I'm a Ghost in Another World

By PeeMad

124K 4.4K 205

Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car cr... More

PSAMM
Guide Map
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Epilogue
Author's Note
Author's Note 0.2

Chapter 19

1.6K 65 2
By PeeMad

Chapter 19: The Upshot of Hard Training

SA ANASTASIA Kingdom.

Ang Training hall ay nakaprebado para sa limang napili na lalaban sa Lunar Tournament.

Umaga pa lang, nasa looban na sila Emmanuel kasama ang iba pa niyang kamyembro sa patimpalak. Makikita sa kanilang mukha ang kaginhawaan at determinasyon na pahiwatig na malalim ang kanilang tulog kaya ang resulta nito, hindi mapungay ang kanilang mga mata o kahit paghikab. Nasa harapan ngayon si Captain Yong na nakapokus sa magiging pagsasanay nila.

"Ang guildmaster ay maraming ginagawa kaya tayo muna ang magtutuos ngayon," panimula ni Yong.

Nahati sila sa tatlong grupo; dalawang grupo at isang solo. Kakalabanin nila ang isa't isa at nagrepresenta na si Yong na siya na lamang ang magsosolo. Magkakampi ngayon sila Baron at Emmanuel, at magkakampi naman ang magkakambal na sila Antonette at Antonelle. Napakalaki ng Training Hall kaya ang tatlong grupo ay nagkahiwalay at magkalayo sa isa't isa.

"Pasensya na ngunit hindi ako pwedeng mahiwalay sa pinakamamahal kong kakambal," nakangising saad ni Antonette habang nakahanda na ang kanyang katawan na animo'y susugod na sa labanan.

Si Antonelle naman ay malambot na inihanda ang sarili dahil hindi siya bihasa sa pag-atake ngunit napakalakas niya sa paggamit water healing affinity at depensa kaya napakalaking gampanin niya sa isang grupo.

Si Emmanuel naman ang naging attacker. Si Baron ang naging support at defence, at kaya niya ring umatake ngunit pantay lamang ang stats niya pagdating sa depensa at opensa.

[Ang stats ay nakadeterma kung gaano kalakas ang iyong mahika at pisikal pagdating sa depensa at opensaHalimbawa na lamang sa stats nila Baron at Emmanuel.

(Note: 100 is the maximum points of one's power.)

Baron's precise stats;
Hp = 55
Attack = 57
Defence = 60
Speed = 40

Emmanuel's precise stats;
Hp = 50
Attack = 80
Defence = 42
Speed = 58

Mas mataas ang atake ni Emmanuel ngunit kaya itong masalag ni Baron nang walang kahirap-hirap. Samahan mo pa na ang kahinaan ng apoy ay ang bato. Kaya sa labanan, mahalaga rin ang depensa at suporta.]

Nakita sa malayo ni Antonette si Emmanuel na pinuwesto ang sarili.

Napangisi ito. "Talo ang apoy sa tubig, Emman!" sigaw niya at mahinang natawa.

Ang mukhang seryoso ng binata ay napalitan ng inis.

"Don't call me Emman!" sigaw niya rin. "Tsk!"

"Anong sabi mo Emman? Ha!?" Tumingkayad si Antonette at nilagay ang kamay sa tenga na animo'y naghahanap ng maririnig. "Hindi kita marinig!"

Napayukom na lamang si Emmanuel dahil sa pang-aasar ng dalaga. Ayaw niyang tinatawag na Emman dahil iyon ang tawag sa kanya nila Monki. Kinalimutan niya na ang mga taong iyon dahil hindi naman sila nakatulong sa kanya upang lumakas. Ayon ang pinunta niya sa Guild Hall at hindi niya natamasa ang pagkalakas bagkos, kinawawa lamang siya

Napasulyap si Emmanuel kay Yong na nakatingin sa grupo ng mga babae. Ngayon pa lamang niya makikita ang lakas nito at sana'y ang mismong kapitan niya na mismo ang magturo sa kanya. Naniniwala siyang hindi siya lalakas kung walang tutulong na mas malakas pa sa kanya.

