I'm a Ghost in Another World

By PeeMad

131K 4.7K 208

Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car cr... More

PSAMM
Guide Map
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Epilogue
Author's Note
Author's Note 0.2

Chapter 25

1.4K 51 3
By PeeMad

Chapter 25: Liryo Lampara

KASALUKUYANG nasa tabi ng dalawang batang magkapatid sila Elaine kasama ang babaeng multo. Masayang kumukuha ng cherry ang magkapatid ngunit ang hindi nila alam, may dalawang multo na sa tabi nila. Hindi nila ito nakikita o nararamdaman lamang. Ligaw na kaluluwa na tahimik at nakamasid lang.

"Sigurado ka ba rito?" tanong ni Elaine sa kasamahang multo.

"'Di ba sabi mo kailangan mong makaalis dito? Ayan ang paraan."

Buntonghininga na lang ang tinugon ni Elaine at masinsinang tiningnan ang magkapatid sa harapan nila. Itim ang mga buhok nila at ngumingiti kapag kumukuha ng cherry. May bitbit silang tag-isang basket at doon nila nilalagay ang mga cherry. Pinagmasdan niya rin ang suot ng dalawa. Kulay kayumanggi ang kanilang dress na hanggang tuhod ang haba at ang panyapak ay tsinelas lamang. Masasabing hindi sila mula sa marangal na pamilya.

"Ano? Titigan mo lang ba sila?" nakataray na sambit ng babaeng multo.

"Mga bata pa sila at baka kung anong mangyari kapag sinapian natin sila ng biglaan."

"Kung gano'n, anong gagawin mo?"

Tinapat ni Elaine ang kanyang kamay sa matandang kapatid. Nakaluhod ito sa harapan ng tanim at kukunin na sana nito ang isang cherry ngunit biglang tumilapon ang cherry papunta sa malayo— sinipa ito ni Elaine. Takang tumingin ang batang babae sa cherry at kukunin na niya sana itong muli nang biglang gumalaw ito papalayo— pinitik ni Elaine ang cherry nang napakalakas. Hanggang sa umabot na ito sa looban ng Spirit Woodland at dali-daling sinapian ni Elaine ang bata. 

Huminto at napaluhod ang bata sa nangyari. Pagkatapos ay pumikit ito at napahiga sa lupa. Wala pang kalahating segundo nang tumayo ito at pinagmasdan ang kanyang mga kamay. Huminga ng malalim ang bata at ngumiti. Ito pa rin ang katawan ngunit iba na ang gumagamit.

Ang kaluluwa ng bata ay natulog at ang sumapi ay si Elaine.

"Nakasapi na ako," masayang saad niya at tumingin sa paligid. Hinahanap ng tingin niya ang multong kasamahan ngunit hindi niya ito makita. "Oo nga pala, hindi nakakakita ng multo ang tao."

"Ate Zyaniah!"

Lumingon ang batang babae na sinapian ni Elaine at nakita ang kapatid na tumatakbo papunta sa kanya. Bago pa ito makarating sa kanya, bumagsak ito sa lupa na animo'y nadapa.

Kumunot ang noo ang batang sinapian ni Elaine at nilapitan ang kapatid. Tinayo niya ito at agad namang nagising.

"Ayos ka lang?" tanong niya.

Mapungay na mga mata ang sinalubong ng batang kapatid.

"Elaine? Ikaw ba 'yan?"

Ngumiti ang batang sinapian ni Elaine. "Ikaw ba 'yan? Oo. Ako 'to."

Tumayo ng maayos ang bunso at pinagmasdan ang kanyang mga kamay.

"May kamay na ako at nakakaramdam na ako!" masayang sambit nito at tumalon-talon. "May paa na rin ako!"

Napatigil ito sa kanyang saya nang tinapik siya ni Elaine.

"Saglit lang tayo rito. Hindi tayo pwedeng magtagal."

"Ay! Oo nga pala. He he he." Napakamot na lang sa ulo ang bunso.

"Zyaniah? Zianelle?" Napalingon sila sa boses babaeng galing sa labas ng Spirit Woodland.

