I'm a Ghost in Another World

PeeMad

130K 4.7K 208

Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car cr... Еще

PSAMM
Guide Map
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Epilogue
Author's Note
Author's Note 0.2

Chapter 16

1.9K 66 3
PeeMad

Chapter 16: First Mission

SA PALASYO ng Olga Kingdom.

"Kayo ang kauna-unahang kumagat sa poster na pinadala ko sa Southwest Empire. Saang kaharian kayo galing, mga ginoo't binibini?" saad ni King Haruno nang makababa siya sa kanyang trono. Hinarap niya ang grupo nila Alaric nang may tindig.

Si King Haruno Olga ay isa lamang king consort. Ngunit dahil sa biglaang  sitwasyon sa kaniyang kaharian, siya ang namuno bilang hari at minahal naman siya ng kanyang nasasakupan.

"Sa Anastasia Kingdom, your majesty," sagot ni Alaric.

Biglang nabuhayan ang malungkot na mukha ng hari at naghawakan ang kanyang mga kamay na animo'y nananalangin. "Napakaswerte ko! Ang mga mamamayan pa na mula sa pinakamalakas na kaharian ang maghahanap sa anak ko." At muli na naman siyang lumuha ngunit ngayon, dahil sa kagalakan na.

"Bakit sa ibang kaharian pa kayo naghanap ng magreresolba ng problema niyo?" seryosong tanong ni Alaric.

Napabungtonghininga ang hari at tumugon,"Kung mapapansin niyo, tahimik ang aming kaharian. Walang mga magnanakaw o hindi kaya'y mga basag ulo. . ." Sa hindi malamang dahilan, bumaling ang hari kay Rai. Ang binata naman ay kumunot ang noo. "Kaunti lang ang knights namin kaya wala kaming guild para asahan. Kaya sa ibang guild ako nagpadala ng poster."

"Kung pinadala mo ang poster sa ibang guild, bakit kami ang unang dumating kahit na malaki ang halaga ng gantimpala?" tanong naman ni Ruby.

Natahimik saglit si King Haruno at malungkot natumingin sa ibang direksyon. "Mapapansin niyo sa poster na ang prinsesa ay kinuha ng Guardian of Sonja Forest kaya walang naglakas loob kahit na malaki ang gantimpala—  hindi na ngayon dahil nandito na kayo."

Ang mga Guardians of Forests ay mga alagad ng supreme spirit. Sila'y mga gabay at kasangga sa pagprotekta ng lupain. Sila rin ang nangangalaga ng mga kagubatan upang hindi mawala sa mundo ang mga puno't halaman. Kilala ding kasing lakas nila ang supreme spirit kaya walang naglakas ng loob na hamunin ito. Para mo na rin kasing hinamon ang mga diyos ng kagubatan na maaaring magdulot ng kamalasan at delubyo.

Nanlaki ang mga mata ni Rai at nakaramdam ng takot. "Delikado 'yan, Captain Alaric!" reklamo niya ngunit ngisi lang ang ibinigay ng kapitan sa kanya.

"Jackpot. Napakalakas ng makakalaban natin kaya malaking experience din ang mababalik nito sa inyo kaya. . ." Humarap si Alaric sa tatlo niyang myembro. "Kukunin natin ang misyong ito."

"HUWAG! Maawa ka, captain," naiiyak na saad ni Rai, "Gusto ko pang mabuhay."

"Okay lang ba sa 'yo?" tanong ni Alaric kay Ruby.

Marahang tumango si Ruby. "Walang problema."

Lumingon naman ang kapitan kay Elaine na taimtim na nag-iisip.

Kung konektado ang guardian sa supreme spirit, gusto ko siyang makita at makausap, sa isipan ni Elaine at humarap kay Alaric.

"Payag ako," sagot naman niya.

Kaya walang nagawa ang nagmamakaawang si Rai kung hindi'y ang sumama sa kanyang grupo.

Nilisan nila ang malawak na silid at sila'y sumunod sa hari na nagkukuwento ng mga masasaya niyang ala-ala sa kanyang anak. Pinakinggan na lamang ito ni Elaine para hindi magmukhang wala itong kausap. Base kasi sa mukha ng mga kasamahan ni Elaine; si Rai ay nakatulala, si Ruby na nakatingin sa paligid, at si Alaric na nakatuon lamang sa dinaraanan. Ang konklusyon nito ay walang nais na makinig sa hari.

