Center Empire Princess

By aliferose

33.3K 2.9K 184

A princess who had almost everything in her whole life; beauty, intelligence, swordsmanship, and people. She... More

1. Reincarnation
2. Hope
3. Queen
4. Cruelty
5. North Prince
6. Chief
7. Marks
8. Trustworthy
9. Charm
10. Fearful
11. Assassin
12. In-love
13. Prince from the East
14. Slaves
15. East Kingdom
16. Doubt
17. Her slaves
18. Evening
19. Noche
20. He perceive
21. Covetous
22. Trepidation
23. Impede
24. Rage
25. Comfort
26. Dilemma
27. Carelessly
28. Gallant
29. Duo
30. Condition
31. Second Thoughts
32. Find a way
33. Summon
34. Killaro's fall
35. His wife
36. Spring scene
37. She's at fault
38. Frustration
39. Wrong Abduction
40. Honestly
41. Naive
42. The Innocent
43. Avenge
44. Illusion
45. Breakdowns
46. Possession
47. Pure
48. Palasio Rangya
49. A Pleaser
50. How do men think?
51. Bond
52. Handling it
53. Conscientious
54. His gift
55. Responsibility
56. Tame
57. Forthcoming Holocaust
58. Caution
59. Ictus
60. Peace or War
61. Solution
62. Loyalty
63. Thief's pulchritude
65. Who's THEM?
66. Scar Devotion
67. Twisted Scheme
68. Retraction
69. Agreement
70. Two-Faced Prince
71. Breed
72. desire
73. Knight in Shining Amore
74. Agony
75. Attempt

64. For her own good

127 6 0
By aliferose

"Si Elias, simula ngayon ay maninilbihan na siya sa'kin." Nang makarating sa bayan ay agad ko itong binalita sa mukha ni Theo na tila'y gulat na gulat. Walang nagawa si Theo kundi ngumiti, tiyak na hindi niya pa pagkakatiwalaan ang lalaking ito katulad ng pakikitungo niya kay Fergus.

Nakahanda na ang dalawang kalesa namin. Nasa kabilang kalesa sina Aida at ang dalawang paslit. Magkasama naman kami ni Elias sa kabilang kalesa. Sa mismong gate kami papasok kaya medyo mahaba ang byahe.

"Theodore Aruka, siya ang unang kabalyero ng gitnang emperyo--"

"Alam ko, nakasama ko na siya." Pag-irap ni Elias sa likod ng balabal sa kaniyang mukha.

Bumuntong hininga ako, "Ano pa ba ang kailangan kong ipaliwanag?"

"Kung anong gusto mong gawin ko, kaya kong gawin lahat." Anito.

Tumingin ako sa bintana upang makapag-isip-isip. Ano kaya? Dating kawal ni Liam, hindi kaya sumabog sa galit si Liam kapag nalaman niyang naninilbihan ito sa'kin? Well, kung ganoon yung kaso...

"Kaya mo bang italaga ang buhay mo para sa'kin, Elias?" Baling ko sa kaniya. Nilingon din ako ng mala-karagatan niyang mga mata bago tumugon, "oo, ilalaan ko."

"Sigurado ka? Tumingin ka sa'kin, tandaan mo ang mukha ko, at ang paraan ng pananalita ko. Ako ang pu-protektahan mo, maliwanag? Huwag kang mag-alala sa kapatid mo dahil sisiguraduhin kong ligtas silang dalawa ni Lili." Paliwanag ko.

Bumaba ang tingin nito sa aking labi at dahan-dahang tumango, "kung hindi ka lamang ikakasal sa prinsipe na dapat katakutan, hahalikan kita ngayon."

"Pakiusap, huwag mo nang sabihin ang mga bagay na hindi na dapat sinasabi sa prinsesa." Ani ko at umayos ng upo. Speaking of him, nasaan na ba ang prinsipe na iyon?

