The Untouchables Series Book...

By frozen_delights

277K 17.2K 2.2K

SPG 18 "There were times I wish I could unloved you so I could save what's left of my sanity. It's a never-en... More

Foreword
Poker Face
The Master
The Black Widow
The Deal
Mrs. Liu
Wedding Night
Hey, Jealousy
Buried Past
YM
Touch
Thief
Boss
Raindrops
The Suspect
Scapegoat
Stuck On You
One Rainy Afternoon
Giddy
Training Day
Perfect
No Pain, No Gain
Skeleton In The Closet
The Pain He Never Knew
Used
Once Upon A Night
I Surrender All
Feverish
Secrets
Piece of Heaven
Presumption of Innocence
The Monster
Drunk
Consumed by Passion
Never Enough
Fate
Unquenchable

Happiness

5.3K 376 63
By frozen_delights

Chapter Thirty-Four

"Ilang araw ba tayo rito?" tanong ni Meredith na pumukaw ng atensyon ni Vengeance habang nagbibihis.

"You can't wait to be away from me, huh?"

She rolled her eyes at his sarcastic reply.

"That's not what I meant, for fuck's sake," inis itong napabuga ng hangin sa bibig. Pagkuwa'y malumanay at malungkot nitong idinugtong: "I'm really invested with Baby Ilacad's case."

Hinarap ni Vengeance si Meredith. Isinandal niya ang puwetan sa gilid ng waist high storage cabinet na pinaglalagyan ng maliliit na personal items.

"That's the problem, M. You are too emotionally involved that you are losing the big picture."

"Which is?"

"The three families who were at the center of this case."

"Go on, I'm listening."

"They say people who have nothing to lose are the scariest. That saying also applies to people who have everything at stake. And that's their weakest link."

Tila malalim itong napaisip sa sinabi niya.

"Ilacad's case is just about to start, M. The criminal charges against her is already terminated prior to her death. But the people behind her death is still out there. Find them and give her the justice she deserves."

"It's like looking for a needle in a haystack."

"And that's our specialty."

"I'm not a big fan of extrajudicial killing, Vengeance. Kaya ginawa ang batas ay para umakto tayong mga sibilisadong tao at hindi barbaro."

"And what did those so-called civilized people do to Ms. Ilacad?"

"I'll make sure they pay in due time. It might take a while but they will pay."

He didn't comment further. Ayaw niyang pagtalunan nila ang bagay na iyon. Hinahangaan niya ito sa paninindigan nito at wala siyang balak na baguhin iyon o kumbinsihin ito na pumanig sa pinaniniwalaan niya.

"We'll stay here for a week. It will also give you time to relax a bit, loosen up at kalimutan sandali ang trabaho. You've been working nonstop ever since your husband died."

Hindi na sana niya gustong idugtong pa iyong huli but it already slipped out from his mouth. Naisip niyang iyon marahil ang coping mechanism nito para hindi masyadong malungkot sa biglaang pagpanaw ng asawa.

Nang magtama ang kanilang mata ay parang may gusto itong sabihin. Pero sa huli ay tila nagbago ng isip at hindi na lamang itinuloy saka ibinaling sa ibang bagay ang pansin.

"Can we go out? Gusto kong mamasyal."

"Sure. Saan mo gustong pumunta."

"Um, maghanap tayo ng tapsi at pares. O kaya goto."

"Ayaw mo sa Manila Hotel?" naalala niya iyong araw na niyaya niya itong kumain. 

Sinabi niya rito na dadalhin niya ito sa kahit saang hotel na gusto nito pagkalipas ng limang taon. He thought by then he already established himself at hindi na siya masyadong busy. But shit happens. She got married and he had to contend himself with what he can have--stolen moments and brief encounters with her in the past.

"We can go to Paris, or New York," pagpapatuloy niya pa.

Inirolyo nito ang mga mata sa offer niya.

"I'm offended," he said in a matter-of-fact tone.

"It's not because I hate going there with you or anything of that sort. It's just that I'm completely okay with anything simple. And besides, any activity can be made special if you are with the... r-right person. Nothing extravagant is needed."

