The Untouchables Series Book...

By frozen_delights

278K 17.3K 2.2K

SPG 18 "There were times I wish I could unloved you so I could save what's left of my sanity. It's a never-en... More

Foreword
Poker Face
The Master
The Black Widow
The Deal
Mrs. Liu
Wedding Night
Hey, Jealousy
Buried Past
YM
Touch
Thief
Boss
Raindrops
The Suspect
Scapegoat
Stuck On You
One Rainy Afternoon
Giddy
Training Day
Perfect
No Pain, No Gain
Skeleton In The Closet
The Pain He Never Knew
Used
Once Upon A Night
I Surrender All
Feverish
Secrets
Piece of Heaven
The Monster
Drunk
Consumed by Passion
Never Enough
Happiness
Fate
Unquenchable

Presumption of Innocence

5.7K 336 35
By frozen_delights

Chapter Twenty-Nine

MASAYA si Meredith nang muling makausap ang Mommy niya. Bitin nga lamang ang oras ng pag-uusap nila dahil may palagay raw itong sinusubaybayan ng Daddy niya ang mga kilos nito. She's using a burner phone for precautionary measures. Hindi rin daw ito sigurado kung sino sa mga taong nakapaligid dito ang mapagkakatiwalaan. She's wary even to her personal assistant. Nakita raw kasi nito iyong masinsinang kausap ng kanyang ama. Tila pinagbibilinang mabuti na bantayan ang mga kilos ng Mommy niya.

"You'll be turning eighteen soon," may lungkot na pahayag ng kanyang ina. "I really hope we can be together on that special day."

"I hope so, too, Mommy."

"Pero iyon din ang araw na nakatakda para sa katuparan ng kasunduan ng Daddy mo sa ama ng lalaking ipakakasal sa'yo."

Nakuyom ni Meredith ang kamao. "Do you have any idea who this man is?"

"Kung tama ang pagkakatanda ko sa pangalan no'ng business partner ng Daddy mo, he's name is Harry. He's a Chinese businessman."

"Chinese?" hindi niya alam kung bakit. Pero biglang sumagi sa utak niya ang mukha ni Vengeance. "Natatandaan niyo ba kung ano ang apelyido niya? O ang pangalan ng lalaking ipinagkasundo ni Daddy sa akin?"

"I forgot. Pero iisipin kong mabuti at ite-text ko sa'yo." 

"Please do, Mom. Gusto kong malaman kung sino ang taong ito para at least alam ko kung sino ang dapat kong iwasan. I'm sure they know what I look like." Samantalang siya, baka nakakabangga na niya iyon ay wala pa siyang ideya na iyon pala ang taong dapat niyang iwasan.

May ilang sandali pa silang nag-usap na mag-ina. At bago ito nagpaalam ay mahigpit itong nagbilin na mag-iingat siya.

"Kung sana lang ay puwede kitang ipakasal sa kahit na sino para matakasan ang manipulasyon ng Daddy mo ay ginawa ko na," ang tila wala sa loob lamang na sabi ng Mommy niya bago naputol ang dulong linya.

Matagal niyang pinag-isipan iyon. Posible niya nga kayang matakasan ang manipulation ng Daddy niya kung magpapakasal siya sa iba? Pero ang malaking question mark ay sino naman ang pakakasalan niya.

Napahinga siya nang malalim at nanungaw sa bintana. Gawain na niya iyon sa tuwing siya'y nag-iisip nang malalim. At sa Purok 6 kahit alas-diyes na ng gabi ay marami pang pakalat-kalat sa kalye. Mukhang na-adapt na rin niya dahil sa kabila ng ingay at minsan ay may rambol pang nagaganap ay hindi na siya nagugulat na gaya noong unang araw niyang dating doon. Musika na nga yata sa tenga niya ang ingay sa paligid. Maging ang pagbubunganga tuwing umaga ng kapitbahay nila sa mga anak nitong batugan ay kinasanayan na rin niya. At parang alarm clock niya na rin.