Naghanda ng mabuti ang bawat grupo. Nang humudyat na ang nalalabing oras sa paglusob, ngumisi si Antonette at nilagay naman ni Antonelle ang mga kamay niya sa likuran ng kakambal.

Niyuko rin ni Emmanuel ang kanyang katawan at pabalik-balik na tumingin sa kapitan at sa isa pang grupo ng mga babae. Ang kalaban niya ay tatlo; isang kapitan, at isang grupo ng dalawang babaeng nagkambal na walang dudang bihasa sa water magic.

"Ako na'ng bahala kay Captain Yong," bulong ni Baron na nakatitig sa kapitan. "Mahina ang apoy sa earth magic ko. Makakaya mo bang kalabanin sila Antonette kahit na kahinaan ng mahika mo ang water magic?"

"Kaya ko," mabilis na tugon ni Emmanuel na hindi inalis ang tingin sa mga katunggali.

Natutunan niya ring huwag umasa sa mga mahikang kahinaan at kalakasan sa katunggali. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangang bumatay ka sa kalakasan o kahinaan mo sa iva. Kailangan mo lamang lumakas pa lalo para kahit anong trahedya ang dumaan sa 'yo, masusulusyonan mo ito sa paraang alam mo.

At ayon ang gagawin ko sa kanila, pagkakausap ni Emmanuel sa kanyang isipan habang masamang nakatingin kanila Antonette na nakangisi lamang sa kanya na animo'y nang-aasar.

Tumingin ang lahat sa malaking orasan na nasa itaas ng dingding. Ang maliit na kamay sa orasan ay segundo ang bilang at umikot na ito papunta sa numerong labing dalawa. Kapag ito'y saktong tumapat do'n, hudyat iyon na magsisimula na ang tunggalian.

Nang makita nilang sampung segudo na lamang ang nalalabi, tinuon na nila ang atensyon sa kanilang mga kalaban. Binibilang sa isipan ang numero pabawas at nang matapos ito, sabay-sabay silang sumugod sa isa't isa.

"Be my prey, Emman," nakangising saad ni Antonette bago sumugod. Walang dudang inuna niyang sugurin ang grupo nila Emmanuel at Baron. "Antonelle! Harden my fist!"

Ang mahiyain at nangangambang mukha ni Antonelle ay napalitan ng determinsayon. Pabato niyang tinapat ang kanang kamay sa hangin kasabay no'n ay ang palitaw at paghawak niya sa mahabang kahoy na tungkod na may kulay asul na disensyo— may nakataling kulay puting ribbon at kristal na nakahugis ng alon sa unahan ng haba ng tungkod.

Tinapat niya ang tungkod kay Antonette at nag-enkantasyon, "Water Magic, Crystallized Fist."

Mabilis na nagyelo ang kamao ni Antonette at nakangiting animo'y baliw niyang inamba ang suntok kay Emmanuel.

Nanlaki ang mata ni Emmanuel sa bilis ng pangyayari at ilang segundo na lang, makakamtan niya ang bumubulusok na kamo ni Antonette.

"Sh*t!" singhal niya.

𔓎𔓎𔓎𔓎

Tumagal ng isang oras bago bumagsak ang unang grupo at ito'y ang grupo nila Emmanuel at Baron.

Nakaluhod ngayon si Emmanuel habang hinahabol ang paghinga. Taumatagaktak na ang pawis nito at pinapahinga ang pagod na katawan. Kapansin-pansin ang mukha nitong may bahid pa ng suntok mula kay Antonette. Gumawi siya sa gilid at nakita si Baron na walang malay at nakadikit sa bitak sa pader kasama ang sledgehammer nitong nakasalpak sa sahig.

