La Carlota 1: Reaching the Sun

By missgrainne

1.2M 77.4K 11.9K

Living at the top of the hill where everything seems away like the blazing sun in La Carlota, Terra Charlotta... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
1 ~ AZUCARERA
3 ~ INSPIRATION
4 ~ RESPECT
5 ~ SPONSOR
6 ~ KISS
7 ~ FRIEND
8 ~ PICTURE
9 ~ HOT
10 ~ COURT
11 ~ CHOOSE
12 ~ OVERNIGHT
13 ~ PROUD
14 ~ MISS INTRAMS
15 ~ CELEBRATION
16 ~ BOYFRIEND
17 ~ OFFERS
18 ~ GIRLFRIEND
19 ~ APARTMENT
20 ~ BABY
21 ~ INTIMACY
22 ~ CROWN
23 ~ LOVE
24 ~ SHOT
25 ~ MARRY
26 ~ TRIGGER
27 ~ GONE
28 ~ DREAM
29 ~ SUN
EPILOGUE

2 ~ TROUBLE

35.2K 2.2K 249
By missgrainne

CHAPTER TWO

CHARLOTTA couldn't focus with their last subject. Lumilipad ang isip niya kay Grego na naghihintay sa bench sa likod ng Gymnasium.

Is he really waiting though? Baka naman kasama ang girlfriend?

Ano naman sa kanya? Ihahatid lang naman siya ni Grego sa patag para malaman kung saan ang eksaktong lugar na pagkukuhanan sa kanya sa Sabado. Walang ibang dahilan. Dapat ay tigilan niya na ang munting pag a-assume.

"Kayo na ang maghanap ng ka grupo ninyo para sa activity," bilin ng teacher nila. "Sa susunod na Biyernes ang pasahan. Sabay sabay."

Hindi pa tapos magsalita si Mrs. Lafuente ay nagkagulo na ang mga kaklase niya para makahanap ng ka-grupo. Kaya niya naman gumawa ng essay pero dapat ay may ka-grupo raw para mas madaling maipaliwanag kapag nag report na sila.

Like the usual, no one on her classmates are interested to her to be part of the group. Madalas mababa ang grado niya kapag may activities dahil hindi siya napapasama sa mga grupo. O kaya ay nagpa plano ang mga kaklase pero hindi siya sinasabihan.

"Kulang pa kami ng isa!" si Jayda, sabay sulyap kay Gavin.

"Tayo na lang dalawa, Charlotta. Hayaan mo na 'yang mga 'yan." Aya sa kanya ni Gavin.

"Sige!"

She smiled at her favorite classmate. Si Gavin lang talaga ang mabait sa kanya.

"Kulang kami ng dalawa," ang isa pang kaklase na naghahanap ng ka grupo.

Apatan lang naman dapat. Hindi lang din magkasundo ang iba kaya watak watak.

"Sa amin na lang kayo Gavin," aya nung naghahanap.

"Gusto mo ba sumali sa grupo nila Jester?" Gavin asked her.

Tumango agad si Charlotta. She won't waste the opportunity to be with her other classmates. Kahit man lang sa simpleng activity na kasama ang mga ito ay magiging masaya na siya. Kahit hindi na makipag kaibigan sa kanya. A simple bonding with them is more than enough for her.

Lumapit sila ni Gavin sa grupo nila. Buo na silang apat. Tatlong lalaki at siya lang ang babae. Ayos lang sa kanya. Mas mabait sa kanya ang mga kaklaseng lalaki.

"Sa bahay na lang tayo gumawa ng activity. Ayos lang ba sa inyo?" Gavin offered.

"Tapos punta tayo sa Playa Azure pagkatapos, pre." Aya ni Jester.

Nagtawanan ang tatlo. Nakitawa rin siya. Natutuwa na may plano kaagad ang mga ito kahit wala pa nga silang nauumpisahan.

"Gusto mong sumama, Charlotta?"

The boys in front of her are hoping for her to say Yes. Ito na yata ang pagkakataon na magkaroon siya ng mga kaibigan. Hindi man babae pero ayos na rin. At least, mayroon.

"Magpapaalam pa ako sa lola ko kung papayag."

"Magpaalam ka na mamaya para malaman namin ang sagot bukas."

"Okay."

