I'm a Ghost in Another World

By PeeMad

130K 4.7K 208

Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car cr... More

PSAMM
Guide Map
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Epilogue
Author's Note
Author's Note 0.2

Chapter 18

1.8K 63 0
By PeeMad

Chapter 18: The Guardian Princess

TININGNAN nila Alaric at Elaine ang guardian mula ulo hanggang paa habang inaalala ang nakita nilang litrato sa palasyo ng Olga Kingdom, kawangis at hindi na maaaring pagdudahan. Nagtataka lang sila na ang sabi'y dinukot ang prinsesa ng guardian. Hindi nila akalain na ito mismo ang guardian.

Mabagal na naglakad ang prinsesang guardian na si Haruna papunta sa kanila at gano'n din ang ginawa ng malaking golem sa likod niya. Ang dalawang kasama nila ay yumuko upang magbigay galang sa kanya.

Napahinto si Haruna sa tapat ni Elaine. Halos mapalunok na lamang sa kaba ang dalaga dahil nararamdaman nito sa paligid ang pressure na kakaiba— pinapaliwanag ng katawan niya na isa itong malakas. At nakaka-intimidate ang laki ng golem sa likod nito.

Hindi rin gumalaw si Alaric ngunit hindi binababa ang kanyang depensa. Alam niya na ang mga guardian ay pihikan magpakita sa mga tao at matuturing na pangalawa sa malakas na nilalang sa South-West Land— ang nangunguna ay ang Supreme Spirit. Napatingin siya kay Elaine habang inaalala ang katotohanang ang babaeng kasama niya ay ang totoong Supreme Spirit. Sa tagal nilang magkasama, halos ituring niya na itong normal na tao ngunit nang makita ang guardian, sinampal siya ng katotohanang hindi biro ang katauhan nito.

Ang kinakabahang si Elaine ay napatulala sa guardian na nakangiti sa kanya. Mas lalo pa siyang kinabahan dahil sa mukha nitong hindi nagpapakita ng emosyon. Samahan mo pa nang nakapikit nitong mata kaya hindi mo malalaman kung ano ang gagawin nito sa 'yo.

Biglang yumuko ang guardian na kinagulat ni Elaine.

"Ikinagagalak ko kayong makita, Supreme Spirit, Elaine Hidalgos," malumanay nitong bati at tumayo ng maayos. "Ako si Princess Haruna o Guardian Sonja na nangangalaga sa kagubatan mo."

"Kagubatan. . . k-ko?" takang tanong ni Elaine.

Nakangiting tumango ito sa kanya. "Pinanganak ka pa lang, ikaw na ang may-ari ng South-West Land. Kaming guardian lamang ang nangangalaga sa iyong kagubatan."

Bago pa mahuwindang ang bagong Supreme Spirit, humarap si Alaric sa guardian.

"Paano mo nalamang si Elaine ang Supreme Spirit?" matigas na tanong ng kapitan. Kahit na alam niyang hindi biro ang lakas ng guardian, hindi siya nagpatinag upang magtanong at protektahan ang dalaga na tinalaga sa kanya.

Tumayo ng maayos ang guardian at muli, ang mga nata niya'y sarado ngunit para itong nakakakita dahil nakatapat ang mukha nito sa kanila.

"Ang guardian ay may abilidad na kayang mahanap kung nasaan ang kanilang pinuno. Kahit saang lupalop ka pa ng mundo, kapag nakaharap kita, hindi ito papalya."

Pinanliitan ng tingin ni Alaric ang guardian at hinatak si Elaine papunta sa kanya. Bahagya namang nagulat ang dalaga. Hindi dahil sa paghatak, kung hindi sa paghawak nito sa kamay niya.

Ngumisi si Alaric. "May kilala rin akong kayang mahulaan ang kinaroroonan ng isang tao."

"Ang mangkukulam ba?"

Biglang napahinto ang kapitan nang masagot agad ng guardian ang patanong niyang salita. 

"Ikaw naman ang tatanungin ko, paano mo nalaman ang tungkol sa mangkukulam?" dagdag pa ni Alaric. Napahigpit ang hawak niya kay Elaine. Hindi siya pwedeng magtiwala agad lalo na't ngayon ay matunog na ang pagkabuhay ni Elaine sa mga Hidalgos.

Hindi siya sinagot ang guardian. Ngumiti lang sa kanya ito at muling bumalik sa pagkakatayo sila Ivy ang lalake na nasa bandang likuran nito.