Paano niya napabagsak si Baron? Sa isip-isip niya at sumulyap kay Captain Yong na hindi man lang napagod sa labanan. Pagkatapos, tumingin siya sa harapan na nakatayong nakatindig si Antonette at nasa likod nito si Antonelle.

Malakas si Antonette ngunit. . . Tumingin siya kay Antonelle. Mas malaki ang naitulong na healing at support ni Antonelle. Hindi namin sila matatalo kung hindi mapapabagsak ang support.

"Ngayon, alam niyo na ang level ng kapangyarihan ko sa inyo," mayabang na sambit ni Antonette sabay ngisi.

Dahan-dahang tumayo si Emmanuel at sinamaan siya ng tingin. Nakita niya lahat ang mga opensa at depensa ng dalawang kakambal na animo'y ritmo ang pagkakasabay ng kanilang galaw. Ngunit ang pinakatalagang umangat ay si Antonette na napakalakas umatake at dumipensa. Nahirapan din siya sa ekspertong paggamit ng water magic nito kaya malaki ang pursyentong matatalo siya. Si Captain Yong naman ay nahirapan din kay Antonette ngunit kaya niyang makipagsabayan sa labanan. Sa tunggalian, sila ang mahina at iba ang kanilang level kumpara sa kanila.

"Hanggang dito na muna ang pagtutunggali. Kailangan natin magtipon sa palasyo dahil dadating ang emperor," saad ni Yong.

Ilang araw nang pabalik-balik ang emperor sa kanilang kaharian ngunit nababalitaan nanaman nilang bumibisita ito sa ibang kaharian. Inaasikaso kasi nito ang tournament kasabay nang paghahanap niya ng mga magigiting na kalahok para irepresenta ang Mount Olimpus.

Agad na umalis sa tabi ni Emmanuel si Antonette na sinundan niya ng masamang tingin. Nawala lamang 'yon nang yumuko sa harapan niya si Antonelle.

"Pagpasensyahan mo na ang kakambal ko," paghingi nito ng paumanhin bago umalis.

Hindi na lamang ito pinansin ni Emmanuel dahil alam niya namang mabait ang dalaga. Sadyang magkaiba ng ugali ang magkakambal, isang anghel at isang demonyo.

Tumalikod na siya at naglakad papunta kay Baron. Pagkatapos ay kinuha niya ang sledgehammer nito at hinila na animo'y isa lamang itong bata. Bago siya umalis sa Training Hall, lihim siyang ngumiti dahil ngayon niya naranasan ang totoong training. Sadyang ayaw niya lang ang pang-aasar sa kanya ni Antonette.

𔓎𔓎𔓎𔓎

SA PALASYONG matatagpuan sa Forest of Soja, pinagbihis si Elaine ng magarbong dress na kulay berde at puti. Nakatapat siya ngayon sa malaking salamin at tinitingnan ang repleksyon. Napakaganda ng kanyang kasuotan at napakaganda niya rin. Ang puti niyang buhok ay sumasabay sa mga mata niyang itim na itim.

Nawala ang pagkamangha niya sa sarili nang bumukas ang pinto. Niluwa nito si Alaric na gano'n pa rin ang suot.

"Hindi ka nagpalit?" tanong niya at tiningnan ang kapitan sa repleksyon ng salamin.

"Ganito lang ang gusto kong suot dahil hindi mo malalaman kung kailan ka mapapalaban. Kaya bakit ganyan ang suot mo? Hindi pandigma ang dress."

"May mali ba rito?"

Tiningnan ni Alaric si Elaine mula ulo hanggang paa at muling tumingin sa mukha nito na hindi maikakaila sa isipan nito na maganda talaga ang dalaga. Sumandal siya sa gilid ng pintuan at humalukipkip. Pilit na inaalis ang mga tingin at nalulunod sa pagkamangha.

Napatingin si Elaine sa repleksyon at nakitang nakatitig sa kanya ang kapitan.

Nang makita ni Alaric ang tingin ni Elaine sa kanya, mabilis siyang lumihis ng tingin at umayos ng tayo.

