So, It's You

By CalysLee

221 21 10

I'd been so fed up with my stressful life as a high school teacher. Paano kasi, favorite akong pagdiskitahan... More

So, It's You
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11

CHAPTER 4

22 2 4
By CalysLee

"O, BAKIT nandito ka pa't nagpapakalat-kalat, Kia? 'Di ka pa ba late sa flight mo?"

Hindi ko pinansin ang sunod-sunod na tanong ni Zeph at nagpatuloy lang ako sa pagtakbo. Six AM na noon at bahagya nang sumisilip ang papasikat na araw sa hilera ng mahabang kabundukang nakapalibot sa maliit na village namin. The sky looked promisingly clear—perfect sign para kay Mommy na maglalaba ngayon.

Magkakahalong ingay ang maririnig sa paligid. There were birds singing above those tall Gmelina trees that surrounded the whole place. Sumasabay rin doon ang pamilyar na tunog ng bell sa bisikleta ni Manong Caloy na kanina pa iniikot ang buong Zabali para maglako ng mainit-init pang pandesal. It was a busy Sunday morning. Maaga pa lang pero buhay na buhay na ang paligid dahil sa mga residenteng nagsisimula na sa kani-kanilang mga gawain.

I inhaled. Pinuno ko ng malamig at sariwang pang-umagang hangin ang lungs ko at itinodo ang volume ng music sa phone na nasa bulsa ng suot kong running shorts. I continued running until I was out of breath. Tagaktak na rin ang pawis ko pero hinayaan ko lang tumulo iyon. Umaasa akong sasamang umagos doon ang indifference na dama ko pa rin hanggang ng mga oras na iyon.

Ten days nang nakararaan mula nang ibagsak ni Evil Brenda ang masamang balitang hindi ako matutuloy sa Singapore. And today was supposed to be my flight. Very excited pa naman ako when I informed my parents and even Zeph about it. I promised them that I would stroll around and would bring souvenirs once I came back. But sadly, none of it happened.

Sinayang lang naman ang efforts ko. Pinalitan ako nang wala akong kamalay-malay!

Naalala ko pa kung paanong umiyak ako nang umiyak when I came home that day. I felt cheated and disappointed. Hindi ko lubos maisip na sasayangin lang nang gano'n ang sacrifices ko. Wala naman akong naging lapses. Hindi ko kailanman hinayaang ma-compromise ang competition na iyon kahit pa sandamakmak ang trabahong ibinibigay ni Evil Brenda. At aware na aware ang letseng bruhang 'yon doon!

And Jiro...

After that meeting, I received a call from him. He said he was sorry and was really hesitant to say yes at first. When he told me about it, I knew he was sincere. Pero kapag naaalala ko ang sinabi ni Evil Brenda about him gladly accepting the mentorship, sumasakit nang husto ang puso ko. Since that day I had this doubts towards him na ayaw ko sanang maramdaman.

Mataas ang tingin ko sa kaniya. Kahit minsan hindi ko binigyan ng ibang kahulugan ang effort niyang tulungan ako as I prepared for that competition. I thought he was doing that because I really was special to him and that I also had a special place in his heart...

Pero mukhang iba ang meaning no'n sa kaniya.

The thought made my heart ache. Mula sa mabilisang pagtakbo unti-unting bumagal ako. For a moment naramdaman ko ang saglit na paninikip ng dibdib ko.

"Kaya naman pala hindi mo ako naririnig, Korean song na naman na hindi ko ma-gets ang lyrics ang nasa playlist mo."

Biglang naputol ang emotional voice ni Eunkwang sa chorus part ng Alone nang marahang kinuha ni Zeph ang isang pair ng ear pods na nakapasak sa tainga ko. Tuluyang tumigil ako saka siya nilingon.

"O, nand'yan ka pala?" painosenteng tanong ko though it was obvious that he wouldn't buy it.

"Kanina pa. Kaya nga hinabol kita, eh. Pero tinakbuhan mo ako na para bang nakakita ka ng pogi at hot na multo," mahangin na sabi niya.

Tumaas tuloy ang kilay ko saka siya inirapan. There he went again with his haughty side na wala sa timing. Masama ang tingin na hinablot ko ang ear pod na hawak niya. Mayamaya sinimulan ko nang maglakad. Pero mukhang walang balak si Zeph na itigil ang pang-uusisa niya. Maagap siyang sumunod sa 'kin.

"What happened, Kia? Akala ko ba nasa Singapore ka ngayon?"

