Wattpad Filipino Block Party...

By AmbassadorsPH

91.1K 5.6K 10.9K

Hello, Wattpadders! Narito na muli ang pinaka-exciting na party sa Wattpad! Inihahandog ng AmbassadorsPH ang... More

The Wattpad Filipino Block Party 2022
First Week Line-Up
chastiece's Character Interview
overthinkingpen's Short Story
rejmartinez's Special Chapter
MsjovjovdPanda's Short Story
Lunabaaabe's Special Chapter
WeirdyGurl's Character Interview
xxladyariesxx's Short Story
Second Week Line-Up
XavierJohnFord's Special Chapter
alyloony's Short Story
ceiyuri's Special Chapter
irshwndy's Character Interview
marisswrites's Special Chapter
Whroxie's Special Chapter
Third Week Line-Up
scitusnim's Short Story
diormadrigal's Special Chapter
yourhopecastillana's Special Chapter
lumeare's Short Strory
VR_Athena's Special Chapter
PrincessThirteen00's Short Story
Imcrazyyouknow's Character Interview
Fourth Week Line-Up
HEARTMINION'S Short Story
Lena0209's Poetry
MsDimple13's Special Chapter
Helene_Mendoza's Poetry
xenonthereaper's Poetry
MaxielindaSumagang's Special Chapter
chelsea13's Special Chapter
Special Line-Up
isipatsalita's Short Story
CrestFallenMoon's Special Chapter
riathebeloved's Special Chapter
areyaysii's Special Chapter

asherinakenza's Special Chapter

4.4K 41 6
By AmbassadorsPH


Love, Lorraine
By: Asherina Kenza

Nanunuot ang sakit sa bawat himulmol ng aking katawan. Napakaraming tanong ang pumapasok sa isipan ko na hanggang ngayon ay wala pa ring kasagutan. Hindi ko rin maisip kung bakit ako pa ang napiling mabigyan ng sakit na 'to.

"Ayoko na..." Umiiyak na bulong ko habang pinagmamasdan ang bawat bakas ng mga turok na ginawa sa akin kanina. Kahit hinang-hina ang buong katawan ay dahan-dahan akong tumayo mula sa wheelchair at nagawa kong ihakbang ang mabibigat kong paa patungo sa railings ng rooftop ng ospital na ito.

Handa ko nang tapusin ang buhay ko, tutal doon na rin naman ang punta ko. Wala namang magbabago kahit gamutin ako ng paulit-ulit. Mariin kong ipinikit ang dalawang mata kong patuloy sa pagdaloy ang luha saka ko inilahad ang aking kamay upang damahin ang hangin, Summer ngayon, pero malamig ang pakiramdam ko sa lahat ng bagay.

"Take me, Lord..." Bulong ko saka iminulat ko ang aking mga mata at tumingin sa ibaba kung saan tanaw ko ang mabibilis na sasakyang humaharurot sa daan.

Nanginig ang binti ko dahil sa pagkalula, pero buong-buo na ang loob ko na tapusin ang buhay kong unti-unti namang binabawi sa akin. Itinaas ko ang paa ko sa isang railings at kahit hinang-hina ay mahigpit ang kapit ko sa handrail. Ihahakbang ko na sana ang isang paa ko nang biglang may humila sa braso ko dahilan para mapayakap ako sa isang matipunong katawan na may mabangong amoy.

"Muntik ka na dun ah." Mahinahon ngunit lalaking lalaki ang kanyang boses, napalunok ako dahil nanatili siyang nakayakap sa akin. Dahan-dahan akong tumingala at nasilayan ko ang isang makisig na lalaki na ngayon ay nakikipag sukatan ng tingin sa akin. Bigla niya akong binigyan ng isang matamis na ngiti na lalong nagpatulala sa akin.

Hanggang sa bahagya akong napaatras nang ayusin niya ang bonnet ko dahil ayokong may ibang makakita na wala na akong natitirang buhok. Maging siya ay napaatras pero muli siyang ngumiti at itinuloy ang pag-aayos non.

"Mukhang desidido ka nang tapusin ang buhay mo ah?" kaswal na sambit niya. Nakangiti pa rin siya habang inaayos ang bonnet ko kaya naman hinawi ko ang kamay niya at umatras palayo sa kanya.

Napalumunok ako, "Alam mo naman palang desidido na ako, bakit nakialam ka pa?" Bulyaw ko na mas lalong nagpangisi sa kanya.

"Actually, hindi kita pipigilan." Cool na sabi niya saka isinuksok ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon niya. Napansin kong naka uniform pa siya dahilan para mas lalong bumigat ang puso ko. Namimiss ko nang pumasok sa school, namimiss ko ang mga tinatawag kong kaibigan na ngayon ay mukhang nakalimutan na ako.

"Napansin ko kasing magulo ang bonnet mo, that's why pinigilan muna kita. Wala ka nang buhok hindi ba? Ang pangit naman kung tatalon ka d'yan na hindi ka maganda." Panunuya niya na nagpakunot sa noo ko.

"Kasi ako? Kung mamamatay ako, gusto ko gwapo pa rin ako. Kaya dapat ikaw, mamatay ka sanang maganda ka." Dire-diretsong aniya na nagpainis ng husto sa'kin. Kinuyom ko ang kamao ko at hindi na napigilan ang pagtulo ng luha ko.

"How dare you!" Pabulong na singhal ko sa kanya pero narinig ko lang na tumawa siya.

