa isang uri ng lason mula sa pangil niya, mas habulin ka ngayon ng mga bampira. Mas mabango na ang dugo mo kumpara sa mga ordinaryong tao. Kaya kailangang protektahan kita hanggang makontento ang butlers."

"Lason?"

"Kasama sa trabaho ko ang manahimik. Yon lang ang pwede kong sabihin sayo sa ngaㅡ

Naputol siya nang magring ang phone niya.

"Cut your class at 3pm. Iuuwi kita ng maaga sa Cafe." balik niya matapos sagutin ang tawag.

"Bakit?"

"May importante akong gagawin, hindi kita maiiwang mag-isa rito sa campus. Ipapasundo kita kay Ross."

"Pwede akong maiwan dito. Gawin mo na ang gagawin mo. Sineseryoso mo naman ng husto ang pagbabantay sakin.." nguso ko.

"Kung alam mo lang kung gaano kaseryoso ang sitwasyon."

"Pano ko malalaman eh ayaw mong sabihin?"



"INUMPISAHAN mo ng wala ako?" Clev

"Makikilala mo rin naman siya mamaya. At kahit wala ka, may puntos ka na agad dahil kwarto mo ang napili niya." Gunther.

"Mahihirapan ako sakanya." dausdos ng daliri ni Ross sa wine glass. "Napakaboring ng fashion niya, halatang wala siyang kahilig-hilig sa magagandang damit at sapatos." dismayado nitong ininom ang laman non.

"Hindi pa nga nag-uumpisa hopeless ka na. This year, I think magiging unpredictable ang resulta." Tangent.

"Nagbackground check ako sakanya and according to my research. Independent siya matagal na. Palipat-lipat siya ng apartment. At nagpapart time job, kahit ano basta may oras siya."

"And the parents?" Clev.

"Shes an orphan. Takas sa ampunan. Namatay na yong huling kumupkop sakanya kaya mag-isa na lang siya."

"I can use my money to win this." ngisi pa nito.

"Kung lumaki siyang independent, hindi magiging madali ang suhulan siya ng pera. Siguradong mas mataas pa ang ego niya sa'yo Clev." komento ni Tangent.

"Kung hindi pera o mga damit ang makakakuha ng interes niya, siguradong sa mga luto ko siya mabibihag." Pasok ni Indigo sa salas. "May polo match pa raw si Empire kaya male-late siya ng dating."

"Mabuti nalang at sa wakas igi-give up mo na ang cafe.." Tangent kay Gunther.

"Nataon lang na iba sa napag-usapang muse ang nakuha ko." tugon nito, "Sigurado namang akong, ako ulit ang mananalo kaya pagbibigyan ko kayo this time."

"Dahil kay Lady Prim nakalusot sa kamatayan ang mayabang na anak ng neurologist na yon." tukoy ni Ross sa orihinal na muse na napili nila.

"May next year pa naman eh, for now lets see how this game would end." Gunther

"Pansin ko lang malaki ang simpatya ni Trojan sakanya." Ross.

"Hindi niya ugali ang makialam sa libangan natin, kung ano lang inutos sakanya, yun lang ang gagawin niya." Gunther

"Ever since, siya ang nagbabantay ng napipilin nating muse," si Tangent, "Imposibleng makonsensiya pa siya."

"What if you're wrong?" Ross.

"Si Prim ang pinakabata na naging muse ng Cafe." balik ng kausap, "Baka yon ang dahilan kaya ganon ang kilos ni Trojan."

Ngumisi si Clev.

"What is it?" puna ni Indigo.

"Mas bata, mas madaling i-spoiled." sagot nito.

"Depende pa rin yon sa personality, hindi tayo sigurado dyan." Gunther.

"Sapalagay mo sinong mananalo?" Ross.

Nag-isip saglit si Gunther, "Either Empire or Tangent." hula nito.

Tumayo si Tangent at nagbow sakanila.

"Palagay ko, kung hindi man ako. Si Indigo na yon.." buhat bangko ni Ross.

"Goodluck sa inyo." Clev, "Sa'kin siya mapupunta."

"Alright tapos na ang meeting na 'to, may mga VIP tayo na nakabook today. Sila muna ang asikasuhin natin." Tinapik-tapik ni Gunther ang palad.

+++

NAKAPAGCUT nga ako ng hapong yon dahil na rin sa demand ni Trojan. Pero busy daw ang Cafe kaya hindi ako nasundo ni Ross. Commute kaming dalawa, dahil motor ang dala niya at ayaw naman niya akong iangkas. Naiwan yon sa isang park center.

Tahimik lang siya sa tren habang nakatutok sa phone niya. Parang may mga information siya na pinag-aaralan. Samantalang nailang naman ako sa magjowang nasa tapat lang namin.

"Dito pa talaga sa labas nagkakagatan.." bulong ko.

"May sinasabi ka?" lingon sakin ni Troj.

"Huh, ah.. w-wala.." Tapos napatingin siya sa couple na tinititigan ko sabay ngisi sa'kin.

"Ngayon ka lang ba nakakita ng bampirang nakikipaglandian in public?" Nang aasar na tono niya.

"Wag ka ngang usisero.." mahina kong sagot.

Ngunit nakatunog ang dalawa na pinapanood namin sila. Napamulagat ako ng ngisian ako nung lalaki at gumapang ang kamay nito sa hita ng girlfriend.

Napatayo ako dahil sa pagkailang at nag-iwas ng tingin.

"San ka pupunta?" Hagip ni Trojan.

"L-lipat ng upuan.." sabi ko dahil hindi ko na kayang panuorin kung ano pang balak gawin nong dalawa.

Bakit naman kasi iilan lang kaming pasahero.

"Hoy!"

Napalingon ako sa pag-aakalang ako yong tinatawag niya.

"Nakita nyo nang may estudyante kayong kaharap, hindi pa kayo tumigil sa paglalandian?!" sita niya sa mga ito.

"Naiingit ka lang ata eh. Ano naman kung estudyante siya?"

Iiling-iling na tumayo si Trojan, halatang nairita siya sa sagot nito.

"Naiinggit ba kamo?"

Pinigil ko siya dahil nahulaan ko nang hahamunin niya ito ng away. Sakto naman na nasa station na kami kaya huminto yon at bumukas ang pinto. Tinapik ko siya at niyayang lumabas. Inis siyang nagpatiuna.

Continue Reading

You'll Also Like

45.5K 710 37
This story contains of shockable scenes and vulgar words,... Read at your own risk.
160K 3.3K 44
#1 in Writing NO MAN WANTS TO PUT HER WOMAN IN DANGER. But for him, being weak is not on his vocabulary. Her woman experience so much pain on her pas...
190K 7K 60
Tatiana Grace Mendoza, renowned for her fearlessness on the battlefield, faces a new challenge when she encounters a pair of siblings. Will her resol...
21.3M 545K 37
"Do you want to be his favorite obsession?" DAHIL sa isang trahedya, ikinubli ni Virgo ang kagandahang taglay. Itinago niya iyon sa pamamagitan ng pa...