STASG (Rewritten)

By faithrufo

500K 17.5K 4.6K

Si Tanga at si Gago Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be... More

Unang Kabanata
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Kabanata XXXV
Kabanata XXXVI
Kabanata XXXVII
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
Kabanata XL
Kabanata XLI
Kabanata XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Kabanata XLV
Kabanata XLVI
Kabanata XLVII
Kabanata XLVIII
Kabanata XLIX
Kabanata L
Kabanata LI
Kabanata LII
Kabanata LIII
Kabanata LIV
Kabanata LV
Kabanata LVI
Kabanata LVII
Kabanata LVIII
Kabanata LIX
Kabanata LX
Kabanata LXI
Kabanata LXII
Kabanata LXIII
Kabanata LXIV
Kabanata LXV
Kabanata LXVI
Kabanata LXVII
Kabanata LXVIII
Kabanata LXIX
Kabanata LXX
Kabanata LXXI
Kabanata LXXII
Kabanata LXXIII
Kabanata LXXIV
Huling Kabanata
Epilogue
MIA
Sa Iyong Ngiti

Kabanata XXX

6.8K 245 202
By faithrufo

"Sometimes you put so much into something you realize you left yourself empty"

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

"Jared," gulat na sabi ko. "anong ginagawa mo dito?"

Matapos niyang alisin ang mga patak patak ng ulan sa buhok niya, tinignan niya ako sabay nagkibit balikat. "Gusto ko mag red jeep today."

Tinaasan ko siya ng kilay at medyo binasa ko ang nanunuyo kong labi bago ako tumango. Ayokong isipin na nandito siya para samahan ako. Dahil kung ganun, baliw siya. Plano ko pa naman mag emote dito, idikit 'yung mukha ko sa malamig na bakal na hawakan ta's lunurin ang sarili ko ng mga nakakalungkot na imahinasyon.

Pero wala e, andito si Jared. Ayokong makita niya akong magmukhang tanga.

"Do you mind?" bigla niya nalamang sabi kaya naman agad akong naibalik sa realidad.

"Huh?"

Itinuro niya 'yung bakanteng pwesto sa tabi ko. "Okay lang?"

Nangunot ang noo ko, "Oo naman." Napangiti siya sa sagot ko at agad na lumipat sa may tabi ko. Sinimangutan ko siya at parang medyo natatawa pa ako, "Paalam paalam pa, hindi naman sakin 'tong jeep."

"I was just making sure," sagot niya. "baka kasi gusto mong maging isa."

"Mapag isa hindi maging isa."

"Oh..."

Natawa ako at napailing na lamang. Tumingin na ako sa may labas at pinanood ang ulan. May kakaibang kaba akong nararamdaman sa dibdib ko at kahit anong gawin ko, hindi 'to mawala wala. Matatapos na ba agad agad ang kung anong meron samin ni Asher? Ayoko pa... kung may gusto na siyang iba, tatanggapin ko. Hindi matitigil ang pagkakaibigan namin. Hindi pwede.. ayoko.

May naramdaman akong luha na lumabas sa gilid ng mata ko at agad ko 'tong pinunasan. Pinunasan ko na din ang buong mukha ko para hindi mahalata ng katabi ko na luha ang pinunasan ko.

Naramdaman ko ang daliri niya sa may balikat ko. Kinalabit niya ako kaya naman nilingon ko siya at nakitang may iniaabot siyang earphone saakin.

Tinanggap ko 'to sakanya at isinuot sa kanan kong tenga, isinuot niya naman 'yung isa sa kaliwa niya. Bumalik na ako sa pagtingin sa labas at hindi nagtanggal, narinig ko na ang pag strum ng gitara.

"Breathe deep, breathe clear. Know that I'm here... know that I'm here waiting"

Napapikit ako at napa buntong hininga. Nakaka relax ang kanta, bagay na bagay sa tunog ng ulan at kahit papaano, parang medyo gumaan ang pakiramdam ko.

"Stay strong, stay gold. You don't have to fear.. you don't have to fear waiting"

Sumulyap ako kay Jared at nakitang isinandal niya na ang ulo niya sa haligi ng jeep at nakapikit na ang mga mata. Ngayon ko lang tuluyan na narealize na may pagka kulot pala ang dulo ng buhok niya. Basa 'to ay may mangilan ngilan pang tubig ang tumutulo papunta sa pisngi niya. Gustong gusto ko talaga ang nunal ng lalaking 'to, saktong sakto sa may dimple niya.

"How could a heart like yours ever love a heart like mine? How could I live before? How could I have been so blind?"

Nagulat ako nang bigla niyang ibinukas ang isa niyang mata sabay iginilid ang ulo para matignan ako. Kitang kita din ang pagka bigla niya nang marealize niyang nakatingin pala ako sakanya.

"A-Ah.. ano title?"

Nangunot ang noo niya, hindi dahil naiinis siya o galit kundi dahil nag iisip siya. Bumalik siya sa pwesto niya at pumikit ulit bago niya binasa 'yung labi niya at lumunok. Pinanood ko ang pag galaw ng adam's apple niya bago ako natulala sa mga ugat niya sa leeg.

