Chained to the Past (Imperfec...

By zxantlyx

175K 2.9K 200

[Imperfect Girls Series #2] Jade Emersyn Cuevas has always been played by her past boyfriends. She either get... More

Chained to the Past
Introduction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39 (Part 1 of 2)
Chapter 39 (Part 2 of 2)
Chapter 40 (Part 1 of 2)
Chapter 40 (Part 2 of 2)
Epilogue
Author's Note

Chapter 29

2.2K 35 2
By zxantlyx

tw: violence

Chapter 29

Drive You Crazy

NAPAGPASYAHAN naming lahat na umuwi muna at magpahinga ang lahat. Pumasok ako sa loob ng kotse ni Jake at nadatnan itong bagsak nang natutulog sa loob. Nakaupo siya sa passenger's seat. Alam niya sigurong hindi niya na kayang mag-drive kaya doon na siya pumwesto.

Pumasok ako sa loob at saka naisipang tawagan si Maia. Mabilis ko lamang itong kinumusta, kung ayos lang ba siya at kung nasaktan ba. 

Naglabas ako ng malalim na buntong-hininga nang ibaba ko ang tawag. Iniikot ko ang aking tingin sa loob ng kotse ni Jake at sa huli ay dumapo ito sa kanyang gawi.

Nakita ko ang kanyang telepono sa bulsa ng kanyang pantalon. It was barely placed inside, so close to falling out of his pocket.

Inilipat ko ang aking tingin kay Jake at pinagmasdan kung mahimbing na ba itong natutulog. Pagkatapos ng ilang segundo kong pagtitig dito ay muli akong tumingin sa kanyang telepono.

Nakita ko pa itong umilaw nang makatanggap siya ng message notification. Maingat kong inangat ang aking kanang kamay at dahan-dahang inilapit dito. Sobrang bilis ng kabog ng aking dibdib habang palapit nang palapit ang aking kamay doon.

Palipat-lipat ang aking tingin kay Jake at sa telepono nito. Halos tumigil na ako sa paghinga nang tuluyan ko nang maramdaman ang cellphone nito sa dulo ng aking mga daliri.

Kukuhanin ko na sana ito nang bigla na lamang itong gumalaw mula sa pagkakatulog. Nanlaki ang aking mga mata nang biglaang mahulog ang kanyang cellphone mula sa bulsa.

Para bang lalabas na ang aking puso sa aking dibdib nang dumilat ito at tumingin sa akin. I rapidly blinked as I looked at the phone on my hands. Tumikhim ako at umayos ng upo sa driver's seat.

"Bakit mo kinukuha—"

Pinutol ko na ang sasabihin nito bago pa niya matapos. "Mahuhulog na kasi 'yong cellphone mo. Oh, baka masira pa sa pagkakahulog," sabi ko at inilapit sa kanya ang hawak-hawak kong telepono.

Kumunot ang noo nito habang taimtim pa ring nakatitig sa akin. Hindi tumitigil ang aking puso sa pagtibok nang mabilis habang nakatitig ito sa akin, tinitimbang kung totoo ba ang sinasabi ko.

Tumingin ako sa teleponong nakapatong sa aking kamay. Humugot ako ng malalim na hininga at inilagay ito sa kanyang hita. Muli akong tumikhim at tumingin na sa aking harapan, hinahanda ang makina ng kotse.

"Jake, pwede ba tayong mag-usap mamaya? May itatanong lang sana ako..." mahina kong tanong dito, inililipat ang kanyang atensyon sa ibang bagay.

I heard him groan while he was shifting on his seat. Tumingin ako sa kanya at tanging tango lamang ang sinagot nito at muling bumalik sa pagtulog.

Tahimik lamang akong nagmaneho pabalik sa aking condo. Nang makarating kami doon ay agad kong ginising si Jake at pumasok na rin kami sa loob ng building.

Pagod na pagod kong pinatong ang aking dala-dalang gamit sa maliit na lamesa sa aking salas at hinintay na makapasok si Jake sa loob. Taimtim ko itong pinapanood na pumasok. 

Nang maisarado niya na ang pintuan at makaharap sa akin ay agad nagtama ang aming mga tingin. Humugot ako ng malalim na hininga at inipon lahat ng aking natitirang lakas para magsalita.

