Elyu Series #1: Drifting with...

By hanmariam

868K 36.1K 18.3K

In the sleepy town of San Juan, La Union, the waves are unrelenting. Sereia Montanez leads a quiet life with... More

Drifting with the Waves
Prologue
Part I: The Rise
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Part II: The Fall
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Part III: The Shore
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Bonus Chapter
Character Profile

Chapter 33

13.4K 658 338
By hanmariam

"Ano ka? Free taste?" tumawa ako para ibsan ang kaba na nararamdaman ko. Abot-abot na ata ang tahip ng puso ko. I don't know why he's looking at me like that! It's making me feel... something.

Tumawa rin si Ivo. "Labo mong kausap. Matulog ka na!" pinagtabuyan na niya ako kaya agad akong tumayo at umalis. Baka kasi kung saan pa mapadpad ang usapan naming dalawa. We're both tired and we need to rest.

Kinabukasan, maaga akong nagising pero mas inagahan ata ni Ivo dahil naabutan ko siyang nagwawalis sa bakuran. Nagpunta muna ako sa CR para maghilamos saka ako nagbihis at lumabas.

"Bibili lang ako ng pang-agahan natin," paalam ko sa kaniya. Tumango naman siya at pinagbuksan ako ng gate. He must've changed earlier. Itim na shorts at puting shirt lang ang suot niya ngayon. Pinagpapawisan pa ito nang kaunti.

Nilakad ko hanggang sa terminal ng tricycle at nagpahatid sa palengke. Mas lumaki ata ito ngayon at mas madami ng nagtitinda. Bumili ako ng itlog, tocino, hotdog, pati na rin bigas. Sinamahan ko na din ng mantika at toyo. Hindi ko alam kung gumagana pa ang stove sa bahay pero pwede namang magluto sa kahoy kung hindi. I quickly went home after buying what I need.

Si Ivo naman, naroon sa balcon at nagkakape. Hawak niya ang iPad niya at may kung anong binabasa. I smiled at him when I arrived. It's a good sign. Maybe the stove is still working.

"Gusto mo ng kape?" tumayo kaagad siya at inabot ang mga pinamili ko kahit hindi naman mabigat. Iniwan niya ang ginagawa at sabay kaming pumasok sa kusina.

"Sige, salamat," wika ko at nagtungo sa ref pero wala naman itong laman kahit tubig. Naka-off din ito.

"Hindi na yan gumagana," ani Ivo sa akin. "Sinubukan ko yang ayusin pero wala ata akong natutunan sa EIM natin noong second year," tumawa pa siya.

Isinara ko ulit ito at napailing. Ang daming kailangang itapon sa bahay. Nakakahiya naman sa prospect buyer kung narito pa ang mga lumang gamit namin kapag titingin sila. Dapat rin siguro naming papinturahan ito para mas appealing tingnan.

Ibinigay sa akin ni Ivo ang kape ko habang isa-isa kong nilabas ang mga pinamili ko sa palengke. Kinuha niya yung mug niya pati na rin yung iPad at lumipat sa kusina para samahan ako.

"Baka tanghali pa dadating si Tita Belinda," I glanced at him. "Wala ka bang trabaho?"

"Meron." Sagot niya habang nakatingin pa rin sa iPad niya.

"Eh ba't narito ka pa? Uuwi na din ako mamaya." Tinaasan ko siya ng kilay.

"Sabay na tayo." He shrugged.

"Paano ang kompanya mo?"

"Day-off ko ngayon."

Ngumuso ako. Kilalang-kilala ko na siya. "Gawa-gawa mo lang yan, eh."

Ivo laughed and finally peeled his gaze away from the iPad to look at me. "Eh C.E.O. ako, eh. Pwede naman akong mag-day off kahit kailan ko gusto. Sinong mag-a-absent sa akin, secretary ko?"

Napairap nalang ako sa ere dahil sa inaakto niya. He's still that careless, free-spirited boy I fell in love with. Para akong tanga na inaasahang sobrang laki ng pagbabago niya pero ganito pa rin siya. I was overthinking for the past few years!

Pagkatapos kong magluto, sabay ulit kaming kumain ni Ivo. Halata sa mukha niya ang saya habang kumakain.

"Na-miss ko 'to, ah?"

"Ay, hindi mo afford bumili ng hotdog?" biro ko sa kaniya. "Nakakahiya naman sa kompanya mong may anim na international branches..."

