"To Be With Them is Enough"

By Nhicheey_20

4.7K 102 174

Nhicheey 🍁🦋🖤 THIS STORY IS ABOUT LOVE AND BETRAYAL INCLUDING THE TRUSTING AND FORGIVING SOMEONE. " To Be W... More

"To Be With Them is Enough"
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29

Chapter 4

98 2 0
By Nhicheey_20


"May tao sa labas"nakapikit at inaantok na sabi ni kuya Yim samin.

Walang tumayo samen at nagtuloy tuloy lang yung pagdoorbell.
Para lang akong pumikit saglet..ang aga naman kase sino ba yun istorbo sa pagtulog namen.

"Puntahan nyo muna yun..inaantok pa ako"dagdag nya kaya ako na ang nagkusang tumayo kesa naman masunog yun kung sino man sya.

Lumabas ako na gulo gulo ang buhok at medyo pumipikit pikit pa.Akala ko talaga makakatulog ako ng mahaba at maayos pero this is not what I want..pag tohh talaga nagtanong lang kung may tinda kameng yelo yarii saken tohh.

"Sino yan"tanong ko habang palabas ng pinto.May lalaking nakatayo dito na may dalang isang malaking maleta at bag sa likod.

Problema nito? Pinalayas ba tohh sa kanila kaya bahay namin ang napili nyang pagtaguan? Tas kapag nalaman na andito sya idedemanda kami ng kidnapping..? Hindi naman siguro noh ayokong makulong.

"Excuse me? Are you still looking for a housemate?"tanong nya saken.Wala naman silang nabanggit saken.Tiningnan ko muna sya mulo ulo hanggang paa dahil baka scammer lang tohh.

"Pasok ka para malaman mo"pilosopong sagot ko sa kanya at pinagbuksan na ito ng gate.

"Ilan kayong andito?"muling tanong nya habang iniikot ang paningin kung saan saan.
Di ko sya sinagot at inaantok kung binuksan ang pinto para sa kanya.

"Maupo ka muna dyan may tatawagin lang ako"bumalik muna ako sa kwarto at padapang humiga kila Kuya James at Yim wala pa akong energy para magsalita.
Narinig ko namang may lumabas sa pinto pero di ko na yun tiningnan dahil baka si Nat lang yun.

"Shiyaa!!Sino ka magnanakaw ka noh!!"sigaw ni Nat sa pinto kaya agad na napabangon yung dalawa kaya ang ending nahulog ako sa sahig.

May magnanakaw ba na uupo muna sa bahay na pagnanakawan nya..ano yun nagpahinga sya..?

"Magnanakaw?!"sigaw nila kuya James at agad na lumabas.Nandito pa rin ako sa sahig di ba nila ako napansin na nahulog mga impakto na tohh.

"Sya yung tao sa labas"sagot ko sa kanila agad naman silang tumingin saken.

"Bakit di mo sinabi agad"reklamo nila at tuluyan ng lumabas.

Istorbo kayong lahat sa pagtulog ko.

Ilang minuto lang ang pinalagpas ko at kahit labag man sa loob ko ay bumangon na rin ako.Bago ako lumabas ay nagligpit muna ako ng hinigaan namin nakakahiya naman kase baka makita ng bisita namin biglang magbago isip at sa iba pa magrenta.

Para akong zombie dito na naglalakad palabas dahil tamad na tamad pa ang katawan ko na maglakad.

"You can choose your room now and maghahanda lang kami ng makakain"yarii na ata sila mag usap tungkol sa magiging pagsstay nya dito.

"Gusto ko sana sa taas yung magiging kwarto ko"suhestiyon nya samen at buti na lang may dalawa pang bakante na kwarto dun.

"Marunong ka naman pala magtagalog pinahirapan mo pa kame kanina"reklamo ni Nat sa kanya.

Inaya ko na sya sa taas para makita at makapili sya ng room na gusto nya.Mukha naman syang mabait..gwapoo den saka parang makakasundo mo naman sa ibang bagay.
Nang makapili na sya ay tinulungan ko syang maipasok sa loob yung mga gamit nya.

