HER HALF (COMPLETED)

Autorstwa arisxixey

12.2K 186 13

She was treated badly, she longed for a Father's love and still, she can't do anything about it. Maya is a h... WiΔ™cej

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 5
CHAPTER 4
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
EPILOGUE
REHAN JAY
! ARISXIXEY
NEW STORY!

CHAPTER 20

293 2 0
Autorstwa arisxixey

Chapter 20

Two months later, I found myself entering the building of the Vasco Empire. I received a text message from Alexandria saying I need to come about something she didn't said. So, I am now here facing the personnel in the front desk.

She's surprised for my sudden visit because I haven't been here for almost a year now.

"Wow, Maya. How are you?" she asked.

"Okay naman. Payapa ang buhay," tanging sagot ko.

Nang magtanong siya kung bakit ako nandito ay agad kong sinabi na pinapunta ako ni Alexandria to talk about something i don't know.

"Thank you." I walked directly to Mrs Kalim's office and when I knocked, it wasn't Mrs Kalim who opened the door, it was Alexandria.

"Hi Ate!" Napaatras ako ng kaunti ng sugudin niya ako ng yakap. Natatawa akong yumakap pabalik sa kaniya hanggang sa pinaupo niya ako.

This office has changed. Kung dati puro drawer lang na may uniform, ngayon ay puno ng calming vibe. Mula sa mga gamit na halos kulay brown, light brown, at puti may mga maliliit din na bulaklak.

Ngayon ko lang din napansin na pangalan ni Alexandria ang nakalagay sa desk niya katabi ang ibang papeles na hindi ko tiningnan.

Pagkapasok ko kanina ay agad kong napansin ang pagbabago ng kulay ng pintura sa mga dingding at may ibang desinyo na din na nakalagay.

"Nag-retire na si Mama. Kaya ako na ang pinalit sa kaniya." A proud smile appeared in my face while nodding slowly.

"That's good. Kamusta naman? Hindi ka na naglilinis sa taas?" Nawala ang ngiti nito kaya nagtaka ako.

"After Sir Achie disappear—well not really disappear. You know Ate, dinala sa ibang bansa, hindi na kami nakapasok sa opisina. Kung meron man makakapasok, iyon ay ang maglilinis. But once in a month lang din. Hindi nga bumisita ang mga magulang niya dito eh. We're hoping na lang talaga na maayos na ang lagay ni Sir kasi mag-iisang taon na siyang wala 'di ba." Tahimik akong napatango.

"Si Sir Alark ang minsang naghahandle ng mga bagay bagay kapag need ng approval sa kung saan," saad nito at napatango naman muli ako.

Speaking of Alark, he visited us last week and I found out na malapit nang manganak ang magiging miss niya. But he's sad somehow. He's scared about something. Hindi daw kasi aproba ang mga magulang niya sa babae dahil na din daw sa past nito. I can't blame his parents though, but I hope they accept her since sooner or later, makikita na nila ang apo nila.

Alark changed a little when it comes to his appearance. Namayat kasi ito eh kasi grabe maglihi ang magiging Asawa niya. Nagreklamo nga sa akin 'yon kung bakit pinapagawang shampoo nung girl ang downy na para sa damit.

Ilang buwan daw siyang amoy downy na black. Pati sabon niya, downy.

Ako na nga natatawa na naaawa sa kaniya kasi literal na mahirap maglihi ang babae. Tinatanong ko nga kung sino kasi gusto kong maging kaibigan pero ayaw niya namang sabihin sa kadahilanang nahihiya din daw ang babae. Hinayaan ko na lang, saka na lang kapag manganganak na ito.

Nagreklamo din siya sa cravings nito kasi kung siya ang kakakain, nasusuka daw talaga siya.

"Anong lasa ng manggang sinasawsaw sa Mafran aber? Iiyak pa kapag hindi ako kumain, Maya! Eh mahal ko kaya ilulunok ko na lang," problemado niyang saad noong nag-usap.

Oo nga naman, anong lasa ng gano'n.

Eh mahal niya naman kaya kakainin niya ang gustong ipakain ng mapapangasawa kung ayaw niyang mabwesit ang babae dito.

Parang gusto ko na din tuloy magkaanak. Iyong lalabas talaga sa'kin. Hindi naman sa hindi sapat ang mga bata, sadyang gusto ko lang makaranas na mag labor, iyong lalagpasan mo talaga si kamatayan para lang mabuhay ang Anak mo.

