POSSESSIVE 6: Dark Montero

By CeCeLib

64M 1.2M 381K

One word to describe Anniza Gonzales: voluptuous. And because of her voluptuous body, her fiancé cheated on h... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
EPILOGUE

CHAPTER 5

2.3M 50.2K 30K
By CeCeLib

CHAPTER 5

KABABABA palang ni Anniza mula sa kuwarto niya ng marinig niya ang pang-iingay ng doorbell nila. Hindi pa niya naayos ang sarili maliban sa nag toothbrush at naghilamos lang siya pagkagising. Buhaghag pa rin ang buhok niya at naka-pajama pa ng buksan niya ang pinto sa isiping ang kapit-bahay niya iyon at magbibigay na naman sa kanya ng chocolate cookies, panhilom daw sa nasugatan niyang puso. Hindi gumana ng maayos ang utak ni Anniza ng mapagbuksan niya ng pinto si Dark. Mabilis sanang isasara niya iyon pero naunahan siya nitong ilagay ang paa sa pinto para hindi sumara.

"Fuck! Ouch!" Hiyaw nito ng maipit ng pinto ang paa nito.

Sa halip na maawa sa binata, inirapan pa niya ito. "Ang arte naman nito. Naipit nga lang, e. Saka naka-sapatos ka naman."

Masama ang tingin nito sa kanya. "Ikaw kaya ang ipitin ang paa gamit ang pinto?" Napamura ito ulit at sinipa-sipa nito ang paa para mawala ang sakit. "Bakit sa mga pelikula, kapag ginagawa ito ng bidang lalaki, hindi siya nasasaktan?"

Doon siya natawa. "Really, Dark? Sa tanda mong 'yan, nagpapaniwala ka pa rin sa mga nakikita mo sa pelikula na puro kasinungalingan?"

Nagkibit-balikat ito. "Some of them are true. Anyway." Itinaas nito ang mga kamay na may bitbit na paper bags. "I brought breakfast."

Sumama kaagad ang templa ng umaga niya. "Puwede ba, Dark, huwag kang magdala ng pagkain dito sa bahay. On diet ako."

Dark tsked. "Alam mo bang nag effort ako na bilhin ito?" Bumagsak ang balikat nito. "Ang sarap pa naman ng dala ko. Cinnamon flop coffee cake, mashed potato pancakes, peanut butter chocolate chip muffins and very perfect waffles. And then I bought latte, espresso, pina colada smoothie, pink lemonade and hawaii twist. Ikaw nalang mamili kong anong sayo."

Naglaway ang bagang niya ng marinig ang mga pagkain na pinagsasasabi ng binata.

"Tigilan mo ako, Dark," mariin ang boses na aniya pero ang totoo ay natatakam na siya.

Nginisihan lang siya ng binata at nanunudyo ang mga mata. "Kakain na yan. Kakain na siya. Yes! Hindi masasayang ang effort ko."

Inirapan niya ito at binuksan ng malaki ang pinto. "Siguraduhin mo lang na masarap 'yan."

Inilipat ni Dark ang hawak na paper bag sa isang kamay at parang nanunumpa na itinaas nito ang kamay. "I swear, masarap siya. Itinataya ko ang pagkalalaki ko rito."

Bumaba ang tingin niya sa pagkalalaki nito. "Ano naman ang gagawin ko riyan."

Dark grinned, naughtily. "Kahit ano basta masarap."

Namula ang pisngi niya at akmang susuntukin niya ang binata sa mukha ng malala niya ang sinabi nito kapag nagging violent siya rito.

Nginisihan siya ng binata. "Go on," panghahamon nito sa kanya. "Punch me." Inisang hakbang nito ang pagitan nila. "One violent move, one kiss."

Hindi puwede! Baka kung saan na naman mapunta ang simpleng halik na 'yon. "Pumasok ka na bago magbago ang isip ko at ihampas ko ang pinto sa pagmumukha mo." Inirapan niya ang binata at tinalikuran ito.

Babalik sana siya sa kuwarto niya para ayusin ang sarili ng pigilan siya ni Dark.

"Hey! Where the hell are you going?" Tanong nito sa kanya na parang natatakot na umalis siya.

Humarap siya rito. "Magbibihis ako at mag-aayos. Nakakahiya naman sayo dahil mukhang engkanto ang kaharap mo," may sarkasmong sabi niya.