Natapos ang klase ilan pang sandali. Na-late siya ng sampung minuto dahil nag plano agad sila. Kaya naman nang natapos, kaagad niyang kinuha ang bag at tinakbo ang Gymnasium. Nakakahiya at napaghintay niya pa yata si Grego.

Hinihingal, bumagal ang lakad niya nang makita nga si Grego sa na nakaupo sa bench. When he noticed her presence, he shifted on his seat.

"Hi, pasensya na, na-late kami ng tapos."

"Okay lang. Kadarating ko lang din dito."

Itatanong niya sana kung saan ito galing pero umakto na itong aalis do'n. Nagsi-uwian na ang halos lahat ng estudyante pero may iilang natira pa at palakad lakad pa.

Naunang maglakad si Grego. Siya naman ay niyakap ang dalang aklat, nakayuko na sinusundan kung saan ito pupunta.

"Kanina pa ang uwian niyo ah?" narinig niya ang bati ng isa sa kaibigan ni Grego.

Isang grupo pa ng kakilala nito ang nadaanan nila. Ang iba ay pasimpleng nangantiyaw. Ang iba naman ay sumipol.

"Baka mag selos niyan si Alena," kantiyaw ng isa.

Alena. Iyon yata ang pangalan ng bagong girlfriend ni Grego. College na rin iyon at magka edad lang siguro ang dalawa. Hindi niya pa ito nakitang nag girlfriend ng mas bata rito.

"Nililigawan mo, pre?" May biglang nagtanong.

Grego chuckled. "Hindi."

Humigpit ang yakap ni Charlotta sa aklat. Totoo naman na hindi nanliligaw si Grego, pero bakit parang... masakit?

She followed him until they reached the parking area. Sumampa ito sa isang motorsiklo. Napaatras siya dahil hindi pa siya nakakasakay sa gano'n.

Grego handed her a helmet. Nanginig ang kamay niya. Matapang naman siya pero natatakot siya na baka mahulog siya. Lubak lubak pa naman ang dadaanan nila.

"H-Hindi pa ako nakakasakay sa ganyan, Grego..." pag amin niya. "Baka mahulog ako."

His eyes sharpened. Nakasakay na ito kanina pero umalis at lumapit sa kanya. He sighed.

"Hindi ka mahuhulog, Charlotta," para bang inaalo siya nito.

Wala pa naman 'yung parang box na nakalagay sa likod na upuan. Katulad sa ibang nakikita niya sa mga motorsiklo. Kung mayroon gano'n, hindi siya masyado kakabahan na mahulog dahil may masasandalan siya kahit paano.

"Isuot mo ito," inabot ulit ni Grego ang helmet sa kanya.

Kinuha niya naman 'yon gamit ang isang kamay dahil ang isa ay yakap ang aklat. Alam niya naman kung paano isuot iyon. Nakakakita naman siya sa mga tao. Inilagay niya sa ulo kaya lang ay hindi ma-i-shoot ng maayos.

Charlotta's heart pounded when Grego walked closer and helped her put the helmet on her head. Napalunok siya nang ito pa ang nag lock no'n.

"S-Salamat," nautal siya dahil sa lakas ng pintig ng puso!

He walked back to his motorcycle. Sumakay ito ro'n at umusog nang bahagya sa harap para my tamang espasyo siya sa likod.

"Ipatong mo muna ang paa mo rito," he pointed where to put her foot first.

Kung gagawin niya na i-angat ang paa para maka angkas, kailangan niya ng mahahawakan para hindi matumba.

Napatingin siya sa braso ni Grego. Ang kamay ay nasa magkabilang handle bars. There are some visible veins on his forearms that matted with thin hair. The color of his skin is golden tan. Almost burned because of the blazing sunlight. For her, his skin color is very appealing. Attractive.

Gusto niyang hawakan si Grego sa braso bilang suporta. Kaya lang ay nangangamba siya na baka bawal iyon.

"Humawak ka sa akin," he jerked his shoulder telling her to hold on that area.

Para mapabilis sila, humawak siya sa balikat nito at sumampa na sa motor. Iyon ang unang beses na mahawakan niya ito at sobrang saya niya!

Para bang nahawakan niya na rin ang hindi maabot abot na araw.

