- _WORLD ● Seventeen
now playing...
─────
Stacy's POV
─────
Nagring ang phone ko. Hinanap ko pa ang phone ko sa pockets ko bago makita ang screen na nagflash ng random numbers.
Pero kahit hindi ko kilala ito, pinili ko paring sagutin.
[📞]
"Hello?"
katahimikan lang ang naririnig ko sa kabilang linya kaya natatakot na ako baka si Gwen ito. Ibaba ko na sana ng marinig ko ang boses na hindi ko inaasahang tatawag sakin.
"Ayun sumagot ka pala HAHA"
narinig ko ang pagbukas at sarado ng pintuan at nasundan ng boses ni Elixir
"Elixir? Paano mo nakuha number ko? Atsaka gabi na ah? Napatawag ka?"
"Hinay hinay lang ma'am sa mga tanong HAHA. Si Cass nagbigay ng phone number mo sakin"
Hindi ko talaga inexpect na siya ang tatawag. Tiningnan ko si Cassidy na tulog na.
"Kala ko nga si Gwen yung tatawag sakin"
"..."
"Hoy andyan ka pa ba?"
"Y-yeah I'm still here. Baka siguro napag intay kita kanina. Nagcr kasi ako HAHA"
Bakit kaya bigla siyang tumahimik? May nasabi ba akong mali? Or baka naman may ginagawa siya? Pero may nairinig ulit akong boses na hindi ko rin inaasahan.
"Hoy Elixir sino yan?"
"Si Tyco ba yang naririnig ko?"
tanong ko dahil halata talagang si Tyco yun eh.
"Ah eh oo ayaw ko pa talaga umuwi eh. Atsaka masarap naman lagi ulam nila dito. Gusto mo dyan naman ako sainyo makituloy minsan? HAHA makikikain lang?"
"Ewan ko kay Cassidy kung papayag pero pag ako payag naman"
"Btw napatawag nga pala ako para tanungin kung kamusta yung pinuntahan mo kanina?"
"Ay okay naman!"
Just visited Gwen's grave. Medyo naglakas loob na ako kanina na bisitahin siya kahit nagdadalawang isip ako na baka multuhin niya ako bigla dun dahil wala akong kasama pero it was a quiet place actually. Hindi ko sakanila sinabi kung saan ako nagpunta pero basta nalang akong umuwi. Kasi kung hindi pa ako uuwi at makikisali pa sa discussion baka late na ako makauwi. Hindi naman pwedeng bisitahin ko si Gwen dito sa sementeryo ng madilim na.
"thats good. Anyway chika ko ba nangyari kanina? HAHA"
"Gorabells"
"Nabuking na ni Void si Syriena"
Wait? YUNG LIQUID NA BA ITO??
"Eh? what happened?"
"Wala parin kasing naramdaman si Void nung hapon tungkol dun sa liquid na ininom. Kwinento kasi ni Void na nakita niya si Tyco na iinom nung lason pero nakuha niya at siya mismo uminom. Yung kaninang tanghali!"
sabi na eh. Inipit ko sa pagitan ng tenga at balikat ko ang phone at inayos ko ang kalat ko dito na balat ng mga chicharon dahil kumakain pa ako, sitting cross-legged, habang nakatutok sakin yung electric fan na maliit habang may hair roller pa ako sa buhok.
"Oo pero anong nangyari?"
"Nagalit si Neon kasi syempre daw walang mararamdaman si Void na kahit anong side effects kasi hindi daw same amount yung nainom ni Void kesa sakanya pero ang nakakagulat. Hindi nga same amount pero sobra pa nainom ni Void kay Neon"
Wait?! Grabe yun. It's a bit risky uminom nang ganon. Delikado yun, paano kung poison nga? diba?
"Ha? Paano?! Unti lang naman yung hawak natin kanina?"
"Nakahanap pa si Void sa bag ni Kisha kaninang umaga. Tanda mo nung nakita tayo ni Kisha sa library tas binalitaan tayo tungkol kay Harmonia? Si Void nag utos mismo kay Kisha na pumunta ng library that time. That's when the action took place. Habang kausap tayo ni Kisha sa library. Iniinom na ni Void yung isa pang bote ng liquid na nahanap niya sa bag ni Kisha tapos pinalitan niya ng cold water para hindi mahalata"
"Sandale nga.. so may isa pang bote si Kisha?"