Kaso sa ngayon, complicated pa. I'm still waiting for him to come back. Walang gabi na nagdaan na hindi ko pinagdasal na maging maayos na siya at bumalik na siya sa pilipinas.

Hindi ko na din sinusuot muna ang kwentas kasi mas naalala ko iyong pag-alis nila.

"Kailan ka ulit babalik? Sa birthday mo ah, kain tayo sa labas kung free or ako na lang punta sa bahay niyo." Napatango na lang ako dahil pang-ilang ulit na niyang sinabi 'yan.

"Oo nga, tawagan na lang kita." Niyakap niya akong muli bago ako tuluyang pumasok sa nakaparadang taxi. Kumaway ako sa kaniya at umayos ng upo.

Matapos kong sabihin kung saan ako pupunta, itinuon ko na ang atensyon sa may bintana at sa mga estrakturang nadadaanan namin hanggang sa maging puno na lang ang mga ito.

11:11, pagtingin ko sa relo at balik sa nadadaanang puno.

Napag-usapan namin ni Alexandria kung ano ba daw gusto kong regalo sa kaarawan ko sa papalapit na June 14. Oo, 'yun lang iyong rason kung bakit niya ako pinapunta doon.

Yakapin ko nga sana siya sa leeg kaso nasa office niya kami baka isumbong pa ako. Noong tinanong ko naman kung bakit hindi na lang sa telepono niya itanong, eh ayaw niya nga daw. Tsaka ano pa daw magagawa ko eh andoon na ako sa opisina niya. Hay na'ko.

Muli akong napakurap nang mapagtanto kung saan ako pupunta. Hindi ko na siya nakita ng halos ilang taon dahil na din sa pagtatampo ko siguro o sa galit? Hindi ko alam. 

Malalim din kaunti ang sugat ng mga salita niya at mga pisikal na pananakit pero hindi pa din naman nawawala ang respeto ko sa kaniya. Sa halos magsasampong taon kong hindi siya nakita, napapaisip ako kung may nagbago ba? Kung gano'n pa din ba siya sa mga nakakasalamuha niya?

"Salamat manong."

Agad akong napatitig sa bahay na kung saan ako namulat sa mapaglarong mundo. Kung dati ay puno ng mga bulaklak ang paligid, ngayon ay mas lumuma tingnan ang kabuoan ng kabahayan.

May mga bulaklak na nadikit na talaga sa dingding ng bahay at parang hindi na naalaagaan. May mga boses akong naririnig mula sa loob hanggang sa lumabas ang isang babaeng hindi ko inaakalang makikita ko sa ganitong kalagayan.

"Mama..."

KUNG AKO AY nagulat sa nakita, mas nagulat ko ata siya. Kusang nagsitulo ang mga luha sa mga mata ko nang makita ang anyo ni Mama.

Hindi ko akalaing ganito kalaki ang pagbabago niya.

"Maya..."

Kinolekta ko ang sarili ko matapos ang ilang tulo ng luha bago tuluyang pumasok sa maliit na gate ng bahay.

"Ikaw nga... Maya!" Tinakbo ni Mama ang pagitan ng sa may pinto at sa may gate at wala akong nagawa nang tuluyan niya akong yakapin.

Pigil ang mga luha kong niyakap siya pabalik. Humagulhol ito habang nagsasalita.

"Patawad."

"Anak, patawarin mo'ko."

"Nagkulang ako."

"Nagkulang ako ng sobra."

"Ma---"

"Wala akong kwentang Ina."

"Ma---!"

"Patawad—" "Ma!" sigaw ko nang bigla itong nahimatay at buti na lang ay yakap yakap ko siya.

"Kuya! Kung sino mang tao d'yan sa loob! Tulungan niyo 'ko!" sigaw ko at pilit na inaangat ang walang malay na Ina.

Nang lumabas ang katawan ni Kuya sa may pinto gulat din itong napatingin sa akin at tila hindi makagalaw.

"Ano tatayo ka lang d'yan? Tulungan mo'ko! Dali!" Taranta itong bumaba sa dalawang hakbang at agad na kinarga si Mama papasok.

Nakasunod ako sa kanilang dalawa at pinulot ko ang  hawak ni Mama na damit pang bata. Sumagi tuloy sa utak ko kung may mas nakababata ba akong kapatid.

