I'm a Ghost in Another World

By PeeMad

124K 4.3K 205

Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car cr... More

PSAMM
Guide Map
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Epilogue
Author's Note
Author's Note 0.2

Chapter 22

1.2K 52 1
By PeeMad

Chapter 22: Between the Strongest

SA PALASYO ng Anastasia Kingdom, nasa isang ginintuang silid si Lunar. Nakaupo ito habang nakamasid si Elaine na malambot ang katawan at walang malay na nakayuko sa sahig. Nakalaylay ang mga kamay nito at mahimbing na natutulog. Pinagmasdan niya ang dalaga at napapangisi. Mahina siyang natawa at kinuha ang tsaa nito na hindi naubos. Hinigop niya ito habang masayang nakatingin sa dalaga. Kung tutuusin, kaya niya itong tapusin ngunit may iba pa siyang plano na mas lalong magpapasaya sa kanya.

Natigil sa paghigop ng tsaa si Lunar nang lumitaw sa gilid niya sila Mikhail, Kloro, at Meralda. Binaba niya ang tasa sa lamesa kasabay nang pagtingin niya sa kanila. Napansin niya ang ilang dumi sa kanilang katawan kaya siya'y ngumisi.

"Kumusta naman ang pagharap sa dati kong kaibigan?" tanong niya. Sinamaan siya ng tingin ni Mikhail habang sila'y naglalakad papunta sa kanya.

"Hindi mo sinabing kaya niyang gumamit ng mahika ng tikom ang bibig!" reklamo ni Mikhail.

"Mamaya ka na magreklamo dahil ang Sleep Spell ni Meralda ay hindi gano'n kalakas," kalmadong sagot ni Lunar.

"What do you mean?"

Hindi sinagot ni Lunar si Mikhail dahil lumitaw sa gilid nila sila Alaric, Haruna, at Karlo. Mabilis na lumingin si Mikhail at ito na ang naging sagot sa tanong niya.

Agad na hinahanap ni Alaric si Elaine at nanlaki ang mga nata niya nang makita niya itong nakayukong nakaupo sa tapat ni Lunar. Mas lalo pa siyang nangamba noong wala siyang maramadaman sa magic sense na kahit katiting na mana sa katawan nito. Awtomatikong yumukom ang kanyang mga kamao at seryosong tumingin kay Lunar na nakangiting umiinom ng tsaa.

"Anong ginawa mo kay Elaine?" singhal ni Alaric. Ang mukha niya'y nakakalma ngunit lumalakas sa katawan niya ang umaapaw na mana.

Natigil sa pag-inom si Lunar dahil na rin ubos na ito. Binaba niya ang tasa kasabay nang pagsulyap niya kay Kloro. Agad namang nalaman ni Kloro ang pahiwatig niya kaya lumapit ito sa kanya at hinawakan sa balikat.

"Nasa ilalim siya ng aking mahika. Kung hindi siya magigising sa loob ng pitong araw, hindi na siya muling magigising pa," nakangising lathala ni Lunar.

"Lunar!" angil ni Haruna na ikinatingin ng emperor sa kanya. Ngisi lamang ang binigay nito sa kanya na lalong ikinainit ng ulo niya. "Hindi mo pwedeng gawin 'to dahil kasama sa pagbalanse ng mundo ang Supreme Spirit. Alam mo 'yan dahil ang ama mo'y isa ring Supre⁠—"

"Tahimik," maikling saad ni Lunar at sinamaan ng tingin si Haruna.

Napaatras ng kaunti si Haruna nang maramdaman ang awra ni Lunar, animo'y ang paligid nito ay kadugtong ng kadiliman.

"Huwag mong babanggitin ang tungkol sa ama ko," dagdag pa nito.

"Hindi kami narito para makipag-usap sa inyo. Ibalik niyo sa amin si Elaine," seryosong sambit ni Alaric.

