The Red Light Kiss

Od julliacath

41.3K 1.2K 609

Joshien is a tough, and very principled woman. Sa murang erad, matayog na ang kanyang pangarap at prinsipyo... Viac

The Red Light Kiss
Simula
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
21
22
23
24
25
26

20

946 25 7
Od julliacath

20

''Para kang patay.''

I pointed out the coldness of his hand. Kanina pa magkahawak ang kamay naming dalawa sa Palo Alto hanggang sa makarating kami rito sa kanto malapit sa amin at kanina ko pa napapansin na malamig iyon.

''Patay na patay sa 'yo?'' sagot niya, nangingiti.

Nalaglag ang panga ko sa biglaang pagbanat niya.

What the fuck.

''Ang corny mo, gago!'' Binitawan ko ang kamay niya. ''Ang lamig kasi ng kamay mo! Jusmiyo!''

His laugh resonated inside his car. Nakaparada lamang kami sa gilid ng kanto at kitang kita namin ang magulong compound.

Mayroon nang mga nagsusugal, nag-iinuman, at mga batang hindi pa naliligo kakalaro. I don't know if he's used to this kind of setting but I'm sure he had seen worse. Madalas kasi siyang bumibisita sa mga barangay para i-check ang Oplan Kaayusan na project ng LGU. Hindi naman siguro bago ito sa kaniya.

''Sorry. Rous thought me that.''

''Rous?''

Tumango siya. ''Yes. He's my friend. Naiku-kwento kita sa kaniya.''

''Pakisabi sa kaniya na ang corny niya.'' Napangiwi ako pero sa loob-loob ko ay natatawa naman talaga ako. ''Nakakatakot siyang bumanat! Dati ba siyang baliw?''

''Marami pa siyang tinuturo sa 'kin pero parang hindi effective. 'Di ka naman kinilig.'' He chuckled.

''Kasi ang corny!''

I rolled my eyes, smiling.

We went silent for a few more minutes. Madilim na sa labas at ang streetlights lamang ang nagbibigay ng liwanag doon. Kahit na gabi na ay abala pa rin ang mga tao rito sa amin. Mga magkakaibigan na rin kasi ang mga magkapitbahay kaya't nagsisimula pa lang din ang araw nila tuwing gabi.

I sat more comfortably inside his car. Malamig sa loob ng kaniyang sasakyan ngunit hindi naman nanunuot iyon. Pakiramdam ko nga'y in-adjust niya dahil hindi na kasing lamig kanina.

Payapa ang paghinga ko habang nakasandal. Hindi ko alam kung bababa na ba ako o mananatili pa rito kasama siya. Wala naman akong gagawin ngayong gabi at nakapagpaalam naman ako kina Tatay, pero ngayong wala naman akong gagawin pa kasama siya ay baka mas mabuting umuwi na ako't magpahinga.

''Earlier..." he blurted out. "You asked about my family..."

Napatingin ako sa direksyon niya. Nakasandal ang kaniyang katawan sa upuan ng sasakyan katulad ko. Diretso ang tingin. He's resting there as if we have all the time in the world.

"Hmm?"

"Were you worried?"

Napakunot ako ng noo.

"Worried? Saan?"

Huminga siya nang malalim bago binigay ang buong atensyon sa akin. Nakatitig lamang ako sa kaniya habang hinihintay siyang magsalita.

"I don't know?" He bit his lips. "Worried about... your views about my family? My Mama and Papa? And..."

"And? Worried kanino, Mayor Hassen?"

"Sen. Abella? My Tito...'' He sighed.

Nagtaas ako ng kilay sa narinig. I honestly shrugged the idea off. Nawala na iyon sa aking utak nang malaman na kahit pa'y Tito niya iyon ay wala naman silang direktang komunikasyon. At first, I was bothered. The least thing I want to do is to be associated with someone who's corrupted.

But when I heard from him that they are only associated with blood, I shrugged it off. Hindi ko na iyon inisip pa lalo na't unti-unti ko nang binubuo ang tiwala sa kaniya. I don't think he's corrupted. Well, I'm sure he is not. Lumaki siyang mayaman at sa tingin ko naman ay hindi niya na kailangan pang maging corrupt. Naniniwala naman ako sa kaniya.

''Hmm... Hindi naman ako bothered, kung iyon ang iniisip mo,'' sagot ko at tinignan siya. Napansin ko ang kaniyang paglunok. ''Well, siguro noong una, curious ako. I have a bad impression of you before I worked for Konsehala. Kahit pa na mayroon akong naririnig na magaganda tungkol sa 'yo ay hindi pa rin ako naniniwala.''