"Baka hinahanap na sila ng nanay nila. Halika na." Kinuha ni Elaine ang basket sa lupa at hinatak niya ang bunsong kapatid paalis ng lugar.

Pagkalabas nila, tumambad sa kanila ang isang aleng nakakunot ang noo.

"Hindi ba't sinabi kong huwag kayong papasok sa loob ng Spirit Woodland? Paano kung makakita kayo ng multo? Baka bigla kayong sapian at mangisay-ngisay kayo diyan!" pataray nitong saad.

Nagkatingnan ang dalawang batang babae at pinanlakihan ng tingin ni Elaine ang katabi.

"Siya ang ina nila," bulong niya at muling humarap sa hinihinalang ina. "Ako na'ng bahala rito."

"Pasensya na po, ina," nakangiting saad ni Elaine.

"Ina? Anong ina? Ako ang tita niyo."

Nanigas sa pagkakatayo ang batang si Elaine at hindi alam ang itutugon. Nagkamali ang hinala ko, sa isip-isip niya.

"Nauntog kasi si ate kanina kaya naalog siguro utak niya," dahilan ng bunsong babae at napakamot sa batok.

Nice One! Salamat sa pagsalba!

Lihim na ngumiti si Elaine sa katabi at palihim naman itong kumindat sa kanya.

"Talaga namang mga batang 'to," ani ng tita nila at pumewang. "Hinahanap na kayo ng inyong ina. Kailangan na niya ang cherry para makagawa ng red potion."

Tumango ang dalawang batang babae at sinundan ang kanilang tita na naglakad paalis.

"Alam mo ba ang pangalan mo?" bulong ni Elaine habang sila'y naglalakad.

"Zianelle, hindi ba? Ayan ang narinig ko kanina no'ng tinatawag niya tayo," bulong ng batang babae. Ngayon, ang pagkakakilanlan ng babaeng multong walang pangalan ay Zianelle.

"Oo at ang pangalan ko Zyaniah. Huwag mong kakalimutan 'yan ha!" usal naman ni Elaine na tatawagin natin sa pangalang Zyaniah.

"Makakaasa ka!" pangsang-ayon ni Zianelle at sumaludo.

Naglakad sila ng mahigit kinse minuto bago natunton ang isang nayong sagana sa mga tanim na prutas at gulay. Maliit ang lugar at ang mga bahay dito ngunit hindi nagkulang ng tao ang narito.

"Mamaya ko sasabihin ang plano natin. Sa ngayon, kailangan natin maging normal na mga bata sa paningin nila," bulong ni Zyaniah.

"Masusunod," tugon ni Zianelle.

Habang sinusundan nila ang kanilang tita, nilibot nila ng tingin ang nayon. Lahat dito'y nakasuot ng hindi magarbo ngunit sagana ito sa mga tanim na kabilaan ay makikita ang lupain na may taniman. Hindi maiwasan ng dalawa na mamangha. Ang kanilang panga ay awtomatikong bumababa kapag nakakakita ng malalaking gulay na ngayon lang nila nakita.

Nang sila'y lumiko, nakita nila ang kumpulan ng mga tao. Bahagyang sumilip si Zyaniah at nakita ang ilang mga knights.

"Kriselda!"

Napahinto sila nang may tumakbong matandang babae sa kanilang tita na ang pangalan ay Kriselda.

"Ano po 'yon, Pinunong Wol?" bungad ni Kriselda sa matandang nagngangalang Wol.

"Ang mga knight sa Anastasia Kingdom. Naniningil na naman ng buwis."

"Ano?!" Nilingon ni Kriselda ang kanyang mga pamangkin. "Umuwi na kayo at sabihin niyo sa inyong ina na isarado ang pinto."

Iniwan niya ang dalawa at sinamahan ang pinuno papunta sa kumpulang tao.

"Uuwi? Eh hindi nga natin alam kung saan ba ang tahanan ng mga sinapian nating batang 'to," ani Zianelle at tiningnan ang katabi niya na nakatuon ang atensyon sa kumpulang mga tao.

"Kung hindi natin alam ang tahanan. Tara na't maki-usyoso sa kanila," saad ni Zyaniah at hinila ang kapatid papunta sa kaguluhan.