Sinamaan ako ng tingin ni Ivo. "Grabe, nagbago ka na talaga, Raya..."

Tinawanan ko lang siya at nagpatuloy sa pag-kain. I did my research about him now that he's one of our prospects. His father has been reduced as the C.O.O since he had taken over the highest position of the company. In the first few months of his leadership, he managed to close 4 exclusive deals, signed a contract to their third international branch, and increased the gross profit by 60%. I'm not sure how accurate the numbers are because I have to fact-check it yet, but I know he has done good with their company.

I also know that the Cojuangco's withdrew their deal with the Escarra Corporation a year after I left. I don't know what happened to them, and right now, it's not my place to ask.

Nag-presenta si Ivo na siya na daw maghuhugas ng pinggan dahil nami-miss niya raw. Hindi ko alam kung anong klaseng tao ang mami-miss ang paghuhugas ng pinggan pero hinayaan ko nalang siya at pumasok sa kwarto ko para ihanda ang pagbibihisan kong damit. Pumasok na din ako sa banyo para maligo.

I spent almost half an hour inside just to realize that I left my clothes in my room. I groaned out loud. Dali-dali kong tinapos ang pagliligo at nag-tapis ng tuwalya. I stepped half of my body out of the door just to see if Ivo is still around. Wala naman akong naririnig kaya dali-dali akong tumakbo patungo sa kwarto ko kaso napatili lang ako nang mabangga ko siya habang naglalakad siya sa kusina!

Pucha, Ivo.

His eyes widened when he saw me. Kaagad niyang pinikit ang mga mata dahil bahagyang natanggal ang tuwalyang tumatakip sa dibdib ko pagkabangga namin pero nakahawak naman ang dalawa niyang kamay sa beywang ko para pigilan akong tuluyan nang madulas.

"Wala akong nakita, promise!" sigaw niya habang nakapikit.

I cursed and pulled myself away from him. Kaagad kong inayos ang towel ko at dali-daling pumasok sa kwarto ko sabay lock ng pinto. Muntik ko nang iuntog ang sarili ko sa pader sa sobrang kahihiyan! Nakakaasar naman! Kagabi, naabutan niya akong walang suot na bra tapos ngayon naman, halos maghubad ako sa harapan niya?!

Matagal akong nanatili sa loob ng kwarto ko. Hindi ko na alam ngayon kung paano haharapin ang lalaki. Sana umalis nalang siya tapos mag-text sa akin na nauna na pala siya dahil may emergency sa company niya o kung ano pa yan! Maliwanag na kasi ngayon kaya klarong-klaro kung mamula man ako at mas lalong nakakahiya yun.

I took a deep breath and stared at myself in the mirror. Even just thinking about it turns my face into a freaking tomato. Parang gusto ko nalang sumabog!

"Raya?"

Napaigtad ako nang tuluyan na akong kinatok ni Ivo sa kwarto ko. Nagpapanic kong binuksan ang pinto at hingal na hingal siyang hinarap.

"B-Bakit?"

Nag-iwas ng tingin si Ivo sa akin, nahihiya din. "Nandito na ang Tita Belinda mo."

I bit back a sigh of relief. Buti naman! I thanked him and walked outside to see my father's sister. Ngumiti kaagad siya nang makita ako at kaagad akong niyakap.

"Raya! Ang laki-laki mo na!" she beamed when she saw me. Nang makita niya si Ivo sa likuran ko, kinuha niya ang walis tingting at pinalo-palo ang lalaki. "Ikaw, narito ka na naman!"

"Aray, si Tita naman!" hinawakan ni Ivo ang dalawang balikat ko at ginawa akong human shield sa Tita ko. "Napadaan lang po ako!"

"Napadaan?! Linggo-linggo ka bang napapadaan dito sa bahay, ha? Galing kang Manila, eh. Paano ka napadaan dito?!"

Tumawa lang si Ivo sa sinabi ni Tita Belinda. Ni hindi ko alam na close sila! Oh well, that's Ivo for you. I just know he charmed my Tita to like him just like he always does. Pati si Mama, mahal na mahal din siya. Napailing nalang ako.

Pumasok kaming tatlo sa bahay at itinuro ko kay Tita Belinda lahat ng mga gamit na gusto ko nang i-dispose at yung mga itatago pa. Inisa-isa ko na din ang mga naiwan kong damit doon. Wala namang kasya na sa akin kaya ido-donate ko nalang lahat.

