Lorch Crown

By Clfern

670K 24.2K 5.9K

Men Of The Crown 8 | R-18 • Mature | COMPLETED Still buried by anger and grief by the loss of his biological... More

Copyright
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Epilogue

Chapter 41

13.4K 526 73
By Clfern

INAYOS NI Saskia ang lunchbox na hinanda niya para sa daddy niya, kay Lorch, sa mommy niya, at para sa sarili niya.

Her dad has now found work inside the island under Crown's Tech company owned by Lorch's brother— Kronack.

Siya naman ay bumalik sa kompanya ni Lorch sa dating trabaho niya. Noong isang araw lang siya nag-umpisa. Dalawang araw na pahinga matapos nilang dumating ay balik trabaho ulit siya.

Ang mommy niya naman ay kailangan rin ng lunchbox dahil lagi nitong binabantayan si Youri.

"Sweety, you don't have to prepare food for me," anang dad niya na handa ng umalis kasama ang mommy niya.

"But I wanted to. Saka para sigurado akong kakain ka, dad." Nginitian niya ito at binigay ang lunchbox ng dalawa. "Have a nice day, you two."

Dad kissed her cheek. "Thank you. I love you. You take care okay?" Paalala nito.

Tumango siya.

"Love you too, dad," aniya sa ama saka binalingan at niyakap ang mommy niya na pumayat na dahil sa stress.

Hinaplos ni Saskia ang pisngi ng ina niya at inayos ang ilang hibla ng buhok nito.

"Mom, don't stress yourself. Kumain ka rin ng maayos, please?" she pleaded with a soft smile. "I and dad will worry if you fall sick. At siguradong hindi rin matutuwa si Youri pagnagising siya at ganito ka."

"I'm fine, Saskia." Pilit itong ngumiti at hinalikan ang noo niya.

Hindi na pinilit pa ni Saskia ang opinyon niya at pinanood na lang ang magulang niya na lumabas ng two bedroom condominium na nakuha niya mula kay Lorch. Tsk.

Kay Lorch ang condo dahil nung gusto niyang kumuha ng two bedroom apartment para sa empleyado na hindi pa maka-afford ng condominium ay halos bumuga ng apoy ang mata ni Lorch. Katakot ang mukha ng binata, sana hindi manahin ng anak nila.

Matapos magbihis ay umalis na siya ng condo para pumasok sa trabaho dala ang lunchbox para sa kanilang dalawa ni Lorch. Naglakad lang siya dahil malapit lang naman ang condominium sa kompanya ni Lorch.

Her morning went fine with some hearsay that she takes notice from her not-so-close coworkers. Mukhang nag-uumpisa na siyang maging usapan ng mga ito.

Sabagay, sino ba naman ang hindi pag-uusapan kung basta na lang siya nawala tapos pagkatapos ng ilang buwan muling susulpot. Samahan pa na hinatid siya ni Lorch kahapon at kung ano-anong binilin tapos ay syempre, hindi ito umalis ng hindi siya hinahalikan.

Pero binalewala na lang iyon ni Saskia. Her priority is to make sure she's doing her job right. Para naman hindi isipin ng mga ito dahil lang sa koneksyon niya kay Lorch kaya niya nakuha ang trabaho. She has to prove she deserves the job and the hefty salary.

Matapos ang trabaho sa umaga ay kumunot ang noo niya ng walang Lorch na nangulit sa kanya. Yesterday he pester her through calls when she had her lunch break without him. Ayaw niya kasing makita ang mukha nito kaya ganoon.

At nakakapagtaka na kahit text ngayong araw ay hindi pa ito nagpaparamdam.

Tumayo siya, at sukbit ang ang shoulder bag niya at dala ang paper bag na naglalaman ng pagkain nila ni Lorch ay lumabas siya ng HR department para puntahan ang binata sa opisina nito.

