I'm a Ghost in Another World

By PeeMad

131K 4.7K 208

Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car cr... More

PSAMM
Guide Map
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Epilogue
Author's Note
Author's Note 0.2

Chapter 13

2.3K 90 1
By PeeMad

Chapter 13: Emperor Hidalgos

HATING GABI nang makauwi si Elaine sa kanyang silid. Hindi nga nagbiro sa kanya si Alaric dahil piniga siya nito sa pagsasanay buong gabi. Ang masama nga lang na balita rito ay hindi niya pa rin natutunan ang tinuturo sa kanya ng kapitan.

Sumibol na ang haring araw sa kanilang lugar ngunit hindi pa rin bumabangon si Elaine. Ang mga katabi niyang silid ay nakabukas na ang mga pinto.

Naglabasan na ang ilang bagong myembro ng guild, dalawa rito ay sila Emmanuel at Rai na maagang nagising. Sabay na binuksan ng dalawa ang kanilang pinto at napatingin sa isa't isa. Mapungay pa ang kanilang mga mata na may kasamang paghikab.

Kinusot ni Rai ang kanyang mga mata at gumawi kay Emmanuel. Ngumiti siya rito at binalik din ito sa kanya ng kaibigan. Sabay silang humikab at nag-unat ng katawan kasabay nang pagbukas ni Ruby ng kanyang pinto at sumabay sa dalawa, animo'y pinagplanuhan nila na ito'y mangyayari.

Nang mahimasmasan ang sila Emmanuel at Rai, gumawi sila kay Ruby na mapungay ang mga mata at lantang katawan.

Naramdaman ni Ruby na parang may nakatingin sa kanya. Hindi nga siya nagkamali dahil nakita niya ang dalawang binata na nakatingin sa kanya. Nagulat siya at tumaas ang kanyang mga balahibo. Para kasi silangg multo dahil lanta itong nakakuba at sa mukha nilang nagpapahiwatig ng kawalan ng pag-asa. Malakas na lamang siyang umiling at hindi na lamang ito pinansin. Iniwan niya ang dalawa at dumiretso sa cafeteria.

Inayos ni Emmanuel ang kanyang pagkakatayo. Ang dating lanta, ngayon ay masigla na. Maglalakad sana siya paalis subalit napatigil ito nang mapansin niya ang katabi niyang silid na hindi pa nakabukas ang pinto. Nakita niyang ang maliit na karatulang 'occupied' ay nakahalang, pahiwatig na bumukas na ito.

"Halika na! Gutom na ako," aya ni Rai.

Hindi na lamang pinagtuunan ng pansin ni Emmanuel ang katabing kwarto. Sumabay na siya kay Rai pababa sa cafeteria.

𔓎𔓎𔓎𔓎

ILANG ORAS na ang lumipas, nakatitig pa rin si Elaine sa kanyang panaginip na walang makikitang kahit na ano kung hindi ang kadiliman lamang. Wala naman siyang magagawa dahil animo'y nakakulong siya at hindi magalaw ang kanyang mga kamay at paa. Kanina pa niya sinusubukan ang magising o hindi kaya'y galawin ang katawan, ngunit bigo lagi ang natatamasa niya. Hanggang siya na lang ang kusang sumuko at tinanggap ang kapalaran.

Anong nangyayari sa 'kin? Simula nang makaramdam ako ng pagod, hindi na ako nagising sa bangungot na 'to, pagkakausap ni Elaine sa kanyang isipan, sa mismong kanyang panaginip.

Hindi siya nakakaramdam ng antok ngunit nang makarinig siya ng katok, bumigat ang talukip ng kanyang mata. Unti-unting nagliwanag ang madilim na panaginip kasabay nang pagkaramdam niya ng kaantukan. Dahil wala pa siyang kamalayan kung ano ang kanyang totoong kakayahan, ang gabi-gabing dilim sa kanyang panaginip ay hindi niya alam. Kusa itong nabubura kapag may nang-istorbo sa kanyang mahimbing na tulog.

Sa reyalidad, mahimbing na natutulog si Elaine. Sumama lang ang timpla ng kanyang mukha nang pauli-ulit na umaalingangaw sa kanyang tinig ang mga katok.

