The Untouchables Series Book...

By frozen_delights

277K 17.2K 2.2K

SPG 18 "There were times I wish I could unloved you so I could save what's left of my sanity. It's a never-en... More

Foreword
Poker Face
The Master
The Black Widow
The Deal
Mrs. Liu
Wedding Night
Hey, Jealousy
Buried Past
YM
Touch
Thief
Boss
Raindrops
The Suspect
Scapegoat
Stuck On You
One Rainy Afternoon
Giddy
Training Day
Perfect
No Pain, No Gain
The Pain He Never Knew
Used
Once Upon A Night
I Surrender All
Feverish
Secrets
Piece of Heaven
Presumption of Innocence
The Monster
Drunk
Consumed by Passion
Never Enough
Happiness
Fate
Unquenchable

Skeleton In The Closet

4.6K 366 62
By frozen_delights

Chapter Twenty-One

"AYUSIN mo 'yang hilatsa ng pagmumukha mo at baka hindi kita matantya."

Gulat na napaangat ang tingin ni Meredith mula sa binabasang libro sa galit na boses. Nang hanapin niya ang pinagmulan niyon ay nakita niya ang isang dalagita na mukhang mas bata sa kanya ng ilang taon. Morena ito ngunit maganda. Ang kausap nito ay isa namang binatilyo na salubong ang mga kilay habang may putok ang gilid ng labi.

"Tumahimik ka na, naririndi na ako sa ingay ng bibig mo," pabarumbadong wika rito ng binatilyo.

"May bibig ako at magsasalita ako hanggang sa makulili na 'yang tenga mo at magpakatino ka na."

"Tsk. Umuwi ka na at baka hinahanap ka na ni Tiyo."

"Hindi ako uuwi nang hindi kita kasama," pagmamatigas ng dalagita.

"Malaki na ako at kaya ko na ang sarili ko."

"Malaki ka na nga pero 'yang asal mo hindi pa rin nagbabago."

Nahahati ang loob ni Meredith sa pagkaaliw at kuryosidad sa parehang dumayo pa talaga sa harapan ng tindahan nila para magtalo. Noon niya lamang nakita ang mga ito kaya sa palagay niya ay tagakabilang kanto o eskinita ang mga ito. Dikit-dikit kasi halos ang mga tindahan sa kabila at ang mga nagagawi sa kanila para bumili ay iyong halos nakapalibot lamang sa kanilang tinitirhan.

"Umuwi ka na," muling pagtataboy ng binatilyo sa kasama.

"Hindi nga sabi ako uuwi nang hindi kita kasama."

"Andalusia, isa."

"Kahit bumilang ka pa riyan ng isang milyon ay hindi mo ako mapapauwi."

Bugnot na napahilamos sa mukha ang binatilyo. Sa iginawi nito ay naalala ni Meredith ang isang kilalang aktor na tinaguriang Bad Boy of Philippine Cinema. Iniidolo marahil nito iyon. Dahil maging ang gawi nito at pananamit ay tila hawig sa naturang aktor.

"Jet kasi, umuwi na tayo. Ako ang kagagalitan ni Tatay kapag umuwi akong hindi ka kasama."

"Sabihin mo na lang hindi mo ako nakita."

"Tinuruan mo pa akong magsinungaling."

"Para namang hindi ka sanay magsinungaling."

"Hindi naman talaga. Ikaw kasi gawain mo," sikmat dito ng dalagita.

Tuluyan ng naaliw si Meredith sa panonood sa mga ito. Naisip niyang siguro ay magpinsan ang dalawa base sa narinig niyang Tiyo at Tatay sa pag-uusap ng mga ito.

Masarap siguro ang magkaroon ng ka-close na pinsan... o kapatid, saloob-loob niya.

