Chained to the Past (Imperfec...

By zxantlyx

175K 2.9K 200

[Imperfect Girls Series #2] Jade Emersyn Cuevas has always been played by her past boyfriends. She either get... More

Chained to the Past
Introduction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39 (Part 1 of 2)
Chapter 39 (Part 2 of 2)
Chapter 40 (Part 1 of 2)
Chapter 40 (Part 2 of 2)
Epilogue
Author's Note

Chapter 27

2.2K 35 5
By zxantlyx

tw: violence

Chapter 27

Steal

PAGKAUWING-PAGKAUWI ko galing sa trabaho ay bumungad sa akin ang madilim na paligid ng aking condo. Kunot-noo akong pumasok doon at binuksan ang mga ilaw.

Mas lalo lamang nagsalubong ang aking kilay nang makakita ng lalaking nakaupo sa lapag. Nakasandal ang kanyang likuran sa couch habang nakapatong ang kanyang ulo sa tuhod nito.

Nanunuot ang matapang na amoy ng alak sa aking ilong. May iilang boteng nakakalat sa tabi nito at may isa pa siyang hawak-hawak na para bang bagong bukas lamang.

Noong isang araw lamang kami nag-away pero ito na naman siya at ginagawa ulit. Naglabas ako ng pagod na buntong-hininga at naglakad sa loob.

Nang makalapit ako sa kanya ay handa na sana akong tapikin ito sa balikat nang bigla kong marinig ang mga hikbi nito. Nagsalubong ang aking mga kilay sa narinig.

Inangat niya ang kanyang tingin sa akin at kitang-kita ko ang pamumula ng kanyang mga mata. Hindi na ito nagulat pa nang makita ako sa kanyang harapan.

Pinawi niya ang luha sa kanyang pisngi ngunit patuloy pa rin ang pagtulo noon mula sa kanyang mata.

Nilapag niya ang bote ng alak sa gilid at tumingin sa akin. Ang kanyang mga namumulang mata ay nakatitig pabalik sa akin.

Mas ikinagulat ko na lamang nang biglaan niya akong abutin at niyakap ang kanyang dalawang braso sa aking binti. Hinigit niya ako palapit dahilan para mapalakad ako palapit sa kanya.

Sinandal niya ang kanyang noo sa aking tuhod, tuloy pa rin ang pag-iyak.

"Jade, sorry... I-I tried to reflect on my actions. Mali ako, hindi ko dapat pinagseselosan ang lahat ng lalaking kinakausap mo. Sorry. P-Pasensya na, ako lang talaga ang may problema at kung ano-anong iniisip ko."

Kahit na makita ko pa itong umiyak sa aking paanan ay nanatili lamang akong walang emosyon. Hindi ko na alam kung anong magiging reaksyon ko sa kanya.

Nagpakawala ako ng mahinang buntong-hininga at saka lumuhod sa kanyang harapan. Binitiwan niya ang aking binti at tumingin sa aking gawi, pinapanood ang aking gagawin.

Para siyang nawawalang batang tumingin sa akin. His eyes looked so lost.

Pinatong ko ang aking kamay sa kanyang balikat. I caressed his shoulder down to his arm, trying to comfort him. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Bahala na.

Nag-aaya ng bar si Nica, hindi na namin sinama pa si Maia. Saturday ngayon kaya wala na kaming trabahong kailangan alalahanin. Hindi na namin tinanong pa si Maia dahil busy daw siya sa pag-aayos ng mga gamit niya sa bago nilang bahay.

Halos isang buwan na ring kasal sina Maia at Andre. Okay naman sila. Masyado pa ngang nagiging clingy si Andre at napapadalas ang pagpapatawag niya kay Maia sa kanyang opisina. Kaunti na lang talaga at mahahalata na sila!

Kung umakto sila, para talaga silang mag-asawa. Hindi sila mukhang fuck buddies. In fairness kung acting pa rin nila 'yan, pwede na silang mag-artista.

Anong oras pa lamang ay naghanda na ako sa pupuntahan namin ni Nica. Kasama raw niya si Jaydee at sinabing pwede ko naman daw isama si Jake.