Hindi niya akalain na ang simpleng pangarap ay magkakatotoo. Naging masaya siya nang mapansin siya ni Grego at kinausap. Ngunit nang mahawakan niya ito, ibang kasiyahan ang namutawi sa kanyang puso. It is something that matters to her. Imposible, pero pwede pala.

Pinaandar nito ang motor at napatili siya. Kumapit siya sa balikat ni Grego nang mahigpit. Ang aklat ay nasa pagitan nila nakalapag.

"The proper way to hold me is..." he held her hand and wrapped around his waist. "Like this, Charlotta."

Uminit ang pisngi niya nang iyakap din nito sa bewang ang isa niya pang kamay. It looked like she's hugging him!

"Ano na 'yan, Grego? Kayo na ni Charlotta?" tukso ng guwardiya nang dumaan sila sa gate.

"Naku. Hindi po, Manong," siya ang sumagot, hiyang hiya.

Marami pang estudyante ang nakakita na angkas siya ni Grego. Mas dumoble ang hiya niya at ayaw na magpakita pa kaya mariin siyang pumikit at halos isubsob ang mukha sa malapad na likod nito.

"Saan banda rito?" maya-maya ay untag nito sa kanya.

Unti-unti siyang nagmulat ng mga mata. Buong byahe yata siyang nakapikit dahil kabadong kabado. Hindi dahil mahuhulog siya, kundi dahil para talaga siyang nakayakap.

"Sa unahan pa," itinuro niya ang malaking puno ng acacia. "Doon kami dumadaan."

Dalawang puno ng matandang acacia ang nag silbing entrada papunta sa sitio. Mula doon ay maglalakad siya ng humigit kumulang isang oras papunta sa bahay nila sa tuktok.

"Dito na lang," aniya nang makatapat sa sira sirang kahoy na nag silbing gate na may naka ukit na Sitio Verde at arrow papasok sa gubat.

Huminto ang motorsiklo at kahit hindi sanay ay bumaba siya kaagad. Kaya lang ay napakapit ulit sa braso ni Grego nang muntik na mahulog dahil sumabit ang isang paa sa upuan.

He quickly held her wrist to stop her from losing her balance. That made her heart raced.

Huminga ng malalim si Charlotta. Paano kung motorsiklo ang ipapangsundo at hatid sa kanya? Ibig sabihin ba ay parang yayakapin niya ulit si Grego para hindi siya mahulog?

"Ilang minuto pa ang lalakarin mo papunta sa sitio?" he sounds casual but she can see the curiosity.

Nilingon niya ang ilang kabahayan sa bundok na medyo tanaw. Mga bahay na nasa bungad lang. Ang sa kanila kasi ay nasa likod pa na bahagi. Natatabunan na ng mga puno.

"Forty minutes to one hour. Depende sa paglalakad ko."

"Hindi ba kasya ang motorsiklo?"

"Hindi. Delikado ang daan. Makipot at pataas. Mahihirapan ang anomang sasakyan na umahon."

Grego sighed. Then he nodded slowly. "Okay. Mag ingat ka."

"Ikaw din!" mabilis na sambit niya.

Nakita niya ang pag angat ng sulok ng labi nito.

"Salamat sa paghatid. Naka libre ako ng pamasahe sa tricycle," bumungisngis siya.

Niyakap niya ang aklat nang makita na umusli ang labi nito, para bang pinipigil ang ngiti. Sa gano'n anggulo, mas nadepina ang tangos ng ilong nito. Pati na rin ang makapal na pilik mata.

He's one of the beauty in La Carlota. Isa sa taong masarap pag masdan. Kahit pa sa malayo. Kahit patago. Hindi nakakasawa.

Charlotta blinked to stop herself for looking stupid in front of Grego Almendarez. Harap harap niya itong pinagmamasdan. Nakakahiya talaga siya!

"Aalis na ako," paalam nito sa kanya.

"Bye! Ingat!" Kumaway siya habang nakangiti.

Hinintay niyang mawala sa paningin niya si Grego bago pumasok sa gubat. Dumidilim na at kailangan niyang bilisan ang paglalakad para makarating agad sa bundok bago tuluyang kainin ng dilim ang paligid.

