HER HALF (COMPLETED)

By arisxixey

17.1K 280 49

UNEDITED. - She was treated badly, she longed for a Father's love and still, she can't do anything about it... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 5
CHAPTER 4
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
EPILOGUE
REHAN JAY
! ARISXIXEY
NEW STORY!

CHAPTER 19

357 6 3
By arisxixey

Chapter 19

Payapa ang ilang buwan na nagdaan. Naging komportable na sila Nemesis at Vitto sa bahay kasama ang mga bata, walang nanggugulo Ama ni Vitto at may patagong trabaho si Nemesis.

Ang mga bata? Tuwang tuwa dahil may panibago daw sila na Kuya. Si Vitto naman ay talagang gumaling na at mas nagiging showy na ito sa Ina. Panay ngiti na ito kagaya ng apat, humahalik na din ito sa noo o pisngi ng Ina kapag may pagkakataong nakikita.

Malaki daw ang pasalamat ni Nemesis sa akin dahil mas naging mapagmahal ang Anak niya sa kaniya. Tulong tulong kami sa mga gastusin sa bahay lalo na sa pagkain. Naging pito ba naman kami sa iisang bahay. Kaya kailangan talaga magsikap para may makain kaming pito sa pang-araw-araw.

Kung dati kasi laging may pa free grocery si Ma'am Fasaia, ngayon ay wala na at kung meron man, hindi ko tinatanggap at pinapabalik ko sa mansyon. Sapat naman na ang mga naitulong nila sa akin at sa amin, responsable ko na bilang Nanay ay ang kumayod para makakain kami lahat.

Matapos ang anim na buwan mula ng pag-alis nila, ni litrato ni Achie hindi ako nakatanggap. Suot suot ko pa din ang kwentas na ibinigay ni Ma'am Fasaia dahil pinanghahawakan ko ang binitawan niyang mga salita. Hinuhubad ko lamang ito sa tuwing ako'y patulog na.

Marahil napaka-busy nila doon sa ibang bansa at hindi na nila nagagawang kumuha at magpadala ng litrato.

Sa mga unang buwan mula ng pag-alis nila, lagi akong naiiyak ng patago dahil ayaw kong malaman ng mga bata kung gaano ako kaapektado sa mga biglaang pangyayari.  Hindi ko din ba mawari ang tadhana, kasi kung kailan nagkakalinawan na, saka naman dadanak ang dugo at ang mga problema.

Alam mo iyong tipong nagiging okay na, na akala mo malilinawan na ang lahat, mas may pagkakataon na kayong ipakita sa isa't isa kung gaano kahalanang bawat isa. Kaso ang panahon na mismo ang humahadlang kaya ano pang magagawa ko?

Ni hindi ko na nga nabibisita ang mansyon dahil ano pa bang gagawin ko doon? Wala naman ang mga taong gusto kong bisitahin. Maski sa trabaho ko sa kompanya nila ay hindi ko na magagawa dahil purong pagka-miss lang ang mararanasan ko dahil sa bawat sulok ng opisinang 'yon, anyo ni Achie ang nakikita ko kaya mas mabuting humanap na lang ako ng ibang trabaho.

Minsan na akong dumalaw sa kompanya at huling beses ko 'yon dahil nagpaalam ako na magre-resign na nga ako at ang dinahilan ko ay ang mga bata. Nanghinayang sila, oo, lalo na si Alexandria. Kung kailan daw may Ate na siya doon pa ako aalis.

Sa anim na buwan na wala siya, puno ako ng lungkot pero nandyan naman ang mga bata at sila Nemesis kaya medyo nababawasan kahit papaano.

Nababawasan nga ba? O baka nakakalimutan ng pansalamatala?

Kahit ano na. Ang akin lang ay gumaling siya at humiling na sana'y ako'y maalala sa pagbalik niya. May mga araw na hindi ko mapigilang hindi umiyak dahil sa pangamba at sa isiping baka tuluyan na niya akong makalimutan.

Pero ang mas nakakatakot ay kung baka mas piliin niyang huwag bumalik sa kadahilanang naisipan niyang hindi talaga ako ang gusto niya. Mga tao pa naman ngayon ay mas pipiliin iyong kasama nila sa mga panahong lugmok sila at walang wala.