Kahit parating nagbabangayan sa huli ay kayo pa rin ang magkakampi. Hindi lingid sa kaalaman niya na may mga kapatid siya sa labas. Alam naman niyang marriage for convenience lamang ang pagpapakasal ng kanyang mga magulang. And her father's womanizing is not really a secret to the public. Marami ang nakakaalam bagaman bihira namang pag-usapan. O kung mapag-usapan man ay hush-hush lang.

Hindi niya direktang matanong ang ina tungkol doon. Una ay dahil inaalala niya ang damdamin nito. Kahit pa sabihing hindi isang love match ang pagpapakasal ng kanyang mga magulang, binibigyang-timbang niya pa rin ang damdamin nito bilang isang babae na harapang pinagtaksilan at patuloy na pinagtataksilan ng lalaking sapilitan lamang na ipinakasal dito.

"Tara na, umuwi na tayo," untag ng dalagita na nagpabalik ng isip ni Meredith sa parehang nagtatalo sa may harapan ng tindahan.

"Mauna ka na sa--" hindi natapos ng binatilyo ang sasabihin nito dahil agad itong hinagip sa braso ng kasamang dalagita.

Nangingiting nasundan na lamang ng tingin ni Meredith ang mga ito. Habang nagtatanghalian ay naisipan niyang ungkatin kay Lola Miling ang tungkol sa infidelity ng kanyang ama. Sa tagal ng paninilbihan ng dating yaya sa kanilang pamilya ay may palagay siyang marami itong nalalaman sa sikretong itinatago ng kanyang pamilya. Partikular na tungkol sa Daddy niya.

"Lola, may alam ba kayo sa mga naging past affairs ni Daddy?"

"Past affairs ba 'kamo?"

"Opo."

"Aba'y hindi yata tamang ako ang sumagot sa ganyan kaselang usapin. Hindi mo ba natanong tungkol d'yan ang Mommy mo?"

Isang marahang pag-iling ang itinugon dito ni Meredith.

"Mas maganda kung sa kanya mismo manggagaling ang lahat ng sagot sa mga tanong mo."

Nanlumo siya sa narinig.

"Then, may idea ba kayo kung ilan sila? Marami ba akong kapatid sa labas?"

Tila saglit na napaisip si Lola Miling sa tanong niya. Bahagya pa ngang kumunot ang noo nito habang ngumunguya.

"Ang alam ko lang ay apat," anito. Nilunok nito ang nginunguya bago dinampot ang katabing baso na may tubig at uminom.

Bahagya namang napamaang si Meredith sa narinig. Ang alam nito ay apat. Ibig bang sabihin ay marami pang iba?

"Dalawa roon sa dating katulong niyo noon, isa sa kanyang sekretarya, at iyong isa," may pag-aalalang nagdaan sa mukha ng dating yaya na para bang saglit itong nag-alanganin sa sasabihin.

"Sabihin niyo na. Wala ng masisirang image ang Daddy ko sa akin if that's what you're worried about. Matagal ng nasira ang anumang respetong natitira sa dibdib ko para kay Daddy. His indiscretion is one thing, but hurting my mother both physically and mentally is another matter. I don't think I can forgive him for as long as I live."

Marahang tinapik-tapik ni Lola Miling ang braso niya na nakapatong sa mesa. 

"Nauunawaan ko ang damdamin mo. Pero magulang mo pa rin 'yon. Pagbali-baliktarin man ang mundo, siya pa rin ang naging instrumento para mabuhay ka sa mundong ito."

"Kung makapipili lamang ako ng ama, hindi ko pipiliin ang isang tulad niya."

"May mga bagay sa mundo na hindi tayo ang makapagpapasya. At may mga pangyayari sa ating buhay na pilit man nating iwasan ay wala tayong magagawa. Ngunit ang mga bagay at mga pangyayaring ito rin ang humuhubog sa atin para tayo'y maging matatag na indibidwal."

Hindi na siya nagkomento pa tungkol doon. Her mother told her once that diamonds are made under pressure. At madalas ang buhay raw ng isang tao ay parang ganoon din.

