Farrah
"Maligayang pag-babalik, mahal na prinsesa." Pag-yukod ni Theo at marahang inalis ang balabal na suot ko.
Nauna na akong bumalik sa palasyo at susunod naman si Aifrel mamaya kasama si Julia at ang iba pa. Mananatili kasi ang Duke Cain, Prinsesa Thana, at ang mga kapatid nito sa gitnang emperyo.
Si Liam? Nagpapahinga na, nag-iwan naman ako ng mensahe para hindi s'ya ma-baliw nanaman. Biro lang.
"Si ama?" Tanong ko kay Theo habang nag-lalakad.
"Nasa silid pambisita, kamahalan." Tugon nito at nanguna sa paglalakad upang ako'y samahan papunta roon.
'Nariyan na nga ang bisita.'
Una s'yang pumasok sa silid upang ipaalam kay ama na naririto ako.
"Maiiwan ko na muna kayo, kamahalan." Yukod ni Theo sa'kin at lumisan.
Tumayo si ama, ang kambal at ang... tiyak akong magulang nila ito. Binati nila ako na may ngiti sa kanilang mga labi.
"Totoo nga ang mga salitaan na napaka-ganda ng unica hija mo, Solomon." Papuri ng lalaking nay katandaan. Tiyak akong hari ito ng Amekrana.
"Ama, mag-usap nga tayo." Hindi ko pinansin ang puri ng hari.
"Mahal kong prinsesa, maaari naman tayong mag-usap mamaya pagkatapos ng maliit na pagpupulong na ito, diba?" Nginitian pa ako ni ama.
Dahil ayaw ko naman mambastos sa araw na 'to..., "maliwanag."
Pinaupo ako ni ama sa kanyang katabi, katapat ang pamilya ng namumuno sa Amekrana.
"Parang diwata!" Ngayon ko lamang napansin ang batang babae na kasama nila. Nagtatago sa ilalim ng lamesa.
Sinuway s'ya ng kanyang dama at hinila palabas ng silid.
"P-patawad sa ingay na likha ng aking anak." Sambit ng reyna.
"Maliit na bagay." Nginitian ko ito.
"Oh! Nga pala... Farrah, ito nga pala ang kambal na si Venimus at Poisonus." Pakilala ni ama.
Ang dama naman ni ama ang nag-paliwanag ng details, "sila ang napili ng hari na magiging kerida mo, nagustuhan mo ba mahal na prinsesa?" Tanong ng dama.
"Napaka-gandang sining." Pag-hanga ko.
Kailangan ko rin makisabay at mag-panggap sa harapan nila.
'Venimus ang nasa kaliwa, Poisonus ang nasa kanan...'
Tiningnan ko nang mabuti ang kanilang kaibahan upang matandaan ko kung sino sila, alam ko ang mga posibleng mangyari kung hindi ko kilala kung sino si Venimus at sino si Poisonus.
Napansin ko na may nunal si Venimus sa ibaba ng lower eyelid n'ya sa kanan. Mas masigla ang mga mata ni Poisonus kaysa kay Venimus.
Kahit magkamukhang-magkamukha sila, may pinagkaiba pa rin naman sila.
"Maaari bang tapusin na ang pagpupulong na 'to? Hindi ko naman na kailangan ng kerida." Sabi ko.
"Farrah..." sambit ni ama.
"Kaya nga kailangan kitang kausapin tungkol d'yan." Bulong ko sa kanya.
"Totoo nga ang balitang may namamagitan sa inyo ng prinsipe mula sa silangan, tama ba prinsesa?" Nakangiting sabi ni Poisonus.
"Wala namang hindi pa nakakaalam tungkol sa balita na 'yan, hindi ba?" Tanong ko pabalik at natahimik s'ya.
"Wala pang kasalang magaganap kaya may karapatan pa rin naman ako." Sabi ni ama.
"Ama...?" I firmly said.
"Farrah, huwag ka nang mag-matigas." Saway nito sa'kin.
Napabuntong hininga na lamang ako, "agh, kailan ba matatapos ang araw na ito..." kausap ko sa sarili at umiwas ng tingin mula sa kanila.
Hinayaan ko lamang silang mag-usap habang ako naman ay nag-lakad patungo sa veranda upang magpahangin.
"Nakakainis..." Usal ko. 'Di naman sa nagagalit ako, tampo lang.
"Kumusta prinsesa!" Pag-bati ni Menacemae sa'kin. S'ya ang bunsong kapatid ng kambal o ang batang maingay kanina.