"Heart like yours," sagot niya.

Heart like yours, pag ulit ko sa isip ko. Papakinggan ko ulit 'to mamaya pag uwi ko ng bahay.

Ipinatong ko ang kamay ko sa tuhod ni Jared. "Thank you, Jared" mahinang sabi ko sakanya habang nakayuko.

Nahigit ko ang hininga ko nang hawakan niya ang kamay ko. 'Yung mainit niyang palad ay bumalot sa malamig at nanginginig kong kamay.

"You're always welcome Adrianna," humigpit ang hawak niya. "always."

• • • • • • • • • •

Bukas na ang first preliminary exam at nakaupo ako sa may foam sa sahig ng kwarto ni Asher at Kuya Griffin, paulit ulit na binabasa ang libro ko sa Araling Panlipunan.

Naramdaman ko kaagad ang init ng katawan ni Asher nang umupo siya sa may tabi ko at ibinalot ang braso niya sa may baywang ko.

"Hi," bati niya pagka patong niya ng baba niya sa may balikat ko.

Hindi ko sa nilingon, busy-ing binabasa ang libro. "Hello," wala sa sariling bati ko. Medyo siniko ko siya sa tyan kaya naman lumayo siya at humiga na lamang. Agad ko namang ginawang unan ang tyan niya, hawak hawak parin ang libro. Naramdaman ko ang kamay niya sa tuktok ng ulo ko, pinaglalaruan ang buhok ko.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang maisip ko na ito na ang tamang oras para magtanong. Wala naman sigurong masama kung magtanong ako diba?

"Ash ano meron sainyo ni Hannah?"

"Nino?"

"Ni Hannah."

"Hannah?" tanong niya na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. "Wala ah, pinagsasabi mo dyan." Tinampal niya pa ang noo ko.

Ngumuso ako, "Defensive."

"Hindi ako defensive," sagot niya. "wala talagang meron."

"Bakit pala napagkamalan mong si Kei si Hannah?"

"Kinukulit kasi ako," aniya. "tawag ng tawag nakakaburat. Kaya nung tumawag si Kei, kala ko siya nanaman."

Napasimangot ako at napatingin sakanya. Ibinaba ko na din ang libro ko. "Bakit kasi binigay mo number mo?"

"Hindi ko binigay," aniya. "hindi ko nga din alam pano niya nakuha number ko e. Stalker."

"Creepy naman nun."

"Oo nga e."

Bigla ko nalang naramdaman ang panghihinayang sa mga araw na nagmukmok ako. Wala lang naman pala.

Hay nako Hannah, layuan mo nga Asher ko.

"Wag mo isipin 'yun," aniya habang hinahaplos ang buhok ko. "mas maganda ka pa dun. Tsaka... alam mo bang gustong gusto talaga kita?"

• • • • • • • • • •

"Wala naman daw," pakukwento sa mga bestfriend kong babae habang kumakain ng cracklings. "naiirita nga daw siya dun e."

"Ano bang itsura nun?" tanong ni Tris. "Maganda?"

"Maputi," sagot ko. "chinita."

"Maputi lang?" taas kilay na tanong ni Tris bago sumipsip sa inumin niya.

Kinalabit ko si Jared na nasa may likod ko lang kaya naman naputol ang sinasabi niya kay Angelo at nilingon niya ako. Hiniram ko 'yung phone niya dahil siya lang naman ang nag iisang may internet saamin at hinanap kaagad ang account ni Hannah sa facebook.

"Eto siya oh," sabi ko nang mahanap ko na sabay iniabot kay Ethel ang phone ni Jared.

Agad na nagkumpulan sina Kei para tignan ang mga pictures ni Hannah at ako naman ay itinuloy nalang ang pagkain sa chichirya ko habang binabasa ang ibang notes ko sa Physics.

"Ang shet ang ganda niya."

Napatigil ako sa pag nguya dahil sa sinabi ni Ethel at agad na napatingin ulit sakanila. Hindi pa nila napansin na nakatitig na pala ako dahil masyadong silang busy na tignan ang iba pang pictures ni Hannah sa mga photoshoot niya.

"Teka," ani Kei. "si Kiko 'yan diba?"

"Oo," sagot ko. "magka trabaho sila. Kaya na kilala ni Asher si Hannah."

"May past sila?" tanong ni Kei at umiling iling lamang ako.

"May instagram ba 'to?" tanong naman ni Ethel at nagkibit balikat lamang ako.

"Akin na," ngisi ngising ani Tris. "hanapin natin."

"Ayan, stalker 'yan" kumento ko kaya naman napatawa sila.

Pinabayaan ko lang sila. Maya maya din naman magb-bell na at magsisimula na ulit ang exam. Mabuti nalang at half day kami ngayon. Pinaplano ng barkada na pumunta ng seafront mamaya.

Wala pang halos tatlong minuto ay nahanap na ni Beatrice ang instagram ni Hannah. Gusto ko makitingin pero baka mainis lang ako.

"Bes, dapat nagsusuot ka din ng ganito oh" iniharap ni Ethel 'yung phone saakin at nakita ko ang picture ni Hannah na naka low cut na sando at nakikita ng kaunti ang cleavage niya. "Ta's mag make-up ka din. Diba? Para kabog mo siya."