"Medyo malaking gastos 'to, Raya, magpapa-pintura pa..." ani Tita habang naglalakad-lakad kami.

"Ayos lang. Bibisita dito si attorney next week para tingnan ang kondisyon ng bahay, para na din masimulan ang mga kailangan naming papeles."

Tumango si Tita Belinda at nangakong tutulong naman sa pag-lilinis at pag-rerenovate ng bahay. May kausap si Ivo sa cellphone niya sa balcon kaya kaming dalawa nalang naiwan sa kusina.

"Oo nga pala, Raya, birthday ng pinsan mo bukas makalawa. Baka naman pwede mong sagutin ang birthday party niya? Hindi pa yun nakakaranas magka-party, eh."

I bit my lower lip and nodded. Until now, I still have difficulty saying no to people who have helped me so much. Inalagaan niya si Papa noong wala kami rito at siya rin ang huli niyang kasama bago siya mawala. Kapatid niya yun, eh. Our family owe so much to her. Hindi alam ni Mama na ako ang nagpapaaral sa pinsan kong babae. Mag-s-senior high school na siya ngayong pasukan.

"Sige po, Tita."

Ini-lock ko ang bahay pagkatapos namin doon. May progress naman na kami, tatawag nalang daw si Tita ng maghahakot nung mga gamit na gusto ko nang itapon. Ihahatid ko na din siya sa bahay nila at bibisitahin ang mga pinsan ko. Nilapitan ko si Ivo.

"Babalik ka na ng Manila?"

He nodded. "Tapos na day-off ko."

Hinampas ko siya sa braso. "Ewan ko sa iyo. Pupunta ako kina Tita ngayon."

Ivo nodded again. Nagpaalam na ako sa kaniya. Hindi ko alam kung pupunta ba siya ulit dito sa bahay at tutulong sa amin. Nakakahiya namang tanungin dahil ang dami na niyang nagawa para dito.

"Sige, una na kami—"

Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang braso ko. Napalingon tuloy ako sa kaniya.

"Wait, where are you working again? Social Synergy?"

"Oo, sa Pangasinan."

"Dun ka din nakatira?"

"Temporarily."

Dahan-dahang binitawan ni Ivo ang braso ko at tumango. "I see."

I gave him a small smile and bid goodbye. Nagpahatid kami sa tricycle kung saan ko iniwan ang kotse habang yung kay Ivo naman ay nasa kanto lang namin.

Habang nagmamaneho ako, nagkwento sa akin si Tita Belinda tungkol kay Ivo.

"Nung una, akala ko talaga akyat-bahay ang lalaking yan! Bigla nalang sumulpot habang naglilinis ako dun!" tumawa si Tita. "Tapos kinaibigan ako, ang sabi kaibigan ka raw niya. Nakikita ko rin naman kasi siya sa ospital nung na-admit ang Papa mo kaya hindi na ako nag-suspetsa."

Napailing nalang ako. That's so Ivo of him to do that. Pagkarating ko sa bahay nina Tita, sinalubong kaagad ako ng mga pinsan ko. Isa-isa silang nanghihingi ng pasalubong, lalo na yung maliliit. May mga lalaki ding anak si Tita Belinda na mas matanda pa sa akin, puro hindi nakapagtapos ng pag-aaral at nasa bahay lang.

"Raya, pang-yosi lang..." dinaan nila yun sa tawa pero naglabas pa rin ako ng pera para bigyan sila. Sobrang tagal ko din silang hindi nakita kaya sige nalang.

Hindi na rin ako nagtagal sa bahay nina Tita dahil kailangan ko nang bumalik sa Pangasinan. Pagod na pagod ako pagkarating sa apartment kaya nag-order nalang ulit ako ng pagkain. Tinawagan din ako ni Mama at ikinuwento ko sa kaniya na napadaan ako sa bahay nina Tita.

"Sereia, feel ko lang ha, may crush talaga sa iyo ang features editor natin!" siniko-siko ako ni Kaye, ang beauty editor ng team namin.

Muntik ko nang mabuga ang iniinom ko hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil sa biglaan niyang pagsiko sa tagiliran ko! Inasar-asar tuloy ako ng mga kasama ko sa table.

"Oo nga, Sereia, patingin-tingin sa iyo, eh!"

"Mayaman yan, girl. Go ka na."

