La Carlota 1: Reaching the Sun

By missgrainne

1.2M 77.4K 11.9K

Living at the top of the hill where everything seems away like the blazing sun in La Carlota, Terra Charlotta... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
1 ~ AZUCARERA
2 ~ TROUBLE
4 ~ RESPECT
5 ~ SPONSOR
6 ~ KISS
7 ~ FRIEND
8 ~ PICTURE
9 ~ HOT
10 ~ COURT
11 ~ CHOOSE
12 ~ OVERNIGHT
13 ~ PROUD
14 ~ MISS INTRAMS
15 ~ CELEBRATION
16 ~ BOYFRIEND
17 ~ OFFERS
18 ~ GIRLFRIEND
19 ~ APARTMENT
20 ~ BABY
21 ~ INTIMACY
22 ~ CROWN
23 ~ LOVE
24 ~ SHOT
25 ~ MARRY
26 ~ TRIGGER
27 ~ GONE
28 ~ DREAM
29 ~ SUN
EPILOGUE

3 ~ INSPIRATION

32.6K 2.1K 308
By missgrainne

CHAPTER THREE

ILANG araw niya rin iniwasan si Grego. Kung hindi niya lang iniisip na kailangan niyang mag trabaho sa azucarera sa darating na Sabado at Linggo, siguro ay patuloy niyang gagawin ang dapat.

Nadagdagan ang galit sa kanya ng mga estudyante dahil sa napalapit siya sa isa sa hinahangaang lalaki hindi lang sa escuelahan nila, kundi pati na rin sa buong La Carlota. Ang pagkakaibigan nila ni Gavin ay muntik pang nasira dahil lang do'n.

She needs to think of ways on how she will please the people around her so they won't be too hard on her. Sinasabi niyang sanay na siya sa mga pang iinsulto, panghuhusga at pangmamaliit, pero may mga araw na napapagod din siya sa pag intindi sa mga ito.

Charlotta also stopped eating lunch at the back of the Gymnasium just to avoid Grego. Sumasabay siya kay Gavin tuwing lunch. Kapag kasama niya ito ay may tagapagtanggol siya kaagad. Malaking tulong na nakahanap siya ng mabait na kaibigan.

"Bukas ha? Ala una ay naroon na ko sa gate ng sitio," paalala sa kanya ng ka grupo na si Jester.

"Oo. Maghihintay ako do'n."

"Magmomotor lang ako. Ayos lang ba sa 'yo?"

Nakasakay na siya sa motor ni Grego kaya marunong na siya. Yayakap lang siya kay Jester.

"Kaya ko nang umangkas sa motor. Walang problema, Jester."

Uwian na nila at katulad kahapon, nagsabay sila ni Gavin. Kahit salungat ang daan ay hinatid siya ng kaibigan sakay ang tricycle. Tapos ay babalik ulit sa kung saan ang daan papunta sa bahay ng mga ito.

"Sa bahay! Ala una! Okay?"

Masaya siyang tumango at kumaway kay Gavin.

Pagbaling ni Charlotta sa kahoy na gate na halos matumba na, napaatras siya sa matinding kaba nang makita na nakasandal si Grego sa gilid ng puno ng acacia, nakapamulsa.

Sinundan nito ng tanaw ang tricycle kung saan lulan si Gavin. Tapos ay ibinalik sa kanya ang mga matang nananantiya at medyo naiirita rin.

"A-Anong ginagawa mo rito?" she asked while her heart was beating harshly. Halos kapain niya 'yon para lang kumalma.

Sa lahat, ang makita si Grego sa gate ng Sitio Verde ang pinaka hindi niya inaasahan sa araw na 'yon. Naka iwas nga siya rito sa escuelahan, pero mukhang mahihirapan siya sa mga sandaling 'yon.

"You're avoiding me," he took a step forward, closing their distance, that made her heart pounded more.

Napaatras ulit si Charlotta. Sa lakas ng kalabog ng dibdib niya, nakakamangha na nakakaya niya pa rin tumayo nang tuwid at hindi bumibigay ang mga tuhod.

"Do we have a problem, Terra Charlotta?"

She swallowed hard. The way her name slipped on his lips could make her knees tremble. She didn't realize how beautiful was her name not until she heard him saying those.