Nang bumungad sa akin ang sala, napakunot ang noo ko. Napakakalat. Mga damit, mga laruan at dumi ng mga chichirya ang nagkalat.

"What the hell. Ang dumi!" Hindi ko mapigilang komento.

Agad kong pinulot ang balat ng chichirya sa may sopa bago doon pinahiga ang walang malay kong Nanay.

Inis akong napatingin kay Kuya Mike na nakatingin din pala sa akin.

"Ano 'to Kuya? Burara ka pa din ang hanggang ngayon? Tangina naman oh." Pabagsak akong naupo sa may paanan ni Mama.

"Dito na ba kayo tumitira ng mga barkada mong walang pangarap sa buhay? Tingnan mo naman oh. Bakit ang payat ni Mama? Bakit nung ako ang nagpapakin sa inyo hindi naman ganito ang katawan niya? Tapos tingnan mo nga sarili mo! Para kang adik sa Kanto! No offense meant but look at yourself Kuya!" Hindi ko napigilang bulyaw sa kaniya sabay tayo.

Napayuko ito at tinalikuran ko ito papunta sa may kusina para kumuha ng maiinom ni Mama kapag nagising na ito.

Ngunit iba ang bumungad sa akin.

"Oh? Tinitingin mo d'yan?" maarteng tanong ng kung sinong babae na nakaupo sa dating kinauupuan ni Mama kapag kakain na.

Nang tingnan ko ang kabuuan nito, mahahaba ang kuko nito at may mapupulang labi sabay hawi sa may pagkakulot na buhok na hanggang kili kili siguro.

Deja Vu.

"Sino ka?" tanong ko at dumeretso sa may lababo.

"Hindi ba kayo marunong maghugas ng mga pinggan at baso?" bulong ko sa sarili.

"Tsk. Hindi ba halata? Ang Madam dito, bakit? Ikaw? Sino ka ba?" Napataas ako ng kilay kahit nakatalikod pa din ako sa kaniya.

"Ako lang naman ang bunso ng pamilya. Bakit? May problema?" Narinig ko ang paggalaw ng upuan hanggang sa maramdaman ko ang presensiya niya sa likuran ko.

"Ahh. So ikaw iyong Maya? Iyong sunod-sunuran dito dati?" She said teasing me. Para namang eepekto 'yon.

Kung sa mga pinagdaanan ko hindi ako Naruto, aba ewan ko na lang kung ano ng nangyari sa'kin. Basta ang Maya ngayon ay mas palaban kesa sa dati.

Sadya akong lumingon at kunwaring hindi sinasadya na matapon sa kaniya ang tubig na laman ng basing hawak ko.

"Ay punyeta!"

"Sige," panghahamon ko.

"Idikit mo iyong kuko mo o kahit balat mo sa balat ko, lalabas ka ng kusinang mga walang daliri. Kung sinong umasta, bakit ano bang ambag mo dito ha?" tanong ko at napaatras siya ng kaunti.

Mas matanda nga siya sa'kin, mas matangkad naman ako sa kaniya.

Nang akmang sasampalin niya ako, inabot ko ang kutsilyong nakalatag lang sa may lababo.

"Sige! Sampalin mo 'ko! Lalabas ka dito ng walang braso. Tanginang 'to parang sino. Anong karapatan niyong ulilain ang Nanay ko ha? Kita niyo kung gaano na kapayat 'yon? Noong sunod-sunuran ako sa kanila hindi gano'n kapayat ang Nanay ko. Tapos uuwi ako ditong may madam madam? Ha! Ang kapal naman ng mukha mong babae ka. Umupo ka roon kung ayaw mong iturok ko sa'yo 'tong kutsilyong hawak ko."

Hindi ko naman talaga gagawin 'yon. Para lang sa babaeng 'to gagawa ako krimen? No way. Ayokong mawalan ng Ina ang mga Anak ko.

Tahimik akong bumalik sa sala na may dalang tubig, wala pa ding malay si Mama pero maayos naman ang paghinga niya kaya bumalik ka na sa'kin Achie.

Joke.

Nang nakita ako ni Kuya Mike, agad ko siyang itiuro sunod ang sa kusina. Buti na lang at naintindihan niya kaya agad itong tumayo at naglakad patungo sa kusina.