Napailing ako sa mga sinabi nila. "Wala pa yan sa isip ko."

"Ay, so kailan mo gustong mag-boyfriend, teh? Kapag expired na ang matres mo? 27 ka na!"

Napanguso ako sa sinasabi nila. I know women have reproductive deadlines when it comes to getting pregnant and giving birth. Malapit na rin akong lumampas sa kalendaryo. Iyon nalang palagi ang bukambibig ng mga tao sa paligid ko, lalo na ng mga kamag-anak ko kahapon nung umuwi ako sa kanila.

"Huwag kang ma-pressure," bulong ni Kaye sa akin. "Mga boomer kasi ang ka-team natin kaya ganyan mag-isip!"

Tumango nalang ako at nagdasal na sana iba nalang ang i-topic nila. Napahinga lang ako ng maluwag dahil ibang tao ulit ang pinag-diskitahan nila ng tsismis hanggang sa matapos ang lunch namin.

"About the October issue... have you started with the project yet?" tanong sa akin ng EIC namin. Pinatawag niya kasi ako sa opisina niya pagkatapos ng lunch namin.

"I've contacted a few on the list, Ma'am. Some responded while others need a little more persuasion."

"Good, good. How about Primitivo Escarra? Have you reached out to him, yet? I heard he's on the Philippine lineup of the Sea Games who won the surfing competition years ago. I didn't know he surfs. If it's true, it could be great content for us. Women are usually crazy about men who has life outside the corpo world."

I stood uncomfortably in front of her. Paano ko sasabihin sa kaniya na kaibigan ko mismo ang tinutukoy niya? I bit my lower lip, trying to think of something.

"I'll... I'll let you know once I've contacted him."

"Sige, you keep me updated with the progress, Miss Montanez. I'm counting on you."

Untin-unti na akong nakakapag-adjust sa trabaho at sa bagong tirahan ko. Unang bumisita sa akin si Celeste sa apartment ko. Akala ko nagbibiro lang siya na dadaanan niya daw ako kaya bigla nalang akong nagulat nang magpakita siya sa apartment ko, umagang-umaga!

"Surprise, surprise!" she said happily.

Napailing nalang ako at pinapasok siya. Tuwang-tuwa naman siyang pumasok at hinubad ang suot niyang sapatos.

"Dito ka pala nakatira? Ang cute, ah!"

Napanguso ako. Wala naman akong intensyon na mag-decorate pa dito sa apartment dahil pagkatapos ng tatlong buwan, aalis din naman ako. I don't want to get attached to something that I know I will be leaving soon so I kept it as dull and boring as possible.

Tumambay lang si Celeste sa apartment ko buong araw dahil sobrang init para gumala pa kami. Dinala ko siya sa night market sa Urdaneta kinagabihan. Makikitulog din daw siya sa akin kaya pumayag akong uminom kami ng konti. Ibinili ko siya ng inumin sa convenience store na nadaanan namin.

"Gusto ko yung malalasing ako tapos magsasayaw tapos biglang may hihila sa beywang ko—" natawa nang malakas si Celeste sa pinagsasabi niya habang namimili kami ng alak. "Ay, putek. May fiancé nga pala ako."

Napangiti ako sa sinabi niya. I'm so happy that she's in a better place right now. Hindi ko alam kung paano ko kakayanin kung ako ang nasa sitwasyon niya noon. She was so brave back then. I'm proud of her.

Sa bahay na kami nag-inuman dalawa ni Celeste. Naka-ilang picture na ata siya sa engagement ring niya at panay flex sa social media pero naka-close friends lang naman. She told me she learned her lesson by oversharing on social media because not everyone is rooting for her.

"Raya, may tanong ako..." wika niya sabay baba ng cellphone niya. Seryoso na siyang nakatingin sa akin ngayon kaya agad akong kinabahan.

"Ano? Math ba yan?" nagbiro pa ako para ibsan ang kaba.

She shook her head. "Tungkol kay Ivo."

I nodded. Of course, I know she's going to ask.

"Nagkita na ba kayo ulit?"

Tumango ulit ako. "Oo, naabutan ko siyang naglilinis ng dati naming bahay sa Elyu."

"He's really devoted to you and your family, huh?"

I shrugged. Alam ko namang gagawin din yun ni Ivo kay Lulu o sa kaniya o kay Yari. He's the kind of person that makes his love known to others. Mapakaibigan man o higit pa dun...

