Places & Souvenirs - CAGAYAN...

By JasmineEsperanzaPHR

17.2K 1K 84

"Gusto kig ligawan, Adrienne. Pero hindi naman ako marunong manligaw. Marunong lang akong mang-asar." ***** A... More

Random
Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21 - Ending

Part 16

716 50 6
By JasmineEsperanzaPHR

"ADRIENNE, patawarin mo na ako," malumanay at seryosong sabi sa kanya ni Seb.

Silang dalawa na lang uli ang nasa beach house. Nagpaalam si Manang Ising na sa kapatid nito matutulog at ang mag-asawang Santi at Catherine naman ay hindi rin masyadong nagtagal. Sa wari ay ang mga ito ang hindi makatiis sa labis na katahimikan sa pagitan nila.

Tiningnan niya si Seb. Pati buong anyo nito ay masyadong seryoso. Tila desidido sa paghingi ng tawad. At sa halip naman na ikatuwa niya iyon ay naalarma pa siya. Bakit ba bigla na lang siyang nakadama ng pagkailang sa pagitan nila buhat nang mangyari iyon kaninang umaga?

It wasn't an awful awkwardness though.

Dahil kung nakakapangalisag-balahibo ang pagkailang na iyon, dapat ay hindi na niya na-miss si Sebastian. Dapat ay kinasusuklaman na niya ito maisip pa lang niya. Pero hindi ganoon. In fact, she was missing the Sebastian she used to know. Iyong kahit na napipikon siya rito, naaliw din naman siya.

The awkwardness she felt was confusing and alarming. At ilang beses din naman niya naisip na hindi lang para kay Sebastian ang pagkailang niya kundi para rin sa sarili.

Pagkatapos kaninang umaga, she became aware of the attraction between the male in him and the female in her. Natanto niya na hindi pala purong platonic ang maari nilang maging samahan. She was stirred by the passion that rose between them.

Bigla ay hindi na niya naiisip ngayon si Sebastian bilang kaibigan. Naiisip na rin niya ito ngayon bilang isang lalaki. Somebody who was rich in male hormones that seem to promise the paradise of joy and ecstasy.

Ecstasy!
Her breath was almost caught. Iyon ang salitang pumasok sa isip niya. Ibig sabihin, tunay ngang hindi na basta kaibigan lang ang nagiging turing niya ngayon kay Sebastian. At some unspecified time, she desired him.

"Adrienne?"

Bigla niyang itinuon ang pansin kay Seb. She pressed her lips at tiniyak na hindi nito mahahalata kung ano ang itinakbo ng isip niya. "Sa buong maghapon, halos puro sorry ang lumabas sa bibig mo."

"Because I am. Really."

"Tell me, Seb. Alin ba doon ang inihihingi mo ng tawad?"

Their eyes met. Ilang sandali ring naghinang ang mga mata nila at sa palagay ni Adrienne ay siya ang hindi makakatagal. But a fraction of a second
before she tore her gaze away from him, it was he who broke the eye contact.

At bago may lumabas na salita sa bibig nito ay humugot muna ng isang paghinga. "Ayen, something happened. Hindi ko sinasadya."

Kumunot ang noo niya. "What do you mean?"

"Dinala kita sa dagat for fun. Alam mo namang alaga na kitang buskahin. Nang hilahin kita papunta doon, ang gusto ko lang sanang malaman ay kung ganoon pa rin kalaki ang takot mo sa tubig. I didn't expect na mangyari yung nangyari."

"Kaya ka nagso-sorry, dahil doon? I didn't get hurt, Seb."

"Yes. And thanks for that." Minsan pa ay pinuno nito ng hangin ang dibdib. Lalo na siyang nanibago dito. Tila hindi nito malaman kung paano isasatinig ang nais na sabihin. Ibang-iba sa dati nitong ugali na basta na lang lumalabas ang mga salita mula a bibig nito.

"Ayen," he said again. At buhat sa bahagya nitong pagkakayuko ay muling tumunghay sa mukha niya. "Kasalanan bang maging attracted ako sa iyo?"

Napalunok siya.

"H-hindi ko sinasadya," mabilis na sabi nito. "I always see you as the younger sister I wish I had. Iyong kalaro ko noong mga bata pa tayo at eventually kabarkada na parang kapatid ko na din. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya nang dumating ka. Sukdulang ipilit ko ang sarili ko na makitulog dito, ginawa ko. Because I thought that I just wanted to be near you.

"Pero iyong nangyari kaninang umaga, it stirred a certain feeling in me. It made me realize why I am doing all these things. Dahil nang muli kitang makita, hindi na kasi basta ikaw iyong batang Ayen na kalaro ko noon. You have grown into a beautiful lady, Adrienne. At lalaki lang ako na walang kabalak-balak magpari. I want you, Ayen."

Parang nalulon niya ang dila sa narinig. Hindi niya inaasahan ang rebelasyong iyon. Pinakiramdaman niya ang sarili. Suddenly, parang hindi na siya masyadong naiilang ngayon. Parang tinangay na ng hangin ang awkwardness na maghapong lumigalig sa buong sistema niya.

Hinawakan ni Sebastian ang kamay niya. Nagitla siya sa gesture na iyon subalit hindi naman niya binawi ang kamay. Hinayaan lang niya si Seb. Kahit na nang dalhin nito sa mga labi nito at tamnan ng halik ang likod ng palad niya ay hinayaan lang niya ito.

"Ayen, I didn't plan this," banayad na sabi nito. "But I want to be honest with you."

"What now?" mahinang tanong niya.