"Inaantok pa ako, Esang!" singhal niya at pinatong ang unan sa kanyang mukha. Diniinan niya pa lalo ang unan nang may malakas na kumatok muli sa pinto niya.

"Ang aga-aga, nambubulabog si Esang!" bulong niya sa sarili.

Nawala ang ingay mula sa katok kaya siya'y muling bumalik sa pagtulog. Bago niya pa maabutan muli ang kanyang naudlot na tinatamasa niyang tulog, bigla na lamang lumamig ang mainit na silid.

Agad na hinanap niya ang kumot at inirolyo ito sa katawan. Himbis na mainitan, mas lalo pa siyang nalamigan. Napayakap na siya sa kanyang katawan at bumangon dahil kahit anong gawin niya, hindi na siya makabalik sa pagkakatulog.

Pagkabangon na pagkabangon niya, nakita niya si Captain Alaric na nakayukong nakasandal sa gilid ng pintuan. Ang pinto ay nakabukas na at nababalutan ito ng makapal na yelo. Pati ang silid ay nagmukha ng refrigerator dahil sa lamig at sa mga yelong nakapaligid dito.

Kanina pa nasa labas ang kapitan at kanina pa rin kumakatok. Walang sumasagot sa kanya kaya gumamit na ito ng dahas upang magising ang dalaga.

Umangat ang ulo ng kapitan at ang walang emosyon niyang mukha ay napalitan ng pagkagulat. Agad siyang tumalikod at ang malamig na mukha ay napalitan ng hiya.

Agad na nanlamig si Elaine at lalong napayakap sa sarili. Doon niya lamang napagtantong nakasuot lamang siya ng manipis na pantulog. Bumaba ang tingin niya sa mayaman niyang dibdib at nakitang may bumabakat dito.

"Huwah!" sigaw niya at kinuha ang kumot para takpan ang sarili.

"Bilisan mong bumangon diyan. Hihintayin kita sa labas," huling sambit ng kapitan bago lumabas sa silidn kasabay nang pagkawala niya ay ang paglaho ng lamig sa silid.

Nakatulala si Elaine sa pintong nakasara at namula nang makita kanina ang reaksyon ng kapitan.

Nakita niya ba ang pagkabakat? Nakakahiya! Pero kasalanan niya! Dahil pumasok siya sa silid ng walang paalam! Pagkakausap niya sa kanyang isipan at bumangon na upang maligo at magbihis.

𔓎𔓎𔓎𔓎

WALA NANG makikitang mga trainees sa pasilyo, tanging si Captain Alaric na lamang ang makikita rito. Nakasandal siya sa gilid ng pintuan ng silid ni Elaine habang nakahalukipkip.

Kailangan niyang bantayan ang dalaga. Hangga't maaari ay buong araw niya itong susubaybayan dahil binalaan na siya ng guildmaster na may darating at may dumating na sa paligid kay Elaine.


Flashback

Pinatawag ni Guildmaster Gilth si Captain Alaric sa pamamagitan ng isang mensaherong ibon.

Sa silid ni Gilth, pumasok si Alaric at nadatnan niya ang pinuno na nakaupong nakatingin sa bintanang nasa likod ng mesa.

"Maupo ka," wika ni Gilth na hindi man lang nililingon ang kapitan.

Sinara ni Alaric ang pinto at tumungo siya sa harapan ng mesang may dalawang upuan at doon umupo. Inihilata niya ang likod sa tandayn ng upuan at hinarap ang nakatalikod na guildmaster.

Tinalikod ng guildmaster ang kanyang upuang umiikot at humarap sa kapitan.

"May isa pang mangkukulam na nagbigay impormasyon sa emperor. Nalaman nilang manggagaling ang susunod na Supreme Spirit sa Anastasia Kingdom. Kailangang mong bantayang mabuti si Elaine at kung maaari, tulungan mo siyang ibalik ang totoo niyang mahika. Panatilihin niyong hindi ibaba ang inyong depensa lalo na't ang araw na ito'y may darating. Huwag mong hahayaang mahuli nila si Elaine at lalong-lalo ng huwag mong hahayaang mapaslang nila ito," paliwanag niya sa seryosong tono.