Tinitigan ko muna si Mama ng ilang minuto. Kung dati napakatalas ng kilay nito, ngayon at sobrang kalat na ng mga buhok nito sa kilay. Kung anong kasingpula ng labi nito iyon naman ang kasing putla nito. May kulubot na ito pero maganda pa din naman si Mama.

Hindi mapigilang pumasok sa isipan ko kung naging parang katulong ba si Mama simula noong umalis ako?

Dagdag pa na may mga laruan dito. Paniguradong may batang nakatira dito, pero nasaan?

Nang pumasok sa isipan ko ang nangyari sa akin dati, agad kong tinakbo ang hagdan at chi-neck ang bawat kuwarto hanggang sa may narinig akong pahikbi-hikbi. Nang buksan ko ang pinto, bumungad sa akin ang isang batang lalaki.

Takot itong nakatingin sa akin. Dahan dahan akong lumapit dito at inilahad ang kamay ko nang tumakbo ito papunta sa ilalim ng kama.

Gawain ko din iyan bata, noon.

"Hindi ako nananakit," saad ko.

Nang hindi ito lumabas sa kama, marahan akong umatras at naupo sa hindi kalayuan na kaharap pa din ng kama. Kita ko siya sa ilalim, napapayuko at minsay napapatitig sa akin kaya at nginitian ko ito kapag nahuhuli kong nakapatingin sa akin.

Galit ang namamayagpag sa kaloob-looban ko sa mga oras na 'to. Pati bata, dinadamay niyo sa mga kawalanghiyaan niyo.

TIIM BAGANG akong nakatingin sa dalawang magkatabi na kaharap ko sa mesa. Kalong kalong ko ang batang sa tantsa ko ay hindi nalalayo sa edad ni Caly.

Nanginginig itong lumabas kanina at siguro nang mapagtanto nitong hindi ko siya sasaktan, siya na mismo ang lumapit sa akin at yumakap.

"Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo sa bata? Kuya? Mae?" Pangalan iyon ng babae.

"Eh kung kayo ang lagyan ko ng mga pasa sa katawan? Hindi kayo iiyak sa sakit? Hindi niyo ba alam ang trumang binibigay niyo sa bata ha? Mga magulang pa man din kayo tapos ganiyan.

"Eh makulit kasi 'ya---"

"May bata bang hindi makulit, Mae? Ha Kuya? Malamang bata. Curious lang sila pero kung makabasag o maging makalat man sila hindi nila kasalanan 'yon kasi gano'n talaga ang mga bata. Tapos kinukulong niyo pa? Ano? Gusto niyong patayin ang Anak niyo? Ha? Nakakainis naman kasi. Ilang taon akong wala dito tapos ganito maabutan ko. Naging mga magulang ba talaga kayo sa batang 'to? Pinapaaral niyo ba?"

"Hindi. Wala nga kaming kuryente eh, tubig lang meron."

"Eh bakit hindi kayo naghanap ng trabaho?"

"Bakit Maya, may tatanggap ba sa amin lalo na't nakulong kami?" sabat ni Kuya at tumingin sa akin.

"Nakulong? Bakit ano bang ginawa niyo?"

"Nagnakaw kami para may mailagay sa bibig ng batang 'yan." Tinuro turo nito ang bata na mas lalong nagpainit ng ulo ko.

"Tangina, huwag mong turu-turuin ang bata na para bang kasalanan niya---"

"Oo! Kasalanan ng potanginang batang 'yan kung bakit pa 'yan nabuhay!" Napasinghap ako sa sinabi ni Kuya Mike at nagsimulang nanginig ang bata sa takot dahil sa pagtataas ng boses nito.

"Potangina mo din Kuya! Akala ko nagbago ka na! Akala ko lang pala! Tanginang 'to dinadamay ang bata. Bakit ginusto ba ng bata na mabuhay siya ha? Ginusto niya bang maging Anak niyo? Tangina! Dadalhin ko ang batang 'to pauwi. Mamamatay ang bata dito sa puder niyo. Imbes na nasa eskwelahan ang mga ganitong taong gulang nasa kwarto at kinukulong niyo." Inis kong ginulo ang buhok ko damit ang isa kong kamay. Pinapatahan naman ng isa kong kamay ang bata sa kandungan ko.

"Ayan nagagawa ng pagiging makasarili at makamundo niyo. Baon ng baon ng tite, ang resulta ang Anak pa ang magiging may kasalanan. Nakakaurat kayo." Galit akong tumingin kay Mae na kanina pa tahimik.