Dark rolled his eyes at her. "Okay na yang mukha mo. Wala namang magbabago."

Parang may karayum na tumagos sa puso niya dahil sa sinabi nito. Sabi na nga ba—

"Maganda ka pa rin naman kahit ganyan ang itsura mo," dagdag nito na biglang ikinabilis ng tibok ng puso niya.

"Nasaan ang kusina niyo?" Tanong ni Dark kapagkuwan ng hindi siya magsalita at nakatitig lang dito.

Wala sa sariling naglakad siya patungo sa kusina. Nasa isip pa rin niya ang mga sinabi ni Dark. Bakit ba ito ganito? Why was he making her heart thump like crazy?

Nang makapasok sila sa kusina, inilapag ni Dark ang mga pagkain na dinala nito sa hapag-kainan.

"Masarap ang mga ito," ani Dark at pinaghugot siya ng upuan. "Sit here."

Umupo naman siya sa hinugot nitong upuan at parang excited si Dark na inilagay ang mga pagkain sa harapan niya.

"This is delicious." May inilapag itong hawaii twist sa harapan niya. "It's pineapple, banana, and coconut mixed together." Umupo ito sa katabi niyang upuan at iniumang sa kanya ang peanut butter chocolate chip muffins sa bibig niya. "Bite. Masarap 'yan."

Naguguluhang binalingan niya si Dark. "Bakit mo ba 'to ginagawa? Ano ba ang kailangan mo sakin, Dark? Because honestly speaking, I have nothing to give. At kung sex naman ang habol mo, naibigay ko na 'yon sayo at saka nasisiguro ko naman na maraming babaeng pipila para makipag-sex sayo."

Matiim siyang tinitigan ni Dark. "Kung ano man ang kailangan ko sayo, alam kong hindi mo pa kaya 'yong ibigay sakin ngayon."

"Ano nga?" Pangungulit niya.

Biglang nawala ang kaseryusohan sa mukha ni Dark at ngumiti ito. "Nothing. Wala 'yon. Don't mind me. Kumain ka na. Papasok ka pa diba sa restaurant?"

Tumango siya saka ibinuka ang bibig para kumagat ng muffin. Napapikit siya sa sobrang sarap nito. The taste exploded in her mouth and she couldn't help but moan. "Ang sarap."

Nang magmulat siya ng mga mata, inuubos na ni Dark ang muffin na kinagatan niya.

"Mukha kang matakaw, alam mo 'yon?" Aniya.

Dark chuckled as he looked at her. "Yes. I love food."

Habang sumisimsim ng hawaii twist, napatingin siya sa matitipuno nitong braso. "Bakit macho ka pa rin?"

Dark stilled then grinned mischievously. "Talaga? Macho ako?"

Nagsalubong ang kilay niya. "Ako ba ang pinaglololoko mo?" Hinawakan niya ang laylayan ng t-shirt nito at itinaas iyon. "Look at that abs..." Her voice faded away when she saw Dark's ripped abdomen.

Lihim siyang napalunok.

Damn! Bakit naglalaway ang bagang ko?

And then Dark's baritone voice filled her ears. "Take a picture, it'll last longer."

Namula ang pisngi niya at mabilis na ibinaba ang t-shirt nito. Walang imik na pinagpatuloy niya ang pagsimsim ng hawaii twist. Alam niyang nakatitig sa kanya si Dark dahil nararamdaman niya ang mga mata nito sa kanya.

"Heto pa, oh." Boses iyon ni Dark sabay umang ng mash potato pancake sa bibig niya. "Masarap 'to. Parang ikaw, masarap."

Nanlaki ang mga mata niya at napabaling sa katabi. Big mistake. Naroon ang mga labi nito na hinihintay ang mga labi niya.

When their lips met, napaigtad siya sa gulat at mabilis na inilayo ang mga labi rito.

"Sorry. I didn't mean to—"

"It's okay." Desire glimmered in Dark's eyes. "You can kiss me anytime."

Umawang ang labi niya sa sinabi nito. Ano daw? She could kiss him anytime? Siya na isang ugly, fat duckling okay lang na halikan ito?

Dark winked at her and continued eating like nothing happened. Siya naman ay parang tinatambol ang puso niya sa lakas at bilis ng tibok niyon.