Paano na lang kung si Vix ang piliin niya? Dagdag pa na fiancee niya ito? Paano na lang ako?

Paano na lang si Maya?

Hinihigpitan ko na lang ang pagkakakuyom sa pendant ng kwentas kapag nangyayari ang mga gano'n, ang pag-ooverthink sa mga bagay bagay.

"Ma! We're home!" Agad kong inayos ang pagkakatali ng buhok ko nang marinig ang tinig ni Rehan. Nasa kusina ako at naghahanda ng meryenda para sa kanila kaya naman isinabay ko na pagbitbit sa tray papunta sa sala at sinalubong ang mga yakap at halik nila sa pisngi o noo.

"Hello sa inyo, heto kain kayo pagkatapos niyo magpalit ng damit," ani ko na tinanguan nilang lahat.

"Tita, asan po si Mama?" Napatingin ako kay Vitto habang nililipat ang plato at baso sa center table mula sa tray.

"Nasa likod, nagsasampay. Tawagin ko ba?" Umiling ito at tumakbo agad sa may back door.

Napakibit-balikat na lamang ako at bumalik sa kusina para isauli ang tray at hubarin ang apron na suot ko. Matapos ang limang minuto ay narinig ko na ang tawanan ng apat sa may sala habang kaniya kaniyang umiinom ng juice na timpla ko.

"Mama halika dito dali! Kain tayo!" A genuine smile appeared and who I am not to join? Kaya naman ay naglakad ako papunta sa may sopa at tinanggap ang baso na may lamang juice na bigay ni Mark.

"Thanks, Mark." Ngumiti lamang ito sa akin at nagpatuloy sa pagkain habang si Caly ay naglalambing sa gilid ko.

Pumasok ang dalawa at parang galing ito sa seryosong usapan dahil sa mga ekspresyon ng mukha nila na agad nagbago nang inaya na magmeryenda. 

Sabay sabay kami kumain sa hapag ng luto ni Rehan. Habang patagal ng patagal, mas nagiging magaling si Rehan sa pagluluto at baka maging chef pa ito sa future. Tiyak busog palagi ang magiging girlfriend ng panganay ko na 'to.

Pinalipas namin ang buong gabi sa panonood ng palabas hanggang sa napagdesisyonan na matulog na dahil nga may pasok pa bukas ang mga bata.

Kinabukasan ay napag-isipan namin na pagkatapos ihatid ang mga bata ay pumunta sa may Parke kung saan nakilala ko ang mga bata. Ang Parke na 'to ang isa sa mga lugar na hinding hindi ko pagsisishan na puntahan ng paulit-ulit dahil sa Parkeng 'to, nakita ko ang rason ng buhay ko, ang rason kung bakit kailangan kong magpatuloy.

Ngunit sa Parke ko rin pala makikita ang isa sa pinakamasakit na pangyayari.

Si Papa. Kasama ang bago niyang pamilya. Nakangiti itong katabi ang babaeng may hawak ng isang bata. Marahil iyon ang batang lumabas noong napagawi ako sa emergency room.

Sa sobrang saya niya siguro, nawala ang ngiti niya nang dumapo ang tingin niya sa Anak niyang minsan na niyang iniwan at ipinagsawalang bahala.

"MUKHANG ANG SAYA ng pamilya mo ngayon, Pa," paninimula ko.

Nasa may walang tao kami ng Parke. Tanaw pa din namin ang mag-ina niya at ang iba niyang Anak na naglalaro sa may slides at duyan.

Kita ko kung paano dumaan ang takot at kaba sa mata ng Ina ng mga Anak niya nang lumapit ako ng tuluyan sa kanila.

Para ngang sasabog ako ngayon sa kaba at takot, hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ako nang-iwan pero bakit ako ata ang kinakabahan. 

"Masaya kami, masaya ako," mahinang sagot nito.

Nang lingunin ko siya ay nakita kong nakatingin ito sa mag-ina niya at kitang kita ang saya sa mga mata nito na parang kumiskislap sa saya sa nakikita.

"Pero paano naman ako, Pa? Paano naman kami?" Hindi ko napigilang tanong.

Hayan na at may nagbabadya na namang luha. Umaga pa pero umiiyak na naman ako. Paano ba naman kasi. Naalala ko na naman ang mga panahong sobrang kinailangan ko ng isang Ama ngunit walang nagpakita.