"Pupunta lang ako sa karwahe natin para kunin at dalhin ko rito. Baka may magkainteres do'n at hindi na tayo makauwi." Ayon na lamang ang natugon niya dahil wala na man siyang masasabing mali sa suot ng dalaga.

Pagkasabi niyang iyon ay siya namang litaw ni Karlo sa pagitan nila. Yumuko ito nakahawak sa kanyang kaliwa nitong dibdib.

"Supreme Spirit. Narito ako para sabihing hinihintay ka na ni Guardian Sonja," may paggalang niyang sambit habang nakapikit na nakayuko.

"Gano'n ba," tugon ni Elaine at humarap sa kapitan. "Bakit hindi ka magpatulong kay Karlo para i-teleport ka sa karwahe natin?"

"Pagpasensyahan niyo na po, Supreme Spirit. Ngunit ang kaya ko lamang ma-teleport ay ang nabubuhay na nilalang at ang mga suot nito," sulpot na saad ni Karlo.

"Alis na ako," saad ni Alaric at nagsimulang umalis sa silid ni Elaine. Baka nanginginig na sa lamig ang mga kabayo, sa isip-isip niya.

"Ingat ka," masayang paalam ni Elaine bago sila nawala gamit ang teleportation ni Karlo.

Gumuhit ang maikling ngiti sa labi ni Alaric bago naglakad paalis sa palasyo.

Samantala, si Rai ay nakabantay pa rin kay Ruby. Sinabi kasi sa kanya ng kapitan na baka mapahamak pa ito lalo dahil isa itong Hidalgos. Tinanong niya kung bakit ngunit sinabi lang ng kapitan na 'Basta, bantayan mo lang siya ng maiigi'.

Sa kasalukuyan, dinala ni Karlo si Elaine sa mahabang lamesa na maraming pagkain ang nakahain. Nagpaalam lang si Karlo bago ito naglaho sa tabi niya. Hinanap ng kanyang mga mata ang guardian at nakita niya itong nakaupo sa dulong bahagi ng lamesa. Nang makita siya nito, agad itong tumayo at ngumiti. Naningkit ang mga mata niya sa pagngiti dahil hanggang ngayon, nakapikit pa rin ang mga mata nito.

Bago sila makaupo, nakarinig sila nang malakas na pagsabog. Biglang nag-teleport si Karlo sa harapan ng guardian at yumuko.

"Anong nangyari?" tanong ni Haruna.

"Nakalimutan niyo pong buksan ang malaking bato kaya ito'y sinira ni Alaric gamit ang kanyang mahika."

Takang nagkatinginan sila Elaine at Haruna, at napabuntonghininga.

"Hayaan mo na. Papalitan ko na lang 'yan mamaya," paliwang ng guardian.

Muling yumuko si Karlo at nawala ulit ito nang parang bula sa harapan nila.

"Pasensya ka na kay Captain Alaric," nahihiyang paumanhin ni Elaine, "Minsan kasi'y gano'n ang ugali niya."

Sa ilang linggo nilang kasama, nakikita niya ang kapitan na medyo na ninira ng bagay kapag gusto niya o naiirita siya. Hindi naman ito galit ngunit ito'y hindi hinihiling ni Elaine na mangyari. Mas mabuti pang mairita ito kaysa sa magalit.

Ngumiti si Haruna at sabay sabing, "Wala 'yon at alam ko naman ang lakas niya. Kaya walang dudang gagawin niya 'yon. O' siya, kumain na tayo dahil pagkatapos nito, magsasanay tayo."

Mahigit kalahating oras lamang silang kumain ng tahimik at minsan ay nag-uusap tungkol sa kanilang katauhan. Nang matapos, sila'y naglakad papunta sa gilid ng palasyo at nadatnan ang isang malawak na hardin na may lupang patag sa gitna— ito ay ang mini arena. Marami ring nakapaligid ditong maliliit na alitaptap na napakatingkad ngunit mapapansin ang mga nagkalat na estatwa rito na napakadetalye ng pagkakaukit.

