HER HALF (COMPLETED)

By arisxixey

11.1K 178 9

She was treated badly, she longed for a Father's love and still, she can't do anything about it. Maya is a h... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 5
CHAPTER 4
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
EPILOGUE
REHAN JAY
! ARISXIXEY

CHAPTER 22

276 5 0
By arisxixey

CHAPTER 22

ILANG ARAW ko nang napapansin ang pagiging mapag-obserba ng mga mata. Para silang praning na ewan. Iyong tipong kapag pumapasok ako sa kwarto ay agad na nag-iiba ang aksyon nila na parang may tinatago.

Ilang beses ko na ding tinanong sila kung anong problema ngunit sasabihin namang wala. Pati si Caly ay pinilit kong tanungin ngunit sinasabi na wala daw talaga. Iniisip ko na lang na baka dahil iyon sa kakanood nila ng horror movie the halos araw araw sa isang linggo.

Tulad ngayon, nasa kusina ako at naghuhugas habang rinig ko naman ang mga kaluskos nila kwarto na sarado. Alam kong may pinag-uusapan sila pero hindi ko gaano naririnig dahil na din sa sobrang hina ng boses nila. Basta ang nabuo lang sa utak ko ay iyong sinabi ni Rehan.

"Magagalit si Mama." Ayan lang 'yong narinig ko dahil hindi na kaya ng pandinig ko.

"Hoy ginagawa mo d'yan?" Napalingon ako sa nagsalita at nakitang si Nemesis ang naroon habang may hawak na chichirya at ngumunguya.

"Wala, nag-aalala lang ako sa mga bata." Napatango ito at sinabihan na huwag ako mag-alala at magtiwala lang sa mga bata bago nagpaalam na babalik sa sala at manonood ng telebisyon.

Pailing-iling akong bumalik sa kusina at itinuloy ang naudlot na paggawa ng meryenda hanggang sa tinawag ko na ang mga bata para makakain.

Kahit na alam kong may tinatago sa akin ang mga bata ay nagpanggap na lamang ako ba walang alam at walang napapansin. Ang ganoong pangyayari at akto ay ginampanan ko hanggang sa umabot ng isang linggo at ako'y napupuno na.

"Rehan, ibigay mo na muna sa akin ang laptop ang cellphone mo. No buts, just give it to me."

Nandito kami sa kwarto ngayon at napapansin kong busy na naman si Rehan kakakalikot sa laptop at selpon niya. Nasa likod niya din ang mga kapatid niya habang ako'y nasa kama at naghahanda para matulog na.

"Napapansin kong lagi kayong busy sa gadget. Halos mag dadalawang linggo na kayong ganiyan at kahit na gustong gusto kong malaman kung anong rason niyo ay wala naman akong napapala dahil ayaw niyo namang sabihin sa akin at pilit niyong tinatago sa akin kung ano man ang pinagkakaabalahan niyo. Siguraduhin niyo lang na hindi panonood ng malalaswa o paglampas sa mga limits niyo. I trust y'all, pero kapag nagpatuloy ang ganito at wala akong kaalam-alam kung ano talagang nangyayari, kukuhanin ko ang mga 'yan at hindi ko ibabalik hangga't hindi patungkol sa pag-aaral ang paggagamitan." Nakatalikod akong nakahiga sa kanila kaya hindi ko alam kung nakikinig ba sila sa akin o hindi.

Nakarinig ako ng yapak at isa isa kong naramdaman ang pagyakap nila sa akin kahit na nakahiga na ako.

"Mama," mapaglambing na bulong ni Rehan ngunit hindi ako sumagot at ipinagpatuloy ang kunwaring pagtulog.

"You not sleep, Ma." Narinig ko naman si Breil.

"Mama ko." Si Caly.

"Mama uwu," bulong ni Mark na nagpamulat sa akin.

Narinig ko ang marahang pagtampal ni Rehan sa kapatid niya kasabay ang pigil na tawa.

"That is not cute, Kuya Mark," ani Caly.