Bago sila makapasok sa isa pang silid, bumungad sa kanila ang isang malaking litrato na makikita sa gilid ng dingding. Napahinto sila at namangha sa ganda ng paksa sa litrato, isang magandang dalaga na hawig ng hari.

"Napakaganda niya, hindi ba? Siya ang aking anak," manghang saad ng hari at naluha.

Napatango na lamang sila sa sagot ng hari at hindi nila alam ang itutugon dahil sa paghagulgol nito.

Pumasok sila isa pang silid at sandaling pinag-usapan ang magaganap sa misyon. Bibigyan lamang sila ng pabuya ng hari kapag napauwi nila ang anak niya. Ang mabibigay lamang ng hari ngayon ay ang pagkain at inumin. Pumayag naman si Alaric kahit na ang myembro niya ay hindi pumapayag. Pagkatapos no'n ay nilisan nila ang palasyo. Agad silang naglakbay patungo sa kagubatan ng Sonja, kahit wala pang konkretong plano.

Nang makarating, pinarada nila sa gilid ang karwahe at sinimulang libutin ang napakalawak na kagubatan. Ang mga puno rito ay tabi-tabi at tanging gitnang bahagi lamang ng kagubatan ang may malawak na daanan para sa mga manlalakbay at mga sasakyan.

"Mukhang tatlong linggo natin malilibot ang kagubatan kung maglalakad lang tayo," saad ni Ruby habang sila'y naglalakad. Patingin-tingin siya sa paligid na kulay berde lamang ang umaangat sa kanyang mga mata.

"Hindi pa sapat ang tatlong linggo. Sa ngayon, hahanap muna tayo ng mga impormasyon tungkol sa guardian," paliwanag naman ni Alaric na kalmado lamang na naglalakad sa unahan.

"Baka hindi na tayo abutin ng gabi kapag kinalaban natin ang guardian," mahinang sambit ni Rai ngunit narinig naman nila ito.

Bumuntonghininga si Ruby bago nagsalita, "Bakit hindi tayo maghiwa-hiwalay? Para mas mapabilis ang paghahanap?"

Huminto ang kapitan at hinarap ang tatlo. Nababahala siyang tumingin sa bawat isa, lalong-lalo na kay Elaine.

"Kaya niyo bang mag-isa?" tanong niya.

"Bakit hindi natin hatiin sa dalawa ang grupo?" mungkahi ni Ruby.

Napahawak sa baba si Alaric at taimtim na nag-isip. Pagkatapos ay sumulyap siya kay Elaine bago humarap kay Ruby.

"O sige. Kami ni Elaine at kayo ni Rai."

"Huh?!" - Ruby/ Rai.

Huminto ng tuluyan ang grupo at pumagitna si Rai. "Hindi ako papayag! Gusto kong sumama kay Elaine o hindi kaya sa 'yo. . . captain!" singhal niya. Sa huli niyang paliwanag, alam niyang malakas si Alaric na tamang-tama para maprotektahan siya.

Nagrolyo ng maga si Ruby at humalukipkip. "Ayaw pang sabihin na ayaw akong kasama. Ayaw din kitang kasama noh! Baka may alagaan pa akong pasyente sa paghahanap," pagtataray niya.

Bago pa magsimula ang dalawa na animo'y mga aso't pusa, pumagitna na si Alaric.

"Hindi ko sa minamaliit ang kakayahan niyo. Para mas maintindihan niyo, kung ira-rank natin ang magic power, individually: nangunguna ako, pangalawa si Ruby, pangatlo si Rai at panghuli si Elaine. Kung ang number 1 ay kasama ni number 4 is equal to 5. Kapag naman nagsama ang number 2 at number 3, equal pa rin sa 5. Kung susumahin, balanse hindi ba?"

"Oo nga noh!" manghang saad ni Rai at sinamaan ng tingin ang kapitan. "Bakit number 3 lang ako?!"

"Totoo naman," nakahalukipkip na saad ni Ruby.

"Anong sabi mo?!"

"Ingay mo!"