Natahimik ang lugar at tanging pagbuhos ng ulan lamang ang maririnig sa paligid. Tumingala ang guardian at pinakiramdaman ang pagpatak ng tubig ulan sa kanyang mukha. Pagkatapos, tumingin siya kay Elaine at Alaric na basang-basa na sa ulan.

"Hindi ko nais na dito tayo mag-usap dahil baka manginig sa lamig ng buhos ng ulan ang Supreme Spirit." Nagkaroon ng magic circle sa ilalim ng golem at ito'y nahulog do'n. Kasabay no'n ay ang enkantasyon, "Water Skill, Rain Proof." At biglang nagkaroon ng invisible barrier sa paligid nila.

Tumingala si Elaine nang wala ng maramdamang pagbuhos ng tubig ulan sa kanyang mukha. Namilog ang mga mata niya nang makitang umuulan pa ngunit kusang lumilihis ang tubig ulan sa kanila na animo'y naging isang malaking payong ang invisible barrier.

Nawala na ang pagbuhos ng ulan sa kanila ngunit hindi pa rin nawala ang lamig sa paligid ni Elaine. Nilingon niya ang kapitan at nakitang seryosong nakatingin sa guardian. Nararamdaman niya sa paghawak nito sa kamay niya ang lamig ng mahika nito. Mahina niya itong siniko na ikinalingon nito sa kanya.

"Ang l-lamig!" nanginginig niyang sabi na agad na pinawalang bisa ni Alaric ang kanyang mahika. Kumawala na rin ito sa paghawak.

Napatingin sila sa guardian nang mahina itong natawa.

"Buti na lang, may maagang tao ang nag-alaga sa wala pang kamuwang-kuwang naming pinuno," saad niya habang nakatingin kay Alaric.

Takang tumingin si Elaine sa guardian. "Naku! Binayaran siya para bantayan ako."

"Gano'n ba?" nakangiting tugon ng guardian at tumingin kay Alaric na nakitang sumulyap kay Elaine. "Sumama kayo sa 'kin pati ikaw kapitan. Marami akong tanong sa 'yo na ikaw lamang ang makakasagot." Tumingin siya kay Elaine. "At para naman kay Elaine, kailangan din kita makita at makausap—" Tumalim ang tingin nito." Dahil marami ka dapat malaman."

Tumingin ang guardian sa lalakeng nasa gilid nila. "Kunin mo ang dalawa pa nilang kasamahan at ipunta sa 'king palasyo."

Yumuko ang lalake at gulat ang naging reaksyon nila Elaine nang mawala ito ng parang bula sa kanilang harapan.

"Sumunod kayo sa 'kin, supreme spirit at Captain Alaric. Pati ikaw Ivy."

Nagsimulang maglakad ang guardian. Nagkatinginan muna sila Elaine at Alaric kung susundin ba nila ito o hindi.

"Huwag kang mag-alala. Ewan ko ba pero may parang lumabas na salita sa utak ko na mapagkakatiwalaan siya," paliwanag ni Elaine. Sa tagal niyang naging ceo, marami na siyang nakitang iba't ibang klaseng tao na sa isang tingin pa lang, alam mo na ang magiging ugali nito. Ngunit iyon ay basehan lang at maaari pang mabago. Sadyang kapag hindi tumama ang hula niya't mapahamak sila, alam niyang may isang tao na hindi siya papabayaan.

Pumayag na lang si Alaric at sumunod sila sa guardian. Kung nais naman nila ng katahimikan, hahayaan niya ito. Hindi niya rin nais kalabanin ang guardian dahil tulad ng iba, ngayon lamang niya ito nakita at hindi alam ang tinatago nitong lakas.

Naglakad sila at nang mapuntahan ang dulo ng kagubatan, nakita nila ang mga batong kasing taas ng puno. Huminto sila rito kasabay nang paghinto ng ulan. Nawala ang mahikang barrier na ginawa ng guardian at nilagay ang kanang palad sa isang bato.

"Earth Skill, Gate in Hidden Stone," saad nito at nagkaroon ng mahinang pag-alog dahil sa paggalaw ng bato.

Seryosong nakamasid si Alaric sa guardian. Sa isip-isip niya, kaya niyang gumamit ng higit pa sa isang mahika.

Napaatras sila ng kaunti nang magsimulang lumubog ang bato sa lupa at tumambad sa kanila ang isang maliit na batong parihaba na nakatusok sa pinakagitna. Mayroon itong pintuan na walang pinto sa gitna na sa loob ay may kakaibang kaganapan. Lumapit sila rito at nang makapasok ng tuluyan, umangat ang batong tumusok sa lupa at muling bumalik sa dati. Ngayon, napapalibutan na sila ng malalaking bato na nagmistulang pader sa paligid.

