The Untouchables Series Book...

By frozen_delights

283K 17.5K 2.2K

SPG 18 "There were times I wish I could unloved you so I could save what's left of my sanity. It's a never-en... More

Foreword
Poker Face
The Master
The Black Widow
The Deal
Mrs. Liu
Wedding Night
Hey, Jealousy
Buried Past
YM
Touch
Thief
Boss
Raindrops
The Suspect
Scapegoat
Stuck On You
One Rainy Afternoon
Giddy
Training Day
Perfect
No Pain, No Gain
Skeleton In The Closet
Used
Once Upon A Night
I Surrender All
Feverish
Secrets
Piece of Heaven
Presumption of Innocence
The Monster
Drunk
Consumed by Passion
Never Enough
Happiness
Fate
Unquenchable
Untamed Heat

The Pain He Never Knew

4.4K 389 43
By frozen_delights

Chapter Twenty-Two

NATITIGILANG nakatingin lamang sa kawalan si Meredith matapos ang pakikipag-usap sa ina. Tatawag na lamang daw ulit ito kapag may pagkakataon. Gusto niyang maiyak sa kanilang sitwasyon. Daig pa niya ang kriminal na kailangang magtago. Wala sa loob na napahakbang siya sa may gilid ng bukas na bintana para sana sumagap ng hangin. Natanawan niya si V. Kakawayan niya sana ito nang mapansin niyang dala nito ang bouquet ng bulaklak na nakita niya sa tabi ni Rocky. Kumabog ang dibdib niya nang makitang patawid ito. Ang unang pumasok sa isip niya ay papunta ito sa kanila. Is he going to give her the flowers? Naisip na niya kanina na baka para sa kanya iyon. Na tulad ng sabi ni Rocky ay baka natorpe lang si Vengeance at hindi ibinigay sa kanya.

Napakagat-labi siya sa antisipasyon. Nanlamig pa nga ang mga palad niya sa hindi niya maipaliwanag na kaba. Bakit siya nito bibigyan ng bulaklak? Pero bakit nga ba binibigyan ng isang lalaki ang babae ng bulaklak? Para ng nagbubuhol ang mga bituka niya sa kaba. Ano ang sasabihin niya? Ano ang--?

Her train of thought halted. At tila literal niyang narinig ang pagkabasag ng kanyang puso nang makita niya si Vengeance na iniaabot ang pumpon ng rosas kay Suzy. Mabilis siyang nagkubli sa dahon ng bintana. Napalunok siya habang dama ang pagsisikip ng dibdib. Naghahalo ang hiya sa sarili, awa, at sakit na hindi niya mapangalanan kung para saan. Nang kumurap siya ay dalawang butil ng luha ang magkasunurang namalisbis sa magkabila niyang pisngi.

May ilang sandali siyang nanatili sa kinatatayuan. Gobsmacked and confused. Nadakot niya ang tapat ng dibdib nang hindi pa rin mapawi ang paninikip niyon. It's all new to her.

"Mari," tawag ni Lola Miling mula sa labas ng kanyang silid.

Mabilis niyang pinahiran ang magkabilang pisngi.

"P-po?" inayos niya ang sarili at tumikhim para alisin ang pagbabara ng lalamunan. "Bakit po, Lola."

"May naiwan ka raw gamit sa sasakyan. Inihatid ni YM."

Gamit? Lumabas siya ng kuwarto para malaman kung anong gamit ang tinutukoy ni Lola Miling.

"Heto, o."

Ilang piraso ng papel iyon. Photocopy ng reading journals na balak niyang basahin. Nawala na iyon sa isip niya dahil sa hawak na rose. The rose. Napamadali siya pababa ng bahay. Nagpalinga-linga siya sa paghahanap ng isang tangkay ng rosas. But to her dismay bali na ang stem at aksidente pa yatang naupuan ni Ramil. Nanlulumong kinuha niya iyon at dinala pagbalik sa kanyang silid.

"Ano ang nangyari sa'yo at mukha kang nalugi ng ilang milyon?" puna ni Lola Miling. "Ang Mommy mo ba ang kausap mo kanina?"

