My Pervert Roommate (COMPLETE...

By fathomlessbeetch

8.8M 122K 11.4K

COMPLETED | NO BOOK 2 | NO SOFT COPY | NO COMPILATION | UNDER REVISION More

My Pervert Roommate
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 07 (Part 2)
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 11
JS Promenade Experience of MINE ♥
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
S'not an update. [Tanong niyo, Sagot ko. ♥]
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
LAST AUTHOR'S NOTE | FIN

Chapter 10

183K 2.7K 211
By fathomlessbeetch

Clyde's POV

 

Friday ngayon. Sabay lang kami ng oras ng klase ni Selena. 10am pa. 8 pa lang naman. Kaya eto kami, nganga dito sa apartment.

“NAKAKAINIS! NAKAKAINIS TALAGA!”

At kanina pa rin siya ganyan ng ganyan. Binging-bingi na ko sa kanya. Kinakausap yung sarili ang lakas pa ng boses. Naka-shabu nanaman ata ‘to!

“UGHHHH! NAKAKAINIS TALA—“

 

 

“HOY! Nak ng! Ang ingay mo. Ano ba problema mo dyan?"

EH KASI NAMAN.. NAKAKAINIS TALAGA!! LETCHE NA YAN!"

 

 

“Isa pang sigaw, hahalikan na talaga kita!"

 

 

“Tigilan mo ko sa kamanyakan mo dya—“

“I warned you.”

 

 

“Bwisit ka talagang manyak k—“

 

“Hoy! Ikaw ah! Ang manyak manyak mo!”

 

 

“So? Gusto mo naman. Hayaan mo na.”

 

 

“Says who? Duh."

“May pula ka ba ngayon?”

 

 

“Tse! Bastos! Wala noh!” sabay iwas naman nya ng tingin! Pucha naman, baket ang ganda niya lalo pag nag b-blush? Hahaha!

 

“Menopause ka na ata. Haha. Joke! Problema ba?”

 

 

“Eh kasi.. Tsk. Wala! Wala!”

 

“Dali na. Papapilit pa oh! Sus. Style mo bulok! Haha!"

 

 

“Napaka-mongoloid mo talaga kausap noh?!”

“Kung sinabi mo kasi sakin yan kanina—“

 

 

“FINE! Peste. May bago kasing transfer student. Basta! Ayun.”

“Alin? Yung sa department nila Saturn?” Nakita ko nga yun. Chicks din kaya lang masyadong maputi hindi kagaya ni Selena na maputi pero tama lang. 

“Yun ng—teka! Teka! How’d you know?!” Nakakunot noo naman niyang tanong sakin. Asus. Wala na. nagselos na. Hahahaha! Sige pa Clyde, asa pa.

“Ako pa ba? Chicks yun eh. Maganda naman ah. Problema mo dun?”

 

 

“WAG NA WAG MONG BABANGGITIN SA HARAP KO NA MAGANDA YUUUN! IPAPA-MASSACRE KITA!” Napaatras naman ako sa inuupan ko nung sumigaw siya. Ganyan ba siya ka-bitter? Makasarili sa kagandahan talaga ‘tong babaeng pula na’to. 

“Oo na. Oo na. Eh sa magan—“

 

 

“BIBIGWASAN TALAGA KITA SIGE. IPAGPATULOY MO YANG KASINUNGALINGAN MO NA YAN!”

 

“Di pa kasi ko tapos! Sabi ko maganda nga, PINAKA maganda ka naman.”

 

 

“Alam ko.” Mataray niyang sagot. Asus. 

“Sus. Eh ba’t bitter ka dyan?”

 

 

“As if I am. Naimbyerna lang talaga ko sa mukha nun!” BITTER NGA.

“Asus. Confirmed. Haha. Dyan ka na nga maliligo nako!” Iniwan ko na nga siya. Nag h-hysterical eh. Pero totoo naman, mas maganda si Selena. Para kasing multo yung transfer student na yun. Ang putla.

Selena's POV

Bwisit na pervert yun! Nakaka-ilang halik na sakin yun ah. Aba! Hindi pa nga kami. As if naman magiging kami. Sus.

*Drey Calling..*

  

“H-hello?”

 

 [Selena! I missed you!] 

“Aw. I missed you too. Akala ko ba same univ. tayo? Eh ba’t hindi kita nakikita?”

 

[Ngayon pa lang ako papasok. Haha. kita tayo?]

 

“Sure! Sure! Sa school gazebo na lang.”

 [A'right. Ingat ka.]

 

“Ayt. Bye!” Then I hung up. Ayie. Na-excite ako. Yung pinapangarap kong Drey, ayan na. Naligo na din ako nag bihis. 9:30 na din. Sabay na kaming umalis ni perv. Dala niya yung kotse niya. Mayaman talaga ang loko. 

