Lost In Your World (SB19 SERI...

TheLazyWriter_ tarafından

3.4K 149 11

I'm lost but I will keep on going back to you. Daha Fazla

Short Kadaldalan ng Author:
1
2
3
4
5
6
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28

7

89 6 0
TheLazyWriter_ tarafından

"Ramirez team had talked to your management already. They will adjust the time of your debut and no worries about your expenses sa mga preparations kami na ang bahala dun." Humarap si President sa akin pagpasok namin sa office niya. Bahagya siyang naupo at nagsalin ng alak sa isang baso sa gilid niya.

"And you, Army Jane? Anong balita sa mga issues?" Baling niya.

"Pupunta kaming dalawa ngayon sa dalawang sites. Hindi natuloy yung dalaw ko nung nakaraang araw sa dami ng ginagawa ko." Tahimik lang akong nakikinig sa kanila dahil wala naman akong maintindihan sa business nila.

"The company is currently investigating about it till now and yun nga, pupunta kami dun para kumuha ng mga infos." Si Army Jane. Tumango naman si President. "We'll go ahead, President. See you later. Mainit na sa labas. Babalik nalang ako dito by dinner."

Akma na siyang tatalikod nang tawagin siya ulit ni President.

"Army!" Mahinang tawag sa kanya ni President kaya nauna nalang ako lumabas baka importante ang usapang 'yon.

Maya-maya pa ay lumabas siyang naka salubong ang kilay at bakas ang galit sa mukha. Nauna siyang naglakad sa akin kaya mabilis akong sumunod sa kanya.

"J-Jane! Ayos ka lang ba?" Tanong ko pero hindi niya ako pinansin.

Halos paliparin niya ang kotse sa bilis ng takbo at halos hindi ko na rin makita ang ibang kotse sa kalsada.

"T-teka lang! Kalma lang, Jane! B-Bagal naman ng konti d-dyan! Ayoko ko pa... mamatay!" Halos pasigaw ko nang sabi at saka niya pa lang narealize.

"S-Sorry." At saka lang bumagal ang takbo niya. Hindi rin naman katagalan ay nakarating na kami sa site.

"Ma'am! Thank goodness you're here!" Mabilis na lumapit ang isang lalake na nakasuot ng hard hat. Engineer ata 'to!

"Balita?" Agad niyang tanong pagkababa naming dalawa.

"We found out that our materials has been replaced. Napalitan iyon ng mga mumurahing materyales. May copy na rin kami ng mga CCTV footages dyan may labas and itatrack nalang namin kung sino at saan nanggaling ang mga iyon." Mahabang litanya niya. Pinasuot kami ng hard hats bago pumasok sa loob mismo ng site.

"Where's the footages? Let me see." Pormal niyang utos kaya sumunod kaming dalawa sa Engineer na pumasok sa isang office.

Naupo kami sa isang maliit na mesa bago lumapit sa amin ang Engineer bitbit ang laptop niya.

Pinlay niya ang apat na videos. Video iyon ng dalawang sasakyan na magkasunod. Mula sa kabilang kanto, papasok sa lugar na ito, pagpasok sa site at pag-alis.

Magkarugtong na lahat kaya hindi na putol putol ang panonood namin.

"Send mo 'to sa akin lahat. Ako na magpapatrack." Singgit ko kaya napalingon sila sa akin at maya maya din ay binawi.

"Okay. I'll send it to you later." Tumango naman ako sa sinabing iyon ng Engineer.

"Doon tayo sa gumuhong gusali." Sabi ni Jane kaya lumabas na rin kami.

"Wala bang nasaktan dito pati na rin sa kabilang site?" Tanong niya.

"Wala naman po. Same lang din ang rason sa isa pa."

Dinig ko ang malakas na buntong hininga ni Jane.

"Palitan ang materials at tapusin niyo na ito bago matapos ang kontrata. Madami pa tayong projects ang napepending dahil sa problemang ito. Ayoko na dagdagan pa dahil mapapasama ang reviews natin kapag nagtuloy tuloy pa ito." Aniya saka tumingala para tanawin ang gusali.