"T-teka!" reklamo ni Zianella ngunit huli na dahil nakarating na sila sa paroroonan.

Nang makahinto sa pagtakbo, sumalubong sa kanila ang mga residenteng nagrereklamo.

"Bakit naman napakalaki ng buwis!"

"Tama! Babaan ang buwis!"

"Mababa lang ang kikitain namin!"

"Hindi pwede 'yan!"

Habang abala ang mga matandang nagrereklamo, nakikipagsiksikan sila Zyaniah at Zianelle papunta sa pinakagitna ng kumpulan. Dahil sa maliit nilang katawan, mabilis nilang nalusutan ang bawat biyas ng mga residente. Nang makarating sila sa gitna, tumambad sa kanila ang limang knight na masama ang tingin sa mamamayan. Ang isa rito'y may hawak na scroll—  ito'y naglalaman ng balita tungkol sa palasyo.

"Dahil sa pag-atake ni Captain Alaric ng Midnight Guild sa kataas-taasang si Emperor Lunar, tumaas ang siguridad sa Anastasia Kingdom dahil ang kakayahan nitong kayang magwasak ng isang nayon o siyudad. Sa pagtaas ng buwis, sinisigurado ng Anastasia Knights na mababantayan ang bawat sulok ng kaharian. Ang kalahati rin nito'y mapupunta sa pondo ng Lunar Tournament," paliwanag ng isang knight na may hawak na scroll.

Muling umalingawngaw ang mga galit na residente.

"Teka! Hindi naman namin sakop ang pondo para sa tournament!"

"Hindi makatarungan ang buwis! Triple ang tinaas!"

"Hindi na kami makakakain ng sapat niyan!"

Mas lalong umingay ang mga hinanaing dahil sa negatibong rason sa buwis.

"Captain Alaric. . ." mahinang saad ni Zyaniah. Kinalaban mo ang Emperor? Sa isip-isip naman niya. Naalala niya ang sinabi ni Penumbra na ang kanilang kapitan ay kinalaban ang emperor.

Dumating agad sila noong naligaw ako sa Spirit Woodland?

Ngumiti ang katauhang multo ni Elaine dahil alam niyang nasa maayos na lugar ang katawan niya. Nakasisigurado siyang nasa maayos na lugar ang katawan niya.

"Kilala mo 'yong sinabi sa balita?" tanong ni Zianelle.

"Oo. Siya ang kapitan sa Winter Squad na sinalihan ko."

"Kung gano'n, konektado ang balita sa emperor na sinasabi mo. Mukhang kasabwat ka rin dito."

Muling tumingin si Zyaniah sa knights nang maramdaman niya ang kakaibang pressure na mahahalitulad sa bloodlust. Mas naging sensitibo ang kanyang pakiramdam dahil sa paspasang pagsasanay sa kanya ni Captain Alaric.

Nabaling siya sa isang knight na walang dudang ito ang kapitan.

Delikado ang lalakeng iyon, pagkakausap niya sa kanyang isipan.

"Tahimik!" sigaw ng kapitan ng knights na nasa gitna. "Ito'y galing sa hari ng Anastasia Kingdom at sa Emperor ng South-West Land. Kahit kayo'y magreklamo, hindi niyo na ito mababago!"

Natahimik saglit ang mga tao ngunit muling umalingawngaw ang kanilang reklamo.

Samantala, si Zyaniah ay nakatingin ng masama sa kapitan ng knights.

Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ang pagliyab ng mahika niya. Siguro'y dahil ito sa pagdoble ng lakas ko sa paggamit ng mahika. Ngunit habang tumatagal, mas lalong umaapaw ang bloodlust niya, pagkakausap niya sa sarili at yumukom kanyang mga kamay. Huwag niya lang tangkain gumamit ng dahas dahil mapipilitan akong gumamit ng mahika sa kanya.

Nang makita ng kapitan si Zyaniah na masamang nakatingin sa kanya, bahagya siyang napaatras nang maramdaman sa bata ang mabigat na awra.

