Chained to the Past (Imperfec...

By zxantlyx

175K 2.9K 200

[Imperfect Girls Series #2] Jade Emersyn Cuevas has always been played by her past boyfriends. She either get... More

Chained to the Past
Introduction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39 (Part 1 of 2)
Chapter 39 (Part 2 of 2)
Chapter 40 (Part 1 of 2)
Chapter 40 (Part 2 of 2)
Epilogue
Author's Note

Chapter 28

2.2K 34 6
By zxantlyx

tw: violence

Chapter 28

Chaos

TATLONG araw simula nang makunan si Maia ay nakatanggap kami ng tawag mula rito. Ilang araw na rin kaming walang balita tungkol sa kanya dahil wala talaga itong kinakausap. Kaya nang tumawag ito ay halos mataranta kami ni Nica sa pagsagot.

Napakunot ang aking noo sa narinig na bungad nito. "Hey, Jade. Can you and Nica accompany me to a nightclub?" 

Napatingin ako sa kaharap kong babae na nag-aalalang nakatingin sa akin. Nightclub? Kakagaling lang niya sa opera noong isang araw. Bakit naman ito mag-cclub?

Kahit anong gawin naming pakiusap sa kanya ay hindi ito nagpatinag. Nagulat na lamang ako nang babaan ako nito. 

Dali-dali kong tinawagan si Andre nang marinig ang pag-aaya ni Maia. Pinaalam namin dito kung saan ang nightclub na pupuntahan namin. My heart swelled when I heard Andre panicking. Kahit na may trabaho ito ay dali-dali siyang sumunod sa amin sa parking lot at pinuntahan ang kanyang asawa.

Nang makarating kami sa club ay agad naming hinanap si Maia. Nakita namin itong umiinom ng alak. Nilapitan namin ito at agad niya kami binigyan ng alak. Umiling lamang ako sa kanya habang si Nica naman ay ininom ang binigay nito.

Mukhang lasing na siya. Nakakailang inom na rin siguro siya bago pa kami makarating. 

"Maia, what happened to you?" nag-aalalang tanong ni Nica.

"Huh? I'm fine! Can't you see? I'm already partying!" she exclaimed.

Nang pilitin namin itong tumigil na ay bigla na lamang niya kaming nilayasan at naglakad papunta sa dance floor. Napabuntong-hininga na lamang kami ni Nica sa ginawa nito.

Mukha siyang tutumba na ng wala sa oras. Wala pa nga siyang isang linggong naooperahan, nag-paparty na agad! 

God, it really hit her hard. Her miscarriage, it broke her too much to the point that she doesn't care about anyone anymore, even herself. Masyado na siyang manhid.

Nanlaki na lamang ang aking mata nang makita itong pagewang-gewang na naglakad palabas sa maraming tao. Nakakunot ang noo nito hangga't sa bigla na lamang siyang magsuka at tuluyan nang bumagsak sa sahig.

"Maia!" taranta kong sigaw at agad tumakbo papunta dito.

Bago pa kami makarating doon ay mas nauna ko pang nakitang makalapit ang lalaking naka-office attire pa rin. "Imo... Fuck, Imo," rinig kong bulong nito.

Hinawi niya ang buhok nitong nakaharang sa kanyang mukha at tiningnan kung may malay pa ba ito. Pero wala. Tuluyan na itong nahimatay. Sobrang namumutla ang mukha nito at nang hawakan ko ito sa kamay ay sobrang lamig nito.

"D-Dalhin mo siya sa ospital, Andre!" taranta kong utos dito.

Naninikip na lamang ang aking dibdib tuwing nakikita kung gaano ito nahirapan si Maia sa pinagdaanan niya. Hindi niya 'to deserve. Ginawa naman niya ang lahat para mabuhay ang baby. She was very careful when she was pregnant.

Hindi kami pumupunta sa mga restaurants na pwedeng may hilaw na pagkain, kahit paborito pa niya doon. Hindi na rin siya nagpupunta sa mga bar simula noon. Kahit makita niya kaming mag-inom ni Nica at naiinggit siya, hindi siya umiinom. Hindi na nga rin siya nagsusuot ng heels kahit na mapagalitan siya dahil sa dress code namin.

She loved her child so much, even if it was just an accident... And, I'm a witness to that.