Nilingon ko sila at nakita ko ang mga mukha nilang nagpapa-cute. Nakaupo na silang apat sa gilid ko at todo ang pagpapapungay sa mga mata.

I sigh before getting up ang facing them. Paano ako makakahindi sa mga mukhang 'to?

"Nagtatampo si Mama sa inyo," panimula ko. Isa-isa ko silang tinitigan at kita kong may gusto silang sabihin but at the same time ay ayaw nilang sabihin, parang may pumipigil.

"You know guys how Mama wants you all to be open to her, right? You all know how I want all of you to be honest with me because Mama hate those individuals who lies. Ilang araw ko na bang tinatanong kayo kung anong problema at bakit lahat kayo ay parang may tinatago sa'kin?"

"Ma, it's not that po. It's just that...we can't." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"What do you mean you can't? May nangba-blackmail ba sa inyo? Is somebody threatening my treasures?" Hindi na talaga ako magugulat kapag ganitong usapan ay napapa-english ang kabahayan. Lalo na si Rehan na kaya nang makipag sabayan sa akin sa pag-e-ingles, mas magaling pa nga eh.

"No, Mama. Not that. It's not the right time po kasi. We promise, Ma and we will fulfill our promise. I know you'll gonna be hurt when we tell you what we know so as long as I can-as we can, we'll keep it from you. We want your happiness Ma, but it's not really the good and right time. We're still looking for the right timing. I hope you understand, Mama. I promise to you, it's not about watching mature contents, naked man and woman, it's not, I promise. Once we have the time right, you'll be the happiest Ma. Your kids wants your happiness so please, trust us on this."

Napabuntong-hininga na lamang ako at tumango. Ayoko na masyadong magtanong, alam nila kung anong tama at hindi, kaya magtitiwala na lang ako sa kanila.

Ibinuka ko na lamang ang aking mga braso at tinanggap ang kanilang mga yakap hanggang sa inaya ko na silang matulog lahat.

Ilang oras na ang dumaan at naramdaman kong tulog na silang lahat pero iyong kaluluwa ko ayaw akong patulugin. Parang may kung anong sikreto ang mga bata na alam kong may koneksyon sa kanila pero hindi din ako sigurado.

It makes me feel uneasy.

Kaya tumayo ako at dahan-dahang lumabas sa kuwarto at nagtungo sa kusina para uminom ng tubig. Tahimik na ang gabi at madilim ang paligid. Tanging paglalakad ko at paglipat ng upuan para makaupo ang maririnig.

Muntik na akong atakihin sa puso nang mapansin kong nakaupo na si Rehan sa katapat kong upuan.

"Ang lalim ng iniisip mo Ma." Tumango lamang ako at muling uminom ng tubig.

Hindi na naman namalayang nakatunganga ako hanggang sa narinig kong hinugasan ni Rehan ang baso niya bago nagsalita.

"Would you be mad Ma...if we've been talking to him?"

"BAKA MAY RASON SILA. Alam naman ng mga bata kung gaano mo kagusto na makausap siya, kasi sino ba namang hindi? Kung kailan na sana kayo nagkakamabutihan, doon naman nangyari iyong aksidente... Nanggaling na din sa'yo noon na may tiwala ka sa mga bata. Hayaan mo muna silang mag-explain."

Nagtutupi ako ng mga nilabhan ko nang mapasok sa usapan namin ni Nemesis ang nakwento ko sa kaniya tungkol doon sa naging usapan namin ni Rehan ilang buwan na ang nakaraan.

Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano ako magre-react sa mga oras na 'yon, kaya ang nangyari ay matapos niyang sabihin 'yon, dumeretso ako sa kwarto ng walang salitang nilalabas mula sa bibig matapos ko marinig ang mga 'yon. Halos kalahating oras din ang dumaan bago ko naramdaman ang halik ni Rehan sa noo ko bago siya bumulong ng patawad, siguro na din sa pag-aakala niyang tulog na ako nun kahit hindi. Hindi na din namin napag-usapan ni Rehan iyon kinabukasan. Tila parang walang nangyari sa gabing 'yon kaya hinayaan ko na lang at hindi na ako nagpumilit na may malaman pa.