"Jake, bakit mo nilagyan ng droga ang inumin ni Kurt?" diretso kong tanong dito at pinagtaasan siya ng kilay.

Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata nang marinig ang aking tanong kasabay ng pasasalubong ng kanyang dalawang kilay.

Umiwas ito ng tingin sa akin at nagkamot ng batok. Naglakad siya papasok ng condo at palapit sa akin. I swallowed the lump in my throat while watching him walk closer, trying my best to look brave.

"Ano na naman ba 'yan, Jade? Tangina naman. Pagod 'yong tao kung ano-ano ang sinasabi mo," may halo ng pagkairita ang kanyang boses.

I scoffed upon hearing his answer. At talagang i-dedeny pa niya?

"Jake, nilagyan mo ba ng drugs o hindi ang inumin ni Kurt?!" Tumaas pa nang kaunti ang aking boses dahilan para mapatingin ito sa akin.

Seryosong-seryoso ang ekspresyon sa kanyang mukha. Ngumisi ito at saka ibinaba ang kanyang telepono at susi ng kotse sa lamesita.

"Hindi ko sinasadyang lagyan ang inumin niya," mahina niyang sagot at naglakad palayo sa akin papunta ng kusina. 

Bahagyang umawang ang aking labi sa narinig. My eyes widened in disbelief as I felt my heart sank. Unti-unting bumibilis ang tibok ng aking puso sa galit, kaba, at takot. Hindi ko na alam. Hindi ko na maintindihan kung anong nararamdaman ko.

"Jake! Bakit mo ginawa 'yon! Tangina, sinira mo ang relasyon nina Maia at Andre!" iritado kong sigaw sa kanya at pumunta sa kusina.

"Problema ko pa ba 'yon?" Uminom ito ng tubig at humarap sa akin. Nagkibit-balikat lamang ito at kalmadong tumingin sa akin. "At saka matagal na naman silang hiwalay, 'di ba?"

'Di makapaniwala akong tumingin sa kanya. I can just feel tears pooling in my eyes because of too much frustration.

"Jake, you just destroyed a marriage and a friendship at the same time! Are still fucking sane?!" inis na inis kong sigaw dito.

His forehead was creased because of how loud I was shouting at him. Mariin itong pumikit at humugot ng malalim na hininga.

"Hindi 'yon para sa kanila! It wasn't for Kurt in the first place! Tangina, anong pakialam ko sa relasyon nila?!" sigaw niya pabalik.

Napatigil ako sa sobrang lakas ng sigaw nito. Dumagundong ang malaki niyang boses sa aking condo.

Natahimik na lamang ako sa sagot nito. So, there's more into what he did, huh? Hindi pa niya sinasabi ang lahat?

"Who was it for?" mahina kong tanong, pilit na pinapakalma ang aking sarili.

Kitang-kita ko ang pagtaas-baba ng dibdib nito. Tumitig ito pabalik sa akin gamit ang seryoso niyang mga mata.

Humugot muna siya ng lakas kasabay ng pagsuklay niya sa kanyang buhok gamit ang kanyang kamay. He let out a heavy sigh.

"Para kay Hugh dapat 'yon! Nakita ko siyang pumasok, kaya nilagay ko 'yon doon. Hindi ko naman alam na si Kurt pala ang iinom," sagot nito.

Tuluyan nang bumagsak ang aking balikat sa narinig. Dahan-dahang tumulo ang luha sa aking mga mata kasabay ng paninikip ng aking dibdib. The lone tear fell down my cheek so painfully slow.

My heart feels like it's getting crushed in disbelief. Tangina, hindi ko na siya kilala. I couldn't even fathom what he just did. He's really going this far?

Hindi na siya ang lalaking nakilala ko dati. Hindi na siya ang taong minahal ko. Hindi ko na siya makilala pa.

"Ginawa mo 'yan para saan, ha? Para ba—"

"I did it for us, Jade! It was for the sake of our fucking relationship!" pagputol niya sa akin.

"What the hell is wrong with your insecure ass?! Wala na nga, hindi ko na nga nakikita si Hugh! Ni hindi ko na nga siya nakakausap, isang buong buwan na! Tangina, ano pa bang gusto mong gawin ko para lamang makuntento ka?!"