Ilang araw na ang lumipas simula ng mangyari kay Maia. Sobrang nag-aalala na kami sa kanya, pero hindi na namin siya inabala pa. Kinakamusta namin siya, pero mas gusto niyang mapag-isa muna at nirerespeto namin 'yon.

Nagkaroon din ako ng sarili kong problema. Nag-withdraw na lamang ako ng pera mula sa bangko at iyon ang binigay kay Tita Jen para sa pagpapagaling ni Jannica.

Hindi ako bumisita sa kanya. As much as possible, iniiwasan kong makipagkita dito. Nagpapa-update na lamang ako kay Tita kung ano na ba ang nangyayari sa kanya. Ilang araw din ay nakalabas na rin ito mula sa hospital. Agad gumaan ang aking loob dahil sa nabalitaan. 

Kakauwi ko lamang galing sa trabaho at bumungad na naman sa akin ang madilim kong condo. Hindi na ako nagulat pa nang makakita ng lalaking umiinom sa aking couch.

Pagod akong pumasok sa loob, hinihiling na hindi niya na lamang ako pansinin. Pero kahit na madilim ay naramdaman pa rin niya ang aking presensya.

"Nakauwi ka na pala," rinig ko ang garagal nitong boses na bumati sa akin. "'Yong pinapabili ko sa'yo? Nabili mo ba?" dagdag niya.

Nagsalubong ang aking kilay nang marinig ito. "Ha? Wala akong binili, Jake."

Kita ko ang pagtayo niya mula sa upuan at ang pagharap nito sa akin. Mapupungay na ang mga mata nito, halatang nakailang inom na ng alak.

"Nag-text ako sa'yo, ah?! Hindi mo tiningnan?" napalakas pa ang kanyang boses sa tanong.

Bahagya akong napatalon sa aking kinatatayuan at umiling. "Sorry. 'Di ko nakita. Hindi ba pwedeng bukas nalang? Lalabas na rin naman ako bukas," mahina kong sagot.

"Tangina, ano na naman ba ang ginawa mo, Jade? Iniiwasan mo bang pansinin ako, ha? Kaya 'di mo binabasa ang mga text ko sa'yo?" 

Nagsalubong ang dalawa kong kilay. "Ha? Hindi. Hindi kita iniiwasan, Jake. Pagod lang talaga ako at hindi ko na natingnan pa ang cellphone ko," matamlay kong sagot.

Sobrang napagod ako sa trabaho namin ngayon lalo na't malapit na naman ang pasahan noon. Ilang linggo ring wala si Maia kaya ang trabahong dapat sa kanya ay nalipat sa amin. Napagod din ako kakaasikaso sa lagay ni Jannica. Kahit papaano ay hindi ko rin matanggal sa aking isipan ang mga nangyayari sa aking kapatid. 

Dumagdag pa si Papa na halos araw-araw nang nanghihingi ng pera sa akin. Akala niya ata ay nagtatae lamang ako ng pera. Halos wala nang matira sa aking ipon dahil sa kakahingi nito. Pero ayos lang 'yon. Kaysa naman sa iba siya manghingi. Ako dapat ang maghihirap sa mga kagaguhan ng tatay ko. Ako lang dapat, 'wag na ang iba.

Ramdam ko ang dahan-dahan nitong paglapit papunta sa akin. Mahigpit na lamang akong napakapit sa aking bag nang tumigil ito sa aking harapan. 

Napapikit ako nang mariin nang maramdaman ang malakas nitong pagsampal sa aking pisngi. Madiin kong kinagat ang aking nakaawang na labi at muling tumingin sa kanyang gawi. 

I just looked at him with emotionless and tired eyes. Wala na akong pake kung saktan niya ako. Pagod na pagod na akong makipag-away sa kanya.

Napangiwi na lamang ako nang biglaan niyang abutin ang aking buhok at marahas iyong hinila. Nagsimula nang mangilid ang luha sa aking mga mata habang nararamdaman ang paghapdi ng aking ulo.

He tilted my head to look at him. Nagsisilab ang mga mata nitong nakatingin sa akin. "Puro ka trabaho! Ano?! May nilalandi ka na rin ba doon at halos anong oras ka nang umuwi araw-araw?! Ginagawa mo lang dahilan ang trabaho mo, pero ang totoo lumalandi ka na sa iba!" dumadundong ang malakas nitong boses sa loob ng aking condo.