Lumapit si Elaine sa isang estatwa na may disenyong isang lalake na matipuno at may mahabang balbas. Base sa suot nito'y isa siyang mandirigma o hindi kaya'y isang bandit. Nang tiningnan niya ito sa mata, siya'y namangha dahil akala mo'y totoo itong tao na nabalitan lamang ng semento. Naglakad siyang muli ngunit mabagal na.

"Napakagaling nang pagkakaukit," manghang saad ni Elaine habang pinagmamasdan ang iba pang estatwa.

Ngumiti lamang si Haruna bilang pangsang-ayon.

Nang makarating sila sa mini arena, lumayo sila sa isa't isa, at naghanap ng pwesto sa susunod nilang hakbang sa pagsasanay.

May kaunting kaba si Elaine na nararamdaman ngunit mas angat ang pagsabik na makalaban ang isa sa pinakamalakas na nilalang sa kalupaan. Nasasabik din ito dahil. . . Magagamit ko na ang mahika ko! Sa isip-isip niya.

Noong naglalakbay sila, kapag tulog si Ruby at Rai, nagsasanay sila ng palihim ni Alaric. Kaya malaki ang tsansa ngayon na kaya niyang sabayan ang guardian dahil halos patayin na siya nito. Lahat ng paghihigpit ay naranasan niya na sa kapitan. Pati pa nga ang pagkapagod na hindi niya pa nararanasan sa talang-buhay niya, nakamtan niya.

"Bago tayo nagsimula, nais kong malaman kung handa ka na bang maging isang Supreme Spirit at Emperor ng South-West Realm sa hinaharap," ani ni Haruna.

Ang sabik sa mukha ni Elaine ay nawala at seryosong tumingin sa guardian. "Ano pa bang pagpipilian ko?"

Gulat ang naging reaksyon ng guardian ngunit napalitan agad ito ng mahinang tawa.

"Tama. Wala kang pagpipilian. Kahit isa kang multo na sumapi sa katawan ng dalagang si Elaine Suarez."

Lumaki ang mga mata ni Elaine sa gulat. "Paano mo nala—"

"Sinabi ko na kanina, na ang mga guardian ay may mahikang hindi pumapalya pagdating sa impormasyong nakukuha nila sa pinuno."

"Alam mo na nabuhay akong muli bilang isang multo?"

Tumango ang guardian bilang tugon.

"Kaya bakit pa ako nagtatago?" nakakunotnoong usal ni Elaine.

"Hindi na ngayon. Kilala ka na ng mga Hidalgos ngunit hindi nila ito isinapubliko."

"Bakit?" tanong ni Elaine.

"Nais ka nilang mapaslang ng palihim at ang paghintay ng mga tao sa Supreme Spirit ay hindi na muling babalik. Hahayaan na lang nila ito at tatanggapin ang prinsipeng si Lunar na maging emperor."

"Paano kung daanin na lang sa usapan?" hindi mawaring sagot ni Elaine.

Bilang isang c.e.o noon, hangga't maaari'y idadaan sa usapan ang hindi pagkakaunawaan ng dalawang panig. Mahaba man ang ganitong paraan ngunit mas epektibong gawin. Walang mapapahamak at walang madadamay ngunit kung kinakailangan, kailangan mong sumugal.

"Hindi madadaan sa usapan kung may mga mahika tayong lakas. Kung sa nakaraan mong buhay ay nadadaan sa usapan, dito'y dinadaan sa tunggalian at kung minsan pa'y sa masamang paraan."

Takang tumingin si Elaine sa guardian at pinagmasdan ang mga palad niya.

"Kung malakas ka, walang dudang ikaw ang mananalo sa lahat ng argumento. Kaya kailangan mong lumakas para ang nais mo ay makamit mo," dagdag pa ni Haruna.