Habang nagsusuot ako ng hikaw ay lumabas na ako mula sa aking kuwarto. Nadatnan ko si Jake na nakaupo sa couch habang tutok na tutok sa pinapanood na palabas.

"Sasama ka ba sa akin? Pupunta kaming bar nina Nica," aya ko sa kanya.

He took a quick glance on me and shook his head to the side. "May pupuntahan din ako mamaya. Kayo nalang," sagot nito.

Nagsuot ako ng sapatos at saka lumapit sa kanya. Hinaplos ko siya sa kanyang balikat. "Kasama namin si Jaydee. 'Wag kang mag-alala, nakabakod na 'yon kay Nica," pagpapaalam ko.

Tumango ito at muling tumingin sa akin. Mabilis niya akong hinalikan sa labi bago ako umalis ng condo.

Kakasakay ko pa lamang sa aking sasakyan nang bigla kong maramdaman ang pagtunog ng aking telepono. Tiningnan ko iyon at nakitang si Nica ang tumatawag. Mabilis ko 'yong sinagot habang inaayos ang aking mga gamit.

"Jade, change of place! Let's go to Hugh's bar," bungad nito sa akin.

Napakunot ang aking noo nang marinig iyon. "Huh? Bakit nag-iba kayo bigla ng bar?" tanong ko rito.

"The drinks here is better! Plus, Jaydee said it's free," sagot nito.

Hindi na ako nakipagsalita pa nang makarinig ng malakas na sigawan mula sa kabilang linya. Mukhang nandoon na sina Nica at Jaydee. Maingay na ang kanilang paligid, puno ng tao.

Wala akong nagawa kung hindi babaan siya ng tawag at magmaneho papunta doon. Magdadasal nalang ako na wala ang may-ari ng bar doon.

Humugot ako ng malalim na hininga habang nakatitig sa bar na nasa aking harapan. Naglakad ako papasok at agad akong binati ng maingay na musika sa paligid. Punong-puno ang bar ngayon kahit maaga-aga pa naman.

Halos makipagsisikan na ako sa mga tao para lamang makarating sa couch nina Nica at Jaydee. Maliit lamang ang kanilang kinuhang couch, sakto para sa pang-apatan na tao.

Magkaharap ang mga upuan. Dalawa sa isa, habang dalawa rin ang kasya sa kabila. Magkatabi si Jaydee at Nica, habang bakante naman ang upuang nasa harapan nila.

"Jade! You're here!" tuwang-tuwa na bungad sa akin ni Nica nang makita ako.

Binigyan ko ito ng maliit na ngiti at saka siya niyakap. Agad inatake ng matapang na amoy ng alak ang aking ilong nang madikit ako dito.

"Nica, lasing ka na agad?" tanong ko dito.

"No. I just had two shots," sagot niya at muling umupo sa couch.

Umupo ako sa kabilang banda, katapat ng kinauupuan nila. "Hoy, ikaw, Jaydee! Aalalagaan mo ang kaibigan ko, ha!" bungad ko kay Jaydee at tinuro pa ang aking kaibigan.

"Ako pa ang sinasabihan mo, Jade? Tsk! 'Di na 'ko kailangan paalalahanan 'no!" mayabang niyang sagot.

Humalakhak si Jaydee habang si Nica naman ay napasimangot sa aking sinabi. "Jade, don't embarrass me!" saway sa akin ni Nica.

Tunog siyang bata na ayaw mapahiya ng magulang sa harapan ng kanyang crush. Hays, parang teenager lang itong dalawang 'to, kahit halos mag-trenta na si Jaydee.

Binigyan ako ng inumin ng dalawa, ngunit pinipilit ko na hindi ako masyadong iinom.

Kinuha ko ang isang shot ng alak na inilagay ni Nica sa aking harapan at inilapit iyon sa aking labi. Dinilaan ko muna ang asin na nasa aking kamay bago ininom ang alak.

"Hugh! Uy, nandito si Hugh!" rinig kong sigaw ni Jaydee, tuwang-tuwa nang makita ang kaibigan.

Nanlaki ang aking mga mata at agad naidura ang alak na iniinom. Natataranta akong kumuha ng tissue at pinahiran ang naidura kong alak.