"Hindi ka mahal ng Tatay mo kasi kung mahal ka niya, kung mahal niya tayo, nasaan siya? Naroon sa babae niya! Hindi ka niya mahal, Maya! Itatak mo sa utak mo ang mga katagang 'yan! Hindi ka niya mahal dahil mas pinili niya ang babae niya imbes sa akin!" sigaw ni Mama sa mukha ko habang tumutulo ang kaniyang luha.

Unang beses ko siyang nakita na umiiyak dahil kay Papa. Never kong nakita si Mama na maglabas ng sama ng loob patungkol kay Papa.

"H-Hindi Ma! Mahal tayo nun baka babalik din 'yon!" pagpupumilit ko.

Kaarawan ko ngayon at sigurado akong uuwi si Papa para batiin ako ng happy birthday. Alam ko 'yon! Ayaw lang makinig ni Mama.

Nagulat ako nang hawakan niya ang pisngi ko at lumuluhang tinuturo ang noo ko. "Kung mahal niya tayo at uuwi siya. Bakit hindi ka niya nagawang batiin sa lumipas na sampong taon? Ha?! Bakit walang bulto ng Ama mo ang nagpakita sa'yo tuwing kaarawan mo?! Kasi nga hindi ka niya mahal! Hindi ka niya mahal!" Paulit-ulit niyang sigaw.

"Hindi mo lang ako mahal eh," naiiyak kong bulong pero sapat na para marinig niya.

"Lagi akong humihiling kapag umiihip ako ng cupcake na nabibili ko ng otso pesos na sana magpakita ka kahit ilang minuto lang. Hindi ako naniwala kay Mama na hindi mo'ko mahal pero sa bawat taon na hindi kita nakakausap at nakikita, unti unti na akong naniniwala kay Mama. Hindi maganda ang pamumuhay ko sa bahay ni Mama, Pa. Para akong alipin at sa tuwing napapanood ko iyong Cinderella sa palabas lagi kong nasasalamin ang sarili ko na 'bakit parang ako 'yon?' pero ang kaibahan ay kailangan ko ng Prince Charming na tatawagin kong Ama. Hindi ko kailangan ng prince charming na ihaharap ako sa altar bagkos kailangan ko ng prince charming na maghahatid sa akin sa altar. Kaso wala eh, haha," natatawa kong saad.

Tahimik lang si Papa.

"Alam mo noong dinatnan ako? Akala ko mamamatay ako dahil nga sa maraming dugo sa higaan ko. Sa sobrang takot ko, bukam-bibig ko ikaw. Wala namang paki si Mama sa'kin eh. Ako pa nga maglaba ng mga telang naduguan ko. Ang bibigat nun, Pa. Sa isip ko baka kapag kasama kita medyo mapapadali ang paglalaba at pagbabanlaw ko kasi strong ka eh. Nabubuhat mo nga ako noon."

"'Nak." Hindi ako nakinig ay nagpatuloy ako sa paglabas ng sama ng loob ko.

"Tapos noong may Family Day sa school namin. May palaro doon na dapat father and daughter. Kaso wala akong Ama no'n kaya nakaupo lang ako sa gilid at pilit ang ngiti habang nakatingin sa iba kong kaklase na kasama ang Papa nila...All I wanted was a Father to stay by my side. P-Pero hindi mo nagawa." Tuluyan ng nagsitulo ang mga luha ko kasunod ang pigil na mga hikbi.

"Tinatanong ko sa D-Diyos kung anong nagawa ko sa sinapupuunan ng Nanay ko kung bakit ko nararanasan ang mga naranasan ko. Pa, kinailangan kita ng sobra. Sobrang kulang ng pagmamahal ni Mama ni hindi ko maramdaman. Sana...sana kung nandoon ka hindi ko naranasan ang gano'n. Baka hindi ako nagkanda-ugaga kakasusunod sa utos ng mag-ina mo."

Hindi ko na pinigilan pa ang sarili ko na umiyak nang yakapin ako ni Papa at umiiyak na din siya.

"Hindi ko alam, 'Nak. H-Hindi ko alam."

"Hindi mo talaga malalaman. Naging duwag ka eh. Mas pinili mo kami, akong takbuhan at talikuran... Ama lang naman ang hinihiling ko pero bakit pati 'yon hindi ko maranasan? Wala akong ginawang mali, Pa. Wala!"

