The Untouchables Series Book...

By frozen_delights

277K 17.2K 2.2K

SPG 18 "There were times I wish I could unloved you so I could save what's left of my sanity. It's a never-en... More

Foreword
Poker Face
The Master
The Black Widow
The Deal
Mrs. Liu
Wedding Night
Hey, Jealousy
Buried Past
YM
Touch
Thief
Boss
Raindrops
The Suspect
Scapegoat
Stuck On You
One Rainy Afternoon
Giddy
Training Day
Perfect
No Pain, No Gain
Skeleton In The Closet
The Pain He Never Knew
Used
Once Upon A Night
I Surrender All
Feverish
Secrets
Piece of Heaven
Presumption of Innocence
Drunk
Consumed by Passion
Never Enough
Happiness
Fate
Unquenchable

The Monster

4.8K 343 27
By frozen_delights

Chapter Thirty

PAKIRAMDAM ni Meredith ay sadya siyang iniiwasan ni Vengeance. Mula nang sabihin niya rito na gusto niya itong makausap ay hindi na halos niya ito nakita nang mga sumunod na araw. Nakita niya ito nang sumapit ang midterms. Pero pagkatapos noon ay lulubog-lilitaw na naman ito na parang kabute. Marami siyang tanong na tanging ito lamang ang makasasagot. At kung totoo man ang palagay niyang umiiwas ito ay hindi siya makapapayag na hindi sila magkausap. Kaya naman isang Sabado ng hapon at makitang lulan ng motorsiklo nito si Vengeance ay naisip niyang sundan ang binata.

Halos natitiyak na niya kung saan ito papunta. Nagpaalam siya kay Lola Miling na may bibilhin lamang na gamit para sa isang project. Agad naman siyang pinayagan.

"Mag-iingat ka," bilin nito na tanging tango lang ang kanyang itinugon.

Pumara siya ng traysikel at nagpahatid sa bungad ng kalsadang paakyat sa diversion road na madalas nilang pag-jogging-an ni Vengeance. Sigurado siyang doon ang punta nito.

Kailangan na niya ng kasagutan sa mga tanong na nagiging dahilan ng pangangalumata niya. Hindi siya napupuyat ng mga aralin niya sa uni pero napupuyat siya nang dahil kay Vengeance.

Pagkaibis ng traysikel ay nilakad na lamang niya ang daan paakyat. Hirap pa ang mga pangkaraniwang sasakyan na akyatin ang bahaging iyon dahil medyo matarik at malubak. Papadilim na. Pero hindi siya masyadong nag-aalala para sa sarili. Kumpiyansa siya na maipagtatangol ang sarili sa sinumang magtatangka nang masama sa kanya.

She reached the top without breaking a sweat. Her body is really used to physical activities now. Hindi tulad noong una na kahit isandaang metro yata ang lakarin niya ay hinihingal at pinagpapawisan na siya.

Malayo-layo pa ay natanaw na niya ang medyo pusikit na liwanag na nagmumula sa pakay na bahay. O gym slash firing range. Hindi niya eksaktong matukoy na bahay iyon dahil mas na parang hideout iyon kaysa ordinaryong tahanan. Now that she thought about it, lalo ng mas nabigyang-diin sa isip niya na may ginagawang mga illegal transactions si Vengeance. Malayo sa karamihan at mukhang nag-iisa lamang sa bahaging iyon ang bahay. Puwedeng-puwede nitong gawin ang kahit na ano sa lugar na iyon nang walang aalalahaning may makaka-witness.

She shakes off that thought. Kahit malakas ang kutob niya na tama ang lahat ng iniisip tungkol kay Vengeance, there's still a part of her that refused to believe. At hindi niya alam kung bakit. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Malapit na siya sa pakay nang makarinig ng malakas na sigaw.

"Huwag po, huwag po. Tulong! Tulungan niyo akooo...!"

Sa halip na matakot para sa sariling kaligtasan ay napamadali ang mga hakbang ni Meredith. Tinunton niya ang pinagmumulan ng boses.

"Tulooong...!"