Isang tango ang naitugon ni Meredith.

"Masama ba ang ibinalita sa'yo kaya ka nagkakaganyan?"

"Alam na ho ni Daddy na hindi ako tumuloy sa bakasyon kay Tita. So, I'm pretty sure na sa ngayon ay ipinapahanap niya na ako."

"Ay, por Dios," nag-aalalang napaantada ang may-edad na babae. "Kailangan mong magdoble-ingat at baka aksidenteng may makakilala sa'yo masundan ka ng mga tauhan ng Daddy mo."

"Huwag ho kayong mag-alala, nag-iingat ako."

Mabuti na lamang at hindi siya masyadong na-expose sa publiko kapag kumakandidato ang kanyang ama. Lagi na ay ang Mommy niya ang kasa-kasama nito sa anumang gathering na kailangang puntahan. Madali niyang maitatago ang totoo niyang hitsura sa mga iilang nakakikilala sa kanya.

"Nagsara na ako ng tindahan. Puwede na tayong matulog."

"Sige po, 'La. Good night."

"Good night."

She did her nightly routine mechanically. Sa kabila ng mga nalaman sa Mommy niya bakit parang mas matimbang ang bigat na dala ng nasaksihan niyang pagbibigay ni Vengeance ng bulaklak kay Suzy? Ibig bang sabihin niyon ay nagseselos siya? 

"No way," ipinilig pa niya ang ulo habang nakatingin sa sariling repleksyon sa vanity mirror.

Dahil kung nagseselos siya ay isa lamang ang ibig sabihin niyon. May gusto siya kay Vengeance.

Awang ang bibig na napatunganga siya sa salamin.

.

"GOOD morning!" masiglang bumungad sa umaga ni Meredith ang mukha ng nakangising si Rocky.

"Uh, g-good morning." Tumingin siya sa may likuran nito sa pag-aakalang nahuli lamang dito si V.

"'Wag mo ng hanapin. Wala si Boss."

"Wala? Bakit?"

"May hangover--este, may pupuntahan pala siya nang maaga."

"Saan?"

"Bibili yata ng barko. Pipinturahan niya ng MV."

Pinagtaasan ito ng kilay ni Meredith.

"Balak niya actually bumili ng shipping line."

Napamaang siya sa kausap. Hindi siya sigurado kung nagbibiro pa rin ito o seryoso.

"Pero sa ngayon nasa planning stage pa lang ang lahat kaya shut up na muna ako," nakangising saad ni Rocky.

Napaisip siya kung saan kukuha ng funds si V para sa isang shipping line. She knows that he's brainy and all. But starting a shipping line will need a large amount of money. At hindi simpleng malaking halaga lamang ang pinag-uusapan doon.

"Teka, puyat ka ba o namumugto ang iyong mga mata?"

Sa halip na sagutin ito ay isinuot niya ang kanyang shades. Bagama't madilim-dilim pa iyon para sa routine jog nila dapat ni V tuwing umaga, may sapat namang liwanag para makita niya ang daan.

"Tara na," yakag niya sa kasama at nagpatiuna ng tumakbo.

"Nag-away ba kayo ni YM?" tanong ni Rocky habang sinasabayan ang pagtakbo niya.

"Ayoko siyang pag-usapan," sagot niya.

"Ah, nag-away nga kayo," konklusyon nito sa sagot niya.

"Hindi kami nag-away."

"Eh, bakit...?"

"Ano?"

"Never mind na nga lang."

"Tss."

Nagpatuloy sila sa pag-jog. Pagdating sa diversion kung saan sila kadalasang lumiliko pabalik ay nakipag-sparring siya kay Rocky. He's tall and bulky but he go easy on her. 

"It's okay. I don't mind having some bruises," aniya rito. "Come at me without holding back."

"Eh, kasi..."

Sinipa niya ito sa binti.

"Aw!"

"Fight me!" sigaw niya rito.

