'Bakit parang ako nanaman problema?'
"Kamahalan, nakarating na ang iyong bisita mula sa Karucia." Isang kawal ang kumatok sa pinto at pinaalam iyon.
Lahat ng narito ay napatingin sa'kin, "i-inimbitahan mo sila?" Gulantang ni Aifrel.
"Yes, ano ang problema?" Tanong ko.
"Ang Karucia ang pinaka-mababa na monarkiya, maaaring masira lamang nila ang tingin ng mga tao sa gitnang emperyo." Tila'y mataas ang tingin sa sarili ni Aifrel.
Napabuntong hininga ako at naglakad palabas, "kung iyan ang iniisip mo Aifrel, mas maigi pang kinontrol mo na lamang ang sarili no kaysa gawin iyon kay Julia." Pinagsabihan ko na ikinadismaya ng kanyang ekspresyon.
"Nasaan sila?" Tanong ko sa kabalyero.
"Nasa labas na ng palasyo at hinihintay ang permiso n'yo na papasukin sila, kamahalan." Kasagutan nito.
Napatigil ako sa paglalakad, "ano? Pinaghihintay n'yo ang duke ng Karucia sa labas ng palasyo? How disrespectful!" Sigaw ko at naunang maglakad patungo sa labas.
Nadatnan ko ang kalesa nilang nag-aantay sa labas, "oh my..." Buntong hininga ko at nag-madaling lapitan.
Binuksan ng kawal ang pinto nila tsaka ako yumukod, "patawad sa kahangalan ng kawal kong batiin kayo sa pag-dating n'yo, kamahalan."
"Maliit na bagay, walang problema." Mabuti na lamang ay pasensyoso ang duke ng Karucia.
"Mahal na prinsesa!" Lumundag sa tuwa si Valerie at sinalubong ako ng yakap.
"Valerie! Nakasama ka nga!" Tuwang-tuwa rin ako na niyakap s'ya.
"Halos hindi iyan natulog dahil sa gusto ka na n'yang makita muli." Sambit ng dukesa na bumaba ng kalesa. Binati ko naman ito ng halik sa pisngi, "talagang mas maganda pa kayo sa umaga ko, mahal na dukesa." Bati ko.
Marahang tumawa ang dukesa, "ikaw talaga, prinsesa..."
"Halina muna kayo, kumain na ba kayo? Nag-almusal?" Masigla ang aking tono sa pagtatanong.
"Kamahalan! Punta tayo sa hardin!" Pag-hila sa'kin ni Valerie.
"M-Maiinom na lamang na tsaa, mahal na prinsesa.." sambit ng duke.
Bakit ba ganyan sila mag-salita? na para bang wala silang karapatan. Malaki ang maitutulong nila sa'kin at sa buong emperyo, bakit ayaw ng karamihan sa kanila?
Sila ang taga-likha ng mga dyaryo at magagamit ko sila sa pag-bura ng mga isyu na ayaw kong ipubliko.
Napangiti ako at tumawag ng kawal, "Ipaghanda ang duke at dukesa ng mga kakainin."
"K-Kamahalan-"
"Bisita kayo rito at ayaw ko ang pinapakitang ugali ng mga naninilbihan dito. Huwag kayong mag-alala, responsibilidad ko ang anumang mangyari sa inyo sa loob ng gitnang emperyo kaya upang mag-karoon kayo ng sapat na enerhiya galing sa inyong pag-lalakbay ay mag-almusal na kayo, kamahalan." Mahabang sambit ko.
"Mamaya na ako kakain! Gusto ko muna mag-libot, ama." Paalam ni Valerie.
Napabuntong hininga ang duke, "kung-gayon ay mauuna na kami kamahalan. Wala naman na akong magagawa ngayong kumukulo na rin ang kalamnan ko." Biro ng duke.
Marahan akong napatawa bago ibilin sa mga kawal na pagsilbihan sila nang mabuti.
"Saan mo gustong mag-libot, mahal ko?" Pag-lambing ko sa bata.
"Gusto ko sa hardin! At sa kwarto n'yo! Gusto ko rin ng dugo! Gusto ko ang lahat ng tungkol sa'yo, kamahalan!" Niyapos n'ya ako ng yakap. Natawa ako sa kanyang ikinikilos at niyakap pabalik.
"Ipapakilala kita sa pinakamagandang babae sa palasyo." Sambit ko at marahang ginabayan ang bata papasok sa palasyo.
Mangha na mangha ito at tila'y excited na makita kung sino ang tinutukoy ko.
"Magandang umaga, Leonor." Bati ko nang makasalubong ko s'ya papuntang hardin. Balak ko sanang iwanan ang prinsesa at si Leonor sa hardin kaso baka hindi na sikatan ng araw 'tong kerida ng hari.
"Magandang umaga, prinsesa." Ngumiti ito sa'kin sabay baling sa batang kasama ko.
"Napakaganda!" Pag-hanga ni Valerie at lumapit sa kerida ni ama na agad namang umiwas na tila'y nand-diri.
"Tara na, Valerie." Pag-aya ko kay Valerie paalis sa lugar at marahang tumawa.
"Kamahalan, ang tahimik talaga ng palasyo, ano?" Sambit ng bata habang nililibot ang paningin sa paligid habang sila nag-lalakad.
Speaking of peace, may nakalimutan ata akong bisitahin ngayon.