Nagpapasalamat si Anniza na walang sexually realted na nangyari sa kanila ni Dark habang nag-aagahan sila. Para kasing hindi niya ma kontrol ang sarili kapag malapit lang sa kanya ang binata kaya naman gusto niyang umiwas dito para hindi na maulit ang nangyari kagabi. Yes, it was so pleasurable but 'till when? Alam niyang tulad ng ibang lalaki, aalis din ang binata sa buhay niya.

"Sige na. Umalis ka na," pagtataboy niya sa binata para itago ang tunay na nararamdaman.

Sa halip sa lumabas ng bahay niya, nginitian siya nito. "Maligo ka na. Ihahatid kita."

Nagsalubong ang kilay niya. "Ano?"

"Ihahatid kita sa restaurant kaya maligo ka na."

Hindi na siya nakipagsagutan kay Dark. Nasisiguro naman niya na hindi ito seryuso na ihahatid siya. Naiiling na umakyat siya sa hagdanan patungong second floor ng bahay nila. Hanggang sa makapasok siya sa banyo ng silid niya at makaligo ay laman pa rin ng isip niya si Dark.

Iniisip niya na nakaalis na ngayon si Dark. Alam naman niyang nagbibiro lang ang binata na ihahatid siya. He was not actually serious, right? Si Paul nga na hindi naman kaguwapuhan ay nahihiya at napipilitan lang na ihatid siya sa restaurant.

Looking back.... ngayon lang niya naisip ang mga negatibong gawain noon ni Paul na hindi niya napapansin dahil bulag siya sa pagmamahal sa binata. Nasaktan pa rin siya sa panloloko nito sa kanya pero kahit papaano ay nabawasan na ang sakit. Minahal niya si Paul ng buong puso sa loob ng dalawang taon kaya nasaktan siya sa panloloko nito.

Nang makalabas siya ng banyo, ang napili niyang isuot ay simpling dark jeans at white t-shirt tapos pinaresan niya iyon ng flat shoes. Inilugay lang niya ang mahaba at wavy niyang buhok.

Inaasahan talaga ni Anniza na umalis na si Dark, kaya naman nagulat siya ng makitang komportable itong nakaupo sa sofa at mukhang hinihintay siya.

"Nandito ka pa?" Manghang tanong niya.

Bumaling sa kanya si Dark at ngumiti ito. "Well, hello there, gorgeous."

Inirapan niya ito. "Sige, mambola ka pa."

Tinawanan lang siya ni Dark at nauna na itong lumabas ng bahay.

Nang mai-locked niya ang pinto, nilampasan lang niya ang nakaparadang kotse. Ang totoo masaya siya na ihahatid siya ni Dark. Natutuwa siya ng may lalaking nagbibigay sa kanya ng atensiyon. Sino ba ang hindi? Dark seemed like a nice guy. Sana talaga tama ang obserbasyon niya sa pag-uugali nito.

Masaya rin siya kasi dahil kay Dark kahit papaano, nawawala ang sakit sa puso niya na dulot ng panloloko ni Paul sa kanya.

At isa pa, sino siya para tanggihan ang offer ni Dark? Sa Ducati siya sasakay! Yes! Sa wakas. Makakasakay na rin siya ng Ducati! Dream come true!

Anniza was grinning as she walked towards Dark's Ducati.

"Come closer," ani Dark na nakasakay na sa motor at hawak na ang monabela.

Lumapit naman siya rito.

Isinuot nito ang helmet sa ulo niya. "For protection." Tinapik nito ang leather seat ng motor. "Sakay na, Anniza."

Na-i-excite siya na sumakay at humawak sa magkabilang balikat ni Dark. Nagsuot din muna ng helmet ang binata bago pinaandar ang motorsiklo patungo sa restaurant.

DARK felt disappointed when they reach Zaired Restaurant. He liked the feeling of Anniza's breast against his back. Libreng tsansing na nga, bitin pa.

Mabilis na bumaba si Anniza mula sa pagkakasakay sa motor niya at ngitian siya.

"Salamat sa paghahatid," nakangiting wika nito.

"No problem."

Magsasalita pa sana si Anniza ng pareho silang may narinig na boses ng isang lalaki. The man came out from a Ford car. Halatang may kaya ang lalaki. Pero nasisiguro niyang mas mayaman siya rito.

"Any! Who the hell is this guy!?" Pasinghal na tanong ng lalaki kay Anniza habang naglalakad palapit sa kanya. "Siya ba ang ipinalit mo sakin? Wow naman!"