 ****

After 15 mins. Nakarating na din kami sa Xander’s Univ.

“Clyde.. mauna ka na. Dun lang ako sa Gazebo.”

 

“Sure ka? Di kita masasamahan. Pinapatawag kami ni coach.”

“Ayos lang. Sige ingat ka.” Agad naman akong tumalikod at tumakbo na. Excited kasi akong makita si Drey. Medyo matagal-tagal din kaming di nagkita.

“SELENA!” Agad ko namang nakita si Drey. Aw. Ang gwapo. Konti na lang talaga, hahalayin ko na 'tong lalaki na'to. Tsk. Pag lapit ko sa kanya bigla naman niya kong niyakap tas bigla niya kong hinalikan sa cheeks sunod sa noo. Ay nako! Calm yourself Selena. Magpa-demure.

“Miss mo ko noh? Ba't ba kasi ngayon ka lang papasok?"

 

 

“Nasa cebu ako eh. Sinama ako ni Tito. Kahapon lang ako nakauwi.”

“Oh. Diba Business Management course mo?”

 

 

“Yup. Baket? Wag mong sabihin na mag s-shift ka na dun. Haha. Joke.”

“Loko! 10 na oh! Late ka na. Ako man pala. Hahaha!” Kaya hinila ko na siya. Malapit lang yung room nila sa room namin. Sinamahan ko naman siya since hindi pa daw niya alam kung san.

Pag dating namin dun, nakita ko si Clyde sa may pintuan. Ba’t ganun yung mukha niya? Parang bigla siyang na badtrip?

 

“Sige na Selena! Pasok ka na. Maya na lang ulit. Ingat.” Sabay halik sa pisngi ko. Pero ewan ko ba kung ba’t kay Clyde ako nakatingin nun pero bigla din naman siyang umiwas. Kaya tumalikod na din ako at pumasok na sa room para tuloy akong biglang na-bother na ewan. Hay nako Selena.  

“Uy Se, ba’t parang natataeng ewan ka dyan?”

 

 

“Corny mo."

 

 

“Ang taray! Ay nga pala, mamayang break time, punta tayo kila Saturn. Sa kanila tayo sabay.”

 

 

“K.” At ayun, di na siya nangulit. Naradar naman siguro niyang badtrip ako. Maghapon naman akong lutang. Tinawag ako ng prof. namin pero wala naman ata akong nasagot. 

Nag break time na din. 3 hours ang free time ko kaya tambay kaming lahat dito sa canteen. Kasama ang anim na aso. Joke. Si Drey lang wala dahil nasa lib daw siya.

“Pae! Pumayag ka na sa offer ko diba? Diba?” parang tanga namang tanong ni Saturn sakin. Ba’t ang g-gwapo nila? Ang sarap halayin isa-isa. 

 

“Hoy Saturn! Anong offer yan ah?” Tanong ni Mike. Ang halay ng mga utak nila.

“Utak mo nagiging pula nanaman!" 

 

“Bah! Malay ko ba kung anong offer yang pinag-uusapan niyo diba?"

 

“Hu. Ang sabihin mo, utak mo patapon na! HAHAHAHAHA.” Sabi naman ni Jeff. Pero seryoso, siya lang yung natawa.

“Ang bastos niyo ah! Konteng moral support naman guys! Tawa kayo sa joke ko!” at nag pout pa ang loko. Hahahaha! Napatingin naman ako kay Clyde. Tahimik lang siya naglalaro ng temple run. Feel na feel kasi niya yung mga unggoy na humahabol sa kanya.

 

“HA-HA-HA. Paka-funny mo Jeff!” pang-asar naman ni Sab.

“Gwapo naman."

 

 

"Tumigil nga kayo. Basta Pae, bukas ha?" Parang tanga naman 'tong si Saturn. Ba't ba kasi pumayag pa ko? Nainis kasi ako dun sa transfer student ni hindi ko man lang alam kung baket. Bwisit.

“Oo na. Tss.”

 

 

“Yes!” Akala mo namang sinagot ng nililigawan niya kung maka-yes. Abnoy tlga ‘tong violet-head na’to. Pero kung tutuusin, gwapo naman talaga si Saturn though siguro, mas gwapo lang talaga si Clyde? Yung ang singkit ng mga mata tapos ang lalim ng dimples niya pero baket hindi niya ko pinapansin?!

  

Clyde's POV

Nakita ko si Selena kasama yung Drey. Sus. Ka-blockmate ko pa. Ang sweet sweet pa nila kanina. Nakaka-asar. Pero ba’t nga ba ko naaasar? Natapos na lang yung klase namin na badtrip na badtrip ako. Tss.

“Keiden..” Pucha naman. 