"Wala naman," hindi siya makatingin ng deretso. Ang mga mata niya ay kung saan saan dumadapo.

"Wala?" he mocked. "Bakit ka umiiwas kung gano'n?"

Ngumuso siya. Halata naman talaga ang pag iwas niya. At dumayo pa talaga ito do'n para lang malaman ang rason niya?

"B-Busy lang ako sa mga activity namin."

"Pero hindi mo kailangan tumakbo palayo sa akin."

Humigpit ang kapit niya sa sling ng lumang bag.

Paano ba siya magpapaliwanag? Sasabihin niya ba rito ang tunay na rason ng kanyang pag iwas? O ililihim niya na lang? Wala rin naman sigurong silbi kung ipapaalam niya pa.

Charlotta tried to steal a glance at Grego, but it was just quick. She couldn't stand staring back at him. Especially that she felt like he did not like the way she avoided him. He's not pleased with her action.

Umihip ang panghapong hangin. Ang tunog ng mga tuyong dahon sa lupa ay tila lagaslas ng tubig tuwing tag ulan.

"Hindi mo ba gusto na nakikita tayo sa escuelahan na magkasama?" he asked in a mellow tone.

She looked at him again behind her eyelashes. Kanina pa nito hinuhuli ang mailap niyang mga mata ngunit hindi nagtatagumpay.

Alam niya ang sagot sa tanong na iyon. Gusto niya, siyempre. Sinong tanga na tatanggi kung lapitan ng isang Grego Almendarez? Marami ang gustong makipaglapit dito. Bihira lang ang nagwawagi. Kaya dapat nga ay masaya siya na binibigyan siya nito kahit kaunting atensyon lang.

But she couldn't be happy with his attention. Dahil ang kapalit ng atensyon nito ay galit galing sa mga tao.

"Ayokong lumalapit ka sa akin kapag nasa escuelahan tayo, Grego."

She heard him heaved a sigh. Then he cursed under his breath.

Wala ng bawian nang sinabi. Kahit pa kasalungat no'n ang talagang nais niya.

"Paano tayo mag uusap kung gano'n?" nanliit ang mga mata nito habang nag aabang ng solusyon niya sa tila munting problema nito dahil sa desisyon niya.

"Palihim?" napangiwi siya. "Uh... o kaya sa azucarera na lang tayo mag usap?"

Grego put his both hands inside his pocket. Tumingala ito at pumikit. Nang lumunok ay gumalaw ang gulung-gulungan. Malaya niya itong napagmasdan nang malapitan at dahil doon ay buo na ang araw niya.

Nang ibinalik nito ang tingin sa kanya ay sobrang bilis niyang umiwas. Animo kasalanan na titigan ito. Palaging gano'n. It always felt like staring at him that close was a sin. It felt like it was forbidden for her.

"Palihim?" tumawa ito sa marahan na paraan, naaaliw. "Bakit ayaw mong may makakita sa atin? May magagalit ba?"

She knew what was the message behind his question. Walang magagalit dito, kundi sa kanya lang.

"Sino naman ang magagalit?" inosente niyang tanong.

"I don't know? Your suitors?"

Lumiit ang mga mata ni Charlotta. Nag isip kung sino ba ang nanliligaw sa kanya? Na basted niya na. Kaya wala na.

"I don't have suitors now."

"How about Gavin? Jester? Hmm?"

Namangha siya dahil kilala ni Grego ang mga kaklase niya. Mukha itong walang pakialam sa mga estudyante sa escuelahan, pero nag o-observe pala ito.

"Kaklase ko sila at ka grupo ko sa activity namin."

"Hindi manliligaw?" he made sure.

Charlotta shook her head.

"Bakit ka hinatid?"

"Dahil gusto niya?" nagkibit siya ng balikat.

Grego's eyes remained like as if he didn't believe her. Sa kanya pa talaga nagduda? Samantalang ito ang maraming naging girlfriend? Napagbintangan pa nga siya na dahilan nang paghihiwalayan nito at ni Alena.

"Ikaw ba? Kayo pa ng girlfriend mo?"

Huli niya na natanto ang tanong. Babawiin niya sana ngunit nakita ang multong ngiti sa labi ni Grego.