Ilang minuto lamang ay nakarating na rin kami sa palasyo, inutusan ko si Aida na siya na lamang mag-ayos kay Elias dahil kilala siya ng mga kawal at ako naman ang umasikaso sa mga paslit. Dinala ko sila sa kwarto kung saan sila Eren.

"Maligayang pagbabalik, kamahalan." Bati ni Eren at lumapit sa'kin bago yumukod bilang paggalang. Nanatili naman sa likuran ko ang dalawang batang babae dahil hindi sila pamilyar sa mga tao lalo na at puro lalaki pa ito.

"Kumusta ang kaibigan niyo? magaling na ba?" Tanong ko. Tumango si Eren at dinala ako sa kaibigan nitong naka-higa sa kama, may mga benda pa rin ang leeg nito.

"Eren, balita ko ay may gusto sa'yo ang pangalawang asawa ng hari... layuan mo ang babaeng ito, maliwanag?" Bilin ko at tumango naman ito bilang sang-ayon.

Nakita ko naman sa labas ng bintana ang iba pa nitong kaibigan na nakikipag-laro sa bata na kasama nila, "Lili, Kaze, makipag-laro muna kayo roon at mag-uusap lamang kami."

Tinanguan ako ng dalawang paslit at tumakbo palabas sa bintana. Nagbilin din ako na mag-ingat sila at medyo mataas ang bintana.

"Kamahalan, maligayang kaarawan." Bati ni Eren. Ngumiti ako at umupo sa bakanteng upuan sa gilid ng kama, "Salamat, natitiyak ko na dadalhan din kayo ng pagkain dito. Nag-iingat na kasi ang hari sa mga posibleng mangyari at hindi ko pa pinapaalam ang tungkol sa inyo kaya mas maiging manatili muna kayo rito."

Yumuko si Eren bilang paggalang, "napaka-buti mo, prinsesa."

"Mag-iingat kayo rito maliwanag? kahit nasa loob lamang kayo ng lugar na ito may mga posibleng mangyayari." Paalala ko.

"Masusunod, kamahalan." Pag-ngiti nito.

Maya-maya'y kumatok sa pintuan si Aida upang ipaalam na tapos nang makapagbihis si Elias.

Pagkalabas ko ay maayos na ang kasuotan ni Elias, ang balabal sa mukha ay pinalitan ng mamahaling tela na humaharang pa rin sa kaniyang mukha.

"Gusto niyang panatilihin ang pagtakip sa kaniyang mukha kaya wala na akong nagawa, kamahalan." Buntong hininga ni Aida pagkatapos yumukod.

Marahan akong tumawa, "pag-bigyan ang kaniyang kagustuhan."

"Maiwan ko muna kayo, kamahalan. Kung mayroon kayong bilin ay maaari niyo akong ipatawag sa bulwagan." Aniya at yumukod bago lumisan ng silid.

"Ano na ang ipag-uutos mo?" Napabuga ng hangin si Elias. Ikinagulat ni Eren ang tono ng pananalita nito.

"Mag-usap tayo." Ani ko at naunang lumabas ng kwarto. Agad naman siyang sumunod sa'kin at sabay kaming pumasok sa silid aklatan na katabi lamang ng kwarto nila Eren.

"Ano ang kaya mong gawin para sa'kin?" Tanong ko.

"Kahit anong kailangan at gusto mong gawin ko." Taas noong anito.

"Nakawin mo ang kontrata mula kay Liam at ibigay mo sa kanluran. Ayokong ipaalam mo sa dalawang panig ang tungkol doon. Kapag nagawa mo ang gusto ko, gagantimpalaan kita ng kahit anong gusto mo." Paliwanag ko.

Tumango siya at hindi na nagtanong kaya natitiyak kong naiintindihan niya ang gusto kong gawin niya. Tumalas ang mga mata nitong tumingin sa'kin, "gantimpala ng kahit anong gusto ko? Kahit halik mo?"