"Why? Gusto mo diba? Come on, ituloy mo na. Papanoorin kita!" Tumatawang sambit niya, samantalang hindi ko magawang igalaw ang buong katawan ko. Lalo siyang tumawa, "Ayaw mo hindi ba? Come on, I know gusto mo pang mabuhay ng matagal. Kaya ka nga nandito sa ospital na 'to." Paninigurado niya.

"It's not your time yet, bakit mo minamadali 'yang pagkamatay mo? You're still lucky, dahil binibigyan ka pa ng Panginoon ng oras para labanan 'yang sakit mo, para makasama pa ng matagal ang mga mahal mo sa buhay, habang 'yung ibang tao d'yan bigla-bigla nalang namamatay sa aksidente o hindi na nagigising mula sa pagkakatulog nila." Litanya niya na nagpakurot sa puso ko. Mas lalong nag-unahang tumulo ang mga luha ko habang nanatili ang titig ko sa ekstrang hero sa harapan ko.

Lumipat ang tingin niya sa paa ko, "Wala ka pang tsinelas, tama ba 'yan?" Para bang inis na sambit niya. Nagulat ako nang bigla niya akong buhatin na parang bagong kasal saka maingat akong iniupo sa wheelchair ko.

Lumuhod siya sa harap ko, napapitlag ako nang iangat niya ang paa ko saka akma ipapagpag iyon ngunit sinubukan kong hilahin iyon pabalik sa'kin pero mahigpit ang kapit niya.

"Madumi." Bulyaw niya saka marahang niyang pinagpag ang magkabilang paa ko gamit ang kanyang kamay. Matapos niyang gawin 'yon ay muli niyang pinagtagpo ang mata naming dalawa. "Bakit nag-iisa ka dito? Nasaan ang kasama mo?" Magkaka-sunod na usisa niya. Pinunasan ko ang luha ko saka umiwas ng tingin sa kanya.

"I asked my mom na iwanan muna ako dito mag-isa," sagot ko. Napansin ko ang paghinga niya ng malalim. "Do you think magiging masaya ang Mama mo kung natuluyan ka kanina? Iyan ang huwag na huwag mong gagawin, ang saktan ang Mama mo ng basta-basta, wala ka man lang maayos na paalam." Pangaral niya sa akin na nagpabalik ng inis ko sa kanya. "Gumawa ka manlang ng goodbye letter o kaya video, ang cool non!" Humahalakhak na aniya na nagpainis sa'kin ng sobra.

"Sino ka ba para pakialaman ang mga desisyon ko sa buhay?! Hindi mo ako maiintindihan dahil mayroon nalang akong isang buwan para malanghap yung lintik na hangin nitong mundo na ito!" Hindi man lang siya nabigla sa ginawa kong pagsigaw sa kanya, nanatili lang siyang seryosong nakatitig sa mga mata ko.

"Prince Troy Cando at your service, Miss?" Aniya at inilahad ang kamay sa harapan ko, tinitigan ko ang kamay niya na hinihintay na tanggapin ko. "Kahit umabot tayo hanggang bukas dito hihintayin kong tanggapin mo ang kamay ko." Naiiling na sambit niya, pero hindi ko pa rin tinanggap iyon.

Ngumisi siya at hindi nakaligtas sa akin ang maganda niyang ngipin, "Come on, ang daming babae na gustong mahawakan ang kamay ko tapos ikaw, sasayangin mo lang ang pagkakataon na 'to?" Halakhak niya, hindi ko alam pero hindi ko namalayang napangisi ako ng palihim dahil doon pero hindi nakaligtas sa kanya 'yon. Hinila niya ang kamay ko at pinagtagpo ang kamay naming dalawa, mainit iyon at pakiramdam ko ay magiging ligtas ako sa mga hawak niya.

"Maganda ka kapag nakangiti." Puri niya bago siya tuluyang tumayo at maingat na itinulak ang wheelchair ko patungo sa elevator. Namayani ang katahimikan sa amin hanggang sa makarating kami sa ground floor at nang bumukas ang elevator ay tumambad sa amin ang nag-aalalang mukha ni Mama.

Mabilis na lumapit si Mama sa amin nang makalabas kami sa elevator at lumipat ang tingin niya kay Troy na nakahawak sa wheelchair ko.

"Thank you." Sambit ni Mama saka naramdaman kong siya na ang humawak sa wheelchair ko.

"You're welcome po." Ani Troy saka saglit niya akong sinulyapan, maglalakad na sana siya palayo sa amin nang maisipan kong magsalita.

"Lorraine," Sambit ko, napatigil siya at nakapamulsang humarap sa akin. Doon ko lang napagmasdang mabuti kung gaano siya katangkad at ka-manly kung tumindig.

Ngumiti siya, "I'll see you tomorrow, Raine." Aniya saka naglakad palabas ng ospital. Hindi ko alam pero natutuwa akong makilala siya. Siguro nga ay kabaliwan na tapusin ko ang sariling buhay ko dahil lamang sa sakit ko, pero isang kabaliwan rin yata na may nag-ligtas sa akin sa kaisipang iyon.

"Mabuti nalang at nakita ko ang binatilyo na iyon, masyado akong nag-alala sayo anak nang ipagtabuyan mo ako palabas ng roof top." Nag-aalalang kwento ni Mama matapos ayusin ang kumot ko dito sa loob ng private ward.

Hindi na ako sumagot dahil nakaramdam ako ng inis sa sarili sa kadahilanang puro pasakit na lamang ang binibigay ko kay Mama.