"Ano nga pala pangalan mo?"tanong nya habang nilalabas yung mga gamit nya at maayos na nilalagay sa kama nya.

"Totoong pangalan ko ay Nunew pero tawag nila saken dito ay Nhuu pero ikaw na bahala kung anong gusto mo itawag saken..ikaw anong pangalan mo?"balik na tanong ko sa kanya.

"Tutor na lang itawag nyo saken btw andami nyo na pala dito noh?" sabi nya habang pinagmamasdan ko sya sa may pinto.

"Masaya kaya kapag marami kayo sa isang bahay.Pagkatapos mo mag ayos dyan bumaba kana para makakain na tayo lahat saka wag kang mahihiya samen kase simula ngayon di ka na iba samen.I hope we get to know more each other soon" ngiting tugon ko sa kanya at tumango naman ito saken.

Bumaba na rin ako para makaligo at makatulong sa paghahanda ng pagkain mamaya.Sana makapag adjust sya agad dito sa bahay para wala kaming masyadong maging problema.

Aaminin ko na nagulat ako sa bagong makakasama nila dito sa bahay pero mas okay na nga siguro yun dahil malapit na akong umalis may papalit na saken dito kasama sila.

_Fast Forward_

Pagkatapos ko makaligo ay dumiretso agad ako sa kusina at tumulong sa paghahanda ng lamesa at mga pagkain.Ikling oras lang pala ng tulog namin apat kaya maya't maya humihikab si kuya Yim at James habang nagluluto kanina pagbaba ko bago maligo.

"Kuya Yim sa tingin mo ba makakasundo din natin sya"tanong ni Nat sa kanya.

"Siguro..mukha namang madali syang pakisamahan" sagot naman nya habang nagseselpon.

Narinig ko naman na may pababa siguro si Tutor na yun.Ready na akong mag interview HAHAHA sisiguraduhin ko na hindi sya maboboring dito.

"Walang pasok dalawang linggo Nhuu san punta mo nun" kapag talaga walang pasok di nakakalimutan ni Nat eh daig pa yung mga elementary sa sobrang saya.Mabilis lang kaya yung dalawang linggo dapat ginawa na nilang isang buwan.

"Wala pa akong plano gusto ko muna kumain dahil gutom na ako" walang ganang sagot ko sa kanya at hinila na sya sa hapagkainan.Nakatingin lang silang tatlo samen hinihintay pala nila kami.

Zee's POV

Now I know anong rason nya bakit dalawang linggo ang hiningi nya samen bago tuluyang sumama saken.Dalawang linggo palang walang pasok yung school na pinapasukan nya at papasukan ko..natatagalan ako kahit alam ko na mabilis lang yun.

"Akala ko magtatagal pa kayo dun uuwi din pala kayo agad" kausap ko si Max nasa airport na daw sila.Kahit kelan ang gulo kausap nitong mag kapatid na tohh.

"Surprise sana kaso naaalala ni Tom na ayaw mo pala sa mga ganon"nang aasar na sagot nya sa kabilang linya kaya pinatayan ko na din sya.Mas lalong nakakabwiset kapag dumating na dito yun.

Nunew's POV

"So mas matanda ka din pala samen ni Nat edi dapat kuya din tawag namen sayo?"matanda lang sya ng isang taon kay kuya Yim at dalawa naman kay kuya James.

"Just Tutor is okay for me but you can call me what you want" mahinhin nyang sabi.Tanggal yang hinhin mo na yan kapag nakaclose mo pa kame.

"Wala naman kaming masyadong rules dito dahil ikaw pa lang unang makakasama namin dito.Alam mo naman siguro yung mga kadalasang gawain sa bahay diba? Tulungan ang lahat dito kaya wala ka dapat ipag alala madali lang kaming pakisamahan dito"singit ni kuya Yim samen.

"I promise that I will be good housemate"nakatitig na sagot ni Tutor sa kanya.

"Ehemmm"pekeng ubo ni kuya James kaya napatingin si kuya Yim at inabutan ng tubig.