"Taasan mo ang bayad mo sa akin," pagpapakalmang wika ni Alaric. Kilala niya si Gilth, ayaw niyang sumasama ang mukha nito dahil nakatatakot itong magalit. Sabayan pa nang kanyang kakaibang mahikang liwanag na isa sa pinakamalakas na magic attribute.

Matagumpay naman ang kanyang sinabi dahil mahina itong natawa sa kanya.

"Makakaasa ka," tugon ni Gilth.

End of Flashback


Bumukas ang pinto at tumambad si Elaine-na nakabihis na- sa harapan ng kapitan. Naka-dress itong itim upang sumubay sa kanyang puting balat. May suot din itong itim na military boots na may medyas sa loob.

Nang magtama ang kanilang tingin, namula si Elaine. Naalala ang kaninang senaryo na nakita nito ang kanyang dibdib. Nakakunot--noo namang tumingin sa kanya ang kapitan at naglakad na lamang. Kahit ito'y naalala ang kaninang pangyayari ngunit kailangan niyang intindihin ngayon si Elaine.

"Tara na at may pupuntahan pa tayo," sambit ng kapitan.

Sumunod na lamang si Elaine sa kapitan at magkasama silang lumabas ng guild hall. Ang patutunguhan nila ngayon ay ang gitnang lugar ng Tasia Capital na kung saan makikita ang palasyo ng Anastasia Kingdom.

"Akala ko magsasanay tayo?" tanong ni Elaine.

Kasalukuyan silang magkasabay na naglalakad. Hapon na kaya napakaraming tao ang narito. Hindi sila makikitaan ng mga hindi kaaya-ayang suot na hindi katulad sa bayang pinagmulan ni Elaine na halo-halo ang estado ng mga tao. Dito'y purong mayayaman at hindi pinapakita ang kanilang kahirapan.

Nang sila'y makatapak sa gitnang lugar, kapansin-pansin ang mga magagandang bahay na nakatyo rito; simula sa bato at kahoy na bahay na hindi nagpapahuli sa ganda ng kapital, ang ilang maliit na palasyong nagkalat sa kapital ay pagmamay-ari ng mga noble at nakalagay sa kanilang gate ang salitang 'House of', at ang pinakasentro ng kapital ang gitnang palasyo na napakalaki na gawa sa ginto at pilak- tahanan ito ng Crowned King.

"Wala akong sinasabing magsasanay tayo ngayon. Tutungo tayo sa harapan ng palasyo," sambit ng kapitan.

"Bakit?" tanong ng dalaga. Hindi na siya sinagot ng kapitan dahil ang mga nakakasabay nilang tao ay iisa ang direksyong tinutungo, napagtanto niyang ito ang pupuntahan din nila.

Buti na lamang ay malapit ang guild hall sa gitnang lugar kaya wala pang ilang minuto, nakarating na sila rito.

Ang harapan ng palasyo ay may malawak na parke para sa mga tao. Nasa dulo silang bahagi nito dahil puno na ito ng napakaraming tao. Matatanaw sa kanilang kinatatayuan ang balkonahe ng palasyo na walang dudang dito nagpapakita ang hari para harapin ang kanyang mamamayan.

Habang naghihintay, napuno ng ingay ang parke ng mga bulong-bulungan at usapan ng mga tao.

Nilibot ng tingin ni Elaine ang paligid at nakita ang ilang myembro ng guild na narito. Angat kasi ang mga kasuotan nitong mahahalintulad sa mga wizards.

"Nandito rin pala kayo!"

Napalingon si Elaine sa nagsalita at nakita niya sila Rai at Ruby na magkasama. Ngumiti siya at lumapit sa kanila.

"Saan kayo galing?" bungad na tanong ni Elaine.

"Nagsanay kasama si Emmanuel. Kaso nagkahiwalay kami noong kunin siya ng squad niya," paliwanag ni Rai at napatingin sa kapitan na lumingon sa kanila. "Captain Alaric!"

"Shh!" suway ng kapitan na agad namang ikinatikom ni Rai.

