Part 1

961 41 4
                                    

"AYEN, saan ka pupunta?" sita sa kanya ng mommy niya nang masalubong nito ang dalawang katulong na bitbit ang kanyang mga maleta.

"Mommy, sinabi ko na sa inyo ang plano ko, di ba? Naisip kong agahan ang alis para naman hindi ako gabihin nang masyado sa daan. Mahigit labing-apat na oras ang biyahe. Kung magpapatanghali pa ako, aabutin na ako ng dilim sa daan."

She checked her carryall bag. Kahit na sigurado na siyang nailagay niya roon ang mga kailangan niya ay tiniyak pa rin niya. Nasa secret pocket niyon ang maraming cash. Sa pupuntahan niya, hindi niya mapapakinabangan ang ATM at credit cards.

"At pupunta ka nga sa liblib na bayang iyon?" Umalsa ang tinig nito.

"Si, Señora Isabel Montoya Vargas," nakangiti niyang sagot sa ina.

Alam niya, gustong-gusto ng kanyang mommy na tinatawag ito nang ganoon. She was three-fourths Spanish. Anak ng isang Spanish ambassador sa isang half-Filipina, half-Spanish. She was a boarding school product in London pero nang magdalaga ay nanirahan sa Pilipinas sapagkat ang ama nito ay nahirang na ambassador ng Espanya para sa Pilipinas. Tamang-tama lang daw na mai-assign doon ang kanyang lolo sapagkat may dugong Filipina ang napangasawa nito.

Isabel spent her life partying. Isa sa mga party'ng iyon nito nakilala ang kanyang ama, si Leo Vargas. Ang akala ng kanyang ina, dugong-Espanyol din si Leo. He spoke Spanish, looked like a Spanish and he exuded a Spanish charm.

Hindi alam ni Isabel na kaya lamang napunta sa ganoong party si Leo Vargas ay dahil sa pagnanais nitong makadikit ang mga maiimpluwensyang tao na kailangan nitong hingan ng tulong para sa pangarap nito sa bayang sinilangan.

Leo Vargas ran a political blood in his veins. Ayon dito ay kamag-anak nila ang mga Vargas na humahawak ng posisyon sa gobyerno sa probinsya. Hinahanap nito sa Maynila ang mga tubong-Cagayan na malaki na ang nagawang pangalan at impluwensya. Kailangan nito ang tulong ng mga iyon upang maging maunlad ang bayang pinagsisilbihan nito noong panahong iyon bilang numero unong konsehal ng Pamplona.

Nang malaman nitong isang Cagayano ang kanyang ama ay huli na. Pati ang ambassador nitong ama ay nahulog na ang loob kay Leo. Una nitong niligawan ang mga magulang ng kanyang mommy. Naging sunud-sunuran na lamang si Isabel nang idikta ng ambassador na si Leo ang gusto nitong mapangasawa ng anak.

Alam na alam ni Ayen ang kuwentong iyon. Hindi napapagod si Isabel Montoya na ulit-ulitin sa kanya ang kasaysayan. At sa palagay niya, sa tuwing ikukuwento iyo ay lalong tumitindi ang pagkamuhi nito sa bahaging iyon ng buhay nito.

She was Isabel Montoya indeed. Sa ilang buwan na pagtira nito sa Pamplona, Cagayan, nakilala ito ng mga taga-roon sa pangalang iyon. Kung hindi pa ikakabit ang salitang: "iyong Espanyolang asawa ni Konsehal Leo", hindi malalaman ng mga taga-roon na may-asawa itong tao. At hanggang ngayon naman, hindi nito magawang isuko ang apelyido nito noong dalaga pa. Tila isang malaking kabawasan sa pagkatao nito kung ihihiwalay ang pangalang iyon. Para sa kanyang mama, mas may taginting ang apelyido nito noong dalaga pa. Mas may dignidad.

"Ayen, hindi kita pinayagang pumunta sa inaantok na bayang iyon!" tili ng kanyang mommy nang makitang sumunod siya sa mga katulong na tumuloy na sa kinaroroonan ng kotse na balak niyang gamitin.

"Mom, I'm twenty-four years old. Siguro naman, puwede na akong magdesisyon sa mga ganoong bagay. I'm just telling you where I'm going. I'm not asking for your permission."

"At ganyan ka nang makipag-usap sa akin?" nanlalaki ang lalamunang wika nito sa kanya.

"Mom, please," aniyang binabaan ang tinig. "Wala akong gagawing masama doon. Gusto ko lang magbakasyon."

"In Cagayan, of all places?" hindik na sabi nito. "Bakit hindi ka na lang mag-Hong Kong? O kaya, let's go to Germany. Ipase-set ko ang tour natin sa travel agent. Maghintay ka lang ng isang linggo dahil may mga appointment ako ngayong linggong ito."

Places & Souvenirs - CAGAYAN 2 - You Belong To Me, I Belong To YouWhere stories live. Discover now