"Yes, Ma'am. Yung mga workers naman dito ay mabibilis kumilos at malinis din magtrabaho. A month before the end of the contract ay tapos na ito. Ganun din sa isa. Nakausap ko na din si Dizon at Martinez to work double time."

Pagkatapos ng mahigit isang oras nilang usapan ay sumunod naman kaming dumalaw sa isang site pa at ganon pa rin daw ang rason. Napalitang materyales.

Bumalik kami sa company ng tanghali. Naka lunch break ang mga empleyado kaya mangilan-ngilan lang ang tao sa mga floors. Diretso ang punta namin sa RID para mapatrack at makakuha ng informations tungkol sa issues.

"Track this at alamin mo ang plate number ng dalawang sasakyang ito. These shits are trying to mess with me."

Agad kong binigay ang phone ko para magamit sa pagtatrack.

"Thanks."

Madami siyang pinagtatype sa keyboard at panay naman ang zoom ng mga nasa malaking screen sa harap namin.

"Hindi nakaregister ang plate number sa sasakyang ito. Ang pinaglagyan naman ng mga materials ay galing pa sa Cavite." Aniya at humarap sa amin. "But I saw someone in the car. Babae and she's looking at the camera. Mukhang aware nga siyang may CCTV sa labas. Tinted ang sasakyan kaya hindi masyadong kita ang mukha niya. I'll see what I can do." At saka tumalikod sa amin.

"Code Red! Arkin is missing!" Biglang sigaw ng isang lalaki kaya halos magpanic ang lahat.

"Anong nangyayari?" Kaswal na tanong ni Jane sa sumigaw.

"Hindi daw siya pumasok sa kasunod na subject niya. Nakita siyang lumabas sa likod ng school 20 minutes ago." Sagot naman nito.

"Pakikuha ng location niya using his GPS. Kami na ang pupunta." Utos niya pa para mabilis na magsikilos ang mga nandito.

Ganito ba talaga ang assistant? Magkasama dapat palagi?

"Road 6, Hidalgo Avenue, Makati City. He's at the Real Time Gamezone." Sigaw ng isang babae sa likod.

"RTG? Tambayan ni Josh 'yon ah?" Mahinang bulong ko.

"Alam mo?" Tanong niya kaya tumango ako. "Let's go."

"Malalaman niyo kung saan nakapwesto si Arkin dahil sa mga bakanteng upuan sa gilid niya." Paalala nung babaeng sumigaw na lumapit pa sa amin para ibigay ang papel na may lamang address.

Patakbo kaming lumabas ng building at dumiretso sa Parking Lot. Binuhay niya agad ang makina ng sasakyan pagkapasok namin bago humarurot paalis.

Medyo malapit iyon sa school namin kaya madalas tambayan ni Josh kapag wala siyang klase.

Pagkarating namin ay halos punuan ang lugar. Madaming tao ang nakatayo at nagsisigawan pa.

"Ingay!" Reklamo ni Jane habang nakatakip pa sa tenga niya.

"Ako nalang ang papasok. Hintayin mo nalang ako dito." Hindi siya sumagot at nagpapalinga linga sa loob kaya pumasok na ako.

"Ah pre," lumapit ako sa nagbabantay.

"Ay sir, wala na po kaming bakante ngay-" agad ko na siyang pinutol.

"Hindi 'yon. May itatanong lang ako." Sabi ko.

"Ano po 'yon, sir?" Mabilis na sagot niya.

"May bata bang pumasok dito?" Tanong ko.

"Madaming bata dito, sir. Hindi ko alam kung sinong tinutukoy niyo." Bahagya siyang napakamot sa ulo niya.

"Sabi sa akin ay siya daw iyong nag uukupa ng mga seats." Sabi ko pa at mukhang nakuha niya naman ang sinasabi ko.

"Ah, siya ba 'yon?" Turo niya sa batang tuwang tuwa na naglalaro sa computer habang may apat na lalake naman sa likod niya.

"That's him. Thanks!" Ngumiti lang siya at saka bumalik sa ginagawa.

Gulat akong napatingin sa tabi niya ng may makita akong pamilyar na pigura.

"Sige ganyan nga! Isa pa! Isa pa!" Sigaw pa nung katabi niya kaya napamilyaran ko na ng tuluyan.