Did she just tell him he's somewhat special? 

Ano ka? Siopao o haluhalo? ang mapangutyang tanong ng isang maliit na boses.

Basta iyon na 'yon. I'm special, or something to that effect. Nagbingi-bingihan na siya sa iba pang sinasabi ng maliit na boses. And I'm happy.

Iyon lang ang mahalaga. Kung pag-iilusyon lang iyon sa panig niya wala namang masama. And besides, they are already married. He now have a chance to prove to her that he's worth a shot.

"Let's go?"

Paglingon niya ay saglit na nahigit ni Vengeance ang paghinga. It's not the dress she's wearing that caught his breath. It was the lovely smile pasted on her lips. Parang literal na nagliliwanag ang paligid sa ganda ng ngiti nito. And it made his heart beat faster than normal.

"M-may dumi ba sa mukha ko?" she asked, looking awkward.

He took her hand and interlaced their finger.

"None. You look absolutely stunning."

"Psh," umingos ito. However she didn't snatch her hand back.

He took it as a good sign. With Meredith, nothing is certain. She's erratic. Magkahawak-kamay na tinungo nila ang driveway. Nakasalubong pa nila si Almira.

"May lakad ho kayo, Sir?" tanong nito na may malawak na ngiti sa labi.

"Yes. Pakisabi na lang kay Manang, namalengke yata."

"Dito ho ba kayo magdi-dinner, Sir?"

"No," kaagad na sagot ni Meredith bago pa siya nakatugon. "Baka umaga na kami umuwi kaya huwag ka ng maghintay at mapupuyat ka lang."

Lihim na gustong magdiwang ng kalooban ni Vengeance sa isiping tila nagseselos ang kanyang asawa sa adopted daughter ng katiwala. He noticed the animosity between the two women. It was interesting to watch them from the sidelines. Kung ang ibang tao ay may instant connection sa unang pagkikita, ang asawa niya at si Almira ay tila kabaliktaran.

Ipinagbukas niya ng pinto si Meredith. Nang makaupo ito ay saka siya lumigid sa driver seat.

Tumatakbo na ang sinasakyan nila nang bigla itong magtanong.

"Gaano katagal na siyang nagtatrabaho sa'yo?" tanong nito na bahagyang lumingon sa kanya.

"Four years... five? I'm not sure. I'm rarely home. Sa loob ng isang taon ay dalawa o tatlong beses lamang akong pumupunta rito. Mostly ay sa Manila ako nakabase dahil malapit iyon sa opisina. I hate taking long drives. However, if you prefer to live here it's okay. Ayos lang sa aking bumiyahe araw-araw."

"I like it here. Hindi ko lang gusto ang babaing 'yon," prangkang sagot nito. "She has the hots for you, didn't you notice."

"I only have eyes for you, giliw. Paano ko mapapansin ang iba?"

"Hmm," ibinaling nito ang tingin sa labas.

"No rebuttal?"

"Just drive, Liu. I'm craving for goto."

"Ang aga mo namang maglihi. Ganoon ba kalupit ang mga sperm ko?"

"Siraulo. Mag-drive ka na lang."

He chuckled.

"Na-miss ko rin ang Purok 6," she said it like she was just talking to herself. "Ever since Lola Miling died ay hindi na ulit ako nakabalik doon. Ikaw? When was the last time you visited there? Naroroon pa ba 'yong gym... or hangout place niyo? You have a house there, right?"

"Nope. It's not really a house. It was an old garment factory my father used during his active days. Front lang nila 'yong garment but in reality there was a hidden lab there that they used to manufacture drugs."

"Hindi mo ipinagpatuloy ang gawain niya," it wasn't a question. More like a statement that she knew.

"He was a very loving father, I give him that. But he did horrible things in the past. And I tried to rectify that--me and my friends--we are all trying to rectify our parents' misdeeds by eliminating the remaining monsters in the society."

"By monsters, you mean drug pushers, rapists, drug addicts..."

"You can throw in any kind of monster that comes to your mind."

"How about my father?"

"You want me to eliminate him for you?"