Kumakabog ang dibdib ni Meredith. Boses ng lalaki iyon. At mahihimigan sa boses nito ang takot at desperasyon. Bahagya na niyang pinaglaanan ng pansin ang ilang sasakyan na nakita sa tabi ng motorsiklo ni V. Naroroon ito katulad ng iniisip niya. Pumasok na siya sa loob kung saan nanggagaling ang sigaw ng lalaki. Ngunit para siyang itinulos sa kinatatayuan nang pagbungad niya ay sumalubong sa kanya ang isang nakagigimbal na eksena. Kitang-kita ng mga mata niya nang barilin ni Vengeance sa ulo ang isang lalaki. He shot the man in cold blood. He didn't even blink. At nang mapadako ang tingin nito sa kinatatayuan niya ay hindi siya nakakilos sa labis na sindak. At nang iumang nito ang hawak na baril sa kanya ay parang biglang nagyelo ang kanyang pakiramdam.

"Vengeance!"

Umalingawngaw ang isang putok. Tila namanhid ang buong katawan ni Meredith. Nasapo niya ang dibdib kasabay ang tila panlalambot ng kanyang mga binti. Gumiray siya sa kinatatayuan. Napapitlag pa siya nang may humawak sa kanyang isang matangkad na lalaki. He looks so beautiful, almost angel-like.

"It's okay, you're safe. We won't hurt you."

We? Noon niya lang napansin ang apat na kalalakihan pa na naroroon. Ang isa'y matangkad din at may matipunong pangangatawan. Iyon ang may yapos kay Vengeance mula sa likuran.

"Snap out of it, V!"

Habang yapos ito ng isa ay isang lalaki na may mahabang buhok ang lumapit sa mga ito at binigyan ng malakas na suntok si Vengeance. Napasinghap siya.

"S-s-sino kayo?" nangangatal ang boses na tanong ni Meredith.

Tingin niya sa mga lalaking naroroon ay hindi nalalayo ang edad kay Vengeance. And they all look military-ish. Matipuno ang mga pangangatawan, pambihira ang mga tindig at taglay na hitsura. Sa madaling salita, walang itulak-kabigin. Sila 'yong tipo ng mga kalalakihang kapag inihalo mo sa karamihan ay mamumukod-tangi. Mukha ring hindi mga Pilipino. O kung may lahi man ay sigurado siyang mas nakalalamang ang dugong banyaga. And just like Vengeance they have that air of danger around them. Like they've been to hell and back. And if they were rubbed up the wrong way, there will be hell's to pay.

"M."

Tila bumalik na sa dating huwisyo si Vengeance. Nang humakbang itong palapit kay Meredith ay imboluntaryong napaatras ang dalaga.

"I'm sorry."

Kahit parang tuyong-tuyo ang lalamunan ay pinilit niyang magsalita. "W-who are you really? What are you? And who are these people."

"They are my friends," nilingon nito ang lalaking may yapos dito kanina katabi ang lalaki na shoulder-length ang itim na itim na buhok--ito 'yong sumuntok kay Vengeance. "This is Torment, and Scythe. The man beside you is Zenith, that's Callous, and Ominous."

Ang dalawang huli nitong nabanggit ang pangalan ay nakatayo malapit sa pinto. The latter smiled while Callous remained stoic.

"Who is that man? Why did you kill him?"

"He used to be my father's employee. He's a chemist. He created the rape drug that is now very popular to sex predators."

"L-law enforcers ba ang mga kaibigan mo?"

She heard them chuckled. When she looked at their faces she saw an amused expression on everyone.

"Can you handle this, bud?" ani Torment nang tapikin sa balikat si Vengeance. "Looks like you have a lot of things to talk about."

Tumango si Vengeance.

"We'll clean up your mess. You can thanked us later," ani Scythe.

"Buhatin mo na," utos dito ni Ominous.

"Bakit ako? Mas malaki ang katawan ni Cal."

"Di ba ikaw ang nagprisinta?"

"Kaya nga sabi ko 'we', di ba?"

"Move it, gentlemen," utos ni Torment.

Parang mga batang napagsabihan ang mga ito na agad nagsikilos. Nakamaang lang si Meredith sa lahat ng iyon. Hindi siya makapaniwala sa nasasaksihan. Hindi siya sinagot ng mga ito sa tanong niya kung mga alagad ba sila ng batas. Pero hindi naman siya bobo, she can read between the lines. And knowing that they could dispose someone as easy as disposing a trash doesn't sit well with her. Gaano man kahirap makamit ang katarungan minsan, naniniwala pa rin siya na tanging ang mga alagad ng batas lamang ang may kapangyarihang magpatupad ng batas. Hindi ang tulad ng mga itong ordinaryong sibilyan lamang.

Nang muling humakbang palapit sa kanya si Vengeance ay napaatras na naman siya.

"I'm sorry about earlier. I must have shocked you."

"That's putting it mildly," naikubli niya sa may likuran ang nangangatal na mga kamay.