Sino ang batang 'to at bakit napakalakas ng mahika niya? Sa isip-isip ng kapitan.

"Nakikiusap ako. Kumalma kayo," sigaw ni Kriselda sa kapwa niya residente ng nayon.

Nawala ang masamang tingin ni Zyaniah nang may sumigaw sa mga residente, reklamong hindi malinaw sa kanyang pandinig ngunit nakakarindi.

Nang kumalma ang mga residente, humarap si Kriselda sa knights.

"Maaari niyo bang pakinggan ang aming saloobin? Biglaan ang balita kaya normal sa kanila ang magreklamo," mahinahon niyang tanong.

"Oo ngunit hindi sa'min, kung hindi'y sa hari at sa emperor. Ayon lamang. . . kung papakinggan kayo," sagot ng kapitan at ngumisi na mas lalong kinagalit ng mga residente.

"Hindi pwede 'to!"

"Mga sakim!"

"Sakim sa mga mahihirap!"

Ang kaguluhan ay napahinto nang sinamaan sila ng tingin ng pinuno ng knights. Nakatatakot ang awra nito kaya bahagya silang napaatras.

"Huwag niyong sayangin ang oras ko."

Ang mga katagang iyon ang siyang nagpatakot sa mga residente. Ngunit hindi sila nagpatinag. Kahit tumutulo na ang pawis sa kanilang mukha dahil sa kaba, nagawa pa rin nilang tumayo ng may tindig at tapang.

"M-maraming. . . m-magugutom sa ginagawa niyo!" singhal ng isang lalakeng kabilang sa mga residente.

"Tapos?"

Napaatras sa kaba ang lalake nang makitang tumingin sa kanya ang kapitan ng knights.

"Hindi na namin problema 'yon! Narito kami para kuhanin ang buwis at sinabi rin sa akin na kapag nagmatigas ang ulo, gagamit na kami ng dahas," dagdag pa nito.

Sabay-sabay na nilabas ng limang knight ang kanilang mga espada na nakalagay sa gilid ng kanilang bewang. Tinutok nila ito sa mga residente na napasinghap sa gulat at napaatras ng dalawang hakbang.

Samantala, nanginginig na sa galit si Zyaniah at nakaabang na ang mga kamao sa gagawin niyang atake. Sa nakaraan niyang buhay, isa siyang istriktong pinuno ngunit hindi dumating sa puntong inaalila na niya ang mga taong nasa paligid niya. Dahil kapag sila'y naging kalaban niya, hindi tatakbo ang kumpanya sa gusto niyang mangyari. Ang pinuno ay siyang gabay sa kanyang mga nasasakupan at hindi para ituring ang iba na parang walang kwenta.

Napansin naman ni Zianella si Zyaniah kaya agad niyang hinawakan ang nakayukom nitong mga kamay.

"Kailangan mong kumalma, Elaine."

"Ako ang Supreme Spirit. Ako ang may karapatan na mamuno at hindi sila," may diing sagot ni Zyaniah.

"Oo ikaw nga pero sa ngayon, wala pang nakakaalam tungkol sa 'yo. Kapag nalaman nilang nakaligtas ka, siguradong kukunin ka nila at baka madamay pa ang mga tao rito."

Sa mga sandaling iyon, bahagyang kumalma si Zyaniah ngunit hindi niya pa rin maalis ang masamang tingin sa mg knights. Lalo na sa kapitan na kanina pa sinisigaw ng awra nito na may gagawin itong masama.

"Paumanhin," ani Pinunong Wol at gumitna sa pagitan ng mga residente at knights. "Ito na po ang aming buwis." Inabot niya ang buwis at agad naman itong kinuha ng pinuno ng knights. Binuksan nila ito at nakita ang ilang pilak at ginto. Nang makumpirma ang dami ng buwis, binigay niya ito sa kasamahan at muling humarap sa mga residente.

"Magbibigay naman kayo. Bakit niyo pa pinatagal?"

Yumuko lamang si Pinunong Wol sa kanya bilang tugon nito.

"Babalik kami rito sa susunod na buwan. Huwag niyo na kaming pahirapan sa susunod," dagdag pa ng kapitan.

