The Untouchables Series Book...

By frozen_delights

278K 17.3K 2.2K

SPG 18 "There were times I wish I could unloved you so I could save what's left of my sanity. It's a never-en... More

Foreword
Poker Face
The Master
The Black Widow
The Deal
Mrs. Liu
Wedding Night
Hey, Jealousy
Buried Past
YM
Touch
Thief
Boss
Raindrops
The Suspect
Scapegoat
Stuck On You
One Rainy Afternoon
Giddy
Training Day
Perfect
No Pain, No Gain
Skeleton In The Closet
The Pain He Never Knew
Used
Once Upon A Night
I Surrender All
Secrets
Piece of Heaven
Presumption of Innocence
The Monster
Drunk
Consumed by Passion
Never Enough
Happiness
Fate
Unquenchable

Feverish

5.9K 446 39
By frozen_delights

Chapter Twenty-Six

"HOW is she? Is she going to be okay? Do I need to bring her to a bigger hospital?"

Marahang nagmulat ng mga mata si Meredith at sinulyapan ang nakatalikod na bulto ni Vengeance kausap ang babaing doktor na tumingin sa kanya. She fainted a while back pagkatapos ng hindi na niya mabilang na beses na pag-angkin nito sa kanyang katawan. At nang magising nga siya ay kasama niya na ang isang doktora at sinusuri siya. She felt sore and feverish. Nanginginig siya at nanlalata. Mata niya lang yata ang kaya niyang igalaw habang nakahiga sa hospital bed. 

She asked her several questions that made her blush to the tips of her toes. And lastly she asked if Vengeance forced himself on her. Mahinang 'no' ang naging sagot niya dahil iyon naman talaga ang totoo. She voluntarily offered herself to him. For what stupid reason that was beyond her. 

"It was her first time, Mr. Liu. What do you expect?" mapakla ang ekspresyong saad ng medyo may-edad ng doktora. Tantiya ni Meredith ay hindi ito nagkakalayo ng edad at ang Mommy niya.

Napapikit siya nang maalala ang ina. Ano na lamang ang sasabihin nito kung malalaman ang kapusukang ginawa niya?

"A full marathon sex is a big no-no for a first timer. You should know that because I'm sure you are no longer wet behind the ears," sagot ng doktora na pinahapyawan ng hagod ng tingin ang binatang kaharap mula ulo hanggang paa. 

Sa tingin ni Meredith ay bahagya pang tumutok ang tingin niyon sa pagitan ng mga hita ni Vengeance. Hinuhulaan kaya nito kung gaano kalaki ang armas na nakakubli roon? O may ideya na ito.

"Sometimes looks can be very deceptive. Tsk, tsk, tsk."

"She'll be fine, right?" tila hindi apektadong tanong muli ni Vengeance.

"A complete bed rest for a few days and she'll be fine. But that doesn't mean she's fully healed by then. No sex for at least a couple of weeks. If possible, make it a full month."

Nang dumapo ang tingin ng doktora kay Meredith ay parang gusto na niyang magpalamon sa kama sa labis na kahihiyan. Mabuti na lamang at mukhang isang pribadong klinika lamang iyon at hindi siya dinala ni Vengeance sa isang malaking pampublikong ospital. Kung nagkataon ay isang napakalaking kahihiyan ang sandaling iyon sa buhay niya. 

"Now, please follow me para sa kanyang reseta at nang makainom na siya ng gamot."

Bago sumunod sa lumabas na doktora ay nilingon muna ni Vengeance si Meredith.

"I'll be right back."

Bahagyang tango ang tanging naitugon niya rito. Pati pagtikom ng kanyang mga hita ay masakit. Nangalay nang husto ang kanyang mga singit-singit kaya kahit munting galaw niya ay makirot. Pero ang pinakasentro ng sakit at dahilan ng mataas niyang lagnat ay ang nasa pagitan ng kanyang mga hita. Her vaginal tissues had some cuts and was severely battered--ang term na ginamit ng doktora. Which led the doctor to the question if Vengeance forced her to have sex with him. To which she denied right away.