Gusto niyang may mapagbuhusan ng mga frustrations niya. She prefers physical pain than tears. Ayaw niyang umiyak. Ang pag-iyak ay para lamang sa mahihina. At hindi siya mahina. She refused to succumb to it. Never.

She keeps on hitting, punching, and kicking Rocky. Panay salag at iwas lang naman ang ginagawa nito. Nang subukan niyang sipain ito sa pagitan ng mga hita ay mabilis nitong naihalang ang dalawang kamay.

"Madam, magpaparami pa ako. Huwag mong basagin," nakangiwing sabi nito.

"Then hit me!"

"Ayoko!"

Muli niya itong inatake ng sipa at suntok. She focused her attacks on his vulnerable spots to force him to fight her back. And he did fight back but with restraint. Mukhang kahit ano ang gawin niya ay hindi talaga siya nito kayang saktan. Sa gigil niya dahil parang ayaw siya nitong seryosohin ay umigkas ang kanyang mga paa kasabay ng pagbiling ng kanyang katawan, delivering a roundhouse kick! Para silang dalawang bolang nagbanggaan at tumalsik sa opposite direction.

Awang ang bibig na napatingingin sa kanya si Rocky.

"Waah, kaya mo ng gawin 'yon?"

Siya man ay nagulat din. She attempted to do several times during her training session with Vengeance but she failed to deliver a perfect roundhouse kick.

"Wow," pumapalakpak na reaksyon ni Rocky.

Bigla siyang natawa. Ito lang yata sa lahat ng binubugbog ang natuwa pa sa kakayahan ng taong nananakit dito. Napahawak siya sa magkabilang tuhod. Parang bigla siyang nanlata. Napuwersa yata ang kalamnan niya.

"O, 'anyare? Kaya pa?" nabahiran ng pag-aalala ang mukha ni Rocky.

"Kaya pa. Let me catch my breath first, then we'll head back."

"Sige, sabi mo, eh."

Nagpahinga lamang siya sandali. Nang makabawi ng lakas ay nag-jog na ulit silang pabalik ng bahay.

"Hindi rin ba siya papasok ngayon?" tanong niya kay Rocky bago ito umalis para umuwi sa sariling tirahan.

"Hindi."

Tumango siya at pilit na ikinubli ang panlulumo.

"Pero susunduin kita at ihahatid sa uni."

"Kahit huwag na."

"Hindi puwede. Mahigpit na bilin ni Boss."

"Fine," patianod na lang niya at pumasok na sa loob ng bahay para maghanda na pagpasok sa school.

Mabagal na lumipas ang maghapong iyon para kay Meredith. Parang hindi na siya sanay nang hindi nakikita o nakakasama si Vengeance.

"Hi!"

Hindi kaagad nilingon ni Meredith ang pagbati. Hindi naman siya sigurado kung siya nga ang binabati. Nasa canteen siya at hindi lang naman siya ang naroroon. May ilang estudyante rin na nakaupo sa may likurang mesa ng puwestong napili niya.

"Mari, right?" may naglahad ng kamay sa tabi niya.

Pag-angat ng tingin ay namukhaan niya ang lalaking nakabangga nang nagdaang araw.

"I'm Shawn Qerro."

She nodded and accepted his hand.

"Can I sit down here?" itinuro nito ang bakanteng upuan na kaharap niya.

She just shrugged her shoulders. Hindi siya sigurado kung ano ang kailangan nito sa kanya. Hindi niya naman ito kilala at hindi siya interesadong makipagkilala. 

"About 'yong nangyari kahapon. Hihingi lang sana ako ng dispensa."

"No harm done."

"Kaso mukhang nagalit 'yong boyfriend mo."

"He's not my boyfriend."

"Talaga?" mukhang natuwa ito sa nalaman.

Wala namang pakialam na ipinagpatuloy lang ni Meredith ang pagmimiryenda.

"Can I invite you out for a cup of coffee?"

"I'm busy. And I am not really a coffee person."

Napakamot sa ulo ang lalaki. Naisip niyang magka-team siguro ito at ang ka-blockmate niyang si Nick. They have the same pa-cute style na akala 'ata uubra sa kanya. Sa iba sigurong babae, oo. But not to her.

