Reverse

SilentInspired द्वारा

1.5M 24.6K 464

"Sa loob ng dalawang taon pinabayaan kita. Pero ngayong bumalik ka hindi na ako makakapayag na makawala... अधिक

Reverse
Prolouge
i. Pangarap
ii . Gradually
iii . Reaching the dreams
iv . Destiny
v . Makes me laugh
vii . Dangerous
viii . Not giving up
ix . Hand Kiss
x . Home
xi . Kiss in the rain
xii . Pampanga
xiii . Jealous
xiv . True Identity
xv . Sincere
xvi . Old Issues
xvii . Serious
xviii . Trust
xix . Dream of me
xx . Missing you
xxi . Sick
xxii . Happy
xxiii . Nice Feeling
xxiv . Threat
xxv . Safety
xxvi . I love you
xxvii . Real Feelings
xxviii . Good Mood
xxix . Unfair
xxx . Goodbye
xxxi . Still
xxxii . His feelings
xxxiii . For a lifetime
xxxiv . Im yours
xxxv . Own
xxxvi . Dream
xxxvii . Birthday
xxxviii . Too sexy
xxxix . Hindi ko na kaya
XL . Clear
XLI . To Infinity
XLII . Ailee
XLIII . Tired
XLIV . My Francis
XLV . Glimpse
XLVI . Goodluck
XLVII . Proposal
XLVIII . Everything
XLIX . Tradition
L . Forever
Epilouge
Forbidden # 1 : Facing The Legacy
SilentInspired Closer

vi . Truth

34.5K 556 5
SilentInspired द्वारा

"Sandali lang po. Baka po nagkakamali kayo. Meron po akong pamilya. Hindi po ako ulila o nawawala"

Tinignan ko sa mata ang babaeng nagsasabi na nanay ko siya pero puro iyak lang ang ginawa niya. Lumapit din ang kasama niyang lalaki.

"Alam ko po na magkamukha tayo pero posible naman po iyon. Pwede naman po mangyari yun diba. Ang dami nga pong magkakamukha sa mundo. Parehas tayong maganda. Wag na po kayong umiyak" Pinilit kong tumawa pero hindi ko magawa.

Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako habang nakikita ang babaeng to na umiiyak. 

Awa? Dahil ba sa awa?

"Sweetie.. stop crying. Lets not rush things. Maguguluhan din siya. Masyadong mabilis ang mga pangyayari para sa atin and sakanya. Let just be happy na nandito nasiya ulit" sabi nung lalaki at hinila na papasok nung restaurant yung babae. 

Muntik akong mapa upo pero may humawak sakin.

"Are you okay?" gustong gusto kong sabihin sakanya ang nararamdaman ko pero naalala ko ang pagiwas ko sakanya.

Sobra sobra ang paninikip sa dibdib ko.

"Oo naman.. nagkataon lang na parehas kaming maganda kaya nalito yung babae siguro." Sinusubukan kong pagaanin ang sitwasyon pero hindi talaga kaya ng sarili kong tumawa. 

Hindi ko din alam ang sasabihin ko kaya yan nalang ang lumabas sa bibig ko. 

Naglakad na ako paalis doon, buti nalang ay hindi na niya ako hinabol.

Pumunta ako sa kwarto ko at nagsimulang magsulat ulit pero pumapasok parin sa utak ko yung nangyari kanina. I really look like her, dati pa ako binubusit dahil hindi ko daw kamukha ang ate at nanay ko pero sabi ko ay sa tatay ko ako nagmana pero ngayong nakita ko na.. natatakot ako.

No! No camille.. napaparanoid ka lang. Tumigil ka na sa kakaisip.

Nag ring bigla ang phone ko. Napatingin ako at nakita kong tumatawag si nanay. Natatakot akong sagutin iyon.

"Nay?"mahina kong sagot sa tawag. Napapikit ako nung marinig kong umiiyak si nanay. Parang dinurog ang puso ko nang marinig ang pag iyak niya.

"Nay? Bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo?"tanong ko sakanya at napasandal sa upuan ko.