Sa sumunod na araw, hindi siya pinapansin ni Gavin. And she knew why. Nakalimutan niya na magsasabay pala sila umuwi kahapon. Sa sobrang pag iisip kay Grego, naiwan niya si Gavin!

"Sorry. Nakalimutan ko ang usapan natin."

Nakasimangot ito. Ayaw niyang magalit ito sa kanya at layuan siya. Si Gavin na nga lang ang mabait sa kanya, mawawala pa?

"Nakita ko na sa motorsiklo ka ni Grego naka angkas. Nililigawan ka ba niya?"

Medyo nabigla si Charlotta. May ilang estudyante na nakakita pero hindi niya inisip na makikita ni Gavin o kahit sinong kaklase nila.

"Hindi siya nanliligaw. Hinatid niya lang ako sa patag."

"Bakit ka hinatid? Ibig sabihin ay nanliligaw siya, Charlotta."

"Hindi nga, Gavin. Hinatid niya ako para alam niya kung saan ako susunduin tuwing Sabado at Linggo."

Kumunot ang noo nito. Walang ideya sa sinasabi niya.

Ang mga kaklase niya ay nagsisidatingan na rin. Maaga siyang pumasok para makausap si Gavin at makahingi ng pansensya sa nangyari kahapon.

"Magtatrabaho ako sa azucarera nila," paliwanag niya. "Buti nga at pinayagan ako ni lola."

Busangot parin ang mukha nito. Nagtampo talaga.

"Mamaya, sabay tayo. Promise!" aniya at hinanap ang mga mata nito.

Gavin heaved a sigh. Galit pa rin pero tumango naman. That made her smile.

"Totoo ba, Charlotta? Nililigawan ka ni Grego?" iyon ang bungad nang kadarating lang na si Jayda.

Hindi lingid sa kaalaman niya na marami ang nagkaka crush sa isang Grego Almendarez. Siyempre, pati ang mga kaklase niya, may crush sa gano'ng klaseng lalaki. Hindi niya pinagtakahan.

Napatingin na tuloy ang ibang kaklase sa kanila. Umupo si Charlotta sa upuan niya at naglabas ng notes.

"May nakakita sayo na angkas ka niya kahapon. Hinatid ka sa gate ng sitio?"

"Hinatid ako pero hindi nanliligaw, Jayda."

"Buti naman! Hindi kayo bagay!"

Akala naman ng babaeng ito ay hindi niya alam 'yon? Hindi talaga sila bagay! Kaya walang dahilan para pati ang paghatid ni Grego ay gagawin rason para awayin siya o kamunhian.

Naging usap usapan hindi lang sa loob ng klase nila ang paghatid sa kanya ni Grego, maging pati sa buong escuelahan. Nakaabot pa yata sa college building!

"Girlfriend niya si Alena! Dapat hindi ka pumayag ihatid!" sinugod siya ng isang Grade 10 na die hard fan yata ni Alena. Ito rin 'yung nag banta sa kanya nung nakaraan.

Katatapos niya lang mag lunch at nagpapahangin sa lilim ng puno sa likod ng Gymnasium. Nabigla siya dahil sa pagiging agresibo ng dalawa.

"Malandi ka rin e!" halos ibato sa kanya ang librong hawak ng mga ito.

Napalunok si Charlotta at tumayo. She can bear the insults and other hurtful words, but she couldn't stand being physically hurt just because they hated her or they didn't like what she did.

"At saan ka pupunta?!" Hinila siya ng isa at bumaon ang matulis na kuko sa kanyang braso.

Charlotta winced. Sinubukan niyang kunin ang braso kaya lang ay mas lalo nitong diniinan ang pagkakahawak sa kanya.

"Umiiyak si ate Alena ngayon dahil nakipag break si Grego! Kasalanan mo 'yon!"

"Bitawan mo ako..." naiiyak na siya.

She's not use when some students are being physical and violent. Natatakot siya na masaktan ng mga ito. Kabadong kabado na siya at ang mababaw na luha ay nagbabadya na.

"What are you doing?" Chantria's voice felt like an angel who will gonna save her from evils.

Padarag siyang binitawan ng babae. "Aabangan ka namin mamaya sa gate. Humanda ka!" Banta nito sa kanya.

"She was the reason why Grego and Alena broke up, Chantria," sumbong ng isa.