"Jade, are you okay?" nag-aalalang tanong sa akin ni Nica.

Sunod-sunod ang aking pagtango habang pinupunasan ang gilid ng aking labi. Napapikit na lamang ako nang mariin nang maramdaman ang pamilyar nitong presensya sa likuran ko.

"Hindi ko alam na nandito ka pala! Libre mo kami ng drinks, ha?" pang-aasar ni Jaydee. "Upo ka, pare! Baka 'di ka manlibre eh!" dagdag pa nito na mas nagpakabog lamang nang todo sa aking puso.

Tinapunan ko ito ng panandaling tingin. Nadatnan ko siyang seryoso ang ekspresyon, hindi manlang nangingiti sa mga sinasabi ng kanyang kaibigan. Umusog ako nang todo sa gilid hanggang sa nasa pinakasulok na ako ng couch, binibigyan siya ng espasyo para umupo doon.

Hindi ko maintindihan ang ekspresyon sa kanyang mukha habang nakatingin sa akin. Para bang naghahalo ang kaunting galit sa akin pati na rin ang pagkaawa.

Napansin niya ang aking ginawa. Tumikhim muna ito bago umupo sa aking tabi. Kahit na para sa pang-dalawahan lamang ang inuupuan naming couch ay sobrang layo pa rin ng pagitan namin, iwas na iwas sa isa't-isa.

"Oh, shot ka, Hugh! Kahit isa lang!" aya ni Jaydee at binigyan ng isang shot si Hugh. Mabilis lamang iyong tinanggap ni Hugh at ininom.

Tumikhim ako bago kumuha ng isang shot na nakahanda na sa lamesa. Inorder ata 'to nina Nica at Jaydee kanina pa. Wala namang umiinom kaya ako nalang.

Nang inumin ko iyon ay agad akong napatigil nang dumaan sa aking dila ang pamilyar na lasa. Napalunok ako at sandaling napatingin kay Hugh na seryosong kausap si Jaydee.

Tangina. Naalala ko 'yong lasa ng kanyang labi. Ito ata 'yong tinaste test niyang alak noong... basta!

Umiwas ako ng tingin mula sa kanyang gawi at nanahimik na lamang sa isang tabi. Patuloy ang dalawa sa pagkukwentuhan at minsan ay nakikisali si Nica.

Maya-maya pa ay naramdaman ko na lamang ang pag-vivibrate ng aking telepono. Mabilis ko iyong tiningnan at nakita ang nanay ni Maia na nagtext sa akin. Napakunot na lamang ang aking noo. Bakit naman ako i-tetext ng nanay ni Maia?

From: Tita Olivs

Jade, Maia just had a miscarriage. The child is gone. You can visit her if you want to, but she's not doing well.

Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang text nito. Umawang ang aking mga labi at agad napatingin kay Nica. Nanginginig ang aking mga kamay kasabay ng panlalamig nito.

"N-Nica, si Maia..." mahina kong sabi. Napatigil sila sa pagkukuwentuhan at napatingin ang lahat sa aking gawi. "Nakunan si Maia..."

Ilang beses naming sinubukan na kitain si Maia ng mga oras na iyon. Hindi siya sumasagot sa mga tawag namin at kahit sa mga text namin.

Nakikibalita na lamang kami sa mga magulang nito o 'di kaya ay kay Andre. Hindi rin niya sinisipot ang kanyang mismong asawa.

Sobrang nag-aalala na kami sa kanya. Nagkukulong lang daw ito sa kanyang condo.

Because of her sudden miscarriage, it made me remember of the past. Muntikan na rin makunan ang aking nanay noon sa pangalawa kong kapatid. Stressed na stressed siya dahil sa pera, sa aking tatay, at pati na rin sa aking pagtatapos sa pag-aaral noon.

I was fifteen when she got pregnant. Noon, halos araw-araw ko silang nakikita ni Papa na nag-aaway. Kahit na nasa loob ako ng aking kuwarto ay sobrang linaw pa rin sa akin ng mga sinasabi nila sa isa't-isa. Ang pagbabatuhan nila ng masasakit na salita.

Hindi ako mapakali habang nakaupo sa aking malambot na kama. Ilang buwan ko nang hindi nakikita ang aking kapatid. Ilang buwan ko na rin siyang hindi nakakausap.