"Okay, I give up. But can we at least be friends?"

"Sure."

"Great."

Nakipagkuwentuhan pa ito sa kanya. Naisip niya, medyo okay ito kaysa kay Nick. Marahil ay dahil mas ahead ito sa kanila ng dalawang taon. May maturity na kahit papaano. Talking to him and to other guys she realized hindi siya madaling makuha sa hitsura ng mukha o mabulaklak na mga pangungusap. Hindi rin siya madaling ma-attract o kiligin sa isang guwapong lalaki. Sa katunayan ay hindi naman guwapo si Ramil... o si Vengeance. Ngunit kapag kausap niya ang mga ito ay higit pa sa isang macho o guwapong Hollywood actor ang nakikita niya. They both have handsome brain. At bagaman madalas ay tila bipolar si Vengeance, napapangiti siya sa deadpan humor nito.

Dalawang linggo ang lumipas na hindi niya nakita si Vengeance. Ayon kay Rocky ay busy raw talaga ito. Hindi na siya nag-usisa pa. Kapag may mga bagay na sa palagay niya ay maselan ay tikom ang bibig ni Rocky. At naiintindihan naman niya kung na kay Vengeance ang loyalty nito. Sabit lang naman siya kung tutuusin. Nahihiya na nga siyang magpahatid-sundo pa rito dahil para naman siyang amo. Ngunit hindi pumayag si Rocky at baka raw malagot pa ito sa binata. Or worst, mapingot na naman ito ng kanyang Kuya Bentley.

Meanwhile ay naging parang anino niya si Shawn sa lumipas na mga araw na wala si V. Minsan ay lumilitaw na lang ito sa canteen kapag vacant period niya. Madalas pa rin itong makipagkuwentuhan na para bang pilit na hinuhuli ang loob niya. At dahil mukhang sincere naman ang offer nitong friendship, she got along with him fine.

"By the way, may gagawin ka ba mamaya?" 

It was Friday. Nagpaalam na siya rito para magtungo sa huling klase niya sa araw na iyon.

"Um, uuwi na. Matanda na kasi ang Lola ko and I already mentioned to you na kailangan ko siyang tulungan sa pag-aasikaso ng maliit na store."

"Yah, you already mentioned that," malungkot itong ngumiti na parang may panghihinayang. "Ano kasi, um... I'm sort of in a fix."

Tumigil siya sandali at tinitigan ito nang direkta sa mata. She saw something in his eyes na nagpatigil sa kanya. 

"What is it?"

"I need your help."

"For what?"

"I..." napakamot na naman ito sa ulo.

Minsan ay gusto na niya itong bilhan ng anti-dandruff shampoo. Marami yata itong dandruff kaya kamot nang kamot sa ulo.

"Get straight to the point. I hate beating around the bush."

"I need a date."

Hindi agad siya naka-react. At nang akmang magsasalita siya ay mabilis iyong pinutol ni Shawn.

"I don't mean a real date. Just a friendly date. I know you said you're not interested with me, and it's okay. I'm fine with us being friends. But I don't want to look like a loser after my split with Deena."

"Men and your colossal ego."

"Mari, please?" may pagmamakaawang sabi nito.

"I'll think about it."

"Thank you."

"I didn't say yes. I said I'll think about it."

"It's as good as a yes," maluwang ang ngiting sabi nito.

Umiling-iling na lang siya at iniwan na ito.

Sixty-forty ang desisyon niya na sumama kay Shawn. Mas lamang ang desisyon niya na umayaw dahil hindi siya komportableng ibandera ang mukha niya kung saan-saan. Baka may makakilala sa kanya ay matagpuan pa siya ng pinagtataguang ama. The forty chance of her going with Shawn ay dahil kay Deena. Iyong babaing nakabangga niya sa canteen. Ex-girlfriend ito ng lalaki. At balita sa buong uni ang pangtu-two time rito ni Deena. Ipinagpalit nito si Shawn sa team captain ng basketball na kinabibilangan mismo ng binata.