"What now," ulit nito at tila nag-isip. At pagkuwa ay bumaling uli ng tingin sa kanya. "Gusto kitang ligawan, Adrienne. Pero hindi naman ako marunong manligaw. Marunong lang akong mang-asar." He smiled at her.

Tila namalikmata siya rito. Pero nang unti-unting mauwi sa ngisi ang ngiti ni Seb, nanlaki ang mga mata niya. Padaskol na binawi niya dito ang kanyang kamay at inihampas dito.

"Sebastian, niloloko mo na naman ako!"

"Hindi!" mabilis na sabi nito at ikinulong ng mga palad nito ang pareho niyang kamay. "Actually, nagpapawala lang ako ng nerbyos. Kanina ko pa nga ni-rehearse sa isip ang sasabihin ko sa iyo, eh."

She sniffed. "Rehearse? Anonito, graded recitation? Seryoso ka ba sa mga sinabi mo o hindi?"

"Seryoso." At tinitigan siya nito. "Adrienne, I know hindi ka agad maniniwala sa mga sinabi ko. Ganito kasi ako talaga, eh. Bihirang seryosohin ng kahit sino. Ang akala nila palagi, puro kalokohan ang alam ko. But I know of something to make you believe in what I say."

"What?" she asked.

Bahagyang umiling si Sebastian. "I won't tell you. Gagawin ko na lang."

Then he kissed her.

Her breath caught. His mouth was softly persuasive. He teased her mouth by nipping and tasting. Seconds later, her mouth opened for him. Tila nais nitong patunayan sa pamamagitan ng halik na iyon na talagang totoo ang rebelasyong binitiwan nito.

She welcomed his invasion even more. His lips became demanding. His kiss were hot, enticing and intoxicating. Natutuhan niya kung paano gumanti ng halik dito. And when she did, she heard a hoarse groan of satisfaction from him.

The kiss went deeper. Soon, she felt her very soul become involved in that kiss. Parang ayaw na niyang matapos ang halik na iyon.

"Seb..."

Tinapos ni Sebastian ang halik subalit hindi inilayo ang mukha sa kanya. Masuyo nitong sinapo ang magkabila niyang pisngi. Then his thumb caressed the still-wet-from-his-kiss, numbed lips of her.

She moaned softly. Kahit na ang kilos na iyon ni Seb ay nagkaroon pa ng epekto sa kanyang sistema.

"I'm telling the truth, darling," malambing na bulong nito sa mismong mga labi niya. And he made a brief, noisy kiss on her lips again.

She sighed. At sa kilos niyang iyon ay parang nais pa niyang magtaka na kaydaling nakalagos ng hangin sa kanyang katawan. She looked at him again. And she found out how appealing attractive he was. Napangiti siya.

"Gotcha!" bulalas ni Seb ay magaan siyang kinabig palapit dito.

"What's that for?"

"You smiled," sagot naman nito. "Hindi mo ako sinampal. Instead, you smiled. Adrienne, tayo na."

"Ha?" tila nalitong wika niya. "Saan tayo pupunta?"

He echoed a joyous laughter. "Akala ko'y ako lang ang may kalokohan sa katawan. You're just kidding, right?"

Umiling siya na halos nakakunot pa ang noo. "No. Sabi mo tayo na. May lakad ba tayo?"

Lalong lumakas ang tawa nito. Pero nang makita nitong nagsisimula nang manulis ang nguso niya, tumahimik din ito. He leaned towards her and kissed her temple.

"Tayo na, Ayen. You and Me. We. Us.  You know, that boyfriend-girlfriend thing."

"What?" gulat pero kapos sa pagtutol na sabi niya. "Paano nangyari iyon? Ni hindi ka pa nga nanliligaw, di ba?"

He smiled coyly. "Hindi nga ako marunong ng ganoon, eh. Besides, we already kissed. Hindi ka naman nagalit, so let's skip the ligawan part. We're on now."

"Ang bilis naman!" tila manghang sabi niya.

"Maano naman? Basta, tayo na, ha?" Dumukwang uli ito sa kanya. "Sige na, Ayen. Pumayag ka na," samo nito na halos isang dali na lang ang pagitan ng kanilang mga labi. "Please?" he said against her lips. Then he kissed her again.

Napahinga siya uli. Sa kilos na iyon ay tila lalong nagkadaiti ang kanilang mga labi. He groaned. At pagkuwa ay muling siniil ang kanyang mga labi.

They spent the next minute kissing each other again. Tila iyon ang mas dapat gawin kaysa ang magpalitan pa ng mga salita. When they ended the kiss, they were both catching their breaths.

"O, ano, di, tayo nang talaga?" tila nagdiriwang na wika sa kanya ni Sebastian.

Umirap siya pero ang luwang naman ng pagkakangiti. "May magagawa pa ba ako? Mukhang ganoon na ngang talaga, eh."

"Talaga!" He grinned.

--- itutuloy ---

Maraming salamat sa pagbabasa.

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor

My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals

Continue Reading

You'll Also Like

4.3M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
195K 4.8K 15
Ang balak lang ni Perdita ay ipakilala ang anak ng yumaong kaibigan niya sa ama nito para mabigyan ng magandang kinabukasan ang bata. Pero hindi gano...
71.8K 2K 22
Cerise Lopez was the editor-in-chief slash queen bitch of 'The Philippine Herald,' a national broadsheet owned by the Delgado family. Ilag ang halos...
83.6K 2K 23
Where do broken hearts go? Tanong ni Therese kay Google pagkatapos siyang iwan ng perfect groom sa araw ng kasal nila. Google answered: Corazon. Nag...