"Pasensya na po at makakaasa kayo," sagot ng Pinunong Wol.

"Pinuno?" mahinang saway ng ilang mga residente sa likod niya.

Pinanliitan lang sila ng tingin ni Pinunong Wol na isang babala sa kanila. Yumuko na lamang sila at napayukom. Wala silang nagawa kung hindi'y tanggapin ang kanilang kapalaran bilang mga peasants.

Naglakad na ang knights papunta sa kanilang karwahe ngunit tumigil ang kapitan nila at humarap sa mga residente. Hinanap ng tingin niya ang batang babae at nakita itong may kausap na isa pang batang babae. Lumingon din ang iba pa niyang kasamahan at nakitang nagtaas ng kamay ang pinuno dahilan para sila'y pumunta sa kanya.

"Kakaiba ang batang iyon. Kuhanin niyo siya."

Narinig ito ni Kriselda at ng iba pang mga katabi niya.

"Hindi pwede!" singhal ni Kriselda at dali-daling pumunta kay Zyaniah. Niyakap niya ito ng mahigpit at sinamaan ng tingin ang apat na knights na naglalakad papunta sa kanya. "Nakapagbayad na kami! Kaya wala kayong karapatang kunin sa amin ang pamangkin ko!"

"Elaine. . ." bulong ni Zianelle na nasa gilid nila. "Baka alam na nila."

Hindi sinagot ni Zyaniah si Zianelle dahil kinakabahan na ito. Hindi pwedeng may makaalam sa 'kin, sa isip-isip niya.

"Anong ginawa ng batang ito sa inyo?" tanong ni Pinunong Wol na humarang sa apat na knights. "Isa lamang siyang bata."

Humarang na rin ang ibang kalalakihan at ang bawat isa sa kanila ay may hawak na sandata. Mas gugustuhin nilang maghirap kaysa may mawalang myembro sa pamilya ng nayon nila.

Bago pa magsagupaan ang dalawang panig, napatingin sila sa likod ng mga knight.

"Kunin niyo na ang buwis, huwag lang ang mga tao rito sa nayon," babala ng isang binatang naglalakad sa likuran ng mga knights. "Sila'y nakabayad na para sa proteksyon kaya narito kami para bigyan sila ng depensa."

"Tsk!" Humarap ang pinuno ng mga knight sa bagong dating na binata. "Baka nakakalimutan niyong may kasalanan ang guild niyo sa kahariang ito."

Nang makita nila ang sagisag sa damit ng binata, ngumiti ang mga residente dahil sa tuwa. Samantalang si Zyaniah, napatulala nang makilala ang binata.

Lord Emmanuel? Gulat niyang sabi sa isipan.

"Maaari na kayong umalis. Ako na ang bahala rito," walang ganang saad ni Emmanuel at naglakad na nakapamulsa. Ang mukha nito'y walang emosyon at ang paglakad ay mabagal lamang.

Walang nagawa ang knights at sila'y umalis. Nang hindi na matanaw ng mga residente ang karwahe, sila'y lumapit sa binata at nagpasalamat.

"Salamat ginoo," naiiyak na sambit ni Kriselda na hawak-hawak si Zyaniah at Zianelle.

"Wala po 'yon," tugon ni Emmaniuel at maikling ngumiti sa kanila.

Si Zyaniah naman ay walang bakas ng takot sa kanyang mukha. Lihim siyang napatitig sa binata.

Anong ginagawa niya rito? Sinabi kanina na siya ang magbabantay sa nayon at may emblem ng Midnight guild? Opisyal na siyang member ng guild, sa isip-isip ni Zyaniah at sinuri niya ang emblem at nakitang kakaiba ito.

"Ang gwapo niya," bulong ni Zianelle na nasa tabi niya.

Nilingon ito ni Zyaniah. "Siya si Lord Emmanuel."

"Kilala mo siya?"

"Oo."

"Pakilala mo ako!"

Hindi na nakasagot si Zyaniah nang lumapit sa kanya si Emmanuel at ngumiti. Hinawakan siya nito sa ulo para guluhin sana ang buhok niya ngunit napahinto ito nang may maramdaman kakaiba.