"Happy lunchtime." Bati niya sa secretary ni Lorch na naabutan niyang kumakain sa mesa nito. "Your boss, mister secretary?" Nginitian niya ito.

Tumayo ito saka hinaplos ang batok.

"He's not around ma'am."

Nagsalubong ang kilay niya. "May meeting?"

Umiling ito. "Hindi siya pumasok. Kahapon niya pa pinaalam na hindi siya makakapasok ngayong araw."

"Bakit daw?" Sakia sighed.

Sayang yung pagkain at effort niya tapos wala naman pala ang binata. And why did that ass didn't told her about this?

"Hindi niya sinabi ma'am. Kung gusto niyo tawagan ko."

Saskia shook her head. "No, thanks. Ako na ang tatawag."

Nagpaalam siya at bumalik ng elevator habang tinatawagan si Lorch pero hindi niya ito makontakt.

Saskia frowned. Not again...

She huffed then pressed the button to the ground floor. Kailangan niyang mahanap ang binata dahil siguradong may malaking dahilan na naman kaya ito hindi nagpaparamdam. Natuto na siya. It doesn't take three experience to know that Lorch is not reaching out to her because he's in trouble again or something big comes up.

Sana lang ayos lang ito dahil siya na bubugbog dito paghindi.

Nang dumating ang tinawagan niyang driver ay nagpahatid siya sa bahay ni Lorch. It'll be the second time she will be at his house.

"Salamat, kuya," ani Saskia sa driver bago umibis ng sasakyan pagkarating sa tapat ng bahay ni Lorch.

Dumapo ang tingin niya sa nakabukas na malaking garahe ng bahay ni Lorch at nakita niya ang sasakyan nito. Maliban doon ay may iba pang sasakyan na nasa bukana niyon at may ilang lalaking nakatayo at mukhang may hinihintay.

Naalala niya ang ilan sa kanila. Sila yung security guard ng daddy ni Lorch. Mukhang nasa bahay ng binata ang magulang nito.

Nakagat niya ang labi saka tumingin sa mansyon ni Lorch bago bumuntong-hininga. She would love to spare herself the stress of meeting both his parents but she's worried about Lorch.

Taking a deep breath, Saskia walk to the main door and pressed the bell. Not long after, it opened revealing one of Lorch's friends— Unx.

"Hey, Saskia." Malawak itong ngumiti at niyakap siya bilang bati. "Glad to see you around. Pasok," anito.

"Salamat, Unx." Nilibot niya ang tingin sa sala. "Si Lorch?" Hanap niya sa binata.

Nakita niyang napakamot ng ulo ang si Unx. "Uhm—"

"'Wag kang magsisinungaling."

Napangiwi ito. "He's in his room."

"Is his parents around?" Tanong niya at habang nakatingin sa hagdan.

Unx sighed, resting his hand on her shoulder to guide her toward the stairs. "They are in his room but you can go, they don't bite."

Nag-alangan siya. "Maybe I should wait here or come back later. May trabaho rin kasi ako."

Unx shook her head. "You're just afraid to meet his parents. Come on, I'm sure you are here to check on your man. Akyat na, matutuwa ang gagong 'yon pagnakita ka." Mahina siya nitong tinulak para udyukan na umakyat.

Saskia sighed and give up. Umakyat siya at pinuntahan ang silid ni Lorch.

She knocked a few times and waited for somebody to open the door and it was Lorch's mom who did.

"Saskia!" Lorch's mom exclaimed, looking really delighted upon seeing her. Nawala ang yamot sa mukha nito ng binuksan nito ang pintuan at napalitan iyon ng tuwa.

Nahihiyang ngumiti si Saskia. "Hello po, tita."

"Halika, halika." Pinapasok siya nito. "Go nag my son for being an arse," anito.

"Um..." Saskia was speechless and looked at where Lorch. And the moment she did, worries wash over her. "W-what happened to you?" Mabilis niyang nilapag ang dala saka nilapitan ito.