"Sino po 'yong isang nabanggit niyo?" pagpapatuloy niya sa naudlot nilang usapan.

"Sigurado akong magkakausap din kayo ng Mommy mo. Pero mas maganda kung sa kanya mo na maririnig ang tungkol doon."

Lalo ng nadagdagan ang kuryosidad ni Meredith. Gaano ba kaselan ang bagay na iyon na tila nag-aalangan ang dating yaya na ilahad sa kanya?

Ilang araw na naging laman iyon ng isipan ni Meredith. Sumapit ang prelims. Naging abala na siya sa pag-aaral. Pinilit niyang isantabi ang mga alalahanin tungkol sa kanyang pamilya. She missed her mother. Sa bawat araw na malayo sila sa isa't isa ay mas lalo siyang nangungulila rito. Hindi naman iyon ang unang pagkakataon na nalayo siya rito. Ngunit iyon pa lamang ang kauna-unahang pagkakalayo nila na walang katiyakan kung kelan sila magkikita... o kung magkikita pa nga ba sila.

Napabuntonghininga siya. Ngunit kasunod noon ay kumunot ang kanyang  noo nang may lumitaw na isang buko ng rosas sa harapan niya. Gulat na nilingon niya ang may-ari ng kamay mula sa kanyang likuran.

"V." 

"Napakalalim ng iniisip mo," anito sa kanya.

"W-what's the roses f-for?" kumakabog ang dibdib na tanong niya.

"Um, itanim mo?"

"What?" muntik na siyang mapanganga sa sagot nito.

"Take it."

Para namang tinutukan na awtomatiko niya ngang tinanggap ang long-stemmed rose. It was still a small bud, that within a day or two will bloom into a beautiful flower.

"Ang lalim kasi ng iniisip mo. Balak kong hukayin tapos itanim natin 'yan."

Muntik na niyang maihataw rito ang stem ng rosas.

"Buwisit ka. Alam mo manang-mana sa'yo si Rocky."

"Bakit? Mukha ba kaming magtatay?"

"Ang tino mo talagang kausap minsan," sarcastic niyang sagot dito. "Bilog ba ang buwan at parang wala ka sa tamang pag-iisip?"

"You believe that horse' crap?"

"Narinig ko lang 'yan sa kapitbahay naming si Aling Lupita. 'Yan ang madalas niyang dialogue ro'n sa anak niyang batugan. Kumilos sa hindi ay lagi niyang binubungangaan. Memorized ko na nga ang mga lines niya, eh."

"Pag-aabogada ba talaga ang main goal mo o gusto mong maging reporter?"

Isang matalim na tingin ang ibinigay rito ni Meredith at pagkuwa'y dumukot ng pera sa bulsa.

"Heto ang piso," sabay salpak niya ng barya sa palad nito. "Bumili ka ng kausap mo at uuwi na ako."

Matapos gawin iyon ay mabilis niya itong binirahan ng layas. Naghintay pa naman siya ng halos isang oras dito, tapos ay aasarin lang pala siya.

"Em, wait up."

"Don't talk to me," inis na sabi niya rito na bahagya pa itong nilingon.

At dahil naririto ang atensyon niya, hindi niya napansing may makakasalubong siyang grupo ng mga kalalakihan. They were talking among themselves at wala rin sa dinadaanan ang pansin.

"Watch out!"

They collided. At dahil malaking tao ang nakabangga ay muntikan ng tumalsik si Meredith na parang bolang ibinato sa dingding. Ngunit mabilis din naman ang reflex ng nakabangga niya at maagap siya niyong nakapitan sa magkabilang braso para hindi siya bumagsak paupo sa lupa.

"Em!" 

Hindi pa man nakababawi si Meredith sa pagkabigla sa nangyari ay sumulpot na sa tabi niya si Vengeance. Mabilis siyang binawi mula sa lalaking nakahawak sa balikat niya.

"Whoa, chill. I'm sorry," paghingi ng paumanhin niyon.