Was this Paul?

Anniza gave him an apologetic look. "Sorry, Dark. Umalis ka na."

Hindi siya nakinig kay Anniza. "I'm staying."

"No." Umiling-iling ito na para bang natatakot. "No. Umalis ka na please. Ayokong madamay ka sa gulo—"

"I'm staying, Anniza. That's final," giit niya.

HINDI man aminin ni Anniza, nakahinga siya ng maluwang sa isiping naroon si Dark sa tabi niya habang hinaharap si Paul. Natigilan siya ng hawakan ni Dark ang kamay niya. Napatingin siya sa binata.

"Huwag kang manerbiyos. Gago ang makikipag-usap sayo. Dapat gaguhin mo rin," sabi ni Dark sa kanya.

"Any!" Nakalapit na si Paul sa kanila. "Sino ang lalaking 'to, ha?" Maangas na tanong nito habang dinuduro si Dark. "Ito ba ang pinalit mo sa'kin? Wow naman."

Huminga siya ng malalim saka tinaasan ito ng kilay. "Puwede ba, Paul. Umalis ka na. Ayokong makita ang pagmumukha mo rito."

Mala-demonyong ngumisi si Paul. "Hindi naman ako nagpunta rito para sayo e." Dinuro na naman nito si Dark. "Ang hindi ko lang matanggap ay may ipinalit ka kaagad sa akin." Mataas ang nuong hinarap nito si Dark na nakaupo lang sa motor nito at walang imik. "Anong habol mo kay Anniza? Ang Virginity niya? Save your strength. Hindi ko nga nakuha, e. Matigas ang babaeng yan. Tsaka, may itsura ka naman. Siguradong makakahanap ka ng sexy at hindi baboy na katulad ni Any. At saka, Any is so clingy and demanding. Feeling naman niya ang ganda-ganda niya."

Hindi umimik si Dark pero humigpit ang hawak nito sa kamay niya. Walang emosyon sa mukha nito habang nakikipagtitigan sa mga mata ni Paul pero alam niyang nairita ito sa sinabi ni Paul.

Parang niyurakang muli ni Paul ang puso niya ng marinig ang mga sinabi nito tungkol sa kanya. It hurts. It hurts and she was about to cry.

The first one to blink in Paul and Dark's staring match was Paul. Dark was still staring at Paul as her scumbag ex-fiancé looked away.

Napailing-iling si Paul at tumingin sa kanya. "Siya nga pala, Any, hindi naman ako pumunta rito para sayo. Pumunta ako rito para sabihin sayong magbalot-balot na kayo kasi bibilhin ko na kay Mrs. Lopez ang lupang kinatatayuan ng restaurant niyo."

"Ano?" Nagulantang na tanong niya. "No! May kontrata kaming pinermahan!"

Lumingon si Paul sa kotse nito at parang may pinapalabas mula roon. Kapagkuwan ay lumabas si Mrs. Lopez sa sasakyan nito. Nanginginig ang tuhod niya habang papalapit si Mrs. Lopez. No! Hindi ito puwedeng mangyari! Wala ang mga magulang niya at pinagkatiwala sa kanya ang restaurant. Anong gagawin niya kung totoo nga ang sinabi ni Paul?! She had to review the contract!

"Please, Mrs. Lopez, tell Any here what we talk about last night," sabi ni Paul sa babaeng mukhang pera.

Tumingin sa kanya si Mrs. Lopez. "Pasensiya ka na, hija. Malaki ang offer ni Mr. Menzon. Hindi ko matanggihan. He is also opening a restaurant kaya naman makakatulong na naayos niyo na ang gusali—"

"No! We signed a contract, Mrs. Lopez. May usapan kayo ng mga magulang ko! Maayos naman ang renta namin, ah. Palagi naman kaming nagbabayad ng tama." Nanginginig ang kamay niya sa sobrang galit sa babaeng kaharap at kay Paul. "You can't do this to us. Mrs. Lopez naman e. Hindi kami basta-bastang lilipat kasi maguguluhan ang mga costumer namin. At isa pa, maghahanap pa kami ng bagong lilipatan—"

"Pasensiya ka na talaga, hija, nangangailangan din kasi ako ng pera." May bakas ng lungkot ang boses ni Mrs. Lopez. "Kahit basahin mo ang kontrata, nakalagay doon na for sale naman talaga ang lupa at pinarerentahan ko 'yon hanggang sa wala pang bibili ng lupa at pinermahan 'yon ng ama mo. Alam ito ni Mr. Gonzales. Nagkausap rin kami na siya ang bibili pero hindi pa sapat ang pera niya. Pero nakasaad sa kontrata na may karapatan akong ipagbili ang lupa kung kailan ko gusto. Pasensiya ka na talaga, hija."