Hindi nakasagot si Vengeance at matamang napatitig lamang sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin.

"You know those men who tried to assault me. And I have a feeling you already know me from the get-go."

"Yes. You are my betrothed."

She was expecting it. Yet, it shocked her beyond belief.

"Did you tell them to attack me?" nagtatagis ang mga bagang na tanong niya.

"Scare you a little, yes. But Michael got carried away so I killed him."

Napamaang si Meredith sa sinabi nito. He said it like he just killed an irritating mosquito!

Just what kind of a man did she give herself to?

Napailing-iling siya. "I can't marry you. I will NEVER marry you."

Yumuko ito at namulsa. Nakita niyang tumaas ang isang sulok ng mga labi nito sa isang huwad na ngiti.

"News flash, giliw. That is not for you to decide."

"Watch me."

Inilang-hakbang nito ang kanilang pagitan atsaka mahigpit na hinawakan sa magkabilang punong-braso.

"You are mine from the moment I laid my eyes on you, Meredith Villegas. And someday you will bear my name as well as my children."

"Never."

"Never is a promise, giliw. Remember that."

Itinulak niya itong palayo. Ngunit sa halip na pawalan siya ay yumuko ito at mariing kinuyumos ang kanyang mga labi sa isang agresibong halik!

Kanina'y takot ang lumukob sa kanya para rito. Ngunit ngayon ay galit. Matinding galit na gusto niya itong sampalin at pagtatadyakan. Sa halip na tugunin ang halik nito ay kinagat niya ito sa labi atsaka inangat ang tuhod para tuhurin ito sa pagitan ng mga hita. But looks like he anticipated her move. He pinned her on the wall and grabbed her knee. He brought it up and wrapped her leg around his waist. Idiniin nito ang sarili sa kanyang kalambutan. Napasinghap siya at namilog ang mga mata. Malambot ang tela ng suot niyang jeggings at tumatagos sa kanyang balat ang pagkiskis ng namumurok nitong harapan!

"N-no. Let go," ipinilig niya ang ulo nang subukan siya nitong muling halikan. 

Akala niya ay titigil ito sa ginawa niyang pagtutol. Pero sa halip ay umiba lang ng direksyon ang bibig nito at lumapat iyon sa kanyang leeg. Mariin siya nitong siniil doon ng halik na dagling nagpahilakbot sa kanya. It will definitely leave a mark!

"You fucking bastard! I hate you, I hate you, I hate you! Bitiwan mo ako," nagpumiglas siya. Kahit ipit-ipit siya nito sa dingding ay ikiniwal niya ang katawan para makawala.

"You're making me hard. Stop wriggling or I will do you here. I don't care if my friends are just outside that door."

Para siyang nanigas sa kinatatayuan. Narinig niya ang marahas nitong paghugot ng hininga bago isiniksik ang mukha sa kanyang leeg.

"You're mine, M. I already marked you from head to toe."

"You may have possessed my body but that doesn't mean I'm yours. My heart already belongs to someone. And that someone will never be you."

Tila ito natigilan sa sinabi niya. Mayamaya ay dahan-dahan itong umalis mula sa pagkakasubsob sa kanyang leeg. Tumuwid ito ng tayo at may ilang saglit na pinakatitigan ang mukha niya. His lips tugged at one corner with his infamous smirk. Then he caressed her cheek with his knuckles.

"It's getting late. Ihahatid na kita."

"I don't wanna be with you. Kaya kong umuwing mag-isa."

"Magpapahatid ka sa akin o hindi ka na makakauwi kahit na kailan? You choose."

"You're..."

"Handsome? Alam ko na 'yan. Let's go," pinagsalikop nito ang kanilang kamay kahit ayaw niya.

"You're a monster."

"I know. But remember, this monster took you to heaven tirelessly."

That shuts her up.

.

MEREDITH was in turmoil after learning the truth from Vengeance. Nakakatawang isipin na naglayas siya para matakasan ang pagpapakasal dito. Pero sa huli ay ito rin pala ang kababagsakan niya. Ang unang naisip niya ay muli itong takasan, ang muling magpakalayo-layo. Ngunit paano ang pag-aaral niya? Saan siya pupunta?

She decided to keep the truth from her mother and from Lola Miling. Siguradong mag-aalala lang ang mga ito ngunit wala rin silang magagawa. Her hands were tied but she's not completely crippled. Pinagana niya ang utak kung paanong matatakasan ang sitwasyong iyon. Papalapit na ang kanyang kaarawan. As soon as she turned eighteen may palagay siyang maseselyuhan na rin ang kalayaan niya. Iyon ang kasunduan sa pagitan ng tatay ni Vengeance at ng kanyang ama.