'T*nginang kagustuhan 'yan, akala ko ba naman matino ang lalaking 'to, gago rin pala.' Buntong hininga ko.

Umiling ako, "ni-hindi mo nga maalis ang tela sa mukha mo, hahalik ka pa ng prinsesa--"

Mabilis niyang inalis ang tela mula sa kaniyang mukha at ngumisi, "para sa'yo, prinsesa."

Binantaan ko ito ng kutsilyo na ikinatawa ng loko, "biro lang, ang kagustuhan ko lang ay ang kaligtasan ng kapatid ko. Gusto ko manatili ang pagka-inosente niya."

"At isa pa, baka makasalubong mo si Liam, balitaan mo ako sa kaniyang mga kilos." Ani ko at naghanap ng bagong babasahing libro.

"Masusunod." Anito at lumabas ng silid. Naiwan ako sa silid-aklatan. Napapa-isip ako ng maaaring mangyari sa kaarawan na magaganap.

Bumuntong hininga ako at tinitigan ang regalo ni Liam.

"Farrah? Bakit mag-isa ka lamang dito?" Dumungaw sa bintana si Krishanj na ikinagulat ko, "ikaw pala, mahal na prinsesa.."

Lumapit ako sa kaniya upang kumustahin ito, "mukhang malalim ang iniisip mo ngayon, dahil ba sa kasintahan mo?" Ngisi niya.

Umiling ako, "ang kaarawan ko, nakatitiyak akong malaking kasiyahan ang magaganap. Sobrang laking kasiyahan." Makahulugang usal ko.

"Wala kang dapat ipag-alala, naroon kami. Walang gagalaw sa inyo ng reyna. Sisiguraduhin iyan ni Chrishen at sisiguraduhin ko rin." Aniya. Mukhang maamo rin ang magkakapatid na ito sa sarili nilang kaharian.

"Mauuna na ako, magkita na lamang tayo ulit bukas, prinsesa." Buntong hininga ko at itinago sa kasuotan ang kutsilyo bago lumisan ng silid dala ang binabasa kong libro.

Dumeretso na ako sa kwarto ko upang maka-higa sa kama, sa mga nangyayari ngayon o sa mga maaari pang mangyari? Tiyak na walang magaganap na pahinga, "kailangan mong mapagtagumpayan ang utos ko, Elias." Pumikit ang aking mga mata.

"Kapatid ko? Maaari bang pumasok?" Kumatok si Aifrel. Hindi talaga ako maaaring magpahinga. Hinayaan ko siyang pumasok sa kwarto.

"Pinapatanong ni ama kung ano ang gusto mong disenyo para sa iyong trono bukas?" Tanong niya.

"Bakit kailangan ikaw pa ang pumunta rito? Pwede mo namang i-utos iyan kay Aida o sa ibang kawal na pumunta sa'kin, lalo na't kailangan din ng bantay si Julia." May irita sa aking boses.

"Huwag kang mag-alala, naroon si Fergus- teka, ano nga pala nangyari kay Fergus? Napa-away ba iyon?" Pagtataka ni Aifrel. Siguradong nakita niya na ang nangyari sa mata ni Fergus.

Kibit-balikat ang tugon ko, "siguro ay dahil lamang sa kanilang ensayo."

"Maaari nga. Ano na? Ano ang gusto mong disenyo?" Tanong nito ulit.

Habang iniisip ko ang maaaring disenyo ay pumasok sa isipan ko ang kukay ng niregalong kutsilyo ni Liam, "hmm, palibutan ng pulang dyamante ang gintuang trono."

"Nakakamangha, mukhang maganda nga iyan. Sige na, sasabihin ko na agad ito sa magd-disenyo ng iyong trono." Anito at lumisan na.

Gayunpaman, hindi pa rin ako kampante na maaari na akong mag-pahinga kaya agad akong bumangon. Dumako sa terasa upang magpahangin.

"Mahal na prinsesa, gusto ka maka-usap ng iyong ina." Kumatok ang dama ng reyna. Agad akong umalis sa terasa at sumunod sa kaniya.