"You could have fooled me," masama ang tinging ipinukol dito ni Vengeance.

"I don't know what you mean," sagot ng lalaki na inosente ang ipinakikitang ekspresyon sa mukha.

Nang mapagmasdan iyon ni Meredith at ang grupo nito ay saka niya napagtantong mga varsity player marahil ang mga ito base sa suot nilang jacket na may pare-parehong logo ng pinapasukan nilang university. Na kung hindi siya nagkakamali ay minsan na niyang nakitang may suot ding ganoon si Nick Sandoval na ka-blockmate niya.

"Don't try me," ang tila may pagbabantang sabi rito ni Vengeance bago hinagip ang kamay niya at hinila na siyang palayo sa grupo.

Hindi napigilan ni Meredith na lingunin ang mga ito. Eksakto namang namataan niya si Nick. Sumalubong ito sa mga iyon at nakipag-high five sa lalaking nakabangga niya. Was it intentional katulad ng ipinahihiwatig ni Vengeance?

"Wait, wait, wait," hinatak niya ang kamay mula sa pagkakahawak ni V. Hindi naman masyadong mahigpit ang pagkakawak nito ngunit sapat ang higpit para hindi siya basta-bastang makabitaw.

"What now?"

"Saan ba ang punta mo at nagmamadali ka?"

Tumingin ito sa kanya na parang bigla siyang tinubuan ng sungay sa noo.

"Sabi mo kanina gusto mong magmiryenda ng goto."

"Eh, hindi naman aalis si Parekoy's. Ang sakit ng paa ko."

"This way," hinila siya nito paupo sa isang bench.

"Ano ang gina--" napasinghap siya nang abutin nito ang isa niyang paa.

"Which one? Pareho bang masakit?"

Namula ang magkabila niyang pisngi. "Huwag na. Umalis na tayo."

"Sigurado ka?"

"Oo. Grabe ka naman kasing makahila. Para kang humihila ng kalabaw."

"Nasa labas na si Rocky, hinihintay na tayo."

Ang ibig nitong sabihin ay naroroon na ang kanilang service. Magmula nang sabay na sila nitong pumasok at umuwi ay libre na siya halos sa lahat ng bagay. Miryenda at service. May instant bodyguard pa.

"You know what, I think you should amp your training. Tulad na lang nang muntik ng mangyari sa'yo kanina," anito.

"Hindi naman ako totally nagpahinga, ah. Kailangan ko lang magpokus sa pagre-review. Oh, by the way, thank you," nagningning ang kanyang mga mata sa result ng exam niya sa Math. "I got the highest score in my Math subject."

"Congratulations. We got something to celebrate."

"Sarcastic ba 'yon?"

"Did I sound like it?" parang nagulat na tanong nito.

"I'm not sure. Mahirap kang basahin."

"I'm not a book."

She rolled her eyes. And this time siya naman ang humila sa braso nito para makalabas na sila ng campus premises. Ang lapad ng pagkakangisi ni Rocky pagkakita sa kanila. May tila kung ano itong kukunin mula sa passenger seat pero naudlot iyon at sa halip ay binuksan na lang ang pinto sa backseat. Pinauna na siyang maupo ni Vengeance. Kumunot ang kanyang noo nang mahagip ng tingin ang bouquet of red roses sa passenger seat. Napatingin siya sa hawak na rose bud. Pula rin ang talulot ng mga iyon at mukhang hindi nalalayo sa hitsura ng mga rosas na katabi ni Rocky.

"May nililigawan ka ba?" hindi nakatiis na tanong niya kay Rocky nang okupahin nito ang driver seat.

"Ako?" nag-angat ito ng tingin sa headview mirror. Pahapyaw itong sumulyap sa lalaking naupo sa tabi niya. "Ako ay... er, oo. Balak ko sanang magpasiklab doon sa babaing gustung-gusto ko. Kaya lang..."

"Ano?"

"Aah," tumingin na naman ito kay Vengeance. "Natotorpe yata ako."

