Chained to the Past (Imperfec...

By zxantlyx

175K 2.9K 200

[Imperfect Girls Series #2] Jade Emersyn Cuevas has always been played by her past boyfriends. She either get... More

Chained to the Past
Introduction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39 (Part 1 of 2)
Chapter 39 (Part 2 of 2)
Chapter 40 (Part 1 of 2)
Chapter 40 (Part 2 of 2)
Epilogue
Author's Note

Chapter 25

2.4K 45 12
By zxantlyx


Chapter 25

Rebound

NANATILING nakatayo si Hugh sa aking harapan, hindi umiimik, hindi gumagalaw. Nilunok ko ang bara sa aking lalamunan, mas lalong nahihirapang huminga sa bawat segundong lumilipas.

Muling tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata. It was slowly dripping down my face, painfully slow.

Naramdaman ko ang pagkawala ng init ng kamay ni Hugh mula sa aking baywang at agad naman iyong lumipat sa aking nanlalamig na mga kamay. Mahigpit niya iyong hinawakan, na para bang iyon ang tanging bagay na kinakapitan ng kanyang buhay.

The heat from his hot palm was transferring to my cold hands. The tips of my finger slowly getting its life back once again. Isang hawak lang mula sa kanya. I feel like I'm alive again.

"What? No, Jade," pagpupumilit niya.

Mabilis kong hinila palayo ang aking kamay mula sa kanyang pagkakahawak at iniwasan siya ng tingin.

"Umalis ka na..." bulong ko.

Patuloy ang aking pag-iling sa kanya. Pinawi ko ang luha mula sa aking mga mata na naglandas pababa sa aking pisngi.

Kahit na nanlalabo ang aking mga mata ay kitang-kita ko ang pagpatak ng isang luha sa kanyang gawi, pababa sa kanyang itim na sapatos. Agad akong napatingin sa kanyang mukha dahil doon.

Magkasalubong na magkasalubong ang mga kilay at punong-puno ng sakit ang mga mata nito. I saw how the edge of his eyes' waterline shine because of the tear, waiting to fall.

Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang biglaang maramdaman ang kanyang mainit na bisig na pumalibot sa akin. Inilagay niya ang kanyang isang kamay sa likod ng aking ulo at sinandal ako sa kanyang balikat.

"Jade, you can tell me the truth. Just... don't do this to yourself," bulong niya sa aking tainga. Napailing na lamang ako sa kanyang sinabi.

"But, I'm already telling you the truth, Hugh," mahina ngunit mariin kong sagot.

"I'm here. You don't have to suffer alone," bulong pa niya, hindi nakikinig sa aking mga sinasabi.

Inilagay ko ang aking palad sa kanyang dibdib at pilit na tinutulak siya palayo. Nang bumitaw ito sa pagkakayakap sa akin ay mas lalo lamang itong napatigil.

Nakatingin pa rin ako sa aking paanan, ayaw nang makita pa ang kanyang hitsura.

"Umalis ka na..." bulong ko. My voice even cracked at the end. It was almost like a breath of air, because of how soft I said it. "Tumigil ka na, Hugh. Wala ka nang makukuha sa akin. Hayaan mo na akong maging masaya kay Jake," pahabol ko.

Kita ko ang pagbagsak ng kanyang balikat kahit na nakatungo ako nang kaunti. Bigla ko na lamang naramdaman ang kanyang kamay sa taas ng aking ulo kasabay ng pagdampi ng kanyang labi doon.

His kiss lingered on top of my head as I felt a hot drop of tear cascade down from his eyes to my cheek. Kita ko ang paggalaw ng kanyang lalamunan kasabay ng paghugot niya ng malalim na hininga.

"You know that I'll always be here for you..."

Unti-unting umatras palayo amg kanyang paa hangga't sa tuluyan na lamang itong maglaho mula sa aking paningin.

