A Second chance to Loved you...

By sleepwelluntilurest

3.3K 406 11

COMPLETE | UNEDITED | JEJE DAYS ______________ Elaine, a girl who likes her stepsister Valerie's boyfriend. W... More

DISCLAIMER
PART ONE
PART TWO
PART THREE
PART FOUR
PART FIVE
PART SIX
PART SEVEN
PART EIGHT
PART NINE
PART TEN
PART ELEVEN
PART TWELVE
PART THIRTEEN
PART FOURTEEN
PART FIFTEEN
PART SIXTEEN
PART SEVENTEEN
PART EIGHTEEN
AUTHOR'S NOTE
PART NINETEEN
PART TWENTY
EPILOGUE
CHARACTERS REVEAL
‼️ANNOUNCEMENT‼️

SPECIAL PART

152 18 2
By sleepwelluntilurest

Special Part

______________

(Kathleen's POV)

"Five, four, three, two, one.... cut!" Sabi ni Direk sa amin at natapos na ang shinu-shoot naming palabas.

Kapag siguro napanood nila ito, maganda. Kasi napakaganda ng plot. Napakaganda nung characters, I mean yung personality ng mga characters. Gusto ko mang mameet yung sumulat nito. Kaso nasa kabilang buhay na sya.

𝘌𝘭𝘢𝘪𝘯𝘦 𝘊𝘢𝘯̃𝘦𝘵𝘦 𝘔𝘦𝘯𝘥𝘰𝘴𝘢 yung pangalan ng sumulat. At masasabi kong napakagandang kwento nito.

𝘠𝘰𝘶'𝘳𝘦 𝘮𝘺 𝘥𝘦𝘴𝘵𝘪𝘯𝘺 yung title ng kwento. Sa title palang parang na-attract na ko e. Tapos nung nabasa ko pa, na-amaze ako. Like, ako yung magiging bida! Nakakatuwa lang. Habang shinu shoot nga namin, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. Dahil baka magka mali ako. Pero mula una hanggang sa huling shooting namin, naging matiwasay naman at maayos.

Ako nga pala si Kathleen Carillo. Nag-iisang anak nila Martin at Amelia Carillo. I'm twenty two years old. Fourteen palang ako ay sinabak na ko nila mommy at daddy sa larangan ng pag-arte. Kasi nakitaan daw nila ako ng acting skills. Kahit alam ko sa sarili kong hindi ko naman talent ang pag-arte. Pag iinarte siguro oo. So ayun, yung first project ko e nung sixteen ako. Kung saan ako yung bida. Mahirap palang makipagsabayan sa mga beteranong actor no? Nung natanggap ko tong project na to na ako na naman ulit yung bida. Natuwa ako, shempre tinanggap ko. Magandang opportunity to para sa akin. Papalagpasin ko pa ba?

"Anak, Kathleen. Baba na! Kakain na tayo!" Utos ni mommy sa akin.

"Opo mommy!" Bored na sabi ko.

Pagkatapos ay lumabas ako ng kwarto at bumaba na para kumain. Dala-dala ko pa rin yung cellphone ko para kapag nag chat yung kaibigan ko, updated agad ako! Mahirap na, baka mahuli ako sa balita. Umupo na ako sa upuan at nag simula nang kumain.

"Kathleen, how's the taping last time?" tanong ni mommy sa akin habang kumakain sya.

"Yeah, okay naman." Walang ganang sagot ko.

"How's the director? The co-director? The staffs?" sunod-sunod na tanong ni mommy.

"Mabait naman silang lahat." Bored na sagot ko.

Tumango lang si mommy at pinagpatuloy na ang pagkain. Tahimik nalang akong kumain.

"Hon, tutal dalaga na yung unica hija natin. What if ipakilala na natin sya sa anak ng kaibigan mo?" tanong ni mommy kay daddy na ikinakaba ko.

Di pa ko ready mag-asawa no! I want to enjoy my life bilang dalagang pilipina. Baka kasi last day ko nalang pala tapos hindi ko na-enjoy yung pagiging dalaga ko. Mali yung iniisip nyong last day! I mean kasi na baka last day ko nalang na bilang dalaga! Baka magising nalang kasi ako isang araw, kasal na ko! Kumbaga, gusto ko lang ienjoy yung pagiging buhay dalaga ko. Yung walang prinoproblema na anak, yung walang makulit na asawa.