"Maaari bang malaman kung bakit ako pinapatawag ni ina?" Tanong ko.

Sumagot ito habang naglalakad kami sa pasilyo, "iginiit ng kamahalan na hindi ko maaaring sabihin sa'yo, mahal na prinsesa."

'Tungkol saan? Importante ba?' Gusto kong malaman para hindi ako magmukhang mangmang sa tapat ng reyna.

Inihatid ako ng dama sa loob ng kwarto ni ina at doon na niya kami iniwan, "Farrah, tila'y sumigla at umingay ang kaharian. Sino ang mga bisitang pinapunta mo?"

Nakalimutan ko na tanaw pala rito ang kwarto nila Eren kung saan kitang-kita ng reyna ang mga batang naglalaro sa labas ng bintana nito. Ngayon ko lamang na napagtanto na narito na rin pala ang kambal na si Gadreel at Gabreel, kalaro nito ang paslit na kasama ni Eren, pati sina Kaze at Lili, naroon din si Menacemae at Valerie.

Napangiti ako dahil ito pa lamang ang kauna-unahang pangyayari na may munting kasiyahan na nagaganap sa ganitong uri ng mga bata, nagkakasiyahan sila at walang paki-alam sa kung anong meron silang estado sa emperyo.

"Hindi naman natin kayang alisin ang kasiyahan sa mga inosenteng bata katulad nila, hindi ba? Kamahalan?" Baling ko sa reyna.

Marahan itong humalakhak at tumango, "parang kayo noon, napaka-inosente."

Nawala ang ngiti ko mula sa labi. Naiintindihan ko ang nakaraan ni Farrah kaya nga aayusin ko ang lahat ng 'to. Wala nang dapat pang mamatay. Gayunpaman, ngayong iiwan ko na ang lugar na ito, kailangan kong kausapin si Aifrel.

"Mukhang may bumabagabag sa iyong isipan?" Pag-aalala ni ina.

"Alam mo ang plano ko, diba?" Seryosong saad ko at kinumpronta ang reyna. Alam kong pinagdududahan na ng babaeng 'to ang kilos ko pero hindi niya maaaring malaman na hindi ako ang prinsesa, kaya ililiko ko nanaman ang usapan.

Ngisi ang salubong ng reyna sa'kin. Alam niya ang plano kong pag-lisan, "ngayon ko lamang napagtanto na may katalinuhan ka rin pala, Farrah."

"Madali lamang basahin ang galaw mo, kamahalan..." Ani ko. Agad kong iniba ang usapan dahil baka lalo niya akong pag-dudahan, "nga pala, kamahalan... makakadalo ka kaya bukas? Gusto kitang makasama, tutal naroon din naman si Leonor. Mag-saya tayo." Pag-ngiti ko at naglakad upang lumabas.

"Farrah, tiyak akong inaalala mo ang mga bilin ko." Aniya.

Tumango ako, "hinding-hindi ko malilimutan at susuwayin, kamahalan, dahil lahat naman kayo ay kalaban ko." Ani ko sabay ngiti bago yumuko upang mag-bigay galang.

"Mabuti, maaari ka nang lumisan." Sambit nito at tinalikuran na ako.

Lumisan ako ng silid. Marunong naman pala makipag-kooperasyon ang reyna, mukhang mapapadali naman pala ang pag-lusot ko sa mga butas ng impyernong ito.

Habang naglalakad sa pasilyo ay nakasalubong ko si Aifrel, "mabuti na lamang ay narito ka, mag-usap tayo."

"S-Saglit- tungkol saan-"

"Basta, sumama ka na lang." Pag-hila ko sa kaniya patungo sa silid ni Julia.

"T-Teka, bakit dito? Magigising yung asawa ko-"

Inirapan ko siya, "manahimik ka na nga, gising yan, paanong makakatulog iyan? Bwesit na bwesit sa'yo iyan." Ani ko.

