STASG (Rewritten)

By faithrufo

500K 17.5K 4.6K

Si Tanga at si Gago Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be... More

Unang Kabanata
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Kabanata XXXV
Kabanata XXXVI
Kabanata XXXVII
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
Kabanata XL
Kabanata XLI
Kabanata XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Kabanata XLV
Kabanata XLVI
Kabanata XLVII
Kabanata XLVIII
Kabanata XLIX
Kabanata L
Kabanata LI
Kabanata LII
Kabanata LIII
Kabanata LIV
Kabanata LV
Kabanata LVI
Kabanata LVII
Kabanata LVIII
Kabanata LIX
Kabanata LX
Kabanata LXI
Kabanata LXII
Kabanata LXIII
Kabanata LXIV
Kabanata LXV
Kabanata LXVI
Kabanata LXVII
Kabanata LXVIII
Kabanata LXIX
Kabanata LXX
Kabanata LXXI
Kabanata LXXII
Kabanata LXXIII
Kabanata LXXIV
Huling Kabanata
Epilogue
MIA
Sa Iyong Ngiti

Kabanata XXXI

5.8K 250 41
By faithrufo

"How is it that one moment I don't give a fuck and the next I'm attached and can't let you go"

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

"Minessage ko siya, sinabi ko na dun lahat lahat" pagkukwento ko kina Ethel habang naglalakad kami papunta sa bahay ni Jared.

"Oh tapos? Anong sabi niya?" tanong ni Ethel.

"Na kailangan niya daw ng space, ganun." Nagkibit balikat ako para hindi nila mahalata na nasasaktan ako. Ayokong ipakita sakanila kung gaano ako ka apektado sa nangyari. "Naiintindihan ko naman side niya."

"Space? Ano siya astronaut?!" inis na kumento ni Beatrice at pinili ko nalang na hindi sumagot.

"Bakit daw?" tanong ni Ethel at nagkibit balikat nanaman ako.

"May pinagdadaanan daw siya."

"So?" pag singit ni Kei. "Ano na kayo ngayon?"

"Wala," simpleng sagot ko. "Wala na."

"Anong wala na?" galit na sabi ni Ethel. "Ganun nalang 'yun? Nagpahalik halik ka tapos wala na?"

Kunot noong tinignan ko si Ethel bago ako tumawa, "Halik lang naman 'yun Ethel. Hindi big deal."

"Kelan pa hindi naging big deal ang isang halik, Adrianna?"

"Matagal na," sagot ko. Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko sa bulsa ng palda ko kaya naman agad ko 'tong kinuha at hindi na pinakinggan ang sinabi ni Ethel. "Hello 'te Sky?"

"Adrian, asan ka na? Diba half day lang kayo?"

"Papunta po kami kila Jared ate."

"Ano?! Anong gagawin mo jan?! Tumigil ka Adrianna ha, may exam ka pa bukas. Umuwi ka na at mag review!"

"Prelim lang naman 'yun ate.."

"Kahit na!"

"Saglit lang ako dun, uuwi din ako kaー"

"Hindi, tumigil ka. Umuwi ka na Adrian ha." Napa irap at buntong hininga ako. "May exam ka tapos pupunta punta ka jan. Sinong kasama mo?"

"Sila Ethel."

"Ano ba 'yan? Kung makagala kayo kala niyo weekend? Umuwi ka na!"

"Oo na."

"Ngayon na ha," galit niyang sabi. "Gagala gala ka hindi ka pa nagpaalam. Kung 'di pa ako tumawag hindi ko malalaman?"

"Wala akong load."

"Eh bakit hindi ka naki text?!"

"Sige na, uuwi na ko."

Gusto ko na sana ibaba 'yung tawag pero alam kong mas lalo lang akong malalagot kapag ginawa ko 'yun. Naghintay pa ako ng kaunti hanggang sa si Ate Sky na mismo ang nagbaba ng tawag.

Inayos ko 'yung pagkasukbit ng bag ko sa balikat ko at tumigil na sa paglalakad. "Guys, pinapauwi na ako." Malakas na sabi ko kaya naman napatigil silang lahat. Pati sina Angelo na medyo malayo na sa tinatayuan namin.

"Ha? Bakit?" tanong ni Kei.

"Pinapauwi na ako ni Ate e," sagot ko. "Bye." Kinawayan ko sila at naglakad na papuntang bahay.