"Anak.. nakita mo na daw ang mga tunay mong magulang diyan?" Mariin akong napapikit sa sinabi niya. Totoo ba 'to? Nananaginip ba ako?

Halos madurog ako sa tanong niya sa akin. 

Ano ba to? Bakit nangyayari to?

"Nay naman.. wag kang magbiro, busy ako eh. Ikaw kaya nanay ko. Magalit si tatay sige ka.. nag papahinga na pamo siya."ayoko ng marinig. Ayoko ng marinig kung may sasabihin pa siya.

"Nak, hindi mo ako nanay, masakit man sabihin sayo to lalo na at nasa telepono tayo pero ito ang nararapat.. mabait na tao ang mga magulang mo. Nakita ko ang tunay mong ina.. magka mukha kayo, parehas kayong maganda. Nakuha mo naman ang mga mata ng tatay mo ano? Anak alam kong masakit pero kahit ano pa man ang totoo tandaan mo mahal na mahal ka ni nanay" napaiyak ako sa sinabi niya. Bakit ang dali dali nalang nila akong sabihan ng ganito.

"Nay ano ba? Hindi naman ako laruan na pwedeng pagpasapasahan eh" umiiyak na ako sa sobrang sakit. 

Pinindot ko ang end call dahil hindi ko na kaya. Masisira nanaman ang schedule ko. Kinuha ko ang jacket ko at tumakbo palabas.

Napahawak ako sa puso ko dahil sa sobrang sakit.

Kung mamalasin ka nga naman. Nakasalubong ko ang mag asawa kanina at may dalawa pa silang kasama. Natigilan ako.. yung babae na mukhang anak nila ay kamukhang kamukha ko rin.

"Oh my gosh.. is she my sister?"tanong niya at mukhang tuwang tuwa. Hinawakan naman siya sa bewang nung lalaki.

"Zicko! I look just like her" lumapit siya sa akin at yinakap ako. Aaminin ko.. nakaramdam ako ng kakaiba.

Tuloy-tuloy lang sa pagbagsak ang mga luha ko. Kita ko rin ang pag ngiti ng nanay niya, si Mrs. White.

"Sino ka?" napangiti siya sakin. Ngumiti din ako sakanya. Ang gaan ng loob ko sakanya. Naiiyak nanaman yung nanay niya at yumakap sa asawa niya.

"My name is Caly.. I am your sister" napalunok ako.. handa na ba ako sa katotohanan? Ang gulo.. nasaan na ang maayos kong buhay? Wala sa schedule ko ang napakagulong buhay na to. Dapat ay nag hahanap ako ng magandang view at nagsusulat ngayon.

Bakit ang dali sakanilang sabihin 'yon?

Parang, kung sabihin nila ay ayos na, kukunin nila ako at magiging isang buong pamilya kami.

"Sinabi na sa akin ng nanay ko na hindi niya ako anak. Aaminin ko na gusto ko ng paliwanag pero kailangan ko po ng oras. Sana po ay maintindihan niyo ako." hindi ako makahinga. Gusto ko silang yakapin pero hindi ko alam kung bakit. Ngayon ko lang naman sila nakilala.

Hindi rin ako makahinga dahil sa sobrang sikip ng dibdib ko. 

"Yes we understand.. thank you my daughter" lumundag ang puso ko sa sinasabi nilang tatay ko. 'my daughter' ang sarap marinig.

Lumapit sa akin yung sinasabi nilang nanay ko. Mam Ailee ata ang pangalan niya.. hindi ko alam kung anong itatawag ko sakanya.

"Can I hug you" nagulat ako sa tanong niya at tumango ako. 

Dahan dahan siyang lumapit at yinakap ako.. parang takot na takot siya na masaktan niya ako. Sumama si Caly sa pag yakap at yinakap din ako. Nakita ko naman na ngumiti yung sinasabi nilang tatay ko.

Nakita kong lumabas sa restaurant ang mga ka meeting ni Francis Salazar kasama siya. Nagtama ang mga mata namin at kita ko ang pag-aalala doon.

"What is happening in here James?"tanong nung tatay ni Francis.