"Paano kung ayaw ko?" nakangising sagot ni Lunar habang nakatutok ang mga mata sa kapitan. "Anong gagawin mo?"

Ang ibang tao sa silid ay animo'y nasasakal sa malakas na awra ng isang yelo at kadiliman. Walang gustong gumalaw dahil mismong katawan na nila ang nagbababala na huwag makisali sa kanila.

Natahimik sila Lunar at Alaric, at tanging tingin lamang ang kanilang binabato sa isa't isa. Habang nangyayari iyon ay siya namang bulong ni Haruna kay Karlo sa plano nila.

Unang lumihis ng tingin si Lunar at galanteng tumayo sa tabing upuan ni Elaine. Dahan-dahan itong umabante habang nagsasalita, "Naranasan mo na ang makatulog sa mahika ko hindi ba, Alaric? Alam mong kapag natalo mo ako't napabagsak, mawawala ang mahika sa katawan ni Elaine." Ngumiti siya sa kapitan upang mas lalo pa itong mag-udyok sa kanya. Hindi nga ito nagkamali dahil nakita niyang yumukom ang mga kamay nito.

"Karlo," tawag ni Alaric sa katabi niya, "Kuhanin mo si Elaine at lumisan kayo rito. Ako ang magbibigay ng oras sa inyo para makatakas. Kung nalapag niyo si Elaine sa ligtas na lugar, saka niyo ako balikan."

"Sigurado ka ba diyan? Nasa palasyo tayo ng Anastasia Kingdom. Hindi tayo pwedeng mag-udyok ng digmaan dito," bulong ni Haruna na nasa gilid ng kapitan.

Bago ito sagutin ni Alaric, pinanliitan niya ng tingin si Lunar na ngumisi sa kanya. "Sa mundong ito na puno ng mahika, sa tingin mo ba'y madadaan ito sa usapan? Isa lang ang patutunguhan nito. . ." Hinagis ni Alaric ang isa pang kamay sa hangin kasabay nang paghulma ng yelo rito na naging isang espadang na umuusok dahil sa lamig nito. "Idadaan natin ito sa digmaan, Lunar."

Nakita ito ng grupo ni Lunar at pinuwesto nila ang mga sarili upang depensahan ang magiging atake ng kapitan. Susugurin na sana nila Mikhail at Meralda ang kapitan ngunit pinigilan sila ni Lunar na naglakad papunta sa harapan nila.

"Hindi mo na mararanasan ang ultimate skill ko na Stygian. Masarap sanang pagmasdan na ang Lord of Ice at Supreme Spirit ay napabagsak ko ng sabay," natatawang usal ni Lunar at unti-unting lumikha ng espada sa kanang kamay na gawa sa itim na itim na anino. "Hindi ko nais na kalabanin kita, old friend, ngunit kailangan para mawala ang mga taong pinipigilan ang paghahari ko. . . Dark Skill, Black Excalibur."

[Stygian, Realm of Death Skill is a spell that you can only cast once on someone.]

Umabante si Alaric at tinapat ang yelong espada kay Lunar. "Gano'n din ang ginagawa ko. Hindi mo ba alam na napaslang na ang pinagmamalaki mong mangkukulam?"

"Hindi ako mangmang para hindi ko malaman ang impormasyon na iyon." Hindi na nagdalawang isip pa na sugurin ni Lunar si Alaric gamit ang black excalibur. Nasalag naman ito ng kapitan— gamit ang yelo nitong espada— at sila'y nagbigayan ng pwersa sa gitgitan ng talim ng kanilang mga espada.

Sa sobrang lakas ng pwersa, ang mga kalapit nilang kasama ay bahagyang napaatras. Lumikha ang pwersa ng hangin na kasing bigat ng tubig mula sa karagatan at kasing lakas ng pagsabog ng isang dinamita sa baybay. Napatakip sila sa mata gamit ang kanilang bisig at kusang umatras ang kanilang katawan sa pwersa ng hangin.