Panay ang suka ko matapos ang aking chemotherapy session, punong puno na ng luha ang mga mata ko dahil halos wala na akong maisuka at hilong-hilo pa rin ako. Ramdam ko naman ang paghagod ni Mama sa likod at napatingin ako sa kanya doon sa gilid ko, ang mga mata niyang kanina lang ay punong-puno ng pag-alala, ngayon ay biglang sumigla.

"Naku, kayang kaya mo 'yan, anak. Ikaw pa ba?" Masiglang aniya. I'm tired of this. Alam ko namang nagpapanggap lang siya na masaya, para lang hindi ako malungkot.

"Ma, you don't need to pretend para lang gumaan ang pakiramdam ko. You can cry if you want, at least bago man lang ako mamatay napagaan ko din ang kalooban mo." Mahinang sambit ko, na nagpaawang sa kanyang bibig saka kusang tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Sandali kaming nabalot ng katahimikan nang marinig namin ang pagbukas ng pinto.

Nag-angat ako ng tingin at hindi ko inaasahan kung sino ang iniluwa ng pintuan na iyon. It was him. The man who saved my life three days ago. Naka-school uniform siya at naka backpack. Maaliwalas ang kanyang mukha at masasabi kong mas lalo siyang kumisig.

"Hijo! Pasok ka!" Masayang ani Mama. Mabilis tumayo si Mama at kinuha ang suka ko upang itapon iyon, habang humila ako ng tissue at pinunasan ang bibig ko. Humakbang siya palapit sa akin at hinila niya ang isang upuan para makaupo sa tapat ng kama ko.

Ngumiti siya sa'kin, "How are you? Okay ka lang ba?"

Tumingin ako sa kanya, "Mukha ba akong okay?" Pagsusungit ko, ngumisi siya at umiling saka parang may kinukuha sa loob nang bag niya.

"Well, humihinga ka pa naman at nagsusungit kaya okay ka pa." Lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya na nagpatawa sa kanya. "Biro lang. Pinapatawa lang kita." Ngisi niya saka may inilabas siya mula sa bag niya. Isang maliit na paso na may sunflower.

"I am wishing you a lot of happiness in life, Raine." Aniya saka tumayo upang ilagay doon malapit sa bintana ang bulaklak. Ngumisi ako ng mapait, "Happiness in life?" Mariin na sambit ko, "Kalokohan, hindi mo ba nakikita ang sitwasyon ko?" Bulyaw ko sa kanya, nang maayos niya ang bulaklak ay bumalik siya sa kanyang pwesto. Humiga ako at tinulungan naman niya akong ayusin ang kumot ko. I feel so weak, pakiramdam ko anytime ay mamamatay na ako.

"Hijo, pasensya ka na ito lang ang mai-ooffer ko sayo." Biglang singit ni Mama dala-dala ang mga hiniwang prutas. "Naku, okay lang po. Salamat po." Sagot niya, umupo naman si Mama sa kaharap niyang upuan at pinagmasdan siyang kumakain. Tinalikuran ko silang dalawa at nagtalukbong ako ng kumot saka ipinikit ang aking mga mata.

"Akala ko ay hindi ka na babalik." Dinig kong bulong ni Mama, narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya. "Hinintay po ba ako ni Raine?" Humagikhik si Mama dahil puno ng pang-aasar ang boses ng lalaking ito.

"Naging busy po kasi sa school, exam week tapos sports fest." Patuloy nito, parang nagustuhan ng tenga ko iyon. "Kasali ka sa sports fest? Anong sports ang sinalihan mo? Alam mo bang magaling na soccer player itong si Lorraine sa school nila?" Biglang tumulo ang luha ko sa alaalang hindi na ako muling makakapag laro pa.

"Talaga po? Soccer player din po ako, baka pwedeng maglaban kami." Pagbibiro nito, narinig kong huminga ng malalim si Mama.

"That's my only wish for her, ang maging malakas at makapag larong muli. Alam kong iyon lamang ang makakapag pabalik ng ngiti sa labi niya." Mahina lang ang boses ni Mama pero dinig na dinig ko iyon.

"Ang ingay niyo." Biglang bulyaw ko kahit pa ang totoo ay nilalamon na naman ako ng lungkot.

"Sorry, nak." Rinig kong sambit ni Mama.

Nag-unahang tumulo ang luha ko, namimiss ko na ang mga bagay na ginagawa ko noon. Namimiss ko na ang paglalaro ng soccer sa initan hanggang sa umulan. I miss everything about school at namimiss ko na ring gawin ang mga hilig naming gawin ni Mama na sa tingin ko ay hindi na kailan man mangyayaring muli.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at sa hindi malamang dahilan ay sumilay ang ngiti sa labi ko nang makita si Mama sa tabi ko na ngayon ay mahimbing na natutulog. Hahawakan ko sana ang buhok niya nang mapansin kong may nakaupo sa mahabang sofa, seryoso siyang nanonood ng TV at napahinto ako sa pagtitig sa kanya nang bigla siyang bumaling sa akin. Umaliwalas ang mga mata niya saka mabilis siyang tumayo at lumapit sa'kin.

"Why are you still here?" Mahinang bulong ko upang hindi magising si Mama.

"Do you want some water?" Alok niya, lumunok ako at umiling iling. Tumango siya at naupo sa kabilang gilid ng kama ko. "It's summer vacation, araw-araw mo nang makikita ang gwapong mukha ko." Ngisi niya kaya inirapan ko siya.