Tumunog ang trumpeta mula sa palasyo kaya ang lahat ay napatingin sa balkonahe. Naghiyawan ang mga tao nang lumabas dito ang isang matandang lalake na may korona sa ulo, may hawak itong staff na may malaking simbolong bilog at kalembang. May katamtaman itong tangkad, kulay porselanang balat, magandang mukhang bagay sa pampublikong kasikatan, berdeng kulay sa pares nitong mga mata, at kulay dilaw na buhok na nagpaangat sa kanya.

"Ang hari!" sigawan ng mga tao na may kasama pang hiyaw.

Siya si King Jozwel Anastasia. Ang ika-50 namumuno sa Anastasia Kingdom. Wala pa itong asawa kaya ang ilang mga kababaihan sa parke ay naghihiyawan.

Kumaway-kaway ang hari na may ngiti sa labi. Unang ekspresyon mo rito ay ang maamo nitong mukha, ngunit sa likod nito ay may kakaibang hindi pa natutuklasan ng nasasakupan niya. Natigil lang ito sa pagkaway nang tumabi sa kanya ang dalawang knight na nakabuntot sa kanya.

Nang mamukhaan ni Elaine ang isa sa knights na kasama ng hari, ngiti agad ang naging reaksyon niya.

"Si Kuya Joziah 'yon ha?" saad niya.

"Kapatid mo si Joziah?" takang tanong ni Rai.

Tumingin si Alaric kay Joziah. Ang tenga nito'y nakatuon sa tatlong myembro niya. Hindi niya ito nililingon dahil nakatuon ang kanyang paningin sa kanyang kapaligiran at sa hari.

Nagpabalik-balik ng tingin si Ruby kay Elaine at Joziah. Inaalam nito ang pagkakapero ng kanilang hitsura para makumpirma.

"Walang dudang magkapatid nga kayo," konklusyon niya.

Ang puti nilang buhok ay bihira lang makitang kulay ng buhok sa isang tao.

"Kilala niyo si Kuya Joziah?" takang tanong ni Elaine.

"Malamang! Sinong hindi nakakakilala kay Joziah? Siya lang naman ang pinakamalakas na knights sa Anastasia Kingdom. Ang wind magic niya ay napakaraming nagagawa at isa siya sa mga mages sa ating kaharian na nakatungtong ng mastery skills," paliwanag ni Rai.

Narinig naman ito ni Elaine ngunit ang kanyang mga mata ay nakatuon lamang sa kanyang kuya. Ngunit nawala ang kanyang ngiti at napalitan ito ng pagtataka. Makikitang may bandage sa pisnge si Joziah at ang balat nito ay may maliliit na sugat, walang dudang galing ito sa isang labanan.

Mas lalo niyang binigyang pansin ang patingin-tingin ni Joziah sa isa pa niyang kasamahang knight. Seryoso itong tumitingin at kung minsan ay sumasama ang tingin. Mahahalata mong may masamang nangyari sa kanya.

"Sino 'yon?" tanong ni Elaine kay Rai at tinuro ang nasa kaliwang knight ng hari.

"Siya si Jaguar Ceasar. Siya naman ay may metal magic attribute at kilala silang dalawa ni Joziah bilang Greatest Duo Knight. Sila ang laging kasama ng hari."

Ceasar? Sa isip-isip ni Elaine. Yumukom ang mga kamay niya at sinamaan din ng tingin si Jaguar.

Kaapelyido niya si Diego. Sigurado akong may ginawa siyang masama kay kuya!

Nakita ng dalawa niyang kasama ang masamang tingin ni Elaine kay Jaguar. Hindi na nila ito napansin nang magsalita ang hari, "Magandang hapon sa inyong lahat. Narito akong may bitbit na magandang balita para sa ating lahat. Kayo'y tinipon ko upang bigyan natin ng masigabong palapakan ang ating mga bisita. . ."

Gumilid sila Jaguar, Joziah, at si King Jozwell nang may lumabas sa pintuan ng balkonahe. Tatlo ang taong bumungad sa kanila na magkakapareho ang kulay itim na mga mata nila at kulay ng buhok. Ang bawat isa sa kanila ay may kasuotan na para lamang sa mga maharlika at ang tumatatak sa mga mata nang makakakita rito ay ang kulay pula nilang mahabang roba- sumisimbulo ng kapangyarihan.

