The Reaper's Lover

By planetangV

31.2K 745 149

Some people have holes in their heart and you would never know it just by looking at them. More

Author's Note
PROLOGUE
CHAPTER 1: KG7
CHAPTER 2: THE PUNISHMENT
CHAPTER 3: HELLO PHILIPPINES
CHAPTER 4: CAMELLIA
CHAPTER 5: LDVU AND THE TUKMOLS
CHAPTER 6: MALL
CHAPTER 7: KG7 AND THE GUARDIANS
CHAPTER 8: UNKNOWN VISITOR
CHAPTER 9: FIRST DANCE
CHAPTER 10: KIDNAPPED
CHAPTER 11: WRONG TURN
CHAPTER 12: LIYA AND THE TOMATO QUINTETTE
CHAPTER 13: SPORTFEST 1
CHAPTER 14: SPORTFEST 2
CHAPTER 15: SPORTFEST 3
CHAPTER 16: SPORTFEST 4
CHAPTER 17: SPORTFEST 5
CHAPTER 18: WARNING
CHAPTER 19: DATE WITH A PERVERT 1
CHAPTER 20: DATE WITH A PERVERT 2
CHAPTER 21: EROS
CHAPTER 22: UNEXPECTED
CHAPTER 23: STOLEN KISS
CHAPTER 24: UNDER THE RAIN
CHAPTER 25: SLEEPOVER
CHAPTER 26: AUTHENTIC SMILE
CHAPTER 27: BORACAY 1
CHAPTER 28: BORACAY 2
CHAPTER 29: BORACAY 3
CHAPTER 30: MISSING
CHAPTER 31: BLACKBATT MAFIA
CHAPTER 32: BLACKANGELS
CHAPTER 33: GIRLFRIENDS
CHAPTER 34: MOMENT
CHAPTER 35: SECOND KILLING
CHAPTER 36: SHE'S NOT BREATHING
CHAPTER 37: PAYBACK FAIL
CHAPTER 38: SERENADE
CHAPTER 39: ALLIES
CHAPTER 40: THREAT
CHAPTER 41: LOST
CHAPTER 42: MIDNIGHT MEMORIES
CHAPTER 43: POISON
CHAPTER 44: CONFRONTATION
CHAPTER 45: PLAN A
CHAPTER 46: PLAN B
CHAPTER 47: SHIT HAPPENS
CHAPTER 48: MIKHAIL'S CHARADE
CHAPTER 49: FIERA
CHAPTER 50: AUCTION
CHAPTER 51: MEETING
CHAPTER 52: BAIT
CHAPTER 53: MEMORIES OF AN OLD MAN
CHAPTER 54: TWO TARGETS
CHAPTER 55: PARTNERS IN CRIME
CHAPTER 56: MUD OF BLOOD
CHAPTER 57: SUSPICION
CHAPTER 58: BALL
CHAPTER 59: GYPSY VISITOR
CHAPTER 60: CHILDISH REAPER
CHAPTER 61: A GANGSTER'S GIFT
CHAPTER 62: IDENTITY EXPOSÈ
CHAPTER 63: MAFIA'S JUDAS
CHAPTER 64: BLOODHOUND SPY
CHAPTER 65: GANG BATTLE
CHAPTER 66: MARCUS DAMASCO
CHAPTER 67: DEADLY SHOT
CHAPTER 68: REAPERS AND GANGSTERS
CHAPTER 69: HEAVY HEARTS AND SALTED CHEEKS
CHAPTER 71: STORIES UNFOLD
CHAPTER 72: THE BLACKOUT PLAN
CHAPTER 73: CONSPIRACY
CHAPTER 74: THE RAID
CHAPTER 75: MASS DESTRUCTION
CHAPTER 76: THE E.A.O

CHAPTER 70: WHERE IT BEGINS

207 13 2
By planetangV

THIRD PERSON'S POV

Nanginginig ang kamay ni Vexia'ng nakahawak sa baril habang tinitignan ang walang malay o mas magandang sabihin nating walang buhay na katawan ni Mikhail sa sahig. May pumatak na luha sa kanyang kaliwang mata na umagos sa kanyang labi at natikman niya ang alat nito.