"Ikaw naman Mae, maging Ina ka nga. Hindi ka na dalaga. May lumabas na nga na buhay sa puke mo kung makaasta ka parang dalagang dalaga. May Anak ka na oh, ito oh... Kapag nakita ko pa 'yang kuko mong mahaba sa susunod na dadalaw ako, tamo ka. Tatanggalin ko 'yang kuko mo talaga," pananakot ko.

"Naiintindihan ko naman ba gusto mong magpaganda. Wala namang mali doon, kaso bago sarili mo, Anak mo muna. Nandyaan na 'yan eh, hindi mo na maaalis 'yan. Laman at dugo niyo ang batang ito kaya panindigan niyo. Responsable niyo ang batang ito. Malapit pa naman na kayong lumampas sa kalendaryo,  pero hindi pa huli ang lahat para bigyan niyo ng magandang buhay ang Anak at mga magiging Anak niyo. Maging reponsable kayo sa bawat galaw niyo. Hindi lang naman 'to ikakabuti sa bata, ikakabuti niyo din. Malaki ang mundo, maraming trabaho d'yan. Magsikap kayo kahit hindi na para sa sarili niyo, kahit para sa bata na lang at kay Mama."

Matapos ko mag salita at katahimikan ang nagwagi sa mga sandaling iyon. Tumahimik na din ang bata na parang makakatulog pa ata sa kandungan ko.

"Anong pangalan ng anghel na 'to?" Tumingin ako sa bata at napagtanto kong nakuha niya ang ilong ni Kuya pati na din ang hugis ng labi nito.

"Mc Autumn."

Bakit tunog babae?

"Bonak kasi 'tong si Mike. Siya na daw kakausap sa mag-aayos ng birth certificate ng bata tapos hindi niya alam kung babae ba ang Anak namin o lalaki. Kaya hinalo niya na lang ang pangalan. Para kung lalaki at least may Mc tapos kung babae daw e Autumn. Eh wala naman na akong magawa after malaman kasi naproseso na." Pigil ang ngiti ko nang marinig ang eksplena ni Mae.

"Malay ko ba eh nataranta ako. Nakita ko ba naman paano napunit iyang puke mo na parang aabot na sa butas ng pwet ang punit. Hindi ka malulutang?" balik naman ni Kuya.

"Eh malay ko sa'yo. Kita mong may nakakabit na tite sa bata, nakalimutan mo pa din."

"Hep hep! Baka kung saan na naman 'yan mahantong ang sagutan niyo. Kakasabi ko lang eh. At iyang mga bibig niyo, may bata kayong kasama tapos ganiyan manalita." Pagtingin ko kay Mc Autumn, natutulog na nga ito.

"Nagsalita ang panay at lutang na lutang magmura kanina," rinig kong bulong ni Kuya.

"May sinasabi ka?"

"Wala! Sabi ko sobrang dalaga mo na. Parang dati lang takot na takot ka sa mga barkada ko eh," natatawa nitong saad at umiling iling.

Speaking of his friends...

"Nasaan na pala sila?"

"Nasa presinto. Mga gago eh—ay sorry. Mga gumamit ng droga eh. Nahuli, ayon. Kulong." Napatango tango ako.

Sinayang nila ang buhay nila para lang sa mga bagay na walang magandang dulot sa pamumuhay nila.

Tumayo muna ako mula sa pagkakaupo at pumunta sa sala habang nakasunod ang dalawa. Sinenyasan ko sila na kuhanin ang mga chichirya at mga laruan na nagkalat sa katapat na sopa na hinihigaan ni Mama.

Maingat ko itong inihiganat gumalaw ito, agad kong tinapik tapik ang hita nito ng mahina para makatulog ulit at gano'n nga nangyari.

Nang tiningnan ko ang dalawa tinaasan ko sila ng dalawang kilay at gamit ang mata, tinuro ko ang kalat ng sala na agad naman nilang nakuha.

Tahimik kaming naglilinis. Mula sa sala, sa kuwarto, sa may hagdan, sa kusina, sa likod at sa harap ng bahay. Tumigil lang kami noong kumain kaming tatlo. Tulog na tulog pa din kasi si Mama at si Mc.

Pagsapit ng alas dos, namahinga muna kami hanggang sa marinig namin ang boses ni Mama sa kabahayan.