Lorch was laying in his bed on his stomach with his back covered in gauze. His face indicates he is in visible pain.

"W-What h-happened to you, baby?"

"Luv?" Kunot ang noo na tanong nito at pinilit na tumitig sa kanya pero mukhang nahihirapan ito.

"Yes, it's me."

Ngumiti ito at nakangiwing hinawakan ang kamay niya para halikan iyon at hindi na binitawan bago pumikit.

Lumingon siya sa magulang ni Lorch na mukhang hindi nag-aalala sa kalagayan ng binata.

"Um, ano pong nangyari sa kanya?" Tanong niya.

Lumapit si tita Aleandra at naupo sa gilid ng kama paharap sa kanya.

"We could tell you everything," anito. "However, you have to promise a full pledge to secrecy."

Hindi siya agad nakasagot.

"Do you love my son Saskia?" Tanong nito saka inabot ang papel na binigay ni tito Vonn.

Saskia nodded, watching Lorch's parents. "Y-yes. So much."

Tita Aleandra softly smiles. "Thank you..." Sinulyapan nito si Lorch na mukhang nakatulog. "I know my son is so much to handle and I thank you for putting up with him and accepting who he is." Binalik nito ang tingin sa kanya. "And I hope you don't get tired and if you do so, tell me first, okay?"

Naguguluhang umayos sa kinauupuan niya si Saskia.

"What do you— I mean —" Pumikit siya saka nagmulat ng mata at pinakatitigan ang ina ni Lorch. "I love your son, tita. His flaws and everything. He's not perfect but for me, he is enough. Mahal ko siya tulad ng pagmamahal na meron siya sa akin."

Tita Aleandra smiled thankfully. "Salamat."

Hinawakan nito ang kamay niya at binigay ang dokumentong inabot ni tito Vonn.

"That's a document we offer to everyone who has to know something they shouldn't. You read it and sign," anito.

Binasa niya iyon at simple lang ang naroon. It was just a document with a written pledge for secrecy but it was signed by people she knew. One was the prime minister from Britain, the second was the current President of the Philippines and the third is tito Vonn who is the sitting president of Crown Inc.

"That's a document that you have to sign as proof that you will keep to yourself whatever we are going to tell you. Breaching that comes a hefty prize," saad ni tito Vonn.

Tumango siya saka tinignan ang kasunod na dokumento kung saan nakasulat ang maaring makaharap niya oras na may pinagsabihan siya.

Tatlo lang ang naroon. Tatlo lang... pero sapat na iyon para sirain ang buhay niya. Para hindi na siya makapagtrabaho kailan man. Matatanggalan rin ng membership sa isla si Lorch na siyang dahilan kung bakit kailangan niyang malaman ang isang sikreto. Pangatlo ay maari siyang makulong ng panghabang-buhay.

"Ganoon ba kahalaga ang dapat ay malaman ko para masira ang pangalan ko oras na nilabag ko ang pangako kong itatago ko sa sarili ko ang kahit anong malalaman ko?" Tanong niya.

Sabay na tumango si tito Vonn at tita Aleandra.

Saskia inhaled deeply before taking the pen to sign the document. She can keep a secret, especially one that could blow up not only her life but her child and Lorch's.

"Thank you," saad ni tita Aleandra nang mapiramahan niya ang dokumento.

Tipid lang siyang tumango dahil kinakabahan siya.

"First, Lorch is okay. His wound in his back came from lashes."

Umawang labi niya saka napatingin sa likod ni Lorch.

"It will heal fast and the scars will fade using our scar laser treatment."

"Who?..."

"The organization we belong. He has broken the rule of the organization hence he was punished. Seventy lashes."

"Seventy?!" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Mm-hmm."

"W-What rule did he break?"

"The man that stab you and attempted to sexually assault you..."

Nakatitig siyang tumango kay tita Aleandra.

"Lorch killed him."

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Nablangko ang utak niya at bumilis ang tibok ng puso niya.