"Sa tingin mo gusto kitang makita araw-araw?" Pagsusungit ko sa kanya, tumawa siya ng mahina. "Well, sa kagwapuhan ko ba namang ito?" Napakahambog talaga nitong isang 'to wala akong masabi.

Kinuha niya ang maliit na notebook sa bed side table maging ang ballpen na tingin ko ay kanya. "Kanina pa kita hinihintay na magising, gusto ko kasing ilista ang mga gagawin natin ngayong summer." Kita ko ang excitement sa mga mata niya. Hindi ko tuloy napigilan ang sariling titigan siya ng matagal at mukhang naramdaman niya iyon dahil tumingin din siya sa'kin.

"Gwapong gwapo ka sa'kin, ano?" Hindi ko naiwasang tumawa ng mahina. "No, you're not that handsome." Pagsisinungaling ko na nagpangisi sa kanya. "Magaling ka palang mag joke eh!" Bulong niya na nagpatawa na naman sa'kin.

"See that smile? You're really beautiful." Puri niya sa akin na nagpainit sa mukha ko, umiwas ako ng tingin sa kanya saka muling nagsalita.

"It's just that, hindi mo naman ako kilala para igugol ang buong summer mo kasama ako. I'm sick, ano sa tingin mo ang kaya kong gawin kasama ka? Nandito lang ako sa ospital na ito, hanggang mamatay ako. Yung mga kaibigan ko nga ni hindi na ako maalala, siguro kapag namatay na ako doon lang nila ako maiisipang dalawin." Litanya ko, kahit ano yatang sabihin ko sa kanya hindi siya naiinis sa'kin dahil nanatiling masigla ang mga titig niya sa'kin.

"Hmm, I am doing this para makilala ka. And besides..." Sandali siyang sumulyap kay Mama bago muling ibalik ang tingin sa'kin. "Mahina ang puso ko sa mga Ina." Bulong niya.

"I saw your Mom at the waiting area, three days ago nung nagpa-bandage ako ng tuhod ko dahil na-injured ako sa soccer. She's crying na para bang wala na siyang ibang mahingian ng tulong." Kwento niya na nagpakirot sa puso ko.

"Lumapit ako sa kanya and bigla nalang niyang sinabing, tulungan ko siya. Mawawala daw ang kaisa-isa niyang anak kung hindi ko siya tutulungan. It was a painful tears na ayokong makikita sa Mama ko. Just so you know I love my mom so much, hindi ko man madalas ipakita iyon pero sa tuwing uuwi ako ng bahay namin, siya ang kauna-unahang hinahanap ng mga mata ko, para bang hindi ako buo kapag hindi ko siya nakikita after a long tiring day." Natatawang kwento niya.

"You may say na pasimpleng Mama's boy ako, but that's fine. Ilang beses ko na nakitang umiyak ang Mama ko dahil sa pagtatanggol niya sa aming magkakapatid sa tuwing pinapangaralan kami ni Dad at yun ang iniiwasan kong dumating sa buhay ko. Ang mapaiyak si Mama dahil sa akin, because that will be the biggest mistake of my life, if that happens." Pagtatapos niya sa kwento. Huminga siya ng malalim saka muli niyang ibinalik ang masiglang ngiti at tinitigan ako.

"Lorraine," Parang may kung ano sa puso ko na nagpagising dahil sa pagtawag niya sa buong pangalan ko. "Please, do this for your mom. I know that your time is running, pero hindi ba dapat maging masaya ka sa mga natitira mo pang panahon? Mas okay kung ang babaunin mong alaala ay puro kasiyahan lang." Pakiusap niya sa akin, napapitlag ako nang marahan niyang hawakan ang kamay ko saka ibinigay sa akin ang maliit na notebook at ballpen.

"Hinintay lang kitang magising, uuwi na rin ako dahil hanggang alas dos lang ang paalam ko kay Mama." Ngisi niya, "Babalik ako bukas, pero gusto ko pagbalik ko may masimulan na tayo sa mga isusulat mo d'yan. You're not facing this alone Lorraine; we will get through this togther. You are strong." Paalala niya, kinuha niya ang bag saka tumayo at naglakad palabas, sumaludo pa siya sa akin bago tuluyang isara ang pinto ng ward.

Hindi ko alam pero isang magaan na ngiti ang pinakawalan ko habang pinagmamasdan ang notebook na pinahawak niya sa'kin. Binuklat ko iyon at kahit pa nanghihina ay sinimulan ko ang pagsusulat doon.

Things to do before I die...
1. Get a tattoo
2. To play soccer again
3. Visit outer space with Mama
4. Send a message in a bottle
5. Feel beautiful again
6. Stop being so afraid and start living instead
7. Visit my grave

Umalis si Troy matapos niyang basahin ang sinulat ko sa maliit na notebook, may pupuntahan lang daw siya sandali at babalik rin kaagad. Hindi ko maipaliwanag ang saya sa mga mata niya kanina nang malaman niyang nagsulat nga ako ng mga gusto kong gawin. Panay naman ang ngiti ko ngayon dahil may mga bagay pa pala akong gustong magawa kahit pa alam kong bilang nalang ang natitirang araw ko.

Habang isinusulat ang mga gusto kong gawin ay nakapag-isip isip ako. He is right, God is giving me some time to spend it with Mama at para magawa ko pa ang mga gusto ko at maging masaya. Who cares about leukemia? Sakit lang siya, si Lorraine ako. Hindi naman dahilan iyon para matapos ang kasiyahan ko.