"Magpatingin kana sa doctor mamaya may sakit kana mahawaan mo pa kami"

"Napakaseryoso mo naman..doctor agad di ba pwedeng nabulunan lang" sagot naman nya na nagpatawa samen.Paladesisyon kase si kuya Yim yan tuloy nasungitan ka.

Nagkwentuhan lang kame hanggang sa makayari kaming kumain lahat.Mukhang hindi naman kami mahihirapan na makasama si Tutor sa bahay.

"Hello? Ikaw na bahala sa mga dapat pirmahan dyan sa office masama kase pakiramdam ko ngayon di ako makakapasok"galing talaga aacting ni kuya James wag lang makapasok.

"Nhuu tumatawag si Zee sasagutin ko ba?"pinakita nya saken yung selpon at si Zee nga.

"Bakit hindi sa selpon mo tumawag wala ba syang number mo?"

"Binlock mo siguro nohh"

Inabot ko yun at pumasok muna sa kwarto bago sagutin.

"Andyan ba si N----"tanong nya akala nya siguro si kuya Yim ang sumagot.

"It's me so what do you want"mabilis kung sagot sa kanya.

"How are you? Nakauwi ba kayo ng ligtas kagabi?"sunod sunod na tanong nya.

"Makakausap mo ba ako ngayon kung may nangyaring masama kagabe?"inis na sagot ko sa kanya.Akala nya siguro nadala nya ako sa pangiti ngiti nya kagabi..galit pa rin ako sa kanya.

"Then good don't forget to send the address to me"bahala syang maghanap kung saan tohh sabing wag na nga ang kulet talaga.

Pinatay ko na ang tawag at lumabas na rin ng kwarto.Nakita ko sila sa sala kaya dun na ako dumiretso nakayari na pala silang magligpit ng pinagkainan namin.

"Anong sabi?"inabot ko kay Yim yung selpon at umupo na rin sa tabi nya.

"Wala nangamusta lang" walang ganang sagot ko.

"So it's like forced marriage even before?"singit na Saad ni Tutor saken habang inaabutan ako ng isang doughnut..nagtataka ko silang tiningnan isa isa bakit alam nya agad ang tungkol dun.Huminto ang tingin ko kay James na may subo pang cupcake sa bibig.

"Nagtatanong kase sya kaya kinwento ko"pagdepensa nya sa sarili nya kaya inirapan ko lang tohh.

"Nung una parang ganun..pero ewan ko ngayon"mahal ko sya pero hindi ko alam kung mahal din ba nya ako.Ayokong ipagsabi agad ang tungkol dun lalo na kay Zee at tanging yung tatlo lang nakakaalam nun.Alam nila ang lahat kaya ganun sila makitungo sa kanya.I may acting and treating him cold and annoyed sometimes but that was just because of my parents.

"Akin nga sabi tohh ano ba!!"

"Dalawa na yung nakain mo kaya akin naman tohh"

"Kahit na nagugutom pa rin ako"

"Isa!Dalawa!Tat--"

"Akin na lang tohh"hablot ko sa doughnut na pinag aagawan nila at mabilis na tumakbo sa taas.

"Kasalanan mo sabing akin na kase!!" rinig kung reklamo ni Kuya James kay Nat narinig ko din na inaawat ni Tutor yung dalawa.

Yim's POV

Pinapanood ko lang yung dalawa dito na nag aasaran habang si Tutor naman ang umaawat dahil may hawak na tinidor yung dalawa.Naramdaman ko namang may nakatingin saken kaya nawala ang paningin ko sa dalawa at nalipat iyon kay Tutor.

"Are you just going to watch them fighting"

"They will stop just wait for it" sagot ko sa kanya at inayos na yung mga unan sa sala na ginamit namin.
Bahala sya bantayan nya yung dalawa dun..kay bago bago lang dito may responsibilidad agad HAHAHA sino ba naman kase di mag aagawan sa dinala nya eh ang sarap yan tuloy parang kasalanan mo pa na bumili ka nun.

Magpapaalam muna ako sa company na magleleave muna ako for 2 weeks pero syempre yayariin ko muna yung mga dapat gawin saka wala naman masyadong gagawin at aasikasuhin.