It was already morning. She noticed the first ray of sunshine just outside her window. Magdamag siyang hindi umuwi. Tiyak na nag-aalala na sa kanya si Lola Miling. Napaisip siya kung ano ang puwede niyang maidahilan kung bakit hindi agad nakauwi. Nangako pa naman siya na hindi magtatagal sa pupuntahan. Pero hayun at hindi na nga siya nakauwi, nakaratay pa sa ospital dahil hindi makapaglakad nang maayos. Kahit ang pumunta sa banyo ay hindi niya kayang gawin. Tulad ng mga oras na iyon, ihing-ihi na siya. Gusto niyang mapaiyak sa sakit nang kumilos at tangkaing bumangon.

"Be careful," ani Vengeance at nagmamadaling lumapit sa kanya para alalayan siya.

"Ang sakit-sakit," naiiyak na sabi niya rito habang mariing magkalapat ang mga ngipin.

"Shh, it's okay, it's okay," niyakap siya nito at parang munting bata na inalo.

"It's not okay!" pasikmat niyang sagot atsaka ito pinagsusuntok sa likuran. "You don't even have the slightest idea how painful it is dahil wala ka namang vajayjay!"

She heard a slight rumbling from his chest.

"Nakakatawa 'yon? Nakakatawa ba 'yon, ha?" lalo niya itong pinagsusuntok. Hindi pa siya nakuntento roon at kinagat din ito sa balikat.

Wala siyang narinig ni ga-putok na reklamo mula rito. Nagpatuloy lang ito sa paghagod ng kanyang likod habang ginagawa niya itong punching bag. Nang magsawa ay napahikbi na lang siya.

"I... n-need to pee," humihikbing sabi niya.

"I'll carry you to the bathroom."

Kaagad niyang ipinulupot ang mga braso sa batok ni Vengeance nang buong ingat nitong buhatin. Ilang hakbang lang naman ang layo ng comfort room kaya agad siyang nadala nito roon. Ilalapag na sana siya nang mapansin nitong wala siyang tsinelas.

"Just put me down, I need to pee!"

Napilitan itong ibaba siya sa tabi ng water closet. Napasinghap siya at napadaing sa sakit nang sumirit ang kirot sa pagitan ng mga hita niya.

"Shh, easy, easy. Kumapit ka sa akin," para siyang bata na dahan-dahan nitong iginiyang paupo sa toilet bowl.

"Ungh," napadaing siya at mariing napakagat-labi. Wala siyang suot na undies dahil katatapos lang siyang check-up-in ng doktor. "Ooh, God..."

Panay ang daing niya habang pinawawalan ang pamimigat ng bladder. Naghalo na ang pawis, luha, at sipon niya. Halos mapunit na niya ang laylayan ng kamiseta ni Vengeance sa higpit na pagkakayumos niya roon.

"Oooh, I hate you, I hate you. Ang sakit-sakit," patuloy na iyak at hikbi niya.

Nagulat na lang siya nang bigla itong lumuhod habang nakapalibot ang isang braso sa kanyang likuran. He kissed each teardrop that run down her cheeks. Natigil bigla ang pag-iyak niya. Sumisigok na napatitig siya rito. Dinukot nito ang panyo sa backpocket ng suot na pantalon at pinunasan ang butil-butil niyang pawis sa leeg at mukha. Pagkatapos ay ang kanyang luha at sipon na rin.

"Blow your nose."

Wala ng hiya-hiya na ginawa niya ang sinabi nito.

"Do you want to wash?"

Nangamatis yata ang buong mukha niya sa pamumula. Hindi siya makatango o makailing. She really needs to wash dahil mahapdi lalo kung hindi niya mahuhugasan ang maselang parte ng katawan matapos umihi.

"Uh, tissue? Maybe."