"N-Natakot ako, 'Nak. Natakot ako na baka pagbalik ko hindi mo na ako tanggapin---"

"Anong hindi tatanggapin? Pa! Ama kita! Sino ako para hindi ka kilalaning Ama? Anak ako pa, kailangan ko ng Ama! Kailangan ko ng magulang! Pero wala! Hindi niyo nagampanan!"

"Nangako akong kukunin kita mula sa kaniya ngunit sa araw na pumunta ako, nakita kong may kahalikan ang Mama mo sa labas ng bahay natin. Hindi ko magawang estorbohin sila. Kung hindi ko pipiliin ang Mama mo, ikaw 'Nak, pipiliin kita. Kaso ayaw kang ibigay ng Nanay mo eh."

Umiiyak akong takang napatingin sa kaniya.

"Ano?"

"Binalikan kita 'Nak, promise. Kaso ayaw akong payagan ng Mama mo. Ikaw daw ang magbabayad sa kagaguhang ginawa ko pero 'Nak, hindi naman ako ang unang nagloko eh. May sikreto nga akong tinatago mula sa inyong lahat."

"Sikreto? Pa, ano 'yon?" Nagdadalawang isip itong humawak sa kamay ko. Nanginginig siya, gano'n ba kalalim ang sikretong tinatago niya?

Nang hindi pa din siya sumagot, "Pa ano ba! Sabihin mo na!" pumapadyak kong saad dahil sa gigil.

"'Nak promise hindi ko ginusto. Naging totoo ako sa Mama mo. Naging buhay ko siya 'Nak. Pero nang malaman ko, gumuho ang buhay ko 'Nak at doon ko nga nakilala ang babaeng Ina ng mga Anak ko. 'Nak mangako ka sa'kin, hindi mo ako itataboy. M-Mangako kang hindi magbago ang tingin mo sa'kin," utal nitong saad na mas nagpadagdag ng antisipasyon.

"Pa---!"

"Hindi ako ang Tatay mo."

"KUMAIN KA MUNA, Maya. Pauwi na ngayon ang mga bata. Gusto mong makita ka nilang ganito?" Hindi ko ginawa ang kanina pang pinipilit na ipagawa sa'kin ni Nemesis dahil sa puno ng katanungan ang isip ko ngayon.

Sino ang totoong Ama ko?

Kaninong Anak ako?

Bakit hindi sinabi ni Mama ang totoo sa'kin?

Kung hindi ako Anak ng kinikilalang Ama ko, sino?

Ma, sino?

Bakit sa tingin ko ay nabuhay ako sa kasinungalingan?

"Maya---"

"Hindi nga ako kakain, paulit-ulit naman," inis kong saad at tahimik na pumasok sa kuwarto pero bago ako tuluyang magsara ng pinto, nilingon ko si Nemesis. "Maintindihan mo sana ako, Nem. Gulong gulo ako ngayon. Ikaw na muna ang bahala sa mga bata."

Nang tuluyan ko na itong masirado, pigil ang luha ko na mahiga sa kama dahilan ng hindi ko mapigilang hindi pag-iisip patungkol sa tunay kong Ama.

Kaya ba ganoon na lang nila ako tratuhin dahil alam nilang hindi kami magkaparehas ng Tatay? Kaya ba si Kuya Mike ang parang tinuturing ni Mama na bunso sa halip na ako? Kaya ba nasasabi ng ibang tao na katulong ako ni Ate kapag nasa mall kami kasi hindi kami magkamukha? Kaya ba laging sinasabi ni Mama na hindi ako mahal ni Papa kasi hindi ko siya Papa?

Argh...ang gulo ng buhay ko.

Daming plot twist, pwede ko na gawing libro 'tong istorya ng buhay ko.

Pinalipas ko ang buong hapon hanggang sa maggabi at oras na ng pagtulog ng mga bata. Nakakain na din ako dahil binuksan ni Rehan ang kuwarto gamit ang sariling susi niya at napansin ko pang kinuhaan ako ng letrato na siyang hindi ko na lang pinansin.

"Magiging maayos din po ang lahat, Ma. Mahal ka namin."

"I love you, Mama."