"Ewan ko ba. Kung totoo man 'yon ay talagang tampo ang aabutin sa'kin ng mga bata. Sa tingin ko kasi ang mga bagay na gano'n dapat alam ko din. Kasi sa tingin ko may karapatan naman ako kahit papaano...'di ba?" Tumingin ako kay Nemesis na abala din sa pagtutupi ng nilabhan niya.

"Hindi ko alam. Kasi kahit ako kay Draco, pinakilala nga niya ako sa pamilya niya, kinausap naman ako ng Ate niya. Sabi niya siguro nga daw iniisip ko na may karapatan ako na sarilihin si Draco pero ang totoo ay wala. May Anak pa din ako sa ibang lalaki, nakuha pa din daw ako ng iba bago si Draco kaya anong karapatan ko sa kaniya? Dinagdag pa niya na hindi ko naman daw boyfriend si Draco." Natahimik ako at napaisip din sa sinabi ni Nemesis.

Paano na lang kaming never nagka-label? Kung kailan sana may pagkakataon, madali namang pinagkait ng panahon.

"Anyway, samahan mo'ko mamaya ha. Punta akong Mall. Hindi naman porket wala kaming label ni Draco eh wala na 'kong pakialam sa kaniya. Draco deserves my attention so I'm giving him that." Tumango ako at agad na naming tinupi ang mga natitirang bagong labang damit.

Pagkarating namin sa Mall ay agad kaming nagtungo sa mga dress. Heto nga at pumipili na si Nemesis ng damit. Kanina pa nga niya ako sinasabihan na bumili na din ako kasi minsan lang din ang ganito lalo na at wala na masyadong gagastusin dahil tapos na ang school year ng mga bata na siyang pinasasalamat ko.

Andoon sila ngayon kila Mama at mas natuwa sila dahil nadagdagan sila ng isa na siyang si Mc Autumn. Doon nga daw muna sila matutulog dahil gusto nila makipag bonding sa Lola nila. Masaya din ako dahil nasa mabuting mga trabaho na ang Kuya at si Mae, mas nagiging responsable na silang dalawa kaya kampante akong nandoon si Mama.

"You need to buy this, Maya! I swear it's gonna look good on you." Napakamot naman ako sa batok ko nang ibigay niya sa akin ang damit na siyang wala akong magawa kundi ang tanggapin kesa mapagalitan kami ng sales lady na nakatingin sa'min.

"Hindi naman na kailangan 'to Neme eh! Wala akong paggagamitan!" Tinawanan lang ako ng gaga hanggang sa makapasok ako sa dressing room kasi sinong hindi? Kung itutulak ka ng kasama mo para lang maglakad ka.

"Duh? Your can be good looking for yourself kaya, Maya. Self love tawag dun." Lihim akong napailing sa sinabi ni Nemesis dahil alam kong tama siya.

It's okay to look good for yourself and not for others.

#SelfLoveNaGustoKongWasakin

"Okay lang ba?" tanong ko once na in-open ko ang kurtina ng dressing room.

Natahimik naman ang nagdadaldal na Nemesis na ayaw magpatalo sa Self Love na sinasabi niya.

"Oh my fucking God, Maya! You're so pretty!" Kusang tumaas ang kamay ko para takpan ang bibig ni Nemesis sa pagmumura niya.

"Shh Neme! Baka marinig ka ng ibang tao! Iyang bibig mo talaga kapag wala si Vitto, daig pa batang naghahambog sa kanto," saad ko sabay pinandalatan ang nakangising mukha niya at pagttanggal sa kamay kong nasa bibig niya.

"Well, well, itong batang naghahambog sa kanto ay bini-baby at may bebe, ikaw ba, Maya? Wala 'di ba? Bleh!" Napasinghap ako at nagkunwaring gulat sa sinabi niya bago niya ako tinakasan palabas sa dressing room area.

Akmang hahabulin ko na siya pero naalala kong nakasuot pa ako ng damit na pinili niya kaya natatawa akong pumasok ulit at tinitigan ang sarili sa repleksyon ng malaking salamin.