Humugot ako ng malalim na hininga kasabay ng pagtulo ng mainit na luha mula sa gilid ng aking kaliwang mata. Sobrang bigat ng aking dibdib, sobrang sikip. Halos hindi na ako makahinga. Nakakasakal. Nakakasakal ang buhay kong 'to.

Magmula pagkabata ko, wala na akong kinalakihan kung hindi ang pagiging bayolente nila. Lahat nalang sila. Nakakapagod sila.

Napapikit ako nang mariin nang mas hilahin at higpitan lamang ni Jake ang pagkakahawak sa aking buhok. Napahawak ako sa kanyang braso, pilit na tinatanggal iyon.

"Nagtatrabaho ako para sa sarili ko, Jake. A-Anong magagawa ko kung lahat nalang kayo ay hingi nang hingi sa akin? Hindi naman pwedeng tumigil ako sa pagtatrabaho... Hindi ko mabibigyan ng pera si Papa, hindi ka rin makakahingi sa akin. B-Baka kung sino pa ang hingian ni Papa, kung sino pa ang saktan niya para sa pera. Hindi dapat ganoon... Ako lang dapat ang magdudusa sa ginagawa niya..." paghikbi ko.

Naramdaman ko na lamang ang unti-unting pagluwag ng kanyang pagkakahawak sa aking buhok. Walang tigil ang aking paghikbi habang sobrang naninikip ang aking dibdib. 

Tanging ang mahina ko na lamang na daing at hagulgol ang naririnig sa buong condo.

Hindi ko kakayanin kung sakaling may magaya kay Mama. Kung mayroon man, ako na 'yon...

"J-Jake, hindi ako lumalandi. Ikaw lang. Ikaw lang ang mahal ko... Maniwala ka naman, oh... Hindi ako naghahanap ng iba," hirap na hirap kong sabi. Nilunok ko ang bara sa aking lalamunan para magsalita pa pero walang ibang lumabas sa aking labi kung hindi mga hagulgol.

Inangat ko ang aking nanginginig na kamay at inilagay iyon sa kanyang pisngi. I softly caressed it, wishing that it would calm him down. "J-Jake..." nanginginig ang boses kong tawag dito. It was so soft, I can merely hear my voice. Nanlalabo na ang aking paningin pero nanatili akong nakatitig sa kanyang mga mata.

Tuluyan niya nang binitawan ang aking buhok dahilan para makahinga ako nang maluwag. "Fuck. I'm sorry, Jade. I'm sorry..." bulong nito. "I love you. Mahal na mahal kita, Jade."

He caressed my slightly messed up hair and tried to fix it. Sinubukan niyang mawala ang hapdi ng kanyang pagkakahila sa aking buhok kanina.

Napapikit na lamang ako nang biglaang maramdaman ang kanyang labing dumampi sa akin. Tuluyan nang tumulo ang naipon na luha sa aking mata kasabay ng paninikip ng aking dibdib. Wala akong ginawa kung hindi magpatinaod sa kanyang ginagawa. I just followed what he wanted, until we ended up on my bed.

Halos dalawang linggo na ang nakalipas simula ng makunan si Maia. Nag-aya ito sa amin sa isang bar, mag-chichill lang daw kami. Pumayag na kami ni Nica para kahit papaano ay may bantay din siya. Mas mabuti na rin ito at pinatagal niya na ng kahit isang linggo pagkatapos muling maipasok sa ospital.

Pwede naming isama ang aming mga boyfriend. Ganoon nga ang ginawa namin ni Nica.

Nakasakay ako sa kotse ni Jake habang papunta sa bar na sinabi sa amin ni Maia. Noong isang araw lamang kami nag-away ni Jake. Kahit ilang araw na ang nakakalipas ay hindi pa rin matanggal ang bigat sa aking dibdib.

Hindi na siguro iyon matatanggal. I just have to learn how to live with it.

"Let's act normal," seryosong sabi ni Jake nang matanaw na niya ang bar sa malayo.

Napalunok ako at saka tumango. Kahit siya ay ramdam niya ang pagiging malamig ng pakikitungo ko sa kanya. "I will..." sagot ko.

Hindi ko hahayaang ipahalata kayna Maia at Nica na hindi kami ayos ni Jake. Maia has too much stress in her already. Nica, she's happy with Jaydee and I don't want to ruin that for her. He's the only thing that makes her happy. Si Jaydee na lamang ang nagpapawala sa stress ni Nica sa mga gastusin.