Hindi ko sila kinibo dahil wala talaga akong lakas na gawin 'yon. Pagkatapos nilang humalik sa akin ay pinatay din nila ang ilaw at natulog na.

Dahil sa hindi ako makatulog, dahan dahan akong bumangon at nakita kong mahimbing na ang tulog nila.

"Pasensiya at nadadamay kayo sa drama ng buhay ni Mama ha," saad ko bago ko isinara ang pinto ng kuwarto at tahimik na lumabas ng bahay tapos ini-lock gamit ang susi at naglakad lakad.

Habang nasa kalagitnaan ako ng tahimik kong paglalakad, napansin kong mag-a-ala una ng gabi at bigla na lang bumuhos ang napakalakas na ulan.

"Potangina ngayon pa talaga," bulong ko at ginawang payong ang mga kamay ko. Hindi pa man din ako nag jacket kaya talagang basang basa ako.

"Ang lakas ng ulan, putik na 'yan." Patuloy ako sa paglakad-takbo sa gitna ng daan. May mga dumadaan pa na mga sasakyan pero sobrang kaunti na lang din at bilang lang sa daliri. Malay ko bang napalayo ako ng paglalakad.

Nang mapagod ako at hinihingal na, hindi ko na lang ininda ang malakas na buhos na ulan at tahimik lang akong naglakad pauwi at minsay ay pumapadyak sa daan at sumisigaw. Walang makakarinig sa akin dahil sobrang lakas ng ulan at nagsisimula na akong lamigin.

"H-Hindi ko hiniling na maranasan ko ang ganito, Lord! Pero b-bakit mo pinaparanas sa'kin!" nauutal kong sigaw sa gitna ng paglalakad ko dahil sobrang giniginaw na ako ng sobra.

Nalaman ko pang nawala ang susi ko. Nasa bulsa ko lang 'yon kanina eh.  Kakatalon ko siguro kanina. Kaya ang resulta, nanginginig akong naupo sa may hamba ng pintuan at niyayakap ang sarili dahil sa lamig ng hangin dagdag pa na basa ako buong katawan.

Nagagawa ng pagda-drama, Maya.

Nagising na lamang ako nang maramdaman kong may mainit na dumadapo sa noo ko. At nang iminulat ang mga mata ko, parang nagising ang diwa ko ng kaunti pero agad ding nawala nang mapagtantong mali ang nakita ko.

Akala ko kasi siya.

"Maya! O my God ano bang nangyari at bakit nasa labas ka ng bahay?"

Malamang lumabas ako gamit ang pinto. Bonak din itong si Nemesis minsan eh.

"...kung hindi pa ni-check ni Ac—ni Rehan ang labas hindi ka pa niya makuha doon at baka dalhin ka na sa hospital ngayon. Kaso hindi pumayag si Rehan dahil baka ayaw mo."

Tumango ako ng kaunti at bumangon.

"Hindi naman ko mamamatay, parang ilang oras lang akong tulog eh." Kinapa ko ang noo ko. "Oh, hindi na nga masyado mataas ang lagnat ko."

"Tumahimik ka Maya, dalawang araw kang wala sa sarili but---"

"Ano?!" Kunot noo ko siyang tiningnan at napatingin sa sarili ko ng ilang beses.

"Tangina? Dalawang araw?!" Tumango si Nemesis at inilahad ang lugaw na hawak niya.

"Oo nga, dalawang araw. Paulit-ulit naman 'to."

Parang linya ko 'yon ah.

Gaya gaya 'tong si Nemesis.

"Oh heto kainin mo 'to kung ayaw mong pagalitan ka ng nag-aalala mong mga Anak. Kung kita mo lang kung gaano ka high blood iyong panganay mo habang pinupunasan ka. Baka iyong lagnat na mismo ang umalis sa katawan mo dahil sa takot." Napailing ako sa narinig at nagsimulang kumain ng lugaw na handa niya.

Nalaman kong nasa klase na uli ang mga bata. Hindi ko man lang sila naigala noong sabado.

"Hindi namin alam bakit wala sa sarili mo. Ni hindi ka namin makausap ng maayos. Tumatayo ka, kumakain pero 'yon na 'yon, walang matinong usapan ang nangyayari kasi nga nagagalit ka, kaya sa kwarto muna ang mga bata natulog maliban kay Rehan na ayaw kang iwan kasi baka umalis ka ulit."