Mula sa sapatos na naging weird tingnan dahil dress ang suot ko at sapatos ang pares hanggang sa may beywang ko na tamang hapit na hapit ang sukat patungo sa dibdib kong lumaki na pala? Kunot noo kong pinagpatuloy ang pagtingin sa sarili hanggang sa tumama ang tingin ko sa kwentas na binigay ng Mama niya. Napakaganda talaga nitong kwentas na 'to dahil kahit ilang buwan na ang nagdaan ay hindi pa din kumukupas ang ningning at ganda nito. Hanggang sa tumama ang tingin ko sa sarili kong mga mata.

Tila lumambot ang tingin ko sa sarili. Kailan ba ako huling nakatitig sa repleksyon ko ng ganito? Iyong tipong walang problema. Walang inaalala. Walang nami-miss.

"Kung kasama mo siya ngayon mas sasaya ka ba, Maya?" tanong ko sa sarili.

Ilang beses ko mang itanggi na hindi ko siya naiisip, na ayos lang na hindi ko siya nakakausap, na hindi ako naapektuhan sa isiping may kasama ba siyang iba o wala, o kung naalala niya ba ako o hindi, may malaki pa din siyang epekto sa akin. Sa bawat araw na nagdaan, walang araw na hindi siya sa sumagi sa isip ko. Nasa akin pa din ang usapan na sana, sana at bumalik na nga siya.

Miss na kita, Achie. Bumalik ka na sa'min.

"WHY WOULD YOU wear that thing when it doesn't good look on you." Napaikot ang mga mata ko at nilipat ang tingin ko sa ibang bagay.

"May karapatan po ang mga customer na isukat ang mga dapit po namin dito. Kaya wala po sanang ganiyanan." Nginitian ko lang ang sales lady na sa pag-aakala kong masungit kanina. Don't judge the book by it's cover nga talaga.

"Still. Y'all don't know it this woman will steal. I mean look at the way she dress."

"Excuse me? What right do you have to speak that way? Siguro nga mayaman ka at puno ng dyamante iyang katawan mo, hindi naman natatabunan nun ang mabaho mong pagkatao. I feel bad for the guy you'll be with for the rest of you life, because honestly, judging you and the way you deal with this very shallow misunderstanding? It brings me to the conclusion that your personality sucks." Napatayo si Vix mula sa pagkakaupo at akmang susugudin si Nemesis na nasa likod ko nang pigilan ko siya sa pamamagitan ng paghawak sa braso niya.

"Don't you dare, Vix," bulong ko sa kaniya. Papalit-palit ang masama at nagmamaldita niyang tingin sa akin ay kay Nemesis.

"And what you gonna do? Huh? You're nothing compare to me, squammy."

"This squammy you're talking did pour you dirty water. Wanna try it again? At tsaka pwede ba? Kung maggugulo ka na naman, pwede ba huwag mo na akong isali? Payapa na ang buhay ko kaya kung may galit ka pa din sa'kin, pwede ba sarilihin mo na lang 'yan?" Binitawan ko ang siko niya at lumingon sa sales lady at iniabot sa kaniya ang damit na sinukat ko kanina. "Pagpasensiyahan mo na Miss, aalis na kami."

Tinignan ko muli si Vix bago nagtungo sa may exit na siyang sana hindi ko na lang ginawa dahil iyon ang pagkakataong may lumapit sa kaniyang lalaki na siyang ikinagulat ko at ikinatanga ng ilang segundo bago mapagtanto kung sino 'yon.

"Achie..."

Nakita kong hunalik si Vix sa kaniya habang nakatingin sa akin na parang nang-iinggit. Hinawakan niya pa ang pisngi ni Achie na nakatalikod sa akin at pilit niyong hindi pinapalingon sa gawi ko.

Parang sasabog ang dibdib ko habang pilit akong tinatangay ni Nemesis palabas. "Teka lang si Achie 'yan," mahina kong saad at hindi pa din inaalis ang tingin sa nakangising Vix.

"Maya tara na kasi!"