Nakatingin si Meredith sa mga kabataang naglalaro sa gitna ng kalye nang matawag ang pansin ng dalawang lalaking naglalakad sa gilid ng kalsada. Dahan-dahan siyang napatuwid atsaka bahagyang kumubli sa tabi ng bintana habang nakasunod ang tingin sa mga iyon. Takot ang una niyang naramdaman pagkakita sa dalawang lalaki. Na walang iba kundi ang mga taong muntik ng humalay sa kanya nang unang apak niya pa lamang sa Purok 6. Ngunit kasunod ng takot ay may umusbong na galit sa kanyang dibdib. Ang katulad ng mga ito ay hindi dapat na hinahayaang magpakalat-kalat sa kalye.

Kusang kumilos ang kanyang mga paa. Bago pa makuwestyon ni Meredith ang sarili kung ano ang kanyang ginagawa ay kinuha niya ang Taser bago lumabas ng silid at bumaba ng bahay. Nasilip niya sa may dining table si Lola Miling na bahagyang nakakunot ang noo habang may inililista sa maliit na notebook. Hula niya ay naglilista ito ng mga bibilhin kinabukasan papuntang palengke. Kunot ang noo nito at bahagyang naniningkit ang mga mata habang nagsusulat sa kuwaderno. Malabo na kasi ang paningin nito pero ayaw pa ring magpasalamin. Naisip niyang pagdating ng sembreak ay sasamahan niya ito sa ophthalmologist para mapasalaminan. Marami pa naman siyang ekstrang pera palibhasa nga ay parati siyang libre sa miryenda at pamasahe dahil kay V.

Nang maisip na naman ito ay nag-init ang kanyang mukha. She told herself na hindi na mauulit ang namagitan sa kanila nang gabing iyon sa memorial park. Pero nahalikan lang siya ay limot niya na ang lahat.

Ipinilig ni Meredith ang ulo at ipinokus ang utak sa bagay na nakatakdang gawin. Balak niyang ipadampot sa mga pulis ang dalawa sa tatlong lalaki na nagtangka nang masama sa kanya. Mabuti na lamang at malapit sa kanila ang pinuntahan ng mga ito, hindi na siya nahirapang tuntunin ang direksyong pinasukan ng dalawang lalaki. Napahinto siya sa paglalakad nang makita niya ang mga itong tumigil sa tapat ng isang mataas na gate. Mataas ang bakod niyon at may barbed wire sa itaas. Hindi basta-bastang mapapasok ng mga trespassers. Pero sino naman ang nakatira sa ganoong lugar?

Tila sagot sa katanungan ni Meredith ang taong nagbukas ng pedestrian gate. Si Rocky. Diyata at kilala ni Rocky ang dalawang lalaki na nagtangka sa kanya?

Mabilis siyang nagkubli nang sa palagay niya ay mapapagawi ang tingin ni Rocky sa pinagkukublihan niya.

"Ano ang ginagawa niyo rito? Hindi ba't kabilin-bilinan ni Boss na huwag kayong basta na lamang susulpot dito sa teritoryo niya?"

Boss? Natigilan si Meredith mula sa pinagkukublihan. Isa lang ang alam niyang tinutukoy ni Rocky ng Boss. At iyon ay walang iba kundi si...

"Ano ang kailangan niyo?"

"Boss!" halos sabay pang yumukod ang dalawang lalaki sa taong lumabas mula sa may likuran ni Rocky.

Si Vengeance.

"Hindi ba malinaw ang bilin ko?" tanong ni Vengeance sa mapanganib na tono.

Sapat ang distansya mula sa kinatatayuan ni Meredith para makita niya ang malamig ngunit tila nagbabadya ng panganib na aura ni Vengeance.

"O kailangan kong ipaalala sa inyo kung ano ang mangyayari kapag hindi nasunod ang utos ko?"

"Pasensya na, Boss, pasensya na," paulit-ulit na yumukod ang dalawang lalaki. Kulang na lang ay magpatirapa ang mga iyon sa harapan ni Vengeance habang humihingi ng dispensa.

"Scram."

"Boss?" tila naguguluhang napatanga ang dalawang goons.