Habang nagbabangayan ang dalawa, nakita ni Alaric si Elaine na nakayuko. Inaalala kasi nito na siya ang pinakamahina sa apat niyang kasamahan.

Alam ko namang mahina ako pero ang masakit, sa iba ko 'yon maririnig, sa isip-isip niya.

"Kapag may nangyari sa 'yo, mawawala ang binayad sa akin para bantayan ka."

Tumingin si Elaine sa kapitan na nakangiti sa kanya ngunit bigla itong ngumisi.

"At hahasain natin ulit ang mahika mo."

Napangiwi na lamang si Elaine dahil hindi nagloloko sa kanya ang kapitan pagmahika na ang pinag-uusapan.

Napagdesiyunan nilang magpokus muna sa Timog-Silangang bahagi ng Forest of Sonja. Sa loobang bahagi sila Alaric at Elaine  na mas lalayo pa kung nanaisin nila, at sa bawat gilid naman ng kagubatan sila Ruby at Rai. Nagsimula na silang magpaalam sa isa't isa at pinayuhang kapag pumatak ang gabi, sila'y muling magkikita sa karwahe.

Magkasabay na naglakad sila Alaric at Elaine habang nagmamasid. Tanging mga naglalakihang puno lamang ang kanilang nakikita. Sabayan pa nang mainit na paligid dahil sa sinag ng araw ngunit kada sila'y didikit sa puno, napapawi naman ang pawis na pumapatak sa kanilang katawan.

"Anong plano mo?" tanong ni Alaric na bumasag sa katahimikang namumuot sa kanila.

Bahagyang napangisi si Elaine at mahinang natawa. "Inaamin ko, wala talaga akong plano. Tanggap ko kung nasaang sitwasyon man ako ngayon pero iba itong mundo na kinagisnan ko. Siguro'y sasanayin ko muna ang sarili ko bago ko tuparin ang dapat kong gawin sa mundong ito."

Mahinang tumango ang kapitan bilang pangsang-ayon at tumugon, "Ngunit huwag mong kalimutan na kapag mabagal pagresolba, mas madaming maaapektuhan."

"Alam ko ang bagay na 'yan. Alam mo bang dati akong ceo—ay este, isang ding pinuno na may malawak na nasasakupan?" Dinuro-duro ni Elaine ang kanyang noo at ngumiti. "Itong nilalaman ng utak ko, marami nang pangresolba sa kakaibang pamumuno rito. Kailangan ko lang mag-adjust sa mahikang akala ko'y hindi totoo."

Mahinang napangisi si Alaric. "Magagawa mo ba 'yon sa tamang oras? Paano kung huli na ang lahat? Paano kung malakas ka na nga ngunit ang mga tao'y bigo na ang tingin sa 'yo?"

Napahinto si Elaine at sinabayan ang seryosong tingin sa kanya ng kapitan.

"You're overthinking it."

"Possibilities of impossible are consider as a threat. Huwag makompyansa lalo na sa sitwasyon mo ngayon, Elaine. Mangmang ka pa lang sa mundong ito. Alam mo ang sinasabi ko hindi ba? Supreme Spirit?"

Hindi maipinta ang mukha ni Elaine dahil sa katotohanang binabato sa kanya. Natatapakan siya ng mga salitang ito na malayong-malayo sa kinagisnan niya. Inaamin niya sa sarili na ang buong katauhan niya ay isa siyang magiting na babaeng pinakamayaman at makapangyarihan sa industriya. Noon iyon ngunit ngayon. . .

Isa nga akong mangmang sa mundong ito, pagkakausap niya sa kanyang isipan.

"Ganyan ka ba magbigay ng advice? Salamat ha!" inis na sambit ni Elaine. Naasar kasi siya sa mga salita nitong hindi bulgar ngunit tago ang sakit hanggang balunbalunan.

Mahinang natawa si Alaric at ginulo ang buhok ni Elaine upang mapawi ang labi nitong naka-pout na. "Walang masama kung ituturing mo ang sarili mong nagsisimula pa lang. Nanggaling ka na ro'n hindi ba? Matalino ka ngunit magpakumbaba kung hanggang saan lang ang kaya mo."

Marahas na tinapik ni Elaine ang kamay ni Alaric sa ulo niya at lumayo ng bahagya.