"Kumusta." Nginitian ko pa ito.
"Ang ganda mo pala talaga sa malapitan, kamahalan! Pero diba mas maganda kapag may bahid ka ng dugo sa iyong pisnge?" She giggles.
'A psychopath.'
Bumuntong hininga ako at ngumuso sa kanya, "iyon nga... naalala ko, ang huling kumausap sa'kin nang ganito ay isinabit ko ang ulo sa harapan ng palasyo."
Nanlaki ang kanyang mga mata, "p-patawad, prinsesa!" Mabilis itong tumakbo palayo.
Napabuga nanaman ako ng hangin, "hays! Ganito ba talaga ka-lonely sa gitnang emperyo?"
Julia
Nagising ako sa boses na humuhuni sa tabi ko. Hawak n'ya ang kamay ko habang nakapikit s'ya at humuhuni ng kanta.
Ginalaw ko ang aking kamay na ikinadilat ng kanyang mga mata.
"J-Julia..." pag-aalala nito at hinaplos ang pisnge ko.
Iniangat ko ang kamay ko at pinitik s'ya sa noo, "ano sa tingin mo ang iyong ginagawa?" Bumangon ako.
"Galit ka pa rin ba?" Tanong n'ya.
"Kanina mo pa yan tinatanong, naiirita na ako. Hindi ako galit." Umiwas ako ng tingin.
Ibinaba ko ang aking tingin sa aking tiyan, "totoo ba talaga 'to?"
"Patawad..."
"Hindi, hindi ko tinatanggap ang pasensya mo. Isusumpa kita hanggang sa mamatay ako." Sambit ko.
Nanlumo ang kanyang mukha at napayuko. Hindi nga talaga ako galit, hindi ba s'ya sanay na ganito ako mag-salita?
Hinaplos ko ang kanyang buhok, "ipangako mo lamang na gagampanan mo ito at hindi tatakbuhan."
"Hindi ko magagawang takbuhan iyan dahil tiyak na papatayin ako ni Farrah." Anito.
"Dapat lang." Irap ko.
'Hays! Lalaki rin pala ang magpapalambot sa'kin.'
"Aifrel..." Usal ko at itinuon nya naman ang kanyang atensyon sa'kin.
"Alam mo bang mula noon ay pangarap kong maging dama. Minamaliit kasi nila ang kakayahan ng mga babae. Nakakainis lamang." Sabi ko.
"G-Gusto mo maging dama pagkatapos mong manganak?" Tanong n'ya.
"Dama na ako ni Farrah, sira. Pero, sa kalagayan ko ngayon? Baka tumigil muna ako sa tungkulin ko." Tugon ko.
"Paki-usap, huwag mong papagurin ang iyong sarili lalo na at nagdadalang tao ka ngayon, maliwanag?" Bilin nito.
"Hindi ako sanay na nag-sasalita ka ng ganyan, tigilan mo nga iyan." Saway ko.
"Parehas kayo ng sinabi ni Farrah, nag-aalala lang naman ako." Pag-iwas nito ng tingin.
"At isa pa, gusto pala malaman ng kapatid ko kung ano ang magiging pangalan ng sanggol kung ito'y magiging babae o lalaki?" Tanong n'ya.
"Hindi ako magaling sa pag-buo ng pangalan, bakit hindi ikaw ang mag-isip? O kaya'y si Farrah? Parang mas maganda ang mga pangalan mula sa modernong mundo diba?" Masayang sabi ko.
"Maganda nga ang iyong naisip! Maayos na ba ang iyong pakiramdam?" Tanong n'ya.
Tumango ako at umupo sa gilid ng kama, "medyo may kaunting hilo pero kaya ko naman na siguro. Nasaan si Farrah?"
"Nasa gitnang emperyo na s'ya kaninang umaga pa, kinakailangan s'ya ni ama kaya s'ya ay umuwi agad." Sagot n'ya.
Tumayo s'ya nang tuwid at inilahad ang kanyang palad, "kung handa ka na, maaari na tayong umalis ngayon."
Tinanggap ko naman agad 'to, "handang-handa na, prinsipe ko."
"Jusko Julia, ayusin mo ang iyong pananalita at baka bigla na lamang kita halikan d'yan." Mga salitang kumawala sa kanyang bibig.
Napatawa ako, "sinusumpa talaga kita, prinsipe ko." Hinalikan ko s'ya.