Mataas ang kumpyansa niyang makikipagsabayan siya sa mga bihasa sa mahika lalo na't nahasa siya ng kapitan. Ang bumabagab lang sa kanyang isipan. . .

"Hindi ko nakikitaan ng kasamaan ang emperor kaya bakit ko siya kakalabanin?"

Para kasi sa kanya, ang masamang taong nakagawa sa kanya ng masama ay ikakagalit niya. Ngunit kapag mabuti ito, wala siyang dahilan upang lumaban.

Sa mundo ng pagiging matanda na nagtatrabaho at nais kumita ng malaki, kailangan mong makipagsabayan sa iba dahil hindi lang ikaw ang tao sa isang kumpanya. Kung nais mong maging mabuti ang katrabaho, kailangan mong maging mabuti sa kanila upang mas mapagkatiwalaan ka nila at maging kumportable sa 'yo. Sa huli, ikaw rin ang makikinabang sa deteminasyon nila sa trabaho. Ngunit ibang usapan na kapag masama na ang ugali mo sa iba na hahantong pa sa pananakit. Sino ba namang pinuno ang isasawalang bahala ang nag-iisang ahas sa grupo mo?

"Paano kung papatayin niya ang pamilya mo. . ."

Mabilis na tumingin si Elaine sa guardian at pinanlakihan ito ng mata. Nakangisi ito sa kanya habang nakatindig ang katawan.

"Lalaban ka ba sa sinasabi mong taong hindi mo nakikitaan ng masamang hangarin?"

Nanatiling nakatingin lamang si Elaine kay Haruna habang inaalala ang kanyang pamilya. Pamilyang minahal niya at pinangakong hindi ipapahamak.

Iba na ang usapan kapag pamilya na ang sentro ng argumento. Ngayon niya lang ito nalasap at gagawin niya ang lahat para hindi ito mawala sa kanya.

"Sa ngayon, hindi sila umaaksyon dahil wala silang pakialam sa pamilya mo. Ikaw lang ang hangad nila. Ngunit kung hindi ka magpapakita, ang sinasabi kong masamang paraan ay kanilang gagawin. Kaya Supreme Spirit, Elaine Hidalgos, hindi tayo titigil sa pagsasanay hangga't hindi ka handa sa mga balakid na kahaharapin mo."

Napalalim ang paghinga ni Elaine at lumihis ng tingin.

Tama siya. Lahat ng mga sinabi niya, mga sinabi ni Captain Alaric at mga sinabi ng mga tao tungkol sa akin ay may konklusyon na. Wala na akong pagpipiliian kung hindi ang harapin ang lahat, pagkakausap niya sa kanyang isipan at tumayong nakatindig. Walang kwenta ang lahat ng napagdaanan ko noon bilang pinuno kung hindi ko gagawin dito sa mundong ito.

Taas noo siyang tumingin kay Haruna. "Ako si Elaine Suarez Hidalgos na tinatanggap ng buong-buo ang pagiging Supreme Spirit."

Ngumisi ang guardian at hinanda ang sarili sa gagawing paglusob. "Ipakita mo sa 'kin kung hanggang saan ang kaya mo."

Ngumisi si Elaine at hinanda rin ang gagawin niyang depensa at opensa.

"Show me no mercy," pangagaya niya kay Alaric dahil kada sila'y magsasanay, ayan lagi ang sinasabi sa kanya ng kapitan.

Unang tumakbo ang guardian ng diretso papunta sa kanya habang lumiliwanag ang kanyang suot nito. Nang mawala ang liwanag, nagbago ito ng isang magarbong suot na maihahalintulad sa mandirigmang prinsesa at may hawak itong isang sibat na gawa sa ginto.

Nagulat na may kasamang mangha si Elaine at hinatak ang nasa likuran niyang tali. Ang tali ay nakakonekta sa kanyang dress nasuot kaya natanggal ito at tumambad ang pangtunggaling kasuotan na nasa ilalim ng kanyang dress. Tumakbo rin siya at sila'y nagsalpukan gamit ang pagsalag ng kanilang mga bisig. Paatras silang tumalon at muling tumakbo na nakahanda ang kanilang mga kamay sa gagawin nilang mahika.