"Tsk! Kumalma ka lang. Hintayin mo kapag nahasa ko na itong mga mahikang 'to!" Nagsimulang magmartsa paalis si Elaine at hinayaan na lamang siya ni Alaric na lihim na nakangiti.

Lumipas ang isang oras na wala silang nakikitang kahina-hinala o kahit nayon man lang sa inatasang lugar na paghahanapan nila ng impormasayon. Napahinto sila Elaine sa isang sapa upang uminom ng tubig. Pagkatapos ay umupo sila sa ilalim ng puno ngunit napakainit pa rin.

"Mahika Ah-Bilidad, Tiny Wind," saad ni Elaine at nagkaroon ng mahinang hangin sa paligid niya.

Tiningnan lang siya ng kapitan habang nakakubang nakaupo at nakasampa ang bisig sa bawat tuhod.

"Hindi mo pa ba kayang gumamit ng mahika na hindi gumagamit ng enkantasyon?" tanong ni Alaric.

Lumingon sa kanya ang dalaga at hinawi ang hangin papunta sa kapitan. Nagkaroon din ng mahinang hangin sa paligid ni Alaric. Pangpawi sa mainit na panahon.

"Kaya ko naman kaso minsan, hindi ko nagagamit tulad ngayon."

Pinanliitan ng tingin ng kapitan ang dalaga. Humarap ito at tinapat ang isang kamay sa sapa. Pagkatapos ay nagkaroon ng yelo sa gilid nito na kasing tigas ng bato. Kaya kahit malakas ang agos ng tubig, hindi ito natutunaw.

"Mag-imagine ka sa utak mo ng spell o mag-visualize ka ng hanging atake sa isipan mo. Gano'n lang naman kasimple iyon pero mahirap pag-aralan. Ang hindi ko lang maintindihan, ikaw ang Supreme Spirit pero hindi mo kinakaya," paliwanag ng kapitan at pinawalang bisa ang yelong mahika sa sapa. Pagtingin niya sa dalaga, nakayuko itong nakatingin sa sapa na may lungkot sa mukha.

"Nababagabag ka pa rin ba sa mga sinasabi sa 'yo ng tao kanina?" tanong niya.

Gumuhit ang maikling ngiti sa labi ni Elaine at pinawalang-bisa ang mahikang hangin. "Pwede ko namang hindi pansinin ang mga sinasabi nila pero kapag nakikita kong naghihirap ang mga tao at nananalanging babalik ako, doon lang ako naapektuhan. Aminado akong mahina ako ngayon at wala akong magagawa sa kanila."

Sa nakaraang buhay niya, kaya niya namang tumayo sa sarili ng mag-isa ngunit tao lang din ito, nasasaktan minsan. Lalo na ngayong may pamilya na siya at may malaking responsibilidad. Tumatanaw naman siya ng utang na loob sa nagbuhay sa kanya kaya kahit na ayaw niya ito, kailangan niyang gawin ang nararapat sa lahat.

Pati ang emperor ay hindi niya nakikitaan ng kasamaan. Siya iyong tipo ng taong kapag mabuti ang ginawa sa 'yo, mabuti rin ang ibabalik niya. Kapag masama, masama din ang ibabalik niya. Kaya walang saysay ang galit kung hindi kagalit-galit ang kalaban.

"Gano'n ba." Muling tumingin ang kapitan sa umaagos na tubig, "Hindi mo magagamit ang imagination spell kung napakarami mong iniisip."

"Gano'n na nga," tugon ng dalaga at napahinto nang may mapagtanto sa kapitan.

Napakagaling ni Captain Alaric gumamit ng imagination spell. Ibig sabihin. . .

"Calm your mind and soul. Problems are just the fragments of your growth," pagpuputol na saad ng kapitan sa iniisip ni Elaine. Gumuhit ang ngiti sa labi nito at tumitig sa sapa. "Gaya ng pagsabay sa daloy ng sapa. . ." Tinuro nito ang isang bato sa itaas na bahagi ng sapa. "Ang mga bato ang problema. . ." Dahan-dahan niyang binaba ang kamay na kasabay ng agos, "Kung ikaw ang tubig, hindi mo maiiwasan ang mga bato ngunit anong magandang madudulot ng mga bato sa 'yo?" tanong nya at humarap kay Elaine.