"Gusto ko, mag-iba ang tingin mo sa kanya! I want you to look at him with disgust, just like how you look at me!" Tuluyan na siyang sumabog. "That maybe, if he misbehaves, you would look at him with that way!"

Lumapit ito sa akin at hinawakan pa ako sa magkabilang braso. Pahigpit nang pahigpit ang kanyang hawak doon dahilan para mapangiwi ako. Nakita ko na lamang na unti-unting lumambot ang kanyang mga mata at pagkatapos ay ang pagbagsak ng kanyang mga luha.

"Y-you look at him the way you looked at me three years ago. Like he was your world, like he was your everything," bulong nito, punong-puno ng hinanakit ang boses. "P-Pero, pagdating sa akin... Parang, ayaw mo na. Parang gusto mo nang bumitaw..."

Akmang hihilahin niya ako palapit sa kanya para yakapin ngunit mabilis ko siyang tinulak palayo dahilan para mapabitaw ito sa akin.

Ayaw ko na. Pagod na pagod na 'ko sa ugali niya. I'm so done with all of his fucking bullshits.

Mas lalo lamang nagsalubong ang kanyang kilay, gulat na gulat sa aking kinilos. Akala niya ay hahayaan ko na lamang siyang yakapin niya ako kapag nakita ko siyang umiiyak.

"Jade, I'm sorry—"

Mabilis kong inangat ang aking kamay at malakas itong lumapat sa kanyang pisngi. Bumagsak ang luha sa aking mata kasabay ng pag-iling ko sa kanya.

"No. Walang magagawa 'yang sorry mo. Tangina, ayos lang sana kung ako lang ang sinasaktan mo. But the moment you thought of touching my friends..." Napatigil ako, ayaw nang ituloy pa ang aking sasabihin.

Gustong-gusto ko na siyang iwasan ng tingin. I can't even look at him anymore.

Muling kong inangat ang aking isa pang kamay at sinampal ulit ito. "Ikaw ang gumawa niyan sa sarili mo. You are right. I looked at you like you were my everything. But, you were also the one who wasted all of it."

Pinawi ko ang luha sa aking pisngi at kinuha ang aking cellphone at bag. Bago pa ako makalayo dito ay muli ko itong hinarap.

Nanatili itong nakatitig sa akin, pinapanood ang aking bawat galaw habang bahagyang nakaawang ang kanyang labi. Umiiyak pa rin ito.

I looked back at him with daggered eyes. "You fucking disgust me, Jake. You're so fucking sick that I don't even want to look at you," I spat and walked out of the room.

Dumiretso ako sa aking kotse at doon nagkulong. Doon ko nilabas ang lahat ng aking nararamdaman. Sinandal ko ang aking noo sa manibela at mahigpit na humawak doon.

Mariin kong kinagat ang aking pang-ibabang labi hanggang sa malasahan ko na lamang ang metal na lasa ng dugo. My tears kept on falling because of all the overwhelming feelings.

Tangina. Nasira pa ang relasyon nina Maia at Andre dahil sa kanya. Pati na rin ang pagkakaibigan nina Kurt at Andre. Fuck. Hindi ko na siya dapat sinama pa. Kung hindi ko lang siya dinala, wala sanang nangyayaring ganito.

Maia and Andre still could've fixed their relationship. It's all my fault.

Hindi ko na nakayanan pa at kinuha ang aking telepono. Binasa ko ang aking pang-ibabang labi at pinawi ang luha sa aking pisngi.

Tatawagan ko na sana si Maia para sabihin ang lahat, ngunit mas nauna pang lumabas ang pangalan ni Hugh sa aking telepono.

Nagdalawang-isip pa ako kung sasagutin ko ba ito, pero sa huli ay sinagot ko rin.

"Jade, can we talk?" tanong niya na nagpatigil sa akin. "Don't worry... It's not about our situation. I just... found something out," mahina niyang dagdag.

Tumango-tango ako sa kanya bilang sagot kahit hindi niya naman ako nakikita. Mabilis kong hinawi ang buhok ko na dumidikit na sa aking mukha dahil sa luha.

"Sige. Sa bar mo nalang," sagot ko at binaba na rin ang tawag.