"No. Bawal daw punasan ng tissue sabi kanina ni Doc. I need a soft cloth or towel. Nakabili ka na ba ng gamot?"

"Iniutos ko na lang kay Bentley. Wait, I'll call him."

"No need. Just take me home. Titiisin ko na lang at sa bahay na ako maglilinis ng katawan."

"Sigurado ka?"

"Yes."

Hindi naman siya kailangang i-admit doon, ayon na rin sa doktora. Kailangan niya lang inumin ang gamot na inireseta nito at magpahinga. No contact for at least a couple of weeks or a month at most until she's completely healed. As if naman pagbibigyan niya ulit si Vengeance na gamitin ang katawan niya. That would be preposterous! May isang bagay lang na nagbibigay ng takot sa dibdib niya. At kailangan niya itong makausap para sa ikapapanatag ng kanyang isipan.

"Puwede mo bang tawagin ang doktor?" aniya kay Vengeance habang buhat-buhat nito palabas ng banyo.

"Bakit?"

"Basta."

"Sige, sandali lang ako," anito nang mailapag siya nang maayos sa hospital bed.

"Iwanan mo muna kami. Gusto ko kami lang ang mag-uusap."

"Why?"

"It's a girl thing," kailangan niya pa talagang ipagdiinan dito iyon para lang hindi na ito makipagtalo pa.

"Uh, okay. May ipabibili ka ba? Food or anything you like to eat. I'm sure you're hungry."

Sigurado siyang wala itong ibang ibig sabihin sa huli nitong sinabi. But she blushed all the same. Their full marathon sex drained all her energy. Baka nga isa pa iyon sa dahilan kung bakit nanginginig pa rin hanggang sa mga sandaling iyon ang mga binti niya.

"I-I want something with veggies and soup," nauutal na sagot niya.

"I got it. Tatawagin ko na ang doktor."

Tumango lang siya.

Pagkalabas ni Vengeance ay hindi naman nagtagal at pumasok na nga ang doktorang sumuri sa kanya. She looks familiar. Parang may nakakahawig itong artista na napapanood niya sa telebisyon ni Lola Miling. Iyon lang kasi paminsan-minsan ang libangan niya sa Purok 6. Minsan ay magkasama pa silang nanonood kapag wala masyadong bumibili--o 'yong tinatawag ni Lola Miling na 'patay na oras'.

Malaking babae ito at mukhang masungit. Ang mga kilay nito ay parang iginuhit lamang ng lapis, manipis at prominenteng nakaarko. Giving her that mataray look. Ang laki-laki pa ng boses na medyo paos at parang laging sarcastic kung magsalita.

She really look like that kontrabida actress, saisip-isip niya pa bago sinabi rito ang concern. "I know this may sound stupid, Doc, because I dived into it head first without thinking of the consequences. What are the chances of me getting pregnant?"

Umiling-iling ito. And somehow her face softened when she sat down next to her. "Kayo talagang mga kabataan laging inuuna ang kapusukan. When was your last period?"

Sinabi niya rito ang huling araw na natatandaan niya.

"Regular ba ang menstruation cycle mo?"

"Yes, Doc."

"Then, you have nothing to worry. You're safe. Maliban na lang kung isang miracle worker si Liu then expect the stork bird after nine months."

Medyo nakahinga siya nang maluwag.

"Would that be all?"

"Y-yes po."

"If you have more questions, this is my calling card."

Nakangiting tinanggap niya ang maliit na tarheta. 

Dr. Odette Kee. Obstetrician-Gynecologist.

Even her name sounds awfully familiar, saloob-loob niya.

Nang balikan siya ni Vengeance ay hindi na rin sila nagtagal. Na-settle na raw nito ang kanyang bill kaya puwede na silang umalis. Ngunit bago lumabas ay sinuotan siya nito ng bull cap. May dala rin itong malong na maingat na isinuot sa kanya. Pero sa huli ay hindi nito alam kung paanong ibubuhol para hindi malaglag.

