Center Empire Princess

By aliferose

33.3K 2.9K 184

A princess who had almost everything in her whole life; beauty, intelligence, swordsmanship, and people. She... More

1. Reincarnation
2. Hope
3. Queen
4. Cruelty
5. North Prince
6. Chief
7. Marks
8. Trustworthy
9. Charm
10. Fearful
11. Assassin
12. In-love
13. Prince from the East
14. Slaves
15. East Kingdom
16. Doubt
17. Her slaves
18. Evening
19. Noche
20. He perceive
21. Covetous
22. Trepidation
23. Impede
24. Rage
25. Comfort
26. Dilemma
27. Carelessly
28. Gallant
29. Duo
30. Condition
31. Second Thoughts
32. Find a way
33. Summon
34. Killaro's fall
35. His wife
36. Spring scene
37. She's at fault
38. Frustration
39. Wrong Abduction
40. Honestly
41. Naive
42. The Innocent
43. Avenge
44. Illusion
45. Breakdowns
46. Possession
47. Pure
48. Palasio Rangya
49. A Pleaser
50. How do men think?
51. Bond
52. Handling it
53. Conscientious
54. His gift
55. Responsibility
56. Tame
57. Forthcoming Holocaust
58. Caution
59. Ictus
60. Peace or War
62. Loyalty
63. Thief's pulchritude
64. For her own good
65. Who's THEM?
66. Scar Devotion
67. Twisted Scheme
68. Retraction
69. Agreement
70. Two-Faced Prince
71. Breed
72. desire
73. Knight in Shining Amore
74. Agony
75. Attempt

61. Solution

129 6 0
By aliferose

"Here's tea to calm you down." Tinimplahan ko ng tsaa ang dama pati na rin ang prinsipe. Mabuti na lamang ay napag-kasunduan nilang tumigil. Gayunpaman, na-damage ang kurtina ng bintana pati na rin ang carpet kaya ngayo'y inaayos na ito ng mga katulong.

"Bakit ba nag-away ang dalawang 'to?" Pag-tataka ni Aifrel. Dumating na rin s'ya dahil narinig n'ya ang ingay ng pag-aaway ng dalawang 'to kanina.

"Kapag talaga nakikita ko ang prinsesa ng gitnang emperyo parang gusto ko na agad simulan ang gera para angkinin s'ya." Kasagutan ni Shin nang nakatingin sa akin.

"E kung pasabugin ko 'yang pag-mumukha mo, Shin?" Pagbabanta ni Aifrel.

"Uh, Aifrel... alam mo ba ang oras ng pag-dating ni Liam?" Pag-baling ko sa aking kapatid.

Lumapit ito sa'kin upang bumulong, "mahuhuli sa pag-dalo ang prinsipe, may pinuntahan ata s'ya." Tila'y hindi pa ito sigurado sa naging sagot.

Tumango-tango ako bilang kasagutan.

"Hoy! Dukesa! Mahiya ka nga sa posisyon ng iyong pag-kakaupo!" Pinag-sabihan ni Henry ang dalaga na preskong naka-upo, nakabukaka pa ito na animo'y lalaki.

Inirapan s'ya ng dukesa at kumuha ng tinapay upang kainin ito, "manahimik ka."

"Kamahalan, kumusta ang pakiramdam? Gusto mo bang mag-lakad-lakad muna sa labas?" Aya ni Venomus.

Umiling ako, "salamat na lamang, Venomus."

Sinulyapan ko s'ya, sa tingin ko ay nagulat silang dalawa ng kakambal n'ya kung paano ko nalaman ang kanilang pinagkaiba.

"Kung matutuloy ang kasunduan, sino sa kanila kamahalan?" Interesadong tanong ni Shin.

Napairap ako at itinuon ang atensyon sa hawak kong tasa, "oo nga pala! Wala nga pala sa kanila ang gusto mong pakasalan-"

Mabilis na tumutok sa baba ni Shin ang espada ni Aifrel. Hinawakan ko ang braso ni Aifrel upang mapakalma ito, "enough." Sambit ko at humigop sa tasa kong may tsaa.

"Manatili muna kayo rito, bibisitahin ko lamang si ina." Paalam ko at lumisan ng silid.