"Yun nga din yung gusto ni Fernand. Yung ipakilala natin sa anak nya si Kathleen. Perfect match sila!" Natatawang sabi ni daddy.

"Parehas naman silang twenty two. So pwede na. Ano?" tanong pa ni mommy.

Nayayamot ako! Akala nila hindi ko naririnig yung mga pinagsasabi nila! Anong ipakilala? Anong perfect match? Duh! Kakasabi ko lang di ba? Ayoko pang mag-asawa. Ano naman kung same age kami? Walang may paki! Kahit itanong pa nila sa pagong.

"Oo. Hayaan mo hon, ipapakilala ko si Kathleen sa anak ni Fernand. Tiyak kong matutuwa yun! Matagal na kayang gustong makilala nang anak ng kaibigan ko si Kathleen. Kung hindi lang ba maarte to!" Natatawa pang sabi ni daddy.

"Daddy! Ano ba? Ayoko pang mag-asawa ha! Wag nyo kong pipilitin." Sarcastic na sabi ko.

"Ipapakilala palang anak! Kalma lang ha? Wala pang kasal! Ipapakilala palang. Excited ka na siguro sa kasal ah? Hayaan mo. Darating din kayo jan." Kinikilig na turan ni mommy sabay hawak sa kamay ni daddy.

Napangiwi ako at napaiwas ng tingin. Bitter na kung bitter pero ayoko talagang magpakasal muna! Real talk lang kasi. Ayokong masaktan ng maaga no.

"Mommy naman e! Ang sama nyo." Kunwaring mangiyak ngiyak na sabi ko.

"Aba e kami pang masama? Ikaw na nga tong nirereto namin e. Dapat magpasalamat ka!" Sabi ni mommy sabay subo ng pagkain nya.

Magpasalamat ka jan! Kaibigan ko nga nireto ako sa milyonaryo, inayawan ko! Tapos sa anak pa kaya ng kaibigan ni daddy? Asa kayo!

"Hayaan mo hon, hindi ko hahayaan na hindi sila magkakilala. Gagawa tayo ng paraan." Nakangiting sabi ni daddy.

Luh! Walanjo seryoso kayo? Ipapamigay nyo ko T^T

"Ano bang gagawin mo?" tanong ni mommy.

"Di ba ayaw ni Kathleen? Edi gawin natin thru blind date. Para surprise." Natatawang sabi ni daddy.

"Hoy daddy. Ayoko nang pa-blind date blind date na yan. Bahala kayo hindi ako sisipot sa blind date na yan!" Sarcastic na sabi ko.

"Pupunta ka o aalisan kita ng mana?" seryosong tanong ni daddy.

"Haha as if naman na aalisan nyo ko ng mana? Edi kanino nyo ipapamana yung mga ari-arian nyo, sa pusa?" natatawang tanong ko.

Umiling si daddy at seryosong nakatitig sa akin. Maging si mommy e seryoso din kaya kinabahan ako. Anong trip ng mga to?

"Seryoso ako anak, Kathleen. Aalisan talaga kita ng mana kapag hindi ka nakipagkita sa anak ni Fernand. Kapag hindi ka lang nakipag kita. Pero kapag nakipag kita ka, safe yung ipapamana namin sa iyo." Nakangiting sabi ni daddy.

"O diba Kathleen? Ang bait bait talaga ng daddy mo. Kaya mahal na mahal ko to e." Kinikilig na sabi ni mommy sabay halik sa pisngi ni daddy.

Napangiwi ulit ako. Hindi na to epekto ng pagiging bitter ko. Sadyang nandidiri talaga ako. Paano, naghaharutan sa harapan ko. Naghahalikan tapos nag susubuan. Gusto ko mang maranasan yung ganyan, wag nalang. Ayoko pang mag-asawa, period.

"Ay basta, hindi ako sisipot mommy at daddy. Bahala kayo sa buhay nyo." Natatawang sabi ko kasabay ng pagdala ko sa plato ko para ilagay sa lababo.