"Ako na," aniya.

Hinayaan na nga siya nito.

"Saan ka kumuha ng mga ito?" tanong niya nang buhatin na siya para ilabas.

"Bentley bought it. The cap is mine."

Napansin niyang nakapagpalit na rin ito ng pang-itaas. He's wearing a branded polo shirt.

"By the way, where is Rocky? Bakit hindi siya ang kasama mo?"

"Pinasamahan ko sa kanya si Nanay Miling."

"Ano ang sasabihin ko kay Lola?" wala sa loob na naibulalas niya. Ayaw niyang magsinungaling sa dating yaya dahil para na niya itong totoong abuela. Hindi niya naranasan sa mga totoong lolo at lola ang pag-aarugang ibinigay nito sa kanya. 

"Leave everything to me."

"What are you going to do?"

"Tell her the truth."

"Ano?!"

"With some twist on it, of course."

"You mean omitting some truth and adding some lies."

"Something like that."

She didn't argue with him. She decided to let him handle the matter. Nilalagnat pa rin siya at mas gusto niya na lang ang magphinga. Aligagang pinagbuksan sila ng pinto ng kotse ni Bentley. Hindi na iyon ang kotseng gamit nila nang nagdaang gabi. Maingat siyang inilapag ni Vengeance. Nagulat pa siya nang may malambot na unan doon.

"You can sit on it para maging comfortable ka."

Iyon nga ang ginawa niya. Somehow it made their journey bearable. Gusto na rin sana niyang matulog pero pinilit siya ni Vengeance na kumain ng take out food na dala ni Bentley. Burger iyon mula sa isang kilalang fast food.

"Just a couple of bites. Come on, para makainom ka na ng gamot."

Tinanggap niya ang pagkaing isinusubo nito sa kanya. She took more than a couple of bites dahil gutom na talaga siya. 

"Chew it slowly."

Sinamaan niya ito ng tingin. No comment lang naman ito atsaka binuksan ang distilled water bago iniabot sa kanya. Muntik pa siyang masamid nang uminom. Gutom, uhaw, pagod, sakit ng katawan, at mataas na lagnat. Ano pa kaya ang susunod na mararanasan niya sa lalaking ito?

"Ikaw na ang umubos niyan," tukoy niya sa natirang burger na hawak nito. "I'm really sleepy."

"No problem," isinubo nito ang natirang burger atsaka ibinigay sa kanya ang gamot na iinumin niya.

She took the meds and swallowed. Nang mainom ang gamot ay wala na siyang pakialam sa paligid at nagpatangay na sa antok at pagod. Hindi na niya namalayan kung gaano katagal ang naging biyahe nila o kung anong oras siyang naihatid ni V. Nang magising siya ay hapon na at ang nag-aalalang mukha ni Lola Miling ang kanyang nabungaran. Ayon dito ay naipaliwanag na ni YM kung ano ang nangyari. Umalis daw ang binata at may aasikasuhin lang ito pero babalik din.

"Iaakyat ko na rito ang pagkain mo. Nagpaluto ng bulalo si YM dahil gusto mo raw ng may sabaw."

"Sige po, Lola. Salamat."

-

frozen_delights

Continue Reading

You'll Also Like

376K 16.9K 49
C O M P L E T E D capture (verb) :to get and hold (someone's attention, interest, etc.) :to take something into your possession...
84.9K 3.2K 10
Even in her depressed and slightly drunk state, maliwanag kay Eva ang matinding atraksyong naramdaman para sa estranghero na nag-rescue sa kanya mula...
1.4M 45.6K 63
Astreille knew her capability as a hacker and how her strength in that field can ruin someone else's life. For years, aside from writing stories, she...
92.4K 3.2K 11
NAESKANDALO AKO SA COVER. ahehehe. maikli lang po ito. hope you enjoy this raw version of brat in disguise. Plano ng kanyang ama na ipakasal si Kris...