We didn't grow up together... We grew apart from each other. Weeks after my mother giving birth to her, she was given away to my mother's sibling.

I took in a deep breath as I stared at the house in front of me. Mahigpit kong hinawakan ang aking maliit na shoulder bag at saka kumatok sa gate.

Ilang minuto akong naghintay hangga't sa makakita na lamang ako ng batang tumatakbo palabas ng bahay. Tumingala ito sa akin habang may maliit na ngiting nakapaskil sa kanyang labi.

"Ano po 'yon?" tanong nito sa akin gamit ang kanyang maliit na boses.

Napangiti ako sa narinig. "Si Tita Jen, nandyan ba siya?" malumanay kong tanong.

"Ah, si Tita Jen! Teka lang po!"

Muli itong pumasok sa loob ng kanilang bahay. Ilang minuto akong naghintay sa labas hangga't sa lumabas na ang isang may edad na babae. Agad sumilay sa aking labi nang makita ito. "Maraming salamat, Zoe," rinig kong sabi nito sa taong nasa loob.

"Tita," tawag ko sa atensyon nito.

Napatingin ito sa akin at agad akong binigyan ng maliit na ngiti. "Jade, kumusta ka na? Matagal-tagal ka nang hindi nakakabisita dito..." bulong nito.

Pinapasok niya ako sa loob ng kanilang bahay. Sobrang tahimik sa loob ng kanilang bahay.

"Tita, kumusta na po kayo? Si Jannica?" paninimula ko.

Naglaho ang maliit na ngiti sa labi ni Tita Jen nang marinig ang aking sinabi. "Ayos naman kami, Jade. Si Jannica nga lang..." pahina nang pahina ang kanyang boses.

Humugot muna ito ng malalim na buntong-hininga at saka umiling. "Na-ospital yung bata, Jade. May dengue at kinakailangan salinan ng dugo," hirap na hirap niyang pagpapatuloy.

Bahagyang nanikip ang aking dibdib sa narinig. Sa halos mag-dadalawang buwan kong hindi nabibisita si Jannica ay hindi ko na alam kung ano ba ang nangyari sa kanya. Magana naman siya noong huli kong nabisita.

Hindi ko alam na magkakasakit siya ng ganito...

"Ilang araw na po siyang naka-confine?"

"Mga dalawang araw na..." sagot ni Tita. "Ano nga eh... Medyo nagkukulang nga kami sa panggastos. Malapit na rin kasi ulit ang bayaran ng tuition nitong si Zoe. Baka naman, Jade. Makahingi lang kami kahit kaunti," nahihiya niyang banggit. "Kapatid mo naman—"

Umiling ako at pinutol ang kanyang sinabi. "Hindi niyo na po kailangan magpaliwanag, Tita. Magbibigay po ako ng kaya ko. May ipon din naman po ako," pagputol ko sa kanya. Binigyan ko siya ng maliit na ngiti at hinawakan pa ang kanyang kamay. "Salamat po sa pag-aalaga sa kanya, Tita."

Nagtagal pa ako nang kaunti sa bahay nina Tita Jen. Inaya niya rin kasi akong kumain kahit kaunti.

Nang maka-uwi ako sa aking condo ay agad akong dumiretso sa aking kuwarto. May tinatabi akong kaunting ipon dito, hindi ko nilalagay sa bangko dahil kung may emergency ay mabilis ko lamang mahahalughog.

Matagal na akong nagsimulang mag-ipon. Plano ko kasi talaga ay magpakasal nang maaga. Pero, mukhang malabo nang mangyari pa iyon... Kaya mas mabuting mapunta na lamang sa iba ang aking kaunting ipon.

Kung hindi pa naman 'to sapat, kukuha nalang ako sa bangko bukas para ibigay pa kay Tita Jen.

Kahit ito lang ay maitulong ko na sa kanila. Sobrang laki ng utang na loob namin ni Mama kayna Tita.

Umupo ako sa sahig at hinawi ang bedsheet ng aking kama. Bumungad sa akin ang drawer na nakakabit mismo sa gilid ng aking kama. Binuksan ko iyon at inilabas ang isang itim na kahon.