Mas lalong sumikip ang aking dibdib habang naririnig ang mga yabag nitong papalayo. Madiin kong kinagat ang aking pang-ibabang labi, pinipilit na pigilan ang aking sarili na hindi humagulgol.

Pinawi ko ang mga luha sa aking mukha at tinuyo ang aking pisngi.

Pagod na pagod akong humiga sa aking kama ng gabing iyon. Wala na akong pakialam kung anong naiwan ko sa labas ng aking kuwarto. Nang makaalis si Hugh ay diretso na rin akong nagkulong sa aking kuwarto.

Kahit na gustong-gusto kong magpahinga, hindi ako pinapatulog ng mabigat kong dibdib. Hindi ko na ginusto pang tumayo para linisin ang aking sarili.

Naiisip ko palang ang mga ginawa ko kay Hugh, ang lahat ng sinabi ko sa kanya. Sobrang bigat sa dibdib, pero kinailangan kong gawin. Hindi pwedeng paasahin ko na lamang siya.

I can't keep on fooling him and myself. Hindi ko pwedeng paglaruan lang siya, kung pilit pa ring bumabalik ang aking puso sa iisang tao. I can't keep on entertaining him when my heart and love still belongs to someone else.

Wala akong magawa kung hindi pilitin na pakalmahin ang aking sarili. Halos buong gabi ay hindi ko maramdaman na nakapagpahinga ako.

I wanted to rest, but my mind can't seem to let me. I wanted to sleep, but the thoughts and past memories rushing into my mind over and over again, slowly overwhelming me.

Hindi ko napansin ay halos isang linggo na pala akong ganoon. Napagdesisyunan kong pumasok na sa trabaho pagkatapos ng isang linggong pagkukulong sa aking sarili sa loob. Kumuha na lamang ako ng long sleeves at ng slacks para takpan ang mga sugat at pasa ko sa katawan.

Pagkapasok na pagkapasok ko palang ay agad kong naramdaman ang mga mabibigat na titig sa akin ng aking mga katrabaho.

Nang makaupo ako sa aking swivel chair ay bumalik na rin naman sila sa kani-kanilang trabaho, maliban nalang kay Nica na katabi ko lang ang cubicle.

"Jade, are you okay? You weren't answering us for a whole week. No show ka rin. Are you fine? Do you need help?" sunod-sunod nitong tanong.

Naglabas ako ng mahinang buntong-hininga at saka siya binigyan ng maliit na ngiti. "Okay lang ako! Nagkaproblema lang sa bahay, masyado akong na-busy sa kung ano-ano. Pero, okay na 'ko ngayon!" sagot ko, punong-puno ng gana ang aking boses.

"Jade..." bulong pa nito.

Tumawa ako nang mahina at itinaas pa ang aking kamay sa kanyang harapan. I waved at her and tsked. "Gaga, okay nga lang ako! Okay na okay!"

Kung hindi pa ito pinatawag sa opisina ng aming team leader ay hindi pa niya ako titigilan. Hanggang sa makalayo siya ay puro hindi makapaniwalang tingin ang binibigay niya sa akin.

Ayos naman talaga ako! Bakit naman hindi ako magiging ayos?

Nang dumating ang aming lunch break ay hindi ako tinigilan ng dalawa kong kaibigan. Sinisigurado nilang ayos lang ako. Halos lahat na ata ay mapansin nila.

"You're wearing slacks again. Are you hiding something?" panghuhula ni Maia.

I heard Nica tsked from the other side of the table and drank water. "Maia, let's just let her be. If she's not yet comfortable to tell us anything, then let's not force her," saway ni Nica kay Maia.

Napabuntong-hininga na lamang si Maia at saka tumango. "I'm sorry. Tell us anything when you're ready," pagbawi ni Maia.

Pasulyap-sulyap pa ako ng tingin sa kanilang dalawa habang kumakain kami ng tanghalian namin. Nang mauna akong matapos sa kanila ay hindi ko na rin natiis at sinabi na rin sa kanila ang nangyari.