Takang tumigin si Emmanuel sa kamay niyang nakapatong sa ulo ng bata at marahan itong nanginig. Naramdaman niya ang mahinang pag-init ng kanyang palad kaya agad niyang tinanggal ang kamay.

Anong klaseng batang ito? Kaya siguro gusto siyang kunin ng mga 'yon, sa isip-isip ni Emmanuel.

"Ikaw ba ang magbabantay sa aming nayon?" tanong ni Pinunong Wol sa binata.

Bago sagutin ni Emmanuel ang matanda, muli siyang lumingon sa bata na hinatak ni Kriselda paalis.

May kakaiba sa batang iyon.

Samantala, hinatak sila Zyaniah at Zianelle ng kanilang tita papunta sa isang bahay.

"Ang tigas ng ulo niyo! Ang sabi ko'y umuwi kayo hindi ba?" inis nitong sabi habang padabog na naglalakad. "Muntikan na tuloy kayong makuha!"

"Si Ate kasi! Sabi niya maki-chismiss kami sa inyo," gatong ni Zianelle.

"Ano?!" singhal ni Zyaniah at sinamaan ng tingin ang kapatid.

"Alangang sabihin kong hindi natin alam ang bahay natin. Sabayan mo na lang ako," bulong nito.

Napabuntonghininga na lamang si Zyaniah at kunwaring guilty sa sinabi ng kapatid.

"Huwag mo ng gagawin 'yon ha!? Paano na lang kung makuha ka nila?" 

Tumigil sila sa paglalakad nang tumapat sila sa pinto ng isang maliit na bahay.

"Pagkatapos niyo ibigay ang cherry sa inyong ina, mangolekta na kayo ng mga tirang kandila sa sementeryo. Pero bago 'yon, dumaan muna kayo sa bahay," dagdag pa ng kanilang tita saka ito umalis.

Magtatanong pa sana sila ngunit lumayo na ang kanilang tita sa kanila.

"Ano raw?" takang tanong ni Zianelle sa kapatid.

Nagkibit-balikat si Zyaniah at sumagot, "Hindi ko rin alam."

Sinundan nila ng tingin si Kriselda sa malayo at nakitang pumasok ito sa isang bahay. Mga apat na bahay lang ang layo nito sa kinatatayuan nila.

"Bigay daw natin 'to sa nanay," saad ni Zianelle at inangat ang hawak niyang basket na naglalaman ng mga cherry.

"Mabuti pa nga," tugon ni Zyaniah.

Habang naglalakad, napapaisip si Elaine kung bakit gano'n ang asta kanina ng kapitan ng mga knight.

Aminado na akong kakaiba ako kaysa sa ibang mage. Ngunit mas lumala pa ang mana sa loob ng katawan ko nang magamit ko ang iba pang elemental magic.

Napatingin siya sa kamay na walang hawak na basket.

Hindi kaya mas lumakas pa ang mana ko? Nakakaramdam din kasi ako ng kakaibang aura sa isang tao. Baka gano'n din ang tingin nila sa akin, na may kakaibang awrang nakapaligid sa akin. Kailangan ko ng kasagutan ngunit saan ako kukuha?

Bago sila makapasok sa bahay, lumingon muna ito kay Emmanuel na abalang nakikipag-usap kay Pinunong Wol.

Hindi ako pwedeng humingi sa kanya ng tulong. Hindi niya pa alam ang pagkatao ko.

Ang pagpasok at pagsara nila sa pinto ang siyang sulyap ni Emmanuel sa kanila. Kahit siya'y nakakaramdam ng kakaiba sa bata.

Nang makita ng magkapatid ang looban ng bahay, tumambad sa kanila ang malinis na paligid dahil sa kaunti lang ang mga gamit; maliit na mesa at dalawang upuan sa sala, maliit na lamesa para sa hapagkainan, kusinang tanging lutuan lang ang makikita, banyo at isang hindi kalakihang kama na kasya ang tatlong tao kung magsisiksikan.