"Saskia, we know killing somebody seems a heinous crime, well it is, when the one who was killed is innocent but if not, it is a pleasure. Call it psychotic or immoral but sometimes you have to kill because the evil deed of a man surpasses the moral value a person can take. Our organization is a hidden group that aims mostly to eradicate criminals. From drug dealers, illegal firearm dealers, to human trafficking— you name it." Tinignan nito si Lorch. "Lorch is part of the organization, and so are his brothers and friends. They have been in many cases where most men and women alike have lost their humanity."

"Lorch has handled cases with human trafficking twice and sadly, rapes happen to the victims and he has seen how it ruins a woman and men's life. They may have saved them but most of the women and men barely live a life worthy of living. Some have committed suicide under our care which was unfortunate, others have found a new beginning but eventually, succumb to nightmares and depression. Those who remain thrive in life but, yeah, there is a lifetime trauma. And the same thing almost happened to you, not to mention, you are pregnant when that man tried to kill and rape you. That is something my son has hard accepting."

Napatingin siya kay Lorch. Hindi naman siya galit pero sobrang nakakabigla ang bagay na kaya nitong gawin. She has goosebumps but she's not afraid. Though it will take some time to fully understand his other life. Yeah.. another life because this is really a different life he has than one she knows. Mukha talagang marami pa siyang hindi alam tungkol kay Lorch.

"I hope you still find in your heart the willingness to stay with our son despite the fact that he could kill criminals," tita Aleandra quoted the criminal with her fingers. "You know, we are like soldiers, pulis, or agents— just hidden in the dark and do not belong to any government."

Hinawakan ni Saskia ang kamay ni Lorch na nakahawak sa kamay niya at hinaplos iyon gamit ang hintuturo.

"Nabigla ako sa nalaman tita, pero wala naman akong maramdamang gusto kong lumayo." Tumingin siya sa ina ni Lorch at bahagyang ngumiti. "I promise to keep to myself the information about your organization as if I never heard of it."

Ngumiti ito at tumingin kay tito Vonn na nakangiti sa kanya ng may pagpapasalamat.

"We can't thank you enough, dear. I can't imagine my son losing you because of his work in the organization. He will be really devastated if you chose to stay away after learning what he is capable of and what organization he belongs to."

Saskia looked back at Lorch who was soundly asleep.

"My mom was abused too, at alam kong alam niyo na ang bagay na iyon..." Tinignan niya si tita Aleandra. "Right?"

"Yes..." Tita Aleandra offered a bleak smile.

"At kahit noong hindi ko pa alam ang bagay na iyon, nakikita ko na sa mommy ko minsan na may mali. Sometimes she has nightmares where she would shout in her sleep. Pleading somebody to stop..." Lumunok siya. "And I know the scar is still there... and if I just could, I would also kill the man behind my mom's nightmares because he has taken my mother's peace. And I know dad will do the same, given a chance. Kaya't naiintindihan ko ang ginawa ni Lorch."

Niyakap siya ni tita Aleandra pero hindi nakaligtas sa mata niya ang pamamasa ng mata nito.

"I'm sorry for what your mom has gone through and my utmost thanks for loving my son." Bulong nito saka humiwalay ay hinaplos ang pisngi niya. "Welcome to the family, Saskia."

Nahihiya siyang ngumiti. "Salamat, tita, tito."

"Don't mention it. We are more than happy to have you in the family," tito Vonn replied with a smile.

"Anyway, may gusto ka pa bang malaman maliban sa mga nalaman mo na?" Tanong ni tita Aleandra.

"Um, safe naman siguro lagi si Lorch?" Natanong niya.

"Yes." Tumango si tita Aleandra. "We make sure every one of them is always guarded. May sari-sarili silang mga bodyguard na nakasunod sa kanila saan man sila magpunta sa labas ng isla. Maliban doon ay hubog sila sa kaalaman sa self-defense. They can take care of themselves. We trained them since they were young."