''Because of Sen. Abella?''

Napangisi ako. Hindi niya talaga tinuturing na pamilya iyong gagong iyon, ano?

Tumango ako.

''I'm not associated with him. You see...'' he breathed.

Napahalakhak ako. ''Alam ko. May tenga naman ako at narinig kita kanina.''

Ngumuso siya.

''Bakit ba? Ikaw yata ang bothered sa ating dalawa eh.'' Mukha siyang tensed ngayon. Akala niya ba na magbabago ang tingin ko sa kaniya dahil do'n? I laughed. ''Hindi naman nagbago ang tingin ko sa 'yo. Siguro kung magiging corrupt ka, oo. Automatic goodbye.''

I chuckled but he only kept a straight look.

''I will never, ever be corrupt, Joshien.'' He looked at my hand again. Nakapatong na iyon sa aking kandungan. Namula siya at iniwas na lamang ang tingin doon. Sa halip na sa kamay ko ay tinignan niya na lamang ako gamit ang mapupungay niyang mata. ''I promise that...''

Kahit pa ba gusto kong marinig iyon ay hindi niya dapat sa akin sinabi. At hindi lang dapat niya sabihin kung hindi't gawin at panindigan. Politics is all abot who gets what, who, and how... and his kind of politics should not include that.

Hindi dapat iyon sa kung ano ang makukuha niya, ngunit tungkol sa ano ang maibibigay niya bilang isang lingkod bayan. His name is supported by his great achievements and I don't want him to get easily swayed by bribe and money.

Mangako siya sa bayan, hindi sa akin.

''You know where and to whom you took your oath for?'' I smiled. ''That's where you have to do and keep your promise.''

---

''Spaghetti nga lang ang sinagot ko, Ate! Promise!''

Pabiro ko siyang inambahan ng sapok gamit ang wallet ko. Umagang umaga ba naman, nagpapaalam na may outing daw silang magkakaibigan at sinagot niya ang spaghetti?!

Buti pa kung lima lang sila, e! Eh kaso, trenta! Punyeta!

''Ito naman si Ate... Sige na, bigyan mo na akong pera.'' Siniko niya ako at nginisihan. Nakanguso pa ang gaga na parang nagmamakaawa. ''Alam ko namang mayroon ka diyan eh. Sus. Ikaw pa. Alam ko kung gaano ka kakuripot 'no!''

''Aba, Kwinie! Anong akala mo? Porket kuripot, may pera?!'' Kinurot ko ang tagiliran niya. ''Oh, ayan! 'Wag ka nang magreklamo dahil malapit nang maubos ang allowance ko!''

Inabot ko sa kaniya ang isang 500 at tatlong malulutong na 100 mula sa wallet ko. Mayroon pa naman akong naitabi mula sa sahod ko noong nakaraan pero gusto ko sanang tipirin muna para hindi ko na kailanganin pang humingi ng baon kina Nanay.

''Yown! Salamat, Ate! The best ka talaga!'' Humagikhik siya at yumakap sa akin. ''Padagdagan ko na lang 'to kay Nanay.''

Tinulak ko siya, nakakunot ang noo. ''Huh? Hihingi ka pa kay Nanay?''

''Oo sana, Ate. Bakit? Kulang kasi 'to eh. Siyempre, kailangan ko pang bumili ng pasta, giniling, tomato sau-''

''Magkano ba kailangan mo?''

Her smile slowly stretched, eyes slowly twinkled.

Umirap ako. ''Dagdagan ko na lang 'yan basta huwag ka nang humingi kina nanay.''

'Di bale nang mabawasan ang pera ko basta't huwag nang humingi si Kwinie sa kanila. Alam kong mabigat ang mga nagdaang buwan dahil sa mga utang na kinailangang bayaran, tuition ko pa, kaya't ayokong dumagdag pa roon ang kapatid ko. Ayos nang walang matira sa akin. Hindi naman kasi nila mahi-hindi-an itong si Kwinie dahil paborito nila eh. Kaya sa-sideline na lang ako kung saan.

''Last time I checked, you told us that he wants to court you. Tapos ngayon, hindi mo manlang kami bibigyan ng update kung anong mayroon sa inyo?'' Nanliliit ang mga mata ni Saddie nang tinignan ako. It's like she doesn't believe what I have just said.