Bumilis ulit ang tibok ng puso ko kahit na wala naman siya dito. Nakakatawa dahil akala ko kakabahan lang ako sa presensiya niya pero kahit na pinag-uusapan lang namin si Ivo, hindi ko pa rin maiwasang kabahan.

"Sinasabi ko 'to sa iyo bilang kaibigan niyong dalawa. When you were gone, Ivo was devastated. Halos hindi na siya yung Ivo na nakilala ko noon. Tinulungan ko talaga siyang maka-ahon but I could only do so much. Over the past years, I've seen little progress in his healing and I'm really happy for him..." Celeste trailed off and chewed her lower lip. "I know you're both adults, and I know you're always going to make the right choice. I just want to say that if you're going to reject Ivo again, please don't break his heart too much. Don't lead him on if you're going to disappear again. Don't try to get involved with him a lot because I know he's going to chase you now that you're back. He's still in love with you, Raya..."

I blinked back my tears and nodded. Naiintindihan ko naman ang gustong sabihin sa akin ni Celeste. Dahil nirerespeto ng mga kaibigan namin ang privacy naming dalawa ni Ivo sa nangyari, talagang wala akong update sa kanila tungkol sa buhay niya noong nakaraang mga taon. Wala akong alam sa mga paghihirap niya at sa dinanas niya. I know he suffered a lot, too. Tama si Celeste. I shouldn't lead him on this time. Nagawa ko na yun noon nang hindi ko namamalayan at sobra siyang nasaktan.

I don't want to hurt him again.

"Hindi ko gagawin yun sa kaniya, Cel..."

"Alam ko naman, ikaw na yan, eh." She giggled and raised her beer.

Hindi ako makatulog pagkatapos naming mag-inuman kahit na marami naman ang nainom ko. Si Celeste, panay ang yakap sa akin kaya hindi rin ako makagalaw. I was wide awake, thinking about Ivo the entire night.

I don't know what to do with him if he shows up again.

Kagaya nalang ngayon...

"Surprise!" he said cheerfully when I opened the door early that morning only to find him outside. Mukha akong dinaganan ng pison habang siya naman ay fresh na fresh. Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya, iniisip kung pinaglalaruan ba akong imahinasyon ko o siya ba talaga 'to.

"Anong...?"

"Tumatawag ako kagabi, kaso hindi mo naman sinasagot." He said, walking past me. Napaawang ang bibig ko sa gulat. May dala pa siyang brown paper na mukhang pagkain ang alam. "Naiwan mo ang ledger mo sa bahay kaya dinala ko nalang. Mukhang importante, eh. Nagtanong-tanong pa ako dito kung saan ka nakatira—ay pucha!" napasigaw siya nang muntik nang matalisod dahil naroon si Celeste natutulog sa sahig. Napatingin siya sa kaibigan naman sabay lingon sa akin.

"Ba't may tyanak dito, Raya?"

Biglang dinilat ni Celeste ang mga mata at sinipa si Ivo. Buti nalang at matangkad ito kaya agad niyang naitukod ang kamay sa lamesa para hindi tuluyang matumba.

"Gago ka, ang aga-aga mong nambu-bwesit, ah?" kinusot-kusot ni Celeste ang mga mata niya at dahan-dahang bumangon. "Pagkain ba yan? Tamang-tama, gutom na ako..."

"Para kay Raya yan—" Ivo grunted when Celeste opened the brown paper and took out the croissant and coffee he brought. "Ewan ko sa iyo. Mag-o-order nalang ako ulit."

Celeste just smiled cheekily and went to the table. Tinamaan ako bigla ng hiya dahil naka-dolphin shorts lang ako at malaking t-shirt kaya mukha akong walang suot pang-ibaba. I quickly went to the bathroom to wash my face. Itinali ko ang buhok ko at doon na din sa loob nagbihis. Nakapajama na ako paglabas at puting shirt.

Naroon na din sa lamesa ang bagong in-order ni Ivo. Nag-uusap sila ni Celeste habang kumakain.

"Alam mo bang nagtatrabaho si Yari para kay Ivo?" natatawang wika ni Celeste habang lumalapit ako sa kaniya. "Nag-rerebelde si Ate mo girl sa mga magulang niya."

Ivo laughed. "I hired her because she's fit for the job, not because she's my friend. Sinasabi ko ngang huwag akong asar-asarin sa opisina dahil baka gayahin din siya ng iba kong mga empleyado."

