Captured By Waves

By Tenshiastra

180 16 0

Si Gwendolyn Castisimo ay lumaki sa isang ampunan sa probinsya. Nang magdesisyon siyang magtrabaho sa Maynila... More

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16

PROLOGUE

20 2 0
By Tenshiastra

"I never felt so special in my life until I met him. With him, I felt everything. The joy that I thought I did not deserve. The love that I never thought I would experience, and the care that I have been praying for a long time."

Inilayo niya ang mikropono sa kanyang bibig at kinagat ang kanyang labi upang pigilan ang pag luha. Ngunit bigo siyang gawin ito, tuloy tuloy ito sa pag agos. Tinakpan niya ang kanyang mukha at doon na lumakas ang kanyang pag hikbi. Naiiyak na lumapit sa kanya si mommy at niyakap siya upang patahanin.

Gusto ko sila lapitang dalawa ngunit lumabas na lamang ako ng bahay dahil naluluha na rin ako. Bumuntong hininga ako para pigilan ang aking emosyon at pagkatapos ay kumuha ng sigarilyo sa aking kaha at ito ay sinindihan.

"Kevin." Lumingon ako sa likuran ng marinig ang kanyang boses.

"Tawag ka ni mommy."

Tumigil na siya sa pagluha ngunit halata paring umiyak siya dahil sa maga niyang mga mata. Sa tuwing titignan ko siya, hindi ko na makita yung dating siya sa itsura niya ngayon. Pumayat siya dahil sa hindi na siya kumakain ng maayos matapos ang nangyari. Halata na rin sa mga mata niya ang pagkapagod na dati ay puro kasiyahan lamang ang nakikita ko.

Itinapon ko ang hawak kong sigarilyo at tinapakan ito bago lumakad patungo sa pintuan. Bago pumasok ay nilingon ko si Gwen na nakatingin sa kawalan.

"Hindi ka ba babalik sa loob?" Gulat siyang napatingin sa akin nang magsalita ako.