"Ikaw?" aniya. "Kelan pa nauso ang salitang 'yon sa'yo? Di ba nga ikaw si Bato. Go lang nang go. No retreat, no surrender."

"He-he, sabihin ko 'yan doon sa ano. Sa kakilala ko," ang tila nakakalokong sagot nito.

"Step on it, Rocky. Nagugutom na kami."

"Aye-aye, Boss," sumaludo ito kay Vengeance. "Fasten your seatbelt folks, we're about to take off."

Sa suking kainan sila dumiretso. Naging paborito na ni Meredith ang goto roon. Minsan kahit hindi niya kasama sina V at Rocky ay bumibili siya roon. Bukod sa masarap na timpla ay mura pa. Habang kumakain ay very animated ang kuwentuhan nila ni Rocky. Ngunit si V ay tahimik lang. Pero hindi naman kataka-taka iyon dahil may pagka-bipolar nga yata ito.

Pagkakain nila ay diretso na rin sila ng uwi. Ilang metro pa bago marating ang inuuwian ay napansin ni Meredith ang isang kulay itim na sasakyan. Nakahimpil iyon malapit sa tapat ng tindahan. May kabang bumundol sa dibdib niya. Natagpuan na ba siya ng kanyang ama?

Atubili pa sana siyang bumaba ng kotseng sinasakyan nang makita niyang bumaba mula sa sasakyan ang isang pamilyar na bulto.

"Ramil?" nagmamadali siyang umibis ng kotse. "Ram!"

Dagling nagliwanag ang mukha ng lalaking tinawag niya. "Deth!"

Hindi na niya ikinabigla ang pagsalubong nito sa kanya nang mahigpit na yakap.

"I missed you. Kumusta ka na? You look... different," wika nito na hinayon siya ng tingin mula ulo hanggang paa matapos nilang magbaklas sa pagkakayakap.

"Pero maganda pa rin ako, siyempre."

"No question about it."

Napahalakhak siya. "You look different, too. Parang mas tumangkad ka at nagkalaman."

"Coming from you it's an honor."

Tawa lang ang sagot niya. "How did you find me?"

Bago iyon nasagot ni Ramil ay umarangkada ng paalis ang sasakyang naghatid sa kanya. Nagulat pa siya dahil wala man lang iyong paa-paalam sa kanya.

"Who was that? Your boyfriend?" may panunuksong tanong ng kaibigan.

"No," natatawang iling niya. "Kaibigan ko."

"You found new friends?" tila gulat na tanong ni Ramil.

"Oo. Ano naman ang palagay mo sa akin? Hindi friendly?"

"Hindi ako ang nagsabi n'yan, ha? Ikaw."

Niyaya na niya itong papasok ng bahay. Ngunit may isang parte niya ang hindi nakapagpigil na sundan ng tingin ang direksyong pinatunguhan ng sasakyang kinalululanan ni Vengeance. Ano ba naman ito? Hindi man lang bumaba ng kotse para sana naipakilala niya sa kanyang best friend.

"Lola, look who's here?" ani Meredith kay Lola Miling. Kilala nito si Ramil at alam nitong matalik niyang kaibigan ang binata.

"Ramil," magiliw na tinanggap ng may-edad na babae ang kanilang panauhin. "Matagal-tagal na rin mula nang huli tayong magkita, ano?"

"Oo nga ho, Yaya Miling. Three to four years ago na ho yata."

"Teka at ipaghahanda ko kayo ng miryenda."

"Ako na lang po," prisinta ni Meredith.

Naririnig na niya kasi na may mga bumibili. At kapag ganoong oras ay sunud-sunod na ang mga kumakatok sa tindahan.

"Ay, sige. Mamaya na tayo maghuntahan at marami na ang bumibili. Dito ka na maghapunan, Ramil."

"Oho, mamaya pa talaga ako uuwi."

Ipinaghanda ni Meredith ng malamig na softdrink at mamon si Ramil.