''Hindi ba dapat alam mo na 'yan, Saddie? Naniniwala ka sa astrology, 'di ba?'' Tumawa si Ligaya. ''The stars aligned and the two me-''

''Tumigil ka nga!'' ako na ang sumuway. ''Oo na! Oo na! Hay nako! Ano ba kasi ang gusto ninyong marinig?''

''Relationship status mo, gaga.'' si Ligaya.

Umirap ako. Magkatabi sila at parehong nakatingin sa akin, naghihintay ng sagot. Kapag sinabi kong hindi na nanliligaw si Mayor Hassen, hindi sila maniniwala. Kapag sinabi ko namang nanliligaw, hindi rin sila maniniwala. They know my history with Chico, 'yung ex ko at sigurado akong alam nila na ayokong pumasok pa sa relasyon at isa siya sa dahilan.

''Maniniwala ba kayo sa akin kapag sinagot ko 'yang tanong ninyo?''

''If it makes sense, yeah.''

Napangiwi ako sa sagot ni Saddie.

Pinaglaruan ko ang iced tea ko. Katatapos lang ng klase naming tatlo at dinayo pa kami ni Saddie rito para kumain ng hapunan. First day of school naming tatlo, buti na lang din at wala pang masyadong ginagawa kaya may oras pa kami para magkita-kita.

Itinigal ko ang paghahalo ro'n at hinarap silang dalawa.

''Well, boyfriend ko na siya.''

Saddie's mouth dropped while Ligaya started to laugh like she's hysterical. Alam kong ganito ang magiging reaction ng mga gagang ito kaya't hindi na dapat pa ako magtaka!

''Sabi ko na! Galing talaga ng pambato ko eh!''

''Are you serious about that, Joshien?''

''Alam mo, epal ka, Saddie. Hayaan mo nga si Joshien! Oras na para magmahal siyang muli...'' Humalakhak ang katabi.

''Hindi pa naman kami matagal. Sinusubukan pa naman namin kung magw-work kami.'' Nagkibit ako ng balikat. ''Mabait naman siya at... disente. Panigurado naman na kilala ninyo si Mayor Hassen. Kung isa siyang type ng libro, isa siyang open book.''

''You still call him Mayor Hassen?'' asked Saddie.

Tumango ako at tinignan siya.

''And he's your boyfriend?''

Unti-unti, tumango ako muli. Nagtataka. Ano bang mayroon?

''My ghad, Shien!'' Saddie laughed hysterically. Lumingon siya kay Ligaya na nagtitipa sa phone katabi niya. ''What are you doing? Hindi mo ba narinig? Tinatawag niya pa ring mayor ang boyfriend niya!'' aniya na parang hindi makapaniwala.

''Huwag kang magulo! Gumagawa ako ng HaShien fansclub ko 'no!''

''Gaga! Anong fansclub? Tigil mo 'yan!'' Sinubukan kong hablutin ang phone niya pero nilayo niya lang. ''Ano ka ba! 'Wag mo nga'ng gawin 'yan! Private kami!''

''Edi ipa-public ko!'' Humalakhak siya. Sinamaan ko siya ng tingin. Saddie laughed on her side. Argh! Kainis! Ayoko nga na may makakaalam, tapos itong si Ligaya, gagawa pa ng kagagahan! ''Ito naman! Joke lang, e! Finollow ko lang sa instagram 'yung boyfriend mo! Kaya pakisabi, paki followback ako.'' Muli siyang humalakhak.

''Ayan. Napipikon ka na naman!'' muli niyang banat. ''Bakit mo pa rin kasi tinatawag na mayor si Mayor Hassen?''

Oh god. Buti na lang ay walang tao rito sa bonchon. Ang lakas magsalita nitong babaitang ito!

''Phone number niya nga sa phone ko, hindi naka-save eh,'' I argued.

At katulad kanina, gulat na naman si Saddie. Hindi pa ako nagsasalita ay kinuha niya na agad ang phone ko!

''What the hell? You mean to tell me this is his text?''

Hinarap niya ang phone ko sa akin at nakita ko roon ang isang text message mula sa isang unknown number. Agad kong hinablot ang phone sa kaniya. I opened it to see his text and I really am welcomed with one. Napakunot ang noo ko sa nabasa.

''Bakit? May nabasa ka bang mars pautang?''

From: Unknown Number

Dinner after your class? I'm around Manila.

I don't know if it's my instinct, but my head automatically went to see the door of this fast food. Nang makitang wala siya ro'n ay agad akong napabuntong hininga.