"Ano ba! Sabing hintay! Si Achie 'yan oh! 'Yong hinihintay ko!" Napatakip ako sa bibig ko nang mapagtaasan ko ng boses si Nemesis. Gulat din siyang nakatingin sa akin.

"Oh? So what kung nakita mo na siya? You really think na sasama siya sa'yo huh? Look Maya! Tingnan mo kung gaano kadikit iyang babae sa kaniya. You'll make your self look like a fool, Maya kung hindi tayo aalis ngayon. Nagpapainggit lang iyang babaetang 'yan. Maraming oras sa mundo, Maya. Huwag ngayon." Hindi na niya ako hinintay na makasagot at hinila niya akong muli. Sa huling tingin ko sa kanila ay nakita kong nakayakap si Vix kay Achie.

Pagdating namin sa bahay ay dumeretso agad ako sa kuwarto at nag-lock ng pinto kahit na pilit pumasok ni Nemesis.

"Hayaan mo muna ako, kahit ngayon lang." Ilang segundo kong pinakiramdaman ang labas ng pinto at napabuntong-hininga na lang nang mapagtantong umalis na doon si Nemesis.

Kusang dumapo ang kamay ko sa kwentas. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. May parte sa akin na sobrang saya dahil okay na siya at nakabalik na sa Pilipinas. May parte din sa akin na malungkot sa kadahilanang bumalik nga siya, parang wala namang plano na magpakita sa akin. Siguro nga sa mga bata, nakausap na siya. Pero paano naman akong halos araw araw naghihintay sa pagbabalik niya?

Idagdag pa si Vix na kung umakto ay sa kaniya. I really can't like her. I respect her but like her? I don't know. 50/50 pa.

Ngumiti ako na may halong saya at lungkot. I guess he changed. Kung tutuusin ang laki ng pinagbago niya lalo na sa pisikal na anyo. Mas lumaki kasi ang katawan niya lalo pa at nakatalikod siya kanina sa gawi namin, kitang kita ko kung gaano kalapad ang mga balikat niya. Pati ang korte ng buhok niya ay parang nag-iba na din.

Sa kadahilanang masyado akong nalunod sa kaka-overthink, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako at nagising na lang dahil sa sobrang lakas ng pagkakakatok at kakasigaw ni Nemesis.

"Maya! Buksan mo na 'to ano ba! Nagpakamatay ka ba d'yan ha? Maya ha?" sigaw niya mula sa labas.

Kabahan ka na kung sumagot ako ng ‘Oo’.

"Maya sinasabi ko sa'yo. Ako kakaladkad sa babaeng 'yon na mang-aagaw ng lalaki kapag nakita kitang walang buhay dyaan!" Pailing-iling akong bumangon mula sa pagkakahiga at binuksan ang pintuan para lang sunggaban ako ng yakap ni Nemesis dahilan para mapaupo kaming dalawa.

"H-Hindi magandang biro 'yon Maya!" Nakunot ang nuo ko nang mapansin kong umiiyak si Nemesis sa bisig ko kahit na nasa lapag pa kami.

"Hoy Neme. Are you crying?" Tumango siya habang nakayakap pa din sa akin at humahagulhol na.

"Don't you dare leave me, Maya!" Hinahaplos ko ang likod niya nang sinabi kong tumayo kaming dalawa dahil hindi komportable ang posisyon namin kanina.

Inilayo ko ng kaunti ang mukha niya habang hawak hawak ang balikat niya. Umiiyak nga. Pinupunasan niya ang luha niya at hindi makatingin sa akin ng deretso.

"I would never, Nemesis. Parte ka na ng buhay ko, ng buhay namin. I'm not planning to leave you behind." Niyakap ko siya at hinaplos ang likod niya hanggang sa kumalma na siya.

Nang tanungin ko siya bakit siya gano'n na lang kataranta, naikwento niya ang tungkol sa Mama niyang kinitil ang buhay para lang sa isang lalaking iniwan siya. Otomatiko kong naintindihan ang reaksyon niya kanina at humingi na din ako ng tawad dahil naisip niya ang gano'n. Halos daw kasi magkakalahating oras na siya kumakatok doon at ayaw niya namang tawagan si Rehan kasi ayaw niyang mag-alala na siyang naiintindihan ko. Pagkagabi nun ay sabay sabay kaming kumain dahil nakauwi na din ang mga bata galing kila Mama.