Na sermonan ulit ako pag uwi ko at hindi 'to nakatulong sa bigat na nararamdaman ko sa dibdib ko. Kahit na paulit ulit kong sinasabi sa isip ko na wala lang 'to, okay lang ako. Mabuti nalang hindi ko pa mahal masakit parin.

Hindi siya 'yung sakit na mararamdaman mo talagang nawarak 'yung puso mo. 'Yung sakit na naramdaman mo nung nabalitaan mong wala na si Zayn Malik sa One direction. Oh kaya nung nalaman mong namatay na si Paul Walker. Hindi ganun e. Alam mo 'yung sakit na ang ganda ganda ng panaginip mo tapos bigla ka nalamang magigising? Mabigat sa dibdib. At kahit anong gawin mo.. hindi 'to mawala wala.

Ginawa ko na lamang busy ang sarili ko sa pag re-review. Mabuti nalang at hindi na major exams bukas. Nakatulong din ang pagkuha ni Ate sa cellphone ko dahil after dinner, kaunting basa lang sa computer book ko ay nakatulog na ako.

Kinabukasan ng umaga, hindi ko maiwasan ang luminga linga sa paligid. Kahit sumisigaw ang isip ko ng Tumigil ka! 'yung tanga kong puso ay hinahanap parin siya. Hindi ko sila nakasabay sa jeep nina Enrico kanina e.. nakita ko sila pero sa iba ako sumakay. Parang tanga lang nu? Kapag tinitignan ko siya sa malayo o 'di kaya sa gilid ng mata ko, nakikita kong tahimik lang siya. Nakayuko o 'di kaya nakikinig ng music.

Hanggang kelan kaya ang space na kailangan niya?

Ni isang beses hindi ko siya nakitang lumingon sa gawi ko. Mabuti nalang at hindi pa kami nagkasalubong sa hallway dahil hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kapag nangyari 'yun.

Agad din akong umuwi pagka-bell. Ni hindi na ako nakipag kwentuhan sa mga kaibigan ko. Pakiramdam ko para akong isang ticking time bomb, parang sasabog na 'yung dibdib ko dahil sa sama ng loob.

Ayokong magpa apekto. Hindi dapat ako maging apektado. Hindi naging kami. Walang relasyon, walang feelings. Nagka gustuhan lang kami at nasira ang friendship namin.

Nahulog ang puso ko. Ang friendship namin na nagsimula noong Grade 2 kami. Hindi ko na maalala kung paano kami naging magkaibigan pero alam ko na doon kami unang nagkakilala. Tangina. Grade 12 na kami.. nine years of friendship nawala ng parang bula.

No, hindi 'to pwede.

Napatakip ako sa mukha ko dahil pakiramdam ko ay iiyak na ako. Pero ni isang luha, hindi tumulo. Lahat ng sama ng loob ko ay mas lalo lang naipon. Parang gusto kong sumigaw nalang bigla hanggang sa wala na akong lakas. Nakikisabay pa ang jeep na sinasakyan ko dahil dumaan 'to sa lubak at nauntog ako sa bakal sa gilid ko. Agad na naputol ang pagd-drama ko.

• • • • • • • • • •

*ping!*

KRISHNA EMMANUELLE: Adi! Ol ka ba??

ADRIANNA: oy

KRISHNA EMMANUELLE: Are you ok bes?

ADRIANNA: oo naman

KRISHNA EMMANUELLE: Sure????

ADRIANNA: oo nga

KRISHNA EMMANUELLE: Really really sure???

ADRIANNA: tangina mo kei

KRISHNA EMMANUELLE: Hehe, labyu too
Labas tayo tom

ADRIANNA: hindi ako pwede e

KRISHNA EMMANUELLE: Bakit?!
Ganyan na ba talaga kapag BH?!
Inietchapwera (tama ba spell) na mga bestfriend niya?

ADRIANNA: gaga
wala akong pera
tsaka baka di ako payagan

KRISHNA EMMANUELLE: Saturday naman e :(

ADRIANNA: lagi nalang tayong lumalabas
bahay lang ako bukas
kain tulog

KRISHNA EMMANUELLE: Tamad!

ADRIANNA: lam mo yan :D
ay oy may kwento ako

KRISHNA EMMANUELLE: Anooooo

ADRIANNA: may gusto si Henry kay Tris!

KRISHNA EMMANUELLE: Alam ko na yan!

ADRIANNA: talaga? pano mo nalaman?