Nakatulala lang ako sa kutsarang hawak ko at dahan dahang isusubo at ilulunok ang lugaw. Kung sa dalawang araw na 'yon wala ako sa sarili ko, ano kayang nangyayari sa'kin? Eh hindi naman ako gano'n? Never naman nangyari ang gano'ng scenario.

"Baka stress lang 'to. Alam mo naman ang daming nangyari. Magulo utak ko kaya siguro ako nagkaganito. Hindi bali babawi na lang ako. Hindi naman na ako mainit, magtatrabaho na lang ako bukas." Kahit ayaw ni Nemesis ay wala siyang magawa kasi ako pa din naman masusunod sa buhay ko.

AKALA KO ay magiging normal ang trabaho ko ngayon ngunit pumasok si Draco sa kainang pinagta-trabahuan namin ni Nemesis. Si Nemesis ay nasa loob lang dahil ayaw niyang makita siya ng ibang tao kasi baka tauhan daw ito ng ama ng Anak niya na siyang naintindihan ng nagmamay-ari na kainan.

"Good morning, Sir. May I take your order?" saad ko at medyo nagulat ito nang makitang ako ang nasa harap niya.

"Oh my god, Maya. How have you been?" tanong nito at tila may gusto pa itong sabihin ngunit pinigilan ko.

"I'm at work right now, Draco so please if you want to talk to me, wait... So, ano kakainin mo today?"

Matapos kong makuha ang order niya ay agad ko itong dinala sa kusina at agad akong nagpaalam nang mailagay ko ang pagkain niya.

Natapos ang shift namin at sabay kaming lumabas ni Nemesis sa may likod ng kainan papunta sa may sasakyan ni Draco.

Si Draco iyong isa sa mga kaibigan ko sa kompanya pero minsan lang din kaming magkita sa laki ng lugar doon at sa kadahilanang minsan lang din ako lumabas ng opisina.

"Draco!" tawag ko sa atensyon niya sabay kaway. Kumaway ito pabalik sa amin at lumabas sa kotse nito.

Hawak hawak ko and kamay ni Nemesis na tahimik lang na sumusunod.

"Naghintay ka nga... Anyway, this is Nemesis, my friend," pagpapakilala ko nang tumigil kami sa gilid ng sasakyan ni Draco.

"Nemesis, nice meeting you." Iniabot ni Nemesis ang kaniyang kamay na agad na tinanggap ni Draco. Napatitig pa ito sa mata nito.

"Ocean blue..." Tumikhim ito at nakipagkamay. "Draco Ardila." Balik nitong pakikipagkamay.

Nang hindi sila gumalaw parehas ako nanang tumikhim at nagsalita. "Okay! Tama na titigan. Saan mo kami dadalhin Draco?" tanong ko habang papasok sa sasakyan. Si Nemesis na pinaupo ko sa harapan kasi wala lang, trip ko lang nasa likod.

"How about mall? My treat. Bilhan mo na din ng laruan ang mga bata."

Well, he knows about my kids. Lahat naman ng nasa kompanya alam na nag-ampon ako ng mga bata galing sa lansangan. Syempre, hindi na maiiwasan ang may manghusga, talagang pinapatagos ko na lang sa kabilang tenga kasi wala naman silang naging ambag sa mga pinagdaanan namin so sino sila para magsabi ng mga gano'n.

Filipinos and their mouths.

Hindi naman lahat pero may mangilan-ngilan.

"Sige ba. Libre mo ah. Wala pa kaming sweldo eh, sa Friday pa." Tumango ito at nagpatuloy sa pagmamaneho.

Tahimik lang din si Nemesis sa buong byahe, nagsasalita lang kapag tinatanong o hinihingi opinyon.

Agad kaming nagpunta sa may mga damitan dahil ayun ang gusto ni Draco na ibigay sa mga bata kaya agad akong dumeretso sa may mga pambabae at nagpili ng hindi kamahalan na mga damit, dalawang piraso lang tapos sumunod na ako para kay Briel at Mark at pinahuli ko na ang damit kay Rehan dahil nawala si Nemesis sa paningin ko kaya kinabahan ako.

Ito pa man din ang unang beses na nahiwalay kaming dalawa sa public place kaya agad na hinanap ng mga mata ko ang bulto ni Nemesis nang makita ko itong kausap ni Draco.