"Cy! Hurry up! This place will turn into dust!" Sigaw sa kanya ni Gael habang hinihila ang paa ni Cloyd paalis sa arena.

Mukhang hindi pumasok sa ulo ni Vexia ang sinabi nito dahil nakatayo lang siya sa harapan ni Mikhail.

Sinong best twin mo?

Sinong best twin mo?

Sinong best twin mo?

Sunod-sunod na rinig niya sa paligid. Palinga-linga siya upang hanapin ang boses na iyon.

Sinong best twin mo?

Sinong best twin mo?

Sinong best twin mo?

Ulit niyang narinig hanggang biglang nag-iba ang kanyang paligid. Nasa harapan niya ngayon ang dalawang batang babae habang magkayakap at umiiyak. Nakatutok sa kanila ang baril ng apat na lalaking tumatawa ng malakas. Nagmamakaawa ang dalawang bata at punong-puno ng takot ang kanilang boses.

Hindi naawa ang mga lalaki at pinaulanan nila ang baril ang mga ito. Humandusay sa sahig ang dalawang bata at nagsimulang sunugin ang lugar. Gusto niyang tulungan ang mga ito ngunit hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya hanggang tinutupok ng apoy ang dalawang bata.

Umubo-ubo siya at napayuko. Ngunit sa pagyuko niya ay nakita niya ang isang lalaking nakahandusay sa kanyang paanan. Kamukhang-kamukha ito ni Mikhail. Nagulat siya at gusto niyang hawakan ang mukha ng lalaki ngunit biglang nag-iba ang anyo ng lalaki. Hindi na ito si Mikhail kundi naging isang matanda.

"Cyyyyyyy!!!" Sigaw sa kanya kaya napalingon naman siya. May biglang bumagsak na yero kanyang harapan kaya naman natumba siya.

"Huwaaaaag pooo! Huwaaaag pooo! Maawa po kayo sa amin" rinig niya ang isang boses ng batang babae.

"Hahahahahahahahahahahahahahaha" kasabay ng tawa ng mga lalaki sa paligid.

"Huwaaaaag pooo! Huwaaaag pooo! Maawa po kayo sa amin" rinig niya ulit ang mga tinig ng mga bata.

"Hahahahahahahahahahahahahahaha" At tawa ng mga lalaki.

"Tama na! Tama na!" Sigaw ni Vexia sabay takip sa kanyang tenga upang hindi niya marinig ang pagmamakaawa at pagtawa ng mga boses na naririnig niya.

"Papatayin ko kayong lahat! Papatayin ko kayo!" Sigaw ulit niya.

May lumapit sa kanyang lalaki at bigla siyang niyakap.

"Hush" sabi nito. "Tara na Vexia" pagsusumamo nito.

Napatingin naman si Vexia sa lalaki at nakita niya ang nag-aalalang mukha ni Kyle. Biglang bumalik sa kanya ang realidad. Nasusunog ang buong paligid at makapal ang usok dahil sa pagpapasabog ni Zai. Nasa BlackBox siya upang tapusin ang kanyang mission.

Ang kanyang mission.

"Mikhail!" Sigaw niya sabay lina sa paligid upang hanapin ang binata. Tinakpan niya ang kalahati ng kanyang mukha upang hindi siya mag-ubo lalo.

"Help him" utos niya kay Kyle nang makita niyang nakahandusay sa semento ang binata.

Hindi nagdalawang-isip si Kyle at agad niyang dinaluhan si Mikhail. Tumayo si Vexia at tinulungan din si Kyle sa pagbuhat kay Mikhail.

Uubo-ubo silang lumabas sa nasusunog na gusali at sumalubong sa kanila ang inip na mukha ng KG6 at ang nag-aalalang mukha naman ng Shixies at TrasteSons. Agad namang tumulong sa kanila ang mga ito maliban sa KG6 na papuntang sasakyan.