__

Nandito ako sa bahay ng kaibigan ko. Since tapos na yung taping namin, pwede na kong mag bulakbol at lumaboy kung saan-saan. Naisipan kong puntahan ang kaibigan ko sa bahay nya para yayain na gumala.

"Ano Kathleen? I-rereto ka ng mommy at daddy mo sa kaibigan ng daddy mo?" hindi makapaniwalang tanong nang kaibigan kong si Rose.

"Oo!" Bored na sagot ko.

Sya nga pala yung kaibigan ko. Si Mary Rose Austria. Rose nalang ang tawag ko kasi trip ko lang. Nagkakilala kami sa isang taping kung saan personal assistant ko sya. Same age kaming dalawa then same vibes. Same sa mga bagay bagay pero hindi kami same taste pagdating sa boylet. Hindi gaya ko, sabik na sabik sa chickboys tong si Rose. Kapag may inirereto sa kanya, gora agad! Hindi man lang tanungin kung gwapo ba o walang itsura. Kaya minsan, kapag uuwi sya. Laging luhaan. Paano kasi na-bokya!

"Ano, gora ka?" tanong ni Rose.

"Shempre hindi no! Alam mo naman yung motto ko palagi. 'Enjoy your life'." Sarcastic na sabi ko.

"Bakit kasi ayaw mo pang mag-jowa? Masaya kaya magka jowa. Tapos papakiligin ka araw-araw!" Kinikilig na sbai ni Rose.

"HAHA masasaktan ka naman! Ako wala mang jowa. Atleast hindi nasasaktan. Atleast hindi nagsasayang ng pera. Yang jowa mo ngayon, pang ilan na yan?" taas kilay na tanong ko.

"Pang sampu na." Kagat labing sagot ni Rose.

"Tingnan mo, bukas break na kayo!" Natatawang sabi ko.

Pinaghahampas ako ni Rose ng unan. At mangiyak ngiyak na humihiling na bawiin ko yung sinabi ko. Bakit ko naman babawiin? Duh! Totoo naman na magbre-break sila no! Hindi sa nakiki-alam ako sa lovelife ni Rose. Pero baka ganun na nga. Narinig ko kasi yung sinabi ng jowa nya sa kabit nito! Plus bitter pa ako ngayon, damay damay na to!

"Kathleen naman e." Sarcastic na sabi ni Rose.

"Ay basta. Bahala ka!" Bored na sabi ko.

Abala ako sa pagpipindot pindot ng cellphone ko. Habang nagi-scroll scroll ako sa facebook. May nakita akong isang post from my co-artist. Sikat rin sya pero mas angat ako. Hindi sa pinagmamayabang ko ha? Pero I have a millions of followers lang naman kumpara sa kanya.

"Hoy Rose nakita mo na ba to?" tanong ko kay Rose kasabay ng pag tapat ko sa mukha nya ng cellphone ko.

"Oo. Kawawa nga e. Hindi natuloy yung taping nila. Nagkasakit kasi." Malungkot na sabi ni Rose.

"Oo nga e. By the way, gora ka ba? Sama sana kita? Gagala ako e." Nakangiting sabi ko.

"Of course naman! Why not aba? Pagdating sa galaan, sasama ako shempre!" Natatawang sabi ni Rose habang winawagayway yung unan na hawak nya.

Napailing iling nalang ako habang natatawa. Minsan, kailangan talaga natin ng kaibigang aalalay at sasama sa mga trip natin sa buhay no?

__

Nandito ako sa isang private cafe. Nakakainis kasi si daddy, gaya ng sabi nya. Kapag daw hindi ako nakipag kita sa ka-blind date ko. Aalisan ako ng mana kaya kahit ayoko at wala akong choice, pumayag na ako. Ngayon lang naman to e.

Kasalukuyan kong hinihintay yung ka-blind date ko. Medyo naiinip na rin ako at naiinis. Pero kahit ganun, tiis tiis lang para sa future ko.

In-open ko muna yung cellphone ko at chinat ang kaibigan kong si Rose. Buti naman at online nang may makausap ako.

"𝘈𝘯𝘰 𝘙𝘰𝘴𝘦 𝘵𝘶𝘭𝘰𝘺 𝘣𝘢 𝘵𝘢𝘺𝘰?" tanong ko kay Rose.