Muling naglakad ang guardian kasama si Ivy at sinundan lamang sila nila Alaric at Elaine.

Nakatingin na sila sa batong nasa gitna na may takang reaksyon sa mukha nila Elaine at Alaric. Iba kasi ang pinapakitang imahe ng nasa loob ng pintuan kumpara sa labas nito.

Nang pumasok ang guardian sa pintuang bato, para siyang pumasok sa isang tubig dahil nagkaroon ito ng alon. Pumasok sila Alaric at Elaine at namangha sa kanilang nadatnan. Kakaiba sa reyalidad ang paligid at ito ang masasabing enkantasya at mahiwaga. Tumalikod sila at nakita ang bato na ang pinapakitang imahe naman sa pintuan ay ang mga batong pinasukan nila kanina.

Ang pintuan ay isang tulay sa dalawang magkaibang mundo.

Nilibot ng tingin ni Elaine ang kapaligiran at walang makikitang nakatayo rito kung hindi ang nag-iisang malawak na palasyong nasa harapan nila. Isang mabatong palasyo ngunit napakahiwaga dahil sa mga lumilipad na maliliit na nagmistulang bituin na kumukitikutitap sa kalangitan.

Naglakad pa sila upang makarating sa batong palasyo. Nakangiti si Elaine nang ang ilang mga kumikinang sa hangin ay lumapit sa kanya. Inilahad niya ang kanyang palad at may dumapo ritong isang liwanag. Tiningnan niya ito nang mabuti at nakitang isa itong fairy. Namilog ang mga mata niya dahil sa gulat at pagkamangha ngunit agad namang napangiti.

Hindi ko akalain na sa mundong ito, totoo ang mga fairy, sa isip-isip niya habang inaalala ang nakaraan niyang buhay sa mga napapanood niyang pantasya.

Humarap siya kay Alaric at masayang pinakita ang fairy ngunit nawala ang ngiti niya nang makitang matalim na nakatingin ito sa harapan. Sinundan niya ito ng tingin at nakita ang kaninang lalake na katabi si Rai na bitbit si Ruby. Agad naman silang naglakad ng mabilis papunta sa kamyembro.

"Ayos lang ba kayo?" bungad na tanong ni Alaric habang pinagmamasdan ang dalawa mula ulo hanggang paa.

Nilapitan naman ni Elaine si Ruby na mahimbing na natutulog sa piling ni Rai. Nakahinga siya nang maluwag nang wala siyang nakitang sugat na natamo rito.

Yumuko sa kanila ang lalake nang tinitigan siya ni Alaric ng masama.

"Bakit hindi pa nagigising si Ruby?" matigas niyang tanong ngunit hindi siya sinagot ng lalake.

Kahit gusto ni Alaric na maging malakas sila sa mahirap na pagsubok, hindi naman niya nais na mamatay o mapahamak ang kanyang myembro dahil kahit pagbaligtarin man ang mundo, siya pa rin ang kapitan nila. Responsibilidad niya iyon sa kanila.

"Huwag kang mag-alala. Ang sleep powder ni Ivy ay doble ang epekto kapag may dugong Hidalgos," sulpot na paliwanag ng guardian na kakarating lang. "Alam mo naman siguro kung bakit. Hindi ba, Captain Alaric?" Humarap siya kay Alaric at hindi na siya muling nagtanong.

Lumingon ang guardian kay Elaine at ngumiti. Pagkatapos ay naglakad na silang muli papasok ng palasyo.

Ang palasyong ito na pinangalang Sacred Heart of Nature ay napakahiwag at napakalayo sa reyalidad. Sa loob nito'y nakakamangha dahil ang kisame ay may iba't ibang kristal, ang sahig ay kasing kinis ng perlas, at ang dingding ay napapalibutan ng baging at iba't ibang klase ng bulaklak tulad ng rosas, mirasol, narsiso, tulipan, at iba pa. Mas dumagdag pa sa ganda ng paligid ang isang maliit na fountain na nasa gitna ng bulwagan ng palasyo at may ilang bitak ito na pinamahayan ng mga baging at halaman. Ang fountain din ang pinagkukunan ng tubig ng mga halaman sa buong palasyo. Sagrado ito na nilikha ng guardian upang magtawid ng uhaw sa nga nabubuhay sa kanyang palasyo. Para bang isang life cycle ang nangyayari sa palasyo dahil makikita ring may ilang hayop ang nakikinabang sa mga halaman na may tumutubong prutas o dahon na pwedeng kainin. Naging mundo ito sa mga sumasamba at pinahahalagahan ang kapaligiran.