"Hindi talaga uso sa inyo ang salitang 'tulong' ano" biro ni Xai.

"Tulong? Si Vexia tutulungan namin? Oh c'mon girl" si Liya habang papuntang kotse.

"Mamatay na tayong lahat di parin iyan hihingi ng tulong" segunda ni Clei at sumunod kay Liya.

"What happened?" Di mapakaling tanong ni Deeja nang lapitan niya si Vexia.

"What?!" Balik tanong niya.

"You've been disorientated in 3 minutes" direchong sagot ni Deeja. Dahil nakita niya kung paanong nawala si Vexia sa kanyang sarili habang pinalilibutan siya ng apoy.

Napatigil naman sa paglalakad si Vexia sabay tingin sa kanya. Mata sa mata hanggang unang nag-iwas si Vexia at naglakad palayo. Bigla niyang niyakap ang likod ni Vexia at bumulong ng

"Every strong girl has a weak part. And you just give her a hug" bulong niya.

"Thank you" si Vexia at tinapik ang braso ni Deeja sa kanyang leeg.

"Let's go" rinig nilang sigaw ni Kyle at inakay ang katawan ni Mikhail papuntang sasakyan.

"Wait. This is the finale" si Zai at may pinindot.

Sumabog ng tuluyan ang gusali at nagkapira-piraso ito. Mas lalong nagliyab ang paligid. At tumindi ang pag-ubo ng TrasteSons at Shixies dahil medyo malapit sila sa gusali.

"Te naman! Di mo nga kami pinatay sa Gang Battle pero papatayin mo naman kami sa lung cancer!" Maktol ni Xai sabay ubo.

"Tse! Bilisan niyo. Tara na" sagot nito at pinaandar ang kotse.

Nagkanya-kanya silang landas. Binilinan narin ni Vexia ang dalawang grupo at nagpasalamat dahil umepal pa sila.

************************

Tahimik na na tinatahak ni Vexia ang daan patungong Rebecchini Hights. Ilang taon narin niyang binalak puntahan ito ngunit mabigat parin sa kanyang dibdib ang mga ala-ala niya dito lalo na't nasaksihan na naman niya kanina ang mapait na senarion sa kanyang murang edad.

Tumingin siya sa daang tinatahak dahil medyo makipot ito at puro kakahuyan. Nagdrive pa siya ng ilang oras hanggang tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya ito at sinagot ang tawag.

"Vex. Nandito na kami. Nakarating narin ang KG5 sa kanilang destinasyon". Si Zai.

"Ok" tanging sagot niya at pinatay ang aparato.

Pinagpatuloy niya ang pagdri-drive hanggang nasa harapan na niya ang isang mataas na gate. Kulay itim ito na may palamuting ginto. Bumuntong hininga muna siya bago pinindot ang parang remote control na susi upang buksan ang gate. Bumukas naman ito kasabay ng pagbukas ng mga ilaw sa pathway. Pinasok niya ang kanyang kotse at pinark sa mismong harapan ng bahay.

Lumabas siya at tumayo sa harapan. Kung titignan ang bahay ay parang may nakatira pa dahil mukhang maayos naman ito at alagang-alaga parin ang garden. Bumuntong-hininga ulit siya at kinuha ang susi sa kanyang bulsa upang buksan ang pintuan.

~~~~~~~~~~~~
MEANWHILE
~~~~~~~~~~~~

Liya's Place

"Mahal ko. Gising na. Gising na" si Liya habang pinipitik ang ilong ni Owen.

Magdadalawang oras na simula ng tinurukan niya ito ng lason at hanggang ngayon ay hindi pa ito nagigising. Pinagmasdan niya ang natutulog na kasintahan at ninakawan niya ito ng halik sa labi.

"Ayos lang yan! Di mo naman nakikita!" Sabi niya sabay tawa.

"Pero gumising ka na! Anong oras na oh" dagdag pa niya. "K. Mukha na akong tanga dito" sabi pa niya at humalukipkip.