Mahinang umiling lamang ang dalaga dahil hindi niya alam ang sagot.

Tumayo si Alaric at naglakad sa pupuntahan nang umaagos na tubig. Sumunod na lamang si Elaine. Nang marating nila ang dulo, namangha siya sa napakalinaw na malawak na lawa.

"Ang bato ang nagpapalinis sa tubig at lumilikha ng malinaw na lawa," paliwanag ni Alaric at tumingin sa dalaga. "Kaya bakit hindi mo hayaan ang isipan mo magdesisyon sa mga darating na problema? Ang problema ang nagpapatigil sa 'yo sa magandang buhay na ninanais mo. Ngunit unti-unti ka naman niyang lilinisin at papalakasinat tinatawag iyong experience. Hindi ka magiging malakas ng hindi ka dumadaan sa hirap."

Napatitig si Elaine sa lawa at ang ilang hayop sa gilid nito ay umiinom pa.

Kahit hindi makikita sa mukha ng kapitan, matalino itong tao at napakalakas. Kahit minsan, napakalamig nito tulad ng mahika niya, hindi niya maaalis sa isipan na mabuti itong tao at tutulungan ka.

Napangiti na lamang si Elaine at pumewang sa kapitan. "Pwede bang 'to the point' na lang ang pagpapaliwanag? Kanina ka pa ha! Pinagtitripan mo ba ako?"

Ang magandang timpla sa mukha ng kapitan ay napalitan ng seryosong tingin. "Kung ganyan lang ang sasabihin mo, sisingilin ko lahat ng mga tinuro ko sa 'yo."

Mahinang natawa si Elaine na ipinagtaka ng kapitan.

"Biro lang!" Humarap ito kay Alaric at ngumiti, "Salamat."

Ngumisi lamang ito sa kanya. "Kasama 'yan sa binayad sa 'kin."

"Oo. You're Welcome," sarkastikong tugon ni Elaine.

Kahit papaano, nasasanay na ang dalaga sa kapitan dahil gabi-gabi silang magkasama magsanay at unti-unti niya nang nalalaman ang ibang ugali nito. Minsan, napapatanong siya sa sarili na bakit nabablangko siya? Tulad ngayon na namamangha siya sa talinong pag-iisip ng kapitan.

Kahit hindi aminin ni Elaine sa sarili, magaan ang loob niya sa kapitan.

Muli silang tumingin sa lawa. Nang mapansin nilang dumilim ang tubig, tumingala sila at nakita ang parating na maulap na kalangitan.

"Kailangan na natin muling maghanap. Baka abutan pa tayo ng ulan," saad ng kapitan at naglakad paalis sa lawa. 

Bago sumunod si Elaine, bigla siyang napatingin sa dulong bahagi ng lawa dahil nakaramdam na naman ito na parang may matang nakatingin sa kanya. Ngunit wala naman siyang nakita rito at inisip na lamang na baka may dumaan lamang na hayop dito.

𔓎𔓎𔓎𔓎

SA ANASTASIA Kingdom.

Ang Training Hall ay puno ng mga mage nagnanais na makilahok sa darating na Lunar Tournament ngunit dito na nagtatapos ang kanilang hangarin dahil nasa loob na ang mga kalahok na napili.

May apat na taong nasa isang silid at kaharap nila ang mga kapitan ng Midnight Guild kasama ang Guildmaster na si Gilth. Bago mapili ang mga karapat-dapat na isalang sa kompetisyon, halos limang araw ang nilaan upang mahanap ang limang representative sa halos sampung libong nagbabaka sakaling makasali. Hindi lamang kasi ang guild members ang may karapatang makilahok, kung hindi'y ang buong kaharian. Kaya natagalan ang paghahanap ngunit ngayon ay natapos na at nakapili na ng mga karapat dapat.

May dalawang lalake at dalawang babae ang makikita sa grupo. Isa na rito si Emmanuel na ang masiyahing mukha noon ay hindi na makikita ngayon. Ang katabi niyang lalake ay si Baron Cromwell na may Earth Magic attribute. Ang dalawa namang magkapatid babae ay sila Antonelle Luxembourg na isang Elite Mage na may Water Magic attribute na ang affinity ay healing. At ang kakambal niyang si Antonette Luxembourg na isang Legend mage na may water and ice attributes.