"Wala naman akong girlfriend."

"Si... Alena?"

The side of his lips curved up. She don't know why it felt like he found her funny. Nagtatanong lang naman siya para may topic sila.

"What about her?"

"Uh, naging girlfriend mo?" At break na ang dalawa, di ba? Sabi nung Grade 10 student.

"Kaibigan lang."

Now, she's not sure if she would believe him or not. Pero bigla niyang naalala ang sinabi ni Chantria. Alena and Grego weren't in a relationship. Mas papaniwalaan niyang hamak si Chantria kumpara sa nang away na Grade 10.

Charlotta pointed the way to the forest, behind Grego, telling him that she needs to go.

Gumilid naman ito para makadaan siya. Nilagpasan niya ito at huminto pagkatapos nang ilang hakbang para magkaharap ulit sila. Gusto niya pa sanang manatili kahit sandali, pero kailangan niya ng mag umpisang maglakad para hindi abutan ng dilim sa gubat.

"Tutuloy ka ba sa Sabado?" nauna itong nagtanong.

'Yon din sana ang sasabihin niya. Tuluy na tuloy siya. She already made a decision. Maaaring iniiwasan niya si Grego, pero sa escuelahan lang 'yon. Sa azucarera ay puwede silang mag usap. Hindi naman siguro mamasamain ng mga nagtatrabaho do'n kung sakali?

"Oo. Tuloy ang trabaho ko sa azucarera ninyo."

Grego smiled a bit. Contented with her answer.

"Uuwi na ako," aniya bilang paalam.

He jus nods his head. Hinatid siya nito ng tanaw papasok sa gubat.

Charlotta wasn't able to teach the kids on Friday because she needs to go to Gavin's house for their school activity. Babawi na lang siya sa susunod.

Alas onse ng umaga ay naglakad na siya papunta sa patag. Dala ang sling bag na may laman na gamit sa escuela. Ilang minuto lang ang hinintay niya at dumating na si Jester. He gave her a helmet.

Umangkas siya sa likod at yumakap agad ang mga braso sa bewang ni Jester. Tiwala siya na hindi mahuhulog dahil may box sa likod na nakaharang, ngunit yumakap pa rin siya para sigurado at balanse.

Nang madaanan nila ang malawak na azucarera ng mga Almendarez, nangiti siya. Bukas din ay do'n na siya magtatrabaho. Excited siya sa totoo lang.

Ilang sandali pa ay natapat na sila sa malawak at mataas na gate, saktong bumukas 'yon at lumabas ang isang pamilyar na motorsiklo. Kahit full gear at naka helmet, alam niyang si Grego 'yon.

Their eyes met despite of the distance. Bumusina ito at gano'n din ang ginawa ni Jester.

"Si Grego," ani Jester na para bang hindi niya alam.

Lumayo na sila at nawala na sa paningin niya si Grego. Kalaunan ay dumating sila sa bahay nila Gavin. Dalawang palapag iyon at maayos kumpara sa ibang bahay na katabi.

"Nagluto si ate ng merienda natin."

Banana cue at orange juice ang agad na hinain sa lamesa sa sala. Nagtatrabaho sa azucarera ng mga del Grazia ang magulang nila Gavin kaya wala pa do'n.

"Salamat ate Glenda," mabining sambit niya.

"Walang anuman, Charlotta. Nga pala, nakapag desisyon ka na ba na sasali sa Miss Intrams?"

Ang tatlong lalaking kaklase ay nag uumpisa nang magsulat ng kanya kanyang essay. Samantalang siya ay nakaupo pa ro'n dahil kausap ang ate ni Gavin.

"Hindi pa. Pinag iisipan ko pa rin."

"Ate, kasi inaaway 'yan nila Luella. Sinasabi na huwag na siyang sumali," sumbong ni Gavin.

"Ang papangit naman ng mga kaklase natin. Dapat si Charlotta na lang talaga ang sumali para mas malaki ang chance na manalo," walang prenong sabi ni Butchoy kaya nagtawanan ang dalawang lalaki.

Chubby si Butchoy at mahilig magpatawa. Palayaw lang nito 'yon. Medyo kilala sa escuelahan nila dahil nanununtok ito kapag may nangbubully dito.