Lumapit si James White sa amin at hinawakan ako sa likod. Hinawakan naman ako sa kamay ni Caly.

"Gentlemen.. I found my long lost daughter" natigilan ako. 

Hindi pa ako sanay.. tinignan nila akong lahat. Napatingin ako kay Caly na nakangiti sa akin. Mukhang napakabait niya. Nagpalakpakan ang mga tao.

Nagusap lang sila at nagpaalam na. Nakita ko na hindi umaalis ang titig ni Francis sa akin. Umiwas lang ako doon dahil lumalakas na ang tibok ng puso ko.

"Camille.. Camille right? Sorry pinaimbistiga ka namin. Alam kong busy ka sa pagsusulat ng libro ngayon. I am so proud of you" napangiti ako sa sinabi ni Mam Ailee.. ano kaya itatawag ko sakanya? 

Tumango nalang ako. Hinawakan niya ako sa mukha at lumapit na kay Sir James.

Paano na ngayon? Ano ng mangyayari sa akin? Babaguhin na ba ang buhay ko?

"If you want some answers. You can call us." inabot niya sakin ang calling card niya at kinuha ko naman yon. Nagpaalam na sila sa akin.

"I am so glad na may kapatid na ako. Alam mo ba na may kwarto ka sa bahay.. ako ang inatasan ni mommy na mag ayos non. For how many years ay ako ang nag aayos non and I hope you'll like it. Gustong gusto kong ipakita na sayo yon pero alam kong nalilito ka pa so I hope na makasama ka namin soon." napatango ako sa sinabi ni Caly at hinawakan niya na ang kamay nung boyfriend niya siguro at umalis na. Napabuntong hininga ako.

Anong nangyayari sa akin. Gusto ko ba tong pagbabago na to? This is too much reverse on my life.

"Are you okay?" napatalon ako sa nagsalita sa likod ko. Tumango naman ako. Aalis na sana pero hinawakan niya ang kamay ko.

Ito nanaman ang kakaibang pakiramdam ko. Hindi ko kayang dumagdag pa siya sa mga iniisip ko ngayon.

"Are you avoiding me?" tumango ako sa sinabi niya. Hindi naman ako sinungaling para itago pa yun.

"Magdahan dahan ka. Baka may paparazzi at masira ang image mo." sinubukan kong umalis pero hindi parin niya ako binibitawan. Huminga ako ng malalim.

Pagod ako at wala na akong lakas na makipag away.

"I am sorry. Do I make you uncomfortable?" tanong niya sa akin.. biglang tumulo ang luha ko. Shit! Bakit sa harap pa niya!

"Yes you do. Now leave me alone.." pinunasan ko ng marahas ang mga luha sa mata ko. Hinila niya ako at dahil wala akong lakas ay sumama ako. Sinakay niya ako sa kotse niya pero hindi niya pinaandar yon. Siguro ay para magtago kaya nandito kami.

"Ayos lang ako.. mabigat lang sa dibdib" ayaw tumigil ng mga luha ko. Naalala ko sila nanay at napapikit.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinarap sakanya.

"Damn. Stop crying." tumango naman ako sa sinabi niya.

"Ang gulo gulo.. This is so not me, maayos ang buhay ko eh bakit ang gulo na" napatigil ako dahil mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at pinilit niya akong humarap sakanya.

"I dont know but I hate to see you cry so stop okay? I am not used to see you crying. I am used seeing you smile. Stop crying, Camille." napapikit ako sa sinabi niya. What is he happening to me. Ganito ba talaga siya dahil playboy siya? Masyado akong nadadala sa mabubulaklak niyang salita. Camille come back to your senses.


I just felt so damn secured right now.

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

My Possessive Ex-Boyfriend Lhia Maya द्वारा

सामान्य साहित्य

276K 15.2K 38
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
2.7M 35K 42
Pinili ni Aly na sundin ang desisyon ng iba para sa ikabubuti ng taong mahal niya. Hindi man niya gustong iwan 'to, hindi naman niya kayang makita 't...
1.5M 58.6K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
Rainbows After The Rain riesse द्वारा

सामान्य साहित्य

335K 10.5K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.