'At saan naman pupunta ang lalaking 'yon? Liam... kapag talaga nalaman kong nambababae 'to, kikilitiin kita gamit ang kutsilyo.'

"Yo! Mukhang malalim ata ang iyong iniisip..." Nakasalubong ko si Julia kaya agad-agad ko s'yang nilapitan na may pag-aalala.

"Sh*t! Bakit ka lumalabas ng silid mo? Baka mapano ka rito at hindi mo pa kasama si Aifrel o si Aida!" Pinag-sabihan ko s'ya.

Marahan itong tumawa, "huwag kang mag-alala, narito lang naman ako para isauli 'tong kutsilyo mo... ang tagal kasing bumalik ni Aifrel sa taas kaya ako na lamang ang nag-kusa." Paliwanag nito. Pansin ko pa ang pag-hapo nito.

"Nai-stress ako sa'yo bumalik ka na nga sa kwarto mo." Pag-hablot ko sa kutsilyo at baka mapano pa s'ya. Inalalayan ko ito paakyat sa kanyang silid bago ako nag-patuloy sa paglalakad papunta sa kwarto ni ina.

Habang naglalakad sa pasilyo ay may nakabunggo akong katulong na yumuko lamang at mabilis na nag-lakad.

Sa pasilyong nilalakaran ko ngayon ay papunta sa kwarto ng hari, reyna, at ang throne hall. Usually walang dumadaan dito except sa mga may dugong bughaw.

Ilang segundo akong nakatingin sa lalaki bago naisipang sundan ito.

Lumabas s'ya sa bintana at sumunod din naman ako. Dahan-dahan lamang ang galaw ko upang hindi n'ya ako mahalata. Wala na akong balak na sabihin sa mga kawal dahil tiyak na magnanakaw lamang ito mula sa ibang bayan.

Habang sinusundan ang lalaki ay napag-tanto ko na lumikha pala ito ng butas sa pader ng palasyo upang makalabas-pasok s'ya.

Nang makalayo-layo na ang lalaki mula sa palasyo ay hindi ko na binalak na sumunod pa, "ano ang pakay n'ya?" Pag-taka ko sa sarili.

Bumalik na ako sa palasyo at muling dumaan sa pasilyo na nilalakaran ko kanina. Ngayo'y nadatnan ko namang nagpapanic ang mga katulong.

"Ano ang nangyayari?" Pinigilan ko ang isa sa mga katulong na tumatakbo.

"N-Nagwawala nanaman po ang pangalawang asawa ng hari kaya po kami papunta roon, ipagpaumanhan n'yo muna ako kamahalan." Yuko nito at dumeretso na sa silid ni ama.

'Kadiri, bakit kasi d'yan s'ya natutulog tapos ganyan ang kanyang inaasta?'

Napabuga ako ng hangin bago dumeretso sa silid ni ina, "mahal na reyna...?" Marahan kong ipinihit ang door knob bago pumasok.

Nagpapahangin sa bintana ang reyna, "naparito ka? Kailangan ka ng mga bisita roon." Pag-bati nito sa'kin.

Marahan kong sinara ang pinto at lumapit sa kanya, "gusto lamang panatilihin ang kaligtasan mo, ina. At isa pa, gusto kita makita sa kaarawan ko na masigla." Ngumiti ako.

"Halos hindi ako makatulog sa ingay ni Leonor kagabi." Napahawak ang aking ina sa kanyang noo.

"Bakit? Anong nangyari? Tila'y taranta rin ang mga naninilbihan sa palasyo..." sambit ko at umupo sa gilid ng kama.

"Nawawala ang iba sa mga alahas n'ya kaya s'ya nagkakaganyan." Sambit ni ina at tumingin sa bintana. Ipinagtataka ko ang palagi n'yang pagdungaw sa bintana kaya sinamahan ko s'ya roon.

Tanaw pala mula rito ang silid pambisida, sila Eren.

"Ano ang pinagmamasdan mo sa mga bisita, ina?" Pagtataka ko.

"Binabantayan ko ang pag-punta ni Eleonor, tila'y natipuhan n'ya ang isa sa mga bisita mo." Umabante ito at umupo sa kanyang kama.

Nag-unat ako ng kamay ko, "parang nangangati ata ang kamay ko, ina. Parang gustong dumapo sa pisngi ng babaeng 'yon." Sambit ko.