Patalong umatras si Haruna, at si Karlo naman ay bitbit na ang walang malay na si Elaine.

"Mahal na Emperor!" sigaw ni Meralda habang marahang napapaatras.

Lumingon si Lunar kay Meralda at hindi niya matago sa kanyang mukha na siya'y nahihirapan sa gitgitan ng espada nila ni Alaric. "Puntahan niyo ang aking mga kapatid at tulungan sila. Ako na ang bahala rito!" pasigaw na utos niya at napaatras nang maging pantay ang lakas nila ng kapitan sa espada niya.

"Baka mapahamak ka," nag-aalalang sambit ni Meralda.

Ngumisi sa kanya ang emperor at muling lumingon. "Kung hindi ka susunod sa utos ko, pinatunayan mo lang na mahina ako at hindi ko kayang pigilan ang taong ito."

Napatigil si Meralda ngunit agad namang yumuko. "Masusunod, your majesty," paggalang niya at sila'y lumisan kasama si Kloro at Mikhail.

"Unahin muna namin si Supreme Elaine," saad naman ni Haruna kay Karlo at sila'y nag-teleport kasama ang katawan ni Elaine paalis sa lugar.

Ngayon, ang natira na lamang ay sila Alaric at Lunar. Nang hindi malaman kung sino ang nanalo sa sagupaan ng espada, lumayo sila sa isa't isa ngunit hindi naalis ang tinginan nila. Nagsimula silang maglakad nang pa-clock wise habang inihahanda ang kanilang espada sa kamay. Binabantayan nila ang kanilang mga sarili at galaw pati ang bawat isa. Hindi nila pwedeng babaan ang kanilang depensa lalo na't alam nila sa isa't isa ang kanilang kakayahan.

"Hindi ko akalaing papanig ka sa Supreme Spirit," nakangising sambit ni Lunar habang iniikot ang kanyang itim na espada sa hangin.

Si Lunar ay may dalawang elemental magic na kaya niyang kontrolin. Ito ay ang Dark and Shadow Magic ngunit ang pinakagamay niya ay ang Dark magic. Ang abilidad naman niya na Staygian, Realm of Slumber ay isang beses mo lamang 'to magagamit sa isang tao. Ang skill na ito ay 99% na ang bunga ay kamatayan at ang 1% ay natitirang tsansa na ikaw ay makakaligtas. Halos lahat ng nagamitan niya nito ay hindi na muling nagising pa at may isang tao lamang ang nakaligtas dito, walang iba kung hindi'y si Alaric.

"Hindi ko rin akalaing may pagnanasa ka sa tronong hindi sa 'yo," sagot ni Alaric na hinahatak ang espadang yelo na nakadikit ang dulo ng talim sa sahig.

"Bakit hindi niyo kunin sa 'kin ang trono? Kaya niyo namang gawin 'yon ha? Lalong-lalo kana." Tumigil si Lunar sa paglalakad at gano'n din ang ginawa ni Alaric. "Nakaya niyo ngang pabagsakin ang mangkukulam. Bakit hindi ako ang pinaslang niyo?"

Pinanliitan ng tingin ni Alaric si Lunar at nagmungkahi, "Wala akong dahilan para paslangin ka at wala akong interes na mamuno."

"Galing pa talaga yan sa isang katulad mong kapitan." Kumalma ang mukha ni Lunar at napahawak sa baba na animo'y nag-iisip. "Sa pagkakaalam ko, tumakas sa responsibilidad ang katulad mo. Tama ba ako, Du—"

"Masyado yatang maputak ang bibig mo ngayon, Lunar," sabat ni Alaric at sumeryoso ang tingin.

"Respect me as your majesty."

Napangisi si Alaric. "I only respect the real emperor."

"You only respect her because she paid for your service. Tell me, how much she paid you? I will double it."

Mahinang natawa si Alaric na kinakunot ng noo ni Lunar. "She's the payment. If she succeed to dethrone you, my demand to her will be settled. That's what I want. Kaya mo bang ibigay 'yon ng mas doble pa?"