"Psh," isang mapaklang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Meredith. "I want him to do time in prison. Gusto kong habambuhay niyang pagsisihan ang lahat ng kasalanang ginawa niya."

"Is that your wish? Just say the word, M, and I'll make it happen."

"Yes."

"Granted."

May ilang sandaling namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan matapos iyon. Katahimikang si Meredith din ang pumutol nang excited nitong ituro ang isang kainan sa gilid ng daan.

"Ayun, 'yon, 'yon, 'yon. Lugawan at pares."

"Masarap kaya riyan?" aniya.

"Subukan natin," may kinang sa mga matang sabi nito.

Kung panlabas na hitsura ang pagbabasehan, walang sinuman ang mag-aakalang kumakain ang isang mayaman at premyadong abogada sa ganoong kainan. Sila mang magkakaibigan ay mahilig ding mag-food trip sa mga kainang hindi aakalain ng kahit na sino na pupuntahan nila. Merong maselan pero halos lahat sila ay kumakain sa mga turo-turo. O point-point, ang katawagang natutunan nila kay Scythe.

Inihimpil ni Vengeance ang sasakyan sa gilid ng daan. Parang bata na excited na bumaba si Meredith at hindi na siya nahintay na pagbuksan ito ng pinto. Tila may pagtataka namang dumako ang tingin ng mga taong naroroon sa humimpil na Bugatti Veyron. It was a very sleek, black sports car. At agaw-pansin talaga iyon sa mga taong hindi araw-araw na nakakakita ng ganoong klase ng sasakyan. 

Tatlong tao lang ang nakita ni Vengeance na kumakain doon kaya marami pang available na puwesto. Ang asawa niya ay kaagad na dumiretso sa tindera at nag-usisa kung ano ang meron doon. Lumapit na rin siya rito para pumili ng magugustuhang pagkain doon.

"Goto sa akin. Ikaw, ano ang gusto mo?"

"Ikaw."

She blushed. Lihim siyang napangiti. "Ang ibig kong sabihin, ikaw na ang bahalang pumili."

Wala kasing masyadong variation doon. Hindi tulad sa kinakainan nila noon na may iba't ibang pagpipiliang toppings o halong laman ng goto at lugaw.

"Sige. Isang lugaw po with chicken wings sa kanya at goto sa akin. Meron kayong tokwa or pritong lumpiang toge?"

"Wala ho, Ma'am."

"Ah, sige. 'Yan na lang ho. Pakisamahan na rin ng dalawang malamig na softdrinks."

"Sige ho, saglit lang."

Habang kausap ni Meredith ang tindera ay naghanap naman ng komportableng puwesto si Vengeance. Lampas alas-kuwatro pa lamang noon ngunit hindi na masyadong ramdam ang init ng araw dahil medyo makulimlim ang langit.

"Mr. Liu, pahinging pambayad. Wala akong dalang wallet."

"Patay. Maghugas na lang tayo ng pinggan."

"Ikaw na lang. Isasanla kita sa tindera nitong lugawan at tutubusin kita next week."

"Savage," dinukot niya ang kanyang pitaka at ibinigay rito.

Ang lapad ng pagkakangisi nito nang abutin iyon. She took out five hundred peso bill atsaka ibinalik sa kanya ang pitaka. Matapos maisuksok sa back pocket ang pitaka ay sumunod na siya rito. Self-service ang nakalagay na karatula sa tabi ng counter. Paglapit nila ay nakahanda na ang kanilang order. Kinuha niya ang tray na kinalalagyan ng in-order ni Meredith. May mga kubyertos na iyon at dalawang bote ng malamig na softdrinks. Habang binabayaran ng asawa ang kanilang order ay dinala na niya ang tray sa kanilang mesa.

"Wala ka ng sukli," nakangising wika ni Meredith.

"No worries. I'm willing to go broke if it will make you smile more often."

"Tsk. Kumain na lang tayo at malamang gutom na 'yan."

That's his M. Ang galing mambasag.