"Arkin.." Tawag ko pero parang walang may nakarinig sa akin. Magsasalita pa sana ako ulit pero may biglang suminggit sa akin.

"Kanina ka pa naman nandito eh! Tsaka walang tao dito oh! Kayo lang dalawa kaya bakit hindi kami makagamit?!" Galit na sigaw ng isang lalake sa gilid ni Arkin. Hindi niya ito sinagot at mukhang wala siyang pakealam.

Nanatili akong nakatayo sa likod nila.

"Arkin.." tawag ko pa pero suminggit ulit sila.

"Madami ka naman palang pera. Ayos lang kung hindi kami makaupo dito basta ibigay mo nalang sa amin 'yan." Nakangising sambit ng isang lalake. Mukha din itong highschool.

"Take it." Agad na nagsi-apiran ang mga lalake at parang mga siraulong nag uunahang humablot sa perang nasa gilid ng keyboard ni Arkin. "Ngunit babayaran niyo yan ng triple."

Nagtawanan sila ngunit mukhang walang narinig ang dalawa.

"Mukha mo! Ulol! Binigay mo na tapos pababayaran mo pa! Gago ka ba?"

Akmang tatalikod sila pero nagulat ako sa biglang sipa na halos humagis ang natamaan.

"No one dares to talk to my brother like that! You piece of shit!" Galit na sigaw ni Jane. Di ko siya napansing lumapit dahil busy ako sa pakikinig sa kanila.

Nagulat ang lahat sa kalabog na iyon kaya lahat sila ay napatingin sa gawi namin.

"Oh, Ken?" Gulat na sabi ni Josh habang nagtatanggal ng headphones. "Anong ginagawa mo dito?"

"Ya! Noona! I'm not done yet!" Nagmamaktol na sigaw ni Arkin habang kinakaladkad ni Jane palabas.

"Ah.. hehe.." dinampot ko ang bag ni Arkin bago siya hinarap muli. "Trabaho lang. Explain ko nalang kapag nagkita tayo sa Lunes. Bye!"

Agad akong tumakbo palabas ng RTG at naabutan ko silang nagsisigawan.

"Eh.. ayoko nga pumasok eh. Boring magturo ang mga teachers and besides alam ko naman na lahat 'yon!" Reklamo ni Arkin habang nakanguso.

"Paanong hindi boring eh panay ka tulog?! Hindi pa nagsisimula ang klase tulog ka na?! Kung hindi tulog, kumakain, nagcecellphone and even raising your music's volume while you're in the middle of the class!" Galit na sigaw niya.

"Sa kotse nalang kayo magsigawan, pwede? Maraming tao dito." Bahagya silang napalingon sa akin.

"I'll take you home. Absent ka na sa dalawang subjects mo and for sure magaguidance ka na naman before this week ends!" Sigaw na naman ni Jane ngunit hindi na sumagot pa si Arkin. Nakanguso lang siyang nakayuko habang kinukutkot ang kuko.

"Nasaan ba mga bodyguards mo?" Tanong na naman ni Jane.

"T-Tinakasan ko..." Mahinang sagot ni Arkin at napapikit naman sa inis si Jane.

"Call them. Sabihin mong sinundo kita at pauwi ka na." Sabi niya at sumunod naman agad ang kapatid.

"Relax muna tayo, please?" Singgit ko pero hindi nila ako pinansin. Huminga ng malalim si Jane bago nilingon ang kapatid.

"Okay na. Tara na." Nakangiti niyang sambit at nginitian din ako.

Malaki ang ngiti kase makakauwi ng maaga. Mautak 'tong batang ito!

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

25.9K 863 46
Status: COMPLETED || UNEDITED SORRY FOR ALL THE ERRORS AHEAD Would it ever be possible for two unexpected people to fall in love with each other? All...
10.8K 385 36
"I guess you're the luckiest girl" "No you're wrong i am the luckiest fan girl ever" You,how do you addres yourself as a fan? Are you lucky cause you...
12.3K 826 70
I'm comforting someone who's in pain while i'm in pain too.
29.6K 1.2K 92
a fanfiction of joseph simon marcos. the story is about a girl named sunny angelique villanueva and joseph simon marcos, they were best friend since...