''He's around Manila naman daw. Not in your campus.'' Saddie laughed. ''So you guys casually hang out, too?''

''I doubt sa hang out. Baka more than that kamo,'' Ligaya insinuated.

Inambahan ko siya ng hampas. Anong more than that?!

''Kung iniisip mo'ng nag sex na kami, pwes 'wag kang mag-isip.''

''Kung hindi sex...'' Tumingin si Ligaya at nagtaas baba ang kilay. ''Kiss? Ano? Imposibleng wala! Sabihin mo, Joshien!''

I pouted. Imbes na siliban ng apoy ang pang-aasar ay tinignan ko na lamang ang oras sa phone ko. Hmm. It's 6:15PM. Kung uuwi na ako ngayon ay mahihirapan pa ako dahil mahirap pang sumakay dahil nagsisi-uwian pa lamang ang mga nasa trabaho. Traffic din at ayoko namang umupo lang at walang ginagawa.

To: Unknown Number

Kasama ko ang mga kaibigan ko at patapos na rin kami. Saan ka?

Agad akong nakatanggap ng reply.

From:

Manila City Hall, Shien. Where are you?

Bago pa ako magtipa ay tumunog na ang phone ko dahil sa tawag niya. This is the first time we will see each other again after we went out on a date in Palo Alto. That's like two weeks ago. Naging abala kasi muna ako sa pagtulong kay nanay sa palengke. Ako rin ang gumawa ng ibang requirements ni Kwinie sa school kaya hindi rin kami nakapagkita. Si Mayor Hassen naman ay ganoon din. Hindi nagtutugma ang schedule namin palagi.

"Bye! Bye, Shien!"

Muli akong kumaway bago sinara ang sasakyan. When I got inside his car, I automatically felt our difference.

He's wearing a formal suit. I'm wearing a fucking uniform.

''Saan tayo kakain? Pwedeng mahiram ang coat mo?''

Umupo ako nang maayos at tinignan siya. Mayroong pahiwatig ng gulat ngunit mabilis lamang iyon at agad ding napalitan ng kalituhan.

''... Hey. Hi.'' Tumikhim siya. ''How are you?''

''Naks. Kung makatanong naman, parang hindi kita ina-update sa text?'' I chuckled. ''Pahiram ng coat mo, ayos lang?''

Nakakunot pa rin ang noo niya, nalilito. I laughed. Siguro hindi niya pansin ang kaibahan naming dalawa. Siguro hindi niya binibigyan ng atensyon. Pero para sa aking ramdam iyon, hindi ayos sa akin. I feel initimidated over our differences.

''Lalabhan ko na lang ulit...'' I assured him.

Parang hindi niya alintana iyong huling sinabi ko at diretsong hinubad na lamang ang coat. That left him to wearing only his white long sleeves and pants. Mayroon siyang suot-suot na relo sa kaliwang kamay. Hawak niya ang steering wheel.

He handed it to me. ''Here. Sorry that caught me off guard.''

''Ayos lang. Baka kinilig ka lang sa 'kin?'' Humalakhak ako habang napangisi naman siya. Pinanood niya ako nang isinusuot ko na iyong coat niya. Parang na conscious tuloy ako. ''Saan tayo? Kumain ka na ba? Kumain na kasi kami nina Saddie kaya... Pass ako sa heavy meal.''

''Well, I ate pero kaonti lang. Nag dinner na rin ako kasama ang mayor ng Maynila.''

''Oh... Bakit nga pala kayo nagkita? May project?''

He nodded as he started to drive. ''You can say that. Pumirma lang kami para sa memorandum of agreement para roon sa project ng RiverRecycle. We talked then I left. Hindi na ako kumain pa nang marami dahil naisip kong bisitahin ka.''

Ngumuso ako. That explains his formal attire.

''So... gutom ka pa?''

''Hmm. Hindi naman. Pero gusto ko ng kape.'' Napahalakhak siya. ''I'm tired. I need something to keep me awake.''

''Hmm...''

Sinandal ko ang katawan sa upuan at tinignan ang mga nilalagpasan naming lugar.

Manila isn't the prettiest city in this country. In fact, it is one of the most polluted, dangerous, and filthy among all the cities in the Metro. But somehow, Manila's smugged image is comforting. Hinayaan ko ang sariling magpahinga sa imahe ng Maynila na nadadaanan ko. Na miss ko ito lalo na't ilang buwan ko rin hindi nakita.

