Bakit ba Ikaw

Galing kay DrunkenPrincess2788

985 121 716

Sheryl was a 29 year old girl... Who believes that one day she will find the happy after she deserves... But... Higit pa

WARNING
🎤Prologue...🎤
🎤Chapter 1🎤
🎤Chapter 2🎤
🎤Chapter 3🎤
🎤Chapter 4🎤
🎤Chapter 5🎤
🎤Chapter 6🎤
🎤Chapter 7🎤
🎤Chapter 8🎤
🎤Chapter 9🎤

🎤Chapter 10🎤

12 3 1
Galing kay DrunkenPrincess2788

(Jonathan)

Masaya si Jonathan sa kinalabasan ng date nila ni Sheryl. Inaamin niya rin na matagal-tagal na rin mula nang huli siyang nakipag date. Hindi niya nga alam kung paano kumilos tuwing nakikipag date. Kaya ginawa niya na lang niya kung ano ang tama.

Tama? E dinaan mo na naman sa pangaasar. Kontra ng isip niya.

Hindi rin siya nagsisi na pumayag siya sa alok ng kaibigan ni Sheryl. Sa totoo lang matagal na niyang gustong ayain kumain or lumabas man lang ang dalaga pero tuwing susubukan niya ay naduduwag talaga siya or natatakot na baka i-reject lang siya ng dalaga.

Naduduwag? Ang sabihin mo natotorpe ka na naman.

Oo inaamin niya na torpe nga siya at hindi pa nagkakaroon ng girlfriend. Inaantay niya lang kasi ang tamang panahon.

Pero natuwa siya sa date nilang iyon ni Sheryl. Mas lalo niya pa itong nakilala at mas lalong nagustuhan. Wala kasi itong kaarte -arte katulad ng ibang babae at ang matindi pa dun natalo siya nito sa ilang video games.

Napapangiti siya tuwing maalala niya ang mga sandaling iyon.

At sa tuwing maaalala niya ang date nila ni Sheryl ay napapangiti siya. Nararamdaman niya kasi iyong connection nila iyong bonding nila ng dalaga. Ang maganda ngunit maaliwalas nitong mukha. Hindi rin niya makakalimutan ang tawa nito na para bang nakakaadik  tuwing nakikipagasaran at nakikipagkukulitan ito sa kanya. Ang magaganda nitong mata tuwing nakikita niyang tumitingin ito sa kanya.

Para bang tumitigil ang mundo ni Jonathan tuwing andiyan si Sheryl.

Aminin mo na kasi boy, inlove ka na kay Sheryl. LIgawan mo na kasi.

E paano ko liligawan kung hindi ako makapag salita tuwing andiyan siya.

Paano mo malalaman kung di mo susubukan.

Ang kinaiinis lang ni Jonathan ay iyong may dumating na asungot nung ihatid niya sa sakayan ang dalaga.

Nagtaka na lang siya na biglang na lang itong sumulpot na tila kabute nang patapos na ang date nila.

Ang sabihin mo naiinis ka at di ka nakaporma ng halik man lang o yakap dahil sa asungot na yun.

Gusto niya ring malaman kung sino nga ba ang kupal na iyon na bigla na lang susulpot kung kelan nito gusto?

"O bakit ganyan ang mukha mo brad? Mukang may malalim kang iniisip?" Sambit ng kaibigan niyang si Randell sa glassware ito naka-assign di niya nga napansin na pinuntahan pala siya rito.

Halos magkasing laki at magkasing tangkad lang sila nito medyo mas payat lang ito sa kanya.

"Ah, wala , wala, wala. Brad wag mo na lang pansinin." Pag iiwas niya rito.

Ilang araw na rin ang nakalipas mula nung date nila ni Sheryl. Wala naman nagbago ganun pa rin naman sila ni Sheryl. Ang pinagkaiba lang parang naging mas close na sila nito.

Kumunot ang noo ng kaibigan bago ito nagsalita.

"Huh? Anung wala kanina pa kita napansin na malayo ang tingin mo at ang mukang malalim yung iniisip mo brad, anu ba kasi 'yon baka matulungan kita?" Tanung nito sa kanya.

Nagdadalawang isip siya kung sasabihin niya ba or ano. Isa naman si Randell sa mga close friends ni Jonathan dito sa department store kung saan siya nagtrabaho.

"Huwag na brad, nakakahiya kasi eh."