Ang mga mages na may dalawa o higit pang attribute magic ay bihira lamang makikita at sa pamilya lamang ito namamana.

[Types of Mages (Base of attributes and skills:

1) Normal: Can manipulate and control elemental magic.
2) Mastery: 4 skills in one attribute magic. (Generate, control, mimicry and creation)
3) Elites: 4 skills with Special Abilities. (4 Skills with Special Teleportation or Healing)
4) Legends: 2 Elemental attribute in one person. (ex: Antonette - Water and Ice magic.)
5) Myths: 3 to 4 Elemental magic in one person.
6) Supreme: All Elemental magic in one person.]

Lihim na napatingin si Emmanuel kay Antonette. Hindi ito kasama sa guild ngunit ito'y residente ng Anastasia Kingdom kaya maaari itong makapasok. Ang suot ng dalaga ay halos panlalake na hindi katulad sa kanyang kakambal na makikitaan ng tindig ng isang maharlika. Itim ang buhok at mga mata nito, maputi ang kutis, at matangkad na ito kumpara sa ibang babae. Magkawangis ang magkambal. Ang pagkakaiba lang nila ay ang namumukod tangi nitong nunal sa leeg.

Napansin naman ni Antonette na nakatingin sa kanya si Emmanuel kaya ngumisi siya at biglang sumulyap sa binata.

Bahagyang nagulat si Emmanuel at binaling na lamang ang tingin sa katabi niyang si Baron na kulay kayumanggi ang buhok at balat nito, makisig, at matangkad rin ito. May bitbit itong malaking sledgehammer sa likod na nakita niyang ginagamit upang lumakas pa ang Earth magic attribute nito.

"Captain Yong?" tawag ni Gilth na ikinatingin nilang lahat sa kapitan. Umabante naman si Yong at tumapat sa kanya. "Ikaw ang magiging Captain ng Anastasia Team Representative."

Yumuko si Yong upang magbigay galang at tumapat sa pagkakatayo ng apat na baguhan.

Bago ang lahat, tatlong araw ang lumipas bago sumubok si Emmanuel sa pagsusuri at ngayon lamang niya nalamang kabilang siya rito. Tatlong araw din siyang naghihintay sa pagbalik ng kaibigang si Rai lalong-lalo na kay Elaine. Nalaman niya lamang na matatagalan ang uwi nila kay Sheyn.

Bakit ang tagal niyo? Sa isip-isip ni Emmanuel, nag-aalala't hindi mapalagay dahil ang misyon na kinuwa nila ay delikado.

"Dalawang buwan pa bago magsimula ang tournament kaya may dalawang buwan pa kayo para magsanay. Tututukan kayo ng Anastasia Kingdom at kung ako man ay may oras, sasamahan ko kayo," paliwanag ni Gilth.

Napangiti si Baron at Antonelle bilang pagsang-ayon at sa lihim nilang paghanga sa guildmaster. Hindi nila matago ang kanilang kagalakan sa tinuturing namalakas na mage sa kanilang kaharian.

"Kung matatalo ba kami, may makukuha pa rin ba kaming gantimpala? Hindi sa tournament ha! Iyong pabuya sa Anastasia Kingdom ang tinutukoy ko," sulpot na tanong ni Antonette.

"Hangga't hindi niyo sisirain ang pangalan ng Anastasia Kingdom, bibigyan kayo ng gantimpala," sagot ni Gilth.

Bumuntonghininga si Antonette at nilagay ang mga palad sa batok. "Sayang, hindi natin kakampi si Joziah," bulong niya ngunit sapat na ang katahimikan ng Training Hall para marinig siya ng ibang kasamahan.

Noong nakaraan, pinili ni Joziah na sumama sa representatives ng emperor. Hindi dahil sa malaki ang gantimpala, kung hindi sa malalim na rason. Pasok agad si Joziah kung sa Anastasia Kingdom ito mamamalagi at gagawin pa itong captain sa team dahil bihasa na ito sa mga nakaraang tournament. Isa rin si Antonette sa mga nakasama ni Joziah noon kaya kilala niya ang binata.