Pinunasan ni Meredith ng tissue ang isang kutsara at tinidor saka ibinigay sa kanya. Siya naman ay inilapit sa harapan nito ang mangko ng goto. Hindi masyadong mainit, pansin niya. Nagsimula na silang kumain. Sa unang subo ay kaagad siyang napangiwi. Maalat. Pagtingin niya sa asawa ay bahagya rin itong nakangiwi sabay abot ng softdrinks.

"Uminom ka," utos nito sa kanya.

Agad nga niyang inabot ang inumin at kaagad na lumagok.

"Sayang ang pagkain pero baka bato naman natin ang ma-suffer kung pipilitin nating kainin," anito.

"Let's just finish this," tukoy niya sa malamig na softdrinks. "Then leave, maghanap na lang ulit tayo ng ibang kainan."

"You read my thoughts."

At iyon nga mismo ang ginawa nila. Pagkasakay nila ng kotse ay reklamo agad ang lumabas sa bibig ni Meredith.

"My God. May pagawaan siguro sila ng asin. Kaya siguro wala halos kumakain doon," naiiling na sabi nito.

"'Yong chicken wing sa lugaw ko parang gustong lumipad."

"Makunat?"

"Yup."

"'Yong tuwalya naman ng baka sa goto ko ay hindi tuwalya. Kumot."

Nagkaroon ng tunog ang maikli niyang tawa. A bubble of happiness filled his chest.

"Do that again."

"Huh?" clueless niyang nilingon ang asawa.

"You laughed, right? I wasn't imagining it."

"Of course. Ano ba ang tingin mo sa akin? Makina na hindi marunong tumawa?"

"You rarely laughed. In fact I don't remember hearing you laughed, ever."

"Maybe because I have no reason to laugh. Hindi ba para naman akong siraulo no'n kung tatawa ako nang walang dahilan?"

Napangiti ito sa sagot. Parang aliw na aliw.

"You know what, I also noticed something different about you."

"Do tell."

"Your eyes. They're not as blank as they were before."

"Blank like?"

"Emotionless. Yes, that's the exact adjective to describe it."

Tipid siyang napangiti sa sinabi nito.

"Someone told me before that I have the advantage against an enemy if I don't show my emotions."

"Who?"

"My mother."

"Oh."

"She's one heartless... witch."

"Rocky once told me na parati ka niyang sinasaktan kapag wala ang Daddy mo. Is that true?"

"Yes."

"What kind of a mother would do that to her own child?"

"I'm not."

"What?"

"I'm not her son."

Napamaang si Meredith sa sagot niya.

"I found out through my father's solicitor who was also the executor of his will."

"Was it before or after she died."

"Before."

It was a big revelation to her at nauunawaan niya kung nabigla man ito.

"Who is your mother, then?"

"You already met her."

"I... did?"

"Si Ms. Fernanda."

"Oh, dear," bigla itong napapaypay sa mukha.

"What?"

"I thought... I thought you two were um, you know."

"No, I don't," nangingiting sagot niya dahil parang nahuhulaan na niya kung ano ang isasagot nito.

"Lovers," pairap na tugon.

Napahalakhak siya. Natutop niya pa ang tiyan dahil pulang-pula ang mukha nito.

"Sige, tumawa ka. Kabagan ka sana."

Itinigil niya ang sasakyan sa gilid ng daan. Maluha-luha pa rin siya sa katatawa nang bahagyang bumiling paharap dito. He never laughed hard like that before. Kahit puro kabulastugan ang mga kaibigan niya ay hindi pa siya natawa nang ganoon sa buong panahong magkakasama sila. Para namang manghang-mangha na nakatitig lang sa kanya ang asawa. Hindi niya napigil ang sarili at dinukwang niya ito at mainit na pinaghinang ang kanilang mga labi.

-

frozen_delights















Continue Reading

You'll Also Like

1.2K 122 5
A Second Chance in LOVE
84K 5.5K 10
LANGUAGE: TAG-LISH DUERO LEON DELESTE is a world-champion race car driver. He drives on his own lane at his own speed without apologies. The world is...
218K 650 1
Travis De Marco Andrea Borres was running for her life, three days later she found herself engaged sa lalaking hindi siya mahal. Travis De Marco is...
3.3M 113K 65
Death is my name and Death can be my game. Deathalè at your service.