"Hindi ako natuloy. Ibang teacher ang pumunta," kalmado pero may bahid ng hinanakit na sagot ko.

"Ano? Bakit?" sunod-sunod at hindi makapaniwalang tanong ni Zeph.

Hindi ko siya sinagot instead tahimik na nagpatuloy ako sa paglalakad. Pero hindi uso kay Zeph ang gano'ng galawan. Kaya naman ilang sandali pa nakita ko na lang ang sariling marahan niyang hinihila patungo sa pinakamalapit na bench na nakita niya. Mabilis na pinaupo niya ako roon habang nanatali siyang nakatayo sa harap ko. He crossed his arms.

"May hindi ka sinasabi sa 'kin, Kia," seryosong turan niya habang titig na titig sa 'kin.

Iniwas ko ang tingin kay Zeph at itinutok iyon sa hile-hilerang kabahayan sa harap namin. Ayaw kong mabasa niya ang tumatakbo sa isip ko. Alam kong ramdam niyang may mali sa akin the moment I tried to ignore him a while ago. He was always like that. High school pa lang kami meron na siyang invisible radar towards those emotions na pinipilit kong itago pero in the end nagagawa pa rin niyang malaman. At kahit ang tagal naming nagkahiwalay, he still had that special skill of knowing those inner secrets.

Marahas akong humugot ng malalim na hininga. Bukod kina Ellie at Raffy wala na akong ibang pinagsabihan ng nangyari ten days ago. Kapag tinatanong ako ng co-teachers ko, I just told them that I choose to withdraw from the competition due to personal reasons. For the past days pumapasok ako sa school na parang katulad pa rin nang dati. I always wore that façade—na okay at masaya pa rin ako despite what happened.

Pero actually hindi na ako okay. Kapag nakikita ko si Evil Brenda or si Jiro, sumasama nang husto ang loob ko. At ngayon hindi ko na kayang itago ang totoong nararamdaman ko. Lalo na kay Zeph na sobrang kilalang-kilala ako.

"Inalis ako ng principal sa competition," mahinang simula ko habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa mga kabahayang nasa harap ko. "Hindi ko alam ang rason niya but she told me to focus on other tasks instead. I protested and told her that it was unfair pero hindi siya nakinig. At alam mo kung ano'ng mas masakit, Zeph?" Nakagat ko ang labi nang mag-init ang sulok ng mga mata ko. Kumurap ako ng ilang beses para pigilan ang pagbagsak ng luha mula roon. "Nalaman kong ibinigay kay Jiro ang mentorship... and he accepted it. Kaya siya ang nasa Singapore ngayon imbes na sana ako."

Saglit na katahimikan ang bumalot sa 'min pagkatapos kong magsalita. Sunod-sunod akong nag-inhale exhale. Ilang sandaling ginawa ko iyon hanggang sa mawala nang tuluyan ang urge kong umiyak sa harap ni Zeph.

Mayamaya bumaling ako sa kaniya. Titig na titig lang siya sa 'kin hanggang sa unti-unting nagbago ang expression ng kaniyang mukha. Naglaho ang pagiging playful ng mga niya at pumalit doon ang ubod nang lamig na tingin.

"That fucking asshole..." tiim-bagang na saad niya.

Hindi madalas magmura si Zeph. Pero oras na gano'ng mga salita na ang lumalabas sa bibig niya, ibig sabihin lang na hindi na talaga siya natutuwa sa naririnig niya—at isang definite example ang sinabi ko sa kaniya. Walang imik na sinundan ko ng tingin ang sunod niyang ginawa. Tumalikod siya habang mahigpit ang pagkakakuyom ng mga kamao. Hindi nagsalita si Zeph pero alam kong galit na siya base sa inaakto niya.

"Zeph..." mahinang tawag ko sa kaniya.

Hindi ako sanay na nakikita siyang ganito. Mas gusto ko ang calm at easy going na side niya. Nang hindi siya humarap tumayo na ako at marahang hinila ang braso niya. That was then his cue to look at me. Kalmado na ang tingin sa mga mata niya pero kita pa rin ang kaunting hint ng inis doon.

"Kinakabahan ako kapag gan'yan ka. Hayaan mo na lang, okay? Lilipas din 'to. Makakalimutan ko rin ang nangyari," mahinahong sabi ko saka pinakatitigan siya.