Himbis na magalit si Lunar, tumawa pa ito at nagmungkahi, "Tunay ngang mahirap paamuhin ang tulad mo. Sayang lang dahil kung magkakampi tayo, papamunuin natin ang mundo."

"Doon na tayo sa reyalidad. Hindi tayo magkakampi."

"Okay. Fine. Pero hindi mangyayari ang gusto niyong mangyari."

"We will and we already known your plans."

Napalakpak si Lunar at manghang tumingin sa kapitan. "Napakatalino mo ro'n. Ngunit hindi pa sapat ang talino mo para malaman mo kung ano ang plano ko."

Takang tumingin si Alaric sa kanya.

"Paano kung makuha ko ang kapangyarihan ng Supreme Spirit?" dagdag pa ni Lunar at bahagyang nagulat si Alaric sa kanya. "Hindi ba't mas madali kong makukuha ang trono ng walang panghuhusga ng mga tao at mas lalalim pa ang rason, na si Lunar ay nararapat mamuno dahil ang Supreme MAgic ay sumakanya."

Ngayon, ang paliwanag sa isipan ng kapitan ay naglaho at napalitan ng bagong kwestiyon. May plano siyang mapasakamay ang supreme magic ni Elaine? Ngunit hindi niya naman ito kinuha ngayon dahil sigurado akong humihinga pa si Elaine. Hindi kaya'y may iba pa siyang plano?

"Hindi ba't alam mo ang hula ng dating mangkukulam bago niyo siya pinaslang? Hindi ba't nakakapagtakang manggagaling ang Supreme Spirit sa Spirit Woodland ngunit matatagpuan ito sa Anastasia Kingdom? Hindi ba't kakaiba 'yon?" sambit muli ni Lunar.

Muling napaisip si Alaric habang inaalala ang sinabi sa kanya noon ni Gilth, na ang Supreme Spirit ay hindi tao ngunit magkakatawang tao.

"Nasa titulo na nga ng 'Supreme Spirit' ang sagot," dagdag pa ni Lunar at inihanda ang black excalibur para sa gagawin nitong pagsubok. "Spirit— isa siyang spirit. Hindi siya tao, Alaric."

"I know," sagot ni Alaric at inihanda rin ang espada niya. "And she's a God. Remember that Lunar. You're just an ordinary civilian in this land. You don't have the rights to vow your will in someone's throne. Or should I say, Elaine's throne."

Ngumisi lamang si Lunar at tumugon, "This is my throne now. Nasa kamay ko na at hindi na ito mababawi pa."

"You said the word 'now', Lunar. In the near future, the throne will not be yours, forever," nakangisi ring saad ni Alaric.

Humigpit ang pagkakahawak ni Lunar sa kanyang espada at nagtiim-bagang sa pagpipigil sa galit.

"Wala ka talagang mintis sa pang-iinis mo sa 'kin, Alaric!"

"Good to know."

Natahimik na ang paligid kasabay nang pagkapa ng kanilang susunod na galaw. Nakayuko na ang kanilang katawan at nakapwesto na ang mga espada sa gagawin nilang depensa at opensa. Tumagaktak na ang pawis sa kanilang mukha at napapahinga ng malalim dahil sa tensyon na ginawa nila. Ano mang oras, ang dalawang ito ay muli na namang susugod ngunit hindi malalaman kung sino ang unang aatake at dedepensa.

Ang relasyon ng dalawa noon ay mas malalim sa inaakala niyo.