"Susunod nalang ako." Maliit akong ngumiti sa kanya bago pumasok sa loob.

~~~~~

Gwen's POV
"Sigurado ka bang aalis ka na Gwen?" halata ang lungkot sa mukha ni nanay habang pinapanood akong mag empake.

"Opo nanay. Ayoko na po kasing umasa sa inyo. Gusto ko na pong matutong tumayo sa sarili kong mga paa." Lumapit ako kay nanay Ling at niyakap siya. "Twenty three years old na po ako nay, matanda na ako kaya wag na kayong mag alala sa akin. Kaya ko na ang sarili ko."

"Gwendolyn, hindi ka naman umaasa sa amin. Tinutulungan ka namin." Marahan niyang hinimas ang buhok ko. Kumawala naman ako sa yakap at tinitigan siya sa mga mata.

"Fifteen years niyo na po akong tinutulungan nay. Hindi pa po ba kayo nagsasawa?" Hindi ko maiwasan ang pagiging mapait ng ekspresyon ko sa tuwing naaalala kong labing limang taon na pala akong nanirahan sa bahay ampunan.

"At bakit naman kami mag sasawa? Pamilya tayo dito Gwen. Saka hindi ba dapat ay maging matulungin tayo sa kapwa?"

"Nay mahirap rin sa aking umalis dito sa bahay ampunan dahil alam niyo naman pong ito lang ang aking naging tahanan sa mahabang panahon. Ngunit sa tingin ko po ay ito ang dapat, upang ako ay matuto." Pilit kong nginitian si nanay Ling na itinuring ko ng ina dito sa bahay ampunan para di siya mag alala.

Sa totoo lang ay hindi naman talaga iyon ang rason kung bakit aalis ako. Nahihiya lang talaga ako sa kanila dahil ang tagal ko ng pabigat dito. Kung si nanay ay ayaw akong paalisin dito, ang iba naman ay gusto na akong umalis dito. Ilang beses na nila ako sinabihang mag paampon na lamang o umalis na. Ngunit wala pa akong pera, nangako ako sa sarili kong tatapusin ko muna ang pag aaral ko at pagtapos ay saka palang ako aalis dito at susuklian ko ang pagtulong nila sa akin. Tiniis ko nalang ang kahihiyan kahit sa lahat ng mga taong nandito ay ako na ang pinakamatanda.

Nagpaampon na rin naman ako noon e, pero ang bagsak ko ay dito pa rin. Tumakas ako sa matandang babae na umampon sa akin noong labing isang taong gulang pa lamang ako dahil wala na siyang ibang ginawa kundi saktan ako. Para bang inampon niya lamang ako para maging alipin at may malabasan ng sama ng loob.

"Ate Gwen! Ate Gwen!" Naputol ang titigan namin ni nanay nang may sunod sunod na kumatok sa may pintuan. Nang ito ay aking buksan, bumungad sa akin ang mga kaibigan kong mga bata. Sila Alexis, Hannah, at Riza.

"Akala ko ba walang iwanan ate?" Umiiyak na niyakap ako ni Hannah.

"Hindi yon totoo diba ate? Hindi mo kami iiwan. Nangako ka ate hindi ba? Ang sabi mo pamilya tayo kaya walang iwanan." Hinawakan ni Riza ang magkabilang kamay ko. "Sabihin mo sa kanilang lahat ate na mali ang sinasabi nilang aalis ka. Hindi ka aalis, hindi ba ate?"

"Ate Gwen.." Umiiyak na niyakap rin ako ni Alexis.

"Aalis ako pero hindi ibig sabihin nun ay iiwan ko na kayo. Magtatrabaho lang si ate sa manila. Hindi pwedeng dito nalang ako habang buhay. Babalik rin naman ako dito. Hinding hindi ko kayo kalilimutan."

Tumingala ako upang hindi tumulo ang aking mga nagbabadyang luha, pinipigilan ko kasing umiyak dahil ayokong mag alala sila ngunit ibinaba ko rin ang aking tingin nang maramdamang lumuwag ang hawak ni Riza sa akin. Paulit ulit siyang umiling habang umiiyak at pagkatapos ay tumakbo palabas ng kwarto.

"Riza!" tawag ko sa kanya. Sa lahat ng tao dito, sa akin pinakamalapit si Riza kaya naiintindihan ko ang reaksyon niya sa pag alis ko.

Yumuko si nanay at pinaharap sa kanya ang dalawang bata. "Hannah, Alexis, wag na kayong umiyak, malulungkot rin si ate Gwen niyo niyan." Tumingala si nanay Ling at tumingin sa akin. "Gwendolyn sundan mo na si Riza, ako na muna ang bahala dito sa dalawa." Tinanguan ko si nanay at pagkatapos ay hinanap si Riza.