Bumaba ako ng kotse at ilang minuto lamang ay nagkita-kita na kaming lahat. Nagulat pa ako ng kasama nina Jaydee si Kurt. Baka inimbita rin ni Jaydee.

Katulad ng inaasahan ko, wala si Hugh. Pero mas ikinagulat ko pa nang hindi kasama ni Maia si Andre. Tinanong ko sila kung bakit wala si Andre at si Jaydee na ang sumagot. Tanging ngisi lamang ang nakuha ko kay Kurt, na mas lalo nagpataka sa akin.

"He said that he's busy. Marami daw kasing natambak na trabaho dahil ilang araw din siyang hindi maayos ang mga gawa," sagot ni Jaydee.

Napatango na lamang ako sa sagot niya. Understandable dahil na rin sa lahat ng pinagdadaanan ni Maia at Andre.

Nang ilipat ko ang aking tingin kay Maia ay dumapo ang aking mata sa kanyang kamay. Bahagyang kumunot ang aking noo nang makitang wala sa kanyang kamay ang singsing nila sa kasal. 

Nag-away ba sila kaya hindi rin niya sinama si Andre? Ngayon ko lang nakita na nakahubad ang singsing niya...

Natigil ako sa pagtitig kay Maia nang biglaang magsalita ang katabi kong lalaki, si Jake. "How 'bout Hugh? Busy rin?"

Bahagyang nanlaki ang aking mga mata at di mapakaling inayos ang aking upo. Humawak ako sa braso ni Jake at hinila ito nang kaunti, pinapatigil siya. Tumikhim ako at tumingin kay Jaydee.

"Yeah. May event din na mangyayari sa kaniyang bar," ani Jaydee.

Ilang minuto pa kaming nagtagal ng nagkukwentuhan lamang nang dumapo ang aking tingin sa malayo. Bahagya akong napatigil nang makakita ng pamilyar na tindig sa 'di kalayuan.

Kahit na halo-halo ang kulay ng ilaw sa loob ng bar ay kilalang-kilala ko pa rin kung sino ito. May kausap siyang lalaki, siguro ay nadaanan niyang kakilala niya. 

Nanlaki ang aking mata nang ituro niya ang gawi ng aming couch at tumingin sa amin. Sandaling nagtama ang aming tingin na agad nagpatigil sa kanya. Agad akong umiwas ng tingin sa kanya at binaling ang atensyon kay Jake.

Napagdesisyunan kong hilahin si Jake palabas ng usapan para sumayaw sa gitna. Baka kung ano na naman ang sabihin nito kapag nagtagal pa kami. Ayaw ko rin na magkita sila ni Hugh.

"Sige. Sandali lang," sagot nito at may kinuha mula sa kanyang bulsa.

Tumingin naman ako kay Nica at nagpaalam dito na aalis muna kami. Kita ko kung gaano nang inaantok si Maia sa isang gilid. 

Naramdaman ko na lamang ang kamay sa akin ni Jake, inaaya na ako sa gitna. Nang makapunta kami sa gitna ay agad bumalik ang seryosong ekspresyon sa aking mukha.

"Hindi mo na dapat 'yon tinanong pa," sabi ko rito na nagpatawa lamang sa kanya.

"Why? Masama na bang magtanong kung nasaan 'yong tao? Ikaw rin naman, nagtanong kung nasaan si Andre. Ganoon lang din ang ginawa ko," sabi nito.

Nagpatuloy ako sa pagsayaw sa malakas na tugtog habang diretso pa ring nakatingin kay Jake. "Iba 'yong akin. Curious lang talaga ako. Ikaw, gusto mo pa atang maghamon ng away," iritado kong sagot dito.

He smirked and placed his hand on my waist. Hinapit niya ako palapit sa kanya hangga't sa tumama na ang aking katawan sa kanyang matigas na dibdib. Nagulat na lamang ako nang biglaan niya akong patakan ng halik sa noo. 

Bahagyang nagsalubong ang aking mga kilay nang umiwas ito ng tingin sa akin at lumagpas iyon sa aking likuran. Sinundan ko ang tingin nito. Nakatingin siya sa gawi ng couch namin, kung saan nakaupo na roon si Hugh, pinapanood kami habang may hawak-hawak na baso ng alak.

Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso nang magtama ang aming tingin. His eyes looked emontionless and dark. Pansin ko ang paghigpit ng hawak niya sa baso.

Umiwas ako ng tingin dito at binalik ang aking mata kay Jake. Kita ko ang pagngisi nito kasabay ng paglapit niya sa aking mukha. Idinampi niya ang kanyang labi sa akin na hindi ko na ikinabigla pa.

Nang makabalik kami sa couch ay tanging si Jaydee at Nica na lamang ang nandoon. Nakasandal na si Nica sa balikat ni Jaydee habang marahang sinusuklay ni Jaydee ang buhok nito. Nag-uusap silang dalawa pero halata na ang antok sa mukha ni Nica.

"Umalis na sina Kurt at Imo kanina pa. Pinahatid namin kay Kurt si Imo dahil masyado nang lasing si Imo," banggit ni Jaydee nang makita kaming bumalik sa couch. Napatigil pa ito ng sandali, para bang iniisip kung itutuloy ang sasabihin. "Humabol si Hugh. Pero, nasa parking lot na ata, nagpapahangin," dagdag pa niya.

Tinanguan ko lamang siya at muling umupo sa tabi ni Jake. Kita ko ang maliit na ngisi sa labi ni Jake nang tignan ko ito. 

"Sinabi ko rin pala kay Andre na lasing si Imo at baka kailangan ng tulong. Sana... hindi siya magalit," dahan-dahang sabi ni Jaydee.

Ilang minuto pa kaming nanatili ni Jake sa upuan. He placed his phone down on the small table, and I just look at it. I was mindlessly staring at it for a long period of time.

Maya-maya pa ay napagpasyahan na naming lumabas dahil pagod na rin ang lahat. We made our way to the parking lot.

Napatigil kami nang makita si Hugh at Andre na magkausap sa may parking lot. Napakunot ang aking noo nang makita si Andre na umiiyak. He looked so wrecked. While Hugh was fuming mad.

Ngayon ko lang ulit siya nakitang ganito kagalit. Anong nangyari at anong pinag-uusapan nila ni Andre?

Bago pa kami makalapit dito ay dumapo ang aking tingin kay Kurt na padaan sa gawi nila. Kakababa lamang niya mula sa kanyang sasakyan. Pagewang-gewang na rin ito sa paglalakad.

Bumalik pa siya dito? Bakit lahat sila ay nandito?

Mas lalo lamang nanlaki ang aking mga mata nang makita si Hugh na lumapit kay Kurt ay hinawakan ito sa kwelyo ng damit. Rinig ko ang pagsigaw nito mula sa malayo kasabay ng pagtama ng kamao niya sa mukha ni Kurt.

Bumagsak si Kurt sa sahig at napahawak sa kanyang labi. Napasigaw na lamang kami ni Nica sa nakita. Taranta kaming tumakbo papunta sa kanila.

"Kurt, Hugh!" dumagundong ang malakas na sigaw ni Jaydee sa malawak na parking lot.

Hindi nagpatinag si Hugh at muli pang sinuntok si Kurt. "You fucker!" punong-puno ng galit na sagot ni Hugh at hindi tinigilan ang pagsuntok kay Kurt.

Pinatabi ni Jaydee si Nica at lumapit kay Hugh. Imbis na tumabi at hayaan lamang sila ay lumapit din ako sa dalawa, katulad ni Jaydee. Naramdaman ko pa ang kamay ni Jake sa aking palapulsuhan, pinipigilan ako.

Binigyan ko siya ng matalim na tingin at marahas na binawi ang aking kamay. "Bitiwan mo 'ko, Jake!" iritado kong sabi sa kanya at nagpunta kina Hugh at Kurt.

Sobrang lakas ng kabog ng aking puso habang palapit sa kanila. Jaydee was trying his best to get Hugh off of Kurt, but Hugh was too strong. Walang ginagawa si Kurt at hinayaan lamang si Hugh na paulanan siya ng suntok. He was just trying to cover himself up for less damage and kept on grunting in pain.

"We fucking trusted you, you fucking asshole! They trusted you!" hingal na hingal na sigaw ni Hugh.

"Hugh, tama na!" sigaw ko dito. 