Matagal na silang magkaibigan. Simula noong bata pa lamang sila, si Alaric ay dating body guard ni Lunar. Bata pa lamang si Alaric, kinilala na itong isang prodigy. Kinuha siya ng dating Supreme Spirit sa bayan nila na ngayon ay isa nang ruin land. Naging matalik na magkaibigan ang dalawa at lumahok sa Lunar Tournament. Ngunit nang dahil sa pagnanais ng mataas ni Lunar, hindi sila nagkasundo na dumating sa puntong ginamitan niya ng Dark Skill, Stygian si Lunar na muntikan nang humantong sa kamatayan. Nasagip si Alaric ng dating Supreme Spirit sa Stygian. At simula no'n, hindi na sila muling nag-usap at kinilala ang sarili na magkalaban.

Isa rin 'yon sa dahilan kung bakit nakipagkasundo si Alaric na pigilan ang plano ni Lunar. Malaki ang respeto niya sa mga Supreme Spirit kaya ito'y kinuha niyang mission kahit isa siyang manlalakbay.

"Kung hindi ka lang niligtas ng matandang 'yon noon, siguro'y nagkakape na ako ngayon sa kaharian ko habang hawak-hawak ko ang walang buhay na bagong Supreme Spirit," ani Lunar na sinasadya niya upang maubos ang oras nila.

Sumama ang tingin ni Alaric at kumunot-noo nang hindi umaatake sa kanya si Lunar. "Hindi ka sumusugod. Mukhang inuubos mo lang ang oras ko."

Mahinang natawa sa kanya ang emperor at ito'y tumugon, "Matalino ka nga ngunit bago mo pa 'yan masabi, ubos na ang oras mo. Alam mo naman siguro ang tungkol sa Spirit Woodland? Kapag nahiwalay ang kaluluwa sa katawan, didiretso agad ito sa lupaing iyon. Ang Stygian ay kayang ihiwalay ang kaluluwa ng isang tao sa pagtulog nito. Alam kong kaya mong pabagsakin ang mga kaalyansa ko kaya nga narito ako para tapatan ka at sila na ang bahala ro'n"

Humigpit ang hawak ni Alaric sa espada at biglang sumugod. "Kung gano'n, kailangan na nating matapos 'to," sigaw niya habang nakaambang ang espadang pasugod.

Napahalakhak si Lunar at hinanda ang sarili sa gagawing depensa.

"Kung matatapos mo!" natatawa nitong saad na animo'y nababaliw.

Sa pagsugod ni Alaric, nawala siya nang parang bula na kinabahala ni Lunar. Bago pa libutin ng tingin ni Lunar ang paligid, lumitaw sa likuran niya ang mabagsik na tingin ni Alaric sa kanya. Nakaangat ito sa hangin na animo'y nakalutang at nakataas ang yelo nitong espada upang mahiwa ang kanyang katawan.

Bago pa tumama ang espada sa kanya, mabilis siyang nag-enkantasyon, "Shadow Skill, Silhouette."

Nahiwa ni Alaric ang balikat ni Lunar ngunit himbis na dugo ang sumirit dito, itim na likodo ang lumabas. Tumingin siya kay Lunar at nakitang naging buong itim ang katawan nito. Agad niyang tinanggal ang yelong espada kasabay nang pagkawala ng itim na pigura ni Lunar. Umatras siya ng kaunti at nakita itong lumusot sa anino.

Lumingon-lingon si Alaric at gamit ang magic sense, naramdaman niya ang paglitaw ni Lunar sa likurang bahagi niya na nanggaling sa anino niya, at ito'y may hawak pa ring itim na espada. Agad namang inikot ni Alaric ang kanyang katawan kasabay ng kanyang espada. Bago pa siya mahiwa ni Lunar, sinalag niya ang espada nito gamit ang espada niya. Ngayon, muling nagkatapat ang talim ng kanilang mga espada.

Lumamang sa pagbigay ng pwersa si Lunar kaya ang gitgitan sa pagitan ng kanilang espada ay siya ang lumamang. Kusang umatras ang mga paa ni Alaric kaya siya'y tumalon pagilid para kumuha ng bwelo. Pagkatapos ay tinaas niya ang yelong espada upang kumuha ng pwersa at ito'y bumulusok kay Lunar. Nahilagan naman ito ng katunggali at doon nagsimula ang sunod-sunod nilang atake sa isa't isa. Walang tumatama sa pagwasiwas nila ng espada dahil napakabilis nilang humilag. Gumagamit din sila ng iba't ibang taktika at mahika ngunit walang lumalamang sa pagitan nila. Hindi sila napupuruhan ngunit ang paligid nila ang naapektuhan.

