La Carlota 1: Reaching the Sun

By missgrainne

1.2M 77.4K 11.9K

Living at the top of the hill where everything seems away like the blazing sun in La Carlota, Terra Charlotta... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
1 ~ AZUCARERA
2 ~ TROUBLE
3 ~ INSPIRATION
4 ~ RESPECT
5 ~ SPONSOR
7 ~ FRIEND
8 ~ PICTURE
9 ~ HOT
10 ~ COURT
11 ~ CHOOSE
12 ~ OVERNIGHT
13 ~ PROUD
14 ~ MISS INTRAMS
15 ~ CELEBRATION
16 ~ BOYFRIEND
17 ~ OFFERS
18 ~ GIRLFRIEND
19 ~ APARTMENT
20 ~ BABY
21 ~ INTIMACY
22 ~ CROWN
23 ~ LOVE
24 ~ SHOT
25 ~ MARRY
26 ~ TRIGGER
27 ~ GONE
28 ~ DREAM
29 ~ SUN
EPILOGUE

6 ~ KISS

34.1K 2.3K 263
By missgrainne

CHAPTER SIX

IT was just a dream to visit Playa Azure with friends or classmates. Charlotta couldn't explain her happiness when she stepped foot on the popular beach resort in La Carlota. It was newly renovated. The blue and white combination color of the hotel, the golden color of the sands, and the sounds of the waves, everything amazed her.

Inilapag niya ang bag sa cottage na nirentahan nila. Kanya-kanya rin sila nang dala ng pagkain. Tapos na ang tanghalian kaya pang meryenda ang bitbit nila at softdrinks. Ang sabi ng tatlo ay huwag na siyang mag ambag ng kahit ano, ngunit hindi siya pumayag.

Sila Gavin ang nagbayad ng entrance fee niya. Si Grego naman ang naghatid sa kanya roon galing sa azucarera. She looked around and found him in one of the many cottages there. He's alone. There is already drinks on his table.

Ang sabi nito ay doon nila kikitain ang sponsor niya. Pero alas kuwatro pa raw makakarating kaya maghihintay na lang ito. Grego made sure that he's really okay waiting there. So, she don't need to be bothered if he's alone.

It's Sunday so there are some guests there. Ang iba ay pamilya, magkakaibigan at mag kasintahan. Pinili nila ang cottage na malapit lang sa dagat. Excited siyang maligo dahil first time niya iyon.

"Dito na rin tayo mag practice ng sayaw kapag may oras pa, Charlotta."

Nilingon niya si Butchoy. Naka Hawaiian polo shirt ito. Naka pang beach attire din si Gavin at Jester. Siya naman ay nakapagpalit na ng floral board shorts at navy blue long sleeves.

"Mamaya ka na maligo. Bahala ka masusunog ang balat mo."

"Oo nga. Tirik na tirik pa ang araw."

Ngumisi lang siya sa tatlo pero hindi nagpapigil. Gustung-gusto niya nang madama ang tubig alat kahit pa tama ang mga ito na masyadong pang mainit ang sikat ng araw.

"Mamaya na lang tayo mag practice, Butchoy. Maliligo na ako!" aniya at tumakbo na sa buhanginan.

The soft golden sands tickles her feet. Though she's still wearing her slippers, she can still feel them on her skin. Mabuti na lang at nagsuot siya ng tsinelas dahil mainit pala ang buhangin.

Smiling widely, she welcomed the waves with her body. She giggled when the water invaded her. She felt so free. She felt so alive. She felt very happy.

The sunlight is really hurting her skin, especially her face. But she didn't mind. Patuloy ang pag tampisaw at lubog niya sa tubig. Hindi siya marunong lumangoy kaya ang ginagawa niya lang ay ilulubog ang buong katawan kasama ang ulo sa ilalim ng tubig at aahon din kapag naubusan na ng hangin sa dibdib.

The smile on her lips stayed. Nang tignan niya ang tatlong kaklase ay pinapanood siya. Kumaway siya sa mga ito at kumaway din pabalik sa kanya.