"Masayang masaya ako ngayon dahil maganda ang gising mo." Puna ni Mama matapos ilapag sa harap ko ang mansanas na hiniwa niya. Kumuha ako no'n at ngumuya. "Ma, gusto mo ba pumunta sa outer space kasama ako?" Ngisi ko kahit hinang-hina pa rin ako ay pinipilit kong maging malakas. Napansin ko ang pagkinang ng mata ni Mama, hinila niya ang upuan sa gilid ng kama ko at inayos niya ang dextrose ko upang makaupo siya.

"Kahit saan anak, basta kasama kita." Ngiti niya sa akin, masakit para sa akin na makita ang lungkot sa mga mata ni Mama dahil mas sanay akong palagi siyang masaya lalo na kapag nakikita niyang masaya din ako. "Ma, gumawa ulit kayo ni Papa ng anak ha? Gusto ko ng kapatid." Biro ko na nagpangisi kay Mama, nasa Saudi si Papa at doon nagtatrabaho para may ipangtustos sa pagpapa-gamot ko.

"Ilang taon na kami ni Papa mo anak, kakayanin pa ba namin?" Biro niya, tumawa ako. "Kaya pa yan!" Sagot ko at napuno ng tawanan ang buong ward pero ilang sandali ay napatigil kami dahil bumukas ang pinto.

"Mukhang nagkakasayahan kayo ah!" Dumating na ulit si Troy at may dala-dala siyang plastic bag, inayos ko ang aking bonnet saka humarap sa kanya.

"Ano 'yang dala-dala mo?" Usisa ko, umupo siya doon sa paanan ng kama ko at inilaglag sa bed ang laman ng plastic. Nanlaki ang mata ko at unti-unti akong napangiti. "Are you kidding me?" Halakhak ko.

"Gawin natin ang unang nasa bucket list mo. Get a tattoo!" Sambit niya at umastang macho pa dahil nag-flex siya ng biceps niya. Inirapan ko siya dahil sa kayabangan niya. Nakasabog ngayon sa kama ang mga temporary tattoo na binili niya.

Madali siyang tumayo at nagsalin siya ng tubig sa isang baso saka bumalik sa tabi ko, si Mama naman ay napapailing sa aming dalawa. "Ilang tattoo ba ang gusto mo? Medyo masakit ito ha?" Panunuya niya saka hinawakan niya ang braso ko at hinimas himas pa iyon na para bang pinapakalma niya. Sandali kong nakita ang pag-aalala sa kanyang mata nang mapansin niya ang mga pasa doon, pero mabilis siyang bumawi at nginitian ako upang tabunan ang pag-aalala na iyon.

"Huwag mong sakitan ha?" Panggagatong ko sa kalokohan niya, nagtaas siya ng tingin sa akin at kumindat. "I'll be gentle..." Bulong niya, narinig kong tumikhim si Mama kaya naman nagtawanan kami.

Nakakatawa dahil puro pambata ang dala niyang temporary tattoos, may mga cartoon characters pa doon. Ang una niyang nilagay sa braso ko ay si Wonder Woman, "Ikaw rin," Sambit ko saka dinampot ko ang rainbow na temporary tattoo saka umusod ako palapit sa kanya.

Napapitlag siya nang hawakan ko ang kamay niya, titig na titig siya sa akin ngayon at kahit na alam kong hindi kagandahan ang itsura ko ngayon ay binigay ko ang pinaka maganda kong ngiti sa kanya.

"Thank you, Troy..." Bulong ko saka sinimulan kong ilagay ang temporary tattoo doon sa pala pulsuhan niya sa kaliwa. "You're going to remember me as a rainbow, Troy, kapag nawala na ako, dahil naging makulay ulit ang tingin ko sa buhay simula nang ipa-realized mo sa akin na hindi ako dapat maging mahina sa mga panahon na 'to."

Ginantihan niya ako ng isang matamis na ngiti at naramdaman ko ang pagpisil niya sa kamay ko. Ilang minuto pa ang lumipas ay pinuno namin ng tattoo ang mga braso namin, maging si Mama nga ay nakisali na sa amin. Sobrang sarap sa tenga ko ng halakhak nilang dalawa habang pinagmamasdan ko ang kinang sa kanilang mata, isa iyon sa babaunin ko kapag nawala na ako sa mundong ito.

Lumipas ang mga araw at nararamdaman kong unti-unti na akong pinagtataksilan ng katawan ko, matinding pagkahilo at para akong nauupos na kandila sa tuwing mag che-chemotherapy ako. Hindi ko na nga alam kung nakakatulong pa ba iyon sa kalagayan ko dahil ramdam kong wala na talaga.

Nakasandal ang likod ko sa matipunong dibdib ni Troy habang hawak hawak niya ang dalawang kamay ko at kino-contol ang wireless controller ng PS4. "Eto ba ang sinasabi mong maglalaro tayo ng soccer?" Nanghihinang bulong ko, nakatalikod man ako ngayon sa kanya kita ko naman ang repleksyon ng mukha niya doon sa salamin na katabi ng flat screen na TV.

"At least natupad natin ang pangalawang nasa bucket list mo." Masiglang aniya, ngumiti na lang ako at hinayaan ko siyang gamitin ang mga kamay ko sa paglalaro ng soccer sa PS4. Alam kong ilang araw din ang nasayang namin dahil ilang araw din akong hindi makabangon sa higaan ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na sa akin niya inilalaan ang summer vacation niya kahit na kailan pa lamang niya ako nakilala. Kung noon ay mag-isa lang si Mama na nag-aalaga sa akin dito sa ospital, ngayon ay dalawa na sila. Napatingin ako doon sa kaliwang pulso ni Troy at ngumiti, matapos ko kasing lagyan ng temporary tattoo na rainbow iyon ay tumungo daw siya sa totoong tattoo artist at pinatattoo ng totoo ang nilagay ko para daw palagi niya akong kasama kahit saan siya magpunta.