"Oo nga, Charlotta, ikaw na lang. Tutulong kami kung kailangan," sabay ngising aso ni Jester. "Kami ang guwardiya mo."

"Isa pa, wag ka ngang pumapayag na inaapi ng mga estudyante. Sampalin mo agad kapag may narinig kang hindi maganda," bilin ni Butchoy.

Ngumuso siya dahil natatawa.

"Hoy, Butchoy, tuturuan mo pang maging bayolante si Charlotta, eh!" saway ng ate Glenda.

"Basta, kapag inaway ka ng mga babae, haharang agad kami."

"Salamat sa pagiging mabait sa akin, Gavin, Jester, Butchoy, at ate Glenda," madamdamin niyang sinabi.

Her heart is melting at that moment. She didn't expect to have a classmates like that. Idagdag pa ang pagiging mabuti ni Glenda. Parang ate niya na tuloy ito.

"Oh, wag kang umiyak. Bawal iyakin dito," biro ni Butchoy at pinanusan pa ang pisngi niya gamit ang dulo ng t-shirt nito kahit wala namang luha.

Natawa siya at umiwas. "Hindi naman ako umiiyak."

"Joke lang. Hehehe."

They started writing their essay. Isang oras pa lang yata silang abala nang may marinig na dumating. Nagmamadali si Glenda na buksan ang gate.

"May bisita kayo?" tanong niya kay Gavin.

"Mga kaklase ni ate. May activity din sila. Pero sa likod ng bahay sila gagawa."

A familiar group of college student entered. Kaagad silang binati. Bumati rin siya pabalik. Ang magandang ngiti ay napawi nang makita si Grego na nahuli sa pagdating. He looked like fresh from the shower. Sporting a grey v-neck shirt, dark pants and usual sneaker.

"Mga kaklase ko," pakilala ni Glenda. "Do'n kami sa likod pupwesto."

"Sige ate."

"Nandito pala si Charlotta, Glenda, hindi mo naman sinabi," puna ng isang babae. "Hello! Ang ganda mo talaga. Crush na crush ka ng kapatid ko, eh!"

Nahihiya siyang ngumiti at napayuko. Madalang siyang makarinig nang papuri galing sa mga babae. Kaya malaking bagay sa kanya ang natanggap. Girls mostly hates her. Boys likes her.

"Oo, Myla. Sabi ko nga sumali sa Miss Intrams."

"Oh, oo nga, bakit? Ayaw mong sumali, Charlotta?"

"Ayaw niya kasi inaaway ng mga kaklase ko," sumbong ulit ni Gavin.

"Mga kaklase naming feeling magaganda," segunda ni Butchoy habang nagsusulat.

"Wala raw siyang susuotin na gown at sapatos," si Jester naman.

"Iyon lang ba? Papahiramin ka namin! Sali ka! Sayang... ang ganda mo pa naman. Malaki ang chance na manalo ka."

Tulad nang sinabi ni Charlotta kay Glenda, ang sagot niya ay pag iisipan niya pa muna. Sa susunod na buwan pa naman 'yon.

"Ano 'yang activity niyo?" si Grego na sinadyang magpa iwan.

Sa kanya nakatingin, siya dapat ang sumagot, pero naunahan siya ni Butchoy.

"Essay tungkol sa kung ano ang pipiliin. Pag ibig o pangarap?"

Because of the topic, she gets excited to know her male classmates opinion about it. Ano kaya ang pipiliin ng mga ito? Dahil siya, may napili na.

Their eyes met. She wants to say something or greet him but she couldn't utter a words for him. Hanggang sa umalis na lang si Grego papunta sa mga kaklase sa likod ay walang namutawing salita galing sa kanya.

Nakakahinayang! Sana man lang ay binati niya!

"Puwede kayo bukas? Maligo tayo sa dagat." Si Jester ang muling nag aya.

Nangangalahati na si Charlotta sa pagsusulat. Ganadong ganado dahil ang inspirasyon niya ay nasa malapit lang. Her face heated up at the thought of who's her inspiration.

Sa tuwing titingin siya sa pinto sa kusina kung saan tanaw ang pabilog na lamesa sa labas, sakto naman ang puwesto ni Grego kung saan malaya silang nagkakatinginan nang palihim.