"Magsilayas na kayo," mabilis na sabi ni Rocky.

Hindi na iyon kinailangan pang ulitin ni Rocky at parang mga insektong mabilis na nagkumahog paalis ang dalawang lalaki.

Mabilis namang ikinubli ni Meredith ang sarili sa katawan ng isang puno. Mabuti na lamang at gabi, hindi kaagad siya napansin nang madaanan ng mga ito.

"Ang laki talaga ng kaibahan ni Boss Harry sa anak niya, ano?" wika ng una. Nakiskis pa niyon ang isang braso na parang kinikilabutan.

Ang balak na paghakbang ni Meredith pasunod sa mga ito ay naudlot. Harry? She dismissed the thought. Maraming tao ang nagkakapareho ng pangalan. Sa Pilipinas na lang, ilang tao ba ang may pangalan na nag-uumpisa sa Maria o Jose?

Sa isiping iyon ay disimulado siyang naglakad pasunod sa mga ito. She remained at a safe distance from where she could still hear their conversation.

"Terible si Boss, 'no?" sabi no'ng isa.

"Sinabi mo pa. Tingin niya pa nga lang nangangatog na ang mga tuhod ko."

"Malupit din si Boss Harry. Nakita ko na kung paano siyang magparusa. Pero kung paghahambingin sila ngayon ni Boss V, masasabi kong tupa si Boss Harry kumpara sa anak niya."

"'Yong totoo. Muntik na akong maihi sa salawal nang barilin niya nang wala man lang kakurap-kurap si Michael. Tangina, p're. Hanggang ngayon para pa rin akong mau--"

"Shh!" nag-aalalang tinakpan ng lalaki ang bibig ng kasama atsaka parang nag-aalalang nagpalinga-linga sa kanilang paligid na parang natatakot itong may nakarinig sa ipinagdadaldal ng una.

Si Meredith na nakikinig sa usapan ng dalawa ay disimuladong yumuko at kunwaring may pinupulot sa lupa. Hindi siya nag-angat ng tingin hangga't hindi niya naririnig ang papalayong yabag ng mga ito. Marahan niyang pinawalan ang paghinga na hindi niya napansing pigil-pigil niya hanggang sa makalayo ang dalawang lalaki.

She took out her cellphone. Balak na niyang tumawag sa police hotline nang bigla siyang matigilan. She can't report the incident that happened to her few months ago. Mauungkat ang nangyari at kung sino ang biktima.

"Shit," mahinang mura niya saka napatutop sa noo.

Ibabalik na sana niya sa bulsa ang cellphone nang tumunog iyon at pumasok ang isang text message.

Liu. Your father's business partner's full name is Harry Liu. I heard he died several years ago. But his son demands that your father should keep his end of the bargain.

Muntik ng mabitiwan ni Meredith ang cellphone pagkabasa ng message mula sa Mommy niya. Hindi kaagad siya nakakilos mula sa kinatatayuan. Tanga ba siya kung iisipin niyang isang malaking coincidence pa rin ang lahat? Isa pang malaking katanungan sa isip niya ay ang nasaksihan niyang pakikitungo ni Vengeance sa dalawang lalaki na muntikan ng humalay sa kanya. Bakit nang gabing magsanga ang landas nila ay umakto itong tila hindi kilala ang tatlong lalaki na iyon? Nagpanggap lamang ba ito? Inutusan ba ni V ang mga goons nito na harass-in siya? At pagkatapos sa huli ay pinasakay siya sa drama ng mga ito na kunwa-kunwariang pagliligtas sa kanya?

Parang sasabog ang ulo niya sa pagsasalimbayan ng mga katanungan doon. Did he play her for a fool? If he did, he played her good. And the most galling thing of it all, she surrendered her innocence to the man she was supposed to detest.

Nakuyom niya ang mga kamay. Gusto niyang komprontahin si Vengeance sa mga sandaling iyon. Ang alamin mula mismo sa mga labi nito ang katotohanan. Ngunit parang bigla siyang nanghina. She remembered the times they were together. Alin sa mga ipinakita nito sa kanya ang totoo at alin ang hindi?