"Ang layunin ay manalo at itaas ang bandera ng Anastasia Kingdom sa iba pang kingdoms. Kung isa sa inyo ang magiging emperor— kung meron man, napakalaking tulong no'n sa ating kaharian. Kaya gawin niyo ang lahat para makarating sa pinakatuktok," saad ni Gilth. Tumango ang grupo bilang pangsang-ayon sa kanya atsaka siya lumalis.

Naiwan sa Training Hall sila Captain Yong at ang apat na kalahok. Lumihis ang tingin ng kapitan kay Emmanuel at nagtanong, "Kasali ka sa Crater Squad, hindi ba?"

Bahagyang nagulat si Emmanuel dahil hindi ito makapaniwala na sa ilang linggo niyang nasa guild at nasa squad nito, hindi pa siya nito kilala. Napangisi siya at walang ganang tumingin sa kapitan.

"Ngayon ko lang mararanasan ang masanay ng kapitan na kinabibilangan ko," sarkastikong saad niya. Buong linggo kasi itong nakadepende sa pagsasanay na si Vice-Captain Monki at ang pinakamasaklap pa rito, sakit lang sa katawan ang dinulot nito.

Hindi manhid si Captain Yong sa inaasta ng binata. Nakalap niya rin ang ginagawa nila Monki sa kanya. Hindi siya makagawa ng aksyon dahil sa abala ito at sa may taong nasa likod ni Monki na hindi niya kayang kalabanin. Halos lahat ng nasa mataas na posisyon sa kaharian ay may dugong bughaw. Kaya wala siyang magawa kung hindi'y hayaan sila nito.

Tumingin siya sa binata mula ulo hanggang paa at lihim na ngumisi dahil sa masama nitong tingin sa kanya. Isa rin sa dahilan kung bakit hinayaan niya ito dahil naniniwala siyang kung hindi malalampasan ng katulad ng binata ang hinagpis ng mga taong malulupit sa katulad nito, wala siyang karapatan maging meymbro ng guild. Ngunit dahil nakatayo ito sa harapan niya't nakatindig. . .

Ngumisi si Yong at kinausap ang isipan, Hindi dapat kinikilala ang mga katulad niyang sa hinaharap ay malalampasan ang katulad ko.

Bumaling na lamang siya sa iba pang kalahok at nagmungkahi, "Binabati ko kayo dahil kayo'y nakapasok upang lumahok sa tournament. Ngunit hindi pa rito nagtatapos ang inyong layunin sa grupong ito. Sisimulan natin bukas ang pagsasanay at buong araw tayo bibilad sa araw hanggang sa maubusan tayo ng tubig sa katawan."

Taimtim lamang na nakikinig sa kanya ang mga myembro. May kinuha si Captain Yong sa kanyang bulsa at pinakita ito sa apat. Isa iyong bilugang emblem na espesyal lamang sa mga kalahok. 

"Itong emblem ay simbolo na kayo ang kalahok ng Anastasia Kingdom at ang bawat isa nito ay may perang nagkakahalaga ng dalawang ginto kada araw. Ito ang suportang binigay sa inyo ng hari upang hindi na kayo gumastos pa sa pagkain o sa ano mang gastusin niyo," dagdag pa niya at binigay isa-isa ang mga emblem sa kalahok na agad naman nilang pinagmasdan at sinuot.

Tumalikod siya at umambang aalis. "Maglaan kayo ngayon ng oras ng pagpapahinga dahil bukas tayo magtutuos," saad niya at nagsimula nang maglakad.

Lumabas na rin si Antonette kasama ang kanyang kambal at sumunod lang sa kanya ang dalawang lalakeng kasamahan.

"Bakit kayo sumusunod?" malditang tanong ni Antonette nang makalabas sila ng Training Hall.

"Daan ito palabas ng Training Hall," mahinang sambit ni Emmanuel na nakapamulsang naglalakad at nakagawi sa ibang direksyon.

Kumunot ang noo ni Antonette at sasagot sana nang lumapit si Baron sa kanya.

"Ikaw ba si Antonette na galing sa House of Luxembourg?" tanong ni Baron na may ngiti sa labi.

"Anong kailangan mo, bulk man?" mataray na tugon ni Antonette. Hindi naging maganda ang kanyang mood at patingin-tingin kay Emmanuel.