Tumabi siya sa kama at niyugyog si Owen.

"Mahal ko gising! Gising!" Sabi niya.

Niyugyog pa niya ito ng ilang ulit hanggang sumuko narin siya. Tumayo siya at nagtungong kusina dahil nagugutom na siya. Mabuti na lang ang inabisuhan niya si Benedetta na tutuloy siya ngayon sa kanyang condo kaya naman malinis ito at puno ang laman ng kanyang ref.

Kasalukuyan siyang kumakain ng tumunog ang kanyang cellphone. Sinagot niya ang tawag.

"Oh" sagot niya sa pagitan ng pagnguya.

"Gising na si Owen?" tanong ni Clei.

"Di pa eh" sagot niya. "Eh si Lampacho?" Tanong niya.

"Waley! Sinampal ko na't lahat lahat waley parin" sagot niy.

"Buhusan mo kaya ng tubig" suhestyon niya.

"Ayoko. Baka magkasala ako" sabi nito.

"Bakit?" Si Liya at sumubo ulit.

"Teh! Bakat! Bakat na bakat ang pandesal! Baka kainin ko!" Pilyang sabi niya.

Bigla namang nasamid si Liya at umubo. "Ay leche" tanging sagot niya sabay tawa.

May tumatawag sa kabilang linya at si Mitch ito. Sinagot ni Liya ang incoming call at binalitang gising na si Jeff ganun din sina Ian, Cloyd at Layden. Pumanhik ulit siya sa kwarto upang icheck si Owen at mukhang gising na rin ito.

"Mahal ko" tawag niya sa binatang mukhang naengkanto na.

Tumingin naman sa kanya ang binata at mukhang di makapaniwala sa kanyang nakita.

"Liya" bulong niya sabay tingin sa kanya pataas at pababa. Bakas sa mukha ng binata ang pagtataka.

"Ako nga. Musta ang pakiramdam mo?" Tanong niya at tumabi siya sa kama.

"Huwag kang lalapit sa akin!" Biglang sigaw sa kanya na siyang ikinasindak ng husto ni Liya.

"Owen" sagot niya. "Let me explain" dagdag niya at hindi niya kung bakit ito ang unang lumabas sa kanyang bibig.

"Di na kailangan dahil sapat na ang nakikita ko upang malaman ang katotohanan" Mapait na sambit niya.

Ito na nga ba ang nasa isip niya. Ang malalaman nila sa bandang huli ang tunay nilang pagkatao lalo na't hindi pa siya nakakapagpalit ng damit.

"Owen" tanging sagot niya at tinignan niya ito sa mukha.

"Bakit Liya? Bakit?" Mahinahong tanong niya at halatang may tinitimpi siyang galit. "Wala akong tinago sayo, pati ang pagiging gangster ko ay alam mo tapos ginanito mo ako. Masakit iyon Liya" dagdag niya.

"Owen sorry. Sorry dahil di ko agad nasabi sayo. Sasabihin ko naman eh. Kaso naunahan mo lang" malumanay na sabi niya. "Tama ka, ako ang kinalaban mo kanina. Kami ang pitong babaeng rank 5 sa BlackBox. Kami ang Royals" pag-aamin niya. Sa bawat katagang sinasabi niya ay may parang bikig sa kanyang lalamunan.

Matagal na tumitig sa kanya si Owen na para bang tinitimbang nito ang kanyang nararamdaman.

"Magalit man ako sayo ngayon ay wala na akong magagawa. Ano naman magagawa ng galit ko di ba? Nandiyan na. Umamin ka na. Siguro tatanggapin ko na lang" si Owen at bumuntong hininga. "Dahil mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sayo kaysa sa galit ko" dagdag niyang bulong.

Hindi na nagdalawang isip pa si Liya upang yakapin si Owen at iparamdam niya dito ang kanyang pagmamahal at kung gaano siya nabunutan ng tinik sa dibdib ngunit bigla ding lumaki ang kanyang mga mata nang sumagi sa isip niyang hindi pala siya tunay na gangster.