Nakapasok siya sa bahay na tila lutang ang pakiramdam. Nagulat pa si Lola Miling nang makita siya. Ang buong akala raw nito ay nasa kuwarto lang siya at natutulog na.

"May kinausap lang po ako sa labas, Lola."

"Si YM?" tila may panunuksong tanong ng dating yaya.

"Hindi ho. Aakyat na po ako sa kuwarto, marami pa akong aaralin para sa quiz namin bukas."

"Sige. Gusto mo bang igawa kita ng mamimiryenda mo mamaya?"

"Hindi na ho. Hindi naman ako masyadong magpupuyat. Matulog na rin po kayo dahil maaga pa kayong aalis bukas."

"Oo, papanhik na nga rin ako."

"Good night po."

"Good night."

Nang makapasok sa kanyang silid ay tulalang napatingin lang si Meredith sa kawalan.

Liu. Harry Liu. Vengeance Liu.

Naihilamos niya ang dalawang palad sa mukha. Her brain is still refusing to believe what she just learned from her mother. Pero ano iyong nasaksihan at narinig niya kanina?

Dinampot niya ang kanyang tab at binalikan ang notes na binabasa kanina bago tumawag ang ina. Pinilit niyang iwaksi muna ang mga gumugulo sa utak at itinuon ang isip sa mga reading materials na nasa harapan niya. May dalawang quiz siya kinabukasan. At bagaman maganda ang standing ng mga grades niya ay ayaw niyang bumaba maski isang puntos ang mga iyon.

Sabi niya kay Lola Miling ay hindi siya magpupuyat. Pero mag-iikaapat na ng madaling-araw siyang nakatulog. Hindi sa pag-aaral kundi sa pagpapasalit-salit ng maraming isipin. Nang katukin siya ni Lola Miling para sabihing nasa baba na ang kanyang sundo ay naghalu-halo ang kanyang nararamdaman. But nothing is concrete yet until she hears it from its main source.

Presumption of innocence, she thought.

With that resolve she picked up her things and went out of her room. 

Nang magtama ang tingin nila ni Vengeance ay may kung anong damdamin ang tila biglang nagpatigil sa pintig ng puso niya.

"Ayos ka lang?" he asked when he opened the door for her.

She nods her head instead of saying yes. Pakiramdam niya ay lalabas na boses-palaka ang kanyang boses dahil sa biglang panunuyo ng lalamunan.

"Nag-breakfast ka ba?" tanong pa rin nito nang makaupo siya.

Again, she just nods her head.

"Puyat ka ba?"

She let out an exasperated sigh. He raised his two hands as if to say he won't bother her again. Ipinukol niya ang tingin sa labas at ilang saglit na pinag-isipan ang sasabihin.

"Puwede ba tayong mag-usap mamaya?"

"You sound very serious. Are you pregnant?"

Mabuti na lamang at hindi siya ang nasa harapan ng manibela. Kung nagkataon ay baka naibangga niya nang wala sa oras ang kanilang sinasakyan. Si Rocky na tahimik lang pero alam niyang lihim na nakikinig sa usapan nilang dalawa ay kita ang pagkamaang sa hitsura.

"I'm not," sagot niya na may kalakip na panlalaki ng mga mata.

Sigurado naman talaga siya na hindi buntis.

"Bummer."

"What did you say?"

"Nothing. Magkita na lang tayo mamaya sa canteen."

Tumango siya. Naghiwalay sila na wala ni anupamang sinabi rito. Mabilis na lumipas ang mga oras. Nauna siya sa puwestong madalas nilang okupahin ni Vengeance nang sumapit ang break niya. She was ten minutes early. Matapos ang kanilang quiz ay pinalabas na sila ng kanilang prof.

Inihahanda na niya ang sarili sa mga katanungang ibabato kay Vengeance. But then her cellphone beeped.

Sorry. I think we need to reschedule that talk. Something came up.

Isang malalim na paghinga ang pinawalan ni Meredith. At the back of her mind she knew it was a sigh of relief.

