I'm a Ghost in Another World

By PeeMad

124K 4.4K 205

Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car cr... More

PSAMM
Guide Map
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Epilogue
Author's Note
Author's Note 0.2

Chapter 29

1.2K 46 1
By PeeMad

Chapter 29: The Lost Princess Returns

KASALUKUYANG nasa gilid ng nayon sila Zyaniah at Pinunong Sol na kung saanay malapit na sila papasok ng kagubatan. Patag ang lugar na kanilang tinatapakan na walang mga puno o halaman. Sa sitwasyon nila ngayon, kaunti lamang ang layo nila sa isa't isa. Nakatayo ang bata sa gitna. Samantalang ang matanda ay nakamasid sa malayo habang nasa likod nito ang kanyang mga kamay at naglalakad ito ng pa-clock wise habang ang mga mata'y nakatuon sa bata.

"I-relax mo ang spiritual body at mana mo upang hindi mag-react ang anti-magic barrier. Kapag hindi balanse ang lakas ng bawat enerhiya sa katawan mo, hindi magiging maganda ang resulta nito. Tandaan mong ang anti-magic barrier ay lalakas o hihina depende sa nakapaligid dito. Kung ayaw mong magwala sa katawan mo ang anti-magic barrier, mana, at spiritual body mo, ituon mo ang pokus sa pagsasanay!" paliwanag ng matanda habang inoobserba ang pagpait ng mukha ni Zyaniah.

Nakayukom na si Zyaniah at pilit ang pagpikit. Pinagpapawisan na ito sa init nang pagkaramdam sa looban niya at nanginginig na ang kanyang kalamnan. Hanggang ngayon, hindi niya pa magawa ang pagbalanse ng anti-magic barrier, mana, at spiritual body.

[Spiritual body(Soul), Mana, and Anti-magic barrier have different attributes and when this three combined in one's body, they have to be equals. If the Spiritual body is slightly high, it can devour the mana and barrier or lower their powers. For the result, hypothetically, the spiritual body will be dominant and can overcome the two.

(Note: Elaine's Spiritual body itself has s unique energy power— supreme magic.)

The anti-magic barrier can nullify any kind of energy power internally or externally. If any other forms of magic cross the barrier, it will automatically disappear without a trace.

To simplify, lets pretend that the shape of these three is like an egg; The egg yolk represents mana, the egg white represents Spiritual body, and the shell represents Anti-magic Barrier.

If the egg yolk or egg white is bigger than the shell, it will explode. If you alter this example, the result will be the same.

Same as in one's body. If one of them is slightly higher than the two, the whole body will break apart like debris.]

"Pantayin, pantayin. . . pantayin," paulit-ulit na bulong ni Zyaniah habang nakapokus sa mana na nasa looban niya.

Kanina, pinaliwanag sa kanya ni Pinunong Sol ang gagawin nila ngayong araw at kung ano ang ituturo nito. Nakinig naman siya ng mabuti— iyon ang pinakamadaling gawin— ngunit sa aktuwal, mahirap na itong intindihin. Lalo na't ang alam niya lang ay maglabas ng mahika sa kanyang kamay. Hindi na niya alam ang iba pang detalye pagdating sa ganitong pamamaraan.

"I can sense your three energies! Huwag mo nang pataasin pa ang mana mo! O baka gusto mong sumabog ang anti-magic barrier? Madadamay pati ang katawan ng batang sinapian mo!" rinig niyang sigaw ng matanda.

Haysh! Ang hirap! Reklamo ni Zyaniah sa kanyang isipan. Tumatagtak na ang pawis sa kanyang katawan dahil sa init mula sa sikat ng araw at sa mana niyang nasa looban ng kanyang katawan.

"I can sense your mana here! Huwag mo namang pahinaan masyado! Baka kainin ng anti-magic barrier mo ang mana at spiritual body mo!" rinig niyang muling sigaw ng matanda.