Gulong-gulo ang isipan niya. To make matters worst, naging open na ang pagbabantay at pag-alalay sa kanya ni Rocky na kahit sa uni ay bantay-sarado siya. Wala na itong kailangang itago. Noong una ay ipinaramdam niya rito ang inis niya katulad ng inis niya kay Vengeance. Na hindi rin naman nagtagal at naging tampo na lang. Mabait kasi ito. Mabiro. Kahit madalas ay hindi niya kinikibo ay panay lang ang kuwento. At isa sa mga kuwento nito ang nakapukaw ng kanyang kuryosidad. Vengeance was mistreated by his mother when he was just a kid. Sa tuwing nasa biyahe raw ang ama nito ay madalas itong pagbuhatan ng kamay ng ina. Nahinto lamang iyon nang magkaroon na ng sapat na kaisipan si Vengeance at natutong ipagtanggol ang sarili.

"Kaya sana minsan, maintindihan mo kung bakit parang may multi-personality si Young Master," dagdag pa ni Rocky.

"He kills without remorse."

"Siguro ay dahil wala ring kunsensya ang mga taong pinapatay niya."

May bigla siyang naalala. "Did he... did he kill Mulong?"

Bahagya lamang ikiniling ni Rocky ang ulo na parang sinasabi na siya ang bahalang magpasya kung ano ang paniniwalaan niya. She was dumbfounded. Bagama't walang tahasang pag-amin ay halos nasisiguro niyang tama ang kanyang hinala.

Malapit na sila sa inuuwiang bahay nang matanawan ni Meredith ang pamilyar ni bulto ni Vengeance. May kausap ito sa cellphone habang nakatayo malapit sa tindahan. Siya kaya ang hinihintay nito? Sa mga nakalipas na araw ay bihira itong pumasok ng uni. Pumapasok lang yata ito kapag may exam.

Pagbaba niya ng kotse ay awtomatiko itong nagbaling ng tingin sa direksyon niya. Their eyes locked for several seconds bago niya nakita ang tila panic sa mga mata nito. And then the next thing she knew he was pulling her inside the comfort of his arms before she smell the foul odor of a chemical.

Kaybilis ng mga pangyayari. Nakita niya ang mabilis na pagdalo ni Rocky sa kanilang dalawa ni Vengeance. Nakita niya na parang may umuusok sa likuran ng suot na leather jacket nito. At nang mahubad iyon ng binata sa tulong ni Rocky ay halos mabutas ang gitnang bahagi ng jacket sa kung anong chemical na isinaboy roon.

"Ay, ano ang nangyari?"

"Si Suzy ba 'yon?"

"Tumawag kayo sa barangay."

"Nasiraan na ba ng bait ang babaing 'yon?"

Iyon ang sari-saring komento ng mga nakakita. Ngunit wala roon ang atensyon ni Meredith. Nakatingin siya sa batok ni Vengeance na nahagip ng tilamsik ng kemikal.

"Water, Rocky. Kumuha ka ng tubig," utos ni Vengeance.

Maliksing pumasok ng sasakyan si Rocky at kinuha ang isang bote ng natira nitong inumin.

Parang may kumurot sa puso ni Meredith nang makita ang tinamong injury ni Vengeance. Tingin niya ay kasinlaki ng sampung pisong barya ang nalapnos nitong balat. And judging the expression on his face it was excruciatingly painful. It should have been her. Pero katulad ng madalas mangyari, sinagip na naman siya nito sa disaster. That should have convince her to marry him. Na tanggapin na lamang nang maluwag sa kalooban ang pagpapakasal dito. Ngunit hindi iyon ang nangyari. A day after she turned eighteen, she married her best friend Ramil Zamora in a civil wedding.

-

frozen_delights






Continue Reading

You'll Also Like

218K 650 1
Travis De Marco Andrea Borres was running for her life, three days later she found herself engaged sa lalaking hindi siya mahal. Travis De Marco is...
3.3M 113K 65
Death is my name and Death can be my game. Deathalè at your service.
1.4M 45.4K 63
Astreille knew her capability as a hacker and how her strength in that field can ruin someone else's life. For years, aside from writing stories, she...
84K 5.5K 10
LANGUAGE: TAG-LISH DUERO LEON DELESTE is a world-champion race car driver. He drives on his own lane at his own speed without apologies. The world is...