"Bahala ka, baka makatulong pa ko sa problema mo. Huwag lang financial dahil wala din ako nun haha." Pabiro nitong banat.

"A-Ano kasi, wala ba naikwento si Sheryl sa'yo na kahit ano?"

"Wala naman pre, nasabi niya lang na nag-enjoy daw siya sa naging date niyo. Narining ko kasi sila ni bakla kanina nagkwentuhan e."

Napangiti na naman si Jonathan nang narinig niya  iyon.

"Ah ganun, ba wala ka na bang ibang narinig?"

Sa loob-loob ni Jonathan gusto niya talaga malaman kung sino ang asungot na 'yon hindi talaga siya matatahimik hanggat di niya nalalaman kung ano siya sa buhay ni Sheryl.

"Wala eh at saka dun sila nagkwentuhan sa dulo. Kilig na kilig nga si bakla na para bang siya ang nakipagdate hindi si Sheryl."

Bahagyang natawa si Jonathan naiimagine niya kasi ang itsura nung dalawa habang nagkwentuhan.

"Ah ganun ba, wala ka bang ibang narinig?"

"Bakit brad? May gusto ka bang malaman? Type mo si Sheryl ano?" Tila nakakalokong bigkas ng kaibigan tapos nakangisi pa na tila ewan.

"Wala, wala, wala baka lang may narinig ka eh. At marinig ka nila huwag kang maingay." Saway ni Jonathan rito.

"Ano nga kasi 'yon? Paano ko malalaman kung di mo sasabihin."

"Basta, saka ko na lang sasabihin."

"Hay naku, natotorpe na naman ang kaibigan ko." Sambit nito saka siya binatukan nito.

"Hoy! masakit 'yon."

"Bakit kasi hindi mo puntahan, obvious naman na bagay kayo. Alam mo brad, kung tatanungin mo ko may pag asa ka kay Sheryl. Malay mo siya na pala maging girlfriend mo."

Ang problema nga ay natotorpe ang lalaki paano magkakajowa kung walang ginagawa.

"Ah-- eh nagiipon pa ko brad." Matipid niyang sagot rito.

"Nagiipon para sa future niyo? Iba talaga ang kaibigan ko advance magisip."

"Ah--- eh-- hindi 'yon. Naiipon pa ko ng lakas ng loob para ligawan si Sheryl." Tila nahihiya niyang sambit sa kaibigan.

"Ganun ba, aba bilisan mo sige ka maunahan ka ng iba. At kung ako sa'yo lalapitan ko na si Sheryl para masagot na iyong bumabagabag sa'yo. Sige ka ikaw rin di matatahimik niyan." Tinapik siya nito sa likod sabay bumalik na sa pwesto nito.

Tama nga siguro ang kaibigan niya, kailangan niya kumilos kung hindi baka mauwi na naman sa wala ang lahat.

Pero paano ko sisimulan? Paano kung may boyfriend na siya at paano kung di niya naman ako gusto? Tanong na naman niya sa sarili.

Paano mo malalaman kung di ka gagawa ng paraan.

° °°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Medyo hapon na rin at marami nang nagawa ngayong araw na itong si Jonathan. Medyo marami na rin siyang naipasok na sales sa mga binebenta nilang item, ngunit hindi pa rin maalis sa isipan niya kung sino ba talaga ang asungot na iyon.

Nag-aayos at naglilista siya ng mga benta nila nang marinig niyang magsalita na naman si Mary Ann. Kasama ito ni Sheryl sa area nila. At nang simula nang dumating si Sheryl dito hindi na maganda ang trato nito sa dalaga.

Nakita ni Jonathan na pumunta ito sa mga kausap at tila ba pinariringan na naman si Sheryl.

"Kung ako sa inyo, kung makikipagdate lang din ako hindi na sa kabilang mall. Tapos mag trenta ka na kung kiligin pa tila teenager ano na teh first time mo makipag-date?"

Nang marinig niya iyon agad niyang hinanap si Sheryl alam niyang ito na naman ang punterya ng babaeng ito. At nakita niyang busy ito nag-aassist ng customer at tinutulungan ito ng baklang kaibigan dahil medyo mabigat ang cookware na dala nito. Inayos nila ang item tapos sinamahan ito sa cashier ang customer.

"Tapos ang matindi pa don ay panay ang kwento mo na tila hindi naman totoo." Patusada na naman nito.