"Nagkabalikan na kasi kami ni Jake noong isang gabi, 'di ba," paninimula ko.

Agad namang napatingin sa akin ang dalawa. Pinagtaasan ako ng kilay ni Maia.

"Eh, singit nang singit si Hugh. Nag-away yung dalawa, sinubukan kong pigilan, pero nasaktan lang ako. 'Yon na 'yon," dagdag ko pa.

Sinabi ko sa kanila ang nangyari, pero hindi ang buong katotohanan. Mas maayos na kung iyan lang ang sasabihin ko sa kanila. Para hindi nalang sila madamay sa gulo namin.

Naramdaman ko na lamang bigla ang kamay ni Maia na hinawakan ang aking kamay na nakapatong sa lamesa. "Jade, don't hesitate to tell us anything if you're not okay, huh? If you need comfort, we will always be here," sabi nito.

Napatigil ako nang sandali sa sinabi nito. 'Yan din ang linyahan ni Hugh, na lagi siyang nandiyan para sa akin.

"But, Jade, didn't you say that you were going to move on from Jake?" nag-aalalang tanong sa akin ni Nica.

Tumawa ako nang mahina. "Gagi, nagbago na nga kasi siya! Promise, sigurado akong sa ngayon, nagbago na siya. Binibigyan niya na nga ako ng bulaklak at saka pinapadalhan ng pagkain."

Sa isang buong linggo akong nagkulong, wala akong kahit sinong kinita na tao. Si Jake, hindi ko na naman alam kung ano bang pumasok sa utak noon at hinayaan akong pagpahingahin. He kept his distance from me.

Nagpapadala lang siya ng pagkain at mga bulaklak sa akin.

Bumalik kami sa aming mga trabaho pagkatapos kumain. Binaon ko ang aking sarili sa trabaho para hindi na malunod pa sa kung ano-anong isipin.

Diretso lang din akong umuwi nang makatapos sa trabaho. Tahimik akong naglalakad papunta sa parking lot habang pinaglalaruan ang susi ng aking kotse.

Bigla na lamang akong napatigil nang biglaang makarinig ng malakas na busina mula sa isang sasakyan. Napalingon ako doon at nakita ang isang pamilyar na kotseng kulay puti.

Nang bumaba ang bintana noon ay mas lalo lamang nakumpirma kung kaninong kotse iyon. Agad akong umiwas ng tingin at mabilis na naglakad palayo.

Rinig na rinig ng bawat tunog na ginagawa ng aking heels na humahampas sa semento. Malapit na sana akong makalapit sa aking nakaparadang kotse nang biglaan na lamang akong mapatalon sa biglaang pagpipigil sa akin ng isang kamay mula sa paglalakad.

Napatigil ako sa aking kinatatayuan at napalingon sa likod. Bumungad sa akin si Hugh na pagod na pagod ang mukha.

"Hugh, bitiwan mo ako," mariin kong utos dito.

Napatingin siya sa kanyang kamay na nakahawak sa aking palapulsuhan at saka mabilis na bumitaw. "I'm sorry," bulong niya.

Muli akong tumalikod dito at saka nagsimulang maglakad papunta sa aking kotse. Muli akong napatigil nang marinig ang pagtawag nito sa aking pangalan.

"Can we talk?" mahina ang boses nitong tanong.

Bumilis ang tibok ng aking puso sa sinabi nito. Mag-uusap? Anong pag-uusapan namin?

I gulped and took in a deep breath. Pagbigyan mo na ang sarili mo, Jade. Kahit isang beses lang.

Humarap ako sa kanyang gawi. Nakita ko ang bahagyang pagliwanag ng kanyang mukha nang makita akong humarap sa kanya.

"Are your wounds okay already?" he asked, concern was evident in his voice.

"Anong pag-uusapan natin?" hirap na hirap kong tanong, pinipilit na mapabilis ang aming pag-uusap.