Kasalukuyang nasa malawak na silid sila Elaine at Alaric, at sila'y nakaupo sa gilid ng mesang gawa rin sa bato. Nasa harapan nila ang guardian princess na nakaupo sa magarbong upuan at ang dalawa niyang tagapagsilbi ay nakatayo lamang sa bawat gilid niya. Nasa kabilang silid naman si Rai kasama si Ruby na mahimbing pa ring natutulog. Hiniling kasi ng guardian na bantayan nito ang dalaga para makausap niya ng masinsinan ang dalawa.

Bago magsimula ang usapan, binigyan sila ng lalakeng tagapagsilbi ng tag-isang kumot dahil nanginginig na sa lamig si Elaine at pgkatapos ay yumuko ito sa harapan nila.

"Ako nga pala si Karlo. Pagpasensyahan niyo na ang nangyari kanina. Ako'y napag-utusan lamang."

"Wala 'yon," nahihiyang sagot ni Elaine.

Nahihiya namang kumaway si Ivy sa kanila. "Hi! Ako nga pala si—" Napatigil ito nang makitang humarap sa kanya si Princess Haruna na hanggang ngayon ay nakapikit pa rin ngunit pinapakita ng kilay nito na masama ang tingin.

"Kaharap mo ang Supreme Spirit," bulong ng guardian princess sa kanya na narinig naman nila.

Yumuko sa kanila si Ivy at magalang na nagpapakilala, "Ako si Ivy. Mahilig ako sa mga baging at rosas. Pasensya na kanina."

"Okay lang," tugon ni Elaine. Mabilis siyang magpatawad at kumalma sa ganitong sitwasyon. Marami na siyang napagdaanan noon na and dati niyang kaaway ay naging kaalyansa niya.

Humarap naman na nakangiti ang guardian princess sa kanila.

"Muli, ako si Princess Haruna mula sa Olga Kingdom at isa rin akong Guardian ng Forest of Sonja. Tawagin niyo na lang akong Haruna."

"Oo nga pala. Hindi ba't ikaw ang nawawalang prinsesa sa Olga Kingdom? Narito kami dahil sa misyong pinadala ng ama mo," mungkahi ni Elaine.

"Misyon?" takang tanong ni Olga.

Ang nakakunot na kapitan ay may kinuha sa kanyang bulsa at pinakita ang basang poster na halos mapunit na.

Lumihis ang mukha ni Haruna sa poster at napasapo na lamang siya sa kanyang sa ulo dahil sa pagkadismaya.

"Si ama na naman ang may pakana niyan. At hindi ko akalaing kakagat kayo."

"Sa malaking halagang ito? Sinong hindi kakagat diyan?" sabat ni Alaric na tinanggal na ang kumot kahit basang-basa pa ito. "Pabuya ang nais namin."

Mahinhing ngumiti si Haruna. "Pabuya nga lang ba? Ngunit mabuti 'yon dahil pumunta kayo sa aking kagubatan. Naramdaman ko ang kapangyarihan ng Supreme Spirit ngunit masyado kaming nasilaw sa mabigat na mana na dinadala mo, Alaric. Kaya pinadala ko sila Karlo at Ivy para sana'y kunin si Elaine. Ngunit hindi naging maganda ang bunga, pasensya na sa nagawa ng mga tauhan ko."

"Masyado yata kayong nababahala sa akin," ngising sambit ng kapitan at humalukipkip.

Nakangiti pa rin si Haruna ngunit sa likod nito'y masama ang tingin niya sa kapitan. "Alam nating dalawa kung bakit gano'n ang naging plano ko."

Nakakunot-noo lamang si Elaine sa dalawa, naguguluhan at hindi niya alam ang tinutukoy ng dalawa.

Bumuntonghininga na lamang si Haruna para mawala ang tensyon. "Kilala ko si Gilth at magkaalyansa kami pagdating sa Supreme Spirit. Inatasan niya akong pumalagi sa Forest of Olga dahil darating ang Supreme Spirit doon kasama si Alaric, ayon ang sabi niya."

Takang tumingin si Alaric sa guardian. "Alam niyang pupunta kami rito?" tanong niya at taimtim siyang nag-isip.