Nakaawang ng kaunti ang pinto kaya naman naririnig ko ang pinag uusapan nila Mama, Troy at ng Doctor. Tumulo ang luha ko dahil narinig ko ang hikbi ni Mama, lumingon ako sa pinto at kita ko sa maliit na siwang nito ang pagyakap ni Troy kay Mama habang umiiyak ito at nagmamakaawa sa Diyos na bigyan pa ako ng mahabang buhay at panahon. Hinigpitan ko ang kapit sa rosaryong hawak ko. "I am always ready to be with you again God, pero sana ay huwag niyo pong pababayaan si Mama at Papa sa muling pagbabalik ko sa inyo. Patawarin niyo po ako sa lahat ng kasalanan ko." Alam kong darating ang panahon na lahat ng tao ay babalik sa Diyos, dahil una sa lahat ang buhay ng tao ay isang hiram lamang upang subukan kung gaano katibay ang pananampalataya natin sa kanya.

"Teka, gabi na, baka makita tayo ng mga nurse." Suway ko kay Troy matapos niya akong iupo sa wheelchair. "Wala ka bang tiwala sa akin?" Ngisi niya saka isinuot niya sa paa ko ang tsinelas, hinubad niya rin ang suot niyang jacket at ibinalot sa akin iyon. Naamoy ko ang mabangong perfume niya na kumapit doon sa jacket. Sandali pa siyang sumilip-silip sa labas saka maingat niyang itinulak ang wheelchair ko at pumasok kami sa elevator pagkatapos ay nakita kong paakyat kami ng rooftop.

Nang makarating kami sa rooftop ay kaagad napansin ng mga mata ko ang isang malaking tent doon sa gilid. Inilibot ko pa ang mata ko at may nakita akong isang malaking salamin doon.

Itinulak niya ang wheelchair palapit doon sa salamin dahilan upang makita ko ang buong itsura ko. Tinignan ko siya doon sa salamin at hinayaan ko siyang tanggalin ang suot kong bonnet. Wala na akong buhok at sobrang payat saka putla ko na, hindi na kaaya-aya ang itsura ko. Pumunta siya sa harapan ko at lumuhod.

"I don't know kung bakit naisulat mo sa bucket list mo na, you want to feel beautiful again." Simula niya, ilang linggo palang naman kaming magkakilala ni Troy pero bakit sobrang gaan ng pakiramdam ko sa taong ito. "Hindi na ako maganda, Troy, kung dati mahaba at makintab ang buhok ko. Ngayon wala na akong buhok, ang dating makinis at maputing balat ko, ngayon ay maputla at punong-puno na ng mga pasa. Noon sexy daw ako... pero ngayon buto't balat na ako." Ramdam ko ang pagkatuyo ng labi ko at ang panghihina ng katawan ko.

Hinawakan niya ang kamay ko saka marahan na pinisil iyon. "You're still beautiful Lorraine. Para sa akin at kay Tita, nananatili kang maganda sa mga mata namin." Pagpapalakas niya sa loob ko, isang malungkot na ngiti ang ibinigay ko sa kanya.

"You're just saying that Troy, kasi... mawawala na ako." Nakita ko ang panginginig ng mga mata niya at mas lalong humigpit ang kapit niya sa kamay ko. "Come on Lorraine, beauty is not just about how you look. Pansamantala lang naman ang kaanyuan ng bawat tao, pero lagi mong tandaan na ito..." Hinawakan niya ang kaliwang bahagi ng dibdib ko dahilan upang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Itong puso mo, tumigil man sa pagtibok iyan pero mananatili 'yang maganda hanggang sa kabilang buhay." Patuloy niya, naramdaman kong tumulo ang luha ko na siyang mabilis naman niyang pinunasan. "Wala na ang maganda mong buhok?" Tanong niya, itinaas niya ang kamay ko at pinahawak sa akin ang suot niyang sombrero. Dahan-dahan kong tinanggal iyon at napasinghap ako nang matanggal ko iyon ay wala na rin ang kanyang buhok na madalas kong paglaruan noong nakaraang araw.

"Gwapo pa rin naman ako diba? Kahit kalbo na ako." Pagbibiro niya, hindi nakatakas sa mga mata niya ang pag-ngisi ko. "At syempre, maganda ka pa rin naman kahit kalbo ka na." Pagpapagaan niya sa kalooban ko.

"Always remember that you are beautiful, and nobody has the right to make you feel like you're not Lorraine, hindi ang leukemia, hindi ang kahit na sino. You are so damn beautiful, to the point na pakiramdam ko nasasayang ang oras ko kapag hindi kita natititigan." Litanya niya na nagpatawa sa akin, hinalikan niya ang ibabaw ng kamay ko habang ang dalawang mata niya ay nangungusap.

"Thank you, Troy..." Bulong ko at walang pasabi ko siyang niyakap ng mahigpit na mabilis naman niyang tinanggap. "I love you, Lorraine..." Dinig kong bulong niya na mas lalong nagpabilis sa tibok ng puso ko.

"I know you're tired, pero kung kaya mo pa sana... lumaban ka." Hiling niya sa akin, mas lalong nag unahang tumulo ang luha ko at imbis na sagutin ko siya ay mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya.