Sumipa nang napakalakas si Lunar at ito'y nasalag naman ni Alaric gamit ang espada niya. Ngunit sa lakas nito'y tumalsik ang kapitan na ikinasira ng dingding ng silid. Malakas itong bumuylusok at tumagos pa na umabot hanggang sa labasan ng palasyo. Nagtilian ang ilang kababaihan sa nangyari at ang ilan sa lugar ay nagtakbuhan paalis.

Nakangising lumipad si Lunar palabas sa nilikhang sirang butas ng dingding at pinuntahan agad si Alaric na nahihirapang tumatayo sa lupang nagkaroon ng bitak.

Bago pa makatayo si Alaric ng maayos, tumalas ang kanyang magic sense. Naramdaman niya ang paggalaw ng mana ni Lunar sa gilid at nang nilingon niya ito, nagulat siyang nakaambang na ang espada nito sa kanya at nakangiti pa ng nakakaloka.

"Sh*t!" Mabilis niyang inangat ang kanyang espada at sinalag ang espada ni Lunar. Numitaw pa ito ng sipa at buti na lamang ay naiwasan niya. Agad siyang nahimasmasan sa nangyari at gumanti rin ng malakas na pagsipa. Napuruhan si Lunar at napangiwi ngunit ito'y nagalak.

"Sa wakas! Sa loob ng limang taon, muli kong naramdaman ang saya sa pakikipaglaban!" natatawang saad ni Lunar at malawak na ngumiti. "Ipagpatuloy natin 'to Alaric! Hanggang sa malaman natin kung sino ang totoong malakas sa 'ting dalawa!" Hindi siya sinagot ng kapitan dahil ito'y sumugod agad. Nagbitaw muli sila ng kaniya-kaniyang taktika sa espadahan.

Gumamit na rin ng malawakang mahika si Alaric. Ang kalangitan ay nagkaroon ng malaking asul na magic circle at tanaw ito sa dulong bahagi ng Tasia Capital. Tumalon siya nang napakataas at tinaas ang espada. Ngumisi siya at pahagis na tinuro ang espada kay Lunar. Pagkatapos ay lumabasa sa magic circle ang iba't ibang klaseng lake ng bloke ng yelo na naimo'y umuulan ng yelo.

Nagulat at natakot ang ilang mamamayan na malapit sa palasyo. Agad silang tumakbo papalayo sa dalawang halimaw kung magbitaw ng mahika.

Nang lumapag si Lunar sa kalupaan, tumingala siya at napamngisi.

"A fvcking insane magic!" mangha niyang sambit at hinanda ang sarili para tumalon. Hinanda niya ang espada nang mapansin ang isang napakalaking bloke ng yelong pabulusok sa kanya. "Dark and Shadow Skill, Black Flame Slayer."

Ang kanyang itim na espada ay nagkaroon ng itim na apoy at nagliyab ito sa talim. Tumalon siya ng napakalakas at nahiwa ang malaking yelo na animo'y isa lamang itong malambot na bagay. Pagkatapos no'n ay paulit-ulit siyang tumalon sa mga pagbulusok ng mga malaking bloke ng yelo para makaangat siya papunta kay Alaric.

Nang mapansin ni Alaric na hindi sapat ang nilikha niyang mahika, pinawalang bisa niya ang malaking magic circle at tumalon paibaba sa mga bloke ng yelong bumubulusok. Hinanda niya ang kanyang yelong espada at sinalag si Lunar na ngumiti sa kanya.