Medyo nahirapan ako sa paghahanap kay Riza dahil malaki laki ang bahay ampunan na aming tinitirahan. Nakita ko siya sa may garden na nag iisa habang nakaupo sa may upuan. Nang makalapit ako at umupo sa tabi niya ay narinig ko ang malalakas na hikbi niya.

"Riza.." Hinimas ko ang kanyang buhok at pinaharap siya sa akin.

"Iiwan mo na kami ate. Hindi mo na tutuparin ang pangako mo. Nag sinungaling ka sa amin ate, ang sabi mo masama iyon!"

"Magtatrabaho lang si ate. Ganoon naman talaga Riza e, kahit ikaw pag nakatapos ka na ng pag aaral kailangan mo ring magtrabaho. Magiipon ako ng pera, tapos pag balik ko baka pwedeng maampon ko na rin kayo nila Alexis. Mag sasama sama rin ulit tayo Riza."

"Dito ka nalang magtrabaho ate sa malapit, wag na po doon sa maynila." Maliit akong ngumiti habang pinupunasan ang mukha ni Riza na basa ng luha.

"Kapag mag trabaho si ate sa maynila, makakaipon agad ako ng pera. Dadami kaagad yung pera ko tapos makakabalik ako agad. Wag ka ng malungkot Riza, promise babalik rin si ate at pagkatapos nito hinding hindi na ulit tayo magkakahiwalay."

"Promise ate? Babalik ka ulit?"

"Oo naman." sagot ko at niyakap si Riza na ngayon ay tumigil na sa pag iyak.

Pagkatapos mag usap ay bumalik na kami ni Riza sa loob. Tinapos ko na ang pag eempake ko at nagpaalam sa iba pang mga tao sa bahay ampunan.

"Mag iingat ka Gwen." bilin ni nanay.

"Opo, kayo rin po mag iingat kayo." Matapos ko silang yakapin isa isa ay sumakay na ako sa trycicle na mag hahatid sa akin patungo sa bus terminal na aking sasakyan papuntang maynila. Nang makaandar ang sasakyan, doon na ako nagsimulang maluha.

Babalik rin naman ako, pangako.

Nahirapan akong mamuhay dito sa syudad. Lahat kasi ay bago sa akin. Ni isa ay wala akong kakilala, hindi ko nga alam kung saan ako pupunta, pero kahit ganoon ay tinibayan ko ang loob ko, kaya nga ngayon ay heto ako sanay na mamuhay sa manila.

"Gwenny! Gwenny! Tignan mo Gwen o!" Agad akong sumilip sa baba ng double deck nang magsisigaw ang karoommate ko na si Hydee. "Wag kang sumilip diyan, bumaba ka dito, bilisan mo!"

"Ano ba kasi yun?" tanong ko sa aking kaibigan.

"O ayan." Ibinigay niya sa akin ang cellphone niya upang makita ko ang kung anong nakasulat doon.

JOB HIRING!!

Pagkabasa ko palang nun ay nanlaki na ang mata ko. Mag iisang buwan na kasi ako-- este kami ni Hydee na walang trabaho. E pano ba naman napaaway si Hydee doon sa grocery store na pinagtatrabahuan namin. May lalaki kasing nambastos sa amin kaya pinagpapalo ni Hydee ng heels niya, e kaso suki pala nung boss namin kaya iyon tinanggalan tuloy kami ng trabaho.

"Apply na tayo sis, tignan mo o madali lang to sa may restaurant lang naman pala e. Malapit na kasi maningil ng upa si Aling Mirna, naubos ko pa naman na yung cash ko kakaonline shopping kaya eto need ko na talaga ng work huhu."

"Kailan ba pwede mag apply?" tanong ko. Muli naming tinignan ang cellphone niya upang malaman kung kailan ang simula ng job hiring.

Napatayo si Hydee sa gulat. "Shemss last day na bukas! Bat kasi ngayon ko lang to nakita! Sis marami pa tayong oras, tara mamili tayo ng damit." Hinihila niya ang braso ko, pilit akong pinapatayo.

"Akala ko ba wala ka ng pera?"

"Charot lang un syempre meron kapag mag sh-shopping." Kumindat ito sa akin at pagkatapos ay nagpaalam na maliligo daw muna. Binilinan pa akong mag ayos na dahil mamaya ay aalis na kami para mamili ng susuotin para sa job interview namin.

Alas dyis naligo si Hydee pero nakaalis na kami ng alas dose dahil sa tagal ng pag ma-make up niya. Gutom na tuloy kami nung umalis kami, sa may mall nalang daw kaming dalawa kumain.

"Sis! Eto o bagay to sayo! Ay eto bagay to sa akin diba? O ang ganda no? Ang ganda ko!!"