Ilang minuto lamang ay hindi ko na lamang namalayan ay nakarating na pala ako sa bar ni Hugh. Pumasok ako sa loob at agad hinanap ng aking mata ang kanyang pamilyar na tindig.

Mabilis ko lamang itong nadatnan sa counter. Imbis na nakatayo siya sa likuran ng counter, tumutulong sa mga bartender ay nakaupo ito sa isang stool habang may hawak-hawak na alak. Pinapaikot niya iyon habang taimtim siyang nakatitig doon, pinapanood na umikot nang umikot ang likido sa loob ng baso.

Sa hindi malamang dahilan, hindi na gaanong karami ang tao sa loob. There were only a few groups of people around and they weren't even wild. Para bang kakatapos lang ng isang party, pagod na ang lahat.

Tahimik akong umupo sa kanyang tabi at agad niya naman akong napansin. Tumingin muna ako sa bartender sa harapan at bahagya pang napangiti nang makita si Josh.

Umorder ako ng inumin, isang order lang ng vodka.

Nang ilipat ko ang aking tingin kay Hugh ay tahimik na lamang itong nakatitig sa akin. His eyes looked so soft and tired at the same time. Umiwas siya ng tingin nang hindi ako bumitaw sa kanyang pagtitig.

"I got the footage in the bar you were in. The owner was my acquaintance, and he gave me the footage," paninimula niya.

Naglabas na lamang ako ng mahinang buntong-hininga at ininom ang binigay na alak sa akin ni Josh. "It was Jake. Alam ko na," bigong-bigo kong sagot.

Bumalik ang kanyang tingin sa akin nang marinig iyon. Para bang gulat na gulat siya na alam ko na agad.

Ilang segundo pang nagtama ang aming tingin bago siya muling umiwas. Tumango na lamang siya at sumimsim sa alak na hawak.

"Yeah. He was the one who put drugs in Kurt's drink, just like what Nica told us," sagot nito.

Si Nica kasi ang nakarinig nang ayos sa binulong ni Kurt sa amin bago ito umalis. He whispered 'drugs'. Ramdam niya ang tama nito sa kanyang katawan at sinabi pa niya sa amin.

Wala lamang akong nagawa kung hindi umiling-iling sa sobrang pagkadismaya. Umorder pa 'ko ng isang inumin kay Josh na mabilis lang din niyang naibigay sa akin.

"Alam mo kung anong mas malala?" tanong ko sa kanya, nakatingin sa baso ng alak na nasa aking harapan. "Wala siyang pakialam kung may nasira siyang relasyon. Kung may masira man siyang kasal o pagkakaibigan," saad ko.

Mariin kong kinagat ang aking labi nang muling maramdaman ang pagbabadya ng luha sa aking mata.

"Tangina, gustong-gusto kong tawagan si Maia. Gusto kong sabihin ang lahat sa kanila, na huwag silang maghiwalay ni Andre..." bulong ko.

"You really can't tell them to not split. They were already broken before it even happened. Imo... wasn't wearing her ring anymore," mahina at malungkot na banggit ni Hugh. "Kurt told Jaydee... To not tell Imo and Andre. He said that he should be the one who should apologize to the two. I think he wants to be accountable for it. We should just stay out of it," dagdag pa niya.

Diretso kong ininom ang alak at napapikit na lamang nang maramdaman ang init noon sa aking lalamunan. Agad kong nilingon si Hugh kasabay ng tuluyang pagbagsak ng aking luha.

"Pagod na pagod na 'ko sa kanya, Hugh... Ayaw ko na, gustong-gusto ko nang bumitaw, pero hindi ko kaya..." nanghihina kong sabi. Sobrang naninikip ang aking dibdib sa lahat ng nangyayari. "M-Masyado nang maraming nadadamay. Nasaktan kita, nasaktan si Maia, Andre, at Kurt. Tangina. Nasaktan kayong lahat dahil sa akin. Dahil sa kagagawan ko..."

It felt like my lungs were getting knocked out of air. Hirap na hirap na 'kong huminga. Sobrang nanlalabo na rin ang aking paningin. I can barely see Hugh's face.

Nangyari ang lahat ng ito dahil kay Jake. Dahil sa katangahan kong binalikan siya.