"You should stop being too kind, Kia. Lalong magti-take advantage ang mga tao sa paligid mo kapag ipinagpatuloy mo 'yan. Specially that body builder asshole!"

Kung normal siguro ang pagkakataon baka hinampas ko na naman si Zeph dahil sa panlalait niya kay Jiro. Pero dahil alam kong sobrang concern lang siya sa 'kin minabuti kong palampasin iyon. Besides kung matapang-tapang lang ako at hindi special ang tingin ko rito baka gano'n din ang lumabas sa bibig ko.

"Oo na. Iti-take note ko ang bilin mo kaya kumalma ka na d'yan, okay?" magaan nang sabi ko mayamaya.

Sinubukan kong ngumiti. Good thing effective ang ginawa ko. Lumambot kasi ang expression ng mukha ni Zeph. Seconds later mahina siyang bumuntong-hininga.

"Dapat lang. Alam mong ayaw kong nawi-witness ang hopelessness na 'yan sa mukha mo. And stop admiring that opportunistic body builder. Hindi niya deserve ang nararamdaman mo para kaniya."

"Pero hindi naman gano'n kadaling mawala ang feelings ko for him," I protested.

"Then you should learn to forget it. Valid reason na para gawin mo 'yon ang nangyari ngayon. I'm telling you, Kia, walang matinong lalaki ang gagawa ng gan'yan sa babaeng gusto niya," Zeph stated in a matter of fact.

"But he probably has his reasons. I ju—"

"Kia, stop defending him. You're not his lawyer," he annoyingly cut me off.

It was my turn na mainis kay Zeph. May point naman siya pero hindi ko iyon matanggap. Kumalma nga siya nasobrahan naman yata. Bumalik na kasi siya sa usual mapang-asar self niya. I rolled my eyes at him saka siya hinampas sa balikat.

"Nakakainis ka, mag-agree ka na lang kaya? Saka dapat dinadamayan mo ako, 'di ba?"

"Fine, wala na akong sinabi." Defensive na itinaas ni Zeph ang dalawang kamay. "Jeez! Kahit kailan talaga napakabayolente mo. Alam mo, mabuti pang umalis na tayo dito. Gutom lang siguro 'yan kaya ka nagsusungit. Mag-breakfast na lang tayo sa L'espresso para mabawasan 'yang init ng ulo mo."

At wala na akong nagawa nang hilain ako ni Zeph paalis doon.

FIVE DAYS LATER, excited akong pumasok ng school. Makikita ko ulit si Jiro. Oo na, medyo marupok ako kasi nagpadala ulit ako sa thoughtful words niya. Iyon din ang rason kaya mabilis ko ring nakalimutan ang nangyari at nag-decide na mag-move on na lang doon, completely. Pagkatapos kong maglabas ng hinanakit kay Zeph that day, naka-receive ako ng tawag mula kay Jiro.

He was about to board the plane but he felt hesitant. He told me he was guilty and that he couldn't do it without my presence. At dahil sadyang malambot ang puso ko pagdating sa kaniya, I assured him that it was okay. For two days, Jiro also sent me series of messages—na nagmukhang update sa mga ginagawa niya sa Singapore.

Pero dalawang araw lang 'yon, girl. Pagkatapos no'n MIA na siya, remember?

Minura ko lang ng slight ang inner self ko sa sinabi niya. Of course, hindi naman kailangang mag-update 'lagi si Jiro. Nasa Singapore siya to compete hindi para mag-tour. I do understand that he probably got busy that's why.

Sana all understanding, girl!

Ngali-ngaling sakalin ko ang inner self ko. Napakaantagonista! Pero hindi ko na lang ito pinansin. Today was a special day kaya hindi dapat ako ma-stress over it.

Malawak ang ngiting pumasok ako sa faculty room nang marating ko iyon bandang seven AM. Masigla ring binati ko ng matamis na, "Good Morning!" ang co-teachers kong nagkukumpulan sa isang parte nito. Lumingon sila sa 'kin when they heard me enter. Napakunot-noo ako nang maging kapansin-kapansin ang malungkot nilang mga mukha.

"Ano'ng meron, teachers?" curious na tanong ko.

Pero hindi nila ako sinagot, instead, para silang mga langgam na nag-disperse at tinungo ang kani-kanilang tables. At habang nilalampasan nila ako pare-parehas na pagbuntong-hininga ang narinig ko sa kanila.

"Kia, you have to see this!" Boses iyon ni Ellie. Dahil sobrang curious ako, agad akong lumapit sa kaniya.