''Kumakain ka ng proben?'' tanong ko bigla.

'''Yung gawa sa manok?''

Mabilis niya akong tinapunan ng tingin bago iyon binalik sa daan. Tumango ako.

''Yup! Gusto mo?''

''O...kay? Mayroon pa bang nagtitinda ng ganitong oras?''

''Naman! Kapag liko mo riyan sa kaliwa, itigil mo 'yung sasakyan. May nagbebenta sa kanto ng Quiapo, doon tayo. Basta itago mo ang cellphone mo kung ayaw mong magripuhan.''

Doon nga kami nagtungo. Nang makababa ay suot-suot ko pa rin ang coat niya. Madilim na at ang ibang mga tindahan ay pasara na. Itong nagtitinda ng proben ay hanggang mamaya pa ng alas dyis. Dito kami ni Ligaya madalas kapag nagsasabay kami. Masarap eh!

"Sure ka bang kumakain ka ng proben?" Pinanliitan ko siya ng mata.

Naglalakad na kami at nilampasan na ang 7/11. I'm still wearing his coat. Mukha nga kaming out of place dahil sa suot namin, masyado kasing pormal lalo na't nasa kalsada kami ngayon.

He chuckled. Medyo nahuhuli siya sa paglalakad kaya't laking gulat ko nang magkabila niyang hinawakan ang balikat ko, at inusog sa kabilang side. My heart started to beat fast. I'm now on the safer side of the road.

I was taken aback. Napahinto ako sa paglalakad saglit at naiwanan siyang tinitignan.

"Kumakain naman ako no'n. Ma'am Weng loves that. Umu-order pa iyon online para may ulam siya tuwing lunch. My staff and I share food sometimes."

"Oo n-nga. Nabanggit mo," nauutal kong wika nang makahabol, hindi pa rin nakaka-recover sa huling ginawa niya. He held my hand while I'm on his side.

Napatikhim ako nang makarating na kami sa stall ng proben. Maliit na bagay, Joshien.

"Hi, 'te! Musta?" Tinanguan ako ni Ate'ng nagbebenta. Siya ang may-ari nito at na kwento niya na sa akin na ang kinikita niya rito ay ginagamit niya pangbayad aa matrikula ng mga anak. Madalas kami ni Ligaya dito kaya nakakapagkwentuhan na rin kami ng tindera. Sinilip ko ang bagong pritong mga proben. "Dalawang styro, 'te. May kape kayo riyan?"

Tinignan ko si Mayor Hassen na pinapanood lamang ako habang nakapamulsa. Tsk. Mukha talaga siyang out of place! Idagdag pa na matangkad kaya lutang na lutang siya ngayon! Kahit na mukha siyang pagod at bagsak na ang mga talukap ng mata ay agaw pansin pa rin.

"Nako, Neng. Sachet lang 'to. 3 in 1. Umiinom ba ang kasama mo niyan?" Tinapunan niya ng tingin si Mayor Hassen. "Mukhang big time, ah?" she mouthed.

Hindi ko iyon pinansin.

"Umiinom ka ba ng instant coffee?"

Tipid siyang tumango. Nakita naman iyon ni Ate dahil kanina niya pa tinititigan si Mayor Hassen habang nagpi-prito. Paminsan-minsan pa nga ay napapailing siya, para bang iniisip.

Kumuha na lang ako ng dalawang stick at baso. Inabot ko ang isa kay Mayor Hassen. Gumawa na rin ako ng sariling suka. Nilagyan ko lang ng kaonting asin at sibuyas.

"Totoy, anong trabaho mo?"

Nanlaki ang mga mata ko nang nagtanong si Ate habang nililipat ang pritong proben sa fry basket. Bakit niya naitanong?! Kaya ba siya tingin nang tingin ay dahil... pamilyar siya kay Mayor Hassen?!

"Ah!" Napahalakhak ako. "Bakit, 'te?"

"May kamukha eh... Pero hindi ko maalala kung sino."

"Hindi siya artista ah!"

Humalakhak akong muli. It sounds so fake but I needed to reason out. Natatawa si Mayor Hassen sa gilid ko at para bang natutuwa sa nangyayari.

"Malamang sa malamang! Kung artista 'yan, edi kilala ko na! Lagi kaya akong nanonood ng telenobela!" Pumamewang siya at hinintay tumulo ang mantika galing sa kapi-pritong proben. "Si Cassie ba 'yun? 'Yong sa Kadenang Ginto? Bumili na 'yun dito, 'no! Kaya 'Toy, kung hindi ka artista, anong trabaho mo? Pamilyar ka talaga e... Tsk. Saan ba kita nakita?" Nagkamot siya sa ulo.