May hawak na damit si Draco na panlalaki tapos pinapipili niya si Nemesis. Minsan ay nangiti si Neme, minsan naman at seryoso lang.

Mukhang na love at first sight si Draco ah.

Nang mapanatag ako na ligtas si Nemesis, agad akong nagtungo sa damit na kakasya kay Rehan. Habang pumipili ako, nahagip ng mata ko ang mag-jowa na pumipili din ng damit na mukhang ang babae lang ang may gusto kasi hindi naman masaya ang ekspresyon ng lalaki. Hindi ko mapigilang hindi marinig ang conversation nila.

"Gerald naman eh. Minsan na nga lang tayo lumabas ganito ka pa umakto," saad ng babae at padabog na binalik ang hanger na may damit sa lalagyan.

"Eh kailangan ko ngang umalis muna," sagot ng lalaki.

Suminghot-singhot na ang babae senyales na naiiyak ito.

"Alam mo, ako 'yong girlfriend mo pero maraming beses mo ng pinaramdam na mas mahal mo si Stacey kesa sa'kin."

"Shut up, Leigh. Alam mo ang pinagdadaanan ni Stacey. She's depressed. What should I do then? Paano kapag pinatay nun sarili niya? Edi karga ko pa konsensiya?" Alam kong naiinis ang lalaki pero pigil naman nito ang tumaas ang boses dahil nasa public.

"Alam mo? Mabuti pang maghiwalay na lang tayo. Wala din namang patutunguhan itong potanginang relasyon na 'to eh. Ano bang napapala ko sa'yo? Wala! Kasi puro overthink na hindi ko maintindihan kung bakit nag-ooverthink!" dagdag nito.

"Sa tingin mo ginusto ko? Ginusto ko ang nag-overthink? Hindi mo alam kung saan galing? Hindi mo alam ang rason? Malamang ikaw! Ikaw Ang rason kung bakit ako nag-ooverthink kasi mahal kita! Assurance lang naman ang hinihingi ko, Gerald eh. Assurance! Bakit? Sa tuwing kailangan kita lagi mong sinasabi na mas kailangan ka ni Stacey kasi ano? Depressed? The hell? You know her, Gerald. She's a relationship breaker and don't you dare come back to me when you realized what's her real agenda. Don't you fucking come back to me."

Nala 'O' ang labi ko sa naririnig. Nakakasaksi ako ngayon ng break up thingy. Dahan dahan kong ibinalik ang damit na hindi ko napili at dahan dahang Napatingin sa gawi ng babae na ngayon ay umiiyak na.

Tahimik kong kinuha ang panyo sa aking bulsa habang hawak hawak ang mga damit na napili at inaabot sa babae.

"You'll be okay," saad ko na nagpatingin sa kaniya sa akin.

Nginitian ko siya ng marahan at kinuha ang kamay niya para ilagay ang panyo mo roon.

"Guys like him tend to suffer at the end. Making decisions without thinking about it a thousand times. You'll be fine." Tumango ito at pinunasan ang luha.

"Salamat dito, Ate. That Stacey is a bitch kasi. Madami na siyang relasyon na nasira using that depress card then always using the victim card at the end. And that bastard, hindi niya na lang sabihin na he's cheating on me with that bitch. Tsk, annoying." Mahina akong natawa dahil ang cute niya tingnan eh. Maybe she's in her 19 or 20.

"Slay, girl. You're still young and there's a lot of guys out there. Guys that will give you what deserve but remember, choose one. Because y'know, cheating is not a mistake, it's a choice."

Continue Reading

You'll Also Like

11.8K 173 44
Welcome to my fictional world, purelovers, where pure love exists. This story belongs to Mika Fable. Purely Fictional Writer of Purely Fictional Sto...
8.7K 187 27
Hindi parin nakaka-move on si Kyla sa ex boyfriend na si Zander na masaya na ngayon sa piling ng pinsan niya. Tapos ay kinukulit pa siya ng playboy a...
85.2K 1.5K 12
"I've waited for her since I was a kid," he said. "What makes you think that I would give up waiting just because you told me to do so?" he confident...
770K 108K 39
Yaduvanshi Series #3 it is a book under yaduvanshi series. But it could be read as standalone too. Nitya Raghavendra is a telugu businesswoman earnin...