Napapakamot nalang ako sa ingay ng kasama ko. Ewan ko ba bat hindi pa ako nasasanay sa daldal at ingay niya sa tatlong buwan na naging karoommate ko itong si Hydee. Para bang hindi nauubusan ng sasabihin.

"Ay doon sis tara." Mahina akong napasigaw nang bigla akong hilain ni Hydee palabas ng tindahan matapos niya bayaran yung mga napamili niya. Oo, niya lang, wala pa akong nabili.

Sa sobrang bilis niya akong kaladkarin ay may nabunggo pa akong babae.

"Oh my gosh!" Huminto kaming dalawa sa paglalakad at tinignan yung babaeng nabunggo ko. Natapon ang hawak nitong juice sa dress na suot niya.

"Hala sorry po!" Agad kong binuksan ang sling bag ko at kinuha ang panyo ko doon. Akmang pupunasan ko ang nabasang damit nito nang tabigin niya ang kamay ko dahilan upang mabitawan ko ang panyong hawak ko.

"Don't you ever dare touch me! Hindi mo ba alam kung gaano kamahal itong suot ko?" Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko. "You ruined my outfit! Bakit ba hindi ka nag iingat?!"

"A-aray masakit. Pasensya na ho talaga." Napapangiwi ako sa diin ng pagkakahawak niya sa akin, ang tutulis pa naman ng kuko niya.

"Bitawan mo yung kaibigan ko bruha ka! Hindi naman namin sinasadya iyon!" Lumapit si Hydee sa babae at pilit itong inilalayo sa akin.

"Wag mo akong hawakan! Palibhasa wala kayong pang bili ng mamahaling damit kaya hindi niyo alam ang nararamdaman ko!" Nalayo lang ang babae sa akin nang may lalaking humila sa kanya palayo sa akin.

"Ano yung sinabi mo sa kanila Kianna?" Nakaramdam ako nang kaba ng marinig ang may galit na tonong boses ng lalaki habang kinakausap yung babae.

Sa tingin ko ay magkamag anak sila. Medyo hawig kasi sila e. Pareho sila na moreno at morena, itim yung mata, matangos ang ilong, makapal ang kilay at mukhang yayamanin. Kung titignan mo sila ay para bang mga tao na kinakailangan pa ng guard sa sobrang mukhang yayamanin.

"Bakit mo pa tinatanong kuya e narinig mo naman?!"

"That is why you are being sent to America with daddy! Para matuto ka dahil yang ugali mo ayaw mong ayusin. Paano tayo makukumpleto niyan?"

"Sa tingin mo ba may mangyayari kahit makumpleto tayo? Wala kuya. Wala! At saka bakit sa akin ka nagagalit e nauna yang mga babaeng yan." Galit kaming tinitigan ng babae. Maliit lamang ito pero nakakatakot, parang nangangain ng tao. "Natapon yung juice ko sa damit ko dahil sa inyo! Nasira na yung outfit ko!"

"Stop yelling Kianna! Damit lang naman iyon." Hindi ko alam kung aalis na ba kami o mag st-stay, baka kasi mag mukha kaming bastos kung aalis lang kami ng basta, pero nakakahiya naman dahil pinagtitinginan na kami dito at hindi pa kami makarelate sa usapan nila kung mananatili kami dito.

"Palagi ka nalang ganyan! You don’t side with me even though you know I’m right!" Padabog na naglakad yung babae. Kahit pa na ganoon ang inakto niya ay nakokonsensya pa rin ako sa pagkatapon ng juice sa damit niya, puti pa man din iyon.

Nagtama ang mga mata namin ng lalaking kaninang nanenermon sa babae. Agad akong umiwas ng tingin dahil sa nakaramdam ako ng takot sa lalaki. Nakakatok siyang tignan kapag seryoso.

"Are you okay?" Agad kong ibinalik ang tingin sa lalaki ng magsalita ito.

"O-opo, okay lang ho ako."

"I'm really really sorry about what my sister said to you. Sana wag mo na iyong isipin, masyado lang talagang nasobrahan sa kasungitan ang babaeng iyon kaya ganon."

Maliit kong nginitian ang lalaki sa aking harapan. "Okay lang yun. Alam ko namang nadala lang siya sa emosyon. Ako nga dapat ang humihingi ng tawad dahil ako naman ang dahilan kung bakit natapon ang juice niya sa damit niya."

"Magkapatid ba talaga kayo? Parang ang layo e. Magkaiba kayo ng ugali, ang sungit ng bruhang-- Aray!" Siniko ko si Hydee sa tagiliran para hindi niya matuloy ang kanyang sasabihin. Ang babae talagang iyon napaka daldal at minsan ay hindi na iniisip ang sinasabi.