Dahil sa sobrang init, siya lang ang tao na naliligo sa dagat. Siguro ay natatakot na mangitim kapag nasunog sa arawan. Inilibot niya ang mga mata at huminto kung nasaan si Grego.

He's now wearing a dark sunglass and a black baseball cap. With a white t-shirt and khaki pants, he looked like a mysterious celebrity who's having his own time away from the limelight.

She waved at him with smile. She didn't expect him to wave back. Instead, he only lifted his glass of juice as a response to her. He sipped on it after.

Nang mapagod, bumalik si Charlotta sa cottage nila. Si Gavin pa ang nagbigay sa kanya ng tuwalyang dala niya.

"Salamat, Gavin."

"Tignan mo, sobrang pula mo na tuloy," parang na stress bigla si Jester sa kanya.

"Sa susunod, magbabalat 'yang mukha mo. Mas masakit 'yon."

"Ayos lang ako. Minsan lang naman tayo mag outing e."

Pumasok siya sa cottage at naupo na roon. Asikasong asikaso naman siya ng tatlo. Hahainan siya ng pagkain at maiinom. Para tuloy silang magkakapatid.

"Si Grego pala 'yon. Sino kaya ang kasama niya?"

Naringgan niya ang isang grupo ng mga dalagita na dumaan. Naka swimsuit ang mga ito. Mukhang maliligo palang ngunit panay ang sulyap sa cottage kung nasaan ang pinag uusapan.

"Abangan natin kung sino ang kikitain niya. Kanina pa yata siya diyan."

"Lapitan kaya natin?" Naghagikhikan ang mga ito.

Iyon nga ginawa ng apat na babae. Sa palagay niya ay ka-escuela niya. Hindi lang siya masyado pamilyar.

"Hello, Kuya Grego! May hinihintay ka?"

"Mayro'n."

The girls giggled. "Girlfriend mo, Kuya?"

Grego laughed a bit and shook his head. For some reason, his eyes went on where she is. Charlotta quickly avoided his gaze and made herself busy with the chips in front of her.

Noong medyo kumalma ang sikat ng araw, nag desisyon na maligo ang tatlo. Siya naman ang naiwan para magbantay ng gamit nila.

Muli ay ibinalik niya ang tingin kay Grego. Nagtaka siya nang makita na may babae na itong kasama do'n. Nakatalikod sa kanya kaya hindi niya makita ang mukha. But based on the girl's built and the way she dressed, she looked like Chantria Alcander.

The girl is on her yellow floral dress and a sunglass on her head. Her long and shiny hair beautifully fell down her back. Her creamy skin emphasized because of her dress.

Ano ang ginagawa ni Chantria do'n? May lihim ba na pagkikita ang dalawa? Nanliligaw ba si Grego? Hindi ba at hindi ito nag gi-girlfriend ng mas bata rito? Did he change his preference?

Kung girlfriend man ni Grego si Chantria, ayos lang. Sobrang bagay naman ang mga ito. Parehong mayaman. Parehong kilala ang pamilya sa buong La Carlota. Walang tututol kung magkaroon man ng relasyon ang dalawa. Baka nga kahit ang pamilya ng mga ito ay susuporta.

Bumagsak ang balikat ni Charlotta. Bigla siyang nalungkot. Hindi naman siya umaasa para sa kanila ni Grego, pero nalulungkot talaga siya.

"Hi, Charlotta!" Chantria went to her and greeted her with a smile after awhile.

She forced a smile and greeted back. Nasa labas ito ng cottage at mainit doon kaya pinapasok niya.

"Pasok ka, Chantria. Mainit."

"Ah, hindi na. I came here to greet you. And also, please tell your grandmother that mommy is getting fine. Umayos din ang tulog niya tuwing gabi."

Natuwa siya sa balitang iyon. May magandang dulot ang ginawa ng lola Salma niya. Mabuti naman at medyo umayos ang mommy nito.

"Makakaasa kang sasabihin ko kay lola."

"Okay. Kapag tapos na kayo, punta ka sa amin ni Grego, ha?"

Malumanay siyang tumango at muling ngumiti. "Sige."

Chantria stared at her again before she bid a goodbye. Bumalik ito sa kung nasaan si Grego.