"Iniinsulto mo ba ako sa modernong tagalog niyo?" Dinuro niya ako.

"Oo kaya manahimik ka na." Sabi ko. Umupo ako sa upuan na malapit sa kama ni Julia at binuksan ang hawak kong libro na kinuha ko kanina sa silid-aklatan.

"Kumusta nga pala ang pakiramdam mo, Julia?" Tanong ko.

Ngumiti ito, "masyado kayong nag-aalala."

"Nahihibang na nga yung isa riyan." Pagpaparinig ko kay Aifrel.

"Manahimik ka! Ano nga pala ang pag-uusapan natin?" Tanong nito.

Huminga ako nang malalim at isinara ang libro. Bigla na rin itong nag-seryoso at lumapit sa'kin, "aalis ako ng emperyo."

"Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong niya.

Iniharap ko sa kaniya ang binabasa kong libro, "inaaral ko na ang lahat ng batas at regulasyon ng emperyalismo upang hindi ako mag-mukhang mangmang sa hinaharap." Ani ko.

"Ang tinutukoy kong pag-lisan ay iyong matatanggal ako sa pwesto ng pagiging prinsesa -"

"HINDI MAAARI HANA!" Biglang hiyaw ni Aifrel.

"Aifrel, ikaw na ang susunod na mamumuno sa buong kaharian kapag nawala si Farrah sa pwesto niya." Kumbinsi ko sa kaniya.

"Alam ko! Pero hindi ito maaari." Anito.

Muli kong itinaas ang libro, "nakasaad sa libro na kapag namatay o natanggal sa pwesto ang isang prinsesa o prinsipe ay hindi na maaaring bumalik sa kanilang kasalukuyang posisyon."

"Alam ko ang nakasaad sa libro, Hana. Pero hindi ito maaari. Hindi pwedeng maging abala sa mga susunod na buwan dahil alam mong nagdadalang tao si Julia. Kahit ayaw ng babaeng 'to sa'kin, maghahanap iyan ng sandalan na pwede niyang kasama." Paliwanag ni Aifrel. May punto naman siya.

Sumuko ako sa pagpapaliwanag at napasandal sa upuan, "ano ba itong ginagawa ko..."

Isa na lamang ang pag-asa ko, ang pag-aresto sa'kin dahil sa pineke na kontrata na iginiit kay Farrah. Sana naman ay maagang makabalik si Elias upang maisagawa na rin ang aking plano.

Buntong hininga akong umalis sa kinauupuan ko at naunang lumisan ng silid. Muli, bumalik ako sa kwarto ko upang ipahinga na ang sarili nang maalala ko ang isang tao na dapat kong bisitahin.

Bumaba ako sa sikretong bartolina na nasa kwarto at binisita si Farrah. Binisita ko naman ito kanina ngunit ngayon ko lamang napansin ang pangangayat nito.

"Kailan ka ba mamamatay?" Tanong ko.

"Kailangan ba talaga?" Sarkastiko pa rin ito.

Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kaniyang kamay, "kailangan ko ng presensya mo, Farrah."

"Ano ba talaga ang pakay mo?" Tanong niya. Kibit-balikat lamang ang aking kasagutan at isinandal ang ulo sa kaniyang balikat.

"This is for your own good, Farrah." Bulong ko.

Continue Reading

You'll Also Like

156K 4.5K 48
i wake up in unfamiliar world , and as a worthless daughter of mafia boss. (for now 8 chapter are now edited)
4.3K 544 74
In a world marked by sacrifice and suffering, In a realm where magic and power reign, In a place where perfection appears within reach, There lies a...
196K 5.8K 49
When the real Airleya drowned, she gave her body to the woman from another world. To give her body to the woman who came from another world and to c...
73.1K 2.9K 56
Ashina Aelis Eusebia is a daughter of a duke. She lived her life as the richest duke's daughter lavishly, arrogantly, and shamelessly. She was destin...