Sinusubukan ko ang sarili kong hindi ito lapitan. Iniiwasan ko rin itong titigan nang matagal. Kahit na gustong-gusto ko siyang lapitan ay hindi ko ginawa. Imbis ay gumala na lamang ang aking tingin sa kanyang buong mukha.

Kinakabisado ang bawat kurba ng kanyang matangos na ilong. Ang bawat pagkinang ng kanyang maamong mata. Ang kanyang malambot na labi na halata pa rin ang sugat sa gilid.

Pansin ko ang unti-unti niyang paglalakad palapit sa akin. Nahigit ko na lamang ang aking hininga nang tumigil ito sa aking harapan.

Napatingin tuloy ako sa aming kapaligiran. Wala masyadong tao sa parking lot ngayon dahil maaga-aga pa lamang ay umalis na ako. Medyo madilim din sa aming gawi, sapat lamang para makita namin ang isa't-isa.

"Jade, can you at least tell me what really happened?" his voice cracked upon saying those words.

Pansin ko na ang pagkinang ng gilid ng kanyang mga mata dahil sa namumuong luha. Tuluyan akong napatigil sa tanong nito at saka umiwas ng tingin.

I swallowed the big lump inside my throat as I try to prepare myself to answer his question.

"Sino ka ba para bigyan ko ng paliwanag?"

"Jade—"

"Ako ang nakipagbalikan kay Jake. The night I didn't see you, he was there. He showed up on my doorsteps," mariin kong banggit. "Nag-usap kami. Pinili kong kausapin siya at hindi ka kitain. T-The feelings that I'm trying to bury deep within me once again resurfaced. I-I realized that I still love him."

Despite all the bad things my ex has done to me, I still accepted him. I still came back to him because I love him.

Kita ko ang pagkunot ng kanyang noo sa aking sinabi. His chest was heavily heaving up and down.

Sobrang naninikip ang aking dibdib dahil sa kagustuhan na ayaw siyang masaktan. But, at the same time, I know that I can't do that.

I saw him quickly lick his lower lip and avoid my gaze. Humugot siya ng malalim na hininga bago muling tumingin sa akin. Unti-unti siyang lumapit sa akin at hindi manlang ako gumawa ng kahit anong galaw para lumayo.

Nang makalapit ito sa akin ay hindi pa rin niya pinuputol ang aming pagtititigan. Tuluyan nang tumulo ang luha sa kanyang mata kasabay ng pagbagsak niya sa sahig.

Nanlaki ang aking mga mata nang abutin niya ang aking kamay at lumuhod sa aking harapan. Mahigpit niyang hinawakan ang aking kamay at sinandal doon ang kanyang noo.

"Jade, why can't you just choose me? You know that I'm here. You can lean on me. Lean on me, Jade. Just don't do this to yourself," paulit-ulit niyang bulong. "I'm here. I can protect you. You know I will be more than glad to protect you," dagdag pa niya.

Nilunok ko ang bara sa aking lalamunan habang 'di mapakaling tumitingin sa paligid. Baka may makakita sa kanyang lumuluhod siya sa harapan ko!

"What is it with him that I don't have? I can change. Just tell me what you want," bulong pa niya. "I promise, I will do better than him! I'll treat you better than he did!" he said, frustration was evident in his voice.

"Hindi 'to kompetisyon, Hugh! My love for a person is and will never be a competition. Bakit ba kasi ayaw mo nalang tanggapin na mahal ko pa rin siya? Hindi 'yong ganitong nagmumukha ka pang tanga," I said. "Hugh, tumayo ka dyan. 'Wag kang lumuhod sa harapan ko!" Pilit ko siyang pinapatayo pero ayaw niya.

Inangat niya ang kanyang ulo sa aking gawi at agad nagtama ang aming mga mata. Para bang pinipiga ang aking puso sa nakita kong lagay niya.

He's crying while on his knees, begging for me to choose him. Begging for me to love him. He looks so... desperate.