"MAMA SHOULD I GET A JOB?"

Nasa Parke kami ngayong lima. Si Nemesis at Vitto ay may ibang lakad din kasama si Draco. Napag-isipan kasi ng mga bata na mag bonding daw kaming lima kasi baka stress na stress na daw ako na siyang tinanguan ko kaya andito kami ngayon kung saan sila dati laging natutulog.

"Halos mag-iisang buwan na akong walang ginagawa Ma. I wanted to help you." Napangiti naman ako at ginulo ang buhok ni Rehan.

"You're already helping Mama, 'Nak. You're a very responsible Kuya to your siblings kaya hindi ako masyadong nagkakaprobleman when it comes to you four." Natahimik kaming dalawa kaya muli kong ibinaling ang atensyon ko sa tatlong naglalaro kasama ang ibang mga bata sa may swing at slide.

Siguro ay napansin nila ang titig ko kaya lumingon si Caly sa akin at kumaway sa akin ng may ngiti sa mga labi. Kinalabit niya din ang mga Kuya niyang nasa gilid lang para tumingin sa gawi namin at sabay silang tatlo na kumaway.

"Mama we're playing!" Tumango ako habang may malaking ngiti sa mga labi.

"Go play!" balik kong sigaw sa kanila kaya ginawa nila ang sinabi ko.

Muli kaming natahimik ni Rehan hanggang sa sumandal siya sa balikat ko. Matangkad si Rehan kaya hindi na mahirap sa kaniya.

"Ma?"

"Hmm?" sagot ko habang hindi nililipat ang tingin sa mga bata.

"I know you know that we lied to you, Ma. I know you miss him so much that it hurts you. I know you wake up every midnight and cry not knowing I'm awake ang observing you. Alam ko po na nagpapanggap kang ayos lang kahit hindi para sa kapakanan naming magkakapatid at sa mga kasama natin sa bahay. Alam ko din pong na sstress ka kasi may laging tumatawag sa inyo tapos hindi niyo naman alam kung sino o kung anong rason nila bakit nila ginagawa iyon sa'yo. Sa totoo lang Ma gustong gusto kong sabihin sa'yo lahat ng nalalaman at naoobserbahan ko. Tahimik lang ako sa gilid Ma pero alam ko kung gaano ka na nabibigatan sa mga nangyayari. Aksidente ko ding narinig ang usapan niyo ni Tita Nemmy tungkol doon sa Mall na nakita niyo si Kuya Achie. Ito lang ang sasabihin ko Ma na sana'y gawin at pagkatiwalaan mo." Hindi ako nagsalita o nag-react sa mga sinabi niya at hinayaan siyang ipagpatuloy ang nasimulan niya.

"Trust Kuya Achie, Mama. He has reason, I promise."

Matapos ng usapan na 'yon ay ginusto ng tatlo na magpunta kami sa mall at mag window shopping kasi alam nilang wala ng trabaho ang Mama nila sa rasong hindi ko na nagustuhan ang trabaho dahil sa mga taong masyadong mataas ang tingin sa mga sarili nila.

"Mag wo-work hard si Mark Jihan para mabilhan si Mama ng magagandang bagay." Rinig kong bulong ni Mark sa kapatid niyang si Briel. Magkahawak-kamay silang dalawa habang naka piggy back ride naman si Caly kay Rehan na kasabayan ko lang sa paglalakad.

"I will too, Kuya!" sang-ayon ni Breil sa Kuya niya. Kahit may parte sa aking malungkot dahil hindi ko maibigay ang lahat ng gusto nila, hinihiling ko na sana ay maintindihan nila.

"I like that car over there Kuya ko. But no money today so let's pass by it na lang po." Napatawa naman si Rehan sa turan ng kapatid na nasa likod nito.