Ang nasa gitna ng tatlong maharlika ay isang lalakeng may suot na imperial crown. Matangkad ito, makisig, at may awrang nagbibigay sa 'yo na siya'y nakakataas. Ang nasa kanan niya naman ay isang babaeng may mahabang pulang tudor gown na sa likod ay may pulang roba. Ang nakakapukaw na karisma ng babaeng ito ay ang pulang pares ng kanyang mga mata. Ang huli naman nilang kapatid ay matangkad din at may tindig ng isang maharlikad. Ang kaibahan niya lang sa mga kapatid, may suot itong maskara na malaking kuryosidad sa mamamayan.

Ngumiti si King Jozwel sa tatlong magkapatid bago humarap sa mga tao.

"Ang ating Emperor ng Southwest Land na si Lunar Hidalgos!" masiglang sigaw ni King Jozwell at nagpalakpakan ang mga tao.

"Kasama niya ang dalawa niyang kapatid na sila Lord Penumbra Hidalgos at Lord Equinox Hidalgos," pagpapakilala naman niya sa dalawa nitong kapatid.

Gumuhit ang maikling ngiti sa labi ng emperor na si Lunar. Hindi niya nagawang kumaway sa mga tao at nanatiling nakatayo na parang tuod. Malawak namang ngumiti ang kanyang babaeng kapatid na si Penumbra, samantalang si Equinox ay hindi makikita ang reaksyon dahil sa suot nitong maskara.

Ang tatlong ito ang may karapatan na mamuno noong namatay ang kanilang amang isang supreme spirit. Dahil sa hindi pa nagpapakita ang susunod na hinirang, ayon sa batas, ang panganay na anak ng namatay na supreme spirit ang mamumuno, ngunit pansamantala lamang ito. Ang may kaparatan sa trono ay walang iba kung hindi ang susunod na supreme spirit, si Elaine Hidalgos na nasa katawan ni Elaine Suarez.

Umabante ng kaunti si Emperor Lunar at itinaas niya ang kanyang kanang kamay na ikinahinto ng mga taong naghihiyawan.

Samantala, nakatingin lamang sila Elaine sa tatlong magkakapatid na Hidalgos. Sa isipan niya, sila pala ang mga may apelyidong Hidalgos. Napakabait ng mukha ni Emperor Lunar. Ngunit hindi mo malilinlang ang isang tulad ko. Sa liko ng maamo mong mukha, isa ka lamang mangmang sa pagpapatakbo ng isang bansa.

"Siya ba ang Supreme Spirit?" tanong ni Rai na ikinalingon ng mga kasamahan niya.

"Hindi, anak siya ng dating supreme spirit," sambit ni Alaric na hindi nagawang lingunin si Rai.

"Kung gano'n, hindi siya ang emperor. Nasaan na ba kasi ang totoong supreme spirit?"

Si Ruby naman ay hindi makatingin sa balkonahe. Sumusulyap ito ngunit napapayukom at tumango. Nawala lamang ito nang maabala siya ng usapan ng mga kasamahan.

Samantala, si Elaine ay taimtim na nag-iisip dahil pumasok sa kanyang tenga ang mga salitang binitawan ni Rai. May naririnig din kasi itong tanong na katulad kay Rai sa kanyang paligid, tinatanong kung nasaan ang Supreme Spirit at kung bakit hindi pa ito natatagpuan. Ang hiyawan sa paligid ay isa lamang pagpapakita ng galang sa emperor ngunit ang nais nilang mamuno ay ang Supreme Spirit at ito ay si Elaine, nagtatago at walang balak na magpakita.

Napansin naman ni Alaric ang pagtahimik ni Elaine. Pagkatapos ay lumingon siya sa kanyang myembro at nagwika, "Sumunod kayo sa 'kin, may kukunin tayo."

"Nasa kalagitnaan tayo ng anunsyo oh!" reklamo ni Rai.

"Kukunin natin ang guild emblem niyo. Kapag wala kayo nito, hindi kayo tunay na myembro ng guild," paliwanag ni Alaric.

Biglang tumalikod si Rai at hinawakan sa balikat si Ruby.

"Tara na Ruby!" masigla niyang aya.

Tinapik ni Ruby ang pagkakahawak ni Rai sa kanyang balikat at nagsimula na silang maglakad paalis sa mataong lugar.