"Exactly"
Kisha what exactly is your plan? We trust her naman. Baka may pag gagamitan siyang iba
"Para saan kaya?"
"We don't know pero ayun nagulat kaming lahat kasi Void literally risked his life just to know the truth.. Isipin mo, kung nagkamali yun at totoong poison. Void would be in danger dahil sobra pa pala sa amount na ininom ni Neon ang nainom niya"
"Yeah kaya nga nagulat ako"
"Pero ayun parang kdrama lang nangyari HAHA. Tapos ayun, tumakbo si Syriena at umiyak. Btw may pupuntahan ka ba bukas?"
Hala? Bakit biglang nagtatanong kung may pupuntahan ako bukas? Atsaka isa pa yan si Syriena eh. Ano bang balak niya? Magtratransfer siya bigla dito sa Xeilton kasi nga andito si Neon? Pero ni hindi nga manlang namin alam kung saang planeta siya nanggaling eh
"Wala naman? Bakit?"
"Gala tayo? Tas bukas ko narin sayo kwento ng detailed"
"Sige ba HAHA"
Ahhh chikan naman pala... wait a date?! I mean a friendly date siguro HAHA... haha oo nga friendly date nga pero bakit ako kinakabahan as if hindi kami tumambay sa rooftop ng kaming dalawa lang?
"Sige na, magpahinga ka na. See you HAHA"
"See you HAHA"
Something about his voice feels off like.. parang kinakabahan rin siya magtanong earlier grabe. Kahit ako kinakabahan rin jusko.
Nag end call na ang phone ko at tatayo na sana ako ng biglang
"AAAAAAAAAAHHH"
"Cassidy huwag kang sumigaw please masakit sa tenga" sabi ko habang tinatakpan ang tenga dahil pumapalirit si Cassidy. Kaawa talaga mga kapit bahay namin, sana sanay na sila sa kaingayan namin.
"YIEE MAY DATE SIYA BUKAS" sigaw ni Cassidy kaya I feel a bit flustered
"FRIENDLY date" sabi ko dahil. I still remembered the past where I confessed to Elixir pero nireject niya ako so I think he sees me ngayon as a friend nalang talaga. Hindi ko narin naman hinihiling na magkagusto siya sakin. One rejection is already enough.
"Kahit pa tatawagan ko si Kisha bukas. Aayusan ka namin" sabi ni Cassidy na sobrang excited pa at kinuha ang phone
"Ay sus friendly date lang naman kahit nga nakahoodie nalang at pajamas akong lumabas"pang aasar ko sakanya kasi alam kong hindi papayag yan si Cassidy
"Gaga Elixir Yoshida tong pinag uusapan natin" ani niya at nagpress ng numbers sa phone niya
"Matulog ka na nga HAHA" ani ko at tinanggal ang hair roller sa buhok ko
"Tawagan ko muna si Kisha para sa sched bukas" sabi nito habang tinapat ang phone sa tenga
"Hindi. Bukas na. Matulog ka na. Mag e-11 pm na nga tas tatawagan mo pa yung babaeng yun. Jusko baka tulog na yun. Matulog ka narin" pagsaway ko sakanya kaya sumimangot ito. Pero maya-maya rin ngumiti. She's planning something.
"Eto naman. Gisingin natin para masaya" sabi nito at pinagpatuloy ang pag-dial ng numbers kaya umiling ako
"CASS" Sigaw ko kaya sumimangot ito at nilapag ang phone sa lamesa malapit sa kama
"OO NA NGA ETO NA MATUTULOG NA" sigaw nito pabalik at umakyat sa double deck
Napailing nalang ako't tumawa
TO BE CONTINUED..
_____
{\__/}
/ ˶. . ˶
/ づ💌 : SORRY NA OMG KAYO 😭😭
I've been busy this days because of school that I forgot to update this book pero I'll finish this no matter what! Pero slowly nga lang HAHA i hope you understand..
🖋 : [05. 22. 22]