"Zyaniah? Zianelle?" rinig nilang sambit ng isang babae mula sa kama. Lumapit sila rito at nakita ang isang hindi katandaang babae na mahahalintulad sa hitsura ng kanilang tita.

Umupo ito sa kama. Umubo muna bago ngumiti sa dalawa.

"Nakakuha na ba kayo ng cherry?" masaya nitong bati sa mga anak niya. Makikita sa katawan nito na mahihirapan siyang magsalita. Kahit hindi siya maintindihan ng dalawa, ngumiti na lang siya at pinakitang malakas siya sa paningin nila.

"Mama?" tanong ni Zianelle.

"Mama? Ngayon niyo lang ako tinawag na mama," takang tanong nito sa kanila.

Mahinang siniko ni Zyaniah si Zianelle at patagong sinamaan ng tingin. Pagkatapos, muli silang tumingin sa kanilang ina at nilapag ang basket sa tapat nito.

"Nakakuha na po kami ngunit hindi gano'n karami."

"Mabuti naman." Tinanggal ng kanilang ina ang kumot sa kaniyang katawan at umupo sa gilid ng kama. "Ilagay niyo sa lamesa ang mga basket. Ako ng bahala diyan."

"Sige po," tugon ni Zyaniah at nilagay nila ang mga basket sa lamesa. Bumalik din sila sa kanilang ina na nahihirapang maglakad.

"Alalayan ko na po kayo," alok ni Zyaniah at hinawakan ang kamay ng kanyang ina.

Bahagyang nagulat ang kanilang ina ngunit ngumiti ito.

"Ipagsasama-sama ko na lang ang mga cherry sa isang basket!" alok ni Zianelle.

"Huwag na anak. May bumibili ng cherry sa atin. Kailangan ko 'yang isang basket."

"Ay. Okay po."

Nang makaupo ang kanilang ina malapit sa lamesa, binigyan niya ng tag-isang cherry ang magkapatid. Agad naman itong kinain ni Zianelle, sa madalaing salita, nilamutak niya ito na animo'y hindi kumain ng dalawang araw.

"Ngayon ka lang ba nakakain niyan?" nakangiwing tanong ni Zyaniah.

Hindi siya tinugon ng kapatid dahil abala ito sa pagnamnam sa cherry. "Ang Sarap!"

Oo nga pala. Multo ito kaya ngayon lang nakakain ng cherry, sa isip-isip ni Zyaniah bago kainin ang cherry. Lumaki ang kanyang mga mata nang malaman ang cherry ay kakaiba sa lasa ng cherry sa nakaraan niyang buhay. Matamis ito at maasim na naghahalo sa kanyang panlasa kaya ito'y mas lalong sumarap.

"Ang sarap!" reaksyon niya.

"Masarap 'di ba?" pagmamalaki ni Zianelle.

"Oo!"

Mahinang natawa ang kanilang ina na ikinatingin ng magkapatid.

Napansin naman ng ina ang pagtigil ng dalawa.

"Huwag niyo akong pansinin. Masaya lang akong makita ang ngiti niyo sa labi."

Nagkatinginan muna ang dalawang magkapatid bago ngumiti. Pagkatapos, humarap si Zyaniah sa kanyang ina.

"Pwede po bang magtanong?"

"Anong 'yon anak?"

"Anong pangalan ng nayon na ito?"

"Huh?!" takang reaksyon ng kanyang ina dahil sa matagal na silang nakatira rito at alam ng kanyang mga anak ang pangalan ng lugar na ito. "Kakaiba ang tanong mo ngunit sasagutin ko 'yan."

Tumingin ang kanilang ina sa bintana at gano'n din ang ginawa ng dalawa.

"Ito ang Nayon ng Liryo Lampara na sikat sa paggawa ng kandila para sa sementeryo."

𔓎𔓎𔓎𔓎

SA PALASYO ni Guardian Sonja.

Nang matapos umalis nila Ivy, Karlo, at Alaric— para kumuha ng cherry at libutin ang gilid ng Spirit Woodland— bumalik sila ng hindi natutugunan ang inatas sa kanila.