"Hala, hindi ako puwede, Jester. Magtatrabaho na ako sa azucarera."

"Kaninong azucarera? Armendarez o del Grazia?"

"Almendarez."

"Ah, kila Grego. E di, magkikita kayo doon?"

Of course! Nagtatrabaho rin do'n si Grego. Nabanggit sa kanya. Nakita rin nila kanina.

"Oo siguro..." malay niya ba kung saan parte si Grego bukas?

"Sino ang nagpasok sa 'yo?"

Tumingin ulit siya sa gawi ni Grego. Nakita niya itong tahimik na nakasandal sa inuupuan, pinaglalaruan ang hawak na bolpen, habang nakatanaw ulit sa kanya.

Kumalabog ang puso niya nang muling magtama ang mga mata nila. She doesn't like the way her heart raced every time he's around or when their eyes met. Her heart wasn't like that before. Talagang may nagbago sa nararamdaman niya.

"Siya."

"Sinong siya? Si Grego?"

"Oo. Siya nga."

Nagpatuloy si Charlotta sa isinusulat para hindi na magtanong pa ang tatlo. Para rin makapag focus na sila.

Maya-maya ay tumayo si Jester at lumabas para sagutin ang isang tawag. Pagbalik ay bagsak ang balikat.

"Bakit, pre?" si Butchoy na kyuryoso.

Behind her lashes, she can see Grego coming inside the kitchen. Wala pa man ay kinakabahan agad siya. Hindi naman siguro lalapit sa kanya? O baka lumapit? Wala naman sila sa escuelahan kaya puwede silang mag usap. Di ba?

"Kailangan ni Kuya 'yung motor."

"E di uuwi ka na niyan?"

"Oo sana. Emergency daw kasi."

Huli niya na naisip na walang maghahatid sa kanya. Di bale, magta tricycle na lang siya. Kaya lang ay malayo. Mahal ang pamasahe!

"Sino pala ang maghahatid kay Charlotta?" nag aalala na ang tatlo.

Grego butt in. Narinig siguro ang usapan nila.

"What happened?" he asked, then poured his glass a cold water.

"Uuwi na kasi si Jester. Walang motor na maghahatid kay Charlotta."

"Uh, magta tricycle na lang ako. Wag kayong mag alala."

"Pero malayo rito ang Sitio Verde," agap ni Gavin. "Mahal ang pamasahe."

Nagkatinginan sila ni Grego. Bumilis ang pintig ng puso niya nang makuha ang ipinapahiwatig ng mga mata nito.

"Ako na ang maghahatid sa kanya," prisinta nito. Sabi na!

Nagkatiginan ang tatlong kaklase. Tapos ay ibinaling ulit ang atensyon sa kanya. Naghihintay ng sagot niya. Pasimple siyang humugot ng hangin sa dibdib.

"Is that fine with you, Charlotta?" Grego's eyes never leave hers.

Tinanong pa talaga siya! Sayang din naman kung hindi siya papayag. Ang mahal ng pamasahe at baka kulangin ang dala niyang pera. Nagtitipid pa naman siya.

"Ayos lang n-naman," napalunok siya at itinuon na ulit ang atensyon sa sinusulat.

Naramdaman niya ang matagal at tahimik na titig nito kanya, bago ito bumalik sa mga kaklase. She didn't dare to look back at him. She's too worry that her classmates would notice something strange between them.

Mariin na ipinikit niya ang mga mata at kaagad na naisalarawan ang sarili na nakayakap na naman kay Grego mamaya pag uwi nila. Uminit ang pisngi niya dahil nahiya sa naiisip. Pero, gusto niya rin. Nababaliw na yata siya?!

Continue Reading

You'll Also Like

6.6M 150K 33
Ares Adolf Consunji is high mighty. He believes that everything will go on his own way but when his long time FuBu left and was nowhere to be found...
7.2K 132 13
A lawyer's past broke the heart of the woman he loves. On his quest to win her back, the demons from the past that separated them was trailing him...
30.6K 1.5K 73
The Book 2 of Never Say Goodbye.... This second book will revolve around the revenge and anger of Duke Roseller who was formerly Rogem in Never Say G...
1.3M 54.6K 56
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...