Nakahinga ng maluwag si Saskia sa nalaman.

"Paano niyo pala nakita si Lorch?" Naitanong niya.

Nagkatinginan ang dalawa.

"Hindi niya po kasi nakukwento sa akin. Ayaw ko rin tanongin siya ng personal dahil alam kong hindi naging madali ang buhay niya mula ng iniwan siya ni dad sa mommy niya. I didn't want him reminiscing the hard life he had."

"We understand," tita Aleandra held her hand, smiling. "Mahal, labas ka na muna baka mabored ka," wika nito kay tito Vonn.

"Sure. See you two later," ani tito Vonn.

"Halika, upo tayo sa sofa." Yaya ni tita at hinila siya.

Naupo sila sa sofa matapos kunin ni tita Aleandra ang isang photo album saka pinakita sa kanya ang ilang litrato ni Lorch.

Saskia frowned while looking at the photos. "Bakit po mukha siyang tulala dito?"

"Bago pa man maging parte ng organisasyon ang mga anak namin ni Vonn ay una kaming naging miyembro nila Vonn, kasama ang lima pa naming kaibigan. Marami kaming kaso na hinawakan at isa na ang kaso na naging daan para makilala namin ang dalawa naming anak. Si Lorch at Mirrow."

"Sabay niyo silang nakilala?"

Tumango ito saka tumingin sa kawalan at parang inaalala ang araw na nakita nito sina Lorch at Mirrow.

"They have been subjected to drug experiments together with the other kids who sadly died. Tanging si Mir at Lorch lang namin ang buhay ng mapasok namin ang pasilidad na iyon..."

Napalunok si Saskia. Ni minsan ay hindi niya aakalain na ganon kahirap ang naging buhay nito. Her dad will be really devastated and will blame himself for what Lorch has gone through. Kaya siguro hindi nagkukwento si Lorch sa kung ano ang mga nangyari dito matapos magpakamatay ang ina nito dahil sobrang hirap pala talaga.

"With my son Lorch barely alive. Si Mir naman ay medyo maayos pero naospital din. Ilang araw silang dalawa sa hospital pero si Lorch ang nagtagal. He suffered cardiac arrest that almost took his life. Then later another complication that also cause his lifeline to flatten."

Ilang beses na napalunok si Saskia at pumikit-pikit para pigilan ang pag-iyak. So that's what happen when Lorch almost died two times.

"Ang alam ko ay mas madaming siyang injection na nakuha," tita chuckles. "Akala niya ata vitamins," she jested but Saskia could see it still painful for tita Aleandra as she can see the glimmering tears in her eyes.

"Yeah... mas madami kesa kay Mir dahil sabi ni Mir gusto ni Lorch na kahit isa sa kanila ay mabuhay at gumawa ng paraan para mapasara ang pasilidad at makulong yung mga taong involved doon. Lorch and Mir were strong kids but Lorch shows remarkable kindness and empathy. Kaya kahit na meron na akong anak noon kinuha ko parin silang dalawa. Sadly, after they come out from life and death, Lorch was traumatized and fell into depression which resulted in a catatonic stupor. He became rigid, unresponsive, and immobile."

Tinignan ni tita Aleandra ang hawak niyang photo album na tanging mga picture lang ni Lorch ang naroon.

"Umaayos naman siya minsan pero bumabalik rin siya sa ganyan. Pero dumadalang siya at umiikli ang oras na ganyan siya habang dumadaan ang panahon at may mga doctor na tumitingin sa kanya. Nakatulong din ang mga kapatid niya na pag nasa ganyan siyang estado ay sila ang nag-aalalaga kay Lorch at kumakausap lagi. Naghihintay sa pagbabalik ng kapatid nila." Natutuwang ngumiti si tita Aleandra. "Hanggang sa malapit na siya mag-eighteen, iyon ang huling beses na ganyan siya. May mga bagay rin siyang hindi maalala pero okay na iyon. Those are most probably memories not worth remembering."