Hindi naman naiirita si Zyaniah sa mga sigaw ni Pinunong Wol. Nakapokus lamang ang kanyang isipan sa looban ng kanyang kaluluwa. Nararamdaman niya ang lakas ng anti-magic barrier at kung paanong unit-unti nitong ipawalang bisa ang kanyang mana. Mahahalintulad ang pakiramdam ng paggalaw ng kanyang mana sa likidong mainit: dumadaloy ito mula sa kanyang tiyan at umiikot sa buong katawan niya. Ang anti-magic barrier naman ay parang nasa looban ng balat. Manipis ngunit para itong tumitibok tulad ng ugat dahil sa hindi pa balanse ang tatlo enerhiya. Kakalma lang ito kung makokontrol niya ang tatlo sa kanyang katawan.

"Huwag kang ma-pressure, Supreme Elaine. Isipin mo na lang na ang anti-magic barrier ay pawang sarili mong mga kalamnan at ang mana ay ang hangin. Kung mabilis ang paghinga mo, mahihirapan ang katawan mo, hindi ba? Kung mabagal naman, kukulangin ka. Dahan-dahan mong igalaw ang mana tulad sa iyong paghinga. Ituring mo na itong pang araw-araw na gawain mo na kusa na itong gagawin ng katawan mo."

Napadilat ang bata at tumingin sa matanda.

Hangin? Paghinga? Sa isip-isip niya at nawala ang kanyang pokus. Ang anti-magic barrier at mana ay hindi na muling nakabalanse sa kanyang katawan. Kaya ang kanyang balat ay kumirot at ang kanyang kalamnan ay bumigat, na may kasamang init sa pakiramdam. Pabagsak siyang napaupo sa lupa at napahawak sa kanyang tiyan. Namimilipit na siya sa sakit kaya napabaliko na ang kanyang katawan.

"Walang magagawa ang pagpilit mo diyan sa sakit! Ipokus mong muli ang sarili mo sa anti-magic barrier at sa mana! Huminga ng malalim. Isa isip ang mga sinabi ko kanina."

Hinilata ni Zyaniah ang kanyang likod, mga kamay, at paa sa lupa. Nakahiga na ito ngunit napakasakit ng buong katawan niya mula ulo hanggang paa. Pinipigilan niya na lamang ito sa abot ng kanyang makakaya.

Huminga ng malalim, sa isip-isip niya at ito'y ginawa niya. Pinakiramdaman niya ang kanyang mana sa loob ng kanyang katawan at pinagana ang kanyang imahenasyon. Pinikit niya ang kanyang mga mata at bumuga ng hangin. Naging tahimik ang lugar sa mga sigaw sa kanya ni Pinunong Sol at tanging pagsipol lang nang malakas na hangin ang nagpakalma sa kanya.

This is just a theory but what if I imagine my mana as wind blowing in my veins?

Muli siyang huminga ng malalim at pinalawak ang imahenasyon. Unti-unti namang nawala ang sakit at kirot niya, at napanatili ang balanse ng tatlong enerhiya sa looban niya.

Napangiti ang matanda nang maramdaman nasa stable na ang mana at anti-magic barrier nito. Muli siyang naglakad ng pa-clock wise habang nakatingin sa batang nakahiga sa lupa.

"Ngayon, ituring mong parte nang katawan mo ang anti-magic barrier at ituring na parang isang paghinga ang pagkontrol mo sa mana, na kapag hindi ka nakahinga, kamatayan ang iyong mapapala."

Huminga ulit ng malalim si Zyaniah at muling inisip ang senaryo ng paghinga.

Ngumiti muli ang matanda nang maramdaman ang paghina ng anti-magic barrier.

"Ipagpatuloy mo lang iyan. Kailangang mong mapanatili iyan sa loob ng isang oras."

"Ano?!" singhal ni Zyaniah at napadilat. Tatayo sana siya ngunit sumakit muli ang kanyang katawan. Pabagsak na napahiga ang kanyang ulo at pumait ang kanyang mukha.

"Sa isang oras na iyon, alamin mo kung paano mo mapipigilan ang anti-magic barrier na ipawalang bisa ang mana sa iyo. Tandaan mong ikaw na ang may-ari ng anti-magic barrier sa loob mo. Ikaw ang dapat komontrol dito, hindi ang anti-magic barrier," paliwanag ni Pinunong Sol.