“Trixie pwede ba? Tigilan mo nga ako.” Inis na sabi ko sa ksnya. Tinawag niya nanaman ako sa pangalan na yan. Nakaka-asar.

“Kei—“

“Please lang, wag na wag mo kong tatawagin sa pangalan na yan.”

“Baket Clyde? Hindi mo na ba ko mahal? Clyde naman..”

 

 

“Matagal na kitang hindi mahal Trixie. Kaya tumigil ka na. Mukha ka lang tanga.”

 

 

“But I still love you.. at alam ko ding meron pang pag-asa.”

“Aasa ka lang sa wala.“ Sabay iwan ko sa kanya. Baka mamaya masapak ko lang yung babae na yun. 

Pumunta naman na ko sa canteen dahil nandun daw sila. Sus. Ano nanaman bang mga trip nung mga yun? Pagdating ko naman nakita ko sila mga kumakain. Nandun din pala si Selena. Nababadtrip talaga ako. Tahimik lang kaming kumain. Bahala sila. Nag-haharutan lang sila. Tas may tinatanong si Saturn na sinasabi niyang offer. Ano ba yon? Sus. Eh pakialam mo naman Clyde? Naglaro lang ako ng temple run! Buti pa’to matino.

 

 

“Selos pre?” tanong naman ni Parker sakin. Eto nanaman siya. Nakaka-bobo kausap ‘to eh.

 

“San naman?” Sagot ko sa kanya. Pero naglalaro pa rin ako ng temple run.

“Sa mga bagay na nakikita mo.”

 

 

“Tigilan mo ko Parker! Ipapa-harass kita sa mga bakla!”

 

 

“Sus. Sabi ko kasi sayo eh, aminin mo na. Mahirap mahuli.”

 

 

“Ay pota! Nahulog!” Letche kasi ‘tong parker na’to eh. Na-out tuloy ako sa temple run. 

“Inlove ka na kay Selena.”

 

 

“ANO?!” Madiing sabi ko naman sa kanya. Baka marinig nila. Asa naman na inlove ako dun. Sus. Pero hindi nga ba? Ay pota ka Clyde. Patapon ka na!

 

“Amin na tol. Halatang-halata ka na.” Hindi ko na nasagot si Parker kasi bigla na lang binuhat ni Yael si Selena at itinakbo habang tawa sila ng tawa. Aba't pucha! Sino may sabing pwede nilang buhat-buhatin ng ganun si Selena?!

“Hoy Yael! San mo dadalin si Selena?!” Sigaw ko naman. Huminto naman sila sa gitna ng canteen. Shit naman. Halos nakatingin na lahat ng tao sa kanila. Na-e-expose si Selena sa mga mata ng mga pangahas na yan! Pucha.

Agad ko naman silang nilapitan. Narinig ko pa yung bulong ni Parker na, “Ayan na. Kumilos na siya. Gugulo na.” pero hindi ko na siya pinansin. Naka-shabu lang yun.

“HOY YAEL! IBABA MO SI SELENA!” At ang gagong yun, tumakbo pa lalo sa malayo. At si Selena nman, tawa ng tawa. 

“HABULIN MO MUNA KO! Sigaw ni Yael. Putcha talaga oo.

“PAG NAHULOG YANG SI SELENA, HUMANDA KA TALAGA SAKING ASO KA!” Inis na inis na ko pero  si Yael at Selena, nagawa pang tumawa. 

“Iba na yan tol!” Sulsol naman ng mga tao sa canteen. Pati na yung mga barkada kong halimaw. Pati si Sabrina, lakas chi’cheer! Pumatong pa sa upuan!

 

“YAEL! HAYOP KA TALAGA. PAG YAN NASAKTAN. IBABA MO NA NGA!” At sa wakas! Naabutan ko din siya. Nahila ko yung dulo ng uniform niya. Sayang di pa nawarak. Agad ko namang kinuha si Selena sa kanya na mukhang enjoy na enjoy.

Hinila ko na siya palabas sa canteen. San kami pupunta? Ewan ko. Ano sasabihin ko sa kanya? Lalong ewan ko. Ang alam ko lang, hawak ko siya. Wala na yung pagka-badtrip ko.

Continue Reading

You'll Also Like

2M 76.2K 164
Sml? An epistolary.
698K 21.8K 32
take precautions for this is so jeje since i wrote it way back 2013 ; it has too many typos, emojis & cringe(y) cheesy lines. am leaving it raw ; un...
10K 231 55
Sawa na ako sa mayayamang lalaking nang-aapi at sa babaeng palaban na mahirap, paano kaya kung mabaliktad yung situation? Pano kung yung naging F4 ay...
100K 461 45
Gusto niyo bang makabasa ng tagalog love story,fantasy at iba pa!? Basahin niyo nalang hahhaha Yong mga stories dito ay completed na Just read it and...