Bakit siya naging ganito? Handa siyang magmukhang tanga, magmakaawa, at lumuhod para lamang sa akin? Handa siyang manlimos ng pagmamahal na matagal ko nang binigay sa iba.

What made him do this?

"Why not me?" sobrang hina niyang bulong sa kanyang sarili.

"Tumayo ka dyan," mariin kong utos at pilit pa rin itong pinapatayo. Marahas kong binawi ang aking kamay mula sa kanyang pagkakahawak at tinalikuran siya.

Dire-diretso ang aking lakad papunta sa direksyon ng aking kotse. Napatigil na lamang ako nang muling maramdaman ang kanyang kamay na pinipigilan ako.

"Jade—"

Humugot ako ng malalim na hininga at binasa ang aking labi. Mariin akong pumikit bago siya hinarap.

"Because you're not him, Hugh! Ano bang hindi mo maintindihan doon? Stop making yourself look dumb and stupid, getting down on your knees, begging for me to choose you, because I wouldn't! Bakit kita pipiliin kaysa sa taong mahal ko? Sino ka ba para piliin ko?"

Kita ko ang pagkunot ng kanyang noo sa aking sinabi. "Can't you use me any longer? Was I not enough to make you forget about him?" his voice was filled with pain.

Muli akong lumunok at inipon ang lahat ng aking lakas para sagutin siya. "You know you aren't enough," mahina at seryoso kong sagot.

Napatigil ito sa diretsahan kong sagot. Dumaan ang sakit sa kanyang mga mata kasabay ng mahina niyang pagtawa. "Fuck," bulong niya sa kanyang sarili, sobrang nasaktan sa aking sinabi.

Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang kanyang nararamdaman. He has very expressive eyes. I know that I just made him question his worth, his whole being.

"But, you still protected me! Y-You sided with me, didn't you, Jade?" tanong nito. Halatang-halata na sa kanyang boses ang frustration. "What are those then? You keep on giving me mixed signals, making me question everything!"

Sobrang higpit na ng kanyang pagkakahawak sa aking kamay. It was like his life was depending on it.

I scoffed upon hearing his words and once again pulled my hand away from his touch. "Sa tingin mo ba kaya kong makakita ng patayan? Mismong sa harap ko? Hugh, that was just basic human decency!" sigaw ko.

"But, hurting a person this much isn't? Are you picking a way that you will hurt me?" hindi makapaniwala nitong tanong.

Gustong-gusto ko nang bumitaw mula sa pagkakatitig sa kanyang mga mata. Hindi ko na kaya pang tumingin sa kanya nang puro lamang masasakit na salita ang lumalabas sa aking labi.

I used to put a smile on those lips, but now, it seems like all I can do is hurt him.

"Don't blame me for the pain that you're feeling, Hugh. Because, you know that in the very first place, I am just using you," sabi ko. "I won't take responsibility for your pain, and I never will. Because you are the one who placed your own self in this situation. You are the one who destroyed yourself," I ruthlessly added.

Tumalikod ako mula sa kanya at akmang bubuksan na ang pintuan ng aking kotse ngunit tumigil ako.

"Sinabihan mo akong gamitin kita at ginawa ko 'yon. We both know that we don't have anything special between the two of us. You're just a rebound. Masaya na ako sa taong mahal ko, Hugh. Kaya tigilan mo na kami," mariin kong pahabol bago tuluyang pumasok sa loob ng aking kotse.

In a story, you can not always be the main character. And unfortunately, in our story, he's only the second option and will always be the second choice.

He will remain as the man who is always used, but never picked. A second choice. A rebound.

⛓️

—zχαnтℓуχ

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
58K 2.1K 52
Zion and Sam both took Computer Engineering course; Sam took this course to show rebel to her family. Zion followed her. Zion loves Sam more than an...
38.6K 1.3K 56
Second to None Series #1 Soleil Valencerina, ang sarcastic, ma-attitude at wild girl ng barkada na MVP sa overthinking. After topping the physician l...