Sumimangot ako, ang kapit ko sa ballpen na hawak ko ay pakonti konting humihigpit. "Ayoko nga."

"Ang daming nag c-comment sa pictures niyaーwait. Ibalik mo nga." Nagtatakang napatingin ako sakanila at nakitang mas lumapit sila sa screen, nakakunot ang mga noo. "Si Asher 'to diba?"

Napa upo ako ng diretso, "Saan?" nakasimangot na tanong ko. "Kasama niya sa picture?"

"Hindi," sagot naman ni Kei. "may comment si Asher sa isang picture ni Hannah. 14 hours ago."

Hinablot ko 'yung phone sa kamay ni Ethel. Muntik ko pa 'tong mabitawan. Sabay tinignan ko 'yung comment ni Asher at nahulog ang puso ko. Isang heart eyed emoji tapos 'yung naka smirk na emoji.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at walang sinabi. Ibinalik ko nalang 'yung phone kina Ethel.

"Eto pa oh, nung isang araw tapos last week.. akala ko ba ayaw niya dito sa babaeng 'to?" tanong ni Ethel.

Hindi ko sila tinignan at nagkibit balikat lamang ako. "Ayun ang sabi niya sakin."

"Naniwala ka naman?" ani Tris bago ako irapan. "Ganito kagandang babae? Ayaw niya?"

Shut up. Shut up. Shut up.

"Ewan ko."

"Nako Aids, kausapin mo dapat yan" sabi sakin ni Kei.

"Hindi," ngumuso ako. Pinipigilan ang mga luhang nagbabandyang tumulo. "bakit pa? Hindi naman kami e."

"Pero diba sabi niya sa'yo gustong gusto ka niya?"

"Oh? Ano naman? Kayo na nga nagsabi, maganda si Hannah. Mas gusto siya ni Asher."

Hinampas ako ni Tris sa balikat "Ine-etchos ka lang namin! Mas maganda ka sakanya noh!"

"Oo nga, kailangan mo lang mag ayos ng konti" pag sang ayon naman ni Kei.

So kailangan ko pa mag bago para lang mas magustuhan niya ako?

Ibinaba na ni Ethel 'yung phone at nagsalumbaba, "Kung ako sa'yo, kakausapin ko na si Asher."

At ayon nga ang ginawa ko.

Nasa sea front kami nang maisipan kong i-text si Asher. May kung anong mabigat sa dibdib ko at medyo nahihirapan akong huminga. Medyo nanginginig pa ang mga daliri ko habang nag ti-text ng nobela.

To: Asher <3

Ash, gusto ko diretsuhin mo na ako. Ano ba talaga tayo? Ano ba ako sa'yo? Ayoko na ng bullshit. Gustong gusto kita, mababaliw na ako. Ano ba talagang meron sainyo ni Hannah? 'Yung totoo Asher please 'wag ka na magsinungaling sakin. Nahuhulog na ako sa'yo ng sobra sobra at natatakot ako. Pagod na din ako sa mga pangungulit nina Ethel sakin, palagi nilang sinasabi na tanungin ko 'to, gawin ko 'to.. ayoko na. Kaya 'wag ka sanang mabadtrip dahil sa text na 'to. I like you Asher. I like you a lot.

Sent 2:37pm

Pinanood ko ang mga kaibigan ko na masayang naglalaro at nagkukulitan sa may buhangin. Mabuti nalang at nagsuot ako ng jacket ngayon dahil medyo mahangin. Pero kahit ganun, nanginginig parin ako at kahit anong gawin ko ayaw matigil. Kinakabahan ako. Anong isasagot ni Asher?

Halos isang oras na ang nakalipas nang mag vibrate ang cellphone ko. Kumalampag ang puso ko nang makita kong kay Asher galing ang text.

From: Asher <3

Totoo 'yung sinabi ko na walang meron samin ni Hannah. Bakit ba hirap kang paniwalaan? Parang wala kang tiwala sakin. Nagagandahan ako sakanya oo pero hanggang dun lang 'yun. Tsaka anong mga sinasabi nila Ethel? Lahat ba 'yun plano nila? Parang bigla nalang walang totoo sa lahat ng pinagsamahan natin. Gusto kita Adrian, pero hindi ganun sa way na gusto mo. May mga pinagdadaanan din ako ngayon, mas mabuti siguro kung mag iwasan muna tayo. Kailangan ko ng space. Pasensya na.

Received 3:14pm

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 39.3K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...
2.8M 73.9K 127
[Epistolary ◴ Hoops #3] Iniiwasan ni Gil si UAAP basketball star at Blue Eagle Ivan Yape at hindi alam ng mga kaibigan nila kung bakit. Pero habang t...
360K 623 1
Rebel Girls # 5 -- I am giving the proper credits to ate Alli! @alluringli, for the covers of this series. She is amazingly good!
372 77 1
ENCHANTED RENDEZVOUS "It's not your fault if you're a crybaby; the world is just so mean." Armani Calliope, a really shy girl. She tends to hide fro...