Napatigil ako nang halughugin ko ang itim na kahon. Dito ko rin nilalagay ang ibang importanteng papeles ko, pero kahit anong gawin kong paghahanap ay hindi ko makita ang perang nilagay ko doon.

Napakunot ang aking noo kasabay ng unti-unting pagbilis ng tibok ng aking puso. Halos ilabas ko na ang lahat ng papel nang makita ang isang envelope. Nakahinga ako nang maluwag nang makita iyon.

Binuksan ko ang sobre at agad bumagsak ang aking puso nang makita ang laman noon. Kulang-kulang at halatang nabawasan. Mas lalo lamang nagsalubong ang aking kilay sa nakita. Binilang ko kung magkano na lamang ang natira.

Wala pa sa kalahati ng halaga ang natira sa loob. Muli akong tumingin sa kahon at naghanap pa doon, kung sakaling may bumagsak lang, pero wala. Wala nang perang natitira sa loob.

Unti-unting nilamon ng kaba ang aking dibdib kasabay ng pagbukas ng pintuan ng aking kuwarto. Napatingin ako sa gawi noon at bumungad sa akin si Jake na takang-taka na nasa loob ako.

"Nandito ka? Akala ko lumabas ka muna?" tanong nito.

Nanatili akong nakatitig dito ng ilang segundo, hindi sinasagot ang kanyang tanong.

Nilunok ko ang bara sa aking lalamunan at humugot ng malalim na hininga. Umiwas ako ng tingin sa kanya at binalik sa sobreng hawak-hawak. Nagdadalawang-isip ako kung itutuloy ko bang sabihin ang nasa isip ko.

Tumikhim ako at muling tumingin dito. "Ikaw? Bakit ka pumapasok sa kuwarto ko kung alam mo naman palang may pinuntahan ako?" tanong ko pabalik sa kanya.

Simula noong nagkabalikan kami, hindi ko pa siya napapapasok sa aking kuwarto. Walang dahilan para pumasok siya dito. Lahat ng nandito ay mga gamit ko lamang.

Rinig ko ang mahina nitong pagtawa kasabay ng pagkamot niya sa kanyang batok.

"May hinahanap kasi akong gamit. Titinginan ko sana kung nandito sa kuwarto mo at baka napulot mo," sagot niya.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa lapag at taimtim itong tinitigan pabalik sa mata. Unti-unti nang nagugusot ng aking kamay ang hawak na sobre habang palapit dito.

Sobrang bigat ng aking paghinga nang makalapit ako nang tuluyan dito. "Jake, bakit nawawala ang ipon ko dito?" mahinahon kong tanong at pinagtaasan pa ito ng kilay.

Kumunot ang noo nito at napatingin sa hawak-hawak kong sobre. "Hindi ko alam. Bakit ko naman malalaman kung bakit nawawala 'yong pera mo dyan?" patay malisya niyang sagot.

I scoffed upon hearing his answer. "Jake, ikaw lang ang nakakapasok sa condo ko sa loob ng isang buwan! Wala na akong pinapapasok dito kahit kaibigan o tatay ko man!"

Nawala ang maliit na ngiti sa kanyang mukha at seryosong tumingin sa akin. "Inaakusahan mo ba akong ninakaw ko ang pera mo?" tanong nito.

Inangat ko ang aking kamay at pinakita ito sa kanya. "Tinatanong lang kita kaya sumagot ka nang maayos," mariin kong sagot.

Natahimik ito at natigil sa sinabi ko. Mas lalo lamang nanikip ang aking dibdib nang wala itong maisagot sa akin. Tangina.

"Jake, putangina naman! Bakit mo kailangan pakialaman ang pera ko?! Ipon ko 'yon eh!" inis na inis kong sigaw.

"Kumuha lang ako ng kaunti, Jade! Napakadamot mo naman kung pati 'yon ay sisitahin mo pa!" sigaw niya pabalik.

Bahagyang nanlaki ang aking mga mata. Para bang napintig ang aking tainga sa sagot nito. "Jake, ipon ko 'yon! Pinagkahirapan ko 'yon, tapos gagastusin mo lang?! Hindi ka manlang nagpaalam na hihiram ka sa akin?!"