I bit my lips.

"Ma-"

"Marami! Marami siyang trabaho!" I cut him off before he could even say a word. Siniko ko siya at narinig ko ang munti niyang halakhak. "Suma-sideline lang. Maraming raket. Gano'n!"

"Ay weh? Ganun ba?"

Mabilis akong tumango at nilipat ang tingin sa binabalot niya nang proben. Gusto ko nang umalis dito bago niya pa tuluyang makilala si Mayor Hassen. Ayokong pag chismisan siya!

"Tsk... Parang nakita na talaga kita Totoy. Lumalabas ka ba minsan sa TV?"

Napapikit na lamang ako nang muli siyang nagtanong bago isara ang styrofoam. Ayos na ang orders namin pero si Ate na lang ang hindi!

"Baka familiar lang po... I don't appear on TV," he finally said something.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"And my work shouldn't require me to appear on TV."

Ngumuso ako at kinuha na lamang ang orders. Hawak ko pa ang mainit na kape.

"Naku. Gano'n ba? Baka pamilyar ka lang talaga. Pasensya ka na ha?"

Inabot ko ang kape kay Mayor Hassen. Before he could get a hold of it, he handed the payment to Ate. Siya na naman ang nagbabayad.

"Salamat, 'te! Balik kami!"

Hinablot ko na siya patalikod at sinermonan.

"Kakainis! Next time, hindi na talaga tayo sa labas kakain o bibili man lang, Mayor Hassen. Muntik ka nang makilala kanina! Sana pala pinag-mask kita!" sermon ko.

He chuckled. "Mukha yata akong artista."

Umirap ako. "Sa susunod, mag drive thru na lang tayo, Mayor Hassen."

Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan kung saan ako nakaupo. I sat there. Ipinatong ko ang plastic ng proben sa dashboard pagkatapos ay hinarap si Mayor Hassen.

"Akin na 'yung kape."

And like what I ordered, he commanded. Hawak ko na ang kaniyang mainit na kape. I suddenly have forgotten that he came straight from work and I should be easy on him. Hindi niya naman kasalanan na muntik na siyang makilala kanina. Wala rin naman dapat kaso iyon, ayoko lang talagang makita kami.

Nakatayo pa rin siya sa gilid ko at nakahalukipkip, hindi pa sinasarado ang pintuan ng sasakyan at pinapanood lamang ako. My brows furrowed.

"Ano pa'ng pinapanood mo riyan? Pasok na, Mayor Hassen. Kumain na tayo at inumin mo na 'tong ka-"

Napaatras ako nang humakbang siya papalapit sa akin. My heart pounded when he bended his upper body and lowered his head! Ipinatong niya ang kanang braso sa dashboard ng sasakyan, habang ang kaliwa naman ay nakahawak sa inuupuan ko. Our faces are so close to each other and he's keeping me so close to him!

"What did you call me again, Shien? Hmm?" malambing niyang tanong. He cocked his head to the side to look at me better.

There's no space between us. Sa sobrang lapit ay nagpapabalikbalik ang tingin ko sa kaniyang mata at labi.

Mata.

Labi.

Mata.

Labi.

He then licked his lips. Namasa ang namumula niyang mga labi at katulad ko ay hindi rin mapirmi ang kaniyang tingin. My heart started to beat faster.

"What is it, Shien? Say my name again..." he breathed. He cocked his head to the side to look at me better. Hindi ko mabasa ang kaniyang tingin. I'm just... drowned. There's really something in his eyes. I can't pinpoint.

"M-mayor Hassen?" lito kong sagot.

He smiled then touched my chin to lift my face up a little bit. Muli niyang tinignan ang mukha ko.

"I realized you have been referring to me as the mayor..." he whispered, still holding my chin. Mapungay na ang kaniyang mga mata habang nakatingin na sa aking mga mata. My heart pounded more. I can't keep an eye contact!

"Because y-you are..."

He smiled more, and to what I expected to just be a simple question, he instead went straight to kiss my cheek. It was a quick, but lingering kiss.

"I hope you will call me by my first name soon..." he said.

Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

37.8M 1.1M 68
Deadly assassins Allegra and Ace have been trying in vain to kill each other for years. With a mutual enemy threatening their mafias, they find thems...