Pagkatapos ng klase niya ay nag-aabang na si Shawn paglabas niya.

"So, I'll pick you up later?"

"I'm not sure, Shawn. Magpapaalam pa ako kay Lola."

"Okay, here," may ibinigay ito sa kanyang maliit na papel. "If and when you changed your mind, text mo ako. Nine pa naman 'yong birthday party na pupuntahan natin. May time ka pang pag-isipan."

Kinuha niya ang papel kasunod ang pagsasabing: "I'm not making any promises, okay?"

Nag-thumbs up lang naman ito at sinabayan na siya palabas.

Malayo pa ay nakita na niya ang masamang tingin ni Rocky sa binatang kasama niya. Para itong doberman na handang manakmal anumang oras. 

"Bye, Mari."

"Bye," kaway niya kay Shawn.

"Hanep ang isang 'yon. Parang bubble gum sa ilalim ng suwelas," komento ni Rocky nang pagbuksan siya ng pinto.

"Ano ka ba? Harmless naman 'yon."

"Harmless? Ewan ko lang kung wala siyang kalagyan."

"Rocky," may babalang sabi niya.

"Joke lang," biglang ngisi nito. "Gusto mong mag-meryenda?"

"Hindi naman. Diretso na tayo at baka kailangan ng tulong ni Lola."

"Areglado."

She was almost sure na hindi siya sasama kay Shawn. Ngunit isang eksena ang nagpabago ng isip niya. Sina Suzy at Vengeance. Malayo pa ay natanaw na niyang tila seryoso ang pag-uusap ng mga ito. At nang magmenor ang sinasakyan nila ni Rocky ay bigla na lamang niyakap ni Suzy ang kausap. Tila tuwang-tuwa ang babae sa kung anong sinabi rito ni Vengeance.

"Sila na ba?" wala sa loob na tanong niya kay Rocky.

"Ha?" para namang clueless na tanong ng kasama niya. "Ah, malabo siguro."

Isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi niya. Nang tumigil ang sinasakyan sa mismong tapat ng mga ito ay bumaba na siya at parang walang nakita na nilampasan ang pareha. Hindi siya roon kadalasang ibinababa ni Rocky dahil tawid-kalsada pa ang kanila. Pero ayaw na niyang magtagal pa roon at panoorin ang lambingan nina Romeo and Juliet. 

Maghaharutan na lang ay sa may gilid pa ng kalsada, nasusuyang saloob-loob niya.

May pinong kurot sa dibdib na pinilit niyang huwag pansinin. Nang makita si Lola Miling ay nagpaalam siya rito na may dadaluhang birthday party. Bagama't tila tutol ang nakatatandang babae ay wala itong nagawa kundi umoo.

"Saglit lang naman po ako roon, Lola. At mag-iingat po ako."

"Sige, ikaw ang bahala. Alam ba ni YM itong pupuntahan mong party?"

Muntik na siyang mapaismid sa tanong ng may-edad na yaya. Bakit naman niya ipapaalam?

"Hindi po, Lola. Wala naman po kaming relasyon para ipaalam ko sa kanya ang bawat lakad ko."

"Ang akala ko'y..."

"Magbibihis na po muna ako at pagkatapos ay tutulungan ko na kayong magluto."

Tila wala sa loob na napatango na lamang si Lola Miling.

-

frozen_delights



Continue Reading

You'll Also Like

23.4M 778K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.
17.1K 974 29
Mas tumindi ang galit ni Cedric at ginusto niyang mas marami ang mapahamak. Siya ay lumuwas ng Manila kasama ang nakababatang kapatid at ang itinutur...
149K 7K 15
***WRITTEN IN TAG-LISH*** SHE'S AN ADDICTION HE CAN'T AFFORD. DAX, a man of mysterious past turned highly-paid Stealth agent is doing a good friend a...
2.4K 108 7
Elena falls in love with her sister's boyfriend, Porsh. A tragedy strikes and puts them in an unexpected situation. Will love bring them closer or te...