"𝘖𝘰 𝘨𝘰𝘳𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘰! 𝘚𝘢𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘺𝘶𝘯𝘨 𝘵𝘳𝘦𝘢𝘵 𝘮𝘰 𝘦." Sabi ni Rose with matching HAHA emoji.

"𝘕𝘢𝘬𝘢𝘬𝘢𝘵𝘢𝘮𝘱𝘰 𝘬𝘢! 𝘛𝘳𝘦𝘢𝘵 𝘬𝘰 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢?" tanong ko ulit with CRYING emoji.

"𝘑𝘰𝘬𝘦 𝘭𝘢𝘯𝘨. 𝘈𝘯𝘰 𝘬𝘢 𝘣𝘢 𝘣𝘦𝘴𝘩𝘪𝘦 𝘣𝘢𝘱𝘴? 𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘵𝘰 𝘮𝘢𝘣𝘪𝘳𝘰 𝘰𝘩!" Sabi ni Rose na may kasamang heart emoji.

Bigla akong natigilan... parang
... parang pamilyar sa akin yung salitang 𝖡𝖾𝗌𝗁𝗂𝖾 𝖻𝖺𝗉𝗌? Parang... parang pakiramdam ko malapit sa akin yung salitang yun. Pilit kong inaalala pero hindi ko maalala e. Parang narinig ko na kasi yun dati hindi ko lang talaga maalala kung kelan at saan.

"𝘏𝘢𝘩𝘢𝘩𝘢 𝘢𝘬𝘢𝘭𝘢 𝘬𝘰 𝘦." Sabi ko.

"𝘚𝘩𝘦𝘮𝘱𝘳𝘦 𝘢𝘬𝘰 𝘱𝘢 𝘣𝘢?" tanong nya.

Natawa nalang ako. At pinagpatuloy ang pagta-type ko. Habang abala ako sa pakikipag chat kay Rose. May biglang tumawag sa akin.

"Hi." Mahinang bati nito sa akin.

Dahil nga abala ako sa pagse-cellphone, binalewala ko lang sya.

"May hinihintay lang ako." Bored na sabi ko.

Nag 'Hi' ulit sya pero dedma lang ulit. Shempre wala pa yung ka blind date ko. At busy ako sa pakikipagchat kay Rose no.

"Hi?" sabi nya ulit kasabay ng paghawak sa balikat ko.

Napatigil ako sa pagse-cellphone ko at nilingon ang humawak sa balikat ko. Napatayo pa ko ng mapagtantong.... ang kanina pang tumatawag sa akin, e yung ka-blind date ko ngayon.

"He-hello...." nauutal na sabi ko.

"Ikaw ba yung ka-blind date ko ngayon?" nakangiting tanong nya sa akin.

Bigla akong kinabahan, inferness kasi ang gwapo gwapo tapos ang tamis ng mga titig nya sa akin.

"O-oo... ikaw rin ba yung ka-blind date kong sinabi ni daddy?" nauutal na tanong ko.

"Ah ikaw pala yung anak ni Mr. Carillo." Tumatango tangong sabi nya.

"Oo." Tipid na sabi ko kasabay ng pag ngiti.

"Ahuh... by the way. I'm Vincent Galvez. And you are?" tanong nya sa akin kasabay ng pag-abot ng kaliwang kamay nya.

Inabot ko yung kamay nya at nakipag shakehands. Ngumiti muna ako bago sumagot.

"Kathleen Carillo." Banggit ko sa pangalan ko.

Ngumiti muna sya bago magsalita. At sa pag ngiti nya, parang may kumurot sa puso ko. Parang.... parang.... parang pakiramdam ko nagkita na kami dati.

"Hi Kathleen nice to meet you." Nakangiting sabi ni Vincent.

"Nice to meet you rin Vincent." Nahihiyang sabi ko.

Inalalayan nya ako sa pag-upo. Napaka gentleman naman nito. At sa pag-upo nya. Biglang may nag sink-in sa utak ko. Hindi ko alam kung ano basta bigla nalang may kung anong nangyari sa akin. At nang titigan ko sya. May nakita ako sa isipan kong isang image ng isang lalaki. Nung ngumiti sya bigla nalang umagos ang mga luha ko. Hindi ko talaga alam kung bakit basta bigla nalang akong napaiyak ng wala sa oras. At may narinig ako sa isipan ko.