Nang marinig ito ni Jonathan, parang gusto niyang upakan ang babae ngunit ayaw niya patulan ito dahil babae nga.

"Well atleast, may nakikipag date. Hindi katulad ng iba diyan, masama na nga ang ugali masama pa ang tabas ng dila hindi ba baks." Narinig niyang ganti ni Sheryl rito. Nagulat nga si Jonathan kasi ang bilis nitong nakabalik sa area nila.

Napangiti si Jonathan, at napansin niyang saglit na tumingin sa kanya si Sheryl bago ito nagsalita.

"Oo nga Ate, palibasa kasi matanda na at sa sama ng ugali walang maglalakas loob makipag date." Banat naman ng baklang kaibigan rito.

"Tapos ako pa ang sasabihan na gumagawa ng kwento gayong alam natin dalawa kung sino ang mahadera rito."

Napansin niyang biglang natigilan si Mary Ann at tila di na makapagsalita.

"O bakit di ka makapagsalita Mary Ann? Truth hurts?" Sambit naman ng baklang kaibigan ni Sheryl.

"Bakit ikaw ba ang tinutukoy ko?" Napansin ni Jonathan na matapang na sagot ng babae.

"Huwag ka nang magpalusot Mary Ann, kanina ka pa namin napapansin ni Ate Sheryl na nakikinig sa usapan namin. Nagkukunwari ka na naman na nagpupunas ng stocks niyo para makarinig ng latest chismis at makalapit sa amin hay naku! Huwag nga kami. Alam naman natin ang Ate Sheryl ko ang punterya mo."

"Oo wala nang iba di ko nga alam kung anung ginawa ko sa'yo bakit ganito ang trato mo sa akin. "

Nang marinig niya iyon, naawa siya kay Sheryl mabait itong tao. At alam ni Jonathan na naiingit itong si Mary Ann kaya ganito umasa ang babae. Hindi rin niya gusto ang ugali nito sa totoo lang. Samantalang kay Sheryl wala siya masabi napaka bait at maayos makitungo ang dalaga, hindi siya magugulat kung isang araw ma-promote din ito.

"Wala akong paki, ang sa akin lang huwag kayong magkwentuhan sa oras ng trabaho."

"Wow ha! Coming from you baka mapatalsik ka na sa trabaho pag nalaman ni Sir ikaw ang nagkakalat ng mga chismis rito."

Napansin ni Jonathan na tahimik lang si Sheryl. Ayaw na siguro ito patulan ng dalaga. Medyo kilala na ni Jonathan ang ugali nito alam niyang hindi papatulan ng dalaga ang mga ganitong eksena ni Mary Ann.

Pero ang totoo nagalala din siya tuwing inaaway ito ni Mary Ann. Minsan gusto niya itong ipagtanggol rito, pero wala naman siyang karapatan gawin iyon dahil di naman sila magkasintahan pa.

Nag aalalala sus, ligawan mo na kasi.

Napansin nilang paparating na naman ang team leader nila at ang kaninang nag kumpulan ay bigla na naman nagsibalikan sa kani-kanilang pwesto.

Tumingin-tingin ito sa paligid at saglit na nagmasid sa kanila.

"Mary Ann, in my office may iuutos ako sa'yo."

Napansin nila na gulat si Mary Ann at tila ayaw pa kumilos.

"A-Ako po?"

"Sino pa ba Mary Ann rito? Paki bilisan please."

Napansin ni Jonathan na tila ba nakahinga ng maluwag si Sheryl na para bang nabunutan ng tinik sa dibdib ang dalaga nang nawala sa pwesto si Mary Ann.

°°°°°°°°°°

Papauwi na si Jonathan, nag aayos na nga siya ng mga gamit at naghahanda na umuwi. Nakakapagod din ang araw na ito at marami din siyang inassist na customer ngayong araw.

Maya maya narining niya ang kaibigan niya si Randel tinawag siya katabi lang niya ang locker nito.

"Brad," bulong nito sa kanya.

"Bakit?"

"Uuwi ka na ba?"

"Oo, bakit brad?"

"Tignan mo si Sheryl, mukang malungkot. Chance mo na 'to libangin mo. Ayain mo kumain or magkape." Udyok nito sa kaniya.

"Ha? B-Bakit ako?"

"Para masagot na iyong mga bagay na bumabagabag sa'yo. Usap lang kayo, kain ganyan."

"Bakit hindi na lang ikaw,"

Minsan talaga may kakulitan din itong kaibigan ni Jonathan.