"Earth Creation, Domination Stone," pag-cast ng spell ni Haruna at ang kanyang gintong sibat ay napalitan ng bato at naging isang matulis na espadang kasing laki niya.

Hindi nabahala si Elaine at tinaas niya ang kanang kamay na hinigop ang hanging nakapaligid sa kanya. Pagkatapos ay nagkaroon ito ng espada na ginawa ng kanyang mga magulang noon— ito ay ang Sword of Zephyr.

Napatigil sa pagtakbo ang guardian at gulat ang pinahiwatig ng kanyang mukha. Kahit na nakapikit ang kanyang mga mata, ramdam niya ang lakas ng hanging nasa paligid niya.

Paano niya nagawang lumikha ng mahika na hindi nagka-cast ng spell? Tanong niya sa kanyang isipan.

Ngumisi si Elaine at nagkaroon ng hangin sa kanyang paa dahilan para bumilis ang pagtakbo niya.


Flashback

Nang ikatlong araw ng grupo nila Elaine sa Forest of Sonja, doon niya rin nahasa ang paggamit ng spell na hindi ginagamitan ng casting dahil ang isipan niya ay blangko na at isa na lamang ang iniisip— ang lumakas. Kahit papaano, nasasabayan niya na ang kapitan sa mga atake nito ngunit mas malakas ito dahilan para mapaupo siya ngayon sa sahig habang nakatutok sa kanya ang yelong espada ni Alaric.

Dinikit ng kapitan ang dulo ng tulis ng espada niya sa ilalim ng baba ni Elaine at inangat ito. Dahilan para tumingala ang dalagang nakatingin sa kanya.

"Good job, Elaine," nakangising saad ng kapitan bago siya nito inabutan ng kamay at tinayo. "Hindi ka na mag-aaksaya ng oras sa pag-cast ng spell. Mas bibilis ka pa sa paggamit mo ng magic tulad ng hangin."

End of Flashback


Bago pa mahuwindang si Haruna, nasalag niya agad ang mabilis na pagsugod ng espada ni Elaine.

"Paano mo n-nagawang gumamit ng mahika na walang spell?" nahihirapang tanong ng guardian habang nilalabanan ang gitgitan ng espada nila ni Elaine.

Ngumisi sa kanya si Elaine na may gigil sa mukha nito.

"Magaling ang nagturo sa akin!" mayabang na sambit nito.

Biglang nadulas sa talim ang kanilang mga espada kaya sila'y umatras at hinanda muli ang sarili sa maaaring pagsugod.

"Hindi napunta sa wala ang matinding pagsasanay ni Captain Alaric sa 'kin," mayabang na sambit ni Elaine at muling sinugod ang guardian.

Samantala, naglalakad ngayon si Alaric sa kagubatan. Lumingon ito sa direksyon ng palasyo at napangisi. Naramdaman niya kasi ang mahinang mahikang nagsasalubong, at alam niya kung saan iyon galing at kung sino ang mga ito.

"Kulang pa 'yan. Mas papahirapan ko pa ang pagsasanay sa susunod."

Mahinang natawa ang kapitan at muling naglakad papunta sa kanilang karwahe.


~(へ^^)へ• • •

Continue Reading

You'll Also Like

20.8M 763K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
6.8K 416 41
What happens when you were given a chance to go back from any timeline, are you willing to save the world? Even if You're a villain Who's supposed to...
16.1K 1.4K 45
In Year 2030. Ang R.O.S or mas kilala nating rules of Survival ay kilala na sa boung mundo anim na taon na ang nakaraan. Hindi maipagkakaila ang kag...
5.2K 341 27
This story is all about of people who run for their lives. You're dead once you got bitten. Once you're infected you will become one of them. It's su...