Kung hindi ko siya binalikan, sana... sana walang ganito. Sana walang nasaktan.

"P-Pero anong magagawa ko? Gusto ko lang din naman kayong protektahan..." my voice broke upon saying those words.

"Jade..." rinig ko ang mahinahon na pagtawag ni Hugh sa akin.

Patuloy ako sa pag-iling sa kanya. "H-He blackmailed me... I only wanted to protect the two of you... H-Hindi ko naman ginusto na masama pa sina Maia dito. Ako lang dapat eh. Ako lang dapat ang nasasaktan..."

Mariin kong pinikit ang aking mga mata nang maalala ang unang pagpunta ni Jake sa aking condo.

Jake...

Nanlaki ang aking mga mata nang mabilisan niyang ilapit ang kanyang mukha at kasunod noon ay ang paglapat ng kanyang labi sa akin.

Mas lalo lamang kumabog nang sobrang lakas ang aking puso sa 'di malamang dahilan.

Agad kong inangat ang aking kamay at tinulak siya sa kanyang dibdib. Napabitaw ito at kita ko ang lungkot na dumaan sa kanyang mga mata.

"Jake, ano ba!" iritado kong saway dito.

Mabilis kong pinunasan ang aking labi, kung saan niya ako hinalikan. Ang kaninang lungkot sa kanyang mga mata ay unti-unting napalitan ng galit.

Lumapit ito sa akin at mahigpit akong hinawakan sa panga. "'Wag mong punasan ang labi mo!" inis nitong saad, na-offend sa aking ginawa.

Mas lalo lamang nanlamig ang aking mga kamay dahil sa biglaan nitong pagsigaw.

Magsasalita pa sana ako nang biglaan niya na namang inilapit ang kanyang mukha sa akin at hinalikan ulit ako sa labi. Napapikit na lamang ako nang mariin nang pilit niya akong pinapatugon sa kanyang halik.

Tuluyan nang tumulo ang luha mula sa aking mata kasabay ng pagbagsak ng aking puso.

He doesn't do this to me. He's even the one who cares for me. Kahit kailan ay hindi niya ako binastos.

Hugh...

Awtomatikong umangat ang aking kamay at malakas na dumapo sa kanyang pisngi. Dumagundong ang tunog ng aking sampal sa loob ng condo. Agad itong napalayo sa akin at napahawak sa kanyang pisngi.

"Tangina naman, Jake!" inis na inis kong sigaw dito.

Nanlilisik ang mga mata akong tumingin dito. Akala ko ay titigil na ang aking luha sa pagtulo ngunit tuloy-tuloy lamang iyon na parang gripo.

For the longest time, I've never felt so violated like this. Sa ilang buwan naming hindi nagkikita ni Jake, ngayon lang ulit ako nakaranas ng ganito, na sinasaktan at pinagsasamantalahan.

"Wala ka na ba talagang respeto—"

Naputol ang aking sasabihin nang biglaan niya akong abutin sa leeg. Napahawak ako sa kanyang kamay, pilit na tinatanggal ang mahigpit niyang hawak doon. Mas lalo lamang bumuhos ang luha mula sa aking mata.

He leaned his face closer to me. Napapikit na lamang ako sa susunod nitong gagawin. Buong akala ko ay muli niya akong hahalikan nang tumigil ito sa gilid ng aking mukha at tumapat sa aking tainga.

"Gusto mo bang masaktan si Jannica, ha? Akala mo hindi ko alam ang tungkol sa kapatid mo? I know everything about you, Jade. Ilalabas ko pa ang sex footage natin. Gusto mo bang tuluyan nang dumumi ang tingin sayo ng mga kamag-anak mo? All of them will look at you with disgust," his raspy voice whispered.

Paulit-ulit akong umiling. No... Not Jannica. Ginawa ko ang lahat para hindi niya malaman ang tungkol sa kapatid ko. Hindi ako masyadong bumibisita dito dahil ayaw kong malaman niya ang tungkol dito.

"Ayaw mo pa rin makipagbalikan sa akin? Hmm... Ba't hindi natin subukan 'yong bago mong nilalandi? Si Hugh? Gusto mong patayin ko rin siya?" dagdag nito. "Just come back to me, Jade. Wala akong gagawing masama basta bumalik ka lang sa akin."