Alas kuwatro nang magpasiya silang mag pack up na. Umuwi ang tatlo at naiwan siya do'n. Alam naman ng mga ito na si Grego ang maghahatid sa kanya pabalik kaya hindi na nag alala.

Charlotta changed her clothes. She's wearing a denim shorts and peach blouse. Sa harap ng salamin ay napangiwi siya nang makita ang pamumula ng pisngi at ilong. Pati ang leeg ay gano'n din.

Pinuntahan niya sila Chantria pagkatapos mag suklay. There's a pizza and drinks on their table. Ang masayang kwentuhan ng dalawa ay nahinto dahil sa kanyang pagdating. Sana ay hindi siya naka istorbo.

She don't know where to sit. When Grego moved a bit, that's her cue to sit next to him. Hindi naman kasi umusog si Chantria.

Mas mahal ang cottage na kinuha ni Grego kumpara sa kanila kanina. The table is made of wood. The chairs are ratan with beach pillows. Magkaharap ang upuan na pang dalawahan.

Grego's eyes remained on her face. Siguradong nakikita nito ang pamumula ng mukha niya. He's just too polite to speak about it when it's already obvious.

"I'm glad that you finally decided to join Miss Intrams," Chantria is genuinely happy for her.

Grego on the other hand looked like he wants to say something but couldn't find a right timing. Ang pamumula niya parin kaya ang bumabagabag dito? O may iba pa?

"Grego has something to say," Chantria beamed at him.

Nakita niya ang pagtalim ng mga mata ni Grego. Para talagang may usapan ang dalawa na hindi niya alam. Ano kaya ang sasabihin sa kanya?

"Charlotta, about your sponsor..." he trailed off.

She faced him so she could see and hear him clearly. Sumisipol ang hangin paminsan minsan at ang tunog na nanggagaling sa may bar hindi kalayuan ay umaabot sa kanila.

"Chantria is your sponsor."

Pumalakpak ang babae. She looked like really happy that she's going to sponsor her. Bakit ba hindi niya naisip na puwedeng si Chantria nga?

"Oh, wow! Ikaw pala..." she couldn't find a perfect words to tell her sponsor.

"Hindi naman malaki ang babayaran. Ako na rin ang bahala sa mga susuotin mo, Charlotta. I can also help you with your hair and make ups."

She felt overwhelmed. Para bang ang pangarap niyang bumait sa kanya ang mga tao ay unti-unti na talagang natutupad.

"Thank you so much," she said with all her heart.

Tumawa si Chantria. "You're welcome. Sana manalo ka. Alam kong makakatulong sa 'yo ang cash prize."

"Oo. Bukod sa pang allowance sa escuelahan, ibibili ko rin ang iba ng mga notebook at lapis para sa mga bata sa sitio."

Chantria and Grego became attentive. Nakapahrap na rin sa kanya si Grego, medyo naiilang siya dahil tila lahat ng atensyon nito ay nasa kanya lang.

"What do you mean by that?" Chantria was curious like a cat.

Hindi niya pala nasabi kay Grego ang plano niya kapag nanalo siya.

"Uh, kasi, maraming bata sa sitio na hindi pa nakakapasok sa escuelahan dahil malayo. Tuwing Biyernes, tinuturuan ko sila para may alam sila kahit paano."

Chantria's lips parted in surprise. She looked like she saw something in front of her that amazed her so much. Gusto niya ang paraan kung paano ito maka appreciate ng simpleng bagay sa kabila ng pagiging nakaka angat nito sa lipunan.

"At ginagawa mo 'yon ng libre?"

"Oo."

"Wow! Ang galing mo naman, Charlotta! Ganyan pala ang ginagawa mo sa sitio. Very inspiring!"

Chantria praised her with so many good words that made her heart melt.

When she glanced at Grego, she caught him staring at her intently. Medyo nahiya siya at muling ibinalik ang tingin kay Chantria.

"Is there a way that I could help?" Grego asked carefully.

Namilog ang mga mata niya. She didn't expect that.

"Ako rin! Gusto kong mag donate!" prisinta ni Chantria, excited.