Tiningnan ng kapitan si Elaine na hanggang ngayon ay nanlulumo pa.

Halo-halo na ang nasa isip ni Elaine. Hindi nakakatulong sa kanya ang naririnig niyang salita sa mga taong nagbubulungan tungkol sa kanya. Ang masaklap pa ro'n, negatibo lang ang paksa.

Hindi naman ito bago sa kanya ang masasakit na salitang natatanggap niya noong chief executive siya sa nakaraang buhay. Ang kaibihan lang ngayon ay ang pressure na nararamdaman niya dahil ang mundong ginagalawang niya ngayon ay napakali ng pagitan sa dati niyang buhay.

Nawala ang kanyang pag-iisip nang hinawakan siya ng kapitan sa bisig at hinatak papalayo sa mga tao.

"Just listen to your captain," saad ni Alaric.

Nagulat ang dalaga ngunit agad itong napalitan nang kalungkutan dahil sa tingin nitong nangungusap at parang alam ang iniisip niya.

I just want to live in peace with my new family, sa isip-isip niya.

Wala siyang nagawa kung hindi ang sundin ito at nilisan nila ang lugar. Naabutan nila sila Rai at sabay-sabay na pumunta sa guild hall.

𔓎𔓎𔓎𔓎

NATAPOS ang pagpapakita ng magkakapatid na Hidalgos sa publiko at sila'y bumalik sa looban ng palasyo na maririnig sa paligid ang palapakang may kasamang hiyawan. Nauna silang pumasok, at nasa likuran nila ang hari at ang dalawa nitong knights.

Samantala, nahihirapang humakbang si Joziah dahil sa bugbog niyang natamo sa hita. Nang makabalik siya noon sa palasyo, pinarusahan siya ng hari at pinabugbog kanila Jaguar.

Napansin ni King Jozwell si Joziah kaya huminto ito sa tapat niya. Sinamaan niya ito ng tingin at madiing nagwika, "Huwag kang babagal-bagal sa harapan ng emperor!"

Ang maamong mukha ng hari ay mabilis na naging demonyo. Masamang tiningnan niya si Joziah at sinipa ang hita nito nang walang awa. Mahinang napa-aray si Joziah dahil nakatanim pa sa kanyang hita ang mga sakit sa pagbugbog. Hanggang sa patuloy siyang pinagsisipa ng hari at tuluyan na itong napaluhod.

Nakamasid lamang si Jaguar na may ngisi pa sa labi. Matagal na kasi itong nag-iinit kay Joziah dahil sa mataas na posisyon nito kaysa sa kanya.

"Kasalanan mo kung bakit ko ginawa 'yan! Kung hindi ka umalis ng walang paalam, hindi ka aabot sa ganito!" singhal muli ng hari.

"May problema ba, King Jozwel?"

Napatigil sa pagsipa ang hari at humarap sa nagsalita. Nakita niya ang tatlong magkapatid na Hidalgos na nakatingin sa kanila.

"Mukhang may pinagkakaabalahan kang iba," dagdag pa nang nagsalitang si Emperor Lunar.

Agad na tumayo ng maayos ang hari at yumuko. Gano'n din ang ginawa ni Jaguar.

Pilit na tumayo si Joziah. Nanginginig ang binti niya at animo'y gigiba na ngunit nagawa niyang makatayo. Yuyuko sana ito ngunit pinigilan siya ng emperor sa pamamagitan ng pagtaas ng kanang kamay nito.

"Joziah? Hindi ba?" tanong ng emperor.

"Yes, your majesty," magalang na sagot ni Joziah.

Maikling gumuhit ang ngiti sa labi ng emperor at nagwika, "Ikaw ang sadya ko rito. Maaari ba kitang makausap ng masinsinan?"

Namilog ang mga mata ng nakayukong hari at gano'n din ang reaksyon ni Jaguar. Hindi nila inaasahan ang pagsabi ng emperor kay Joziah. Akala nito'y narito lamang ito para personal na ipakilala sa mamamayan ng Anastasia Kingdom ang katayuan niya.