Kahit di nya sabihin samen alam ko na sa mga araw na hiningi nya ay para makasama kami..kapag kase umalis na sya walang kasiguraduhan kung makakasama pa namin sya lagi dahil si Zee na ang lagi nyang makakasama.

____________

Nunew's POV

Limang araw na ang nagdaan simula nung dumating si Tutor dito sa bahay and masasabi ko na andali nyang pakisamahan dahil nakikibonding din sya samen at nakikisali sa mga kalokohan na ginagawa namen..sya pa nga ang pasimuno ng inuman nung isang araw dalawang bote lang daw pero halos makawalo na kami kaya hanggang ngayon sakit pa rin ng ulo ko.

"Anong oras ba tayo aalis?"tanong ko sa kanila dahil sasaglit kami ng punta sa bahay.Kukunin namin yung van para magamit ngayong Friday nagplano kase kami na magcamping  bago ako umalis.Akala ko nga hindi papayag si Tutor na sumama dahil baka medyo nahihiya pa rin sya samen o kung ano man pero nung inaya ni kuya Yim pumayag agad sya.

"Maya maya siguro Nhuu para di masyadong mainit"saad ni Nat kaya tinanguan ko sya.

Hindi umepekto yung sakit sakitan ni kuya James nung Sabado kaya pumasok din sya hanggang kahapon may mga importanteng meeting kase na dapat asikasuhin agad.
Nag request na lang din sya ng leave para makasama di naman papayag yun na magpaiwan.

Kinausap na din namin yung nga taong mag aasikaso sa tutuluyan namin para pagdating dun ay yung mga tent na lang ang aayusin.

*Phone Ringing*

"Ano ba yun may ginagawa ako kanina kaya di ko nasagot"saad ni James sa selpon siguro yung kuya nya yun.

" Bakit di mo sinabi saken agad na may camping kayo edi sana nakapagpaalam na ako"reklamo ni kuya Jimz sa kabilang linya.

"Hoy Jimz Wayne as if naman papayagan ka kung makareklamo ka dyan akala mo naman talaga isasama ka namin"

"Hoy James Wayne baka nakakalimutan mo na ako ang kuya mo kaya wag mo akong ginaganyan isumbong kita kila Dad makita mo!!"

"Ano bang pinaglalaban mo hindi ka din naman papayagan"

"Kuya Jimz kapag pwede ka sunod ka na lang dun sabihin na lang namin yung address..di kaya sunduin ka na lang namin dyan"putol ko sa usapan nila.

"Papaalam ako mamaya para makasama ako"sabi nya at nagpaalam na din kami sa kanya dahil kailangan na namin umalis.

"Dumaan tayo ng mall mamaya bago umuwi para makabili na ng mga kailangan bukas"mahirap na baka wala kaming makain dun dahil sa gubat yun.

"Yeah sure"agad na sagot ni Tutor habang pumapasok sa kotse.

Yung tatlo nagsarili ng sasakyan at kami namang dalawa ni Tutor dito sa kotse ko,sya na ang pinag drive ko dahil baka maaksidente pa kami kung ako ang magdadrive dahil sa sakit ng ulo ko.

_Fast Forward_

Nakarating na kami sa village nakita naman ako ng dalawang guard kaya agad nitong binuksan ang gate papasok.Ilang bahay lang ang nadaanan bago makarating samin.Napansin ko na wala yung mga guard at ibang maid sa labas kaya kami na lang nag bukas ng gate sa bahay.

"Bahay nyo ata ang pinakamalaki sa lahat dito nohh"tanong nya habang nililibot ang paningin sa labas ng bahay.

"Ewan di ko pa naman nasusukat"pilosopong balik ko sa kanya.

"Labas pa lang yan kaya tara na sa loob" singit ni Nat at hinila na tohh papasok.

Bahay nyo?

"Good afternoon po sir Nunew"sunod sunod nilang sabi pagkapasok namin.

"Good afternoon den sa inyo"rinig kung sagot ng mga kasama.