Parang nanghihina ang tuhod niya sa mga sinabi ni Mrs. Lopez.

Puno ng poot ang mga mata niya na tumingin kay Paul. "You! Bakit mo ba 'to ginagawa sakin?! Ano ba ang nagawa ko sayo!" Hinablot niya ang kamay na hawak ni Dark at pinagbabayo ang dibdib ni Paul. Tears streamed down from her eyes. "Pagkatapos mo akong lokohin, ito naman ang gagawin mo sakin? Sa pamilya ko? Letse ka! Punyeta ka!" Napahagulhol siya.

"Walang personalan, Any," natatawang tugon ni Paul na para bang natutuwa ito na umiiyak siya. "Isa akong businessman at gusto ko namang mag venture ng ibang negosyo maliban sa hotels and resorts na pag-aari ko." May pagmamalaki ang boses nito. "Pasensiyahan nalang tayo."

Umiiyak na umatras siya at niyakap ang sarili. Bakit ba nangyayari 'to? Ano ba ang nagawa niyang mali? Ano ba ang problema ng mundo sa kanya at pakiramdam niya ay aping-api siya? She felt so down, depressed, in pain and angry. Pero wala siyang magawa.

At sa kalagitnaan ng gulong-gulo niyang isip, narinig niya ang boses ni Dark.

"Magkano ba ang lupa?" Tanong ni Dark.

Mabilis siyang napatingin kay Dark. Madilim ang mukha nito at nakatiim-bagang.

"Dark," mahina niyang sambit sa pangalan nito.

Dark got off from his Ducati and walk to her side. Tinuyo nito ang mga luha niya gamit ang kamay nito. "Stop crying. I told you, kapag gago ang kausap mo, gaguhin mo rin." Humarap ito kay Mrs. Lopez at Paul. "Magkano ba? I'll double it."

Napanganga si Mrs Lopez pero nakuha pa rin nitong magsalita. "Five million."

Dark snorted. "Five million? That's cheap. I'll double it." Nanghahamon na tumingin si Dark kay Paul. "Kaya mo bang lampasan 'yon?"

Nang-iinsultong tumawa si Paul. "Huwag kang maniniwala sa kanya Mrs. Lopez. He is just kidding you. Wala siyang ganoon kalaking pera. Ang five million nga mahirap hanapin."

"Sayo siguro, mahirap." Dark smirked tauntingly at Paul. "Pero sa akin, ilang araw ko lang 'yan."

Kinuha ni Dark ang cellphone sa bulsa ng leather jacket nito at may tinawagan.

"Hello? Joanna? Yes, this is Dark Nikolov Megalos Stavros Montero. I want you to speak with someone. She's going to tell you the price of her lot. Wired my money to her bank account." Iniabot nito ang cell phone kay Mrs Lopez. "Speak English. Joanna is my personal banker from Bank of California. Name your price."

Tinanggap naman ni Mrs. Lopez ang cellphone habang nakamaang silang dalawa ni Paul kay Dark.

"Yes. This is Mrs. Lopez and it's ten million." Biglang nanlaki ang mga mata ni Mrs. Lopez. "B-Bank Account?" Mabilis nitong sinabi sa kausap ang bank account at ibinalik ang cellphone kay Dark.

Kapagkuwan ay binuksan naman ni Mrs. Lopez ang cellphone nito mag mobile banking at para tingnan kung totoo nga na pumasok ang sampong milyong bayad ni Dark sa lupa nito.

Biglang tumili si Mrs. Lopez at niyakap siya ng mahigpit. "Ang suwerte mo!" Tili nito. "Yan dapat ang pakasalan mo."

"Mawi-withdraw mo lang ang pera kapag ibinigay mo na ang titolo ng lupa kay Anniza," sabi ni Dark kay Mrs. Lopez na bakas sa mukha ang kasiyahan.