Chantria is holding an umbrella to save her skin from the afternoon sunlight. Her uniform is neat and clean. Halatang halata na mabango at palaging plantsado. Pati ang itim na sapatos ay hindi madumi at halos mangintab. Hindi katulad ng kanya na kaunti na lang ay bibigay na.

"Alena is just over acting. Hindi naman sila ni Grego," pairap na sagot ni Chantria.

"Sila nga!"

"Marunong ka pa sa akin? Mas kilala ko si Grego kumpara sa inyo."

Natamemem ang dalawa. Batid niya na may pagka masungit at brat itong si Chantria. Maraming kaibigan pero handa rin mawalan.

"Ginayuma ng babaeng ito si Grego!" akusa ng isa.

Chantria rolled her eyes. "Come on, hanggang ngayon ba naman ay naniniwala pa rin kayo sa gayuma?"

"Mangkukulam ang lola niya!"

"Oh, kaya dapat kabahan ka sa pang aaway kay Charlotta dahil baka kulamin nga kayo ng lola niya?" Chantria smirked when the two suddenly looked like scared. Parang takot na pusa ay tumakbo palayo ang dalawang babae.

Chantria heaved a long sigh as if she's so bored with her life. Umupo ito sa bench na inuupuan niya kanina habang pinapayungan ang sarili kahit na may lilim naman ng puno doon.

"They are so stupid for accusing you about gayuma. Hindi ba nila nakikita na sadyang maganda ka lang at pati ang isang Grego Almendarez ay nabighani?"

Chantria stared at her for a while. Tapos ay unti-unting nagsalubong ang kilay nito.

Nakatayo lang siya doon at medyo nanginginig pa dahil sa kabayolentehan na naranasan kanina lang.

"Pero totoo ba na mangkukulam ang lola mo?"

"Sabi sabi lang ng mga tao 'yon. Hindi nangkukulam ang lola ko."

"Ano lang?" kyuryoso ito.

"Faith healer."

Katulad ng ibang matanda sa sitio, natural ang pagiging manggagamot. Kung hindi langis ng niyog ang gamit, mga halaman naman.

"Baka doon na gumaling ang mommy ko?"

Nakita niya ang pagiging interesado ni Chantria.

"Ano ba ang sakit ng mommy mo?"

"Sa liver daw. May gamot naman pero walang kwenta."

"Tanungin mo muna ang mommy mo kung payag ba siyang magpa albularyo."

Chantria cocked her head on the side and pouted her lips. She's cutely hugging the long handle of her umbrella.

"She wouldn't believe in albularyo," she sighed again. "Mahirap din ang daan papunta sa Sitio Verde, di ba?"

"Kung hindi kaya ng mommy mo, puwede naman bumaba ang lola Salma ko."

Umayos ito ng upo. Para bang nakaisip na agad ng desisyon.

"Pupuntahan kita sa classroom mo kapag napapayag ko na si mommy."

Tumango tango si Charlotta. Handang-handa na makatulong sa kung sinoman ang nangangailangan. Mapa-mayaman man o mahirap. Wala siyang pipiliin.

"Sasabihan ko rin ang lola Salma ko tungkol dito."

"Alright," Chantria smiled and stood up. "See you around!"

"See you."

Charlotta is alone again. Doon niya rin napansin ang pag hapdi ng braso. Nang sipatin niya ay nakita ang kaunting dugo dahil sa bumaon na matulis na mga kuko.

She was about to clean her wounds with her handkerchief, but stopped herself and grabbed all her things when she saw Grego coming towards her.

Mabilis siyang tumakbo palayo rito. Kailangan niya itong iwasan. Kailangan niyang lumayo sa mga taong hindi maganda ang dulot sa kanya. Di bale ng tignan niya na lang ulit ito sa malayo. With that, people won't hate her because of him. Staying away from him, is also staying away from trouble.

Continue Reading

You'll Also Like

42.5K 2.9K 80
epistolary wherein one of her followers started replying in her every tweet.
1.8M 59.3K 49
Daniel Dela Cruz thought his life was going to be bland and dull and the only excitement he will have is from the missions he needs to accomplish. He...
7.4K 133 13
A lawyer's past broke the heart of the woman he loves. On his quest to win her back, the demons from the past that separated them was trailing him...
1.3M 54.7K 56
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...