Part 9

715 54 8
                                    

"ANG LAKAS mong kumain!" kantiyaw sa kanya ni Sebastian.

Nakita nito kung paano niya mabilis na naubos ang laman ng pinggan na halos umapaw kanina sa pagkain. Sinamahan lang siya nitong kumain. Kahit na anong pilit niya ay hindi na niya ito napilit na kumain. Busog na raw ito kaya ang naging papel na lang sa kanya ay ikuha siya ng maiinom at dessert.

"May buwaya ka siguro sa tiyan mo," ngisi pa nito sa kanya.

"Tumigil ka riyan," irap naman niya rito. "Ang sisihin mo ay ang kusinera. Ang sarap ng pagkakaluto. Kunsabagay, kahit na siguro hindi ganito kasarap ang pagkain baka parehas lang ang nakain ko. Sa Maynila pa ako huling nakakain nang matino. Sandwich lang ang pinagtiyagaan ko sa daan."

"At talaga ngang nagmaneho ka nang straight hanggang dito?"

"Bakit, akala mo, hindi ko kaya?" Umiling-iling siya. "Ako pa? No sweat!"

"Oo nga, no sweat. Pero diyan sa leche flan, halos tulo-laway ka naman."

"Iba ito, favorite ko ito, eh." Nang sumubo siya ay tila tinakam pa niya ang binata.

"Seb!" tila galit na tinig ang umagaw sa pag-uusap nila.

Mabilis siyang lumingon upang sundan ang pinanggalingan ng tinig. At nakita niya si Rosette na tila susugod habang papalapit sa kanila.

"Hi!" she greeted the woman coolly. "Kain tayo."

"Tapos na ako," sa wari ay pigil ang pagsusungit na wika nito at binalingan si Seb. "Gusto ko nang umuwi, Seb."

Nakita niya ang tila pagkunot ng noo ni Seb. Hinintay niya ang isasagot nito pero kunwa ay mas nakatuon ang atensyon niya sa leche flan na kinakain.

"Hindi pa tapos ang celebration, Rosette. Nakakahiya naman kung aalis ka."

"Ayoko na rito, Seb. Iuwi mo na ako," tila maktol na sagot ni Rosette.

"Saka walang sasakyan. Naipit sa parking iyong sasakyan namin. Iyong truck ang nasa labas. Gusto mong sumakay sa truck ng troso pauwi?"

"Kahit saan sasakay ako. Basta gusto ko nang umuwi!"

"Ayen?" tawag sa kanya ni Seb.

Noon lang siya nag-angat ng tingin. "Yes?"

"Maiwan muna kita, ha? Ihahatid ko lang siya."

Anyong tatango siya nang may maisip. "Wait, talagang sa truck mo siya isasakay? Ang laki-laki naman nu'n!"

Bumaling sa kanya si Rosette na talagang hindi na maipinta ang mukha. "Hindi naman nakakabit ang trailer. Ulo lang ng truck iyon."

Tumayo na si Seb. "Babalik ako agad, Ayen. Sorry." He just mouthed the last word.

"Sandali!" habol niya. dinukot niya sa bulsa ng maong ang susi. "Here. Iyong kotse ko na ang gamitin mo sa paghahatid sa kanya. Ipaturo mo na lang kay Manang Ising kung saan ko ipinarada."

Kunot na ang noo ni Seb nang umiling sa kanya ay tila nakasimangot pa ang binata. Nang tumalikod ito ay kasunod na rin na lumakad si Rosette. Ni hindi na lumingon man lang sa kanya ang babae. Nagkibit na lang siya ng balikat.



"O, ANO? BAKIT hindi ka pa sumampa?" pikon na pikon na wika ni Seb kay Rosette matapos silang maglakad nang malayo-layo rin.

"Eh, ang taas-taas niyan!" reklamo ng babae. "Tingnan mo naman itong damit ko, baka sumabit pa riyan at mapunit. Sayang naman."

"Hindi ba okay lang sa iyo na sumakay kahit sa truck kasi gusto mo nang umuwi?" sumbat niya rito. "Sumakay ka na riyan at baka mamaya ay mapatid na ang pasensya ko, uuwi kang mag-isa mo."

Places & Souvenirs - CAGAYAN 2 - You Belong To Me, I Belong To YouWhere stories live. Discover now