"Mama?" Pagtataka ko nang makita ko si Mama sa loob ng tent, isang masiglang ngiti ang ibinigay niya sa akin. Tinulungan ako ni Troy na tumayo at inalalayan niya akong makapasok sa loob ng tent. Napaawang ang bibig ko nang mapansin kong punong puno ng glow in the dark na stars ang buong loob ng tent at nakasabit din doon ang iba't ibang planeta. Tumawa ako dahil naalala kong isinulat ko doon sa maliit na notebook na gusto kong makita ang outer space kasama si Mama.

"Your wish is my command." Ani Troy sabay kindat sa akin, inayos niya ang kumot sa binti namin ni Mama at maging ang unan na sasandalan namin ay sinigurado niyang nakaayos. Binuksan din niya ang mga tupperwares doon na may lamang mga prutas at ilang snacks na alam ko namang bawal sa akin.

Lumabas siya at ilang sandali pa ay namatay ang ilaw sa loob ng tent at laking gulat ko nang biglang may projector na bumukas saka isang palabas about sa outer space ang bumungad sa amin ni Mama, nagkatawanan nalang kaming dalawa.

"Enjoy your date." Ngiti niya sa amin ni Mama. "Thank you, Troy." Ani Mama sabay yumakap sa akin, nakita naman ng mga mata ko na pumunta siya doon sa isang gilid ng rooftop at nakapamulsang pinagmamasdan ang mga bituin sa langit. Napaka swerte ko dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na makilala ang isang katulad niya kahit sa sandaling panahon lamang.

"Ma, ang gwapo ni Troy ano?" Biglang bulong ko, narinig kong ngumisi si Mama at mas hinigpitan ang yakap sa akin habang pinapanood namin ang mga gumagalaw na bituin mula doon sa projector.

"Oo naman, bagay nga kayo." Panunuya niya sa akin, "Mama naman... alam mo namang hindi pwede." Bulong ko, huminga ng malalim si Mama saka pinagsalikop ang kamay naming dalawa.

"Alam mo bang pangarap ko na makita kang ikasal sa isang mabuting lalaki at nakikita ko kay Troy ang katangian na iyon." Ani Mama, "Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na gagaling ka anak, naniniwala akong makikita ko ang pangarap na iyon." Pagpapalakas ni Mama sa loob ko.

"Alam naman nating wala na, Ma..." Naramdaman ko ang luha ni Mama na tumulo sa balikat ko. "Anak naman, ngayon ka pa ba susuko? Ang layo na ng nilaban natin." Pakiusap ni Mama.

"Pagod na ako, Ma..." Bulong ko na mas lalong nagpahigpit nang yakap niya sa akin dahilan upang mas maramdaman ko ang hikbing pinipigilan niyang kumawala.

Ang marinig ang pag-iyak ni Mama ang isa sa pinakamasakit na pakiramdam na naranasan ko sa buhay ko. The kind of pain that I wish no one would have to go through, lalo na ni Troy. Dahil alam ko kung gaano niya kamahal ang Mama niya, gaya ng sabi niya it will be the biggest mistake of his life kung sakali mang mangyari iyon. Ganoon rin sa akin ngayon. I know, I am not a perfect daughter, but I pray to you Lord God, please comfort my Mama and Papa and give them the happiness that they deserve kahit wala na ako.

"Anak, makinig nalang tayo sa Doctor, okay?" Pakiusap sa akin ni Mama ngayon na nagpupumilit ako na lumabas ng ospital. Tinignan ko si Troy, kitang kita ko ang pagod sa kanyang mukha pero pilit niyang itinatago sa akin iyon. Ganoon rin si Mama na nangangayat na kakaalaga sa akin.


"Ma, Troy, nasa bucket list ko na gusto kong bisitahin ang paglilibingan ko." Matigas na sambit ko na talaga namang tinututulan nilang dalawa. "Anak, walang ililibing!!" Galit na bulyaw ni Mama kasabay ng paghikbi niya.

"Hanggang ngayon ba naman, Ma? Umaasa ka pa rin? Pagod na pagod na ako, gusto ko nang magpahinga..." Mabagal na ang pagsasalita ko pero kinakaya kong medyo lakasan iyon para madinig nila. I can't explain how I'm feeling right now, basta ang alam ko pagod na ako. Pagod na pagod na.

"Please..." Pakiusap ko saka inabot ko ang kamay ni Mama at marahang pinisil iyon, hindi na napigilan ni Mama ang paghagulhol sa harap ko. Napansin ko naman ang mabilis na pagpasok ni Troy doon sa bathroom, madalas niyang gawin iyon sa tuwing ganitong hinang-hina na ako.

"Ma... pagbigyan mo na ako." Pakiusap ko.

Yakap-yakap ang mga boteng dala-dala ko na naglalaman ng sulat ko para kay Mama, Papa at Troy ay nagawa kong mapilit sila na magpunta sa lugar kung saan ako ililibing. Malakas ang hampas ng hangin sa aking balat at para bang napaka sarap no'n sa aking pakiramdam. Nagpaiwan si Mama sa ospital dahil ayaw daw niyang makita ang lugar na ito, kahit pa magkasama namin itong binili noong mga panahong malakas pa ako. Yung tipong nagbibiruan pa kami na paunahan kung sino ang mauuna sa aming tatlo nila Papa, pero ang biruan na iyon ay magkakatotoo na ngayon. At ako, ako ang unang magpapatunay sa minsang biruan namin na 'yon.