Tumungo sila Lunar at Joziah sa isang malawak na silid na sa dulo ay may makikitang hagdanan na may apat na hakbang para makarating sa trono. Sa sahig ay may nakahilatang mahabang pulang mahabang karpet na nakakonekta sa malaking pintuan at trono. Sa likod ng trono naman ay may dingding at nakalagay rito ang simbolo ng Anastasia Kingdom.

Uupo sana si King Jozwell sa trono ngunit pinigilan siya ni Equinox. Sa halip, tumungo siya sa harapan ng trono kasama sila Jaguar at Joziah. Ang umupo sa trono ay si Lunar at sa bawat gilid nito naman ay nakatayo magkabilaan ang dalawa pang kapatid.

"Joziah?" tawag ng emperor at umabante si Joziah.

"King Jozwel?" tawag naman niya sa hari na aligagang humakbang. "Maaari mo bang dalhin sa 'kin si Captain Alaric?"

Napahinto saglit si Jozwel. Hindi niya inaasahan na gano'n ang ipapagawa sa kanya. Sumang-ayon na lamang siya at nilisan ang silid. Hindi niya kayang hindi sundin ang utos nito sapagkat ang emperor ang nagmamay-ari at pinuno sa buong Southwest Land, na kinabibilangan ng kaniyang kaharian. Hindi mababa ang kanyang pag-iisip para hindi malaman ang pagkakaiba nila.

"At ikaw naman Jaguar. . ." Umabante ang tinawag niya at yumuko.. "Maaari mo bang dalhin sa 'kin ang guildmaster nng Midnight Guild?"

"Yes, your majesty," sagot ni Jaguar at agad na nilisan ang silid.

Ang natira na lamang ay si Joziah na hanggang ngayon ay nakayuko pa rin.

Tumingin si Lunar sa dalawa niyang kapatid na sa likod ay may pahiwatig. Tumango naman ito sa kanya at agad ding silang lumisan sa silid.

Nang makita ni Lunar na wala ng tao sa malawak na silid, humarap siya sa binata at nagpaliwanag, "Nalaman kong sa Anastasia Kingdom matatagpuan ang mga malalakas na mages at isa ka na ro'n, Joziah."

Tumayo ng maayos si Joziah upang makinig. Hindi niya pinahalata na ito'y nasiyahan dahil sa tagal niyang nasa palasyo, ngayon lamang ito nakatanggap ng papuri, lalong-lalo na sa emperor.

Pumahalumbaba ang emperor na nakapatong ang siko niya sa hawakan ng trono.

"Bakit hindi natin subukang ilabas ang totoo niyong talento?" nakangiting sambit niya.

Naguguluhang tumingin si Joziah sa emperor.

Ang nakangiting emperor ay napalitan ng seryosong tingin at nagdagdag pa ng salita, "Kukunin ko kayo at magtatrabaho kayo batay sa aking pamumumo."

𔓎𔓎𔓎𔓎

TUMUNGO ang winter squad sa pangatlong palapag ng guild hall at pumasok sa isang silid na kung saan ay may isang malaking kabinet na gawa sa salamin. Makikita sa loob nito ang iba't ibang accessories na may nakaukit na midnight emblem.

Ang Midnight Guild Emblem ay hugis shield na sa loob ay may araw, isang mata, at buwan na kulay puti.

Bago pa sila mamangha sa napakagandang mga accessories, nalugmo ang kanilang katauhan nang makita ang bawat presyo nito sa ibabang bahagi.

"Bakit ganyan naman ang presyo? Limang pilak?" sabay na saad nila Rai at Elaine.

Ang isang pilak ay katumbas ng sampung tanso. Ang ginto naman ay katumbas ng isang daang pilak.

[ Currency in Soutwest Realm: 10 bronze coins = 1 Silver coin ; 100 silver coins = 1 gold coin]

"Wala kayong pambili?" tanong ng kapitan na may tonong pagmamayabang.

"Wala. Bakit?" Lumapit si Rai kay Alaric na may pagkinang sa mga mata niya. "Lilibre mo ba kami, Captain?"

Mahinang tinulak ni Alaric si Rai gamit ang hintuturo nitong nilagay niya sa noo ng binata.

"Kung walang pambili, humanap ng pera. Sasabak kayo sa misyon."

"Misyon?" - Elaine.

"Ayan ang hinihintay ko." - Ruby.