Hanggang sa sumapit ang uwian ay walang Vengeance na dumating. As usual ay si Rocky ang sumundo sa kanya. But she noticed something about his demeanor. He was awfully quiet. At sa palagay niya pa nga ay tahimik itong nakikiramdam. Gayong kadalasan naman ay pulos ito kalokohan.

"May nangyari ba sa Boss mo?" she asked thinking it was the reason why he's not in talkative mode.

"Hindi ba nag-message sa'yo?" buweltang tanong nito.

"Something came up daw. I thought you knew since he's your boss."

Kibit ng balikat ang tanging itinugon nito.

"So, how long have you been working for Vengeance?"

"Simula nang magkaisip ako parte na kami ng mga tauhang naninilbihan sa kanila. Maagang namatay ang aking ama na agad sinundan ng nanay ko ilang buwan lang pagkaraan. Boss Harry took us under his wing and provided everything we needed."

"Puwede ko bang malaman kung ano ang negosyo ng kanyang ama? O ni Vengeance?"

"Sa aking palagay mas maganda kung si YM na lang ang sumagot tungkol d'yan."

"Does it involve drugs?"

"I'm afraid I can't answer that, Madam."

"Alam mo kung sino ako, tama ba?"

"Again, I can't answer that."

Isang matalim na tingin ang ipinukol ni Meredith sa kausap. It's like trying to wring out water from a marble stone. Dapa pa ba niyang pagtakhan iyon?

Nang magtanong ito kung gusto niyang magmiryenda ay hindi siya sumagot. Idineretso na lamang siya nito sa bahay.

Pagdating doon ay isang panauhin ang naghihintay sa kanya.

"Ram," para siyang nakakita ng tagapagligtas na agad yumakap dito nang salubungin ng kaibigan.

Ngunit tulad niya ay may mabigat din na suliranin ang matalik na kaibigan.

"Nahihirapan na ako, Deth. Nahihirapan na akong itago ang totoo."

Alam niya kung ano ang tinutukoy nito. At sa totoo lang ay hindi niya alam kung ano ang maipapayo rito.

"Sa mata ng tao at sa batas na ipinatutupad ng ating lipunan, alam mong hindi puwede," aniya sa kaibigan.

"I know. And it's fucking frustrating dahil mutual ang nararamdaman namin."

"Ipinagtapat mo na sa kanya?"

"Yes. At may nangyari na sa amin."

Napasinghap siya.

"At sigurado akong mauulit pa iyon."

"Oh, God. Are you friggin' insane?"

"Mahal na mahal ko siya. At mahal niya ako. For me, that is all that matters."

"You're crazy."

"No. I'm in love."

Napailing siya sa katwiran nito. Para sa kanya ay hindi sapat na dahilan 'yon. Lalo pa nga at sa maikling panahon na lamang ay tiyak na magiging isang abogado na ito.

"You'll do the craziest thing in the world once you fall in love," dagdag pa nito.

"That's rubbish."

"Sinasabi mo lang 'yan ngayon, pero kapag pinana ka na ni Kupido duda ako kung masasabi mo pa 'yan."

"Kaya inilagay sa mas mataas na parte ng ating katawan ang utak ay para mas mangibabaw ang isip kaysa damdamin."

"We'll see."

Matagal siyang napatitig sa kaharap. Hindi pa nga ba?

"May sasabihin ka?"

She opened her mouth to speak but words eluded her. She just clamped her mouth shut and shook her head.

"Nothing."

-

frozen_delights











Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 45.6K 63
Astreille knew her capability as a hacker and how her strength in that field can ruin someone else's life. For years, aside from writing stories, she...
149K 7K 15
***WRITTEN IN TAG-LISH*** SHE'S AN ADDICTION HE CAN'T AFFORD. DAX, a man of mysterious past turned highly-paid Stealth agent is doing a good friend a...
63.3K 5.3K 19
Rom-com PHR 2011 published book
1.6M 62.7K 37
Lucienne Simons, also known as Lush Fox, is a best-selling mystery writer who is worshipped by millions of her fans. Everyone is eager to find out wh...