"One day, we'll buy everything you want. So study well and achieve your goals. Okay?"

"Aye-aye Captain!" Napailing kaming dalawa sa sagot ni Caly habang natatawa.

Tumigil ang dalawa at tumingin sa akin at sinabing gusto daw nilang uminom ng milk tea. Napatingin naman ako sa may nagtitinda sa gilid ng ibang stores ng Mall.

"Pwede namang sa bahay na lang, bibili si Kuya ng juice tapos lagyan natin ng ice na squares. 'Di ba?" pang-eenganyo ng nakakatanda pero nagsipadyakan ang mga paa ng dalawa at naiiyak na yunakap sa tuhod ko.

"Mama pweaseee!" saad ni Briel.

"Briel---"

"It's okay Kuya. Sige upo muna kayo doon sa may upuan. Mama will buy you drinks, okie?" Hinalikan ko muna ang mga noo nila bago sila kumalas sa pagkakayakap sa tuhod ko. Habang si Rehan naman ay sinabihan akong huwag na bumili at sa bahay na nga lang daw. "Hayaan mo na, minsan lang naman humingi ang mga bata. Ikaw? Anong gusto mo?" Nang hindi siya sumagot, ginulo ko ang buhok niya bago nagsalita ulit.

"Sige na, pumili ka na. Don't worry about me. May ipon akong dala, sakto lang din 'to para pamasahe at pang milk tea niyo." Nginitian ko si Rehan at tinanong sila ulit.

"Iyong cookie's and cream akin Ma."

"Stawbewy for Caly Mama."

"Chocolate akin Mama."

"Stawbewy for Briel, Mama."  Tinanguan ko silang lahat at pumila na ako sa may linyahan ng nagtitinda habang ang mga bata ay pumunta na sa may parang tambayan ng mga tao kapag pagod na kakalakad sa Mall.

Habang nasa linyahan, iginala ko ang mga tingin sa mga taong masayang naglalakad habang nag-uusap. May mga taong mag-isa din, may mga pamilyang nagtatawanan habang naglalakad, tapos si Achie din nakikita ko—wait, what?

Isiningkit ko ang mga mata ko para maklaro kong siya nga ba o baka pinaglalaruan lang ako ng mga mata ko. Otomatiko kong tinakpan ang mukha ko nang dumaan sila sa may linya namin. Nang makalampas na sila ay inalis ko na ang takip sa mukha ko. Ngiting nagpapaumanhin ang iginawad ko sa taong nakasunod sa akin sa linya.

Muli kong tinitigan ang likod ni Achie. Kasama niya si Vix na daldal ng daldal sa gilid niya kahit halata namang hindi interesado si Achie sa mga pinagsasasabi niya kasi wala namang reaksyon ang mukha ni Achie nang dumaan sila. Mukhang bored nga eh.

"What's your oder, Ma'am?" Nabalik ang pukos ko nang ako na pala ang sunod na mag-oorder. Matapos kong sabihin ang order ko, naghintay ako ng ilang minuto bago ko tanggapin ang parang cup holder, iyong gaya sa jabe. Nagbayad na din ako at mabilis na umalis sa linya dahil iniisip ko ang mga bata. Paniguradong makikita nila si Achie dahil doon papunta ang dalawa.

"Rehan Jay, Mark Jihan, Breil James, Caly Frein!"

Continue Reading

You'll Also Like

5.8K 356 36
- L O N G D A L E S E R I E S # 1 - Chris did not expect the changes in her life right away until she met Val, a very mysterious boy at first who is...
2.7K 120 28
'naniniwala tayo sa mga bagay bagay, kahit na hindi naman kapani-paniwala. Kaya Kung minsan nauuwi tayo sa wala..' This story written way back 2018. ...
3.5K 594 11
هي لم ترتدي الأسود مُطلقًا... بدأت: ١٢/١/٢٠١٩ انتهت : ٦/٩/٢٠٢٠ مُترجم من deanrvng@ © جميع حقوق الكتابة تعود للكاتبة الأصلية وحقوق الترجمة لي.
3M 195K 89
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...