"First Mission? 'Yon oh!" - Rai.

Humalukipkip ang kapitan sa kanila at nagwika, "May pang-solo at squad mission. Kapag solo, mababa lang ang bayad- depende sa rank guild niyo. Kapag squad naman ay malaki ang bayad dahil higit dalawa ang myembro rito."

Ang solo mission ay para sa mga myembro na gustong mag-isa. Pwede kang kumuha ng solo mission ayon sa ranggo mo sa guild.

May tatlong ranggo ang pinagbabasihan:

Rookies - sila iyong mga bagong salpak na myembro sa guild

Veterans - sila naman iyong matagal ng myembro sa guild.

Elites - karaniwan itong binibigay sa mga myembro na maraming napagtagumpayang misyon.

Kapag rookie, madaling solo mission lamang ang ipapagawa. Kapag nag-squad mission na may halong rookies, veterans, o elites, pwedeng kumuha ng mahihirap na misyon.

"Saan nabibilang ang captain at guildmaster?" tanong ni Rai kay Alaric.

"Ang elites ay isang klase ng ranggo. Ang mga S-Captain ay ang namumuno sa isang squad. Ang namumuno naman sa buong guild ay ang guildmaster. Tandaan mong magkaiba ang ranggo sa tungkulin," paliwanag ni Alaric.

"Kung gano'n, magkaiba ang ranggo niyo?" masiglang tanong ni Rai.

"Ang tawag sa ranggo namin ay S-Captain," saad ng kapitan na may kasamang pagliit ng mata.

Napakamot na lang sa batok si Rai. "Sabi ko nga."

Tutungo sana sila sa katabing silid- upang tumingin ng iba pang accessories- ngunit hindi na ito natuloy nang biglang may humarang sa kanilang dadaanan. Katam-taman lamang ang tangkad nito at umaangat ang suot nitong gintong roba.

"King Jozwel?" sabay na reaksyon nila Rai at Elaine.

Hinihingal ang hari at ginawang sandalan ang hawak nitong staff. Hinayaan ito ng Winter Squad dahil naaawa sila sa pagkapagod nito at nang makahinga ng maluwag ang hari, tumayo ito na may tindig ng isang maharlika.

"Alaric?" tawag niya sa kapitan.

"Oh?" walng ganang tugon nito.

Sumama ang timpla ng mukha ni King Jozwell dahil hindi ito nagpakita ng paggalang sa kanya. Umubo-ubo pa siya upang bigyan ng tsansa ang kapitan na yumuko sa kanya ngunit wala itong napala. Ayaw niya ring sabihin ito sa kapitan dahil kilala niya itong masama ang ugali pagdating sa kaharian. Malakas din ito sa paggamit ng yelong mahika at kahit pa paslangin siya ito, walang makakapagtumba kay Alaric.

Yumuko sila Elaine, Rai, at Ruby bilang paggalang. Katabi ni Elaine si Alaric na hindi nagawang yumuko. Sinilip niya ang kapitan at siniko-siko. Nagtagumpay naman siya nang tumingin ang kapitan sa kanya.

"Magbigay galang ka," bulong ni Elaine na may diin.

Nakatingin lamang si Alaric kay Elaine. Hindi siya pwedeng magkamali ng hakbang sa hari lalo na't ngayon ay kasama niya ang emperor. Iniiwasan niya na magkaharap ang dalawa, lalo na ang totoong katauhan ni Elaine ay nakakagimbal sa lahat.

Bumuntong-hininga muna si Alaric bago magsalita, "Ano. . . PONG! Sadya niyo, your majesty?" pilit na tanong ni Alaric.

Ngumisi ang hari at taas noong tumugon, "Narito ako dahil pinapatawag ka ng emperor."


~(へ^^)へ• • •

Continue Reading

You'll Also Like

237K 7.7K 63
Pain have 2 effects. It's either, you'll be strong because of pain or the pain will change you. 10/01/2020
4.8K 359 32
"Sometimes, sacrificing yourself isnĘžt the only way to survive others." Will they survive? @irish [COMPLETED]
443K 32.3K 52
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
966K 57K 57
Rebirth of an assassin. Birth of the heaven-sent princess. Rise of the supreme goddess. Rise of Dawn. ***