Nang mapagtanto niyang totoo nga ako na nasa bahay niya, hindi nito napigilang hindi maiyak habang naglalakad palapit sa akin at sa pangalawang pagkakataon, naramdaman ko ang totoong yakap ng nagmamahal at nangungulilang Ina.



"I'LL BE BACK TOMORROW, MA. Nakauwi na kasi ang mga bata ngayon eh. Baka si Nemesis din nakauwi na 'yun, ngayon. Kaka-text lang ng panganay ko kung nasaan ako. Alam mo na naman 'yon, strikto." Matapos kong magpaalam sa kanilang tatlo, binaling ko naman ang atensyon ko kay Mc.

May marahang ngiti ito sa mga labi hindi katulad kanina na takot. Siningkitan ko naman ang dalawa na magkamali.

"Umayos na ha." Huling salita ko bago ako sa sumakay sa taxi na tinawagan ko para sunduin ako.

Habang nasa byahe, sumagi muli sa utak ko ang naging usapan namin ni Mama. Naglabas ako ng sama ng loob lahat sa kaniya. Halos isang oras din akong umiiyak habang naglalabas ng mga kinikimkim kong saloobin. Pati ang dalawa eh naiiyak eh si Mama umiiyak na din kayo kaming apat nag-iiyakan.

Pigil ang ngiti akong umiling.

Naalala ko pa ang reaksyon nilang lahat nang malaman nilang may mga Anak ako. Syempre pati 'yon dinetalye ko talaga. Kung paano kami nagkakilala hanggang sa kung saan kami ngayon.

Naitanong ko din sa kaniya kung nasaan ang tunay kong Tatay ngunit sinagot niya lang ako na bukas na lang at hindi pa maproseso ng utak niya ang mga nangyayari.

Kinabukasan, matapos kong ihatid ang mga bata, agad akong dumeretso sa bahay nila Mama at agad na nabuo ang ngiti sa mga labi ko nang makitang malinis na ang paligid.

Agad akong kumatok sa siradong pinto nang makapasok ako sa gate. Ilang segundo lang, bumukas na agad si Mae. Napatigil nga ako dahil hindi na ito tulad kahapon. Hindi na gaanong mapula ang labi nito. Naka-ponytail din ang mga buhok nito at napansin kong maganda nga ang nabingwit ng Kuya ko.

"Hi, Maya! Si Mama nandoon sa kuwarto niya. Pasok ka dali. Si Kuya ko ayun, naghahanap ng trabaho. Sana lang merong tumanggap siya kahit may record sa presinto. Grabing panggigising ang ginawa mo, Maya. Para akong nilunod nang sandamakmak na ice." Natawa ako sa huli niyang sinabi.

"Mc!" masiglang tawag ko sa atensyon ng bata na nanonood ng tv.

"Tita!" Yumakap ito sa may hita ko na agad kong kinarga. Nang maibalik ko ito sa pagkakaupo sa sopa, nagpaalam ako kay Mae na aakyat na ako sa taas.

Kumatok ako ng ilang beses hanggang sa bumukas ito at ngiti ni Mama ang bumungad sa akin. Napalingon lingon ako sa kabuuan ng kuwarto, nandoon pa din ang salamin ni Mama at ang ibang mga alahas.

"Good morning, Ma." Tumango ito at inaya akong umupo sa kama na siyang ginawa ko.

Napangiti ako sa sarili habang nakaupo sa kama. First time kong makaupo sa kama ni Mama. Saad ko sa sarili.

Namayani ang katahimikan hanggang sa magsalita si Mama.

"Ako ang unang nagloko, 'Nak." Napatingin ako sa kaniya at unti unting nawawala ang ngiti sa mga labi ko.

"Hindi ko sinasaya iyon pero nangyari eh at ikaw ang naging bunga ng katangahan kong iyon. Ni hindi ko sinabi sa Papa mo na hindi ka niya Anak at Anak kita sa ibang lalaki. Akala ko wala siyang alam kaya nang malaman kong mas pinili niya ang naging babae din niya, ikaw ang napagbuntungan ko ng galit. Nasa isip ko no'n kung pinalaglag kita baka masaya kami ng Papa mo...Isa kasi talagang pagkakamali ang nangyari. Lasing ako, lasing siya, nawala kami sa sarili namin."

Napatingin ako sa daliri kong nilalaro ko.