Medyo nalilito siya. Hindi sanay na may mga taong tumutulong sa mga taga Sitio Verde. Mas sanay siyang nilalayuan sila at hinahamak.

"Pwede naman kayong mag donate ng kahit na ano. Masayang tatanggapin ng mga bata ang anomang ibigay ninyo."

Charlotta could imagine the kids faces once they received a gift from other people. Alam niyang tunay na magiging masaya ang mga 'yon kapag nagkataon.

"School supplies, toys, clothes?" Chantria's enthusiasm to help is making her smile

"Oo. Siguradong matutuwa sila."

"Tell me what else they need," Grego sounds interested too.

"Uh, mga biscuit or cookies. Bihira kasi makakain ng gano'n sa sitio."

"Okay. What else?"

Nahihiya siyang sabihin ang nasa isip niya dahil kahit siya ay natatakam na kumain ng gano'n. Kapag may birthday-an lang. At bihirang bihira lang ang magbi-birthday sa sitio na may gano'n na handa.

"Spaghetti and fried chicken," she whispered shyly.

Humagikhik si Chantria. "I can't blame them. Those are my favorite too."

"Ako rin," pag amin niya.

Grego remained his eyes on her. Ayaw niya itong lingunin. Iyon nga lang na magkatabi sila ay kabado na siya, paano pa kaya kapag nagtama ang mga mata nila nang harapan? Baka magwala ang puso niya ng husto!

Kung hindi niya lang kailangan umuwi, siguradong magtatagal pa sila sa kwentuhan.

Chantria hopped inside their white SUV. While she and Grego are on his motorcycle.

Medyo mabilis ang pagpapatakbo nito sa motorsiklo dahil ayaw na gabihin siya sa daan paakyat sa sitio. Naiintindihan niya naman kaya kahit medyo kabado ay yumakap na lang siya nang mahigpit para talagang hindi mahulog.

Pababa na halos ang araw nang makarating sila sa gate. Nagpasalamat siya kay Grego sa muling paghahatid nito sa kanya. They didn't talk much like what they usually does because he wanted her to go before the clouds get dark.

Sa escuelahan ay abala na ang lahat ng estudyante. Nagsimula na rin sila ni Butchoy sa bumuo ng steps para sa sayaw. Totoo nga na marunong ito dahil ito pa ang nagturo sa kanya ng dapat na galaw.

"Ikaw ang mas maraming steps dahil ikaw ang candidate. Ganito..."

Butchoy showed her the easy steps that she needs to practice.

Lakad ng mabagal palayo. Tatakbo pabalik. Ikot. Ikot. Madramang yuyuko. Aahon ng mabilis. Itataas ang braso na parang may gustong hawakan. Luluhod. Masakit na yayakapin ang sarili. Titingala. Yuyuko ulit ng malungkot.

They are at the back of Gymnasium. Si Gavin at Jester naman ay pinapanood sila. Nagbibigay din ng suggestions.

She wanted the dance to be artistic. It needs to have story to attract the audience and the judges.

"Pwede rin na may upuan sa gitna, pre. Tapos, mabagal na iikot si Charlotta sa 'yo. Sakto lang 'yon sa oras na kailangan."

Pinag usapan pa nila ang gagawin at ang magiging kwento ng sayaw.

"The story behind is about breaking up..." she said to them. "Magkakahiwalay silang dalawa dahil magkaiba sila ng mundo. Hindi sila pwede."

"Ang sakit naman," Jester dramatically put his hand on his chest. "May hugot ba 'yan, Charlotta?"

Tumawa siya. "Wala ha. Feeling ko lang na mas maganda ang gano'n. Madali silang makaka-relate dahil usapang pag-ibig."

Butchoy agreed to her. Nagsimula itong gumawa ulit ng dagdag na steps para bigyan buhay ang kwento sa pamamagitan ng sayaw.

Kalaunan ay dumating si Grego at Chantria. Kung si Chantria lang ang manonood ay ayos sa kanya. Pero si Grego? Parang lalambot ang mga tuhod niya.