Pinahid ni Saskia ang luhang pumatak sa pisngi niya.

"Kaya't natutuwa ako pagnakikita ko ang mga anak ko na nagmamahal tapos minamahal din sila pabalik. Kasi, I saw how hard was life for them at a very young age, and Vonn and I just want them to live a life of happiness. Kahit na minsan mga gago sila." Mahinang tumawa si tita Aleandra.

"Pinapanalangin ko parin na makahanap silang lahat ng asawa na mamahalin sila sa kabila sa kung ano mang mali sa kanila o kung ano man ang nakaraan nila. Alam ko kasi kung gaano kasaya ang magkaroon ng pamilya at hangad ko na maranasan rin nila iyon."

"Salamat tita," Saskia smiled filled with gratitude. "Salamat sa lahat ng ginawa niyo ni tito Vonn hindi lang para kay Lorch pero para sa mga kapatid niya. Thank you for loving him like your own and raising him well and doing everything for him to live. Kung hindi dahil sa inyo baka hindi ko siya makilala."

Pabirong umikot ang mata nito. "Sinadya ni Lorch ang pagkikita niyong dalawa."

Saskia chuckles. "I know but if you didn't take good care of him, he probably will not be around. Walang Lorch na hahanap sa akin."

"Sabagay." Tumawa ito saka sila sabay na tumingin kung nasaan si Lorch. "Pagnagising siya kausapin mo na siyang magpaturok ng mas matapang na pain killer at IV. Hmm?"

Saskia frowned. "He's not in any painkiller med?"

"Uminom naman siya nung gamot pero weak naman 'yon. Lasing din iyan." Tita rolled her eyes.

Umawang naman ang labi niya.

"Alam mo naman ang nakaraan niya kaya't ayaw niya ng mga injection. He has trauma to needles but I hope you can help him take one this time because he must be really in pain to drink so much he passed out."

Saskia sighed. "Sige po, kausapin ko siya pagkagising niya."

"Thanks." Tumayo si tita Aleandra. "I have to go, dear. Baka magising na ang kalbo kong anak hanapin ako," anito na tinutukoy ang kapatid ni Lorch na comatose.

"Sige po, tita.  Ako na po bahala kay Lorch, tawagan ko kayo pagnagising siya."

Nang makaalis si tita Aleandra ay naupo si Saskia sa gilid ng kama ni Lorch. She softly run her fingers through his hair while staring at his handsome face.

"Ang dami ko pang kailangan malaman tungkol sayo baby bago ko masabing kilalang-kilala na kita. But I promise, the lifetime you told me will be enough to know you," Saski whispered.

Hinalikan niya ang noo nito bago siya kumain. She has to, kahit wala siyang gana dahil kinakain ng pag-aalala ang puso niya. Siguradong uusok ang bumbunan ni Lorch pagnalaman nitong hindi siya kumain ng lunch.






👑
Clfern
📪22.09.26

Stay safe po sa lahat ng binabagyo ngayon. Hoping you go through this disaster with your family and friends safe and sound. At sana walang malubhang pinsala sa mga bahay at ano mang importanteng ari-arian niyo.
🙏🏽🙏🏽🙏🏽

Continue Reading

You'll Also Like

19.1K 1.1K 70
Violet De Silva is a trouble maker. Hindi siya matali sa isang lugar at lalong lalong walang pwedeng kumontrol sa kanya. But it all changed when Reil...
12.5K 467 35
STATUS: COMPLETED [ISLA GRANDE SERIES #01] Four years after the tyranny happened in Lourense's life, she finally got out of her comfort zone. Vhanne...
973K 25.4K 27
Warning: SPG|R-18|MATURED CONTENT
687K 17.9K 38
"Who the fucks care if you're a Benjamin? I'm your dominatrix and you... you're just my submissive boy toy, Cinco." -Celestine Ferrer. "You're a domi...