"Baka po'y lilisan kami bukas upang maghanap ng cherry sa ilang nayon ng Anastasia Kingdom," nakayukong paliwanag ni Karlo kay Haruna na nakaupo sa tabing kama ni Elaine.

Si Rai naman ay nakaupo sa katabing kama ni Ruby.

"Ang red cherry ay hindi basta-basta nakukuha. Naiintindihan ko naman iyon, Karlo. Magpahinga muna kayo," tugon ni Haruna at tumingin sa kapitan na nakasandal ang likod sa dingding. "Akala ko'y magpapaiwan ka sa Anastasia Kingdom para mahanap ang totoong Supreme Spirit."

"Kung pwede lang ngunit nagkalat ang mga knight at guild members sa kaharian. Napakabilis ng balita na pati ang kasulok-sulukan sa lupain nila'y nangangamba na sa 'kin."

"Hindi ko akalaing hahamunin mo ang emperor, Captain Alaric," nakangiwing saad ni Rai.

"Walang nangyaring hamunan. . ." Humalukipkip ang kapitan at bahagyang napayuko. "Tulad mo, gusto ko lang protektahan si Elaine. Hindi dahil sa binayad sa 'kin, kung hindi'y para sa hawak kong maliit na squad. Respondibilidad ko kayo."

"Hindi pa rin ako makapaniwalang si Elaine ang Supreme Spirit," dagdag pa ni Rai at tiningnan si Elaine na akala mo'y mahimbing lang na natutulog.

"Para saan ba 'yang cherry?" tanong ng kapitan sa guardian.

"Isa iyong sangkap para gumawa ng anti-magic potion. Isa iyong prutas na matamis kapag titikman ngunit kapag hinalo na iyon sa iba pang sangkap sa paggawa ng potion, malaki ang tulong niya. Ito rin ang nagbibigay kulay sa potion para maging pula," paliwanag ni Haruna.

"Ngunit kahit na mawala mo ang mahika sa katawan ni Elaine, kapag hindi bumalik ang kaluluwa niya, hindi siya magigising."

"Alam kong babalik siya. . ." Lumapit si Haruna kay Elaine at marahan niyang hinimas ang mukha nito. "After all, she's the Supreme Spirit."

Napatitig saglit ang kapitan bago bumuga ng hangin.

"Kung gano'n, ang gagawin lang natin ay maghintay sa pagbabalik niya. Ngunit malayo ang lugar na ito para makapunta ang kaluluwa niya rito," aniya.

"Kaya nga'y kailangan mong mahanap si Elaine."

"Gagawin ko ngunit hindi ko masisiguradong mababalik ko siya rito."

Ngumiti si Haruna sa kapitan at tumugon, "Ngayon, ang kailangan kong isipin kung saan tayo mananatili. Hindi na tayo ligtas sa palasyong ito dahil alam ni Mikhail ang lugar na ito. Baka'y bumalik sila rito ng wala sa oras."

"Saan naman tayo lilipat?" tanong ni Ivy.

"Hindi ko alam. Ngunit kung wala akong makita, mapipilitan akong bumalik sa Olga Kingdom."

"Akala ko ba'y hindi ka na ro'n babalik, guardian?" tanong muli ni Ivy.

"Para sa kaligtasan ng Supreme Spirit, magtitiwala ako sa ilang payo niya. . ." Tumayo ng maayos ang guardian bago muling tumingin sa dalaga.

Wala na akong pagpipilian kung hindi'y magtago sa dati kong tahanan, pagkakausap nito sa kanyang isipan.

~(へ^^)へ• • •

Continue Reading

You'll Also Like

458K 18.9K 54
Siya si Hyeri Rodriguez. Basagulera, matigas ang ulo, at palaban kaya laging nasasangkot sa gulo. Simple lang siyang namumuhay sa bayan nila. Pero ma...
237K 7.7K 63
Pain have 2 effects. It's either, you'll be strong because of pain or the pain will change you. 10/01/2020
445K 32.4K 52
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
15.1K 621 42
HIGHEST RANK: #1 in Survival PLEASE TAKE NOTE THAT THIS STORY IS CURRENTLY UNDER MAJOR REVISION. ----- Azie and her friends are just living their nor...