Napangiwi si Baron para matakpan ang kahihiyan at kunwaring umubo.

"Ako si Baron na mula sa House of Cromwell. Nice meeting you, Lady Antonette," pagpapakilala niya at ngumiti siyang muli ngunit tiningnan lang siya ng dalaga.

"Tss." Binilasan pa lalo ni Antonette ang kanyang lakad at iniwan na sila ng tuluyan.

Yumuko na lamang ang kanyang kakambal na si Antonelle. "Pasensya na sa pag-asta ng kakambal ko," mahina niyang saad at ngumiti nang umangat ang kanyang mukha. "Nice meeting you, Lord Baron." Atsaka ito sumunod sa kanyang kakambal.

Napakamot na lamang si Baron sa kanyang batok. "Tama nga ang sabi nila. Magkaibang-magkaiba ang ugali nila."

"Maiwan na kita," rinig niyang sambit ni Emmanuel na naglalakad paalis.

"Teka!" Agad siyang tumakbo papunta sa binata at sumabay sa paglalakad nito. "Lord Emmanuel from House of Adar. Hindi ba?"

"Ako nga," maikling tugon ng binata.

"Bakit hindi tayo magsama ngayon dahil parehas naman tayong kalahok?"

"Sinasabi mo bang hindi mo kaya mag-isa?"

Natigilan si Baron. "T-tama ka n-nga," nahihiya niyang tugon.

Napabungtonghininga na lamang si Emmanuel.

Katulad siya ni Rai, sa isip-isip niya at tumingala upang makita ang kalangitan. Hanggang dito ba naman hindi ako titigilan ng mga taong madaldal?

𔓎𔓎𔓎𔓎

SAMANTALA, sa kagubatan ng Sonja, may dalawang kabataan na maingat na nagmamanman sa kanilang paligid at dinadaanan. Ang isang binatang si Rai ay napabahing dahilan para lingunin siya ng kasamahan niyang si Ruby na masama ang tingin.

"Ano ba 'yan?! Sa harap ko pa talaga ha!" reklamo ni Ruby.

Hinimas ni Rai ang kanyang ilong. Sino kaya ang nag-iisip sa 'kin ngayon? Pagkakausap niya sa kanyang isipan.

Napatigil si Ruby nang may marinig na kaluskos sa gilid nila.

Takang huminto si Rai at sinundan ng tingin ang tinitingnan ng dalaga. "Bakit? Anong mero—"

"Shh!" pagpapatigil ni Ruby sa sasabihin ni Rai.

Nilibot ng tingin ni Ruby ang paligid at tinaas ang kanyang depensa. Nang mapansin ni Rai na may parang nakatingin sa kanila, inihanda niya ang sarili para sa anumang atake ang gagawin sa kanila.

Bigla na lamang sila napalingon nang may maramdamang kakaiba. Pagtingin nila, gulat at kaba ang kanilang naramdaman nang may malaking baging ang papunta sa kanila.

Bago pa sila makatakbo, pumulupot ang malalaking baging sa kanilang katawan at sila'y inangat nito sa hangin. Pagkatapos ay mabilis sila nitong hinatak papunta sa pinakalooban ng kagubatan. Rinig ang pagkabigla sa kanilang sigaw na unti-unting nawala na basehang sila'y lumayo na.


~(へ^^)へ• • •

Продолжить чтение

Вам также понравится

3.3K 246 39
Let's go back to the time when it all started- to the start of the fall. Back when a single ambition ruined it all. ©SaviA 2020
Rise of Dawn RiAnn

Приключения

964K 57K 57
Rebirth of an assassin. Birth of the heaven-sent princess. Rise of the supreme goddess. Rise of Dawn. ***
Sports Z: The Last Survivors (COMPLETED) Alexxx

Художественная проза

25.2K 1.3K 45
Handa kabang lumaban para sa buhay mo? Handa kabang isakripisyo ang ibang tao para sa sariling kapakanan? Handa kabang lumaban para sa mahal mo sa...
DEAD LINE Crayola

Ужасы

15K 621 42
HIGHEST RANK: #1 in Survival PLEASE TAKE NOTE THAT THIS STORY IS CURRENTLY UNDER MAJOR REVISION. ----- Azie and her friends are just living their nor...