Clei's Penthouse

"Ikaw" bulong ni Ken nang makita niya ang likuran ng kalaban niya kanina. Bigla siyang tumayo sa kama at inambangan ng tadyak ito. Hindi niya inalintana na medyo nahihilo at masakit pa ang kanyang ulo.

Dahil hindi inaasahan ni Clei ang atake nito ay sumemplang siya sa pader. Sumemplang din ang kanyang cellphone at nawasak ito.

"Masakit iyon ah!" Galit niyang sigaw at inistretch ang kanyang kamay at lumagutok ito.

Tatayo na sana siya nang bigla siyang binuhat ni Ken at binagsak sa drawer. Nagmistulang wrestler ang binata.

"Ah ganun" nanlilisik ang mga mata ni Clei at biglang niyang sinugod si Ken.

Agad siyang tumalon sabay suntok sa ulo ni Ken. Mas lalong nahilo ang binata at bumagsak ito sa semento. Susundan pa sana niya ng tadyak sa tagiliran ang binata nang mahagip nito ang kanyang binti at binalibag sa semento. Dalawa na sila ngayong namimilipit sa sahig.

Nakita ni Clei na may upuang kahoy na malapit sa kanya at kinuha niya ito sabay palo sa likod ni Ken. Napahiyaw naman ito at nawasak ang upuan sa lakas ng pagkakapalo sa kanya ni Clei.

"Pakyo ka!" Sigaw ulit ng dalaga at hirap siyang tumayo.

Hihingal-hingal siya habang pinagmamasdan niya ang lalaking nakahandusay sa sahig na nakahawak sa sariling likuran. Pagod na siya dahil sa laban nila kanina sa BlackBox, ang paghila niya sa dambuhalang si Ken, ang pag-akay niya sa kanyang penthouse at ngayon ang pagrarambulan nila.

"Ano lalaban ka pa?!" Sigaw ulit niya at tinadyakan niya ito. "Kahit mahal na mahal kita kung magbubugbugan tayo, di kita uurungan!" Dagdag niyang sigaw.

Tatayo na sana ulit si Ken nang biglang inupper cut ni Clei ang binata kaya bagsak ulit sa semento ang binata.

"Lalaban ka pa nga talaga" sabi niya.

Nag-ring ang wireless phone at kinuha niya ito.

"Ano!" Sigaw niya sa kabilang linya.

"Oh calma!" Awat sa kanya ni Gael.

"I can't keep calm! Oh ano at nang-iistorbo ka?!" Pagtataray niya.

"Gahlet ka?! I just wanna ask if Ke---- *tooot *tooot* *tooot*

Nag-end ang call dahil bigla siyang niyakap ni Ken dahilan upang mahulog sila sa kama at bumagsak ang wireless phone.

"Anak naman ng baklang pating oh! Ambigat mo!" Daing niya dahil nakapasan sa kanya ang buong katawan ng binata.

"Ano ba! Umalis ka nga! Mauupakan kitang Lampacho ka!" Pagtatalak ni Clei.

"Clei?" Di siguradong tanong ni Ken sa kanya.

"Oo! Ako nga! Tara patayan ulit tayo!" Sigaw niya.

Agad namang lumayo si Ken sa kanya upang kumpirmahin na ang kasintahan talaga ang kanyang kayakap o nananaginip lang siya.

"Ikaw nga. Bakit at paanong magkasama tayo? Patay na ba ako?" Sunod-sunod niyang tanong.

"Papatayin kita kung hindi ka pa aalis" banta niya at halata sa boses niyang hindi ito nagbibiro.

Bigla namang natauhan si Ken at umalis sa pagkakadagan nito sa dalaga. Pinagmasdan nito ang dalagang nakahiga sa kama at punong-puno siya ng pagtataka.

"Oh bakit ganyan ka makatingin sa akin?" Mataray niyang tanong sa binata.

"Anong ibig sabihin nito" seryosong tanong niya.

"Ang alin?" Takang tanong naman ni Clei.

"Royals" sagot niya.