"Ipapadala ko kaagad sayo ang titolo ng lupa," mabilis na sabi sa kanya ni Mrs. Lopez at humarap kay Paul. "Wala na ang usapan natin." Pagkasabi niyon ay umalis kaagad ito.

Hindi maipinta ang mukha ni Paul habang masama ang tingin nito kay Dark.

Nagkibit-balikat si Dark habang nang-uuyam na nakangisi kay Paul. "Walang personalan. Pasensiyahan nalang tayo, mas mayaman kasi ako sayo."

Gumuhit ang galit sa mukha ni Paul. "Sige. Magsama kayong dalawa. Bagay naman kayo!" Nagma-martsang umalis si Paul.

Alam niyang napahiya ito. Buti nga rito. Gago!

Take that Paul! In your face!

Biglang nawala ang lungkot at pangamba na naramdaman niya kani-kanina lang. Nilingon niya si Dark at nahuli niyang mataman siya nitong tinititigan.

"What?" Tanong niya.

"You do realize that you are now indebted to me." Dark then grinned. "Ten million, agápi mou. Ten million."

Umingos siya at tinaasan ito ng kilay. "Puwede ba, Dark, hindi ko sinabi sayong bilhin mo 'yong lupa. Ikaw ang nagkusang bilhin iyon sa halagang ten million pesos kaya naman wala akong utang sayo at mula ngayon, sayo na kami magbibigay ng upa ng lupa. Kapag natanggap ko 'yong titolo, ibibigay ko 'yon kaagad sayo," nakangising sabi niya.

Nangingiting napailing-iling si Dark. "Hmm... smart woman." He tilted her head up using his hand and then he pressed his lips on her just for a couple of second.

Nang pakawalan nito ang mga labi niya, mayroon itong masayang ngiti sa mga labi.

"Bakit ba panay ang halik mo sakin?" Namumula ang pisnging tanong niya. Hindi ba nito alam na iba ang epekto no'n sa kaniya?

"Hinahayaan mo naman akong palagi kang halikan kaya namimihasa ako. At saka—" Niyakap siya nito sa beywang at bumulong sa tainga niya. "Para na rin bigyan ng mapag-uusapan ang mga empleyado mo."

Nang lubos na maintindihan ang ibig sabihin ng sinabi nito, mabilis siyang lumingon sa pinto ng Zaired Restaurant. Naroon nga ang lahat ng empleyado nila at nakangiti habang nakatingin sa kanila ni Dark.

Namumula ang pisngi niya na tumingin kay Dark. "Ang sama mo. Siguradong pagtsi-tsismisan nila ako buong linggo."

Mahinang tumawa si Dark saka pinanggigilan ang pisngi niya. "You're so cute." Pinakawalan siya nito sa pagkakayakap at sumakay muli sa Ducati nito. "Anyway, kapag tinanong ka ng mga empleyado mo tungkol sa ating dalawa, huwag mong kalilimutan 'yong sinabi ni Paul bago siya galit na umalis."

Kumunot ang nuo niya. "Ano?"

"Na bagay tayong dalawa." Malapad ang ngiting kinindatan siya nito at isinuot ang helmet pagkatapos at pinaharurot ang Ducati palayo.

Sinapo niya ang dibdib kung nasaan ang puso niya saka pinakalma 'yon na mabilis pa rin ang tibok dahil sa sinabi ni Dark. Hindi niya napigilan ang mapangiti at mapailing-iling. Ang lalaking 'yon talaga.

Humugot siya ng isang malalim na hininga at naglakad papasok sa Zaired Restaurant. Sana naman walang maglakas ng loob na tanungin siya tungkol kay Dark. Kasi hindi niya alam ang isasagot. Bigla lang namang sumulpot ang Dark na 'yon sa buhay niya. Ang pinagdarasal lang niya ngayon ay sana hindi ito basta ring mawala na parang isang kabote.


CECELIB | C.C.

Continue Reading

You'll Also Like

46.8M 950K 31
Phoenix would rather stay rooted in Baguio and work his ass off rather than experienced the buzzing life in the center city. He would rather bury him...
21.2K 581 77
All stories are product of Imagination, all my what if's and Could've Been for this Ship
4.6M 190K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
7.5K 266 17
Life filled with drama. Undeciphered Feelings even until now... How I wish, is to Sleep forever. Care to help me wake up from this wrecked reality...