"You're all here,kumusta kayo anak"bati samin ni Dad mula sa sala.

"I need to get something in my room.Hintayin nyo na lang ako dito"paalam ko saglit sa kanila.Kukuha lang ako ilang mga damit na kailangan ko para bukas..andito kasi yung ibang mga damit ko para isang ayos na lang kila kuya Yim at dun na lang ako magpasundo.

Narinig ko naman sila na bumati kila Mom and Dad bago ako makaakyat ang titino nila pakinggan.May nakasalubong akong mga maid na naglilinis dito kaya nginitian ko lang sila at binati din ng magandang hapon.Yung iba sa kanila di ko makilala siguro dahil bago lang sila dito.

Pagkapasok ko sa room agad kung kinuha yung isang bag at dumiretso na sa aking drawer.Mga panglakad lang ang kukunin ko dahil lahat ng pang araw araw ko na damit ay na kila kuya Yim,kumuha na rin ako ng dalawang pares na sapatos at medyas.

Bumaba na rin ako pagkatapos at iniabot lang yun kay Tutor tinanong ko sila kung nakausap na ba nila yung driver pero ang mga impakto umiling lang saken.

Dumiretso ako sa kusina kung saan ako kumakain lagi kasama yung ibang maid.

"Nakita nyo ba si kuyang driver may itatanong sana ako"tanong ko sa kanila pagkapasok.

"Sir wala pa po sya eh sinundo pa po yung kaibigan ni sir Zee sa kabilang bahay pero baka pauwi na rin po yun"sagot nung isang maid na naghuhugas ng mga plato.

"Sige hintayin ko na lang sya salamat"

Lumabas na rin ako at dumiretso kung nasan sila.Tahimik yung apat kaya taka ko silang tiningnan pati na sila Dad and Mom pero nakangiti lang silang dalawa para bang may hinihintay na sasabihin ng apat.

"I think you should talk to Nhuu about that"magalang na sabi ni Tutor sa kanila.

"Can we go too?"agad na tanong ni Mom saken.

"Ano kase..Nhuu..gusto nila sumama saten"utal na saad ni kuya Yim.

"Ikaw kase ang ingay ng bunganga mo!"mahina pero madiin na sabi ni James kay Nat at bahagyang kinurot tohh sa tagiliran.

"Do whatever you want"walang emosyong sagot ko sa kanila bago uminom ng tubig.

"Can you make some iced coffee for me?"utos ko kay Byen agad naman syang tumango pagkarinig saken.

Nag uusap na sila tungkol dun sa camping habang kami naman ni Tutor ay tahimik lang na nakikinig sa kanila.

"Tita nasan nga pala si Zee bakit wala sya kasama nyo"singit na tanong ni James sa kanila.

"Ahh si Zee ba? Sinundo nya ata yung magkapatid"

"Ayan na pala sila!"biglang tayong sabi ni Dad kaya napatingin sila dun sa may pinto.

Di ko naman na agad nilingon yun dahil may hinahanap ako sa selpon ko.Naramdaman ko namang kinalabit ako ni Tutor kaya tiningnan ko sya.

"Sino dyan asawa mo?"mahinang tanong nya at tinapat pa talaga sa tenga ko.

"Yung gwapong gwapo sa sarili"

"Lahat naman sila parang ganon"natatawang sagot ni kuya James kaya napatingin yung tatlo sa kanila pati na rin sila Mom and Dad..napalakas ata pagkakasabi nya.

"Hi Mr.Panich"bati nung isang nakasalamin sa kanila at sabihin na nating pinakamaliit sa kanilang tatlo.

"Correction..Mr.Chawarin"nakangiting bati ko sa kanila at nakipag shakehands.Nagpakilala na din sila saken pagkatapos nun.

Nakita ko namang titig na titig si Zee sa mga kamay namin kaya ako na ang unang bumitaw dahil mukhang walang balak bitawan ng isang tohh ang kamay ko.
Sunod nilang binati yung parents ko at umupo na rin.

"Ngayon ka na ba lilipat sa bahay nyo ni Zee?"agad na tanong ni Tom saken.