Walang makikitang reaksyon o kahit ano sa mukha ng binata. Neutral ang kanyang mukha at tila nagmana na ito kay Vexia na expressionless ang mukha.

Bigla namang nabalot ng lamig ang buong katawan ni Clei at parang naging malamig tulad ni Vexia.

"Ah. Eh. Hello" si Clei sabay ngiti. Ngiting nauwi sa ngiwi.

"Kailan mo balak sabihin sa akin ang tungkol dito? Kapag napatay mo na kami?" Mabibigat ang mga salitang binibitawan ni Ken.

Sa unang pagkakataon ay nakita ni Clei ang bigat ng nararamdaman ng kasintahan. Nahabag naman siya kaya napayuko na lang ang dalaga habang sinusumbatan siya ng kasintahan. Wala din naman siyang maisasagot na matino dahil kumplikado pa ang kanilang sitwasyon ngayon.

"Sumagot ka" matigas na sabi nito.

"I am not one of the Royals" bulong ni Clei ngunit di nakaligtas sa pandinig ni Ken.

"Natuto ka na ring magsinungaling" disgustong komento ng binata.

"I am telling the truth. I am not one of the Royals. I am the hunter of KG7 " sabi niya at sinalubong nito ang mga malalamig na titig ni Ken.

Walang kumurap sa kanila hanggang sabay silang nag-iwas ng tingin.

"Hindi na ako magtataka kung bakit malalakas kayo. Kaya niyong makipagsabayan sa amin dahil gangster din pala kayo" seryosong sabi ni Ken at tumingin ulit kay Clei.

Tumayo muna si Clei mula sa kama at lumapit sa bintana sabay humalukipkip.

"Mahal mo ako Ken?" Wala sa loob niyang tanong.

Bumuntong hininga muna si Ken bago sumagot ng "Mahal kita Clei"

"Mahal mo ako?" Malungkot na tanong niya. "Eh paano kung sabihin kong mas masahol pa ako sa gangster. Mamahalin mo pa kaya ako?" Dagdag niya at tinignan niya ito sa mata.

Zai's Residence

"May tatlong uri ang sikreto Ian. Ang sikretong maraming nakakaalam, ang sikretong limitado lang ang nakakaalam at ang sikretong sarili mo lang ang nakakaalam" panimula niya.

Nagising narin si Ian at parehas silang lahat ng nararamdaman, galit. Inamin narin ni Zai na sila ang Royals. Sila ang nakalaban nila kanina sa BlackBox. Ngayon, nagtatanong si Ian kung ano pa ang hindi niya nalalaman sa kasintahan.

Napagpasyahan ni Zai na ibahagi dito ang kanilang sikreto tutal malalaman at malalaman din nila ito sa bandang huli.

"Bata pa lang kami noon. Payatot pa noon ni Liya at mataba naman ako. Lagi kaming binubully sa school namin sa Rome. Kung ano-anong tinatawag sa amin araw-araw. Hindi kami lumalaban dahil wala naman kaming kalaban-laban dahil malalakas sila at malalaki ang katawan. Mapababae man o lalaki, lahat sila. Mayroon pa iyong time na kinulong kami ng tatlong oras sa loob ng CR at pinaliguan kami ng arina, pintura, tubig at kung ano-ano pa. Umiiyak na lang kami, ayaw na nga naming pumasok sa school noon dahil natatakot kami. Hindi naman kami makapagsumbong dahil ipapapatay daw nila ang mga magulang namin kapag nagsumbong kami" sabi ni Zai sabay iling.

"Gas-gas na sa mga magulang namin ang salitang 'ho battuto la testa sul pavimento mentre stavo giocando' (I hit my head on the floor while I was playing) di kaya'y 'mi sono scivolato' (I slipped). Tsk, at ang pinakamatindi at hindi ko makakalimutan ay noong binugbog kaming dalawa dahil kulang daw ang perang binigay namin sa kanila. Halos duguan na kami noon. Hindi ko makakalimutan ang mukha ng batang nambugbog sa amin. Mukhang tuwang-tuwa pa siya habang tinatadyakan at sinusuntok kami sa mukha" mahabang pahayag niya.