Kilala ako ng matandanag 'yon. Siguro'y sinadya niyang ilagay ang poster na may malaking halaga dahil kakagat ako ron. Iyong matandang 'yon! Bakit hindi niya sinabi ang tungkol sa guardian?!

Kumunot ang noo ni Alaric at gumawi kay Haruna. "Expected niyong kasama ako ni Elaine kaya bakit nababahala kayo sa 'kin?"

"Tulad nga ng sabi ko kanina, alam nating dalawa kung bakit," tugon ni Haruna na nagpatakang muli kay Elaine. "Mabalik tayo, huwag niyo nang pansinin ang poster mission. Iyan ay gawa lamang ng aking ama."

"Kung alam ito ng ama mo, bakit nakalagay sa misyon na ang nag-kidnap sa prinsesa ay isang guardian? Tapos iyong dalawang suspek ay iisa pala," tanong ni Elaine.

"Hindi alam ng ama ko ang katauhan ko," sagot ni Haruna at bumuntonghininga. "Kapag ikaw ay may tungkulin at layunin, kailangan mong mamili ng isa, hindi pwedeng isa walang bahala at hindi pwedeng dalawa ang piliin. Kailangang isa lang. . ." Humarap siya kay Elaine na seryosong nakikinig sa kanya. "Ang tungkulin ko'y pamunuan ang Olga Kingdom at ang layunin ko'y pangalagaan at protektahan ang Forest of Sonja. Ako'y tulad mong tinakda ngunit may pamilyang naghihintay sa 'kin na umaasa. Iyon ang pinakamahirap na parte ng buhay ko, ang mamili ng importante sa lahat."

"Anong pinili mo?" seryosong tanong ni Elaine. Taas noong tumingin sa kanya si Olga at tumindig na nakaupo. Nang malaman niya ang sagot sa ginawa ng guardian, yumuko ito at inalala na magkagaya sila ng sitwasyon.

Ang tungkulin o ang layunin? Tungkulin niyang mamuno bilang isang Emperor sa pangalang Supreme Spirit, at ang layunin niya ay magkaroon ng pamilya at maranasan ito.

(Ang tungkulin ay ang nararapat mong gawin. Ang layunin ay adhikain na gusto mong maabot sa hinaharap.)

Napakahirap ngunit kailangan niyang mamili. Nasagot niya naman ito ngunit habang tumatagal, mas lalo pang lumalawak ang kaalaman niya.

[Every powerful wish starts to zero. Kailangang paghirapan bago matupad.]

Ang mga katagang iyan ang laging lumilitaw sa isipan ni Elaine sa tuwing naiisip niya ang kanyang layunin.

Kailangan kong gawin ang nararapat at ayon ang mamuno sa lupaing ito. Kapag nagawa ko 'yon, para na ring naprotektahan ko ang lupaing tinatapakan ng pamilya ko.

"Anong dahilan bakit gusto mong makuha si Elaine at makausap ako?" tanong ni Alaric kaya muling bumalik sa pakikinig si Elaine.

"Nais kong malaman mo na nabigo si Gilth na matanggal ang mangkukulam sa pagpaslang niya rito. Dahil may panibago na namang mangkukulam ang nasa pangangalaga ni Emperor Lunar. At sigurado akong alam na nilang buhay si Elaine," sagot ni Haruna.

Namilog ang mga mata ng dalaga sa gulat. "Kung gano'n, bakit pa ako nagtatago kung alam na nila ang katauhan ko?" sabat ni Elaine.

"Dahil tinatago nila ang totoong Supreme Spirit sa publiko. Kung sinabi nila 'yon, mapapatalsik ang kasalukuyang nakaupo sa trono at ikaw agad ang papalit. Naplano na namin ni Gilth na hindi ka pwedeng umupo sa trono sa kalagayan mo dahil hindi lang basta titulo ang lalabanan mo, kung hindi ang mga taong gustong makuha ang trono at mga taong gusto kang mapaslang," paliwanag ni Haruna.

"Mukhang may iba akong walang alam sa plano ng matandang 'yon," natatawang saad ni Alaric.

"Mabuti nang walang nalalaman habang kayo'y naglalakbay ng walang depensa. Ngayon na narito kayo sa puder ko, masasabi kong kaya ko kayong protektahan. Sa ngayon. . ."

Natahimik ang paligid at tanging pagtingin lamang ang nagpapahiwatig na hindi pa tapos ang usapan.

"Kailangang manatili ni Elaine sa 'kin dahil mukhang kailangan niya ng matinding pagsasanay," pambasag na sambit ni Haruna sa katahimikan at humarap kay Alaric. "Mukhang hindi na kita kailangang turuan pa."