"Ano ba'ng nangyayari?" agad na tanong ko.

Hindi umimik si Ellie. Itinapat lang niya sa mukha ko ang screen ng cellphone niya. Naduling pa ako sa ginawa niya kaya lumayo ako kaunti. Pero agad ko ring hinablot ang gadget mula sa kaniya nang mag-focus sa paningin ko ang picture na nasa screen. Nanlalaki ang mga matang napasinghap ako. Para akong binuhusan ng tubig mula sa ice bucket challenge. Nanginig ako kahit may pawis sa noo ko. In split seconds bumaba hanggang zero ang excitement na ramdam ko kanina.

"W-where did you get that?" hindi pa makapaniwalang tanong ko.

It was a photo taken overseas. At kahit hindi pa ako nakakapuntang Singapore, alam kong doon iyon kinuha dahil sa Merlion na background nila. They looked so sweet at in love na in love sa isa't isa. Malawak ang ngiti ni Camille habang parang sawang nakayakap kay Jiro!

Nawalan ng lakas ang mga tuhod ko. Nanghihinang napaupo ako sa swivel chair ko. Nanginginig ang buong katawan ko. Gusto kong sumigaw nang malakas, malutong na magmura at ibato ang hawak ko pa ring cellphone ni Ellie. Gusto ko ring umiyak pero ironic kasi walang luhang lumalabas mula sa mga mata ko. For the second time I felt terribly betrayed.

So that explains why Jiro didn't call me again. At kaya rin wala ang Camille na iyon for five days. Iyon pala nasa Singapore ang gaga at nilandi nang sobra ang lalaking gusto ko!

"Pina-follow ni Ma'am Abi si Camille sa IG. She saw the post and took a screenshot of it. Jusko! Tama nga ang hinala kong may lahing ahas ang malanding babaeng 'yon!" nanggagalaiting bulalas ni Ellie.

Pero nanatili akong walang imik at hindi nilingon si Ellie sa tabi ko. Nakatutok lang ang tingin ko sa screen ng phone—na hanggang sa mga oras na iyon ay hawak pa rin ng nanginginig na kamay ko.

Pagkaraan ng ilang sandali pumasok nang magkasabay ang nagtatawanan pang sina Jiro at Camille. Lahat—including me—ay nabaling ang tingin sa kanila. Agad na natigil sila sa tawanan. Binalot ang faculty room namin ng nakabibingi at puno ng tensiyong katahimikan. Naghiwalay ang dalawa. Parang walang nangyaring nagtungo ang taas-noong si Camille sa table niya sa western part ng room. I knew right there and then na totoo nga ang sinasabi ng picture na nakita ko. I was staring intently at Jiro—at kitang-kita ko ang paglihis nito ng tingin nang maglakad ito patungo sa table na nasa harap ko.

Nakaupo na ang lahat pero wala pa ring nagtangkang basagin ang katahimikan sa paligid. Sa nangyayari lumalabas tuloy na para akong jowang pinagtaksilan. Pero mabuti sana kung gano'n nga set up namin ni Jiro—kaso hindi. Punong-puno ng mga katanungan ang isip ko habang nakatitig ako sa malapad na likod niya sa harap ko. Gusto ko siyang sumbatan at magalit nang husto. But I couldn't to that kasi ngayon pa lang lumilinaw sa 'kin ang katotohanang wala talagang "kami".

Until a realization hit me. I couldn't be like this. Hindi puwedeng sila lang ang masaya at ako ang mag-isang nasasaktan. I had to redeem my self-worth. Binitiwan ko ang phone ni Ellie at hindi nag-isip na tumayo ako. Ipinagpasalamat ko na lang na nagawa ko iyon nang maayos kahit nangangatog pa rin ang mga tuhod ko.

Taas-noong naglakad ako patungo sa harap ni Jiro. Naramdaman kong tumutok sa 'kin ang tingin ng mga kasama ko but I didn't mind them. I flashed him my sweetest smile.

"Hi, Jiro! How's your competition in Singapore?" Gusto kong palakpakan ang sarili ko kasi nagawa kong pasiglahin ang boses ko nang hindi nauutal. Nakuha ko ang atensiyon niya, gulat na tumingin siya sa 'kin. "I heard your student won an award. Uy, congratulations, ha. 'Sabi ko naman sa 'yo 'di ba, you'll nail it. Kaya naman stop feeling guilty about accepting that mentorship. I told you, right? Okay lang 'yon sa 'kin kasi alam kong hindi mo naman siguro pinilit si Ma'am Brenda na ibigay 'yon sa 'yo—oh!" Tinakpan ko ang bibig saka siya malakas na hinampas sa balikat.