"Tangina, kaunti lang 'yong kinuha ko, Jade! Ibigay mo na naman sa akin 'yon! Ilang beses lang eh."

Ramdam ko ang unti-unting pag-init ng gilid ng aking mga mata. My chest was heaving uncontrollably. Naninikip nang sobra ang aking dibdib sa inis at pagka-irita.

"Kaunti? Halos wala na sa kalahati ang natira. Jake! Naririnig mo ba ang sarili mo, ha?! Para sana sa kapatid ko ang perang ginastos mo! Putangina, 'yong kapatid ko, nasa ospital, mahina at kailangan ng dugo!" sigaw ko.

Tuluyan nang tumulo ang luha mula sa aking mga mata pababa sa aking pisngi.

"Wala akong pakialam sa pera! Pero 'yong pagnanakawan mo ako at hindi mo manlang makita kung saan doon ang mali..." Napatigil ako dahil sa sobrang panghihingal. Napahikbi na lamang ako. "Tangina. Nanggagago ka ata talaga..." nanghihina kong bulong sa aking sarili.

Sinuklay ko ang aking buhok patalikod gamit ang aking kamay. Pilit kong sinusubukang kumalma pero walang tigil ang pagbagsak ng luha.

Hindi ko na alam. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa kanya.

N-Nagagaya na siya kay Papa. Tangina. Magagaya pa ata ako kay Mama...

Muli akong tumingin sa kanyang gawi. Inangat ko ang lukot na sobre at lumapit sa kanya. Malakas ko iyong hinampas sa kanyang dibdib dahilan para mapaatras ito nang kaunti.

"Putangina... putangina nalang talaga, Jake. Hindi ka na nagbago. Mas lumala ka pa," bigong-bigo kong bulong.

Kita ko ang pagkahulog ng sobreng may kaunting laman na pera sa sahig. Sinundan ko iyon ng tingin hanggang sa bumagsak na ito nang tuluyan sa lupa.

Napapikit na lamang ako nang mariin nang biglaang maramdaman ang malakas na paglapat ng palad ni Jake sa aking pisngi.

Napangiwi ako nang bigla nitong abutin ang aking panga at kinulong sa isa niyang kamay. Ramdam na ramdam ko ang pagsikip ng kanyang hawak doon kasabay ng pagharap niya sa aking mukha sa kanya.

He pointed his finger at me while his eyes were full of anger. "'Wag mo 'kong sasabihan ng ganyan, Jade. 'Di mo alam kung anong kaya kong gawin," pagbabanta niya.

Imbis na matakot sa kanyang sinabi ay wala na lamang akong naramdaman. Pagod na 'ko. Pagod na ako sa ganitong pangyayari. Tangina, bakit kailangan ko pang maranasan ng pangalawang beses?

Mahina akong umiling sa kanya. "'Di ko nga ba talaga alam?" mariin kong pag-uudyok dito.

Mas lalong sumilab ang galit sa kanyang mga mata kasabay ng marahas niyang paghagis sa akin palayo. Bumagsak ang aking katawan sa sahig at tumama pa ang aking likod sa kama.

Napadaing na lamang ako sa naramdamang sakit. Nanlalabo ang mga mata akong tumingin dito. Kita ko kung paano niya pinulot ang sobre at dali-daling lumabas ng kuwarto, leaving me behind. All alone.

⛓️

happy 7k reads!! thank you to all the people who are patiently waiting for updates!

—zχαnтℓуχ

Continue Reading

You'll Also Like

143K 3.8K 35
ISLA SERIES #1 Esme, an island girl who wants nothing but to be successful. Her life was as peaceful as she wanted it to be. Not until Echo, her bes...
381K 19.9K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
32.9K 1.3K 43
Kasabay ng pag-usad ng panahon ay ang pagkatuto ni Claudine. Kasabay ng pagyabong ng mga puno ay ang kanyang pag-unlad. Kasama siya. Palagi. Ngunit k...
38.6K 1.3K 56
Second to None Series #1 Soleil Valencerina, ang sarcastic, ma-attitude at wild girl ng barkada na MVP sa overthinking. After topping the physician l...