Ngumisi lamang si Alaric at humalukipkip.

"Elaine. Maaari ko bang malaman ang sagot mo sa sinabi ko?" tanong ng guardiang at numiti sa kanya ang dalaga.

"Gusto kong lumakas at matuto ng iba't ibang mahika. Gusto ko rin patunayan sa kanila na ang Supreme Spirit ay babalik para tulungan sila," sagot ni Elaine at kinausap ang isipan.

Kailangan kong lumakas. Para na rin sa mga taong umaasa sa 'kin na pamunuan sila ng maayos. Ang titulong pinakamalakas ay kakabit ng salitang Supreme Spirit kaya nais kong kuhanin iyon. . . Ahh! Grabeng pagkabuhay 'to! Para akong bida sa isang fantasy noble. Ang kaibahan nga lang, pantasya iyon at ito'y totoong nangyayari.

"Paano naman ang dalawa kong kamyembro?" tanong ni Alaric, "At bakit hanggang ngayon, tulog pa si Ruby?"

"Ang Sleep powder ay ginawa namin ni Ivy na mas lalong apektado sa dugong Hidalgos. Kaya pagpasensyahan niyo na kung nangyari sa kanya iyon," paliwanag ni Haruna.

"Kung sa 'kin 'yon tatama, ibig sabihin ay mahimbing pa rin ang tulog ko ngayon?" takang tanong ni Elaine.

"Gano'n na nga," sagot ng guardian at tumayo. "May problema ba, Captain Alaric?"

Napatingin sila kay Alaric na hanggang ngayon ay seryosong nakatingin kay Olga. Nakahalukikip ito at mayamaya'y pumikit kasabay nang pagtayo niya. Naglakad siya papunta kay Elaine.

"Magpalit ka muna ng damit. Nilalamig ka na," pagkakausap ni Alaric kay Elaine na hindi namalayang nanginginig pa rin ang kanyang mga kamay.

"N-nasa karwahe n-natin ang mga dala kong d-damit." Napayakap na lang si Elaine sa kanyang sarili. "Bakit ikaw?! Hindi ka nilalamig?"

"Tatanungin mo 'yan sa Ice mage?"

"Sabi ko nga."

Mahinang natawa na lamang si Haruna sa pag-uusap nila at bumaling kay Karlo.

"Karlo, kunin mo ang mga gamit nila sa kanilang karwahe."

Agad na yumuko si Karlo bilang paggalang at nawala ng parang bula sa kanilang paningin.

"Teleportation?" takang tanong ni Alaric na ngayon ay nakatabi ng nakaupo kay Elaine.

"Lahat ng guardian ay may loyal servant na kayang mag-teleport," sagot ni Haruna.

"I see." Sumulyap ang kapitan kay Elaine at nakita niya itong ngumiti dahil hindi na nakaramdam pa ng lamig.

Inanyayahan ni Olga sila Alaric at Elaine na kumain ngunit pinapunta muna sila sa kani-kanilang silid upang magpalit ng damit. Pagkatapos ay tumungo si Alaric sa isang silid na kung saan naroon sila Rai at Ruby. Pagkapasok niya, nakita niyang nakaupo sa gilid ng kama si Rai habang nakamasid sa mahimbing na natutulog na si Ruby. Agad siyang napansin ni Rai at mabilis na nakuha nito ang binatong damit niya.

"Damit mo 'yan sa karwahe. Magpalit ka muna, ako muna ang titingin kay Ruby."

Malungkot na tumayo si Rai at hinarap ang kapitan upang tanungin ito, "Bakit hanggang ngayon hindi pa siya nagigising? Parehas lang naman kaming nakatulog kanina?"

Napatingin si Alaric kay Rai na pangamba ang pinapakita nito sa mukha atsaka humarap kay Ruby.

"Hindi ko rin alam," sagot niya na at inobserba ang dalaga.


~(へ^^)へ• • •

Continue Reading

You'll Also Like

965K 57K 57
Rebirth of an assassin. Birth of the heaven-sent princess. Rise of the supreme goddess. Rise of Dawn. ***
16.1K 1.8K 32
⚠PLAGIARISM IS A CRIME⚠ I experienced everything first hand. And when I was ready to submit to my fate. I woke up and found myself in a world where...
61.8M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
6.2K 413 11
Seer Riete came from a wealthy and respected family. People who did not know Seer's background envy her while the others who know, pity her. Seer was...