Napatingin ako kay Ivo. He spoke of his company so casually as if it's not a big, scalable company with lots of branches. Kung makapagsalita siya, para siyang small business owner sa mga hindi nakakakilala sa kaniya.

"Sa sabado na ang reunion," ani Celeste habang humihigop ng kape. "Punta kayo?"

Ivo shrugged. "Depende sa schedule."

Napatingin naman si Celeste sa akin. "Try ko lang..." mahina kong wika. Sinipat ko ng tingin si Ivo. Tumatakbo na ang oras para sa deadline ko. I have to speak to him sooner or later.

Nag-usap-usap pa kaming tatlo doon tungkol sa mga kaibigan namin. They have been updating me about their lives so I know bits and pieces of it. Celeste and Karlo are both engaged. Yari secretly married in college. Lulu is married to Kael while Ivo and I are still single.

Pagkatapos naming kumain, nagligpit ako dahil wala namang dapat hugasan pa. Celeste is in the C.R., taking a shower. Uuwi na din sila sa kanila mayamaya.

"Pwede ba kitang makausap?" nilapitan ko si Ivo.

Tumango naman si Ivo. "Oo naman, bakit?"

"Sa labas tayo, yung tayo lang dalawa..."

Nanlaki ang mga mata ni Ivo sa sinabi ko. "Raya, hindi pa ako ready sa mga mature roles..."

Sinamaan ko siya ng tingin. Pinigilan ko ang sariling hampasin siya dahil hindi na kami mga teenagers at kailangan naming umakto sa edad namin. Ivo chuckled and stepped outside.

"Alam mong sa Social Synergy ako nagtatrabaho, diba?"

Tumango si Ivo. "Yung magazine?"

I nodded. "I will be leading the October issue."

"Naks naman, ibang level ka na, Raya..." he teased.

Napailing ako. "We will be covering the top 10 eligible bachelors in the Philippines, Ivo."

Kumunot ang noo niya. "Mag-i-interview ka ng mga lalaki, kung ganun?"

I nodded again. "You're actually one of them."

His eyes widened. "Huh? Ba't ako nasali d'yan? Wala naman akong naalalang nag-sign-up ako sa mga ganyan, ah?"

Napairap ako dahil sa maloko niyang sagot sa akin. "Ivo, you don't sign up for this, okay? Nagkataon lang na qualified ka dahil may malaki kang negosyo sa edad na 28, successful, gwapo, at... single."

He grinned. "Alam ko naman na may negosyo, successful, gwapo, at single ako at 28, pero low-key kasi ako, Raya. Nakakatakot baka bigla akong sumikat."

"Ivo!" parang gusto ko nang magdabog dahil hindi naman niya ako sine-seryoso. "I'm serious, we need to interview you! Ilang mga magazines na ba ang tinanggihan mo?"

"Tanong mo sa secretary ko."

"See? Ni hindi nga nakakaabot sa iyo! You're so exclusive about your life and we want to share your success to the world. Let us write your story, please? Hindi mo alam kung sino ang mai-inspire mo kapag nagkataon!"

"Hmm, depende." He shrugged. "Ikaw ba ang mag-i-interview sa akin?"

"Hindi." Si Kaye naman kasi ang naka-assign sa kaniya samantalang sa akin yung professional golfer na may trading business.

"Then no." he said briskly and placed both of his hands inside his pockets. "I'm not interested."

Kaagad ko siyang hinabol dahil akma siyang papasok sa loob. "Ivo, makinig ka muna—"

"May kissing scene ba sa interview?"

Gusto ko nalang tumalon sa balcony dahil sa mga pinagsasabi ni Ivo. He laughed when he saw my face.

"I'm just kidding... as I've said, hindi pa ako ready sa mga mature roles."

"Hindi ka ba talaga magpapa-interview?"

He shrugged. "I don't know." Tiningnan niya ako pagilid at ngumisi. "Persuade me."

-

#HanmariamDWTWChap33

Continue Reading

You'll Also Like

7.4K 515 50
EMAIL DUOLOGY (Book 1 of 2) To Dearest, When feelings became words, words became letters, and letters became bridge to form love. Pwede na bang mataw...
1.2M 50.8K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
7.2K 545 20
Zoe meets Nori in an unexpected event where he saves Nori from trouble. But becoming friends with her wasn't part of his plan. He's supposed to be fo...
507K 19K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...