"Pasensya ka na at 'yan lang ang meron dito sa amin."

"Don't worry about it. I know everything, Deth. Sinabi sa akin ni Tita. In fact, she asked me for help," mula sa clutch bag nito ay may inilabas itong isang maliit na kahon. "She told me to give you this."

A cellphone. 

"This has a secure line under a false name. Puwede kayong magkausap dito ni Tita anumang oras na puwede ka niyang tawagan."

"Thank you. I was actually waiting for her to make a call. Kahit gustung-gusto ko ng tawagan siya para makausap ay hindi ko magawa dahil kabilin-bilinan niya na huwag kong gagawin iyon."

"Alam na ng Daddy mo na hindi ka tumuloy sa paglabas ng bansa. So, your Mom is being careful about her moves."

"Is she okay? Is she safe?" worried na tanong niya.

"She's feigning innocence about your disappearance."

Tumango siya. Sana lang ay hindi ito mabuko ng kanyang ama.

May ilang sandali pa silang nagkuwentuhan ni Ramil. Doon na rin ito naghapunan sa imbitasyon na rin ni Lola Miling. Bago umalis ay nangako itong babalik para balitaan siya. Inihatid niya ito sa sasakyan.

Papasok na siya sa bahay ng mag-vibrate ang cellphone sa bulsa ng suot niyang walking shorts. Sabik niyang inilabas iyon at sinagot.

"Hello, Mom?"

"Meredith," hikbi ng Mommy niya sa dulong linya.

Awtomatikong nag-init ang magkabilang sulok ng kanyang mga mata. "I missed you so much, Mommy."

"I missed you, too, anak. How are you? Ayos ka lang ba? How are you coping? How's your studies?"

"I'm doing well, Mom. I'm fine, don't worry about me," naiiyak niyang tugon. Pinigil niyang hindi mabasag ang tinig dahil ayaw niyang dagdagan ang pag-aalala nito. "How about you, Mom? Are you well?"

By well, she means her mental state.

"Of course, baby, of course. Mommy is doing great. I will do everything to protect you. Even if it means my life."

"Don't talk like that, Mom," pagalit niyang sabi rito.

Pumasok na siya sa bahay at dumiretso sa kanyang silid upang makapag-usap sila nang pribado ng kanyang ina. Hindi na siya napansin ni Lola Miling dahil busy ito sa mga bumibili.

"Mommy?"

"Yes, baby."

"I have some questions about Daddy."

Patlang. Hula niya ay natigilan ang kanyang ina. Bigla tuloy siyang nag-alanganin kung itutuloy pa ang pagtatanong dito o hindi na.

"Go ahead. I guess it's about time na malaman mo na ang lahat."

"Marami ba siyang naging babae?"

"More than I could count with my fingers."

"G-ganoon karami?"

"Yes. Some are consensual and some are not."

"You mean he t-took them by force?"

"Oo. Ganoon siya kasama, anak. At isa sa mga 'yon ay tandang-tanda ko pa hanggang ngayon. She was just a teen nang matipuhan ng Daddy mo at ikinulong sa mismong basement ng ating bahay."

Parang literal na nanlaki ang ulo ni Meredith sa narinig. And what her mother told her after that made her hate her father to the core.

-

frozen_delights



















Continue Reading

You'll Also Like

7.4K 253 10
Gumuho lalo ang mundo ko nang sapilitan akong ipakasal sa lalaking kinamumuhian ako. Patuloy man akong nalulunod sa kumunoy nang pasakit at kalungku...
49.4K 1.7K 14
"The night you stole me a kiss, you literally swept me off my feet." Kinukuha ni Noryn ang libro sa dala niyang handbag nang marinig niya ang pagbubu...
84K 5.5K 10
LANGUAGE: TAG-LISH DUERO LEON DELESTE is a world-champion race car driver. He drives on his own lane at his own speed without apologies. The world is...
6.3M 324K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...