Nakayang dumilat ng bata nang marinig niya ang huling kataga ng matanda. Para bang nahimasmasan siya rito.

Mas lalong kumalma ang kanyang nararamdaman nang makita ang napakagandang kalangitan. Rinig niya ang kaluskos mula sa dahon ng mga puno noong lumakas ang hangin. Isang mapayapang senaryo na nakapagpakalmang muli sa kanyang isipan.

Pumikit ito at natahimik saglit. Malalim siyang nag-isip at mayamaya'y ngumiti.

𔓎𔓎𔓎𔓎

"NARITO na tayo," paalala ni  Captain Alaric sa kanyang mga kasamahan nang makapasok sila sa sentrong bayan ng Olga Kingdom. Kasalukuyan silang nasa karwahe na pinapaandar niya.

Nagkaroon ng pagpulupot ng baging sa kanang tenga ni Haruna na tumubo sa bandang likod nito. Nagmisyula itong communication device.

"Karlo, malapit na kaming makapasok. Maging handa na kayo," saad niya.

"Masususnod po," rinig niyang sagot ni Karlo sa kabilang linya.

Nawala ang baging at siya'y tumingin sa labas ng karwahe. Ang ilang mga tao ay nakatingin sa kanilang bahagi dahil nagtataka sa kakaibang karwahe na pumasok sa kanilang kaharian.

"Ruby? Mahiga ka kaya muna?" rinig niyang mungkahi ni Rai.

Napalingon si Haruna sa dalawa niyang kasamahan. Nakita niyang nakaupo ang matagal nang natutulog na si Ruby sa tabi ni Rai. Nakahawak ito sa ulo at nakapikit. Nanlalambot ang katawan nito at ang mga kamay nito ay nakahawak sa balikat ng binata.

"Ang tagal kong nahimlay tapos papahigain mo ulit ako?" singhal ni Ruby at hinilata ang ulo sa dingding ng karwahe.

Mahinang natawa sa kanya si Rai at mahinhin niyang inalalayan ang ulo ng dalaga pahiga sa kanyang balikat.

"Namiss ko pagtataray mo, Ruby."

"Manahimik ka muna, kailangan ko muna ng katahimikan."

Ngumiti lang ang binata at inalalayan ang ulo nito. Hinawi niya ang mahabang buhok ng dalaga na humaharang sa mukha nito at mahinhing hinimas ang buhok.

Lihim na ngumit si Guardian Haruna sa kanila. Tinuon na lamang niya ang kanyang paningin sa harapan ng karwahe ngunit nahagip ng kanyang tingin ang natutulog na si Elaine sa kanyang tabi.

Kailan ka kaya magigising? Mahal naming Supreme Spirit? Pagkakausap niya sa kanyang isipan.

Nang sila'y makapasok sa nabuksang gate papunta sa looban ng palasyo, tumungo sila sa harapan ng palasyo. Huminto ang karwahe kasabay nang pagbukas nang dalawang malaking pinto nito at niluwa ng pintuan si King Haruno na may kasamang dalawang tauhan na nakabuntot.

"Myembro ng Midnight Guild mula sa Anastasia Kingdom? Kayo ba 'yan? Captain Alaric?" bungad na tanong ng hari. Nasagot naman ang kanyang tanong nang bumaba si Captain Alaric na kinayukom ng kanyang mga kamay.

Haharap sana si Captain Alaric sa haring naglalakad papunta sa kanya ngunit naging alerto ito nang maramdaman ang pagtakbo sa kanya ng dalawa nitong alagad. Agad siyang lumikha ng dalawang yelong espada sa magkabilaan niyang mga kamay at agad na sinalag ang sandata ng dalawang lalakeng sumugod sa kanya.

"Captain Alaric from Midnight Guild, isang mapangahas na taong kinalaban ang emperor. Inaaresto ka namin sa iyong ginawa," may diing sambit ng hari.

Narinig naman nila Haruna ang nangyari. Bago siya bumaba, nakita niya ang maraming knights sa palasyo na tumatakbo papunta kay Alaric.

Napatingin si Alaric sa mga bagong dating na knights at mabilis niyang inalam ang gagawing galaw ng mga ito laban sa kanya.

"Tsk!"

Ang pagsalag niya sa dalawa buntot ng hari ay napakalakas ang pwersa. Bago pa siya mawalan ng balanse, umikot siya nang may pwersa at tumalon ng napakataas. Nang siyang nasa hangin, binato niya ang espada papunta sa dalawa. Agad naman itong naiwasan ng dalawa at tumalon din papunta sa kanya.

Pinawalang bisa niya ang yelong espada sa mga kamay niya dahil lumikha siya ng blue magic circle sa hangin at naglabas ito ng ice spikes na sabay-sabay bumulusok sa dalawa. Maliksi naman itong naiwasan nila at nakuha niya iyong pagkakataon para bumaba sa lupa. Lumikha ulit siya ng yelong espada sa magkabilaan niyang kamay at sumugod sa dalawa. Hindi naman siya nito napansin kaya nang sila'y lumingon sa kanya, gulat ang kanilang naging reaksyon. Hindi na sila makakagawa pa ng aksyon dahil huli na. Buti na lang, may isang taong hindi hinayaang malagutan sila nang paghinga.

"Tigil!"

Napahinto ang lahat sa malakas na boses na kanilang narinig. Sila'y tumingin dito at nakita si Haruna na nakaharap sa kanyang ama.

"Ibaba niyo ang espada!" muli niyang sigaw at sinamaan ng tingin ang ilang hindi nakinig sa kanya. "Lapastangan ang hindi pagsunod sa inyong prinsesa!"

Ang mga hindi sumunod ay agad na nilaglag ang kanilang mga espada. Yumuko silang lahat kasama ang dalawang nakalaban ng kapitan.

"Princess Haruna!" saad ng mga tauhan sa palasyo.

Bumaba si Rai sa karwahe at iniwan niya si Ruby sa loob. Lumapit naman ang kapitan sa binata habang pinapawalang bisa niya ang nilikhang yelong espada at pinagmasdan nila ang mga susunod na pangyayari.

"Anak. . ."

Lumingon si Haruna sa kanyang ama at kahit nakapikit, napasnin niya sa pagsabi nitong parang maluluha.

"Anak!"

Tuluyan na nga itong umiyak at niyakap ang kanyang anak.

"Ama. . . nasasakal ako," ani Haruna na agad namang nakawala sa pagkakayakap.

"Bakit ngayon ka lang bumalik? Anong ginawa sa 'yo ng guardian sa Kagubatan ng Sonja? May nangyari ba sa 'yo? Nasaktan ka ba? Huhuhu!"

Napakunot-noo ang nakasaksing si Rai sa nangyari. "Hindi ba't siya ang guardian?" pagkakausap niya sa sarili at humakbang upang magbigay ng kumento sa mag-ama. "Siya po ang—" Hindi na natapos ang kanyang sasabihin nang sumabat si Haruna.

"Maayos po ako at ang kapitan ang nagligtas sa akin," palusot ni Haruna.

Agad na lumihis ng tingin ang hari papunta sa kapitan.

"Niligtas mo ba ang anak ko?" takang tanong nito.

Humalukipkip ang kapitan bago sumagot, "Sa anak mo na naggaling ang sagot, your majesty."

"Kung gano'n. . ." Humarap ang hari sa kanyang mga tauhan at pinanlakihan ng mata. Nakita naman nila ito at agad na yumuko sa kapitan. "Maraming salamat!" sabay-sabay nilang sabi bago tumayo ng maayos.

"Parang kanina lang ay gusto ka nilang hulihin," pabulong na sambit ni Rai sa kapitan.

"Sabayan mo na lang. Nararamdaman kong may pabuya tayong matatanggap," tugon ng kapitan.

"Weh?" Halos kuminang na ang mga mata ng binata dahil sa sinabi ng kapitan. "Aye, Aye! Captain."

Muling niyakap ng hari ang kanyang anak.

Hindi na maipinta ang mukha ni Haruna dahil sa higpit at kahihiyang nararamdaman niya. Isa ito sa dahilan kung bakit ayaw kong bumalik dito, sa isip-isip niya.

"Rai?!" rinig nila Alaric at Rai na tawag ni Ruby. Pumasok naman sila sa karwahe at nakita ang dalaga na nakatingin sa natutulog na si Elaine.

"Anong nangyari kay Elaine? Bakit parang wala siyang buhay?" nanginginig nitong tanong. Hinawakan nito ang mukha ni Elaine at naramdaman ang lamig.

"Wala na ba siya? Ang lamig niya! Bangkay na ba siya? Bakit hindi naman namumuti labi niya?" naluluha nitong mga tanong.

"Hindi," maikling sagot ng kapitan at sumulyap kay Rai. Agad naman itong nakatunog sa gusto niyang iparating.

"Ipapaliwanag ko sa 'yo ang lahat pero bago 'yon. . ." Tumingin si Rai sa labas ng karwahe at nakitang tinatawag sila ng hari. "Kailangan muna nating makapasok sa palasyo.

Hindi na muling nagtanong pa si Ruby. Naguguluhan ito ngunit sinabi naman ng kapitan na buhay pa si Elaine. Kahit papaano naging panatag ang loob niya.

Pumasok sila sa palasyo kasama ang hari na nasa tabi ang kanyang anak na si Princess Haruna a.k.a Guardian Sonja/Haruna. Magkasamang naglalakad si Ruby at Rai na sinisimulan ng ipaliwanag ang nangyari. Nasa huli naman si Alaric buhat-buhat ang katawan ni Elaine. Hindi siya sumabay sa iba dahil sinusundan siya ng dalawang alagad ng hari. Nababahala pa rin ang mga ito na iniintindi niya na lamang.

"Lubayan niyo ang kapitan. Siya ang nagligtas sa 'kin," babala ni Haruna na hindi man lang dumako ang mukha sa kanila.

Yumuko ang dalawang alagad at sila'y limihis ng dinaraanan.

Wala pang ilang minuto nang matunton nila ang napakalawak na silid. Puno ng iba't ibang dekorasyon ang paligid at sa gitna ay may malaking sala. May malaking babasaging chandelier sa kisame at hindi na ito kailangang liwanagan dahil ang malalaking bintanang gawa sa salamin ang siyang nagpapasok sa liwanag ng araw. Sapat na iyon para hindi dumilim ang paligid.

"Ipunta mo si Elaine sa silid na iyon." Tinuro ni Haruna ang isang pinto sa gilid nila. "May kama roon. Doon mo siya pahigain."

Tumango lang sa kanya ang kapitan at ito'y pumasok sa sinabi niyang pinto. Mayamaya'y lumabas din ito at nadatnan niyang nakaupo na sila sa sofa.

Magkakatabi ngayon sila Rai, Ruby, at Alaric. Samantalang nasa bawat gilid ng isa pang sofa sila King Haruno at Princess Haruna. Pinagigitnaan nila ang maliit na mesa na may nakalagay na mga tasa. Mayroon din silang dalawang maid na nagsasalin ng tsaa.

Hinintay muna nila matapos ang dalawang maid bago simulan ang pag-uusap.

"Kailangan ko ng kaliwanagan. Lalo na't ang nagligtas sa anak ko'y kriminal sa sarili niyang kaharian," panimula ng hari at humigop ng tsaa. Lumihis ang tingin niya sa kapitan at mapanghusga niya itong tiningnan. "Maaari ko bang malaman kung paano mo naligtas ang aking anak?"

Humalukipkip si Alaric at hinilata ang likuran sa sofa. Pumikit ito upang makapag-isip ng dahilan. "Hindi na kasama sa pagpapaliwanag ang pagligtas namin sa kanya. Ang usapan ay mabalik namin siya rito sa kahariang ito."

Nice reason, Captain! Sa isip-isip ni Rai habang palihim na ngumiti kay Haruna. Si Ruby naman ay nakayuko lamang dahil sa nagpoproseso ng kanyang utak sa mga nabi sa kanya ni Rai.

"Ngunit ako pa rin ang may hawak ng pabuyang ibibigay ko sa inyo. Ako ang may kapangyarihan sa sitwasyong ito. Kapag hindi niyo ako sinunod, wala kayong matatanggap."

Ayon lang, sa isip-isip muli ni Rai.

"Ganyan ka ba ama sa taong nagligtas sa 'kin? Maghunos diri ka nga!" singhal ni Haruna.

Ang seryosong mukha ng hari ay napalitan nang pagkaawa sa kanyang anak.

"Pasensya na, anak ko. Dahil ang lalakeng ito ay hinamon ang emperor at isang wanted na tao sa Anastasia Kingdom. Mamaya'y may gawin siyang hindi—"

"Ibigay mo na lang ang pabuya. Ang usapan ay usapan. Labas na tayo ro'n sa problema niya," sulpot na dahilan ni Haruna.

Napa-pout ang hari na animo'y isang bata.

Napangiwi si Rai sa hindi niya inaasahang reasksyon ng hari.

Napabuntonghininga ang hari bago humarap kay Alaric. "Ibibigay ko sa inyo ang pabuya at maaari na kayong umalis. Hangga't maaari, lisanin niyo ang kaharian ko."

Hinagis ng hari ang isang malusog na supot kay Captain Alaric. Walang hirap naman itong nasalo ng kapitan at awtomatikong nagningning ang mga mata ni Rai. Kukunin sana ng binata ang pabuya ngunit mabilis itong tinago ng kapitan.

Tumayo ang hari upang sana'y umalis ngunit napahinto ito nang tumayo ang kanyang anak.

"Ama. Sa aking pagbabalik, maraming nangyaring hindi mapaliwanag. Nagsasalita ako sa iyong harapan na dala ang aking titulong prinsesa. Ang lalakeng ito—" Tinuro ni Olga ang kapitan. "Ay kailangang manatili sa ating palasyo."

"Ano?!" pasinghal na tanong ng hari, "Hindi 'yan maaari, anak. Ang lalakeng iyan ay—"

"Ama. Magtiwala ka sa 'kin. May mga bagay na hindi ko mapaliwanag sa 'yo. Alam mo 'yan."

Napatingin ang hari sa mata ng kanyang anak na nakapikit. Hanggang ngayon, hindi niya alam ang dahilan ng pagkabulag ng mata nito, ang biglaang pag-alis niya sa palasyo, at ang pagkuha sa kanya ng Guardian of Forest of Sonja. Lahat ng iyon ay hindi niya alam. Ngunit isa lang ang tumatatak sa kanyang isipan, iyon ay kasalanan niya.

"Nagtitiwala ako sa ;yo, anak. Ngunit kailangan ko rin ng kaliwanagan." Ang mukha ng hari ay lumungkot. Nagmamakaawa ang mga matang nakatingin sa anak. "Tao lang din ako anak, gusto ng mga kasagutan sa sarili kong katanungan."

"Maaari ka ng umalis, mahal na hari," malamig na saad ni Haruna at lumihis ng gawi.

Sila Alaric at Rai ay takang nakatingin sa mag-ama habang ang kanilang mga kamay ay may sariling agenda; mabilis na nilalayo ng kapitan ang spot ng pabuya habang mabilis ding gustong hablutin ito ni Rai. Hindi nila mawari at hindi nila alam ang gagawin sa nangyayari.

Bumuntonghininga ang hari bago ito umalis sa silid. Nang masarado ang pinto, pabagsak na umupo si Haruna sa upuan at bumuga ng hangin.

"Nakakuha na tayo ng mapagtataguan ngunit hindi natin maiiwasan ang kayang gawin ng mangkukulam na si Meralda. Kaya niyang alamin kung nasaan tayo ngayon," paliwanag niya sa dalawang lalakeng naramdaman niyang nakatingin sa kanya.

"Napakadaya naman no'n!" reklamo ni Rai at nang bumaling siya kay Captain Alaric, laking gulat niya na wala na ang supot ng pabuya.

"Huwag kang mag-alala, Ginoong Rai, hindi sumusugod ang emperor sa kaharian na nasasakupan niya. Tandaang walang titulong emperor kung wala ang mga taong nasasakupan niya. Kapag masama siya sa paningin nila, itatakwil siya at kakamuhian ng lahat."

"Hindi mo ba naisip ang mga kapatid niya?" sabat ng kapitan.

"Kung susugod man sila sa 'tin, ayon ang paghahandaan natin. Ngunit saka niyo na 'yan isipin. Magpahinga muna kayo."

Tumayo si Haruna at nagkaroon ng maliit na sanga sa kanyang tenga.

"Karlo, hanapin mo ang awra ko at mag-teleport na kayo," saad niya at mayamaya'y lumitaw sa gilid niya sila Karlo at Ivy na may bitbit na malaking bag na naglalaman ng kagamitan sa potion.

Agad na yumuko si Karlo, samantalang inasikaso ni Ivy ang bitbit niya.

"Mahal na guardian, maaari na po bang ipagpatuloy namin ang paghahanap sa red cherry?" may paggalang na saad ni Karlo habang nakayukong nakahawak ang kanang kamay sa kanyang dibdib.

"Oo nga pala noh," gatong ni Ivy.

Tumayo si Alaric at humarap sa dalawang bagong dating.

"Sasama ako," saad niya at lumingon kay Rai. "Habang wala ako, ipaliwanag mo na kay Ruby ang lahat."

"Oo nga pala," sagot ni Rai at humarap kay Ruby, "Doon tayo sa kwarto ni Elaine mag-usap."

Tumango ang dalaga at mapait na ngumiti. Inalalayan ni Rai si Ruby at sila'y pumasok sa silid. Ngayon, naiwan sa sala sila Alaric at Haruna.

"Mag-ingat kayo sa babaeng 'yon."

Napatingon si Alaric sa nagsalitang si Haruna.

"May rason kung bakit siya tumungo sa Anastasia Kingdom at sumali sa guild niyo," dagdag pa nito.

"Alam ko. Ngunit ako ang kapitan niya. May responsibilidad akong alalayan sila," seryosong sagor ni Alaric.

"Hmph." Gumuhit ang ngisi sa labi ng guardian. "Ngunit ako'y nagbibigay lang ng babala, Captain Alaric."

𔓎𔓎𔓎𔓎

SA TAHANAN ng Pamilyang Suarez, nakaupo ngayon sa sala ang mag-asawang sila Helena at Duardo. Ang kanilang mukha ay hindi maipinta dahil sa balitang nakalap nila tungkol sa pagsugod ni Alaric kay Emperor Lunar.

"Anak ko. . ." naiiyak na saad ni Helena. Nakahawak na ito sa kanyang mukha para matago ang mga matang nanunubig na.

"Nangako sa atin ang kapitan na iyon! Ngunit bakit gano'n naman ang ginawa niya? Mapapahamak ang anak ko at hinding-hindi ko siya mapapatawad!" singhal ni Duardo at napamartilyo ang nakayukom niyang kanang kamay sa mesa. "Magbabayad sa akin ang walang hiyang kapitan na iyon!"

"Huwag kayong mag-alala, nasisigurado ko po sa inyong mababalik namin ang inyong anak."

Napatingin ang mag-asawa sa nagsalita. Nakita nila sa kabilang upuan ang may tindig na si Emperor Lunar. Nasa likod niya si Joziah, Kloro, Meralda, at ang dalawa niyang kapatid na sila Penumbra at Equinox. Nakatayo sila ng maayos habang nakangiti sa mag-asawa..

"Thank you, your highness and your majesties," masayang saad ni Duardo at sabay silang yumuko ng kanyang asawa bilang pagbigay galang.

Ngumiti si Lunar. "Ikinagagalak ko pong tanggapin ang inyong pasasalamat, ama't ina ni Joziah. Ililligtas namin ang babae niyong anak na si Elaine."

Ngumiti itong muli ngunit sa pagkakataong ito, ang isipan niya'y nakangisi.


~(へ^^)へ• • •

Continue Reading

You'll Also Like

16.1K 1.4K 45
In Year 2030. Ang R.O.S or mas kilala nating rules of Survival ay kilala na sa boung mundo anim na taon na ang nakaraan. Hindi maipagkakaila ang kag...
575 69 7
METEMPSYCHOSIS SERIES FANTASY TAGLISH COLLABORATION Installment 9 of 9 *** After pulling an all-nighter, Kalima, an avid reader of RC Astralia's nove...
10M 496K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
20.8M 763K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...