Sunod-sunod akong tumango habang walang tigil ang pagtulo ng luha mula sa aking mga mata. I'll do everything. Just don't touch my sister and Hugh...

Bumagsak ang aking balikat kasabay ng paninikip ng aking dibdib. Walang tigil ang pagtulo ng mga luha kasabay ng panginginig ng aking mga kamay at labi. Sunod-sunod ang aking pagtango dito bilang sagot, takot na takot sa susunod niyang gagawin.

Mabilis niya akong binitawan at agad naman akong napaupo sa sofa. Nanghihina nang sobrang ang aking mga tuhod, hindi na kaya pang suportahan ang aking katawan.

Lumipad ang aking kamay sa aking leeg kasabay ng sunod-sunod kong pag-ubo. Pilit kong hinahabol ang aking hininga kahit nahihirapan na rin akong gawin ito sa sobrang pag-iyak.

Pagod na pagod ang aking katawan akong napasandal sa likuran ng couch. Nanatili akong nakapikit habang tumutulo pa rin ang luha sa gilid ng aking mukha. Tahimik na lamang akong mapahagulgol sa isang gilid.

Hindi ko alam kung gaano katagal ko sinusubukang kinakalma ang sarili. Nang imulat ko ang aking mga mata ay nakita ko na lamang si Jake na nakaupo sa isang upuan sa kusina, natutulog. Bumagsak na siguro ito dahil sa sobrang kalasingan.

When I was cleaning up my condo for the mess he made, he still threatened me. Hindi ko mapigilan ang sarili kong maiyak na lamang sa aking kuwarto. 

I was having panic attacks. Lahat ng ginawa niya, naalala ko na naman ang ginawa ni Papa. Lahat ng nasaksihan kong pagiging bayolente ni Papa kay Mama. All of it came rushing back to me.

Maya-maya pa ay narinig ko na ang pag-alis ni Jake sa aking condo. Nakahinga ako nang maluwag at napadausdos na lamang pababa hanggang sa makaupo ako sa sahig.

Itinaas ko ang aking mga tuhod at niyakap iyon gamit ang aking mga braso. Isinandal ko ang aking noo sa taas ng tuhod at doon umiyak. Wala akong magawa kung 'di humagulhol. Umiyak at ibuhos ang lahat ng bigat na aking nararamdaman.

Ngunit kahit anong gawin kong iyak ay para bang hindi nabawasan ang bigat sa aking dibdib.

Mas lalo lamang iyong sumikip. Na para bang pinagkakaitan na ako ng hangin na malalanghap.

Naalala ko naman iyon. Naalala ko na naman ang nakaraan.

Ramdam ko ang panginginig at panlalamig ng aking mga kamay habang paulit-ulit na naglalaro ang memoryang iyon sa aking isipan.

I just cried there, all night long. Silently pouring all of my heart's content.

Wala pa rin akong tigil sa pag-iyak. I kept on wiping my tears away, but it just kept on falling. Napatigil ako nang biglaang marinig na magsalita ang lalaking nasa aking tabi.

"Damn it, Jade. You make me crazy thinking if you're still okay. If he's really treating you right. It makes me insane knowing that I can't do anything because you are the one who's pushing me away. I-I can't do anything but watch you from afar. Because... because you picked him," he whispered under his breath, frustration was visible in his voice.

Narinig ko pa itong humugot ng malalim na hininga. "Jade you're driving me crazy. Please, don't do this to yourself anymore. You have us, you can trust us."

⛓️

—zχαnтℓуχ

Continue Reading

You'll Also Like

143K 3.8K 35
ISLA SERIES #1 Esme, an island girl who wants nothing but to be successful. Her life was as peaceful as she wanted it to be. Not until Echo, her bes...
379K 19.8K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
38.6K 1.3K 56
Second to None Series #1 Soleil Valencerina, ang sarcastic, ma-attitude at wild girl ng barkada na MVP sa overthinking. After topping the physician l...
128K 3.1K 49
Rule #1: Don't force fate. It will just happen. Lia, never believed in destiny. She always believed that if there is a will, there is a way. She wil...