"E sino ba hindi matahimik ako ba? At sino ba ang may gusto kay Sheryl ako ba?"

Napagisip-isip niya tama rin naman ang kaibigan niya. Chance niya na 'to para malaman kung sino ang asungot na 'yon.

"Ah-- eh-- paubos na budget ko brad." Tila nahihiya nitong bigkas sa kaibigan. Sabay alis sa locker area.

Sinundan siya nito tapos may pa-simpleng inilagay sa bulsa niya. Pag tingin niya may limang daang piso sa bulsa ng pantalon niya.

"Akala ko ba wala kang pera?"

"Utang iyan ha... bayaran mo na lang ako kapag nakaluwag kana brad.

Nagpapasalamat siya at ang bait talaga ng kaibigan niyang ito.

Maya-maya narining niya na naman itong magsalita.

"Shery! Sheryl, Huy!" Bigkas nito medyo nauuna kasi sila ng baklang kaibigan maglakad mula sa kinaroroonan nila.

Napansin niyang saglit na napatigil ang dalawa at tila hinanap ang pinangalingan ng boses.

Nakalugay na ang mahabang buhok ng dalaga at pansin ni Jonathan na mas maganda talaga ito kapag ganito ang ayos ng  buhok.

"Sheryl wait!" Hinatak siya nito at tumakbo sa direksyon ng dalawa.

"Oy Randell kayo pala iyan."

"Uuwi ka na ba?"

Natigilan saglit ang dalaga at di agad nakasagot.

"Hay naku Ate! Huwag ka na magkaila, ayaw pa niyan umuwi Kuya Jonathan." Tumingin ang baklang kaibigan sa kanya at tila may gustong ipahiwatig sa kaniya.

"Ah ganun ba, sakto gusto  daw ayain ni Jonathan  si Sheryl kumain or magkape man lang kung papayag daw. Hindi ba brad?" Sambit ng kaibigan at siniko pa siya nito.

"Anu ka ba baks, nakakahiya. Pag pasensyahan niyo na si Jenine nababaliw na naman." Sambit nito sabay kinurot ang baklang kaibigan. Bahagya itong napa aray sa ginawa ni Sheryl.

Natatawa nga siya minsan sa dalawang ito kasi mas kinikikig pa itong si Jenine kaysa kay Sheryl na obvious naman na nahihiya sa ginagawa ng baklang kaibigan.

"Ah-- eh-- Oo sana nagugutom ako at gusto kong kumain, baka pwede ka Sheryl samahan mo naman ako." Tinignan niya ng diretso ang magagandang mata ni Sheryl sabay nginitian ito.

"Ayieee!!!! May gas!!! Kinikilig ako sa inyo!!" Nakita ni Jonathan na niyugyug ng kaibigan si Sheryl at parang mas excited pa ito sa dalaga.

"Oo nga Sheryl, samahan mo naman ang kaibigan ko, tignan mo pagod iyan sa trabaho tapos wala man lang siya makakasabay kumain. Hindi ba malungkot kumain kapag nag-iisa ka." Pangugulit naman nitong si Randell.

Aba, talagang nag sanib pwersa pa itong dalawang ito. Pambihira talaga.

"Oo nga Sheryl, mas masarap kumain kapag may ka-kwentuhan ka. At saka palalampasin mo pa ba makasama ang isang katulad ko. Hindi lang mabait, gwapo pa." Pabiro nitong sambit sa dalaga.

Bahagyang natawa ang mga kasama niya sa sinabi niyang iyon. Napansin niya ring natawa si Sheryl na tila nangaasar pa.

"Mabait? Gwapo san banda?"

"At ayan na naman po siya."

"Bakit anung ginawa ko?"

"Tinotopak ka na naman kasi."

"Grabe ka talaga sa akin ano, bakit di ba pwedeng mang-asar?"

"Sige na kasi ate pumayag ka na si kuya Jonathan naman eh saka gwapings naman kasama mo eh. Yiee papayag na ang Ate ko!!!"

♡ ♡ ♡  ♡  ♡  ♡  ♡

BakitBaIkaw

#SherylAndJonathan💗

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

1M 33.2K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
1.7M 78.9K 53
[This is a GL story] Date started: March 24, 2017 Date completed: April 29, 2020 Additional chapters: Date Started: May 9, 2020 Date completed: July...
231K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
1.5M 34.6K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...