"𝘋𝘪 𝘣𝘢 𝘴𝘢𝘣𝘪 𝘬𝘰 𝘴𝘢𝘺𝘰, 𝘩𝘪𝘩𝘪𝘯𝘵𝘢𝘺𝘪𝘯 𝘬𝘪𝘵𝘢?" sabi ng kung ano sa isipan ko, pero hindi ko talaga alam kung bakit ko narinig.

Nahalata siguro ni Vincent na umiiyak ako kaya nilapitan nya ako at itinayo. Pinahid nya ang mga luha sa pisngi ko. Napangiti nalang ako kahit hindi ko naman gusto. Pero bigla akong nakaramdam ng pagmamahal. Yung pagmamahal na nararamdman mo kapag may minahal ka? Nagtataka ako kasi first meet palang kami pero pakiramdam ko parang matagal na kaming magkakilala. Feeling ko, minahal ko na sya dati. Hindi ko lang maalala. Nagka amnesia ba ko? Gulong gulo yung isipan ko dahil hindi ko alam yung totoo.

"Ahh Vincent. Nagkita na ba tayo dati?" biglaang tanong ko.

"What do you mean?" tanong nya sa akin pabalik.

"I mean, nakita na ba kita noon? No, no, no! I mean nakita mo na ba ko dati? Oh gosh! I mean, naaalala mo ba ko? Kilala mo ba ko?" sunod-sunod at hindi ko siguradong mga tanong.

Natawa sya sa mga sinabi ko kaya medyo nag-init yung magkabilang pisngi ko. Maging ang ulo ko. Pero hindi ko pinapahalatang naaasar ako sa asal nya.

"Of course yes. I know you! Di ba ikaw si Kathleen?" natatawang sabi nya.

Napailing nalang ako. Siguro nga dala lang ito ng stress at init ng ulo. Okey okey, hindi nya naaalala. At hindi ko rin naaalala. Pero bakit ako umiiyak? Bakit pakiramdam ko, mahal ko na sya agad? Hindi naman ako na love at first sight pero mahal ko na agad si Vincent. Hindi ko talaga alam kung bakit pero isa lang ang nasisiguro ko, nagkita na kami noon.

Iwinaglit ko nalang yun sa isipan ko at itinuloy ang pakikipag date sa kanya. Panay ang tingin nya sa akin at panay ngiti. Nakakailang man, pero ayos lang. Nang ilapag ko yung kaliwang kamay ko sa lamesa, bigla iyong hinawakan ni Vincent. At may nag sink-in ulit sa isipan ko. Muli, nakita ko ang isang image ng isang lalaki. Umalpas na naman ang mga luha ko sa hindi ko maintindihang dahilan.

"𝘏𝘪𝘩𝘪𝘯𝘵𝘢𝘺𝘪𝘯 𝘬𝘪𝘵𝘢, 𝘌𝘭𝘢𝘪𝘯𝘦......" sabi ulit ng isipan ko habang nakatitig kay Vincent kasabay ng pag-alpas ng sunod sunod na luha ko.

"𝘑𝘦𝘳𝘪𝘤𝘩𝘰?" biglang sabi ng isipan ko.

Kahit hindi ko naman kilala kung sino yung binanggit ng isipan ko. Ngumiti si Vincent at kasabay ng paghawak sa dalawang kamay ko.

Naging sunod sunod ang pag-agos ng mga luha ko. Napatakip nalang ako ng bibig ko nang mapagtantong.... ang nasa harapan ko ngayon, ay naging parte ng nakaraan ko. Hindi ko man naaalala kung paano at saan sya naging parte ng buhay ko. Malakas ang pakiramdam ko na sya, na sya ang minahal ko. At mamahalin ng paulit ulit.







The End.

______________

Continue Reading

You'll Also Like

99.4K 4.2K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
1M 35K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
15.5K 300 16
- With hundreds of people you meet every day. 1 or 3 might not be someone who belongs here. Rhea Calisha met a dangerously handsome man on their camp...
990K 31.4K 41
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...