Chapter 35

12.2K 512 111
                                    

ILANG ulit na minasahe ni Saskia ang leeg saka tinignan ang cellphone niya na halos buong hapon niya na sigurong tinitignan.

The last message Lorch sent her was when they arrived at Miami airport and nothing more. Hindi niya magawang subukang tawagan ito dahil baka busy ito at ayaw niyang makaabala. Sana lang tumawag na ito dahil mamatay na siya sa pag-aalala.

Mula sa pagkakaupo sa harapan ng laptop niya ay lumabas ng silid si Saskia para uminom ng tubig. Nakita niya si Venice na nanonood sa sala at pero base sa mukha nito ay mukhang wala doon ang isipan nito.

"Venice." Tawag niya dito.

Lumingon ito at pilit na ngumiti ng masigla.

"Ano 'yon, ate Saskia?"

Imbes na kumuha ng maiinom ay nilapag ni Saskia sa bar counter ang dalang baso at nilapitan si Venice. Naupo siya sa tabi nito.

"Can I ask you something personal, Venice?" Saskia smiled, leaning on the sofa.

Niyakap nito ang tuhod matapos patayin ang TV at paharap sa kanya na sumandal sa sofa.

"Ano 'yon?"

"Napansin ko lang na ayaw mo kay Lorch..." Saskia narrowed her eyes at Venice while smiling softly. "Bakit?"

Napatitig ito sa kanya ng ilang sandali bago nagbaba ng tingin at pinaglaruan ang daliri.

"Why Venice?" Ulit niya.

"Because..." Venice trailed, looking back at her with a forced, bitter smile. "Because he's blind to see how much kuya Youri treasures and looked up to him."

Saskia frowned. "Lorch does—"

"No, he doesn't." Umiling-iling si Venice saka bumuntong-hininga. "Ang daming mahahalagang araw na gusto ni kuya Youri makasama si Lorch pero hindi iyon nangyayari kasi laging may ginagawa si Lorch o kasama ang mga kapatid nito. Pero kung si Lorch ang may mahahalangang araw, laging andoon si kuya Youri kahit na hindi naman siya makita o mapansin ni Lorch."

Lalong nangunot ang noo ni Saskia saka napakamot siya ng pisngi.

"I don't understand..."

Venice sighed and looked down. "Ikaw, kahit papaano ay lagi kang naglalaan ng araw o oras pagtumatawag sayo si kuya Youri pag gusto niyang makasama ka pero si Lorch?" Umiling ito.

"V-Venice, I don't get it—"

"I know." Mapait itong ngumiti. "No one will unless kuya Youri tells it himself or somebody finds out."

"Maybe you tell me?" Saskia suggested. 

"No. I promised kuya Youri I will never tell." Nagbuga ito ng hangin. "At mas mainam na siguro kung walang makakaalam. I don't think Lorch deserves it."

"Deserves what?"

"Wala, ate Saskia." Pilit itong ngumiti saka tumayo at iniwan siya.

Pumasok ito sa silid at iniwan siyang naguguluhan.

Saskia sighed. Mas lalo lang siyang naguluhan sa sinabi ni Venice. At hindi niya parin nalaman bakit ayaw nito kay Lorch gayong mukha naman hindi ito sinusungitan ng binata. Though Lorch seems careful around Venice. Iyon bang parang ingat itong hindi makagawa ng mas ikaka-ayaw pa ni Venice dito at pagkinakausap nito si Venice parang lagi itong naghahanap ng magandang salita na hindi ikakagalit ni Venice.

Nasuklay niya ang buhok gamit ang mga daliri dahil sa lito. Youri, Venice, and Lorch just seem odd together. Just... There must be something about the three for them to act like that to each other. Weird.

Lorch CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon