I'm a Ghost in Another World

De PeeMad

130K 4.7K 208

Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car cr... Mais

PSAMM
Guide Map
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Epilogue
Author's Note
Author's Note 0.2

Chapter 28

1.2K 56 2
De PeeMad

Chapter 28: Anti-Magic Barrier

SA PALASYO ni Guardian Sonja o Princess Haruna,

Ang bawat isa sa grupo nila Alaric ay may kaniya-kaniyang bitbit na gamit. Handa na silang umalis upang pumunta sa Olga Kingdom. Napagdesisyonan ito ni Haruna upang doon mamalagi at magtago, pansamantala.

Kasaluluyang nasa loob ng silid sila Rai, Alaric, at Karlo. Nakahiga naman ngayon sa tag-isang kama sila Ruby at totoong katawan ni Elaine, na hanggang ngayon ay wala pang malay.

"Mayamaya'y magigising na si Ruby," saad ni Haruna. Ang suot niya ngayon ay hindi na magarbo— isang dress na pula na hanggang tuhod ang haba.

"Mabuti naman. Hindi niya ginustong matabuyan ng sleep powder," sarkastikong saad ni Rai.

Tahimik lang na nakaupo si Alaric sa kama ni Elaine habang si Karlo ay nakatayo nang diretso sa tabi ni Haruna.

Hinihintay na lang nila si Ivy bago sila umalis. Pinayuhan na rin ng guardian ang nailagay niyang mahika sa mga halamang nakakonekta at nakakalat sa palasyo na maging alerto kapag dumating ang mga kalaban. Isa itong patibong kung sino man ang magtatangkang pasukin ang lugar niya.

Mayamaya'y dumating na si Ivy na bitbit ang isang malaking bag na bilog na naglalaman ng mga babasaging potion. "B-baka. . . naman. Patulong," nahihirapan niyang sambit.

"Ang sabi ko'y dalhin lang ang kailangan," ani guardian.

"Ngunit kailangan ko itong lahat. Karlo! Tulong."

Napabuga muna ng hangin si Karlo bago buhatin ang dala nito nang walang kahirap-hirap.

"Kailangan na nating umalis," saad ng kapitan kasabay nang pagtayo niya. Sinuot niya muna ang dala niyang bag bago binuhat si Elaine nang pangkasal. Gano'n din ang ginawa ni Rai kay Ruby. "Sa Karwahe kami sasakay. Kilala naman kami ni King Haruno."

"Sasama ako sa inyo," sulpot na saad ni Haruna.

"Huh?! Hindi ka sasabay sa 'min, Guardian?" tanong ni Ivy.

"Narito rin kayo upang ako'y mabalik sa aking kaharian, hindi ba? Kailangan niyo ring makuha ang pabuya at para na rin makapasok tayo na alam ng mga tao sa palasyo," paliwanag ni Haruna.

"Sigurado ka?" tanong ni Alaric at seryosong tiningnan ang nakapikit na mata ng guardian.

"Para sa ikabubuti ng Supreme Spirit, gagawin ko ito."

"Kung gano'n, tayo na."

Nagsimulang maglakad si Alaric palabas ng silid bitbit si Elaine. Sumunod naman si Rai at naiwan ang tatlo sa silid.

"Kapag nakarating kami sa palasyo, hanapin mo ang mana ko atsaka kayo mag-teleport doon. Habang wala pa ang pagkakataong iyon, bantayan niyo ang palasyo at lagyan ng mga trap. Mas matindi, mas maganda," bilin ng guardian kay Karlo at Ivy na yumuko bilang tugon.

"Hangga't maaari, gawin niyong labyrinth ang palasyo ko upang wala ring mapangahas na pumasok dito. Ivy?" Lumingon siya kay Ivy na napatayo ng maayos. "Lagyan mo ng sleep powder ang ibang trap. Mag tira ka ng kaunti para sa hinaharap."

"Masusunod po, mahal na guardian."

Ngumiti si Haruna sa kanila bago sumunod sa kapitan. Naabutan niya ito sa labas ng portal— sa pagitan ng palasyo at kagubatan— na inaayos ang tali na nakakabit sa dalawang kabayo.

"Sumakay ka na. Aalis na tayo," saad ng kapitan nang siya'y makaupo sa unahan.

Pumasok sa loob ng karwahe si Haruna at nadatnan si Ruby na nakahiga ang ulo nito sa hita ng nakaupong si Rai. Sa bandang kanan siya umupo na kung saan ay naroon ang nakahilatang si Elaine.

"Limang minuto na lang bago magising si Ruby," saad niya.

"Kailangan niya nang magising, ipaghihiganti pa namin si Elaine," usal naman ni Rai.

Mahinang natawa si Haruna bago hinilata ang likod sa dingding ng karwahe. Nagsimula na ring umandar ang karwahe kaya sila'y napatingin sa harapan na kung saan nakaupo si Alaric.

"Anong magiging reaksyon ni Ruby kung ang kalaban ay ang kanyang mga kadugo?" saad ni Haruna.

"Iyong magkakapatid ba na Hidalgos ang tinutukoy mo?" tanong ni Rai.

"Hindi ko alam kung ano ang pagkakakilanlan ni Ruby sa kanyang pamilya. Ngunit sa pagkakaalam ko'y ang may apelyidong Hidalgos ay binibigay lamang sa pangalan ng isang tao kapag kadugo nila ito. Halimbawa na lamang na ang kanyang ina ay may dugong Hidalgos at ang kanyang ama ay isang normal lamang na tao. Kahit na sila'y nasa iisang bubong, hindi tinuturing ng ibang kamag-anak niya—sa side ng kanyang ina— na ang ama ay isa ring Hidalgos. Kaya si Ruby ay konektado sa emperor kahit na tinatakwil ang kanyang ama."

"Bakit iniintindi mo pa iyon?"

"Dahil kapag nagdeklara ang pinuno nilang si Emperor Lunar, wala siyang magagawa kung hindi ang sumunod dito. Ngunit nasa sa kanya pa rin ang desisyon."

"Sa amin siya sasanib! Bakit mo kinukuwestiyon si Ruby? Kilala mo ba siya ng lubusan?!" singhal ni Rai. Matagal na siyang nagtitimpi sa kanila dahil sa ginawa nila kay Ruby. Dumagdag pa ang galit niya sa sitwasyon ni Elaine.

"Rai. Magbigay galang ka," saad ng kapitan. Kahit ito'y nagmamaneho, nakatuon pa rin ang tenga niya sa dalawa.

Napalingon si Rai sa kapitan.

"Guardian ang katapat mo, Rai, hindi normal na tao lang. Kaya ka niyang paslangin sa isang iglap lang kaya ayusin mo ang pananalita mo," dagdag pa nito na kinayukom ni Rai.

"Bakit ko papaslangin ang mga taong kasamahan ng aming Supreme Spirit? Ang sinasabi ko lang ay ang totoo, Ginoong Rai. Hindi ko ito sinasabi para mainis ka, sinasabi ko ito para maging handa ka."

"Pasensya na po," may pilit sa pagbigkas na sabi ni Rai.

"Kung gusto mo makabawi, handa akong tulungan ka. Kapag tayo'y nakarating sa aking kaharian, pag-iisipan natin kung paano tayo makapapasok sa tournament."

"Iyong Lunar Tournament? Ngayon na ba iyon?" masayang saad ni Rai.

Tumango si Haruna bilang tugon.

"Walang sasali," sabat ni Alaric na nagpawala ng ngiti sa labi ni Rai. "Alam ko ang takbo ng utak ni Lunar. Isa iyong patibong."

"Hindi naman si Elaine ang sasali. Kung hindi kayo. Pati rin ikaw, Alaric."

"Hindi mo alam kung gaano kalakas si Lunar. Sa tunggalian namin, aminado akong mas lumakas siya sa inaasahan ko. . ."

Ang dalawang nasa karwahe ay napatitig sa kapitan na nagmamaneho. Kilala rin si Alaric bilang malakas sa paggamit ng mahikang yelo kaya inaasahan din siya ng guardian.

"At kung ako man ang makatatalo sa emperor, walang saysay iyon dahil wala akong pakialam sa trono. Mas mabuting si Elaine ang tumalo sa kanya dahil siya ang may karapatan sa lupaing ito," dagdag pa ng kapitan.

"Kung gano'n, isasali natin si Elaine?" tanong ng guardian.

"Kung ako ang tatanungin, hindi ko siya isasali dahil alam kong may plano si Lunar sa kanya," sagot ng kapitan at hinampas niya ang taling nakakonekta sa kabayo upang ito'y bumilis pa.

"Nalaman kong ang tournament ay isasagawa pagkatapos ng dalawang buwan. Mahaba-haba pang preperasyon at pagpaplano." - Guardian Sonja/ Princess Haruna.

"Mahaba-haba ring paghihintay sa pagbabalik ni Elaine." - Captain Alaric/ Lord of Ice.

"Kaya kailangan niyong magmanman sa gilid ng Spirit Woodland upang mahanap si Elaine."

"Hindi ba't ang totoong Elaine ay kaluluwa? Paano niyo siya mahahanap kung hindi niyo siya makikita?" sulpot na tanong ni Rai.

"Ang katanungan mo ay masasagot ng isang taong may kakayahan ng magic sense," paliwanag ni Haruna at tumingin sa likod ng kapitan. "Naramdaman mo na ang mana ni Elaine, hindi ba? Alam kong pamilyar ka na sa mana na nasa katawan niya."

"Sa katawan ni Elaine, hindi ko maramdaman ang pamilyar na sinasabi mong mana," sagot ng kapitan, "Bakit ayaw mo ring maghanap, Guardian? Sa pagkakaalam ko, ang mga guardian ay malakas ang pang-amoy sa kanilang pinunong Supreme Spirit."

"Dahil kailangan ako ng Forest of Sonja at Olga Kingdom. Hindi ko pwedeng layuan ang dalawang lupain. Kaya nakaasa ako sa 'yo, Alaric."

"Huwag kang mag-alala. Kahit hindi mo sabihin, hahanapin ko siya."

"Maraming salamat."

"Hindi mo kailangang magpasalamat. Tungkulin ko 'yon bilang kapitan niya."

Napangiti na lamang si Haruna. Kahit na gano'n ang sagutan nito, nararamdaman niya ang mabuting puso ng kapitan parakay Elaine.

Napatingin si Haruna at Rai kay Ruby nang gumalaw ito.

"Alalayan mo siya, Ginoong Rai. Gising na siya."

𔓎𔓎𔓎𔓎

SA NAYON ng Liryong Lampara, nasa loob ng maliit na tahanan si Zyaniah kasama si Pinunong Sol. Ang kagamitan sa loob nito'y purong kahoy at saktop lamang ang espasyo nito para sa dalawang tao. Ang metal na bagay lang ang mga gamit pangkusina at mayroon ding natatanging ilaw sa dingding na nagsisilbing liwanag kahit medyo pundi.

Kasalukuyan silang nakaupo sa maliit na upuang kahoy na pinagigitnaan nila ang maliit ding mesa.

"Maaari ko bang mahawakan ang mga kamay mo?" tanong ng matanda kay Zyaniah. Nilapag naman ng bata ang kanyang mga kamay sa mesa at ito'y hinawakan niya, magkabilaan.

"Hindi ito masakit ngunit makararamdam ka ng init sa looban ng katawan mo," babala niya ngunit huli na ito nang maramdaman ng bata ang mainit na pakiramdam sa mahikang pinasok niya sa katawan nito.

Napatingala ang bata habang nakapikit. Pinipigilan ang init ngunit hindi masakit.

"A-anong. . . g-ginagawa mo?" utal nitong tanong sa matanda.

"Huwag kang mag-alala, nilalagyan ko lang ng anti-magic barrier ang labas ng kaluluwa mo upang kapag lumabas ka sa nayon na ito, hindi ka matunton ng mangkukulam, maramdaman ng mga magic sense user, at ng iyong mga guardian."

[Sol's Anti-magic barrier is her new created spell to negate someone's attack using magic. This Anti-magic barrier is like a coated skin and a full shield to any magic form attacks.]

Hindi na nakapagsalitang muli ang bata dahil sa mas lumala pa ang init na nararamdaman niya sa pagitan ng kanyang balat at kalamnan sa looban ng kanyang katawan. Tumagal ito ng limang minuto bago tanggalin ng mangkukulam ang kanyang mga kamay. Napayuko ang bata sa mesa habang hinahabol ang paghinga. Pinagpapawisan pa ito at ang mga kamay niya ay namumula.

"Mangha akong hindi ka nawalan ng malay. Ang ibang nilagyan ko ng anti-magic barrier ay nakakatulog ng ilang araw bago magising. Isa ka ngang Supreme Spirit," ani matanda at tumayo. "Ipaghahanda muna kita ng makakakain bago tayo tumuloy sa susunod nating gawain."

Narinig ni Zyaniah ang ingay nang pagtapak ng matanda sa sahig.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa sinabi niya sa 'kin, sa isip-isip niya.

Hinintay ng bata ang matanda habang siya'y nakayuko sa mesa. Pinapahinga niya ang kanyang katawan na parang naubusan ng mana.

Tatlong minuto ang nakalipas at dumating si Pinunong Sol na may dalang bagong saing na kanin at isang pinakbet. Naamoy ng bata ang ulam kaya agad itong napatingin sa mesa.

"Pinakbet?" takang tanong ni Zyaniah at napatigil ito nang masabi ang isang salita na mula sa nakaraan niyang mundo.

Baka hindi pinakbet ang tawag sa ulam na iyan tulad no'ng avocado na avocada pala ang pangalan, sa isip-isip niya

"Oo, pinakbet."

Pinakbet nga! Akala ko mali na naman ako.

Inangat ni Zyanaiah ang kanyang mga kamay. Nahirapan ito dahil sa mabigat na pakiramdam sa looban ng kanyang katawan.

"Mayamaya'y magiging stable na ang nilagay kong barrier sa katawan mo. Kaya mo bang magalaw ang mga daliri mo?"

Dahan-dahang ginalaw ng bata ang kanyang mga daliri at yumukom upang matansya ang lakas niya.

"Kaya naman," tugon niya. Inabutan siya ng plato at kutsara ng matanda na may kanin at ulam na.

"Kung gano'n, kumain ka na," nakangiting saad ni Pinunong Sol sabay upo sa katapat nitong upuan.

"Pwede mo ba akong bigyan ng babala bago mo ako pahirapan sa mga biglaan mong mahika?" reklamo ni Zyaniah.

Mahinang natawa si Pinunong Sol at tumugon, "Masusunod, Supreme Elaine."

"Zyaniah na lang."

"Kung walang tao, patuloy akong magbibigay galang sa 'yo. Hindi magugustuhan ng aking guardian sa hinaharap na hindi kita ginagalang at pinagsisilbihan."

Nagsimulang sumubo si Zyaniah at napahintong nakalagay ang kutsara sa kanyang bibig.

"Ang sarap!" saad niya na animo'y kumikinang ang mga mata sa saya.

"Mabuti't nagustuhan mo. Kain ka pa. Dahil pagkatapos nito, hindi tayo magsasayang ng oras para palakasin ka."

Napahinto sa pagkain ang bata at seryosong tumingin sa katapat niya. "Bago iyon, kailangan ko pa lang bumalik sa totoo kong katawan at kay Guardian Haruna."

"Nakita ko sa bolang kristal ang nangyari sa 'yo at sa mga kasamahan mo. Sigurado ka ba sa disesyon mo? Kapag umalis ka sa nayon o sa sementeryo kong nilagyan ng anti-magic barrier, matutunton ka ng mangkukulam ng emperor nang walang kahirap-hirap. Sa estado mo, hindi ka mananalo sa kanila," mahinahong paliwanag ng matanda at sumubo ng kanin na may kasamang ulam.

"Hindi ba't ang nilagay mo sa 'king mahika ay anti-magic barrier din? Kung makakaalis ako rito, maproprotektahan ko ang sarili ko sa kanila at hindi nila ako matutunton," may diing saad ng bata at ito'y sumubo rin.

Hinintay ng matandang malunok niya ang kinaing ulam at kanin bago nagsalita, "Hindi ko pa napapaliwanag sa 'yo kung paano gumagana ang nilagay kong anti-magic barrier sa loob mo. Ang ilaw ba'y gagana kapag walang kuryente? Gano'n din sa barrier. Kapag walang pinagkukunan ng enerhiya, hindi iyan gagana."

"Paano naman ito gumagana?"

Sumubo muna ng kanin at ulam ang matanda at mabilis na nginuya. Pagkalunok, saka lang 'to nagsalita, "Ang barrier na nasa loob mo ay gumagana dahil kumukuha ito ng mana sa spiritual body mo. Malakas ito kumain ng mana kaya kailangan mong magsanay makontrol ang anti-magic barrier at mana ng sabay. At kung tatanungin mo kung paano kung hindi mo ito makontrol? Ito mismo ang papatay sa 'yo."

"Ano?! Bakit hindi mo sinabi?! Edi sana hindi mo ako nilagyan ng anti-magic barrier!"

Mahinang natawa ang matanda. "Alam kong pipigilan mo ako kapag sinabi ko muna bago ko gawin ang barrier. Tapusin muna natin ang pagkain bago ko ipaliwanag ang lahat sa 'yo."

Walang nagawa si Zyaniah kung hindi'y tanggapin ang kapalaran niya sa mangkukulam. May kapalit naman ito ng ulam na pinakbet kaya kahit papaano, sumang-ayon na lang siya.

Habang ninanamnam niya ang pagkain, naalala niya ang nakaraan niyang buhay. Mahilig ito sa mga gulay kaya isa ang putaheng ito sa mga paborito niya. Ang hindi niya lang mapaliwanag, kung bakit kayang lumikha ng pinakbet ang mundong bago sa kanya. 

Kinse minuto silang tahimik na kumain. Nang matapos, tumungo sila sa likod ng bahay ng matanda na kung saan makikita ang mga tanim nitong mga gulay. Nakamasid sila sa paligid habang nagpapatunaw ng kinain sa tiyan.  Sariwa at malamig ang hangin dito dahil malapit sila sa gubat na maraming puno. Maganda rin dito tumambay dahil wala kang masyadong makikitang tao at kung meron man, malayo ito sa kanila.

"Medyo nawawala na ang mabigat na pakiramdam ko," panimula ni Zyaniah.

Magkatabi silang nakatayo sa pintuan ng likod bahay.

"Kinakain na ng barrier ang ilan mong mana kaya nagiging stable na ito sa katawan mo," tugon ng matanda.

"Hanggang kailan niya hihigupin ang mana ko?"

"Sa tansya ko'y hindi ka na mabubuhay bukas at babalik sa dati ang totoong si Zyaniah. Ibig sabihin no'n, ang kaluluwa mo ang mawawala dahil sa pagsipsip ng anti-magic barrier sa mana mo."

Napaatras sa gulat at nakaramdam ng kaba si Zyaniah. "M-mawawala ako bukas? Anong ibig sabihin nito?!"

Mahinang natawa ang matanda sa kanya. "Huwag kang mag-alala, ituturo ko sa 'yo ang pagkontrol sa barrier at sa mana mo. Magpatunaw muna tayo ng kinain natin."

Nakahinga naman ng maluwag ang bata at mapait na ngumiti sa matanda. Nakahihiligan niya ng tumawa sa 'kin ha?! Pagkakausap ni Zyaniah sa kanyang isipan.

"Kung matutunan ko ito bukas, pwede na akong umalis?" tanong naman niya.

Natahimik saglit si Pinunong Sol. Pinapakiramdaman ang presensya ng bata at nag-isip ng magandang dahilan sa sinabi nito.

"Maaari ngunit bibigyan kita ng babala. Kung aalis ka bukas, hindi ko na muling mababasa ang iyong hinaharap dahil sa anti-magic barrier. Walang makakapagturo sa iyong iba kung hindi ako lang. Hindi ka kayang tulungan ni Guardian Haruna o kilala niyo bilang Princess Haruna, dahil ang mahika nito'y tungkol sa halaman, bato, at tubig. Mas lalong hindi ka matutulungan ni Captain Alaric dahil sa yelong mahika nito."

Hindi na ako nagulat na kilala niya si Captain Alaric, sa isip-isip ni Zyaniah. Dahil si Pinunong Sol ay mangkukulam na bihasang manghula.

"Ngunit nag-aalala ako sa kanila pati sa pamilyang naiwan ko sa Anastasia Kingdom," ani Zyaniah.

"Pamilya?" kunot-noong tanong ni Pinunong Sol.

"Pamilya ng sinapian kong dalagang babae noong unang dating ko rito sa mundong 'to. Tinuring ko na rin silang tunay na pamilya."

Napabuntonghininga ang matanda bago tiningnan sa mata sa mata ang bata.

"Sabihin mo, Supreme Elaine. Ano ang pipiliin mong unahin? Ang pagiging Supreme Spirit o ang pagkakaroon ng pamilya?"

Napakurap-kurap ang bata na nabasa ng matanda ang nasa isip nito.

Mukhang hindi niya pa alam kung ano ang tungkulin niya, pagkakausap ng matanda sa kanyang isipan.

Napatingin sa mga tanim na gulay si Zyaniah habang iniisip ang idadahilan niya. Sa isip-isip naman niya, Parehas sila ng sinabi ni Princess Haruna sa 'kin, pinapapili ako sa tungkulin at layunin.

"Bakit mo naman na tanong 'yan?" walang ganang tanong niya sa matanda.

"Dahil ang nakaraang Supreme Spirit ay pinaglingkuran ko at ang dalawang iyon ang ikinagugulo ng isipan niya— ang tungkulin o ang pamilya— kaya hindi niya matugunan ang kanyang tungkulin sa lupaing ito."

"Ang dating Supreme Spirit?" takang tanong ng bata.

Tumango ang matanda sa kanya. "Ako rin ang nagturo sa kanya noon at nakapagpasagot sa mga tanong niya. Kaya walang tutulong sa iyo kung hindi'y ako lang."

"Kung dati kang tagapaglingkod sa Supreme Spirit, bakit gusto mo akong patayin noon?"

"Dahil alam kong hindi biro kalabanin si Lunar. Mas malakas siya kaysa sa 'yo at mas pabor ako sa taong alam kong may mapapala ako. Kaya saan ako kakampi?"

Sumimangot ang mukha ni Zyanaiah at humalukipkip. "Minamaliit mo ba ako?"

Mahinang natawa ang matanda at ginulo ang buhok ng maliit na bata. "Oo. . . kung pagbabasehan ang katawan mo ngayon ngunit kung tatanungin mo ako tungkol sa hinaharap mo, mas lalakas ka pa kung mananatili ka sa puder ko."

Lumungkot ang mukha ng bata at napabuntonghininga. "Baka nag-aalala sila Captain Alaric at Guardian Haruna sa 'kin. At baka hinahanap na ako ng mga magulang ko sa matagal kong pagkawalay."

"Ayan ang pinakamalaking problema ng isang namumuno. Kung uunahin niya ba ang mga mahal niya sa buhay o uunahin niya ang tungkulin niya? Kailangang mamili ng isa dahil sa reyalidad ay hindi mo mapagsasabay ang dalawa."

Napansandal si Zyaniah sa gilid ng pintuan at tumingala sa kalangitan na kulay asul at puti ang kulay.

Kaya siguro naging successful ako bilang c.e.o noon dahil wala akong iniintinding pamilya. Mas inuuna ko ang kumpanya ko kaysa sa mga mahal ko sa buhay. Ngunit sabik akong makaramdam ng pagmamahal sa pamilyang pinagkait sa akin. Hindi ba pwedeng matamasa iyon ngayon? Dito sa bago kong buhay? Kailangan ko ba talagang mamili sa dalawa? Pagkakausap niya sa kanyang sarili habang hinahayaan niya ang kanyang isipang lumutang sa napakagandang tanawin at kalangitan.

Hindi ba pwedeng piliin ang dalawa?


~(へ^^)へ• • •

Continue lendo

Você também vai gostar

236K 7.7K 63
Pain have 2 effects. It's either, you'll be strong because of pain or the pain will change you. 10/01/2020
15K 621 42
HIGHEST RANK: #1 in Survival PLEASE TAKE NOTE THAT THIS STORY IS CURRENTLY UNDER MAJOR REVISION. ----- Azie and her friends are just living their nor...
436K 31.9K 52
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
536K 27.7K 66
Volume 1 of Quinra series Matapos ang isang daang libong taon ay nagising si Avanie mula sa mahimbing na pagkakatulog at nalaman niyang nawala na ang...