"K-Kia..." he stammered.

Nagtama ang tingin namin. Dumaan ang uneasiness sa mga mata niya at bahagya ring tinakasan ng kulay ang mukha—lalo na ng nagsimulang magbulungan ang co-teachers ko. Nakangiting tiningnan ko lang siya pero alam kong nakikita ni Jiro ang malamig na emosyon sa mga mata ko.

"My bad! Dapat hindi ko pala 'to sinasabi. Anyway, congratulations ulit."

Parang mapupunit na ang labi ko dahil sa pilit na pagngiti pero hindi ko iyon ininda. Hinayaan ko lang na nakapagkit ito sa mukha ko. After what I said walang lingon-likod na tuloy-tuloy akong lumabas ng faculty room.

Maghapon kong iniwasan si Jiro. Hindi ko na ulit siya kinausap. Kung may label kami, I would have the right to confront him—but sadly wala. Buong araw din na hindi ako iniwan nina Ellie at Raffy. Ramdam kong gusto nila akong i-comfort, pero dahil wala akong binabanggit sa totoong nararamdaman ko, they just silently stayed by my side.

I had the urge to talk to Jiro. Pero na-realize kong wala ring silbi iyon. What for? Para ipamukha niya sa 'king assumera ako? Nah. I wouldn't let that happen. Alam kong nagiging katawa-tawa na ako sa harap ng co-teachers ko, lalo na siguro sa harap ng malditang Camille del Rosario na iyon. Pero hindi ko sila bibigyan ng satisfaction na makita akong maging kaawa-awa!

Instead na magmukmok ako hinayaan ko ang sariling mag-focus sa trabaho. Nabanggit sa 'kin ni Ellie kanina na may official list na ng candidates for promotion. Alam kong kasali ako roon dahil nakompleto ko na ang qualifications para ma-promote this year. Dalawang action research pa ang naipasa ko para sa buong academic year.

Nakauwi na ang mga estudyante ko pero I still decided to stay inside my classroom. Minabuti kong doon na lang gawin ang pag-aayos ng portfolio ko dahil baka makasaksak lang ako kapag na sa faculty room ako. Nasa kalagitnaan na ako ng page-encode ng personal details ko nang tumunog ang phone sa tabi ko.

Sinagot ko iyon agad nang makita ang pangalan ni Ellie sa screen.

"Yes, beshy? Bakit?" agad na tanong ko.

"Nakita mo na ba 'yong memo sa GC?" Ang memo na naglalaman ng list of candidates for promotion ang tinutukoy niya.

Napailing ako. "Hindi pa. Why?"

"I-check mo dali!" natatarantang utos niya.

Kunot-noong sinunod ko ang sinabi niya at hinanap ang file sa group chat namin. Napaawang ang labi at namilog ang mga mata ko nang mapasadahan ng tingin ang listahan ng qualified teaching personnel para sa promotion. Napatayo ako nang makitang wala roon ang pangalan ko.

"Ano'ng nangyari? B-Bakit hindi ako na-qualify?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Besh, nasa table mo 'yong action research na ginawa mo. Ibinalik at hindi in-approve ni Ma'am Brenda for publication. Tapos itong gagong si Jiro pinalalabas na wala kang contribution sa joint study n'yo. Galit na galit nga si Raffy dito, muntik pang makipagsuntukan kanina. Kia, talk to Jiro. Usap-usapan ngayon dito sa faculty room na kaya wala ang pangalan mo sa listahan ng ipo-promote kasi sinabi niya kay Evil B na kinopya mo lang content ng research mo."

Nagpantig ang tainga ko sa mga sinabi ni Ellie. Nagsasalita pa siya sa kabilang linya pero hindi ko na naintindihan ang mga iyon. Nanghihina ang kamay na naibaba ko ang hawak kong phone. Parang may kung anong sumampal sa 'kin para ipakita ang masakit na realidad sa harap ko. Ilang sandali pa tila ba clips ng pelikulang nag-flashback sa isip ko ang mga eksena sa pagitan namin ni Jiro. And right at the moment it was as if my heart was torn into tiny pieces.

Mayamaya pa, sunod-sunod na bumagsak ang mga luha ko.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 52.1K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
391K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...