"Fight me one on one," sambit ni Lunar at parehas silang naghulog ni Alaric palupa. Hindi sila natinag dahil agad silang nagsuguran.

Nasaksihan ng mga taong nasa palasyo ang mala kalamidad na labanan sa pagitan ng dalawang kinikilalang pinakamalakas na mage sa lupain ng South-West Land. Napapahiyaw na ang iba sa takot ng mga nagbabagsakang nasirang silid at debris. Ang mga taong kalapit ng palasyo ay napapatingin at inaalam ang nangyayari sa loob nito. Sila'y nagulat din nang makitang nagbabagsakan ang ilang bahagi ng palasyo.

Nagpatunog ng alarma ang palasyo at naglabasan ang knights sa kani-kanilang quarters.

"Pigilan ang kalaban ni Emperor Lunar!" sigaw ng heneral at sila'y tumakbo sa nasabing bakbakan.

Sa tunggalian ng dalawa, ang kanilang paligid ay halos hindi na makilala dahil sa pagkasira nito. Ang ibang bagay dito ay nabalutan na ng yelo at ang iba'y patuloy pa ring nasisira dahil sa malawakang paghiwa ni Lunar.

Kasalaukuyang hinihingal ang dalawa at sila'y tumayo na may layo sa pagitan nila. Nakatingin sila mata ng isa't isa habang pinupunasan ang gilid ng kanilang labing may bahid ng dugo. Ngayon, ang atake nila ay hindi na nabigong lumapag sa balat nila; nagkaroon ng hiwa sa likod si Lunar ngunit agad naman itong naghilom dahil sa kakayahan nitong dark magic na may affinity healing. Siya'y nakilala rin bilang Legend Mage na may dalawang attribute magic at kaya pang magsagawa ng healing magic.

"Tsk!" pagpapatunog sa dila ni Alaric nang makitang maayos na muli si Lunar.

Hindi tulad niya na isa lamang Mastery Mage, wala siyang kakayahan ng healing. Kung magtatagal ito, katapusan ang kahahantungan ko, sa isip-isip niya.

(Note: Types of Mages (Base of attributes and skills):

1) Normal: Can manipulate and control elemental magic.
2) Mastery: 4 skills in one attribute magic. (Generate, control, mimicry and creation)
3) Elites: 4 skills with Special Abilities. (4 Skills with Special Teleportation or Healing)
4) Legends: 2 Elemental attributes in one person. (ex: Antonette - Water and Ice magic.)
5) Myths: 3 to 4 Elemental magic in one person.
6) Supreme: All Elemental magic in one person.)

"Anong problema, Alaric? Bakit problemado na ang mukha mo?" sarkastikong saad ni Lunar na kita na ang matipuno niyang katawan sa pagkasira ng suot niya. 

Sinamaan lamang ni Alaric ng tingin si Lunar at muling hinanda ang sarili sa labanan. May hiwa na siya sa kanang braso at bugbog sa ilang bahagi ng katawan niya. Aminado rin siyang sa tagal niyang naglalakbay, muli siyang nagkaroon ng kalaban na papantay sa lakas niya.

Ibang-iba na siya noon. Aminado akong mas lumakas pa siya ngayon, pagkakausap niya sa kanyang isipan.

Inobserbahan niya si Lunar at naramdaman ang mahika nitong triple na ang lakas kumpara kanina. Mayroon din itong sensyason sa awra na sinasabing ang mahika sa katawan ni Lunar ay maihahalintulad sa. . . halimaw.


~(へ^^)へ• • •

Continue Reading

You'll Also Like

25K 1.3K 45
Handa kabang lumaban para sa buhay mo? Handa kabang isakripisyo ang ibang tao para sa sariling kapakanan? Handa kabang lumaban para sa mahal mo sa...
10M 496K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
574 69 7
METEMPSYCHOSIS SERIES FANTASY TAGLISH COLLABORATION Installment 9 of 9 *** After pulling an all-nighter, Kalima, an avid reader of RC Astralia's nove...