"Mauna na kami."

Akmang lalakad na kami paalis ni Hydee nang hawakan ako sa braso ng lalaki upang pigilan.

"Sandali." Nilingon ko ito at tumigil sa paglakad. Binitawan niya ako at nginitian. "Kevin. My name is Kevin Asuncion."

Nilapit niya ang kamay niya sa akin upang makipag kamay. Agad ko namang tinanggap iyon.

"Ako naman si Gwendolyn. Gwen for short at eto namang kasama ko ay ang kaibigan ko na si Hydee." Nginitian siya ni Hydee at kinawayan.

"Ah okay, nice meeting you two."

"Bwiset talaga yung bruhang iyon. Kung hindi lang dumating yung kuya niya nasapak ko na iyon. Sino siya para laitin tayo na walang pambili ng mamahaling damit? Hello? Hindi niya ba nakita itong mga dala nating paper bags na puro damit ang laman? Oo hindi ito mamahalin pero pag pinagsama sama naman yung presyo nito mahal to ah!"

Sinapo ko ang noo ko habang tinitignan si Hydee na masama pa rin ang loob sa babae kanina. Nakauwi na kami ngayon, nakapamili na rin ako ng aking susuotin. Akala ko nga ay hindi na kami tutuloy sa pamimili dahil etong si Hydee gigil na gigil pa rin sa nangyari.

"Hayaan mo na. Mukha namang bata pa kasi yun, intindihin mo nalang."

"Masyado ka talagang mabait Gwen. E basta, pag nakita ko talaga yung babaeng iyon isinusumpa ko na tatapunan ko ulit siya ng juice at hindi na sa damit niya, sa mukha na niyang nakakairita." Natawa nalang ako sa sinabi ni Hydee. Kahit kailan talaga ang babaeng to napaka hilig makipag away.

Kinabukasan ay maaga kaming gumising ni Hydee para sa job interview. Kumpleto na ang lahat ng gamit at kakailanganin namin, ang tanging gagawin na lamang namin ay pumunta doon sa pag i-interviewhan.

"Shet, akala ko mukha lang siyang syusyal sa picture, pero sa personal mukha nga talagang syusyal. Tae kung alam ko lang na ganito pala kaganda dito edi sana nag gown na ako." bulong ni Hydee.

Totoo nga ang kanyang sinabi. Napaka ganda dito sa loob ng restaurant na aming pag a-applyan. Mukhang mamahalin ang mga binibenta dito, para bang mayayaman lang ang nakakakain dito.

Hindi ganoon kadami ang tao, wala kang ibang maririnig na ingay kundi ang mga kalansing ng kubyertos at pinggan, pati na rin ang musika na tinutugtog ng mga tao sa harapan.

"Nagpa reserve po kayo?" Napunta ang atensyon namin sa babaeng waitress nang ito ay lumapit sa amin.

"Ay hindi, nandito kami for job interview." sagot ni Hydee.

"Ay ganon po ba, tara po sumunod kayo sa akin." Nang lumakad ang babaeng waitress ay agad namin itong sinundan ni Hydee. Patingin tingin pa nga kami sa kabuuan ng resto dahil napaka ganda talaga nito.

Akala ko ay wala na itong second floor, mayroon pa pala at mas maraming tao ang naroroon kaysa sa baba.

"Pasok na yung isa sa loob. Kakaunti nalang ang nag a-apply, last day na kasi, hindi ko nga inaasahan na may hahabol pa pala." sambit nung waitress. Nagpaalam na ito sa amin dahil marami pa daw itong gagawin. Nagkatitigan naman kami ni Hydee nang maiwan na kami, para bang nag uusap pa kami sa pamamagitan ng tinginan kung sino ang mauuna.

"Okay ako na nga, antayin mo ko Gwen ah." wika ni Hydee bago buksan ang pintuan at pumasok sa loob.

Matagal tagal akong nag antay sa labas bago lumabas si Hydee. Mabuti nalang at may upuan dito kaya hindi ako nangawit sa kakaantay sa kanya.

"Ano? Kamusta?"

"Hindi ko na alam yung pinag sasabi ko kanina sa interview. Ang pogi nung lalaki!!" Impit pa itong napapasigaw sa kilig na nadarama. Hay nako, interview ba ang pinunta namin dito o iba?

"Wala na bang iba?" Napatingin kami sa likuran nang may magsalita. Umawang ang aking labi nang makita ang itsura ng matangkad na lalaki.

Moreno ito, matangos ang ilong, makapal ang kilay, at kapansin pansin ang kulay kahel nitong mata.