"Nang lumabas ka, masaya kami ng Papa mo. Hanggang sa dumaan ang ilang taon, nangyari na nga ang nangyari. Sumama siya sa babae niya, naiwan ka sa'kin, ang tunay mong Ama hindi ko mahagilap sa mga panahong 'yon...Nagluksa ako sa nawala. Nawala ang lalaking mahal na mahal ko. Nawala siya dahil nabuhay ka."

Kung ba pinalaglag mo'ko, hindi ako makakatulong sa ibang batang nangangailangan ng tulong?

"Nagtangkang kunin ka ni Papa ko ngunit hindi ako pumayag sa unang beses na nagtangka siya kasi baka hindi ko na siya makita. Naghihintay ako sa kaniya lagi. Tuwing gabi sinisisi ko ang sarili ko. Ngunit nagdaan ang araw, walang nagpakita dito sa bahay."

Kasi nakita ka niyang may kahalikan at ayaw niya kayong estorbohin  na dalawa.

"Lagi kitang sinasaktan kasi sa isip ko bawat pag-iyak mo nababawasan ang pagiging guilty ko. Hindi kita matrato na Anak kasi galit ako. Sa galit ko sa sarili ko, dinamay kita. Dagdag pa na hindi ko matanggap na  mas pinili ni Papa mo ang babae niya. Sobrang sakit sa part ko 'yon, kasi sa mga panahong hinang hina ako, sa kasalanang ginawa ko, kinailangan ko pa din sana ng makakasama at masasandalan kaso wala eh, sumama siya doon at hindi na nagpakita sa'kin. Hindi ako naging Ina sa'yo inaamin ko. Pero nang mas pinili mong umalis. Doon na'ko unti unting nagsisi." Napasinghot ito tanda ng naiiyak na.

"Sa pangalawang pagkakataon, nawalan ako ng taong nagmamahal sa akin ng totoo. Hindi ko napagtanto ng mas maaga kung gaano kita pinahirapan at kung gaano mo kakailangan na magkaroon ng Ina na ika'y aalagaan. Kaso nabulag ako sa galit at inggit. Hindi ko napansin na unti unting nawawala sa'kin ang mga Anak mo hanggang sa sumunod ang Ate mo at naiwan sa akin si Mike."

"Ma..."

"Matanda na ako, 'Nak. Ngayong nasabi ko na ang side ko sa'yo, pwede nakong mamaalam. P-Pwede ko ng pagbayaran ang mga pagkukulang ko sa kabilang buhay. "

"Ano ka ba Ma! Anong mamaalam. M-magsisimula ulit tayo ng panibagong ala-ala. Paniguradong magugustuhan ni Ate iyon. Mapapatawad ka nun Kasi kagaya ko, kinailangan din ni Ate ng Ina. Kaya kung nasaan man si Ate ngayon sa mundo, alam kong mapapangiti iyon kapag nalaman niyang ayos na tayo." Hinawakan ko ang dalawang kamay ni Mama.

"Samahan mo'ko, Ma. Samahan mo kami. Kailangan ka namin. Hindi pa huli ang lahat. Marami pang pagkakataon, Ma. Palitan—no, kalimutan natin ang masamang ala-ala ng ng nakaraan tapos gumawa tayo ng panibago. May mga apo ka, Ma. Gusto ko kapag manganganak ako, nasa hospital ka kasama ko sa pag-welcome sa magiging panibagong Apo mo. Kasi Ma, may hinihintay ako."

"Sino?"

"Si Achie, Ma. Ang lalaking nagparamdam sa'kin ng saya maliban sa mga Anak ko. Ma, si Achie."

Czytaj Dalej

To TeΕΌ Polubisz

3.2K 140 33
[COMPLETED & UNDER REVISION] "You're mine! You only belong to me!" I said to her. "What?" She snapped after hearing those words. "When I say you're m...
5.5K 114 44
Dasha is an adopted daughter of La Riaz. She knew about it. Mahal siya ng mag asawang umampon sa kanya pero kung gaano siya kamahal ng mga ito ay gan...
116K 1.7K 16
After a mind-blowing sex, Kareen left Abacceus not thinking that he remember her. She's a married woman, kahit pa loveless marriage iyon ay pinagtaks...
1.6M 138K 46
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐀 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 π‘πšπ­π‘π¨π«πž π†πžπ§'𝐬 π‹π¨π―πž π’πšπ πš π’πžπ«π’πžπ¬ ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...