Nakita ko na sumenyas sakin si nanay Mey kaya hindi ko na nasagot yung tanong nya pumunta agad ako sa kitchen at kinausap yung driver namin.

"Sir ako na lang po magdadala sa bahay nyo lilinisin po muna namin para magamit nyo nang maayos bukas"

"Hintayin na lang namin bukas kuya maaga kasi kami aalis"nakangiting pagsang ayon ko sa kanya.

Bumalik na din ako agad sa sala pagkatapos ko syang kausapin.Baka kasama din sila bukas dahil pupunta din sila Mom.

"Tara na" aya ko sa kanila.Ilang segundo ko silang hinintay na tumayo pero hindi sila kumikilos.

"May lahi pala kayo ni satanas nohh?"

"Paminsan minsan lang kapag gusto namin i activate"sarkastikong sagot ni kuya Yim sa kanya.

"Then when will I see that side of yours?"nakatinging tanong ni Max kay Nat sabay kindat.

"Why would I?We're not even close nor friends..right?"taray na sagot nito.

"Childish"

"Ikaw nga yung isip bata dyan di naman kayo close pero kung kausapin mo parang matagal na kayo magkakilala" mahinang bulong ni Tutor habang naglalaro sa selpon nya.

Tiningnan naman sya ni Zee mula ulo hanggang paa.Nainis naman lalo si Max sa sinabi nitong katabi ko.

"How dare you to say that"nakisali pa si Zee lalo lang di matatapos ang sagutan na tohh.

"How dare you ka pang tinatanong dyan eh yang mga kaibigan mo naman ang nagsimula"

"Tama na nga yan umuwi na tayo"awat ko sa kanila at pinaghihitak na ang mga braso nito.

"Pakisabi na lang Zee kila Mom and Dad na umalis na kame"di ko na sila mahihintay mukhang masyadong na excite para bukas kaya ayun nagreready na.

"It is nice to meet you Mr.Pan..Chawarin anyway pagpasensyahan nyo na yung kuya ko nakalimutan kase namin sya dalhin sa mental kanina"nakangiting saad nya saken.Sya lang ata pinakamatino sa kanilang tatlo.

"It is nice to meet you and your brother also I hope we can get along in our next meet up.We need to go now because we had so many things to do later so we gotta go" pagpapaalam ko din sa kanya pati na din sa dalawang tohh na akala mo papatay na dahil sa mga titig nila sa kasama ko.

"Jerks!!"pahabol ni kuya James bago tuluyang makalagpas sa kanila.Gagaling talaga kapag sa asaran na mga wala man lang kinakatakutan..baka mamaya mga mafia pala yung magkapatid na yun tas bigla na lang kaming ipadukot tas pahihirapan kami hanggang sa mamatay.

Wala namang mafia na isip bata tas ganun pa makipag away.

"Bumili din tayong ice cream para bukas" excited na sabi ni Nat binatukan naman sya agad ni James kaya umaray ito sa sakit.

"Kapag nalusaw ba yun kakainin mo pa? Di ka nag iisip"saad nya na parang wala syang nasaktan.Iba talaga bonding namin tas patay malisya pa kapag nagawa na.

"Oo nga nohh may point ka dun"

"Pwede naman magdala ng cooler parehas kayong walang isip" singit ni Tutor sa kanilang dalawa di naman namin napigilan na matawa dahil sa sinabi nito.

Continue Reading

You'll Also Like

23.2K 1K 12
A harukyu fanfic !! - Japanese transferee, known to be intimidating and cold named Watanabe Haruto meets his polar opposite; the adorable and odd Kim...
707K 43.4K 108
Kira Kokoa was a completely normal girl... At least that's what she wants you to believe. A brilliant mind-reader that's been masquerading as quirkle...
687K 33.9K 24
↳ ❝ [ ILLUSION ] ❞ ━ yandere hazbin hotel x fem! reader ━ yandere helluva boss x fem! reader ┕ 𝐈𝐧 𝐰𝐡𝐢𝐜𝐡, a powerful d...
645K 14.4K 42
In wich a one night stand turns out to be a lot more than that.