KRISHNA EMMANUELLE: Bobo si Henry e

ADRIANNA: HAHAHAHAHA

KRISHNA EMMANUELLE: Kita ko sa notebook niya nakasulat pangalan ni Tris tas may heart sa dulo

ADRIANNA: bading

KRISHNA EMMANUELLE: Bading

Kahit papano ay napatawa ako sa chat namin ni Kei sa facebook. Kahit na naubusan na kami ng pag uusapan, nakangiti parin ako nang mag log out na ako.

Ngunit napalitan kaagad 'yun ng lungkot nang mapadpad ako sa instagram ni Asher.

3 weeks ago pa ang last upload niya. Ako pa ang kumuha nito gamit ang cellphone niya. Naka squat sila ni Kiko sa tapat ng computer shop. Naka peace sign si Kiko habang si Asher naman ay naka thumbs up tapos 'yung ngiti niya pa 'yung tipong hindi na kita ang mata niya.

Tinignan ko kung sino ang mga nag-like at agad na napasinghal nang makita kong isa doon si Hannah.

Mas lalo lang akong nalungkot nang makita ko ang picture na inupload ni Asher 36 weeks ago. Bago palang ang iPad ko nung kinunan namin 'to. Napagtripan kasi namin 'yung photobooth at andaming kinuhang litrato. Ikinollage ni Asher and apat niyang pinaka gusto sabay in-upload sa instagram niya ng may caption na "Senpanx"

Sunod ko namang ginawa ay ini-stalk ko ang instagram ni Hannah.

Hmp, mas maganda ako sa'yo. Mukha kang tae ni Whitey.

Instagram kaya ni Jared?

Kinuha ko ang cellphone ko at agad na tinext ni Beatrice.

To: Tris Kamatis

Ano insta ni Jared???

Sent 4:54pm

Hindi nagtagal ay nakatanggap din ako ng reply.

From: Tris Kamatis

@lionel_snow :P

Received 4:59pm

Kagat kagat ko 'yung ibabang labi ko nung sinearch ko ang instagram ni Jared. Mabuti nalang at hindi 'to naka-private kaya libreng stalk. Pero syempre, finollow ko parin.

Distraction distraction distraction

Napa-aww ako sa latest picture ni Jared. Kagabi niya lang 'to in-upload. May isang napaka cute na batang lalaki na nakahiga sa gitna ng isang malaking kama. Naka batman pajamas tapos ang himbing himbing ng tulog, pinapalibutan ng malalaking unan. Ang caption ni Jared: "Ian The Bed Stealer"

Sa pagtingin ko sa pictures ni Jared sa instagram, mas lalo kong napapansin kung gaano siya ka attractive. Hindi siya ang tipo ko, pero kahit sino naman siguro ay masasabing attractive si Jared Gordon. Bakit kaya wala parin 'tong girlfriend? Closet Homosexual? 'Wag naman sana. Sayangーoh my shit.

May isang picture siya noong summer. Base sa nakasulat na location, sa London 'to kinunan. Litrato niya 'to habang nagdidilig ng mga dilaw na bulaklak. Side view ang kuha kaya naman kitang kita ang tattoo niya sa left side ng katawan niya dahil sa suot suot niyang puting muscle tee. Naka gray siyang sweatpants tapos ang buhok niya mahaba at gulo gulo. Halata sa mukha niya ang concentration sa ginagawa. Suot suot niya pa ang glasses niya. Ang caption: "Watering my nan's flowers = free cookies. Photo Credits: ArthurSnow"

Sino naman 'tong Arthur Snow? Matignan nga.

Stalk pa more, Adrianna.

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 153K 16
(Yours Series # 1) Nileen Riviera thought that after getting her degree in medicine, she'd easily check off the next thing on her list-to have a boyf...
2.4M 77.8K 152
[Epistolary ♪ Hoops Spin-Off] Oo, nagmo-move on si Rheiner Gil kay Dein, pero hindi ibig sabihin n'on gusto niya ng ibang dance partner para sa compe...
2.8M 73.9K 127
[Epistolary ◴ Hoops #3] Iniiwasan ni Gil si UAAP basketball star at Blue Eagle Ivan Yape at hindi alam ng mga kaibigan nila kung bakit. Pero habang t...
2.5M 87.5K 158
[Epistolary ♪ Hoops Spin-Off] Oo, nagmo-move on si Rheiner Gil kay Dein, pero hindi ibig sabihin n'on gusto niya ng ibang dance partner para sa compe...