Hindi pa rin ito tumigil. "Hugh, tumigil ka na! Putangina, tama na 'yan!" pagsaway ni Jaydee kay Hugh.

Nang mailayo na ni Jaydee si Hugh ay mabilis akong humarang sa pagitan ng dalawa. Hugh's chest was heaving heavily, still wanting to hurt Kurt. Pagod na pagod na nakahilata si Kurt sa sahig habang duguan ang mukha.

"Hugh, kumalma ka muna!" pagpipigil ko kay Hugh bago tumingin kay Kurt. I tried to touch his face that was full of blood and bruises, but he just avoided my hands. "Fuck..." I whispered. Masyado na siyang nabugbog ni Hugh!

Sobrang mapupungay ang mata nito at para bang wala sa sarili. Ano bang nangyayari sa kanila?! Tumingin ako kay Jake ngunit napansin ko ang panlalaki ng mata nito, para bang hindi inaasahan ang nangyayari. 

Nabaling ang aking tingin kay Nica nang lumapit ito sa amin ni Kurt. "H-He needs medicine... He needs to get treated..." mahinang bulong ni Nica, halata ang takot sa kanyang boses.

Inabot niya ang kanyang panyo sa akin at marahang dinadampian ang putok na sugat ni Kurt. "Kurt? Naririnig mo pa ba kami?" tanong ko rito.

He looks so... disoriented.

Kahit na mukhang wala sa sarili si Kurt ay tumango pa rin ito. Bumulong ito ng sobrang hina, hindi ko na masyadong naintindihan pa.

Ilang minuto pa bago namin tuluyang napakalma si Hugh. Pinabalik ko na lamang si Jake sa kotse dahil mukhang nakainom din ito at para iwas gulo na rin.

Kahit na sugat-sugat si Kurt ay nagpumilit itong bumalik sa kanyang kotse. Hindi namin ito napigilan at hinayaan na lamang siya.

"Hugh, parang gago naman. Bakit bigla nalang kayong nagsusuntukan?" litong-litong tanong ni Jaydee.

Hinahabol pa rin ni Hugh ang kanyang hininga habang hindi sinasagot ang tanong ni Jaydee.

"I saw Kurt and Imo... They were kissing," mahina at maiksing paliwanag ni Andre.

Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ito. "Hindi 'yon magagawa ni Maia, Andre! Yes, she may be heartless, pero hindi ka niya lolokohin, lalo na kasama ang kaibigan mo!" pagtatanggol ko kay Maia.

Hindi. Matinong babae si Maia. Kahit ano pa ang mangyari sa kanya, hinding-hindi niya 'yon kayang gawin. She may be a playgirl, but she wouldn't cheat especially if they are already in a relationship.

Hindi na nakipagtalo pa sa akin si Andre at umuwi na lamang. Masyado na siyang pagod at nasaktan sa nangyari.

"Guys, I don't think they both people cannot do that on their own will..." mahinang pagsingit ni Nica sa amin. Kaming apat na lamang nina Jaydee at Hugh ang natitira.

Napatingin kaming lahat kay Nica nang sabihin niya iyon. "Kurt... He murmured something before he left," sabi ni Nica at binigyan ako ng makahulugang tingin.

Para bang bumagsak ang aking puso sa sinabi ni Nica. Kurt whispered something when we were asking him if he can hear us...

Dahan-dahang nanlaki ang aking mga mata nang makuha ang ibig sabihin ni Nica. Dumoble ang bilis ng tibok ng aking puso kasabay ng paglukob ng kaba sa aking buong sistema. No...

Jake.

⛓️

—zχαnтℓуχ

Continue Reading

You'll Also Like

806K 23.9K 49
Nuraya just knew she had to give it all. Sa hirap ng buhay kailangan niya na lang talagang ibigay ang best niya para maatim lahat ng pangarap niya sa...
3.1K 87 39
SPSeries #3: That Sunset Along Roxas Boulevard (Cedric's Story) 3 of 5. Haunted by her past, Kasha Marina, an architecture student from PUP Manila, c...
143K 3.8K 35
ISLA SERIES #1 Esme, an island girl who wants nothing but to be successful. Her life was as peaceful as she wanted it to be. Not until Echo, her bes...
10K 345 39
SPSeries # 1 : That Rainy Night in Cubao (Jericho's Story) 1 of 5. Scared to be left behind, Glory Ginn, from PUP College of Communication, never got...