Naka upo ang dalawa sa kabilang bench. Si Jester at Gavin ay sa malapit lang sa kanila halos. Kumuha pa ng upuan ang mga ito na sira ang arm chair para kay Butchoy.

The music that they chose is a Tagalog song. It's bout a two lover who met, fell in love, and parted ways in the end because they cannot be together anymore.

Charlotta has a talent in dancing. Kung normal lang siyang estudyante, tiyak na lahat ng dance competition ay sasalihan niya. Kaya ang pagsali sa Miss Intrams ay sobrang halaga sa kanya. Maipapakita niya sa lahat ang talento niya sa pagsasayaw.

The music inside her head lingered together with the story behind every steps.

In the middle of the song, they held hands... then in a count of three, they will slowly let go of each other. Even their faces looked in pain. As if it really happens in real life.

Butchoy is really a performer, she can tell. Palabiro ito pero kaya rin maging propesyunal kung kinakailangan. She get easily comfortable with him because she knew that he knew what they are doing.

Butchoy is now sitting on the chair. Nakayuko ito na animo nasasaktan. Charlotta then slowly run away from him while extending her forearm, as if begging for him to hold her hand again. And when he didn't hold it, she dramatically knelt on the ground, then hugged herself painfully.

That's the end of it.

Kulitan nina Gavin at Jester ang una niyang narinig. Bago ang tili ni Chantria.

"The message was painful but it's really beautifully made. Good job, guys!"

"Salamat," nahihiya na sambit niya.

Nag appear sila ni Butchoy.

"Oh, panoorin niyo. Ang galing!" Aya sa kanila ni Jester na ni-record pala ang sayaw.

Lumapit agad si Butchoy sa mga ito. Pero siya ay sa bench nila Grego muna nagpunta.

His eyes are dark and intense, that can always make her heart wild. Her knees trembled as she walked towards them.

"Ang galing mo palang sumayaw, Charlotta," puring puri siya ni Chantria.

"Magpa-practice pa kami para ma-perfect namin ang steps. Salamat ulit."

"Palagi kaming manonood ng practice ninyo kung gano'n."

Walang problema. Mukha rin naman na bored si Chantria sa classroom o mga kaibigan nito kaya sa kanya na madalas nagpupunta kahit hindi kasama si Grego. Gusto niya rin na napapalapit siya sa isang babae bilang kaibigan.

Grego then handed her a bottled water. Napatingin si Chantria doon at unti unting ngumisi. Halatang manunukso.

Bago pa siya tuksuhin ng tuluyan ay kinuha niya na ang ibinigay ni Grego. May bawas na 'yon pero binalewala niya at uminom. Bukod sa nauuhaw siya, malakas din ang kalabog ng dibdib. Baka tubig ang magpakalma sa puso niya.

"Did you just kiss indirectly?" Chantria teased.

Huli niya na natanto na baka... baka ininuman na ni Grego 'yon bago ibinigay sa kanya? Tubig nito talaga 'yon? At hindi naman talaga para sa kanya? Ibinigay lang dahil halatang uhaw siya?

"That's Grego's water, e. He bought it sa canteen kanina before we went here."

"Uh, hindi ko naman alam." Charlotta blushed.

"Ayos lang. Alam kong nauuhaw ka." Grego seems fine sharing his water with her.

"Uy, nag kiss sila..." tukso ni Chantria na tinawanan lang ni Grego.

Did they really kiss indirectly? That thought made her bite her lips. That was her first indirect kiss!

Continue Reading

You'll Also Like

30.6K 1.5K 73
The Book 2 of Never Say Goodbye.... This second book will revolve around the revenge and anger of Duke Roseller who was formerly Rogem in Never Say G...
324K 11.5K 48
She's a Gangster and She's Mine ( SAGASM ) PROLOGUE: I quit but it doesnt mean that I'm weak. Inilibing namin ang nakaraan kong ano man kami . But...
7.3K 132 13
A lawyer's past broke the heart of the woman he loves. On his quest to win her back, the demons from the past that separated them was trailing him...
1.8M 59.3K 49
Daniel Dela Cruz thought his life was going to be bland and dull and the only excitement he will have is from the missions he needs to accomplish. He...