Inilakad ko si Valerie patungo sa guess room kung nasaan ang kaniyang ina at ama.
"Manatili ka muna rito, pagagawan kita ng matamis na tinapay." Pagtakip ko sa kaniyang balikat.
Ngumuso ito, "ayoko, gusto pa kita makasama ng matagal kamahalan."
"K-Kamahala-"
Agad kong iniangat ang palad ko sa mag-asawa nang mapatayo ito upang pigilan ang kanilang anak sa katigasan ng ulo nito.
Tinanggal ko ang palamuti na naka-ipit mula sa aking buhok at inipit sa kaniyang buhok, "sa parang ganito ay parang kasama mo na ako."
Walang nagawa si Valerie kundi pumasok sa loob ng kwarto at agad ko namang sinara ang pinto bago nagpatuloy sa paglalakad. Dumeretso agad ako sa kwarto ko at inalis ang mga palamuti sa buhok.
"Kailangan ko ng marami pang impormasyon tungkol sa palasyo na ito." Usal ko. Inalis ang ngiti mula sa aking labi at inayos ang tindig.
Lumapit ako sa book shelf at hinila ang isang specific na librong magbubukas ng lagusan patungo sa bartolina. Nagdala ako ng lampara habang bumababa sa bartolina.
"Talagang bumaba ka pa rin, Hana? Traydor."
Bumati sa akin ang isang dalagang naka-upo sa kaniyang upuan, "mukhang naistorbo kita sa iyong pag-inom ng tsaa."
Umalingawngaw ang tunog ng kadena nang iangat ng dalaga ang paningin niya. Oo, nakagapos siya, ginapos ko siya.
Lumapit ako sa kaniya at inilapag ang lampara sa kahoy niyang lamesa, umupo ako sa tapat niya at nakipag-titigan sa kaniya.
"Talaga nga palang kamukhang-kamukha kita, Farrah." Sambit ko sabay ngisi sa kaniya.
I, Hana Ferrer? Reincarnated? Transmigrated? No, I was a time traveler.
I'm here to fix this f*cked-up history. Dahil sa panahong 'to, hindi matapos-tapos ang kaguluhan sa panahon ko. At dahil iyon sa prinsesang 'to.
Ang pagpapanggap ko na pag-lipat ng kaluluwa ay haka-haka lamang upang pag-takpan ang intensyon ko sa mundong 'to.
"Mauuna kang masusunog sa hukay, Hana." Kalmado pa rin si Farrah na nakipagtitigan, "kumusta ang karanasan mo sa mundong 'to? Are you satisfied?"
If she's a psychopath, so do I. We're mirroring each other.
Huminga ako nang malalim. We have difference, she may be a sly vixen but I am the feisty one.
"Hindi ako nandito upang makipag-away, may itatanong-"
Agad kaming umiwas ni Farrah sa biglang lumipad na espada sa amin, "nakakamangha naman at nag-dala ka pa ng bisita." Sarkastikong si Farrah ngunit nawala rin ang ngisi nito nang mapagtanto kung sino ang may gawa.
"Fergus? Bakit ganyan ang iyong kasuotan?" Hindi napigilan ni Farrah ang gulantang nito.
"Fergus?" Hinila ko ang lalaki at tinulak sa harapan ni Farrah, "he's the missing prince of Romanus, ang Prinsipe Franses ng Romanus. Ang nag-iisang prinsipe ng Romanus na sampung taon nang nawawala."
Common sense, tinanong ko na si Kian tungkol sa lalaking 'to at ang binabasa kong libro ay kathang-isip na istorya tungkol sa Romanus. Pero guess what? Ang litrato roon ay kuhang-kuha ang mukha ni Fergus. Isa pa, kahit kulayan niya ng itim 'yang natural niyang blonde na buhok, walang katotohanan ang hindi nabubunyag.
Gulantang si Fergus nang marinig niya ang sinabi ko, "hindi ba, Franses?"
"Tama ka... kamahalan." Pag-yukod nito sa'kin.
Lumapit ako kay Fergus, "pumili ka ng pagsisilbihan mo hanggang kamatayan, Fergus."
"Ang Prinsesa Farrah." Mabilis na sagot niya.
"Ano sa tingin mo, Farrah?" Pagbaling ko naman kay Farrah at binigyan ito ng nakakaasar na ngiti.
"Patunayan mo." Aniya sa binata.
Lumuhod siya sa tapat naming dalawa ni Farrah at kumuha ng panibagong patalim mula sa loob ng kaniyang uniporme at itinutok sa mata nito, "sumusumpa ako sa ngalan ng gitnang emperyo, ang tapat ng loob ko ay para lamang sa prinsesa ng gitnang emperyo, ang paninilbihan sa hindi nabanggit ay isang kasalanan na maaaring ihantong ko sa sarili kong kamatayan." Anito at ibinaon sa kanang mata ang kutsilyo at tinanggal ang mata nito.
"Kadiri." Usal ko at napa-iwas na lamang ng tingin, "babalik ulit ako kapag naalala ko na ang itatanong ko." Sabi ko nang bigla mawala sa isip ko ang itatanong ko.
"Sige, hiling ko ang katiwasan ng gitnang emperyo Hana. Sana'y huwag mo akong biguin." May sarkastiko pa rin sa boses ni Farrah.
"Oh, I will." Tugon ko bago umakyat sa hagdan.