Tumingin ang dalaga sa kanyang mga mata nakita niya ang awa doon.

"Pero wala na iyon sa akin dahil nasa matagal na silang namatay. At kami ang dahilan noon" sabi niya. Walang makikitang emosyon sa mukha ni Zai na para bang normal lang sa kanya ang ginawa niya.

"Paano?" Tanong ni Ian.

"Dos Battle sa EAO" sagot niya.

Halata sa mukha ni Ian ang pagkagulat. Wala pa siyang napapatay ngunit ang kasintahan ay mayroon na.

"Dahil sa pambubully nila sa amin nahikayat kaming dalawa ni Liya na sumali sa taekwondo, judo at gymnastics. Araw-araw kaming pumapasok sa extra class namin. Syempre alam ng mga magulang namin ang tungkol dito ngunit di nila alam ang tunay na dahilan upang magkaron kami ng extra class" si Zai at lumapit sa railings ng terrace.

"Simula noon naging malakas kami. Naging black belter at naging mahusay sa pakikipaglaban. Noong ready na kaming lumaban sa bumully sa amin ay bigla silang lumipat ng eskwelahan" dagdag niya at nangalumbaba.

"Mahaba ang kwento ko. Baka gusto mong kumuha ng makakain at umupo" asar niya.

"Go on" si Ian at naupo.

Napabuntong-hininga si Zai at naupo sa harapang upuan ni Ian.

"Dahil narin sa kagustuhan naming maging mas malakas pa ay kinulit-kulit namin si master Kim kung may mga secret place ba kung saan pwedeng makipaglaban o kahit street fight lang para maiba naman. Sa una ayaw pa niya dahil delikado daw o ano ngunit sa bandang huli ay napilit din namin siya hanggang pumasok kami sa EAO. Noong una ay hindi namin alam kung ano ang EAO at huli na nang malaman naming mundo pala ito ng mga mamamatay tao. Isa itong sikretong organisasyon kung saan sila ang nagpapadala ng mga tao sa mission. Napagpasyahan naming magtrabaho sa kanila dahil alam namin at ramdam naming dito kami nababagay at dito kami nararapat" sabi niya.

"Iba't iba ang mga tao doon, galing lahat sa ibang bansa. May mga americans, french, russians, africans, mexicans lahat. May mga singkit, matangkad, maliit, maitim, kayumanggi at puti. Araw-araw ang ensayo namin doon. Sinasanay kami sa kanit anong laban at kahit anong sitwasyon pati narin ang paggamit ng armas. At sa tuwing huling linggo ng buwan ay may tinatawag na Dos Battle. Dalawa laban sa dalawa. Swerte namin nun dahil ang makakalaban namin ay ang dalawang pasimuno ng mga bumubully sa amin. Hindi nila kami nakilala dahil narin nag-iba ang aming itsura. Ang dating payat na si Liya ay nagkalaman at ang dating Zai at pumayat. Pinahirapan namin sila sa laban kung saan dumanak ng dugo ang buong arena. Pinatikim namin sa kanila lahat ng sakit na aming natikman"

Tahimik lang nakikinig sa kanya si Ian at mukhang ayaw niyang magsalita o magbigay ng opinion.

"Dun namin nakilala ang KG5. Sina Deeja, Mitch, Gael, Clei at Vexia" nakangiting sabi ni Zai.

"Bakit napasama sila sa EAO?" curious na tanong ni Ian.