"Dito niyo ako dadalawin, Troy..." Bulong ko, pinilit kong tumayo mula sa wheelchair at saka naupo doon sa damuhan. Ipinatong ko ang dalawang bote doon sa paglilibingan sa akin, naramdaman kong tumabi sa akin si Troy at itinungo niya ang ulo ko sa dibdib niya saka mahigpit na pinagsalikop niya ang kamay naming dalawa. Ngumiti ako at ipinikit ang aking mga mata upang damahin ang init ng katawan niya.

"Thank you, dahil dumating ka sa buhay ko Troy. Kung hindi dahil sayo, hindi magiging masaya ang mga natitirang panahon ko sa mundong ito." Bulong ko, naramdaman ko ang pagpatak ng luha niya doon sa kamay ko kaya naman hinigpitan ko pa ang kapit sa kanya.

"Don't cry, ayoko 'yan." Pakiusap ko. "Gusto ko, maging masaya kayo ni Mama kahit wala na ako at sana Troy, kahit wala na ako, mapuntahan mo pa rin si Mama ha?" Hiling ko sa kanya.

"Why do you have to do this Lorraine?" Matigas na angil niya sa akin, "Diba sabi ko lumaban ka." Ramdam ko ang galit sa boses niya. "I did, pero... hindi ko na alam kung hanggang saan ko pa kakayanin." Tumingala ako sa kanya at pinagtagpo ko ang mata naming dalawa. Pinunasan ko ang luha niya at halos mapapikit kaming pareho nang piliin kong pagtagpuin ang labi naming dalawa.

"I love you Troy, pangako mamahalin kita hanggang sa kabilang buhay." Bulong ko matapos ko siyang halikan at muli akong tumungo sa balikat niya.

Naramdaman ko ang panginginig ng balikat niya dahil sa hikbing pinipigilan niyang kumawala, "Hayaan mo na muna akong matulog sa dibdib mo, ang sarap sa pakiramdam na ganito ka kalapit sa akin palagi." Mahinang bulong ko.

Marahan kong pinikit ang aking mga mata saka dinama ang masarap na hampas ng hangin habang pinagsasawaan ko ang mabangong amoy ni Troy at ang mainit na pakiramdam na inihahatid ng pagkakasalikop ng kamay naming dalawa, at hinayaan kong lamunin na ako ng panaginip na alam kong wala ng balikan.

Dear Troy,

I know, pagtatawanan mo ako ngayon dahil sa sulat na 'to, dahil nga sabi mo dapat may goodbye letter ako. But who cares? Wala na naman ako kaya okay lang na tawanan mo ako. I just wanna say, thank you for being my savior nung panahong sumusuko na ako sa buhay.

Kung hindi mo ako pinigilan noong araw na 'yon, hindi ko siguro makikita kung gaano kasarap sa pakiramdam ang makitang nakangiti si Mama. Lahat ng sakripisyo niya para sa akin ay hindi ko nakikita noon, puro sarili ko lang kasi ang naiisip ko. Hindi ko man lang naisip na gusto niyang makasama pa ako ng mas matagal. At siguro ay hindi rin ako magkakaroon ng kaibigan na katulad mo. Isa kang napaka-positibong tao na kahit nasa bingit na ako ng kamatayan ay nakukuha pa ring magbiro.

Isa lang ang hindi ko matanggap, ang hirap pala kapag yung taong nakasanayan mong makita na masaya ay makikita mong unti-unti na ring nauubusan ng lakas. Tama na ang iyak Troy, bago mo palang naman akong nakilala.

I can always hear you crying every time na papasok ka sa cr, I can hear you talking and begging to God, to give me more time to spend with you. I can hear everything. Nagpapanggap lang akong walang naririnig. But you know what? I am the happiest girl, simula nang dumating ka sa maikling panahon ng buhay ko.

Tinuruan mo akong maging matatag at lumapit sa Diyos. Tinuruan mo akong maging masaya sa sandaling buhay na ibinigay niya sa akin. You're a blessing to me, if I would have given another chance to live again, I would love to meet and know you once again. And maybe by that time masasabi ko nang pwede na kitang mahalin.

Mahal kita Troy, pero wala akong karapatan na mahalin ka lalo na at alam kong maiiwan lang din naman kitang mag-isa. Sigurado akong napaka-swerte ng babaeng makakasama mo sa pang habang buhay.

I love you, Troy... Please, stay happy and positive kagaya ng lagi mong ipinapakita sa akin. Thank you for spending your summer vacation with me, it was the most beautiful summer vacation that I ever experienced. Thank you for making me feel that I am beautiful kahit na wala na akong buhok.

Thank you, for being a good man. You are the man of my dream. I will always be your angel, hindi ako papayag na mapunta ka sa taong hindi mo naman deserve. Pinapangako kong habang buhay kang magiging masaya kasama ang tao na 'yon.

Isang magandang bahaghari ang ipapakita ko sayo sa panahong kapiling mo na ang babaeng pagkakatiwalaan kong magpapasaya sayo.

Love, Lorraine

Wakas...

Continue Reading

You'll Also Like

26.4K 481 2
(ON HOLD) Rui Leviciano has a high IQ of 150, a remarkable feat that has been observed ever since he was a child. But his depression caused him to sk...
384K 561 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞
226 53 12
[Sun's Place Series No. 1] Rivals academically, Reverie Seraphina Suarez and Icarus Shaun Moreau found themselves in a situation where they can't see...
79.6K 126 45
I don't own this story Credits to the rightful owner 🔞