"Hayaan mo s'yang bumalik sa kanya ang mga pinanggagawa n'ya sa loob ng palasyo." Buntong hininga ni ina.

"Ako na ang magbabalik sa mismong harap n'ya." Tumayo ako at nag-lakad patungong pintuan upang lumisan.

"Huwag mong ipapahalata." Bilin pa ni ina.

Nginisian namin ang isa't isa, "don't underestimate me, my queen." Kaswal na sagot ko bago umalis ng silid.

Halos mapatalon ako sa gulat nang may tumakbo sa aking harapan na mga katulong. Hindi pa rin pala tapos ang kadramahan ni Eleonor.

Napairap ako bago naglakad pabalik kila Aifrel. Tiyak kong naroon pa rin sila na nagk-kwentuhan.

Hmm, kumusta na kaya ang prinsipe ko?

Inilabas ko ang kutsilyo niregalo nito at pinagmasdan. Napakaganda...

"Gusto ko na ulit s'yang yapusin, halikan, at saksakin..." Usal ko.

Pagkarating sa silid ay pinapasok na ako ng kawal at tama nga akong naroroon pa rin sila.

"Ano na ang kaganapan dito?" Lumapit ako sa kanila.

Umalis sa kinauupuan si Aifrel at doon ako ginabayang umupo, "salamat," sambit ko.

"Wala namang problemang naganap dito, pinag-uusapan lang naman namin ang mga bayan na nasira rito. May ideya na ba kayo kung sino ang may pakana?" Tanong ng dukesa.

"Sandali," sambit ng kapatid ko at itinuon ang atensyon kay Shin, "sino ang pasimuno ng magaganap na digmaan?" Tanong ni Aifrel.

Kibit-balikat ang sagot ni Shin na parang hindi s'ya aware sa magaganap, "digmaan?" Pagpanggap n'ya.

Maging ako ay nagtataka. Anong digmaan ang magaganap?

"Sila-sila lang naman ang may alam ng mga bagay na 'yan." Inis na umiwas ng tingin si Shin. Ang iba naman ay nakikinig lang katulad ko.

"Ano ang ibig mong sabihin? Sinong sila?" Tanong ko naman upang makisabay sa kanila.

Bumuntong hininga s'ya, "sila... ang mga matataas na responsable sa'tin. Sa tingin ko nga ay kaya lang tayo nabuhay sa ganitong mundo dahil aakuhin natin ang mga responsibilidad ng magulang natin." Sumabat naman si Poisonus.

Nilingon s'ya ng lahat dahil sa kanyang naging sagot. Kahit maging ako ay relate sa sinabi n'ya. Except na si Farrah mismo nagpasa sa'kin. Nakakaiyak.

"Ayos ka lang, kamahalan? Binabagabag ba ng digmaan na ito ang iyong isipan?" Pag-alala ni Venimus at hinaplos ang pisnge ko gamit ang hintuturo nito.

Tumango ako, "oo naman, marami ang inosenteng buhay ang madadamay. Alam kong hindi 'to kayang ayusin ng isang pagpupulong o kahit anong klase ng pangungusap sa kanila."

"Minsan wala na talagang solusyon ang isang problema maliban sa kamatayan. Kailangan may mamatay para sa katahimikan ng lahat." Makahulugang sambit ni Shin.

"Lalo na kung ito ang pinagmulan ng lahat ng kaguluhan." Dugtong n'ya sa kanyang sinabi at dumapo ang paningin sa'kin.

Continue Reading

You'll Also Like

17.9K 662 25
Cyra spent most of her life trapped in a dark storage room. She was hidden by her Tita Rosanna from the outside world, starved, and abused. All becau...
78.6K 3.2K 55
Transmigration 1: Reincarnated as the Disgrace Marchioness Villainess ______________ Story Start: July/2/22 Story Published: October/22/22 Story End:...
89.9K 3K 46
What will you do when you suddenly got reincarnated in second time? What will happen if a man got reincarnated as a woman in his second reincarnation...
1.2K 286 54
A journalist, Camilla Valmores, accidentally found an old notebook that contains weird letters. Itinago nya iyon dahil wala namang nag-hanap nung not...