"M-meron pa po sir Ken, eto o yung kaibigan ko." Nagulantang ako nang bigla akong tulakin ni Hydee. Mabuti nalang at hindi yun ganoon kalakas kaya hindi ako masyadong napalapit sa lalaki.

Hindi na ito nag salita at pumasok na sa loob ng isang kwarto, nilingon ko pa si Hydee at maliit siyang nginitian upang maitago ang kabang nadarama ko bago tuluyang pumasok sa loob.

Nilibot ko ang tingin sa kabuuan ng kwarto. Medyo madilim dito dahil sa itim at gray ang kulay ng kwarto. May isang ilaw lamang sa taas na naninilbihang ilaw sa buong kwarto. Kung wala siguro iyon ay wala ka ng makikita dito sa loob.

"Titingin ka nalang ba sa ilaw o sisimulan na natin itong interview?" Halos mapatalon na ako sa gulat nang biglang magsalita yung lalaki sa harapan. Itinuro niya ang silya sa harapan upang paupuin ako. Nakaupo na pala siya hindi ko napansin. Dali dali akong umupo at ibinigay ang resume ko sa kanya.

"Gwendolyn Castisimo.."

"Twenty three.."

Habang binabasa niya pa ang resume ko ay muli kong inilibot ang tingin ko, napansin ko ang pangalang nakaukit sa kahoy na nasa ibabaw ng lamesa na pumapagitna sa aming dalawa ng lalaki.

John Kevin Asuncion

Pamilyar sa akin ang pangalan na iyon. Paulit ulit kong iniisip kung sino ba ang kilala kong may pangalang ganoon at nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong iyon yung lalaking nakilala namin ni Hydee kahapon.

Muli kong binalingan ng tingin ang lalaking nasa harapan ko. Hindi naman siya iyon. Ngunit medyo kinabahan ako nang mapansing may pagkakamukha silang dalawa. Ang pinagkaiba lang ay kulay kahel ang mata nitong nasa harap ko at ang kay Kevin naman ay itim. Itim naman ang kulay ng buhok ng lalaking nasa harapan ko habang kay Kevin ay medyo kulay kahel. At saka may biloy ang lalaking ito, si Kevin ay wala-- teka. May biloy? Napaawang ang labi ko nang mapansing may biloy nga ito, ngunit sa kanang bahagi lang ng mukha. Kahawig niya rin ang kapatid ni Kevin na babae. Kaso nga lang ay singkit ito at itong nasa harapan ko ay hindi.

"Kenneth buti naman at pumayag kang mag bantay. Pinasama kasi ako ni mommy sa kanya mag shopping kaya-- Gwendolyn?!" Nanlaki ang mata ng lalaki na bigla nalang pumasok sa loob nang humarap ako dito.

"K-Kevin?"

"Magkakilala kayo?" Napatingin ako sa lalaki na nakaupo sa aking gilid nang ito ay mag salita. Nakatingin ito kay Kevin habang nakataas ang isang kilay.

"Oo. Nagkakilala kami sa mall kahapon." Lumapit sa akin si Kevin at umupo sa isa pang upuan sa tapat ko.

"Hindi ko alam na mag a-apply ka pala dito sa resto namin. Kung alam ko lang edi sana ako na ang nag interview sa iyo. Teka, eto nga pala si Kenneth. Kapatid ko rin ito, mas matanda ako sa kanya, pangalawa siya sa aming tatlo na magkakapatid."

"Ah okay."

Sabay kaming napatingin sa kapatid niyang lalaki nang bigla itong tumayo.

"Tutal nandito ka na naman, ikaw na mag interview sa kanya." Hindi pa man nakakasagot si Kevin sa kanya ay tuluyan na itong lumakad paalis ng kwarto.

Ang sungit.

"So ngayon alam mo na kung kanino nagmana si Kianna." Mahina kaming natawa ni Kevin sa kanyang sinabi. Tumayo siya at lumipat doon sa kaninang pwesto ng kanyang kapatid.

"Pwede namang wag na tayo mag interview, ipapasa na agad kita." Umiling ako sa sinabi niya.

"Parang ang unfair naman kung hindi ako mag papai-interview. Gusto ko makapasok sa trabahong ito na alam kong pinaghirapan ko."

"Sige sinabi mo e." sambit ni Kevin bago kinuha ang resume ko sa lamesa at binasa iyon.

Continue Reading

You'll Also Like

175K 5.7K 49
Tagalog-English BL - There's an urban legend saying that people with the same name cannot live together. It's a curse. Romeo Andres is a basketball h...
1.2M 44.4K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...