"Hindi ko alam masyado ang kwento ng bawat isa dahil narin sa privacy pero ang alam ko ay nasa dugo na ng mga Alcott ang pagiging espiya at ang tatay niya ay isa sa mga magagaling na espiya ng EAO. Si Mitch naman ay sakanila ang ang MICAI Hospital kung saan ito ang private hospital ng EAO. Dinadala dito ang mga nasusugatan sa mission. Si Gael ay isa sa mga Tornelli reapers, hindi ko lang alam kung pamilyar ka ngunit nasa angkan na nila ang pagiging reapers. Sumali siya sa EAO dahil may hindi magandang nangyari sa kanilang pamilya at gusto niyang magtrabahong mag-isa. At ang panghuli ay sina Vexia at Clei. Pinsang buo sila, sumali sila sa EAO dahil sa kagustuhang lumakas ni Vexia upang maghiganti sa mga pumatay sa kanila" sabi ni Zai at humalukipkip dahil malalim na ang gabi at nasa terrace sila.

"Pumatay sa kanila?" Takang tanong ni Ian.

"Yep. Nabuhay si Vexia ngunit si Rennè ay hindi" sagot niya.

"Sinong Rennè?" Tanong ni Ian.

"Twin sister ni Vexia" sagot ni Zai. "Pasok na tayo sa loob. Bigla akong nilamig" dagdag niya dahil nakaramdam talaga siya ng lamig habang binanggit niya ang pangalan ng kakambal ni Vexia.

Pumasok naman sila sa loob ng bahay at nagtungong kusina. Naupo sila sa counter habang gumagawa ng hot chocolate si Ian.

"Paano naman nabuo ang grupo ninyo?" Tanong ni Ian.

"Binuo ni Vexia" tipid na sagot ni Zai.

"Paano?" Si Ian at binigyan niya ang dalaga ng hot chocolate.

"Pinili niya kami upang mabuo ang KG7" sagot niya. "Salamat" dagdag niya at kinuha ang hot chocolate.

"Bakit naman niya kayo pinili?" Si Ian ulit.

"Dahil may sarili kaming fortè. Tulad ko, ako ng tracker ng grupo. Lahat ng impormasyon ay nakakalap ko sa loob ng ilang segundo at syempre magaling ako sa explosives. Si Liya, sniper iyan, magaling umasinta sa malayo man o sa malapitan. Si Deeja, spy at malakas siyang makiramdam. Si Gael, siya ang nag-iimbento ng mga armas namin at kasama niya si Mitch diyan. Si Clei, ang hunter, maliksi at mabilis tumakbo. At si-"

"Pansin ko nga kay Clei. Mabilis siyang kumilos lalo na sa pagtakbo. Naalala ko tuloy noong Sport Fest" putol sa kanya ni Ian.

"At si Vexia. Ang pinakaulo naming lahat. Natalo niya kaming lahat sa labanan kaya siya ang tinuturing naming leader" pagtatapos ni Zai.

"KG7" bulong ni Ian.

"Tama. KG7" sang-ayon ni Zai. "Kung iisipin mo, malaki ang tulong namin sa gobyerno. Pinapatay namin ang mga salot sa mundo" komento ni Zai.

"Binibilang mong superhero kayo?" Nang-aasar na sabi ni Owen.

"Hindi. We are reapers. Sa bandang huli ay mamamatay tao rin kami" seryosong sagot niya.

Dumaan ang ilang segundo bago ulit magsalita si Zai.

"Mamahalin mo pa kaya ako Ian?" Wala sa sariling tanong niya.

Tumingin naman sa kanya si Ian at hinawakan niya ito sa kamay at pinisil.

"Mamahalin parin kita" sagot na ito.

Sapat na kay Zai ang narinig upang yakapin ang kasintahan.

"Thank you" si Zai at hinalikan ang binata sa labi.

-------------------------

A/N

LATE AND LAME UPDATE! HUHUBELS!

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 40.4K 78
The world is unfair for Graycie Santos Nalaman niya na ang kanyang long-term boyfriend at younger sister had an affair. Nabuntis pa ang kapatid niya...
43.8K 2.2K 21
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
82.2K 1.5K 83
Donna Jean V. Lodivero, a lovely woman deprived of the ability to see beautiful scenery in the world. A young lady who has her unlucky fate. However...
28.5K 2.4K 40
ELYU SERIES #2 The storms in San Juan, La Union are ruthless and tempestuous. Driven by her traumatic past, Avery Felicia Perez turned her heart into...